Obsession 2, Claiming Her (Co...

By rhodselda-vergo

304K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Twenty-two

8.3K 249 2
By rhodselda-vergo


ALAS-TRES pa lang ng hapon ay bumalik na sa mansiyon sina Alexa at Gaizer. Kasunod ng mga ito ay si Lola Amara. Nagpaalam naman sandali si Franco para kumuha ng ibang gamit. Naiwan si Coleen sa beach at tinutulungan ang cook sa pagluluto ng natirang iihawin para sa kanila. Tagalang seryoso si Franco na mag-overnight sila roon.

Nang isang maliit na hiwa na lang ng tuna ang iihawin ay pinagpahinga na niya ang cook. Pinayagan na niya itong umalis. Binabantayan niya ang iniihaw habang pinapaypayan. Mamaya ay namataan niya si Franco na paparating. May bitbit itong basket at sa isang kamay nito ay nakarolyong foam na may bed cover at may isang unan pa.

"Bakit ikaw ang nag-iihaw? Nasaan si Mang Leo?" tanong nito nang makalapit sa kanya.

"Pinauwi ko na siya. Kanina pa siya nag-iihaw," aniya.

"Hayaan mo na 'yan. Ako na ang bahala riyan. Let's go sa cottage," sabi nito.

Sumunod naman siya rito sa inuukupa nilang cottage. Tinulungan niya ang binata sa pag-aayos ng dala nitong gamit. Inilabas nito ang mesa sa tapat ng cottage. Maganda naman ang panahon kaya okay lang kung doon sila kakain sa labas. Inilatag nito ang foam sa papag ng cottage.

"Akala ko ba mag-o-overnight tayo? Bakit may dala kang foam at unan?" tanong niya, habang inaayos niya ang mga pagkain sa mesa.

"Baka kasi gusto mong umidlit. Nagdala pala ako ng ekstrang t-shirt. Isuot mo muna kung ayaw mong maligo. Baka pasukin ng lamig ang likod mo," sagot nito.

"Okay. Nagdala ka pa ng wine, meron pa namang tira kanina."

"Para mamayang gabi 'yan. May kanin din akong dala. Naubos na 'yong baon natin kanina. Kumain ka kung gusto mo. Titingnan ko lang ang inihaw," anito saka pinuntahan ang iniihaw nila sa kabilang cottage.

Kumain siya ng kaunting kanin dahil humihilab ang sikmura niya. Masasarap ang pagkain kaya hindi niya maiwasang kontrolin ang diet niya. Minsan lang naman. Pagbalik ni Franco ay dala na nito ang nalutong sliced tuna belly.

"Ginutom ka, ano? Kumain ka pa," anito.

Iisa lang ang silya nila kaya siya lang ang umupo. Kumain din si Franco pero nakatayo lang ito sa tabi niya. Excited na siyang masilayan ang sunset kaya nagmadali siyang kumain. Gusto niyang tumambay sa pampang ng dagat habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"Maliligo ka pa ba?" tanong ng binata.

"Mamaya kapag palubog na ang araw," tugon niya. Uminom siya ng buko juice.

"Hm, exciting 'yon. Malapit na."

Pagkatapos kumain ay naglatag ng kumot sa buhangin si Franco, sa pampang ng dagat. Habang hinihintay lumubog ang araw ay naligo muna sila. Parang bata na nagtatampisaw sa tubig si Franco. Nagpapalutang siya nang bigla siya nitong sinabuyan ng tubig. Na-distract siya at gumanti rito. Ang sakit na ng mata niya dahil sa maalat na tubig.

"Tama na!" reklamo niya.

Nang ayaw pa rin siya nitong tantanan ay sinugod niya ito at pinagsusuntok sa dibdib. Tawa lang ito nang tawa. Pagkuwan ay niyakap siya nito.

"Okay, enough!" anito.

Tumitig siya sa masayang mga mata nito. Napakatamis ng ngiti nito. Bumuntonghininga siya. Hindi niya akalaing makakaranas siya ng ganoong saya sa buong buhay niya. Tipong wala siyang ibang iniisip kundi ang magsaya kapiling ang lalaking walang ginawa kundi paligayahin siya.

Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa batok nito habang matamang magkatitig ang kanilang mga mata. Naghihinang ang tungki ng mga ilong nila. Gusto niyang tugunan ang lahat ng kaligayahang nagawa sa kanya ni Franco. Gusto niyang maramdaman din nito ang ligayang iyon.

"Franco, you gave me space for the joy that I never had. Iba itong nararamdaman ko. I felt complete now, it's because of you. I love this feeling," masuyong pahayag niya.

"Wow. Thank you. I hope you will appreciate all my efforts and I-"

Tinakpan niya ng kanyang hintuturo ang bibig nito. "I know what you wanted to hear from me. Franco, will you be my boyfriend?" aniya.

Napatda ang binata. Saka niya inalis ang daliri sa tapat ng bibig nito. "God! Of course, you will have me, honey! Actually, matagal mo na akong boyfriend, hindi mo lang alam. I love you, honey!" masiglang sabi nito.

Natawa siya. "I love you too, Franc," pagkuwan ay tugon niya.

Walang anu-ano'y siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Ganoon naman ang agarang pagtugon niya sa mainit nitong halik. Halos ayaw nilang maghiwalay sa isa't-isa hanggang sa palubog na ang araw.

"Look!" anito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Itinuro nito ang palubog na araw.

Hindi masukat ang kaligayahan ni Coleen nang sa wakas ay masaksihan niya ang napakagandang sunset.

"Wow!" tanging komento niya. Noon lang niya iyon nagawa na wala siyang ibang iniisip kundi ang palubog na araw.

"Thanks, Coleen. You're the one I'm waiting for to complete my life. I can say that I am the luckiest guy on earth. Of course, I'm the happiest one," seryosong pahayag ni Franco, na siyang nagpabalik sa atensiyon niya rito.

Lalong lumapad ang ngiti niya. Muli niya itong hinarap. "Thank you. Thank you for coming into my life. You're my everything now, my dearest," tugon niya at muling pinaghinang ang kanilang mga labi.

Nang tugunin nito ang halik niya ay tila naging apoy ang dagat. Tumulay ang init sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat. Ang halik ay naging marubrob at kapwa naghahangad ng higit pa roon. Hindi alintana ang ga-dibdib na tubig. Ang kanilang mga kamay ay kapwa naglalakbay sa katawan ng bawat isa. Umungol ang dalaga nang mariing hubugin ng mga kamay ni Franco ang kanyang dibdib.

Mamaya ay binuhat siya nito. Naglakad ito patungo sa pampang. Inihiga siya nito sa nakalatag na kumot. Muling naghinang ang kanilang mga labi. Pumuwesto ito sa kanyang kaliwa at ang isang kamay nito'y pinapalaya ang kanyang dibdib. Nang mahantad iyon ay muli nito iyong hinubog.

Umigtad siya nang ibaba nito ang bibig sa kanyang leeg-hanggang dumako ito sa puno ng kanyang mayamang dibdib. The feeling was different from the last and other sexual intercourse they made. It's more passionate and exciting. She now knows what making love is.

She bit her lower lip. Enjoying the pleasure while Franco's tongue playing her tender nipple. The other hand of him was gently kneading her another breast. It felt so good. She can't stop moaning. She gasped when he deeply sucking the tip of his breast. Nakakahibang ang sarap ng ginagawa nito.

Naramdaman niya ang isang kamay nito na dumapo sa kanyang pagkababae. Nahimasok iyon sa kanyang panloob at banayad na minamasahe ang kabuoan ng malambot niyang kaselanan. Umindayog ang kanyang katawan nang mariing laruin ng hinalalaki nito ang kanyang kuntil.

"Uuhhhmmm... Uhmmmm..." magkasunod niyang daing.

Pagkuwan ay nahimasok na rin ang ilang daliri ng binata sa kanyang puwerta at banayad na umulos ito roon. Lalo siyang nag-ingay. Napakapit siya sa braso ng binata. Pinagsabay nito ang paglasap sa kanyang dibdib at paggalugad sa kanyang ari. Pakiramdam niya'y mababaliw siya sa labis na kaligayahan. Hinahangos siya sa kakatimpi ng tensiyon.

"Oohhh... you're so hot, honey. I want you to come now," sabi nito at biglang binilisan ang pag-urong-sulong ng mga daliri sa kanyang pagkababae.

"Oooohhhhh.... ooohhh... shit! Ooh!" walang humpay na halinghing niya.

Nangatal nang husto ang katawan niya nang gupuin siya ng bayolenteng init at sarap. Hindi siya binigo ni Franco. She's enjoying her beautiful orgasm early that expected. Ganoon kahusay ang kamay ni Franco. Pero may kapalit iyon. Kailangan niya itong pagsilbihan nang patas.

Nang humiga si Franco ay sinimulan naman niyang papakin ang maskuladong dibdib nito. Isinubsob niya ang kanyang bibig sa matigas nitong dunggot saka iyon nilasap. Narinig niya itong umungol. Nanatili siya roon ng ilang minuto bago siya nagdesisyong damhin ang buhay nitong pagkalalaki. Nang mapalaya niya ito at dagli niyang hinubog ng kamay hanggang tuluyang maghumindig. Pagkuwan ay pinasadahan ng kanyang panlasa ang kahabaan nito. Nasabik siyang siilin ng halik ang makinis nitong tuktok.

He moaned and grabbed her hair when she started sucking his cock. She doesn't mind the pain on her head. Mamaya rin ay inawat siya ni Franco. Iginiya siya nito padapa at inangat ang kanyang pang-upo. Napaluhod siya. Inangkin siya nito buhat sa kanyang likuran.

Wala siyang makakapitan kaya nadakot niya ang kumot kasama ang buhangin. Walang tigil ang kanyang daing nang biglang bumilis ang pagbayo ni Franco sa kanya.

"Aaahhhh! Aaahhh!" malakas niyang daing. Pakiramdam niya'y bibigay ang kanyang mga tuhod dahil sa bilis at lakas ng pag-ulos sa kanya ng binata.

Makalipas ang ilang sandali ay iginiya siya nito paupo sa kandungan nito habang nakatalikod siya rito. Sinimulan naman niya ang pag-indayog hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng kontrol. Nagsasalubong ang bawat pag-ulos nila ng binata. Mabuti na lang pribado ang property na iyon at dumidilim na kaya solong-solo nila ang lugar.

"Ooohhh... Ooooh, fuck! Ooohhh...shit!" nahihibang na daing ni Franco.

Naramdaman na naman ni Coleen ang matinding init na umaalburuto sa kanyang kaibuturan. Hindi na niya magawang limitahan ang galaw niya. Mamaya ay pinihit siya ni Franco pahiga saka ito pumuwesto sa kanyang tagiliran. Muli siya nitong inangkin buhat doon.

Mayamaya rin ay lumipat ito sa kanyang harapan at itinuloy ang kalbaryo. Nang umulos ito nang todo ay tuluyang inalipin ng bayolenteng init ang kanyang buong sistema. Nanigas ang katawan niya nang muli niyang danasin ang kanyang orgasmo. Hindi na niya namalayan ang sumunod na pangyayari. Naramdaman na lang niya ang pagbagsak ng pawisang katawan ni Franco sa ibabaw niya.

"Come on, let's swim again, honey!" yaya ni Franco nang mahimasmasan ito.

Nanatiling nakahiga si Coleen ng ilang minuto. Hinahapo pa rin siya. Mamaya ay kumislot siya nang sabuyan siya ni Franco ng tubig. Bumalikwas siya ng bangon. Maaliwalas ang kalangitan kaya hindi ganoong kumagat ang gabi sa kapaligiran. Nagsuot siya ng underwear saka sinamahan si Franco sa paliligo.

MALAMIG na ang simoy ng hangin kaya tumigil na sa pagbabad sa tubig dagat si Coleen. Bigla siyang ginutom kaya iniwan na niya si Franco habang nakahiga sa buhangin na nilatagan nito ng kumot. Hinubad niya ang kanyang underwear para matuyo. Binalot lamang niya ng tuwalya ang hubad niyang katawan.

Mamaya ay lumapit na sa kanya ang binata. Kumain din ito. "How's your stay here, Honey?" tanong nito habang pumapapak ng inihaw na tuna belly. Nakatayo lang ito sa tapat niya.

Nakatayo rin siya habang nilalantakan ang kanin at inihaw na manok. Nilunok muna niya ang unang isinubo niya.

"I'm enjoyed. I really love this place," sagot niya pagkuwan.

"So, do you want to visit here again?"

"Of course, if it's okay for your family."

"I'm always welcome here. Pag-aari na ni Gaizer ang place na ito pero palagi pa rin niya akong pinapapunta rito."

"Mabait din pala ang pinsan mo," komento niya.

"Mabait kung sa mabait, pero kung gaguhan ang usapan, walang tatalo sa kanya."

Natawa siya. "Mukhang hindi ka pa ata nakapag-move on sa pagsira niya sa kasal mo," biro niya.

Tumawa ito nang pagak. "Wala na 'yon, ano. Gusto ko lang makilala mo kung ano ang katangian ng pinsan ko. Para naman maging aware ka," anito.

Napangiti siya. Nabaling ang tingin niya sa kaliwang kamay ni Franco. May peklat sa braso nito na tila bakas ng kutsilyo. Naalala niya ang kuwento ni Alexa tungkol kay Franco, noong naglaslas ito sa pulso. Gusto niya iyong mapag-usapan nila.

"Uh, Franco, naikuwento sa akin ni Alexa na naglaslas ka raw sa pulso noong bata ka. 'Yan na ba 'yang peklat sa braso mo?" aniya.

Biglang naging seryoso si Franco. Tiningnan din nito ang kaliwang braso nito saka ito natawa. "Yes. Nine years old ako noon. Hindi ko maalala kung paano ko nagawa ang bagay na 'yon. Nagising na lang ako na nasa ospital na ako. Ang naalala ko, nag-away kami ni Gaizer dahil sa laruang robot. Iyon kasi ang hiniling ko sa Lolo ko bilang regalo pero kinuha ni Gaizer. Hindi ko matanggap na inangkin na niya iyon at mas kinampihan siya ni Lolo. Masamang-masama ang loob ko. Hindi ako nakatulog at nakakain," kuwento nito.

Tumawa si Coleen pero kaagad din siyang nalungkot. Hindi biro ang pinagdaanan ni Franco. Hindi iyon normal para sa isang bata.

"Ibang klase ka. Nakakatakot ang ginawa mo. Mabuti hindi na iyon nasundan," aniya.

"So far hindi pa naman," nakangiting sabi nito.

"Anong hindi pa naman? Don't say you have plan to do this it again," usig niya rito.

Kumibit-balikat ang binata. "Hindi ko hawak ang sitwasyon. Pero matagal na 'yon, matanda na ako para magawa ang bagay na iyon," sabi nito.

"Pero ang batang nakaranas ng depresyon, prone pa rin siya nito hanggang paglaki," aniya.

"Well, you're right. Dumarating naman talaga sa buhay ng tao ang makaranas ng depresyon. Depende siguro sa sitwasyon. Bakit mo ba gustong pag-usapan ang tungkol sa karanasan ko?"

"Gusto ko lang makasiguro na hindi mo na ulit iyon gagawin. Naalala ko, noong tinakot mo ako na maglalaslas ka, hindi iyon biro, Franco. Kung nagawa mong balaking gawin o isipin, maaring puwede mo rin iyong gawin," nag-aalalang wika niya.

Tumabang ang ngiti ng binata. "Natatakot ka bang mangyari 'yon sa akin?" seryosong tanong nito.

"Of course, yes. Please don't do it again," mabilis niyang sagot.

"Don't worry about it. But I think it's depends on the situation. Ano ba? Masyado kang seryoso. Kumain ka na nga." Binuksan nito ang wine na may kalahating laman.

Hindi na lamang niya ito inusig. Pagkatapos ng hapunan ay muli silang tumambay sa pampang ng dagat na nilatagan ng kumot. Nakaupo sila habang inuunti-unting inuubos ang wine. They are sharing their childhood experiences over a glass of red wine. It was the most cheerful moment for Coleen so far.

Naalala niya, ni minsan ay hindi siya nagkuwento ng kanyang kabataan kahit kanino sa mga taong nakilala niya kahit kay Cedric. Pero kay Franco, wala siyang maililihim dito. Lahat ng karanasan niya, maganda man o hindi ay naikukuwento niya rito. Ganoon din ito sa kanya. Naikuwento nito kung paano ito lumaki. Na-realize niya kung gaano ka-boring ang buhay ni Franco.

Sa murang edad ay namulat ito sa business. Kapag walang pasok sa eskuwela, kasama ito ng Daddy nito sa opisina. Maaga itong natutong yakapin ang responsibilidad sa isang construction firm. Iyon ang paraan ng Daddy nito upang maaliw ito at hindi magnasa sa ibang bagay na makakaapekto sa pag-iisip nito. Inamin nito na ilang beses na itong humarap sa mga eksperto sa pag-iisip.

Hindi kinaya ni Coleen na hindi matulog. Alas-dos ng madaling araw ay iniwan niya si Franco na pinagtitiyagaang maubos ang wine. Natulog na siya. Pero nang magising siya ng alas-kuwatro ay katabi na niya ang binata. Hindi siya makagalaw dahil nakayakap ito sa kanya at ang isang paa nito ay nakasampa sa mga hita niya. Ihing-ihi na siya. Kung gagalaw siya ay baka bigla itong magising. Pero hindi na niya kayang tiisin ang pantog niya.

Nang sinubukan niyang kumilos ay lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Franco. Bigla itong nagsalita habang nakapikit.

"Please, don't leave me. I can't live without you, Coleen. Hindi ko kaya," wika nito.

Natigilan siya. May kung anong emosyong nabuhay sa puso niya. Hindi niya maintindihan.

Bakit ang hirap huminga? Para akong sinasakal?

Nagpumilit siyang kumilos. Nakaupo siya ngunit hindi siya nakaalis nang biglang hawakan ni Franco ang kanang braso niya. Napakahigpit ng kapit nito na halos masaktan siya. Nagulat siya nang makitang gising ito.

"Huwag kang aalis, please!" balisang sabi nito. Nababasa niya ang takot sa mukha nito.

"Ano ka ba? Hindi ako aalis. Naiihi na ako," sabi niya.

Bigla siya nito binitawan nang siguro ay mahimasmasan. "Sorry," sabi nito at humigang muli.

Bumangon na siya at lumabas. Nang balikan niya si Franco ay hindi na ito nakatulog. Nakatalikod ito sa kanya. May kung anong pumipiga sa puso niya habang pinagninilayan niya ito. Humiga siyang muli saka ito niyakap buhat sa likuran. Ginawaran niya ng halik ang likod ng tainga nito.

"I won't leave you. I love you," bulong niya rito.

Pumihit ito paharap sa kanya. Niyakap siya nito. Pagkuwan ay naghinang ang kanilang mga labi. Ang simpleng halik ay nauwi sa nag-aalab na pagtatalik.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
765K 15.8K 38
R-18 Not suitable for young readers. Book Cover ©DJDeeOfficial
327K 17.3K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
264K 4.8K 11
Warning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading "An...