BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 22: Free

22.6K 920 135
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Present day...

"Hera!"

Napabuntong-hininga ako at napatigil sa paglalakad. Gusto kong hindi lingunin ang tumawag sa akin dahil kilala ko kung sino iyon pero wala na akong magagawa dahil nakita na niya ako. Kaya na nga ba iniiwasan kong dumaan sa headquarters. Kung hindi ko lang talaga kailangan pakainin ang mga alaga ko.

Pagkatapos ko kasing magpasa ng application for adoption ay kinakailangan ko pang bumisita ng ilang beses sa SALO at tatlong beses na home visitation. Kinailangan kong ayusin pa ang townhouse na ibinigay sa akin ng mga magulang ko noong mag graduate ako dahil kinakailangang makita ng SALO na maayos ang matitirahan ng mga aampunin ko. Hindi naman kasi sila pwedeng bumisita sa headquarters.

Thankfully because of Wilhelm mas napadali ang proseso. Instead of waiting for more than a month, nagawa naming ma-cut iyon sa dalawang linggo lang.

"Hera." ulit ni Dawn sa pangalan ko nang makalapit siya sa akin. "Ilang beses na kitang pinatawag kung hindi pa kita makikita ngayon baka hindi pa tayo nagkita."

"I'm busy." mahina kong sabi sa kaniya.

Pinagkrus niya ang mga braso niya at tinitigan ako. Nararamdaman ko ang pag-akyat ng dugo niya na kalimitan nangyayari kapag naiinis na siya sa kausap niya. Idagdag pa na buntis ang babae kaya mas maldita pa siya panigurado kesa sa normal.

Pero imbis na tarayan ako kagaya ng inaasahan ko ay lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong makita ang lungkot sa mga mata niya. I've been seeing those in the mirror for a long time.

"Kung gusto mo ng mission pwede kitang bigyan ng experiment department mission. I can give you a field one but you'll be accompanied by other agents. Just to be sure."

Umiling ako at pilit na ngumiti, "Sa susunod na lang."

"Hera-"

"I can't Dawn. Hindi ko kayang lumayo at iwan si Thunder. Pakiramdam ko bawat minuto na wala ako sa tabi niya ay mga minutong nalalagas mula sa oras na natitira sa aming dalawa. I just want to stay with him."

"You can't live like this."

"I won't be able to focus on any mission Dawn. Alam kong importante ang trabaho natin. But right now there's nothing more important to me than to be with Thunder."

Napatingin ako sa likuran niya nang makita ko si Triton na nag-aalalang nakatingin sa amin. Dumako ang mga mata niya sa asawa niya at masuyong pinaikot niya ang braso niya sa bewang ng babae. Looking at them is making me realize what I haven't done and something that I might never be able to do.

Thunder and I had a bubble. Lahat nang namagitan sa amin ay nasa loob no'n. Every special moments, every memories that I know I won't ever forget...lahat iyon kami lang ang nakakaalam. Hindi namin naranasan na isigaw sa mundo kung ano ang meron kami. Kasi mas ginusto namin na sulitin ang bawat oras na kami lang na para bang iba ang mundong ginagalawan namin. And we're both okay with that. Kasi masaya kami na kami lang. Masaya kami na wala kaming iniisip sa loob ng realidad na ginawa namin para sa mga sarili namin na malayo sa totoong naghihintay sa aming dalawa.

Now looking at Dawn and his husband, I can't help but think if I can ever have that. To have someone I can call my husband and to have children that I will love as much as I love their father. Pakiramdam ko hindi lang ang taong mahal ko ang nawawala sa akin kundi maging ang mga pangarap ko na gusto kong matupad na kasama siya.

"I-I need to go." I whispered.

"Hera!"

Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Dawn at nagmamadaling umalis na ako. Tinahak ko ang daan palabas ng headquarters at dumiretso ako patungo sa BHO CAMP Hospital. Nang makarating doon ay nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok. Hindi naman ako pinapansin ng mga medical staff dahil bukod sa kilala nila ako ay alam na nila lahat ang sitwasyon ko. Hindi naman miminsan na narinig ko silang pinag-uusapan ang tungkol kay Thunder at sa akin.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang palapag kung saan nandoon ang kuwarto ni Thunder nang may mg akamay na pumigil sa pagsarado ng elevator. Naramdaman ko ang pagpasok ng kung sino pero nanatili akong nakayuko lang.

"Hera."

Nagtaas ako ng mukha nang maulinigan ko ang pagtawag sa pangalan ko. Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ko nang makita ko kung sino ang taong nakatayo sa harapan ko.

"Bibisitahin ko sana si Thunder."

"Bakit pa?" basag ang boses na tanong ko. "Wala ka naman matutulong sa kaniya, Ridley. You already failed remember?"

Isa siya sa mga agent na pinag-aaralan ang sakit ni Thunder. Siya rin ang nag-lead para sa paglikha ng panibagong gamot para kay Thunder. Pero wala pa ring nangyari. Sa huli kung anong kinatatakot namin ay doon pa rin nauwi.

"I've done everything I could. And I'm still trying."

Umiling ako at mapait na ngumiti, "Pinaasa mo lang kami."

Umangat ang kamay ng lalaki na para bang hahawakan niya ako pero kaagad akong lumayo. Kita ang paghihirap sa mga mata niya. I know in my heart that he didn't want this outcome. But I can't stop myself from hating him.

"Alam kong kailangan mo ng masisisi. If that will make you feel better it's okay with me. But you should know that I tried everything. If I could just change what happened-"

"You can't."

Nilagpasan ko siya nang bumukas na ang pintuan ng elevator. Hindi lumilingon na naglakad ako papunta sa kwarto ni Thunder pero nang hawakan ko ang seradura ay natagpuan ko ang pinto na bahagya ng nakaawang. Bago ko pa maitulak ang pinto ay naulinigan ko ang pag-uusap mula sa loob.

Naririnig ko ang mga magulang ni Thunder na may kausap sa loob. I was about to close the door to give them privacy when I heard Thunder's mother speak.

"Is he suffering?"

"Wynter-"

"My son is suffering isn't he?"

Ilang sandaling katahimikan ang nayamani sa loob ng kuwarto habang ako ay nananatiling nakatayo sa labas habang tila nanlalamig ang buo kong katawan. I can't stop myself from listening even though I know it's wrong.

"Hindi ito ang gusto niya. Hindi gusto ni Thunder na makita ng pamilya niya na nahihirapan siya ng matagal. He won't want Hera to witnessed him deteriorating like this too. You know how he is. Even when we're all ready to fight with him, he made up his mind to go through this battle without having any casualties except himself."

"Wynter we still have time. Gumagawa ng paraan ang experiment department." marahang sabi ng boses sa isa sa kambal na Ice at Wynd.

"He's suffering."

Pakiramdam ko ay libo-libong kutsilyo ang tumatarak sa puso ko nang marinig ko ang mahinang pag-iyak ng nanay ni Thunder. He's not the only one suffering. Dahil maging ang mga tao na nagmamahal sa kaniya ay ganoon din ang pinagdadaanan. And he never wanted that for his family.

"We need to let him go."

Napatutop ako sa bibig ko para pigilan ang ingay na nais kumawala roon nang marinig ko ang sumunod na sinabi ng ina ni Thunder. Humigpit ang pagkakahawak ko sa seradura ng pinto para manatiling nakatayo sa kabila ng panlalambot na nararamdaman ko.

We need to let him go.

"Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon, Wynter. You can have more time with him."

"He's my son. He's my baby, Kuya. I carried him for nine months with nothing in me but hope. Dahil ang gusto ko lang mabuhay siya ng masaya at hindi nahihirapan. This is not that. This is not the life that I want for my son."

"Wynter-"

"I-I need to let my baby, go."

We need to let him go.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko na para bang maitatago no'n ang katotohanan na nasa harapan ko. Kasabay ng paglandas ng mga luha ko ay pilit na binatawan ko ang pagkakahawak ko sa pintuan. Tumalikod ako at kahit hindi magawang makakita ng mga mata kong hilam sa luha ay mabilis akong naglakad palayo hanggang sa ang mga hakbang ko ay naging takbo. I moved away from the people obstructing my path and instead of heading to the elevators, I threw open the door of the fire exit.

Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng katawan ko sa matigas na bagay nang may sumalubong sa akin pero imbis na tumumba ay may mga kamay na pumalibot sa katawan ko.

"Hera?"

Bumuka ang mga labi ko para magsalita pero walang boses na lumabas mula roon. Mahigpit akong kumapit sa mga braso ni Wilhelm na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. But I can't stay anything. I can't do anything but cry.

We need to let him go.

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang iyon na para bang hindi sapat na nadudurog na ang puso ko noong unang beses pa lang na narinig ko iyon.

Let him go.

Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko dahilan para mapasadlak ako sa sahig. Naramdaman kong pilit na tinatayo ako ni Will pero maging siya ay hindi nagawang agapan ang pagbagsak ng katawan ko. That's when I heard it. A different echo of the anguish that is embedded into the words that I heard. A cry of grief, escaping my lips.

Naramdaman kong hinapit ni Will ang katawan ko palapit sa kaniya hanggang sa wala na akong nagawa kundi ang sumubsob sa dibdib niya habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko mula sa kaibuturan ng nagdadalamhati ko na puso.

Let him go.

"I-I can't!" My voice reverberated around us as if tearing through the air. "I can't. I can't. I can't."

"Hera." bulong ni Will sa tapat ng tenga ko.

"Please...please. I-I can't...I can't."

Let him go.



NARAMDAMAN ko ang pagkilos ng mga brasong nakapulupot sa akin. Pilit na iminulat ko ang mga mata ko kahit pilit na hinihila ako ng antok at pagod na tila gumugumon sa buong katawan ko. Ang mukha ni Will ang bumungad sa akin.

"I'm sorry I woke you up."

Marahang hinawi niya ang buhok ko na bahagya ng dumikit sa mukha ko dahil sa mga luhang natuyo na roon. "N-Nasaan tayo?"

"My villa. Nawalan ka ng malay at mas malapit ang villa ko kesa sa headquarters."

"Anong oras na?"

"It's almost seven in the evening."

Napaupo ako sa sinabi niya. Umaga pa lang kanina. Kailangan ko nang bumalik sa ospital para samahan si Thunder.

Akmang tatayo na ako pero naramdaman kong pinigilan ako ng lalaki. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin kasabay ng muling panlalabo ng mga mata ko pero hindi niya ako pinakawalan. "Will please..."

"Stay here, Hera."

Umiling ako kasabay ng muling pagbalong ng mga luhang hindi na mauubos. "N-No. I need to...I-I need to see him."

Halos bumaon ang mga kuko ko sa braso niya pero hindi niya ininda iyon. Sa halip ay hinayaan niya lang ako habang nananatili niya akong pinipigilan. Umangat ang mga kamay ko para malakas siyang itulak pero maging iyon ay walang saysay.

"I need to see him!" I screamed.

Inikot niya ang mga braso niya sa katawan ko habang pilit na itinutulak ko siya. Binayo ko ang dibdib niya at alam kong nasasaktan siya pero hindi niya ako pinakawalan. Kalmot, tulak, at hampas ang ginawa ko pero hindi niya ininda ang ginagawa ko.

"It's okay, Hera." he whispered softly. "You're going to be okay."

"I-I need him."

"You're going to be okay."

"P-Please...please...take me to...to..."

Halos wala ng maintindihan sa lumalabas sa bibig ko nang ang tangi ko na lang magawa ay ang humikbi at patuloy na umiyak. I kept on repeating my words and Will continued to whisper to me. Telling me that I'm going to be okay.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nananatili sa bisig niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal patuloy na lumuluha.

Pagod na ako. Pagod na akong umiyak pero hindi ko kayang itigil. Kasi pakiramdam ko iyon na lang ang paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. My heart is crying for its other half that is slowly fading no matter how hard the two pieces is trying to remain true to their promises.

Keep beating.

Kumilos si Will dahilan para lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi nagtagal dalawang pares ng mga braso ang pumalit doon. Nag-angat ako ng mukha at lalong lumakas ang paghikbi ko nang makita ko ang ama ko na nakatunghay sa akin. I can see the worry on his face and the pain that only a father could for his child that is hurting.

"Papa..."

Yumakap ako sa kaniya kasabay ng pagpalibot ng matatag niyang mga bisig sa akin. Mahigpit niya akong niyakap na para bang magagawa niyang ibsan ang nararamdaman ko.

"It pains me knowing that I can't do anything." he whispered right into my ear.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habanag nananatili akong nakasubsob sa kaniya. He brushed his fingers through my hair, softly...calmly. My cries continued to echo inside the room but slowly, they started to subside.

"I wish you didn't grew up so fast. Para kaya pa kitang protektahan sa mga bagay na kaya kong solusyunan." marahan niyang sabi habang ang katawan niya ay mahina akong inuugoy. "Alam mo ba kung anong naisip ko nang unang beses kitang nakita?"

"Pa..."

"I never thought I could love again more than the love I have for your mother but when I saw you, that's when I fell in love again. And when I realized that, I felt nothing but sheer terror."

Nag-angat ako ng mukha ko sa kaniya at may maliit na ngiti sa mga labi na pinunasan niya gamit ng kamay niya ang basa kong pisngi.

"That's how it felt when we love deeply. When we love so much that it hurts. Recognizing something precious and knowing what it will feels like the instant that we lose it."

My father, Cloak Jase Scott, is what my mother call a silent-type-of-guy. Nasanay na ako na tahimik lang siya at hinahayaan kami nila Mama sa mga gusto namin. Basta kahit ano pang gawin namin ay nandiyan lang siya. Maliban sa paminsan-minsan na pagpatol sa kalokokan namin ng nanay ko at kapatid ay nananatili siyang nakikinig lang sa amin. But when he speak, you can never stop yourself from listening. Because when he speak there's nothing but clarity and truth.

"Someday, I will need to leave your mother, or I hope that she will be the one to leave me first so she won't feel the pain of losing me. Dahil minsan na siyang nawalan. Minsan ng nawala sa kaniya ang taong minahal niya. I don't want her to go through that again."

I bit down on my lower lip to stop myself from sobbing as I begin to understand what he's saying. Lumaki kami ng kapatid ko na alam ang tungkol kay Tito Harvey. He was my mother's fiance. Bago makilala ni Mama si Papa ay minahal niya si Tito Harvey. But then he died and left my mother broken.

"It's painful, Hera, when you lose someone. It's also beautiful knowing that your love is not shallow. That your love runs deep."

"A-Ang hirap, Papa." halos hindi na marinig ang boses ko dahil sa panghihina na unti-unting yumayakap sa kabuuan ko.

"Hindi siya mawawala sa'yo. Hanggang nabubuhay ka ay mananatili siyang nasa iyo. He will always be in your heart. You will always love him."

"Papa..."

"You don't need to let him go."

Hindi ko magawang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Alam kong nakikita niya iyon sa mga mata ko. Ang kaguluhan sa mga salitang binitawan niya. Kasi pakiramdam ko iyon ang bagay na hinihingi ng mundo sa akin. Ang pakawalan si Thunder. Ang hayaan siya na mawala sa akin. Ang tuluyan siyang maglaho sa buhay ko na akala ko ay magiging parte siya sa matagal na panahon.

"You don't need to let him go. You just need to free yourself."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng panibagong boses. Lumundo ang kama nang tumabi sa amin ang ina ko na ngayon ay masuyong nakatingin sa akin. Naramdaman kong kumilos si Papa at idinipa niya ang isang kamay niya at kaagad naman sumiksik si Mama roon hanggang sa parehas na kaming nakakulong sa mga bisig ni Papa.

I stared at my mother's eyes, my mother who once loved a person that she thought she will spend her forever with. Pero ngayon ay nasa mga bisig siya ng ibang lalaking mahal siya at nagawa niyang mahalin.

"Free yourself to love unconditionally. Love without conditions. Love beyond life." she said in a quiet voice and gently touched my cheek with her soft hand. "It will hurt, Hera. It will hurt so much. But you should know that he will always be in your heart...and in there he will continue to live."

_____________________End of Chapter 22.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 55.5K 34
It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story...
346K 502 17
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...
23.6M 784K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
101K 5.4K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...