Magical Elite Academy 2: The...

By Rikamadz

642K 21.8K 725

2nd Book of Magical Elite Academy Trilogy! Read at your own risk! Highest Rank Achieved: #1 in Elite #5 in Ma... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 27

11.9K 457 108
By Rikamadz

Chapter 27

Napatawa naman ako dahil sa pagtatalon at pinagagawa ni Paminta.

"Kita mo na Lucy! Kyaaaaah! Ikaw ang nanalo! Kainggit! Makakasama mo ang royal family ngayong dinner at bukas! Whole day! Whole day! Pero mas okay na sa akin na ikaw ang nanalo kaysa kay bruhang Erielle. Pero type ko iyong sagot mo kay Prince Vander ah. Hindi ko alam pero parang kinilig yata ang isang iyon. Hahahaha, inlove yata sayo ang isang iyon eh."

Binatukan ko naman si Pepper dahil sinabi niya.

"At bakit naman mai-inlove sa akin ang isang iyon eh hindi naman kami close?"

Umismid naman siya.

"Weh? Kayo hindi close? Eh bakit kung magtitigan kayo kanina parang may something aber? Aysus. Di ba Lailanie? Suportahan mo ko."

Napatawa nalang ako dahil isinasali pa talaga niya si Lailanie sa kalokohan niya.

"Oo nga, kita ko rin iyon. May spark eh."

Napailing naman ako.

"Manahimik nga kayo. Kung ano-ano nalang talaga ang pinagsasabi niyo."

Pero hindi ako pinansin ng dalawa at ipinagpatuloy lang nila ang paggawa ng name ng love team 'kuno' namin ni Vanvan.

Lumingon naman ako sa iba naming kasama na sina Edgar.

"Kayo na nga lang kumausap sa dalawa, nababaliw na eh. Kung ano-ano ang iniisip."

Sabi ko pero hindi nila ako pinansin.

"Woy! Pansinin niyo ko."

Napakunot noo naman ako nang lumingon sa akin si Edgar.

"Anong mas maganda VanNa? O LuciVan?"

Napaawang naman ang mga labi ko at napailing.

"What?"

Sabi ko saka napahalakhak.

"Miss Alcazarate?"

Napatingin naman ako sa tumawag.

"Yes po?"

Nagbow naman ito sa akin kaya nagbow ako pabalik.

"Pinapatawag na po kayo ng Mahal na Reyna."

Tumango naman ako saka kinuha ang backback ko.

"Woy Paminta! Lailanie and friends! Una nako ah! Kitakits sa Monday!"

Sabi ko kaya bumaling sila sa akin at ngumiti.

"Yieeeh! Enjoy insan! Sabihin mo sa reyna na may pinsan ka na ubod ng ganda kung sakali mang naghahanap siya ng candidate para sa mapapangasawa ng prinsipe."

Napailing naman ako sa sinabi niya.

"Oo na!"

Natatawang sagot ko saka kumaway muna at humarap sa kanila at naglakad patalikod.

Kaya naman hindi ko alam na may tao pala sa likuran ko.

Muntikan na akong matumba kung hindi ako nahawakan ng nabangga ko.

Lumingon naman ako rito at nagulat nalang ako nang makitang si Vanvan ito.

"Anong ginagawa mo rito?"

Gulat kong tanong.

"Sinusundo ka of course."

Sagot niya kaya napatili si Pepper at Lailanie.

"Yieeeeeh! Sinusundo na siya ng ideal type niya! Eeiiiiiih!"

Napailing naman ako at napangiwi dahil sa pinagsasabi ni Pepper.

"Whatever Pepper!"

Sagot ko nalang saka hinila si Vanvan papunta sa may carriage.

Sosyal sila!

May pasundo-sundo pa ang peg.

* - *

Pagkarating namin sa palasyo ay agad akong hinigiy ni Vanvan papuntang sala raw nila.

Nandun na raw kasi ang mga magulang niya and they were eager to meet me daw.

"Shawn!"

Sigaw ni Queen Kath ng makita niya kami.

Ngumiti naman siya sa akin pati na rin ang hari.

Magba-bow na sana ako nang umiling ang Reyna.

"No need, dear. Magiging daughter-in-law din naman kita in the future."

Sabi ni Queen Kath kaya napaawang ko ang mga labi ko.

"Mom! Ano ba!"

Sambit ni Vanvan.

"What? I'm just stating the truth. Hindi ba't hindi--Hi! Good evening! I'm Denver Tristan Fantansa by the way, you can call me Tito but it would be better if you'll call me Daddy."

Putol ng Hari sa sasabihin ng Reyna kaya nahampas siya nito.

"Aray ah. H'wag ka ngang madaldal diyan. Baka ma-turn off si Anna ni Shawn. Aray."

Hinampas naman uli siya ng Reyna.

"Wow ah! Nahiya naman ako sa sinabi mo. It's better to call me Dad! Psh, bulok."

Sabi ng Reyna kaya napatawa nalang ako.

"Mom, Dad, I think you've forgot that na mayroon tayong bisita ngayon."

Sabi ni Vanvan.

"Oh! Sorry, Lucy. I'm Kathylina Amara Fantasia, you can call me Mommy tutal Daddy naman raw ang itawag mo sa isa diyan."

Napailing nalang ako sa sinabi ng Reyna.

"I think I would go with Tito and Tita, if it's okay po?"

Sabi ko kaya tumango naman ang Hari at Reyna. "

"Ah, yes. Sure you can call as whatever you want. But wait"

Napatigil naman ako dahil sa sinabi ng Reyna.

"Ahm, hindi ka ba nililigawan ni Shawn?"

Umiling naman ako.

"So kayo na?"

Tanong ng hari kaya natatawang umiling ako.

"What's with your couple necklace then?"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ng Reyna.

"Ay! Wala lang po 'to. Friend lang po kami ni Vanvan."

Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata ng hari at reyna sabay natawa.

"Friend lang pala sila, Tristan."

"Oo nga Mara, friends lang daw sila ni Vanvan niya."

"Kawawa si baby shawn natin, na-friendzone."

"Oo nga, condolence anak. Kawawang puso."

"Mom! Dad! Stop it already. Tinatakot niyo si Anna. Tara na Anna, nababaliw lang ang dalawang iyan."

Sabi ni Vanvan saka ako hinigit.

Napapailing nalang ako dahil ang kulit ng dalawa.

"Vanvan at Anna"

"May sariling tawagan pero hindi sila"

"May nararamdaman sa isa't isa pero nagkakahiyaan"

"Hay! Paano na ang magiging apo natin nito Tristan."

"Kailangan nating gumawa ng paraan Mara."

"Oo nga! Mga anak! Waitt!"

"Aissh! Mara, h'wag ka ngang tumakbo."

"Eiih! Pake mo ba kung tatakbo ako?"

"H'wag ka nga sabing tumakbo eh!"

"Ba't ba kasi?"

"Gusto kitang nasa tabi ko kaya h'wag kang tumakbo."

Natawa nalang ako dahil sa pag-uusap ng hari at reyna.

Ang cute.

Kahit parang ang ewan nilang dalawa pero halata namang mahal nila ang isa't isa.

"Pasensya ka na ah?"

Napatingin naman ako kay Vanvan nang magsalita ito.

"Ha? Para saan?"

Tanong ko.

"Sa mga pinagsasabi nina Mommy. Ganyan lang talaga sila. Nagtataka nga sina Tita kasi ang seseryoso naman daw ng dalawang iyan nung ka-edad pa raw natin sila, pero nung tumatanda sila, mas nagiging pasaway at makulit na. Gusto yatang bumalik sa pagkabinata at dalaga."

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hoy Evander Shawn! Hindi pa kaya kami matanda! Saka hindi kami makulit! H'wag kang magkwento ng fake news!"

Sigaw ng Reyna kaya napatawa nalang kaming dalawa ni Vanvan.

[A/N: Pabayaan niyo na po si Amara at Tristan, nagkaka-signs of aging na po kasi sila. Hahaha]

Continue Reading

You'll Also Like

638K 20K 66
Alice is content living her ordinary life but an unexpected event turned everything to an unimaginable dream. An event that makes her question and do...
30.2K 1.3K 68
[ BOM1: CLAES (COMPLETED) ] SYNOPSIS; Nagpakilala sya bilang si "Aria Scarlet". Nagpanggap at Tinago ang buong pagkatao para lang mahanap ang kanyan...
23.4K 1K 42
Complete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hi...
90.1K 4.5K 106
[ COMPLETED-OLD VERSION ] "The Secret School of Magic 1: Just a DREAM." Written by: Former UN @Kimjof_14 Check the New Version of this Story... https...