Obsession 2, Claiming Her (Co...

Autorstwa rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... Więcej

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Twenty

8.9K 228 6
Autorstwa rhodselda-vergo


NAALIW na naman si Coleen sa kuwentuhan nila ni Franco kaya ang ending ay hindi siya nakauwi. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi. Habang tumatagal ay lalong nasasanay ang dalaga na kasama ang binata. Kapag hindi niya ito nakikita o nakakasama, pakiramdam niya't hindi buo ang araw niya. Kahit busy ito sa trabaho ay may oras itong sunduin siya sa gabi at nililibre siya ng hapunan.

Hindi niya maiwasang ikumpara si Franco kay Cedric. Malayong-malayo ang dalawa. Na-realize niya na naging bulag siya sa pagpili ng lalaki. Masyado niyang nabuhos ang atensiyon niya kay Cedric kaya hindi niya napansin na mayroong mas higit pa rito at iyon ay si Franco. Pero hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may katulad ni Franco na halos sambahin siya. May tiwala naman siya sa kanyang karesma pero sa dami ng lalaking nakatrabaho niya ay walang katulad nito na naglakas-loob na magpahiwatig ng interest sa kanya lalo pa't alam nito na may boyfriend siya. Ang tapang ni Franco ay pambihira.

At speaking of Cedric. Hindi siya nito tinantanan ng message sa Facebook dahil sa pahayag niya sa media tungkol sa estado ng relasyon nila. Inaaway na siya nito.

"Nag-deny pa kayo ni Franco samantalang obvious na may malalim kayong relasyon. Huwag kang magpakahangal sa lalaking 'yon, Coleen. Ginagamit ka lang niya. Buksan mo ang isip mo. May mali, hindi ka dapat naniniwala sa magagandang salita niya." palatak ni Cedric sa massanger.

Naiinis siya. Sinagot niya ito.

"Mas magtitiwala ako kay Franco kaysa sa 'yo. Huwag mo na akong guluhin, Cedric. Mag-focus ka na lang kay Natalie. Balita ko nanganak na siya. Tatay ka na kaya magtino ka."

"It's not confirmed yet. Ipapa-DNA ko ang bata. Once napatunayan kong ako ang ama, maninindigan ako at susuportahan ang bata. Pero once, hindi ako ang ama, maaring tama ako na sit-up ang lahat nang ito. I'll assure you, babawiin kita kay Franco," sagot nito.

Bumuntonghiniga siya. "Nasisiraan ka na ng bait, Cedric. Huwag mong idamay ang bata. Maging responsable kang lalaki. Please, tigilan mo na ako," reply niya.

"Okay, hindi kita guguluhin pero once napatunayan ko ang hinala ko, titiyakin ko na kusa ka ring babalik sa akin. Pagsisisihan mo ang desisyon mo."

Hindi na niya ito sinagot. Binitawan niya ang kanyang cellphone saka siya bumangon mula sa kama. Dumeretso na siya sa banyo at naligo. Tanghali na kaya nagmadali siya. Kailangan makarating siya sa tamang oras sa venue ng taping nila para sa bagong endorsement niya. Iyon na ang huling taping pagkatapos ay mababakante siya ng ilang araw. Sumakto ang pahinga niya sa pagyaya ni Franco na mamasyal sa farmland ng pamilya nito sa Tagaytay.

BIYERNES ng umaga. Nagsilbing alarm clock ni Coleen ang maagang pagtawag ni Franco. Naalimpungatan siya at dagling dinampot ang kanyang cellphone saka sinagot.

"Hello?" sagot niya sa namamalat na tinig.

"God! Kagigising mo lang ba? Narito na ako sa tapat ng bahay n'yo," sagot nito.

Bumalikwas siya ng bangon. Patay na! Hindi pa siya naliligo. "Uh, wait, maliligo pa ako. Pumasok ka muna," aniya.

"Huwag ka nang maligo. Maliligo rin naman tayo pagdating sa Tagaytay, eh. Don't say hindi ka pa nakapag-empake," wika nito.

"Nakapag-empake na ako."

"Okay. Lumabas ka na. Maaabutan na tayo ng matinding traffic."

"Okay, wait. Ibababa ko na ang phone."

"Sige."

Nang maputol ang linya ay ipinasok niya sa kanyang shoulder bag ang cellphone saka siya tumakbo papasok ng banyo. Mabilis siyang nag-shower. Pagkatapos ay nagsipilyo. Na-realize niya, kapag si Franco pala ang palagi niyang kasama ay palagi siyang matataranta. Hindi uso rito ang Filipino time. Ang sabi ay alas-sais siya susunduin pero alas-singko pa lamang ng umaga ay naroon na ito. Tulog pa ang ibang miyembro sa bahay nila.

Mabuti na lang nakapagpaalam na siya kagabi pa lang sa Nanay at mga kapatid niya. Isang maliit na maleta lang na may gulong ang nilagyan niya ng mga damit. Magastos siya sa damit kaya nagdala siya nang marami. Haharap siya sa kaanak ni Franco kaya nagsuot siya ng desenteng damit. Isinuot niya ang light blue half-shoulder dress niya na hapit ang baywang at hanggang tuhod ang laylayan. Blue three inches sandals ang sapin niya sa mga paa at pinili rin niya ang light blue shoulder bag. Pinag-isang bungkos niya ang kanyang buhok na kaagad natuyo ng blower. Tinaasan niya ang pagkakatali at nag-iwan lang ng iilang hibla na nakalawit sa pisngi niya. Naglagay lang siya ng manipis na face powder at light pink lip stick. Wala nang maska-masakara. Mabuti na iyong natural ang beauty niya.

Nang biglang bumusina ang sasakyan ni Franco ay lalo siyang nataranta. Eskandaluso ang ingay nito. Hinaklit na niya ang kanyang maleta saka nagmamadaling lumabas. Halos magkanda-dama siya habang palabas ng gate.

Nag-abala pang lumabas si Franco para salubungin siya. Sa inis niya'y kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aw! Bakit?" daing nito. Inagaw nito sa kanya ang maleta niya.

"Apurado ka masyado. Kamuntik na akong mahulog sa hagdan kamamadali," palatak niya.

Nauna na siyang sumakay sa passenger seat. Nang maisakay ni Franco ang maleta niya ay kaagad rin itong sumakay at umupo sa harap ng manibela. Nagmaniobra ito.

"Sorry. Ang tagal mo kasi. Sabing huwag ka nang maligo. Nagpaganda ka pa," sabi nito.

"Ano'ng gusto mo, haharap ako sa kaanak mo na amoy laway at hindi nagsusuklay?" aniya.

Tumawa pa ang hudyo. "Honey, kahit hindi ka maligo o magsuklay, maganda ka pa rin," patutsada nito.

Itinirik niya ang kanyang mga mata. "Just in your eyes only," sabi niya.

"No, you're beautiful anytime, anywhere or anyone else."

"Ah, tama na." Biglang tumunog ang simura niya.

Nasipat siya ni Franco saka ito tumawa. Tiningnan niya ito nang masama.

"I think we should buy some breakfast first," sabi nito.

Naalala niya, kaunti lang ang nakain niya kagabi kaya ang bilis niyang nagutom. Dumaan sila sa drive tru ng isang fast food at nag-order. Mas mabilis iyon. Hamburger at sopas lang ang gusto niya pero may palabok at malaking potato fries na binili si Franco. Habang busy ito sa pagmamaneho ay busy rin siya sa pagsubo ng pagkain.

"Subuan mo ako ng fries, please," utos nito sa kanya.

Sinubuan naman niya ito. Dalawang cheeseburger ang binili nito. Binuksan niya ang isa at maya't-mayang isinusubo rito.

"Ayaw mo ba ng palabok?" tanong nito nang mapansing hindi niya ginagalaw ang naka-styro box na palabok.

"Gusto pero titikman ko lang. Busog na ako ng burger," sagot niya.

"Ang bilis mo namang mabusog. Sa bagay, ang liit ng tummy mo." Sinipat nito ang tiyan niya na manipis.

Hindi niya maiwasang maging berde ang isip lalo pa't sinuyod din ng tingin ni Franco ang nahantad niyang hita nang mag-dikuwatro siya.

"Oohh... God," narinig niyang anas nito.

Pinukol niya ito ng mayahap na tingin. "Umaandar ka na naman," angil niya.

"Bakit?" natatawang tanong nito.

"Ikaw, napakalandi mo," inis na sabi niya.

"Bakit na naman?" Nakatawa pa rin ito.

"Alam ko ang iniisip mo. Nagnanasa ka na naman."

Tumawa ito ng pagak. "Come on, you're such a beautiful and sexy woman. You can't blame me to desire you. Kahit sino ang lumagay sa posisyon ko ay mahihirapang magpakasanto, Coleen."

"Tumigil ka na. Nakarami ka na sa akin," aniya.

"Well, I'm still under control, honey. Once pinakasalan mo ako, mas makikilala mo kung anong klase akong lalaki."

Kasal? Kailan ba pumasok sa bokabularyo niya ang tungkol sa pagpapakasal? Biglang nabulabog ang isip niya.

"You haven't officially accepted my proposal, Coleen. I think we should take it seriously," seryosong wika ni Franco.

Bumitiw siya ng malalim na hininga. "What kind of proposal, then? Kailan mo ba ako niligawan? We're just sharing a moment in bed," seryoso ring pahayag niya.

"I know and I just think about it. I know you are aware of sexuality issues. Of course, I guess you know how women got pregnant. I want to make it formal."

"What exactly do you want, Franco?" usig niya rito.

"I want to marry you but I know you would refuse me. Just give me a sign if you're willing to accept me as your lover. I know it's too fast to assume that we surely meant to be. But I'm hoping for your love and acceptance."

Coleen bothered herself to think wise. She felt comfortable with Franco and she could love him back but there's a moment that sometimes she's hesitated. But thinking about refusing him has been triggered her and guilt, regret has been enslaved her entire mind and heart. She knows her life couldn't be easy and back in normal when she going to ignore Franco.

Para bang malaking kawalan na ito sa buhay niya. Lalo na malamang sa panahong iyon na higit niyang kailangan ng karamay. Tumatanda na siya. She almost fulfil her ambitions and she has everything. And she can't have it easily without Franco's efforts. Kasabay sa pagdating nito sa buhay niya ay bumaha ang biyaya sa kanya. Gumanda ang karera niya, nakapagpatayo siya ng pangarap niyang bahay kahit kapos ang budget niya, nagkaroon siya ng magandang sasakyan sa abot-kayang halaga, at higit sa lahat, naranasan niyang maging reyna sa piling nito. Tipong halos sambahin siya at punuin ng pagmamahal na noon lamang niya naranasan. Franco has have everything that she need and he might be enough for her to settle down.

Napangiti siya sa kanyang mga naisip. Pero sa huli ay nakapagdesisyon siya na kaunting panahon pa, mabibigyan din niya ng eksaktong sagot si Franco.

"You don't have to worry about, Franc. Your love was safe for me. I'll take care of it," sabi niya pagkuwan.

"I understand. I just worried since I feel your unstable decision. Naunawaan ko rin dahil nagmula ka sa kasisirang relasyon. Pero gusto ko lang makatiyak na may future ako sa 'yo," sabi nito.

Hindi siya nagsalita, sa halip ay kumilos siya at nilapitan ito. Ginawaran niya ng mapusok na halik ang pisngi nito. Gulat itong napalingon sa kanya. Saktong pagpihit nito sa kanya ay hinalikan din niya ito sa labi.

"Gusto kita, Franc. I just felt it before since we started to have an commitment. But of course, I knew it was just a simple attraction and a lust. Sorry, siguro nga hindi pa ako lubos na nakaka-recover sa nangyari sa amin ni Cedric. Siguro kailangan ko pa ng sapat na panahon para matiyak kung ano talaga ang gusto ko," seryosng pahayag niya.

Kaagad ibinalik ni Franco ang atensiyon sa kalsada. Bigla itong tumahimik pero pansin niya ang mahigpit na kapit nito sa manibela.

FRANCO trying to ignore the severe pain strikes his heart. It feels like thousands of blades sliced every sensitive part of it. The pain bothered him almost an hour before he learned to ignore it but he knows that it will strike him again.

"Uh, baka inaantok ka pa, umidlip ka muna. Mga dalawang oras pa siguro ang tatakbuhin natin. Traffic na rin kasi," sabi niya sa dalaga.

Binuksan niya ang stereo at nagpatugtog. Umayos naman ng upo ang dalaga saka pumikit. The music was good but the lyric was so annoying. Now playing "After you" by Meghan Trainor

Is this all we get? One short life

♫Tell me we got time

I saw a world without you there

Somehow, you were mine

And no, please don't go

Please don't go and leave me alone

Don't wanna give my heart to someone new

Won't be anybody after you

And even if one day, our time is through

Won't be anybody after you

After you

I'll never find another lover after you

If you have to go, be my ghost

Hope you haunt my dreams

So I won't be alone 'cause I'd give up hope

If you weren't there for me

And no, please don't go

Please don't go and leave me alone♫

Nainis siya kaya in-off na lamang niya ang stereo. Biglang dumilat ng mga mata si Coleen.

"Bakit mo pinatay? Ang ganda ng music, eh," reklamo nito.

Nagpatugtog siya ulit pero pinalitan niya ang kanta. Medyo rock na at hindi para sa brokenhearted. Pumikit ulit ang dalaga. Maya't-maya niya ito sinisipat buhat sa rearview mirror.

Hindi niya matanggap na sa kabila ng lahat na nagawa niya para sa dalaga ay fifty-fifty pa rin ang tiyansa niya na makuha niya ito nang buo lalo na ang puso nito. Suddenly, the pain strikes him again. He was afraid. Afraid of losing her and afraid of the possible happen to him after she's gone. Hindi niya kaya. Iniisip pa lang niya ay para na siyang hinahatulan ng kamatayan.

No, just think positive, Franc. You don't deserve it.

Hindi niya napigil ang pag-init ng sulok ng mga mata niya. Lalong humigpit ang kapit niya sa manibela. Tumatakbo na ng isang daan ang sasakyan na hindi niya namamalayan. Nagulat na lang siya nang biglang nagising si Coleen.

"Franco!" sigaw nito.

Nakabig niya ang manibela nang kamuntik na silang mapunta sa kabilang linya ng kalsada. Ganoon na lang ang pagtulin ng tibok ng puso niya.

"Shit!" bulalas niya. Nahimasmasan siya.

"Bakit? Inaantok ka ba? Ako muna ang mag-drive," sabi nito.

"No, I'm okay. Sorry," kinakabahan pa ring sabi niya.

"Ano ba kasi ang iniisip mo?" tanong nito.

Hindi siya sumagot. Nag-focus na lamang siya sa pagmamaneho.

HINDI mapakali si Coleen habang ino-obserbahan niya si Franco. Bigla itong naging seryoso at halos ayaw nang magsalita. Kinabahan siya. Iniisip niya baka apektado ito sa mga sinabi niya rito. Pero wala namang masama roon. Naging honest lang siya at sigurado naman siya na hindi niya ito pinapaasa. Totoong may nararamdaman siya para rito pero gusto muna niyang maging matatag iyon bago siya manindigan. Pero naroon ang takot niya na baka biglang sumuko ang binata at tuluyan itong mawala sa kanya.

Pagdating nila sa farmland ng pamilya nito ay namangha siya sa lawak ng lupain. Malapit sa dagat ang lupain at ang kalahating nasasakupan nito ay puno ng iba't-ibang halaman na namumunga katulad ng prutas at mga gulay. May ilang minuto pa ang itinakbo ng sasakyan bago nila narating ang three story old fashioned house. May dalawang sasakyan na nakaparada sa garahe.

"Nauna na sa atin ang pinsan ko. Tara na," sabi ni Franco nang maipuwesto ang kotse sa garahe.

Bumaba na rin siya kasunod nito. May matandang lalaki na sumalubong sa kanila at tinulungan si Franco sa pagbaba ng mga gamit nila. Nagmano rito ang binata. Lumapit siya sa mga ito.

"Long time no see, Franco. Kumusta ka na?" masiglang bati ng matanda kay Franco.

"Okay lang po, Lolo Rick," anang binata.

Nabaling naman sa kanya ang atensiyon ng matanda. "Ah, sino siya? Siya ba ang bagong girlfriend mo?" hindi natimping tanong nito.

Tumabi naman sa kanya si Franco saka siya pinakilala. "Uhm, si Coleen po, co-model ko at kaibigan," sabi nito.

"Kaibigan?" tila hindi kombinsidong untag ng matanda.

Hindi na siya tiningnan ni Franco. "Opo. Siya pala si Lolo Rick, Coleen, kapatid ng Lola ko," pagkuwan ay pakilala nito.

"Magandang umaga po, Lolo Rick!" nakangiting bati niya sabay nagmano sa matanda.

"Ay, magandang umaga rin sa 'yo, hija. Hali kayo sa loob ng bahay. Nag-aabang na ang Lola mo, Franco. Naroon na rin sina Gaizer at Alexa kasama ang mga anak nila," sabi nito.

Kaagad naman silang sumunod dito sa kabahayan. Entrada pa lang ng lobby ng mansiyon ay namamangha si Coleen. Para iyong old style royal house. Mula sa kisame, wall at interior design ay classy ang bawat detalye. Maging ang mga kagamitan ay halatang mamahalin lalo na ang magagarang antic at furniture.

"Franco, apo!" umalingawngaw ang boses ng matandang babae.

Nabaling rito ang tingin ni Coleen. Nakaupo sa wheel chair nito ang matandang babae na kahit matanda na ay nakapostora pa rin at bakas ang kagandahan ng kabataan nito. Tulak-tulak ito ng babaeng siguro nasa early fifties ang edad. Sinalubong naman ito ni Franco. Nagmano ito pagkatapos ay sabik na yumakap. Ito na marahil ang Lola nito.

Nabaling din ang tingin niya sa babaeng nagpapasuso ng sanggol. Maganda ang babae, matangkad at balingkinitan. Hindi halata sa pisikal nitong anyo ang pagiging ina. Sumulpot naman ang batang lalaki na siguro nasa isa o dalawang taong gulang. Kasunod nito ang matangkad na lalaki, maputi, maskulado at guwapo. Ito na marahil ang pinsan ni Franco.

"Franc, late comers ka talaga," sabi ng lalaki habang palapit kay Franco.

Nagdaup ang palad ng dalawa. Pagkuwan ay nabaling sa kanya ang tingin ng lalaki.

"Wow! We have a special guest. Would you like to introduce her to us, Franc? I know her. Siya ang palagi kong nakikita sa magazines at commercial," sabi ng lalaki.

"Siya si Coleen Hernandez, babe," sabad naman ng babae, na marahil ay asawa ng pinsan ni Franco.

"Kilala mo siya, babe? Ang galing mo, ah?" anang lalaki.

"Updated ata ako sa showbiz. Siya ang naiuugnay ngayon kay Franco."

Biglang uminit ang mukha ni Coleen. Para hindi ma-out of place ay lumapit siya kay Franco.

"Kilala n'yo na pala siya. Well, I invited her para makapag-relax siya. Lola, kasama ko po ang kaibigan ko, si Coleen," sabi ni Franco.

"Aba, ang ganda niya, hijo! Ano'ng kaibigan ka riyan? Suntukin ko 'yang mukha mo," sabi ng matanda.

Natawa si Franco. Napangiti si Coleen. Ang saya pala ng pamilya nito.

"Oo nga, Franc. Hindi mo kami maloloko. Kilala kita. Hindi ka basta magdadala ng babae rito na hindi espesyal sa 'yo. Upakan kita, eh," sabi naman ng pinsan nito.

"Sige na, panalo na kayo. Pero hindi pa ako sinasagot ni Coleen. Siya nga pala, Coleen, si Gaizer, pinsan ko. Si Alexa naman ang asawa niya," ani Franco saka pinakilala ang kasapi ng pamilya nito.

Kinamayan siya ni Gaizer. Kakaiba rin ang sex appeal ng isang ito. Nauna siyang bumitiw ng kamay. Nabaling ang tingin niya kay Alexa. Kumaway ito sa kanya habang nakangiti. Hindi niya maintindihan bakit nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na insecurity sa babae.

"Ito palang si Gaizer ang sumulot sa mapapangasawa ko dapat, Coleen. Gago 'to, eh," bigla'y sabi ni Franco.

Ibinalik niya ang tingin kay Gaizer na pilyo ang ngiti. Naalala na niya ang kuwento ni Franco tungkol sa naudlot nitong kasal. Tama ba na si Alexa ang babaeng dapat nitong pakasalan? It make sense now. Kaya pala may insecurity siyang naramdaman kay Alexa. Mukhang napamahal din dito si Franco.

"Mag-move on ka na, Franc. Pagbutihan mo na lang ang panunuyo kay Coleen. Big time ka nga, sikat ang mapapangasawa mo," biro ni Gaizer.

"Asawa agad?" ani Franco.

"Mag-asawa ka na rin, Franco, nang dumami ang miyembro ng pamilya natin. Tingnan mo si Gaizer, dalawa kaagad ang anak," gatong ni Lola Amara.

Lalong nailang si Coleen pero natutuwa siya sa kaanak ni Franco.

"Oo nga, Franc. Makakarami ka sigurado. Supermodel ba naman ang mapapangasawa mo," sulsol pa ni Alexa.

Tumawa lang si Franco. "Tama na nga. Ano, ready na ba ang lulutuin natin sa beach?" sabi nito pagkuwan.

"Kanina pa. Ikaw lang ang hindi ready. Ayusin n'yo muna ang mga gamit n'yo sa kuwarto," sabi ni Gaizer.

Sumama si Coleen kay Franco sa second floor kung saan ang kuwartong nakalaan para sa kanila. Talagang magsasama sila sa iisang kuwarto.

"Sorry, hindi ko nasabi sa pinsan ko na kasama kita. Isang kuwarto lang ang naihanda. Okay lang ba sa 'yo?" ani Franco.

"Okay lang. Mag-e-inarte pa ba ako?" aniya.

Ngumiti ito. Ipinasok nito ang mga gamit nila.

Maluwag ang kuwarto. King size ang kama at mayroong extension na nagsisilbing study room na nakaharap sa beach. Para silang nasa isang hotel suite. Maluwag rin ang bathroom na karugtong ng toilet.

"Ito ang kuwarto noon ng Daddy ko at naging kuwarto ko rin," sabi ni Franco.

"Ang ganda," komento niya.

"Magbihis ka na. Pupunta tayo sa beach. Doon tayo magla-lunch. Mag-batting suit ka o kaya'y underwear. Magagalit si Lola kapag pupunta ka sa beach na balot na balot ang katawan," anito.

"Talaga?" natatawang untag niya.

"Yap. Young at heart pa rin si Lola. Nakikipagsabayan 'yon sa paseksihan. Sige na, magbihis ka na bago tayo masigawan ni Lola."

Hinubad lang niya ang kanyang damit. Natira ang ternong sky blue underwear niya. Napansin niyang natitigilan si Franco, habang naghuhubad ito ng kamesita at nakatingin sa kanya.

"What's wrong?" 'takang tanong niya.

"Shit! You're so hot. Wala ka bang ibang underwear na hindi nasisilip ang cleavage mo?" wika nito.

"Wala eh. Wala akong swimsuit. Okay naman, ah. Wala naman sigurong manbubuso sa akin maliban sa 'yo," pilyang sabi niya.

"Fuck! Wala akong tiwala kay Gaizer."

"Baliw. May asawa na siya," natatawang sabi niya.

"Kahit na. Gago 'yon, eh. Sandali, hihiram ako ng swimsuit kay Lola. Marami 'yong naitago, eh," sabi nito saka lumabas.

Bumuntonghininga siya. Natutuwa siya kay Franco. Naroon din ang hindi niya maitagong kilig at pananabik. He was a perfect boyfriend. Indeed.

Pagbalik ni Franco ay may dala na itong dalawang swimsuit na kulay pula at itim. Sinukat niya una ang itim. Medyo maluwag ito sa kanya. Pinalitan niya ng kulay pula. Saktong-sakto sa katawan niya pero open ang parte ng tiyan kaya kita ang pusod niya.

"Okay na 'yan, at least pusod mo lang ang nakalabas," nakangiting sabi nito.

"Napaka-possessive mo naman," sabi niya.

Nilapitan siya nito at niyapos ang ang kanyang baywang. Nagdikit ang mga katawan nila.

"Of course, you're exclusively mine. I love you," paanas na wika nito.

Bumukas ang bibig niya ngunit hindi siya nakapagsalita nang siilin nito ng halik ang kanyang mga labi. Tumugon na lamang siya. Bago pa lumalim ang halik na iyon ay binulabog na sila ng sigaw ni Lola Amara.

"Hali na kayo!"

"Let's go," sabi ni Franco nang maghiwalay sila.

Itim na swimming trunk lang ang suot nito. Nagdala ito ng dalawang tuwalya. Hawak nito ang kanang kamay niya habang pababa sila ng hagdan. Nauna na sa beach ang mag-asawa. Talagang young at heart si Lola Amara. Dinaig siya ng swimsuit nito. Naka-backless ito at kita ang pusod pati cleavage.

Nang makita ni Coleen ang bughaw na karagatan ay bigla siyang nasabik na magtampisaw. Mayroon silang taga-luto kaya pagdating sa beach ay kaagad siyang niyaya ni Franco na maligo. Mabuti na lang hindi masyadong mainit. Bago siya lumusong sa tubig ay nilagyan ni Franco ng lotion ang visible niyang balat. Ganoon din ito.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
44K 1.4K 11
Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gust...
112K 4K 26
Na love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan a...