The Legendary GANGSTER Meets...

بواسطة kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... المزيد

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕29

42.1K 468 47
بواسطة kellylee0101

SAM's POV:

"Ouch!!"

Sabi niya habang napahandusay agad sa sahig.

Sino pa ba?

Edi ang mahaderang si Cassie.

Hindi ko alam kung ano bang mali sa pinakita ko sa kanya para umarte siya ng ganito sa harap ko at sa harap ng maraming tao.

Napatitig lang ako sa kanya habang hawak ang tray na naglalaman ng mga pagkain na inorder ko.

At ang lahat ng tao sa cafeteria, nabaling ang tingin samin.

Pinapalabas ba niya na masama ang ugali ko?!

Eh unang-una, kitang kita ng dalawa kong mata na ibinangga niya talaga sakin ang katawan niya. At take note, mahina lang yun. Anong dahilan at napahandusay siya?

Ano siya?

Sibuyas, ganoon? Manipis ang balat?

Hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o magsosorry muna. Pero ang alam ko lang sa ngayon, may binabalak na hindi maganda ang babae na 'to sa pagpasok niya sa buhay ko.

Parang huminto ang oras sa paligid naming dalawa, ako nakatitig lang sa kanya, siya naman nakahandusay sa sahig na parang tanga at ang lahat ng tao, pinagbubulungan kaming dalawa.

Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko para lapitan siya, kaso may biglang humila sakin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Si Chase.

Akala ko ba antok na antok siya?

WAIT. Wag mong sabihin na siya ang tutulong sa kanya? AT kakampihan pa niya si Cassie ha?

'Please. Don't do that.' Sabi ng utak ko.

Maya maya pa ay hinila niya ako papalayo sa harap ni Cassie. Napatulala ako sa aksyong ginawa niya kaya tumindig lang ako at bumitiw sa pagkakahawak niya sakin.

"Wait, Chase si Cass--"

Kahit sabihin mo pa na sinadya niya yung nangyari kanina, kailangan ko pa rin siyang tulungang tumayo dahil nagiging sanhi na kami ng usapan.

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya at aktong aabutin na sana niya nang biglang tapikin ni Chase ng marahan ang kamay ni Cassie.

Nagtaka ako sa ginawa niya. Si Cassie, napanganga.

"Wag na wag mong mahawak-hawakan si Sam."

Sabi ni Case habang galit na galit na nakatingin kay Cass.

"Chase---"

Mahinang sabi ko.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita? Tyaka ano 'to? Gumagawa ka pa talaga ng eksena sa eskwelahan ko? Pwede ba Cassie. Umalis ka na dito!"

Dagdag pa ni Chase. Hindi niya ako pinapakinggan, napaka-straightforward niya masyado. Parang ako na yata mismo ang nahiya para kay Cassie dahil sa mga salitang binitiwan ni Chase.

Napatingin ako kay Cass na mag-isang tumayo at pinagpagan ang sarili. Yumuko pa muna siya at binigyan ako ng masamang tingin sabay ngumiti ng nakakaloko bago magsalita.

"Ako na nga 'tong nasaktan, ako pa 'tong may kasalanan."

Sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Hindi ba't ikaw ang bumangga sakin?"

Napasabat ako bigla para ipagtanggol ang sarili ko.

"Ba't ko naman gagawin yun? Ako nga 'tong napaupo agad tapos ako pa pala may kasalanan. Hindi ba dapat humihingi ka na lang muna ng tawad bago ka magsalita diyan?"

Napa-cross na siya ng arms at mataray na nakatingin sakin.

Aba't inuubos yata talaga ng babae na 'to ang pisi ng pasensya ko ha?

Hiyang-hiya naman ako sa kanya, eh kitang kita ko na ako ang binangga niya. Pano ko naman maipagtatanggol ang sarili ko sa kanya kung siya nga naman 'tong umarte ng nasaktan.

Mas mabuti pa nga yata na humingi na lang ako ng tawad para matapos na 'tong walang kwentang usapan at eksenang ginawa ni Cassie kesa naman patuloy pa akong makipagtalo sa kanya.

Huminga pa muna ako ng malalim bago magsalita.

"Sor-----"

Kaso bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko, naunahan na ako ni Chase.

"Bakit naman niya gagawin yun? Kitang-kita ko mula sa lugar ko kanina ang ginawa mo. Kung inaasahan mo na makakagawa ka ng dahilan para magalit ako kay Sam at siraan siya sa mga tao dito---Pwes, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. NAG-AAKSAYA KA NG ORAS AT PANAHON MO!"

Matigas na sabi ni Chase kay Cassie.

"Tara na, Sam."

Pangya-yaya pa niya sakin. Nauna siya sakin maglakad kaya nakisunod lang ako.

Nakita ko kung gaanong inis ang naramdaman ni Cassie. Kitang-kita sa mukha niya na hindi siya nagtagumpay.

Ano ba kasing problema ng babae na yun at nagkakaganun siya?

Ang alam ko nung isang araw maayos kami, tapos ano ngayon 'tong pinapakita niya?

Hindi kaya't may MULTIPLE PERSONALITY DISORDER si CASSIE?!!? O___O

Sa mga sumunod na oras, naging matiwasay naman na nairaos ko ang araw na yun na hindi na ulit nakakasalamuha si Cass. Nag-aral pa talaga siya dito sa TPHIS para lang mang-asar ha?! Bilib na ko sa kanya.

PE time kaya nagpunta ako sa dressing room para magpalit into swimsuit dahil swimming class namin ngayon. Si Chase naiwan sa pool area dahil magsisimula na rin kasi yung swimming class nila with Sir Valdez.

Don't worry, magkahiwalay ang pool ng girls and boys kaya walang bosohan na nagaganap. Bwahahahaha! (_ _)V

Habang nasa loob ako ng dressing room, biglang may nagsalita. Ang alam ko ang section lang namin ang kasabay ng section nila Chase sa swimming ng ganitong araw kaya may possibility na classmate ko 'to or classmate niya.

"That girl Sam is irritating."

Sabi ng isang babae na padabog na binagsak ang mga gamit niya.

Nakinig lang ako sa kanya habang patuloy siya sa litanya niya.

"She's really into my nerves! Sarap niyang kalbuhin! Itulak sa hagdan! Haaaaay!!!"

Pagwawala nito.

Sino ba yun? Nakakaloka naman. Hindi lang kasi ako at siya ang tao ng oras na 'to sa loob ng malaking dressing room.

Nang marinig ko na nakaalis na yung babaeng galit na galit sakin, sumilip ako sa labas at tiningnan kung sino siya.

"Sino yun?"

Tanong ko kay Shi na classmate ko nakasalukayan ding nasa loob ng nasabing room.

"Yung babae kanina sa Canteen."

Sabi ni Shi.

Napailing na lang ako. Ano ba talagang sakit ang nadapo sa babae na yun at galit na galit sakin?

"Sam?"

Bati ulit sakin ni Shi kaya napatingin ako sa kanya. May itinuro siya na nasa salamin.

May nakasulat.

*SAMANTHA BERNARDO IS A SLUT! I'LL MAKE SURE SHE'LL SUFFER*

Yan ang nakasulat sa salamin gamit ang lipstick.

Teka? Nalaglag yata sa kung saan ang turnilyo ni Cassie. Bakit ba ganun ang galit nun sakin?! Ako? Magsa-SUFFER?!!

HELL NO!!!

Never in my wildest dreams na hahayaan ko na may aapi sakin! Subukan lang niya!

Itinuro ko lang ang salamin kay Shi na parang nagtatanong kung si Cassie din ba ang may gawa nun at maalam siya na tumango.

Nagkibit balikat na lang ako kahit pa inis na inis na ako ng oras na yun. Dapat pa rin akong huminahon dahil mas matino ang utak ko kesa sa babae na yun.

Pero naiinis na talaga ako sa Cassie na yun ah!

Gamit ang tissue, binura ko ang nakasulat sa salamin at lumabas na sa pool area at nakihalobilo. Doon, nakita ko si Chase na nakatingin sakin kaya nginitian ko lang siya ng malungkot.

Nang matapos ang PE namin, sa labas ng CR naghintay si Chase para sabay na daw kami agad makauwi. Binilisan ko lang ang pagbibihis dahil alam ko na may lakad kami ngayon; dadalin daw niya ko sa ice cream shop. Tamang-tama, nase-stress pa naman ako. Tehehe!

Pagdating ko sa labas, wala akong Chase na inabutan.

Alam niyo ba kung sino?

Edi si CASSIE na naman.

Pambihira talaga 'to. Mukhang hindi ako lulubayan eh. Badtrip ah! Nakakairita na.

Inihakbang ko ang mga paa ko at akmang lalampasan siya ng bigla niya akong hilahin sa kamay.

"Hep hep hep. Saan ka pupunta?"

Sabi nito matapos akong pigilin.

"Pwede ba Cass. Bitiwan mo ko."

Sabi ko sabay hawi sa kamay niya kaso diniinan niya ang pagkakahawak sa kamay ko dahilan para masaktan ako.

"A--a--araaay!"

Sabi ko.

"Masakit ba? Sorry ah."

Nakangiti niyang sabi sabay padabog na binitawan ako.

"Ano bang problema mo ha? Nung isang araw nagpunta ka pa sa bahay ko para lang humingi ng tulong tapos ano ngayon 'to? Anong palabas 'to?!"

Singhal ko sa kanya habang hawak ang kamay ko na nasaktan sa ginawa niya.

"Anong problema ko?! IKAW!!! IKAW ANG PROBLEMA KO!!!"

Sigaw niya sakin at pinanlakihan ako ng mata.

"Ano bang nagawa ko sayo ha? Ang bait bait ko sayo!" - AKO

"Yun na nga ang problema eh. Masyado kang mabait, ang plastik mo. Masyado kang pakitang tao!"

Litanya na naman nito.

"Alam mo Cassie, ni minsan wala akong pinakitang kaplastikan sayo. Pero kung yun ang tingin mo wala na kong magagawa dun. If you'll excuse me kailangan ko nang umalis."

Sabi ko sa kanya sabay lakad kaso hinawi naman niya ako.

"You're not going anywhere."

Pagkasabi niya nun sakin sabay tulak niya sakin kaya ako naman ngayon ang napahandusay.

Dali-dali akong tumayo at binigyan siya ng matalim na tingin. Aba, kung hindi ko siya madadaan sa mabuting usapan dadaanin ko na lang din siya sa sakitan! Nakakairita na talaga wa!

"Hoy babae ka! Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sayo dito pero hinding hindi ako papayag na basta mo na lang akong ginaganito!!"

Sigaw ko sa kanya.

"Much better, dahil hinding hindi ako susuko kay Chase. Tandaan mo yan."

Pagkasabi niya nun, nilayasan na niya ako. Pero bago pa man siya makalayo sakin, ang mahadera sinadyang banggain ako sa balikat.

Pagkalayo niya, gustong gusto kong sumabog dahil sa inis. Gusto kong may mapagtuunan ang lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.

Walang ano-ano, umalis ako sa school ng hindi kasama si Chase. Hindi ko mahagilap si Airhead kaya mag-isa na lang ako na gagawa ng paraan para ma-release lahat 'to.

Nagpunta akong mag-isa sa ice cream shop sa kung saan magkasama dapat kaming pupunta. Dahil sa inis ko, napakadami kong inorder.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang mapaluha.

Yay hindi dahil sa mahina ako, yun ay dahil sa wala akong magawa kundi ang iiyak muna ang lahat ng ito.

Haaay. Buhay nga naman, may tao talagang gagawa at gagawa ng paraan para lang makasira sa iba.

Habang kumakain ako, isang pamilyar na boses ang pumukaw ng pansin ko.

.

.

.

.

.

.

Si Seyd.

Napangiti ako at inaya siyang damayan ako sa pagkain ko. Tinanggap naman niya ang alok ko kahit pa pagkatapos ng encounter nila ni Chase ang huli kong kita sa kanya.

"Nag-iisa ka yata?"

Tanong nito sakin habang tinapatan ako sa upuan ko.

"Ah-----oo. May inasikaso kasi si Chase."

Palusot ko.

"Ganun ba? Ahm-------Samantha, gusto ko lang sana mag-sorry about last time."

Napalingon ako sa kanya.

"Wala yun. Tapos na yun. Sorry din ah? Naguluhan kasi ako tyaka ayokong pag-awayan pa namin ni Chase yung araw na yun."

Pagpapaliwanag ko habang patuloy pa rin ako sa pagkain ko.

"Ang totoo kasi, hindi ko naman alam na girlfriend ka niya. Ang totoo din kasi kung hindi pa niya nasasabi sayo, kami ang kalaban niya."

Nakayukong sabi niya.

Kalaban? ANONG KALABAN? Sabi sakin ng utak ko.

"What do you mean?"

Tanong ko.

"Son of A Gun Gang. Isa ako don. Kami ang pinaka-rival ni Chase at ng grupo niya."

Pagkasabi ni Seyd sakin nun, parang mabubuga ko ang lahat ng laman ng bibig ko sa gulat. Wala kasi sa itsura ni Seyd ang sasali sa mga ganun.

"P-P-Pano nangyari yun? Kelan pa?"

Sunod-sunod kong tanong.

"Matagal-tagal na. Hindi ko talaga alam na GF ka niya until nung nagkaharap kami kaya sana pakisabi na lang sa kanya na pasensiya na. Pero samantha, sana walang magbago satin."

Pakiusap ni Seyd sakin.

"Sure. Oo naman, wala ka namang pinakitang masama sakin para layuan kita. Don't worry, just like the old days nandito lang ako."

I assured him.

Pagkaraan ng kaunti pang seryosong usapan, nagulat na lang ako sa sumunod na pahayag ni Seyd na hindi ko inaasahan.

"Sam. alam mo ba na masaya akong nakikita kang nakangiti?"

Sabi nito.

"Ha? Bakit naman? Mukha ba akong clown?"

"Hindi. Alam mo kasi. Ah---Kasi, yun lang din kasi ang dahilan kung bakit ako napapangiti."

"Ano ka ba! Parang hindi naman."

Pagbibiro ko para mabawasan naman ang awkwardness.

"Hindi, seriously nga. Ang saya-saya ko kapag nakangiti ka."

"Sus. Dinaan mo pa ako sa pambobola. Oo na, sige na nga!"

Sabi ko sa kanya.

Yumuko pa muna siya ulit bago magsalita.

"I like you Sam. I really like you."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ni hindi ko alam kung paano ako magrereact.

Napatungo ako sa malayo.

.

.

.

.

.

.

.

.

Naknamputs.

Si Chase.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya.

"Chase-----"

Pero hinawi niya ang kamay ko.

"Kaya pala bigla ka na lang nawala, may kasama ka na palang iba."

Pagkaraan nun, emotionless na iniwan niya akong nakatayo at lumakad papalabas ng shop.

Eto na naman kami, kakaayos lang namin nagkagalit na naman kami.

___________________________________________________________

TO BE CONTINUED....

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Connection بواسطة Ara

قصص الهواة

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
21.3K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
350K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys