Obsession 2, Claiming Her (Co...

Від rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... Більше

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Ten

9.5K 227 2
Від rhodselda-vergo

PUMIRMA na si Coleen para sa bagong project niya bilang actress. Sa pagkakataong iyon, siya na ang leading lady. Excited na siyang gawin ang project at sigurado naman siya na kakayanin niya. Malapit na ring matapos ang naunang project niya. Kaunti na lang naman ang part niya sa pelikula.

Binanggit niya kay Cedric ang tungkol sa bago niyang project at nagpapasalamat siya dahil hindi na ito nagprotesta. Tiniyak naman niya na walang magiging problema sa kanyang pag-arte. Naging abala ang binata sa pag-aaral dahil malapit na ang exam nito. Hindi na muna niya ito inaabala.

Mula sa RM production office ay dumeretso si Coleen sa opisina ni Franco para ibigay ang hinihingi nitong interior design niya para sa bago nitong project. Alas-tres na ng hapon kaya inaasahan niya na hindi ito gaanong busy. Hinatid kaagad siya ng secretary nito sa opisina.

Naabutan niyang abala sa pagtipa sa laptop nito si Franco. Nakasuot lang ito ng puting polo na naka-unbutton ang dalawang bahagi sa dibdib nito. Nakasilip ang matipuno nitong dibdib. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya kahit nang makaupo na siya sa katapat nitong silya.

Inilabas niya sa kanyang dalang folder ang ginawa niyang sketch. Nag-message lang ito sa kanya sa Facebook para sabihin ang tungkol sa sketch. Inilatag niya sa mesa nito ang sketch.

"Here's my design. I'm not sure if it's fit for your new project," sabi niya.

Tiniklop ni Franco ang laptop nito saka naibaling ang tingin sa kanya. He smiled like he's contented what he had seen. Pero hindi pa naman nito nakikita ang trabaho niya. Pagkuwan ay kinuha nito ang ginawa niyang sketch at sinuri.

"So, is this your bar counter design?" tanong nito.

"Yes. Sinunod ko lang ang sinabi mo na dapat ay spacious ang loob ng counter. There's a belt-in cabinet at the back and the storage cabinet on the left side, so, the bartender can work fast," paliwanag niya.

"Okay, I like it. Thanks for the urgent response. I really need this design tomorrow."

"Thanks. Kumusta naman ang ibang project?" pagkuwan ay tanong niya.

"I think you should visit the area on your own. Magkaiba tayo ng taste kaya hindi ko masasabi na gusto mo rin ang nagustuhan ko. Well, for me, the on-going projects reached my expectations. Your design may apply once the construction has been furnished. You really need to visit the site on that day," palatak nito.

"Sorry if I didn't inform you about my vacation," naiilang na sabi niya.

Sarcasm shown Franco's smile. "Ayaw kong tumayong boss sa 'yo, Coleen. I always respect your decision. But next time, call me or message me in Facebook if you have the plan to go out of the town or the country, so I can manage my time to shoulder your responsibility to my company."

Lumabi siya. Naninibago siya kay Franco. O baka talagang hindi lang maganda ang mood nito sa mga oras na iyon.

"Sorry," tanging nabigkas niya.

Hindi niya maiwasang isipin ang sandaling inangkin siya ni Franco. She's hoping that he would not be affected and wont assume or wanting for more. Sa palagay naman niya ay sanay na si Franco na biglang nagkakaroon ng sexual intercourse sa babae. Ang totoo, hindi pa rin siya naka-get over sa nangyari sa kanila kaya inaaliw niya ang kanyang sarili at hanggat maari ay iwasan muna niya si Franco. Pero marami na silang koneksiyon sa isa't-isa kaya hindi niya ito basta maiiwasan.

"It's okay. At least you did your part. So, what do you want for a snack?" pagkuwan ay sabi ni Franco.

"Uh, thanks but I'm full. Pauwi na rin ako," mabilis niyang tugon.

"Mukhang hindi ka busy ngayon. Tapos na ba ang ginagawa ninyong movie?" usisa nito pagkuwan.

"Uhm, matatapos na by next month."

"Wala ka na bang project after n'on?"

"Meron akong mga extra roles sa movie at TV series. Meron din akong bagong project na gagawin. This time, ako na talaga ang leading lady," masiglang sagot niya.

"Wow! Congrats! Sabi ko sa 'yo, eh, tutuloy-tuloy na ang project mo," bati nito.

"Salamat. Sana nga ay mabigyan ko ng hustisya ang role ko. Medyo kabado pero exciting."

"Good luck! I know you will make it."

"Thanks," nakangiting sabi niya.

"Anyway, I already forwarded your balance payment to the accounting office."

"Salamat." Tumayo na siya. Hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpasalamat kay Franco.

Pagkuwan ay nagpaalam na siya rito. Bago siya tuluyang umalis ay kinuha muna niya ang kanyang tseke sa accounting office. Nagkakahalaga ng twenty-thousand ang laman ng tseke. May pandagdag na siya para sa pagpapagawa ng bahay.

Mabuti bukas pa ang banko. Nai-deposit niya sa kanyang account ang laman ng tseke. Malaking bagay talaga na nakapag-part-time siya sa kompanya ni Franco. Kung tutuusin ay marami nang naitulong sa kanya ang binata. Nagkaroon siya ng kotse at nasisimulan na ang dream house niya kahit kapos pa ang budget niya.

TATLONG araw ng lumipas. Dumalo si Coleen sa press conference ng RM production para sa bagong project na kinabibilangan niya. Excited na siyang makilala ang mga co-artist niya. At siyempre, ang magiging leading man niya. Ang sabi ni Ms. Agenta ay model din ng Calla ang leading man niya. Lalo tuloy siyang na-excite.

Habang hinihintay ang ibang staff ng production company ay nagkaroon ng pagkakataon si Coleen na makausap ang ibang cast ng pelikula. Ang iba ay mga sikat na ring aktres at aktor ng late generation. Marami ring baguhan at halos mga modelo ang naroon. Ang tema kasi ng kuwento ay about fashion at kompitisyon sa larangang iyon. Parang sa real life din, pero magkakaroon ng secret affair ang bidang babae sa kanyang photographer na siyang may-ari rin ng modeling company, Siya kunwari ang top model. Interesting ang plot ng story.

Nakapuwesto si Coleen sa bandang gitna ng long table sa may kaliwa. Ang bakanteng silya sa gawing kanan niya ay nakalaan para sa leading man niya. Nakahanda na rin ang taga-media para makisimpatiya.

Mamaya ay dumating na si Ms. Agenta at iba pang production staff. Kasama na rin si Ms. Cynthia na siyang in-charge sa casting. Kanya-kanyang hanap ng puwesto na rin ang mga ito. Ang inaabangan talaga niya ay ang kanyang leading man. Bakit wala pa ito? Nagsasalita na si Ms. Agenta.

Binabasa ni Coleen ang nakasulat sa kaperasong papel. Naglalaman iyon ng mga importanteng impormasyon tungkol sa paksa nila. Na-distract siya nang may humila sa silyang nasa kanyang kanan. Napadoble ang tingin niya sa lalaking umupo roon.

"Franco?" bulalas niya.

He smiled at her. He's wearing fitted black polo-shirt. Hindi makapaniwala si Coleen. Ano naman ang ginagawa nito roon? At doon pa talaga umupo sa upuan ng leading man niya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo riyan? Ayaw mo ba akong makatrabaho?" pilyong tanong ni Franco.

Pakiramdam ni Coleen ay may bumara sa lalamunan niya. Hindi siya nakakibo dahil sa labis na pagkawindang. Ano ang ibig nitong sabihin? Naibaling niya ang tingin kay Ms. Agenta na nagsasalita at kinuha ang atensiyon nilang lahat.

"Okay, these will be our final press conference and we will discuss the project later. Since narito na lahat ng cast, lilinawin ko ang mga important roles ng bawat isa. Siguro naman ay lahat kayo rito ay nabasa ang physical book version ng gagawin nating movie. So, I hope, you guys know each other especially our leading man and leading lady. Later we will take some short interviews for the casts. Okay, lets' proceed."

Natulala si Coleen habang inuunawa ang kaganapan. Sa mga sumunod na pahayag ni Ms. Agenta ay pinangalan nito ang leading man niya at iyon ay walang iba kundi si Franco. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin niya. Dapat ba siyang magpatuloy o uurong? Pero nakapag-sign na siya ng contract at naayos na ang lahat. Magiging kahiya-hiya siya kung bigla siyang uurong. Lalabas din na guilty siya once tinanggihan niya si Franco bilang leading man niya sa nasabing pelikula. Okay lang sana kung simpleng taping lang ng product endorsement. Pero para sa pelikula na ang tema ay sexy romance, bigla siyang inalipin ng kaba. Noon pa na mainit si Franco kay Cedric. Malamang malaking isyu na naman iyon sa relasyon nila.

Pagkatapos ng press conference ay naglakas-loob si Coleen na kausapin ng sarilinan si Ms. Agenta. Naabutan niya ito sa opisina nito.

"What's wrong, Coleen? You look uneasy kanina sa press conference," sabi sa kanya ni Ms. Agenta.

Umupo siya sa katapat nitong silya. "I'm just wondering, Ma'am. Why Franco? He's not an actor," balisang tanong niya.

"Well, according to Ms. Cynthia, only Franco had passed her standard. Yes, Franco was not an actor but he was good at acting. He has natural acting skills since he started to endorse some famous products. Actually naging extra na rin siya sa mga daring movies before. Isa pa, bagay sa kanya ang role at may pagkakahawig siya sa leading man ng Mexican version ng movie. He's gorgeously hot. Don't worry, Franco knows his limitations and he knows that acting is just acting. Sa mundo ng showbiz, palaging motto ng mga artista ay "trabaho lang, walang personalan". Unless if you have some hidden affair with Franco in real life, so I can't blame you to feel uneasy and hesitate," pilyong pahayag ni Ms. Agenta.

Bigla siyang naging kalmado. Hindi puwedeng magpahalata siya ng kaduwagan baka maintriga lalo siya ng mga taong nakapaligid sa kanila. Kailangan gamitin niya ang pagkakataong iyon para patunayan sa sarili niya na hindi siya apektado ng anumang namagitan sa kanila ni Franco. She should act like a professional actress.

"Okay. Naintindihan ko po. Wala naman pong problema sa akin," sabi na lamang niya.

"Good. So, good luck for the first day of taping. We will start in the first week of next month," ani Ms. Agenta.

"Thanks po. I have to go."

Lumabas na siya. Bago siya tuluyang umalis ng studio ay nag-request siya ng kopya ng script para sa unang taping. Gusto niyang matiyak na hindi talaga nasunod ang nasa orihinal na libro. Mas malala kasi ang daring scenes sa mismong libro. Pero sa unang part pa lamang ng taping ay magkakaroon na ng kissing scene na kukunan sa beach.

Panay ang buntong-hininga ni Coleen habang nakaluklok siya sa tapat ng manibela ng kotse niya. Katatapos lang niyang basahin ang script. Hindi pa siya umaalis sa parking lot ng RM building.

Kumislot siya nang may kumatok sa binata sa tabi niya. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang mamataan niya si Franco na nakatayo sa labas. Naroon pa pala ito. Ibinaba niya ang salaming bintana.

"Hi! Aalis ka na ba?" nakangiting tanong nito.

"Uh, yes. Bakit?" aniya.

"Puwedeng makisakay? Nakisabay lang kasi ako kanina kay Ms. Cynthia papunta rito. Naiwan ang kotse ko sa Calla studio."

Pilit tinitimpla ni Coleen ang dibdib niya. Hindi siya puwedeng kabahan baka makahalata si Franco. Hindi rin niya ito puwedeng iwasan o tanggihan baka isipin nito na apektado siya sa nangyayari.

"Okay, get in," sabi niya.

"Puwede bang ako ang mag-drive?" hiling nito.

"Okay." Lumipat naman siya sa passenger seat.

Sumakay na rin si Franco at binuhay ang makina ng sasakyan. "Na-miss ko itong dati kong kotse, ah. Marami na rin kaming pinagdaanan nito," sabi nito habang iminamaniobra ang sasakyan.

Iba ang pumapasok sa isip niya. She thinking about Franco's wild desire. He is a good fucker. Maybe he fucked multiple women before, anywhere, anytime, or even inside his old car and now was her car. Umiling siya para maalis ang anumang maruming isipin niya.

"Why you accepted the project from RM production, Coleen?" tanong ni Franco nang tinatahak na nila ang pangunahing kalsada. Mabagal ang takbo ng sasakyan dahil sa traffic.

Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "Because I know it will be my best stepping stone in showbiz. In-demand kasi ngayon ang genre ng project. Mabilis ang market at siguradong kikita ang production," sagot niya.

"But you are dragging your relationship into trouble again. Did Cedric knows about it?" usig nito.

"Yes, he knows, but he does not have an idea who my leading man is."

"And what's wrong with me? It's just acting and we will doing our job for the project."

"Insecure sa 'yo si Cedric. He hates you since he discovered that I'm working with you."

"So, natatakot ka sa maaring maging reaksiyon niya."

Hindi siya kumibo. Confident si Franco sa lahat ng ginagawa nito. Halatang wala itong kinakatakutan. Pero iniisip niya kung bakit ito biglang pumasok sa pag-arte, at nataon lang ba na pareho ang project na gagawin nila?

"Bakit mo tinanggap ang project, Franco?" hindi natimping tanong niya.

"Well, I found this project interesting. Matagal na itong ini-offer sa akin pero hindi ko mapagdesisyunan dahil sa dami ng trabaho ko. Napilit ako ni Ms. Cynthia. Malaki ang kontribusyon ni Ms. Cynthia sa career ko kaya once may hiniling siya, hindi ko siya basta-basta matanggihan," tugon nito.

"Alam mo ba noon pa na ako ang makakatrabaho mo?" usig niya. Gusto niyang makatiyak na walang mali sa nangyayari.

"I don't have idea. Late ko nang nalaman na ikaw ang napili nilang leading lady. Hindi ako nag-expect na ikaw talaga kasi inisip ko tatanggihan mo itong project. So, I was surprised."

Nakontento siya sa sagot nito. Wala naman siyang masilip na ibang dahilan bakit pinagtagpo sila ni Franco sa iisang project. Hindi na lamang siya nagkomento.

Pagdating nila sa Calla studio ay naghiwalay na sila ni Franco. Nagpaalam ito na babalik sa opisina nito. Naiwan naman siya para sa kanyang pictorial. Hindi na rin gaanong hectic ang schedule niya sa Calla kaya may panahon siya para tuunan ng pansin ang ibang trabaho. Maliliit na product endorsement na lang ang tinatanggap niya.

Pagsapit ng hapon ay inaasahan na ni Coleen na susunduin siya ni Cedric. Nangako siya na sasamahan niya itong mag-dinner sa bahay nito. Nagpaluto pa ng masasarap na pagkain ang binata. Mabuti na lang hindi pa nito naisipang kumustahin ang bago niyang project. Nagkukuwento lang ito tungkol sa achievement na natanggap nito sa school.

Unti-unti niyang nahahalata ang pagsusumikap ni Cedric na maging responsable sa kanya. Iniiwasan na rin nito ang mga bagay na ayaw niya, lalo na ang pakikipagkita kay Lara na hindi niya alam. Idinidetalye na rin nito sa kanya ang pang-araw-araw nitong buhay, bagay na hindi nito nagagawa noon. Patunay lang iyon na sinisikap nitong maging mabuting nobyo sa kanya. But her other self complaining and awaken her guilt. She cheated on him once and she afraid to happen it again in behalf of her carelessness. She felt disgusted with herself but she couldn't fight her own fear. Hindi na niya kabisado ang kanyang sarili sa mga sandaling iyon.

INAASAHAN na ni Coleen na magagalit si Cedric once nalaman nito na makakatrabaho niya si Franco sa bago niyang project. Maganda ang bonding nila sa mga nagdaang araw pero nang lumabas na sa publiko ang press conference ng bago niyang project at sinugod siya ni Cedric sa bahay nila. Naghihimutok ito sa galit.

"Bakit siya? He's not a good actor! Wala akong tiwala sa acting skills niya. He could be wild during your taping because he's not an experienced actor especially in daring scenes! Marami namang magagaling na aktor, bakit siya pa?" nanggagalaiting palatak ni Cedric, habang nasa study room sila. Hindi ito mapakali habang palakad-lakad sa harapan niya.

Tumayo siya. "Franco knows his limitations, Cedric. He's professional," depensa niya.

"Walang propesyonal once naghari na ang pagnanasa sa katawan, Coleen," giit nito.

"How did you say that? Bakit ba ang init ng dugo mo kay Franco?"

"Dahil nahahalata ko na espisyal ka sa kanya! Lalaki rin ako, Coleen, alam ko kung ano ang galaw ng kabaro ko!" hasik nito.

"You're right, pareho nga kayo ng galaw! But he's not your enemy here, Cedric," turan niya.

"At sino, ikaw? Well, that's possible. Kung hindi si Franco ang bibigay, puwedeng ikaw. Sa kakadikit mo sa kanya, nagkakaroon kayo ng chemistry sa mata ng madla. And I think, some of production staff notice this. Magising ka nga, Coleen. Hindi mo pa ba nahahalata na may gusto talagang sirain tayo?"

Nawindang siya. Pero sa huli ay naiinis siya dahil sa labis nang pag-iisip ni Cedric nang kung ano na wala namang sapat na katibayan.

"Hindi kailangang madamay ng production staff dito, Cedric. Business is business. Hindi pa nga nagsisimula ang taping ang dami mo nang bad comments. Kung hindi ka masaya sa desisyon ng production, bakit hindi ka magboluntaryo na gaganap bilang leading man ko?" naiinis niyang buwelta.

Tumawa ng pagak si Cedric. "Are you kidding, Coleen? Kung puwede nga lang, ako na ang gaganap. Hindi maganda ang relasyon ng kompanya namin sa RM production. Or mas mabuting mag-quit ka na lang."

Lalo siyang nairita. "Bakit ba ganyan ka, Cedric? Akala ko ba sinusuportahan mo ako? Nang dahil lang kay Franco, bumalik ka na naman sa dati," emosyonal na pahayag niya.

"Hindi ko rin maintindihan, eh. Simula noong nalaman ko kung ano ang nag-uugnay sa inyo ng Franco na 'yon, hindi na ako mapakali. Feeling ko, siya 'yong sisira sa atin nang tuluyan," mahinahong pahayag ni Cedric. Bigla itong napaluha.

Cedric words bothered Coleen's guilt again. Napaupo siya sa sofa nang biglang manlumo ang mga tuhod niya. Hindi siya kumibo nang lapitan siya ni Cedric.

"I'm sorry. You can't blame me, Coleen. I just love you so much," wika nito habang mahigpit ang kapit sa mga kamay niya.

Nang harapin niya ito ay siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Hindi siya tumugon dahil alam niya kapag tumugon siya ay madidiskobre nito na minsan niya itong pinagtaksilan.

"Tama na, Cedric. Hindi tayo mga bata para maging mahina. Magtiwala ka sa sarili mo at sa akin," sabi niya nang iwan nito ang labi niya.

Tumayo ang binata. "Fine. Aalis na ako," sabi nito at nagmamadaling umalis.

Naiwan sa puso niya ang pait at guilt. Noon niya natatanaw ang posibilidad na paglamig nang tuluyan ng relasyon nila ni Cedric. Hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya para rito pero naroon pa rin sa isip niya ang paghihinayang once pinakawalan niya ito.

Продовжити читання

Вам також сподобається

1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
44K 1.4K 11
Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gust...
The Only Heiress(COMPLETED) Від Ely

Сучасна проза

44.2K 374 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
317K 9.7K 26
Sabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi mak...