Love, Finally

By FirstLoveLasts

8.3K 288 272

Jona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull li... More

The Cast
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 13

177 5 3
By FirstLoveLasts

"BRUHA ka! Wala ka pa ding isusuot sa Christmas Party?!" gagad ni Sam sakin.

Ako nakakahalata na sa babaeng ito ha. Bakit lagi na lang niya akong dinadaldalan, wala ba 'tong workload? Sumbong ko 'to kay Boss eh.

"Wala pa nga, di na lang ako aattend," sabi ko na lang. Wala talaga akong interes na mag-attend nung party. Kung di lang talaga dahil sa mga pa-raffle, never akong aattend eh!

"Pero balita ko may malaking announcement ang CEO natin eh. Diba nga nasa retirement age na siya? Ipapasa na yata niya yung posisyon niya sa apo niya," bulong sakin ni Sam.

"San mo naman nalaman yan?" curious na tanong ko.

"Kalat na kaya yung balita sa HR! My God, babae ka, tumayo ka naman kasi diyan at makihalubilo!"

"Para san pa kung nandiyan ka naman." Pakiramdam ko frustrated reporter 'tong si Sam, eh.

Natigil kami sa pagkukwentuhan nang pumasok yung boss namin at inipon kaming lahat.

"Okay, team. As you all know, our current CEO will be making an important announcement on our Christmas Party, so I expect all of you to be there," she said with authority, her eyes are directed to me.

Damn. Mukhang hindi pwedeng hindi ako mag-attend. Ayaw kong masabon sa boss ko.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng trabaho, agad na pumunta ako sa mga dress shops sa mall.

Ilang oras na akong paikot-ikot pero wala pa rin akong matinong makita. Sobrang mahal lahat! Kung meron mang mura, hindi ko naman kasya. Nakakainis!

Sa pagod ko, pumunta muna ako sa Burger King at kumain. Diyahe talaga. Mag-Cat Woman na costume na lang yata ako tutal may mask pa rin yon.

Sige lang ako sa pagkain habang nagbbrowse sa cellphone ng mga pwedeng pagpilian na isuot nang may biglang maglagay ng tray sa table ko.

I looked up and saw Rhyken settling down on the chair across mine.

Napanganga ako. Ano na namang ginagawa nito dito?!

"That chair's taken," sabi ko.

He looked at me, his face filled with boredom.

"I don't see anyone," he replied before he started munching on his burger.

"Excuse me, pero ang daming bakanteng table, and as you can see I'm already sitting here. Kaya pwede lumipat ka sa ibang table?" Naiiritang sabi ko.

Again, tiningnan lang niya ako at pagkatapos ay nagpatuloy ulit sa pagkain!

Nakakaasar!

Kitang-kita ko kung pano tumitingin yung mga babae sa table namin. Oh well. May itsura naman tong si Rhyken. Kaso ubod ng suplado kaya ekis siya sakin. Tingin ko sakanya isang malaking parasite.

Since hindi naman siya nanggugulo, hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na din ako sa pagkain at nagbrowse ulit sa phone.

Ang daming magandang suggestions pero jusko, ginto naman sigurado ang presyo ng mga 'to.

"Haaaaaaays..." Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga nang malakas.

"Problem?" tanong nitong nasa harap ko.

Tiningnan ko lang siya. He was looking at me with those furrowed eyebrows.

He somehow looked interested so I guess okay lang naman magkwento.

"Di ko kasi alam kung anong isusuot."

"For?"

"Company Year-End/Christmas party."

"What's the theme?"

"Masquerade."

"And that's a problem? That's pretty easy. Just wear something nice and go to the party. You don't need a mask, we all wear masks everyday anyway."

Hala siya? Ang lalim naman ng hugot na yon!

"27," biglang sabi ko.

"Huh?" He looked puzzled.

"27 words! Yun na yung pinakamahabang sinabi mo sakin na walang pang-iinsulto!"

Aba totoo naman!

"Tss. Crazy."

Balik na naman siya sa suplado mode.

"Anyway, yun na nga yung problema. I can't find something 'nice'."

"Don't you have any dress?"

Umiling ako.

"Nope. Hindi naman ako mahilig mag-dress at pumunta sa mga party. Kung di lang talaga dahil sa 32 inches na Smart TV na grand prize at terror kong boss, hindi ako pupunta eh!"

I'm not sure kung namalik-mata ba ko or what pero nakita kong tumaas yung sulok ng labi niya. Did he just... smile?

"Wow. So you can smile, huh?"

In fairness, biglang ang gwapo niya nung mag-smile siya. Agad na nabura yung kapiranggot na ngiti sa mukha niya nung itanong ko yon.

"Let's go," sa halip ay sabi niya.

"Ha?" It was my turn to be puzzled.

"I know a shop which sells evening dresses with your size," sabi niya habang tumitingin sakin mula sa mukha hanggang... dibdib.

"Pervert!" sabi ko saka itinakip yung mga kamay sa dibdib ko.

He snickered.

"You're not my type. I like my girls slim and tall, not petite and chubby."

Aba't!

Tatalakan ko na sana siya nang bigla niya akong hilahin patayo. Agad na kinuha ko yung bag ko nang kaladkarin niya ako palabas ng BK.

"Hoy! Akala ko ba di mo ko type? Ba't mo hawak yung kamay ko?!"

"I'm holding your wrist, not your hand."

"Pareho lang yon! San mo ba 'ko dadalhin?"

"I told you I know a shop. So stop talking."

My God. Mukha talaga siyang pagsusungit na tinubuan ng mukha!

Pero hinayaan ko na lang siya.

Mayamaya pa ay nasa labas kami ng isang shop. Hindi ko alam bigkasin yung pangalan kasi parang French yon.

Pagpasok namin sa loob, amoy na amoy kong pang-mayaman ang presyuhan dito. Gusto ko nang umalis. Pakiramdam ko kulang pa yung 13th month ko para sa presyo ng isang dress dito!

Agad na may lumapit samin na sales lady na posturang postura pero alam na alam mong nagpapa-cute sa kasama ko.

"Good evening, Sir. Anything we can help you with? Do you need a dress for your..." Napatingin sakin yung babae. "Friend?"

Aba! So ganun ako kapangit para hindi pagkamalang girlfriend?! Burahin ko yang kilay mo, Miss eh.

"Ahh, no. I need a dress for my... aunt. She will be attending a masquerade party, can you help her choose?"

What the fuck? Aunt?!!! Did he just call me his aunt?!

"Of course, Sir."

Bago ko pa masabunutan sa kilay si Rhyken, hinila na ako nung babae. The jerk just waved his hand while smirking! Gago yon!

Hinayaan ko lang na i-assist ako ni ate. Hindi ko naman kukunin to. Jusmiyo. Si Rhyken naman yung mapapahiya, hindi ako.

I tried the black evening gown with lace details... But it didn't look good on me.

She handed me another dress - it was a midnight blue, gothic-inspired gown! Damn it looks really elegant!

Agad na tinry ko yon. I dig anything gothic-like!

Pagkasuot, I knew this dress was for me. It fits me perfectly!

The subtle black brocade lace patterns highlighted my voluptuous shape. Pero hindi ako mukhang bastusin. Tangina bakit ang gaganda talaga ng mga damit pang-mayaman!

Nag-mirror selfie muna ako na natatakpan ng phone yung mukha at inupload yon sa IG and FB story ko bago lumabas ng fitting room.

"Ate, how much is this?"

"That dress is P100,000, Ma'am. And the mask that matches it is P20,000."

Agad na naglaho yung ngiti ko. Parang bigla akong nangati sa suot ko. My God! P120,000 para sa Christmas Party? No freaking way!

Babalik na sana ako ng fitting room para alisin yon nang biglang dumating si Rhyken.

"Di ka pa rin ba ta--pos?" He looked at me from head to bust.. again. Tusukin ko mata nito eh! Alam ko pinagpala ako pero my God ha?

"Hoy! Mata mo!"

Napakurap siya.

"Ah, you're done? Good. Let's go pay for it."

"No way! Di ko kukunin ito. My God ang mahal masyado!"

"It looks good on you though," he suddenly said. "Di masyadong halata yung bilbil mo."

At pagkatapos ay hinarap niya si ate.

"We're getting the dress and the mask. Do you have a pair of pumps to go along with it? Her feet's size 7," sabi niya kay ate at pagkatapos ay binigay niya yung black card niya.

What the heck is going on?!

Agad na lumapit ako sakanya.

"Rhyken! I said I'm not getting the dress! And the mask! Tapos bakit may pumps pa? At bakit alam mo yung shoe size ko?! My God you're creepy!"

"Will you just shut up, Aunt? Just take it, okay?"

"Pero wala akong pambayad!"

He sighed at tapos ay hinawakan ako sa balikat at pinatalikod ako. The next thing I know, he unzipped my dress from the back and pushed me in the fitting room.

"Just get changed. We'll talk later."

What the fuck?!!! Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko kinakaya!

Dali-daling nagbihis ako. And when I finished, Rhyken was already outside the shop, holding a huge paper bag with the shop's logo on it.

Nang maramdaman niyang nasa likod na niya ako, humarap siya saakin at ngumiti nang nakakaloko.

"Total cost is P180,000. You either pay me now in cash or you can agree to be our keyboardist and you won't have to pay a single cent. Which one is it?"

Napanganga ako. Is he even serious?!

Naglakad siya palapit sakin at inilagay sa kamay ko yung paper bag.

"Join our band?"

I just stared dumbfoundedly at his smirking face. I couldn't fucking believe it! Naisahan niya ako!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 12.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
560K 15.5K 53
(πš‚πšπšžπšπšŽπš—πšπš‘πš‚πšπšžπšπšŽπš—πš) β€’Zaniah and Archanaβ€’ This is a GxG story kung homophobic ka bounce na par. (TAGALOG) Date Started: January 15, 2023 ...
91.9K 1.5K 52
She would escape her destiny but not her fate. Date created: Jan. 2018 - May 2019 Requiem For A Mafia (Completed) Requiem For A Mafia - Book 2 (Compl...
8.7M 331K 64
(Academy Series #2) Being the son of the academy's chairwoman pushed Jax to hide his true identity. Introducing himself as a scholar, he was slowly...
Wattpad App - Unlock exclusive features