The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.2K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ika-apat na Kabanata

188 8 3
By red_miyaka


Pang-apat na Kabanata

Coat

"Vin!" Tawag ko. Lumingon agad siya at napangiti. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Wala, namiss ko lang talaga siya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin nang kumalas ako sa yakap. Nakayuko siya habang nakatingin sa akin. Sinuklay ko ang buhok niya. Ang pogi-pogi niya talaga lalo na ngayon. Magpeperform kasi ang banda nila ni On ngayon. Simple lang naman suot niya -- flannel na checkered tapos black shirt sa loob, pants pati high cut na converse na red.

"Pogi mo." Sabi ko at kinurot ang pisngi niya. Napangiti siya kaya lumabas pa ang dimple niya. Ang cute talaga.

Hinawi niya ang buhok ko and he cupped my face. Nilagay niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko at nilapit ang mukha niya sa'kin -- halos isang inch na lang ang layo ng mukha niya.

"Ano ba 'yan!" Napalingon kami ni Vin. Naitulak ko tuloy siya dahil sa gulat. Nang makita ko na si Zil lang pala iyon, agad akong napairap. Kairita talaga 'to kahit kailan. Panira ng moment!

Natawa silang lahat habang ako ay masama lang ang tingin sa kanila. Porke't wala silang mga jowa -- joke. 'Di pala kami magjowa ni Vin.

"Sige, punta na akong backstage." Paalam ni Vin sa'kin. Nawala bigla ang inis ko nang makita ko ang ngiti at dimple niya. Sarap iuwi.

Niyakap ko siya ulit. Ang sarap niya yakapin kasi ramdam kong protektado ako sa ganito -- ang liit ko kasi at ang tangkad niya. Naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko kaya napapikit ako dahilan para mas yakapin siya ng mahigpit. Ayoko na kumalas dito. Dito na lang ako. Ayoko siyang bitawan. Hindi ako aalis sa piling niya, hinding-hindi talaga.

--

Nahanap ko ang sarili ko sa gitna ng grounds, hinihintay si Tracy. Ilang buwan na rin ang nakalipas at acquaintance party namin ngayon. Late nga, eh. Dapat sa simula pero halos kalagitnaan na ng school year ngayon. Ewan ko ba.

Nakaupo lang ako sa bench na malapit sa gate. Ang tagal tagal naman kasi ni Tracy! Sabi niya ay malapit na siya pero nasaan na ba iyon? Grabeng pag-aayos naman ginawa no'n, samantalang ang suot ko ay black sequined cocktail dress lang, dangling earrings at pumps habang ang buhok ko ay naka-messy bun.  Tingin ako nang tingin sa cellphone ko para makita kung nagtetext na siya, pero ni isang notification, walang lumalabas. Ano ba kayang suot no'n? Gown?

Nakatingin lang ako sa gate kanina pa. Kung sinu-sino na ang nakita kong pumasok na mha ka-bloc ko pero si Tracy ay wala pa rin. I swear, sasabunutan ko talaga 'yon pagdating niya kahit gaano pa kaganda ayos niya. May pumasok na isang babae at dalawang lalaki kaya awtomatiko akong napairap at tumayo. Si Tracy na 'to. Naka-cling pa ang braso niya kay Rene, e. Sila na nga pala. Rupok ni Tracy.

Si Tracy ay naka evening gown na blue at tinernuhan naman siya ni Rene na blue rin ang tux. Tinignan ko saglit si Vin. Simple lang ang suot niya, literal na suit and tie lang kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang matantong lilingon na siya.

"Hi!" Malaki ang ngiti niya sa akin. Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at sinimulan siyang sabihan ng kung anu-ano. Mabuti na lang wala ako sa mood makipagsabunutan ngayon.

"Sorry naman. Tagal ng mga sundo ko, eh." Pang-aasar niya pa kina Rene at Vin. Napairap ulit ako. Ang yabang, ha.

"Bakit kasi kailangan ng sundo, nandiyan lang naman bahay mo. Pinahirapan mo pa sila." Sabi ko bago mauna sa kanila maglakad.

Tahimik lang ako pero ramdam kong sinabayan ako ni Vin sa paglalakad. 'Di ko na siya pinansin. 'Di naman talaga kami nagpapansinan. Sa mga buwan na dumaan, nag-uusap lang kami kapag tungkol sa subject, groupwork o ano man. Tahimik lang kami kapag kasama namin si Rene at Tracy, para nga kaming ewan na nakatunganga lang habang sila ay naglalandian. Hindi ko kasi siya magawang kausapin nang hindi ko naaalala 'yung box at kung anu-ano pang nangyari sa amin. Nakakapagod na nga, eh. Minsan gusto ko na lang siya lapitan at tanungin tungkol sa lahat, pero natatakot ako at wala rin akong oras para roon kaya hinahayaan ko na lang.

Binuksan ko ang pinto roon sa event place ng school namin. Halos mapanganga ako dahil sa ganda ng pagkaka-ayos nito. May disco ball at dancefloor doon sa gitna, at mga table sa gilid nito. May stage rin sa harap kung saan naka set-up ang mga gamit pangbanda. Naalala ko tuloy iyong prom namin. Miss ko na ang CG, pero nawala agad iyon sa isip ko nang may iba pa akong naalala.

"Doon tayo!" Turo ni Tracy sa table na nasa harap ng stage. Wala pa kasi masyadong tao dahil maaga pa naman. Nagmamadali lang ako kanina kasi sabi ni Tracy dapat daw maaga kami makarating. Kainis.

Naupo kami roon at may apat pa uling nakiupo sa amin. Panay ang landian nina Tracy at Rene kaya lumingon na lang ako sa stage. Konti na lang mag make out na sila rito, eh. Lapit ng mukha sa isa't-isa, 'kala mo naman walang rule rito na bawal PDA. Kakapal talaga ng mukha. Pero sige, diyan sila masaya eh.

"Tubig?" Pang-aalok bigla ni Vin. Napalingon ako at kumunot ang noo ko. Kinuha ko na lang iyong baso sa kamay niya. Ayoko makipag-away.

"Salamat." Sambit ko nang ilapag ito. Tumingin na lang ulit ako sa harap nang marinig kong mag-excuse si Vin. Hindi na ako lumingon at nilabas na lang ang phone ko. Nag-scroll na lang ako sa twitter dahil wala naman akong makausap, mga nasa klase pa kasi yata ang mga ito.

Nagulat ako nang may tumunog bigla na hampas sa drums. Napalingon ako sa stage at nakita si Vin na nakaupo roon, kunot-noo. Gitara siya noon, ah.
Nagkibit-balikat na lang ako.

Pinagmasdan ko siya. Pinapractice niya ang pagdadrums niya nang hindi tumatama ang drumstick sa mismong drums. Naghehead bang pa siya tapos ay pumipikit-pikit. Ang iba niyang kasama ay nagseset-up na rin. Naalala ko, nag-audition nga pala siya para sa banda rito. Nakita ko lang siya no'n, pero ngayon ko lang nalamang natanggap pala siya. Good for him. Kailan ko kaya maiisipang pumasok sa clubs?

"Good evening everybody!" Pagsisimula noong emcee. Tinago ko na ang phone ko sa purse ko para makinig.

Kung anu-ano pa ang sinabi nila bago nagsimulang magperform sina Vin. Umiinom lang ako ng tubig habang nakatitig lang doon sa harap, hindi alam kung ano ang mararamdaman.

(Sincerity is Scary - the 1975)

And irony is ok, I suppose, culture is to blame
You try and mask your pain in the most postmodern way
You lack substance when you say something like "oh what a shame"
It's just a self-referential way that stops you having to be human
I'm assuming you'll balloon when you remove the dirty spoon
And start consuming like a human, that's what I am assuming

Nakatitig lang ako sa harap at ang iba'y naroon na sa dancefloor. Nilingon ko sina Rene at nakita kong tumayo na sila. Ako na lang mag-isa rito. Ano ba 'yan, akala ko ba acquaintance para magkakilala lahat ng narito sa bloc namin, pero parang para lang 'to sa mga may jowa, eh.

Bawat paghampas ni Vin sa drums niya ay may dating. Ramdam niya ang bawat paggalaw niya no'n dahil pumipikit-pikit pa siya. Napairap ako. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matanggal si Vin sa isip ko, at nakakairita na. Ilang beses ko nang inulit sa utak ko na hinding-hindi ko na siya magugustuhan at kalilimutan ko na siya. Pero ano? Ilang buwan na ang lumipas at wala pa ring nangyayari sa akin. Hindi man lang ako nakakausad. Pinpilit ko naman ang sarili kong kalimutan siya, pero tuwing malapit na mangyari, may gagawin siyang kung ano na makakapagpahulog na naman ng loob ko at babalik na naman ako sa kanya. Nakakasawa na.

Why can't we be friends, when we are lovers?
'Cause it always ends with us hating each other
Instead of calling me out you should be pulling me in
I've just got one more thing to say

Tumayo ako at dumeretso doon sa may kuhaan ng pagkain. Hindi ko na kayang titigan pa si Vin dahil baka tuluyang bumagsak ang luha ko. Nakakainis, gusto ko na saktan ang sarili ko. Parang kasasabi ko lang na ayoko na sa kanya, pero eto na naman ako, tanga na naman. Gusto ko siyang sisihin sa lahat dahil kung wala namang nangyari ay masaya sana kami ngayon, pero hindi ko magawa.

Kumuha na lang ako ng punch at naglagay sa baso. Saglit akong natulala at suminghap bago maglakad papuntang table. Ininom ko na lang iyon habang nakatingin ulit sa stage. Ayoko tumingin sa dancefloor dahil baka kung ano ang makita ko roon.

Kay Vin lang ako nakatingin at nagulat pa nang makitang nakatingin na rin siya sa akin. Seryoso lang ang itsura niya pero nakikita kong lumalabas ang dimple niya. 'Yung dimple na 'yan -- mababaliw na yata ako. Mababaliw pa ako lalo.

Kinuha ko na lang ang phone ko mula sa purse at kumunot ang noo ko sa notification ng facebook.

You have memories with Maxzille Peralta, Amarie Miranda, Maxine Zallene...

Clinick ko iyon. Ah, ito pala ang araw ng acquaintance rin namin noong grade 11. Tinignan ko ang pictures doon na panay kuha ni Zil. Pictures naming barkada, ng mga ilaw, mga banda, at sa dulo ay.. picture namin ni Vin. Nakaakbay siya sa akin habang ako ay nakayakap sa bewang niya. Ito 'yung bago magperform si Vin kasama ang Athanati. Malungkot akong napangiti. Ang saya pa namin dito, walang problema. 'Di katulad ngayon na araw-araw kong iniisip kung ano ang mararamdaman ko kapag nakikita siya.

Matapos ang kanta ay bumaba na ang banda nila. Ibang banda naman ang nagperform. Niyakap ko ang katawan ko dahil bigla akong gininaw. Sabi na, dapat nagdala ako ng blazer man lang.

Napalingon ako nang maramdamang may nagpatong ng coat sa akin. Nanlaki pa bahagya ang mata ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha ni Vin pagkaharap ko sa kanya. Nagkatitigan kami at ang mata niya ay.. iba. Hindi siya iyong nakasanayan kong blanko at walang ekspresyon. Malungkot at parang nagmamakaawa, ayon ang nakikita ko ngayon.

"S-salamat," Sabi ko na lang bago tumalikod. Hinila ko pa ang coat niya dahil hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko. Gininaw yata ako lalo dahil doon. Bakit siya malungkot? Nagmamakaawa? Hindi ko na alam.

"Jana.." Narinig kong pagtawag ni Vin. Napapikit ako nang mariin. 'Yan. Diyan yata ako mahuhulog. 'Yung pagtawag niya.

Pinilit kong hindi humarap pero siya na mismo ang nagpaharap sa'kin. Kung paano niya nagawa ay hindi ko alam. Alam ko lang na blanko ang itsura ko ngayon dahil ayokong ipakitang naaapektuhan ako sa kanya.

"Ano?" Matigas kong sabi. Ang lungkot ng mata niya at hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko.

"Pwede bang bumalik na tayo sa dati?" Tanong niya. Nangunot na naman ang noo ko.

"Ano? Paano tayo babalik doon?"

Napalunok siya. Gusto kong hawakan ang mukha niya at sabihing miss ko na siya. Miss ko na rin 'yung dati. Pero ayoko muna dahil hindi pa ako handang masaktan ulit.

"Kahit magkaibigan lang, Jana.. Hindi ko na kayang magpanggap na ganito sa harapan mo.." Parang lasing na sabi niya. Ano ba 'to? Lasing na ba talaga 'to? Kung anu-ano ang sinasabi niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Pumikit ako. Mariin. Bago ko naramdaman ang nagbabadyang luha sa mata ko na handa nang tumulo. Puta, hindi ko kayang makitang ganito si Vin dahil alam kong mas mahina ako sa kanya. Ano ba kasing ginagawa niya? Sana nagpakasungit na lang ulit siya. Mas magiging komportable pa ako roon kaysa ngayon na pinapakita niyang mahina siya. Ayoko rin namang makita niyang naiiyak ako.


Nagmadali akong tumayo at tumakbo palabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta, ayoko muna siyang makita. Ayoko ring makita niya muna ako.




Continue Reading

You'll Also Like

74K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
232K 13.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
163K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
78.7K 3K 40
WEST AVENUE SERIES #1 (COMPLETE) Maria Zoella Santiaguel believes that you can make something work as long as you have a not just good, but strong re...