Obsession 2, Claiming Her (Co...

By rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Fourteen

8.8K 229 5
By rhodselda-vergo


NASORPRESA si Franco nang malaman ang tungkol sa nagkalat nilang litrato ni Coleen sa social media. Hindi niya inaasahan na may sumalisi pala ng litrato habang nasa pampang sila ng dagat noon ng dalaga sa Subic. Umani iyon ng batikos. Majority sa nag-comment naka-post nilang litrato ay negatibo. Marami ang nagsabi na hindi parte ng taping ang eksena. At base sa article na nakasulat, nakalagay na behind the scene ang nakuhang litrato.

Iyon ang unang pagkakataon na nadawit siya sa kontrobersiya. Tahimik ang career niya at wala siyang ni isang haters. Ngayon ay naging haters na rin niya ang mga haters ni Coleen. Malamang isinusumpa na siya ng mga supporters ni Cedric. Hindi niya kinaya ang komento ng iba hinggil sa nasabing larawan. Binansagan na siyang ahas. Magaman totoo naman. Pero ang nagpainit sa ulo niya ay ang nagsabi na malandi si Coleen.

Nakatambay lang ang binata sa kanyang opisina. Katatapos lang niyang mag-lunch. Inaasahan niya na pupunta roon si Coleen dahil nag-chat siya rito ay sinabing kailangan niya ng bagong designs nito. Pero mukhang malabo nang makakapunta ang dalaga. Malamang sa mga sandaling iyon ay abala ito o kaya'y dinaramdam ang lumabas na litrato nila. Bigla siyang nakonsensiya.

Mamaya ay dinampot niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ms. Cynthia. May kutob siya na may kinalaman ito sa pagkalat ng litrato.

"Yes, Franc?" sagot naman ng babae.

"Pasensiya na sa abala. Gusto ko lang itanong kung alam mo ba ang tungkol sa nagkalat na litrato namin ni Coleen," aniya.

"Oh, that's what exactly I want to open up with you but I don't have time to meet you now. So, masaya ka ba sa good news?" anito.

Tama ang hinala niya. "Who took a picture then?" tanong niya.

"Of course, me. Nakita ko kayo noon na nag-uusap sa tabing-dagat. Hindi ko inaasahan na hahalikan mo siya so, kinuhaan ko kayo ng litrato gamit ang cellphone ko. Gumawa ako ng dummy account sa Instagram at nagpanggap akong supporter ni Cedric. So, ayon, kumalat ang larawan. Bakit parang hindi ka ata masaya, my dear?" paliwanag nito.

Naiinis siya. Wala sa plano niya na ipalandakan sa madla ang namamagitan sa kanila ni Coleen. Ang gusto niya ay palihim itong aagawin kay Cedric, paiibigin niya hanggang sa kusang makipaghiwalay ang dalaga sa boyfriend nito. Hindi kailangang maintriga silang dalawa at lalong ayaw niya na madungisan ang pangalan niya at lalo na ang dangal ni Coleen.

"Sana hindi ka na lang nakialam. I had my own plans. Dahil sa nagkalat na litrato, masisira ang plano ko at baka mawala pa sa akin si Coleen," nanggagalaiting pahayag niya.

Narinig niya ang bungisngis ni Cynthia. Lalong nag-init ang ulo niya.

"Oh, sorry. I just want to help you," wika nito.

"Help? No, it didn't help anymore, Cynthia! You should focus on your own plan for Cedric. Huwag na huwag n'yong papakialaman si Coleen, dahil kung hindi ay pare-pareho tayong mawawasak ang career! You know the reasons why I accepted the project that you had offered to me. You also knew my reasons for interring modeling. I can live without those jobs. So, please be careful with your moves," palatak niya saka pinutol ang linya.

Panay ang buntong-hininga ni Franco habang ikinakalma ang galit. Mamaya ay tumunog ang door bell. Tiningnan niya sa monitor ng CCTV niya kung sino ang nasa labas. Si Haide, and bagong secretary. Nag-resign na kasi ang dati niyang secretary matapos ikasal sa British fiance. Nag-migrate na ito sa Britain. Pinindot niya ang remote ng pinto para magbukas.

Pumasok naman ang secretary. "Sir, may gusto pong makipag-usap sa inyo," sabi nito.

"Sino?" kunot-noong tanong niya.

"Si Mr. Cedric Santiago po."

Pumanting ang tainga niya. Hindi niya kailan man inisip na darating ang pagkakataong iyon na personal silang maghaharap ng kanyang karebal, bagay na hindi dapat mangyari. Pero pagkakataon na niya iyon para malaman kung gaano katibay ang kalaban.

"Sige, papasukin mo siya rito," pagkuwan ay sabi niya sa secretary.

"Yes, sir." Tumalima naman ang babae.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang secretary niya at inihatid si Cedric. Umalis din ito kaagad. Para hindi obvious na pinaghandaan niya ang pagdating nito, nagpapakaabala siya sa pagtipa sa kanyang laptop.

"May I disturb you?" deretsong sabi ni Cedric.

Saka lamang niya ito tiningnan. Ang totoo, hindi pa niya name-meet nang personal si Cedric. Nakikita lang niya ito sa mga billboard, magazines at commercials. Ni minsan ay hindi pa sila nagkatrabaho.

"Good afternoon! What can I do for you?" kaswal na bati niya. Hindi talaga niya ito inalok na umupo.

Nakasuot ng itim na polo si Cedric at itim ring fitted jeans. Hindi siya magtataka bakit maraming babae ang nababaliw rito. Guwapo rin ito, maganda ang katawan at malakas ang dating. Siyempre, additional points na rin ang yaman at kasikatan ng parents nito.

"I'm here to confront you about my girlfriend. I just want some clarifications. Do you like my girlfriend?" prangkang tanong nito.

Napangiti siya. Dahil wala itong balak umupo, tumayo na lamang siya saka lumabas sa kanyang working table.

"Well, I'm a busy person and I don't have time to argue with someone else. But I'll tell you the honest answer. Your girlfriend was a nice girl, beautiful, sexy and very friendly. I think no guys can't admire her. Of course, I can't deny how I admire her and I had a crush on her since I saw her in magazines and commercials. Hindi mo rin masisisi ang mga lalaking nahuhumaling sa kanya," seryosong pahayag niya.

Lalong tumatalas ang titig sa kanya ni Cedric. "Just tell me what you really felt for her," anito.

Bumuntong-hininga siya. "Okay, I like your girlfriend. I love her," walang gatol na sabi niya.

"Fuck you, asshole!" hasik nito at akmang susugurin siya ngunit ipinakita niya rito ang hawak niyang remote control kung saan puwede ring pindutin ang emergency alarm for security.

"Easy, man. You're in my territory, so be careful with your act. Nag-aaral ka ng abogasya, siguro naman may mga natutunan ka na tungkol sa maliliit at malalaking batas ng bansa natin," pilyong sabi niya.

Bahagyang kumalma si Cedric ngunit nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. Dahil sa reaksiyon nito ay napatunayan na mahal talaga nito si Coleen.

"Huwag ka lang lalagpas sa limitasyon mo, Franco. Maraming babae sa paligid, huwag kang makisawsaw sa relasyon nang may relasyon. Kissing my girl was a big mistake. Or maybe, you had plan to fuck my girl," palatak ni Cedric.

Humalakhak ang demonyo sa utak niya. Actually, I had fucked your girlfriend many times, asshole. And I will fuck her more.

Pilyong ngumisi si Franco. "Napakadumi mo namang mag-isip. Wala ka bang tiwala sa girlfriend mo?" aniya pagkuwan.

"Nang dahil sa 'yo, nawawalan na ako nang tiwala kay Coleen. Hanggat magkasama kayo sa project at may koneksiyon sa labas, hindi ako matatahimik," gigil na wika nito.

Tumawa siya nang pagak. "Well, I can't blame you. Don't worry, your girlfriend was a good girl. Hindi siya basta-basta pumapatol sa mga nagpi-flirt sa kanya. Uh... may sasabihin ka pa ba? Marami kasi akong trabaho," aniya pagkuwan at bumalik siya sa kanyang working table.

"Nice talking to you, Franco. But I tell you, you can't steal Coleen from me," matatag na sabi nito.

"Okay, do your best to protect your relationship. Payo ko sa 'yo, ikadena mo nang mabuti ang puso ng girlfriend mo nang hindi mananakaw ng iba. Mag-hire ka rin ng spy na magmamanman sa mga galaw niya at mag-hire ka na rin ng hitman na babaril sa lalaking magtangkang galawin ang syota mo. Mayaman ka, kaya mong magbayad ng mahal para sa pagmamahal," buwelta niya habang nagtitimpi ng inis.

"You're an asshole!"

"You're right, I'm an asshole, so be wise. Good luck and nice talking too," aniya. Binuksan na niya ang pinto.

Walang imik na nagmamadaling lumabas si Cedric. Isinara kaagad niya ang pinto. Muli siyang umupo at pilit ibinabalik ang focus sa trabaho ngunit nadi-distract siya ng mga sinabi ni Cedric. Nanggigigil siya. Halos maputol ang lapis na hawak niya sa sobrang inis.

KATATAPOS lang ng pictorial ni Coleen sa Calla nang puntahan siya ng manager niya sa dressing room. Matagal din silang hindi nakapag-usap nang sarilinan.

"May lakad ka pa ba, Coleen?" tanong ni Clarissa. Nagpalit na siya ng damit. Pink dress lang ang isinuot niya.

"May taping po ako mamaya after lunch para sa bagong project," sagot niya.

"So, can we have lunch together? We need to talk," anito.

"Okay po."

Pagkuwan ay sumama na siya rito sa isang hotel. Dumeretso sila sa restaurant ng hotel sa Quezon Avenue. Sinagot na nito ang lunch nila.

"So, kumusta na kayo ni Cedric?" tanong ni Clarissa nang magkasalo na sila sa tanghalian.

"Uhm... hindi pa po kami nakakapag-usap this week," aniya sa malamig na tinig.

Bumuntong-hininga si Clarissa. "Sa totoo lang, simula noong naging boyfriend mo si Cedric, bumabagsak ang repustasyon mo. I didn't say that it's your mistake to accept him, but reality bring us in a mess. Dati si Cedric lang ang nagkakaroon ng isyu, ngayon, pati ikaw. Nag-aalala na ako sa career mo, Coleen. Ginagawa ko ang lahat para mapaangat ka pa pero pakiramdam ko merong pilit humihila sa 'yo pababa. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin," nababahalang wika ni Clarissa.

Mabigat sa dibdib ni Coleen ang naging pahayag ng kanyang manager. Marami na rin itong naisakripisyo para sa kanya.

"Sorry po. Ginagawa ko naman ang lahat para sa kaayusan ng career ko. May mga sitwasyon lang talaga na hindi inaasahan," sabi niya.

"I know. Naintindihan ko. Pero gusto kong linawin mo sa akin kung totoo ba na may lihim kayong relasyon ni Franco?"

Natigagal siya. Sa puntong iyon ay kailangan niyang pabulaanan ang katotohanan. Naniniwala siya na maaayos pa niya ang problema. Pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang huling narinig niya kay Franco noong huli silang nagkita sa ginagawang bahay niya.

"Naging magkaibigan kami ni Franco, of course I am working with his company as a part-time interior designer. He was nice and friendly. We are working for one project and I think normal lang sa nature ng trabaho namin na magkapalagayan ng loob. May mga tao lang talaga na walang magawa at pinapalaki ang maliit na bagay para makasira ng reputasyon ng ibang tao," paliwanag niya.

"So, you and Franco are just friends?" usig nito.

"Yes," mabilis niyang sagot.

"Good. Sabihin mo 'yan sa mga showbiz reporters na pilit kang kinukuhaan ng pahayag. Iyon ang tanging paraan para matigil na ang isyu. Inaasahan ko rin na totoo ang sinasabi mo. Alalahanin mo, career mo ang nakasalalay rito, Coleen. Once nagsinungaling ka sa mga tao, iyon ang magiging dahilan nang tuluyang pagbagsak ng career mo. Mag-iingat ka rin sa mga kilos mo. Hanggat maari, iwasan mo muna si Franco. Kung may appointment ka man sa kanya, be professional."

"Opo, salamat," aniya sa kabila ng pagkabahala.

Pagkatapos ng lunch meeting kay Clarissa ay dumeretso si Coleen sa Sahara Park Hotel sa Makati kung saan ang venue ng taping nila. Doon kukunan ang last susunod na bed scene nila ni Franco para sa project.

Naroon na lahat ng staff at ibang casts maging si Franco. Nakahanda na ang kuwartong gagamitin. Dala-dala ni Coleen ang confident na magagawa niya nang maayos ang trabaho na hindi apektado sa personal na namamagitan sa kanila ng kanyang leading man.

Nagsimula ang senaryo sa bathroom. Pareho na silang hubad ni Franco at nakahanda lang ang roba. Nauna siya sa banyo at nagsa-shower. Mas daring ang scene na 'yon. Nakatalikod siya sa camera man habang walang anumang saplot sa katawan.

Mamaya ay pumasok si Franco. Lumayo nang bahagya ang kumukuha ng video. May maikling conversation lang sila at pagkatapos ay puro aksiyon na lang. Sinamahan na siya ng lalaki sa shower. Pumuwesto ito sa kanyang likuran at buhat roon ay niyakap siya nito. Marahang hinuhubog nito ang kanyang basang katawan habang pinapasadahan ng halik ang kanyang leeg.

Naka-side view na sila sa video. Pagkuwan ay pumihit siya paharap kay Franco at pinangunahan ito ng halik sa labi. Titiyakin niya na hindi siya madadarang nang husto at ipapakita niya sa binata na hindi na siya apektado. Trabaho lang ang gagawin niya.

Habang naghihinang ang kanilang mga labi ay ramdam niya ang puwersa sa mga kamay ni Franco habang hinuhubog ang bawat bahagi ng kanyang katawan.

"Cut! Proceed to bed, guys!" sigaw ni Ms. Helen.

Dagling may lumapit sa kanila at nagbigay ng roba. Lumipat naman sila sa kama at doon itinuloy ang eksena. Sa pagkakataong iyon, hindi tinakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nila. Nakatulong iyon para hindi sila matukso pareho.

Tiniis ni Coleen ang nakakapasong init habang dumadaiti ang hubad na katawan ni Franco sa kanyang kahubaran. Ramdam niya ang pagkabuhay ng sandata nito pero hindi siya nito inangkin.

Bago pa sila lamunin ng tukso pareho ay sumigaw na si Ms. Helen. Nakahinga siya nang maluwag. Natapos din ang kalbaryo nila. Saktong oras na ng tanghalian natapos ang taping. Sabay-sabay na silang lahat naghapunan sa inukupa nilang VIP dinning room.

Pagkatapos ng hapunan ay nauna nang nagpaalam si Coleen kay Ms. Agenta. Tumawag kasi sa kanya si Cedric at sinabing susunduin siya nito. Pagkakataon na niya iyon para makapag-usap sila nang maayos. Pumasok muna siya sa palikuran ng VIP room at nag-freshen-up. Para mas komportable ay nagpalit siya ng puting blouse at skinny black jeans. Pinalitan din niya ng two inches ang sandals niya.

Paglabas niya ay hindi inaasahang masalubong niya si Franco, na sana'y patungo sa palikuran ng lalaki. Nakasuot na ito ng puting T-shirt at maong na pantalon. Iiwasan sana niya ito ngunit humarang ito sa daranan niya. Napilitan siyang huminto at harapin ito.

"Ayaw mo na bang magtrabaho sa construction firm ko?" seryosong tanong nito.

Bumuntong-hininga siya. Ilang mesahe na nito sa messenger niya na sinasa lang niya pero walang reply.

"Sorry, wala pa akong panahong gumawa ng bagong designs," sagot niya.

"Okay. What about approving my proposal for a new design for your on-going house? May binago ako sa second floor. I asked you to visit the place but you ignored me. Galit ka ba sa akin?" anito.

Bumuga siya ng mabigat na hininga. "Aware ka naman siguro sa litrato nating kumalat. Huwag na nating palawakin pa ang isyu, Franco," sabi niya.

"Ano naman ang kinalaman ng litratong iyon sa personal nating business? Ang hirap sa 'yo, nagpapaapekto ka sa mga isyu na gawa-gawa ng mga taong makikitid ang utak."

"Dahil may ipinaglalaban sila."

"Masyado kang obvious kasi, Coleen. Kung iiwasan mo ako, meaning, guilty ka."

Nag-init ang bunbunan niya. "Hindi mo ako naintindihan, Franco. Ikaw, walang mawawala sa 'yo, pero ako, ang laki ng naging epekto ng litrato sa relasyon namin ni Cedric," palatak niya.

"Natatakot kang masira ang relasyon ninyo ni Cedric nang ikaw na ang nagkamali. Bakit noong siya ang naglalabas ng isyu, bakit hindi ka natakot? Alam mo, kung tutuusin, matagal nang sira ang relasyon ninyo ni Cedric. Para na lang itong babasaging baso na nagkalamat at pinipilit ninyong mabura ang lamat na iyon kahit alam ninyong malabo na. At habang tumatagal, ang lamat na iyon ay lumalaki at anumang sandali ay tuluyang mababasag," makahulugang pahayag nito.

Masaklap pero ramdam niyang tama si Franco. Pride na lang ang nagpapalakas ng loob niya.

"So, masaya ka ba kapag nasira nang tuluyan ang relasyon namin ni Cedric?" kaswal na usig niya sa binata.

Ngumiti ito. "No, malulungkot ako kasi alam kong masasaktan ka. But I'm willing to fix and restore what you had lost. I will love you more than you deserved."

"You love me?" pilyo ang ngiting untag niya.

"Yeah. Just love me back and I can love you harder."

Tumawa siya nang pagak. Pero habang ina-absorb ng isip niya ang sinabi nito ay lalo siyang nahihirapang magdesisyon na tuluyan itong itakwil sa buhay niya.

"Mas naniniwala ako sa ginagawa kaysa sa sinasabi. Pero huwag na nating konsintihin ang hindi dapat mangyari, Franco. You're a good guy. You're nice to me. Bigyan mo ako ng pagkakataong maayos at maitama ang pagkakamali ko. I'm sorry," aniya. Nagdesisyon siyang iwan ang binata.

Hindi naman siya nito pinigilan.

Habang lulan ng kanyang kotse si Coleen at nagmamaneho ay walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang sandaling pag-uusap nila ni Franco. Hindi niya maintindihan bakit inuusig siya ng mga salita nito. Madali siyang nakakapagbitiw ng mga salitang kontra kay Franco pero pagkatapos niyang magsalita ay naroon ang hindi maipaliwanag na kirot sa kanyang dibdib. Senyales na ba iyon na nagkakaroon na ng puwang sa puso niya si Franco?

No, it's not gonna be happen.

Pilit niyang binalewala ang mga narinig niya mula kay Franco pero para itong sirang plaka na paulit-ulit lang niyang naririnig. 

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 123 6
Caught in the tangled web of love and betrayal, Celeste faced the harsh reality of Noah Arkanghel's betrayal. As she navigates the storm of emotions...
43K 359 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
260K 7.7K 21
BARAKO SERIES #7 Isaac Dela Costa ay isang lalaking maginoo pero masyadong bastos. Sa pagiging Philippine Navy nito magaling siya sa sisiran mapatubi...
20.5K 242 25
Zobel teen heiress meets the Hizon Holding CEO in a party. Despite of their age difference, they had an interesting conversation and so much more. Pe...