BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 20: Breathe

25.3K 860 36
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #Heder #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Present day...

Napadilat ako nang maramdaman ko ang pagbangga ng kung sino sa balikat ko. Kung hindi ako nakahawak sa marmol na counter na nasa gilid ko ay baka natumba na ako dahil sa pagkawala ng balanse ko.

"Hey, Blind date. Ngayon lang ako nakakita ng taong natutulog na nakatayo."

Nag-angat ako ng mukha sa nagsalita at napabuntong-hininga ako nang makita ko si Wilhelm na nakangiti lang na nakatingin sa akin. As always he look so bright. Kahit ata anong oras ay hindi nawawala ang aura na iyon sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito? Madaling-araw na ah." tanong ko sa kaniya.

Kinuha ko ang kape na inabot sa akin ng staff ng ospital. Sa tabi no'n ay ang sandwich na nakalagay pa sa styrofoam. Bitbit ang mga iyon na humanap ako ng puwesto na mauupuan. Marami namang bakante dahil bihira na ang tumatambay sa cafeteria ng ospital ng ganitong oras maliban na lang sa mga empleyado at medical staff.

Umupo si Wilhelm sa upuan sa harapan ko bago siya sumagot, "Kagagaling ko lang sa bar. Dito na ako dumiretso dahil hindi ko naman kailangan mag stay doon."

Tumango lang ako at humigop ng kape bago ko binuksan ang styrofoam para kumain. Ito pa lang ang unang kain ko sa buong araw. Hindi naman kasi ako nakakaramdam ng gutom. Kung hindi nga lang ako pinababa na ni Tita Wynter at pinilit na kumain ay hindi ko pa maaalala ang bagay na 'yon.

"You have more?"

Bahagyang kumuot ang noo ng lalaki na para bang hindi niya kaagad naintindihan ang sinabi ko. Ilang sandali lang ay mukhang naliwanagan siya at pagkatapos ay may kinuha siya sa bulsa ng suot na jacket.

"Here."

Kinuha ko ang inaabot niya na maliit na note. I have a lot of those now. It's almost the second month that Thunder has been in a coma and I received a fair share amount of notes from Wilhelm. Ilan sa mga iyon ay mga bagay lang na inaalala ni Thunder na hindi ko na nakukuha dahil siguradong alam niya ang gagawin ko. Ang magkulong.

Sa nakalipas na ilang mga linggo ay binigyan ako ni Wilhelm ng paborito kong aloe vera drink, snail face mask, libro na kahit hindi ko hilig ay sinama pa rin ni Thunder sa notes niya para daw may pagkaabalahan ako, at minsan na rin na nagdala si Wilhelm ng xbox sa ospital para makapaglaro kami.

Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakasulat sa note. Sa unang pagkakataon nitong mga nakaraang linggo ay naramdaman ko ang pamilyar na pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Mukhang hindi naman ako nag-iisa dahil pulang-pula na rin ang tenga ni Will habang pilit niyang tinatago ang hiya na paniguradong nararamdaman niya ngayon. God. That crazy...my crazy rockstar.

"You didn't have to."

Nagkibit-balikat si Will, "It's a new experience for me but it's fine."

May kinuha siya na paper bag sa tabi niya na hindi ko napansin kanina at inabot niya sa akin iyon. Imbis na silipin ang laman no'n ay ipinasok ko roon ang note bago ko inangat na lang ulit ang cup ng kape ko para uminom do'n at itago ang mukha ko sa kaniya.

It's almost that time of the month. Buy her Kotex Designer. 'Yung ultra-thin. Iyon lang ang gusto niyang brand kasi hindi raw cute iyong iba. Also buy her buscopan, the pink one. And ibuprofen for her migraine.

Iyon ang nabasa kong nakalagay sa note na ibinigay ni Will. Malamang bagong experience talaga sa kaniya ang ginagawa niyang pamimili ng mga iyon. Even Thunder wanted the ground to swallow him when I asked him before to get me one.

"We were on a date before. Nagkaroon ako ng situation. I have no choice but to stay in the mall's comfort room and ask Thunder to buy me one. I told him to be discreet because I know he will freak out."

"He freaked out." Will summarized.

"Yes." I said with a small smile. "Hindi niya alam kung saan hahanapin 'yung pinapahanap ko sa kaniya. When he finally found it na-realize niya na marami pa lang klase no'n. So he bought them all. The next day kumalat ang mga larawan niya sa social media at balita na bumibili siya ng menstrual pad."

"Oh no."

Hindi ko mapitilang alalahanin kung paano siya ginisa ng mga kasamahan namin. Walang kaalam-alam ang mga iyon na ako pala ang kasama ni Thunder ng araw na 'yon. Kaya lang naman big deal iyon ay dahil bukod sa nalagay siya sa balita ay alam ng mga agent na si Thunder iyong klase na pagkatapos ng isang gabi ay hindi na nakikita ulit na kasama niya ang babae na karay-karay niya sa susunod na umaga. Temporary lang sa kaniya ang lahat. Kaya para makita siya na gano'n ay bago sa paningin ng lahat. Kahit na ano kasing hindi mukhang sumisigaw ng "casual relationship" ay iniiwasan ng binata.

"Hindi ko na inulit na magpabili sa kaniya. Alam kong nahihiya siya kasi. Pero nang mga sumunod, kahit hindi ko naman sinabi sa kaniya sinisiguro niya na may stock sa flat ko. Kahit nga sa sasakyan niya meron. Irregular kasi ang period ko. Hindi ko alam kung kailan ako magkakaro'n." Muling nag-init ang mukha ko nang mapatingin ako kay Will. "Sorry. Wala ng preno ang bibig ko."

"You're tired." he said in understanding. "And it doesn't bother me."

Tahimik na pinagpatuloy ko ang pag-inom ng kape at pagkain sa natitira kong sandwich. Wala namang binigay na indikasyon si Will na may balak siyang umalis kahit na hindi na ulit ako nagsalita. Pinapanood niya lang ako sa pagkain habang paminsan-minsan ay nagtatama ang mga mata namin.

He's a good guy. Hindi naman niya kailangan gawin lahat ng pinagagawa ni Thunder. He can just give me all the notes and be done with it. Pero matiyaga niyang ginagawa ang mga iyon ng walang reklamo. Kahit na alam niyang hindi ko kaya ang gustong mangyari ni Thunder. Ang rason kung bakit siya ang napili ng lalaki na pagawin ng mga ito.

"Wala kang trabaho?"

Napakurap ako at napabaling sa lalaki, "Trabaho?"

"Your organization's...stuff." sabi niya sa mahinang boses.

This is the longest I ever been without a mission. Pero okay lang sa akin. Hindi ko rin kasi mahanap sa sarili ko na magkaroon ng lakas para humarap sa trabaho. I just want to stay here and be with Thunder.

"I don't think I can."

"Bakit?"

"Sa trabaho namin ay kailangan namin ng klaradong utak. We need to focus to do the job well. Alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa iyon. Hindi lang ang trabaho ko ang pwedeng malagay sa alanganin kundi pati na ang sarili kong buhay."

"You have a tough job."

Nagkibit-balikat ako. Katulad ng sinasabi lagi ng mga magulang namin ni Kuya, someone has to do it. Nabuo ang organisasyon dahil hindi na kaya ng mundo harapin ang kabi-kabilang mga krimen na lumulunod sa bansa. We're doing the things that the system are washing their hands off.

Wala kaming limitasyon maliban sa kinakailangan na sa tama lang ang papanigan namin. Hindi kami nagagawang hawakan ng batas. Some of the things we do can be considered illegal. Kahit sa pinakamaliit na pagkuha namin ng impormasyon. The law is always bound by limitations that we can cross anytime we want. Kung iyon ang kinakailangan para sa hustisiya na hinahanap namin. For our clients.

"Wala ka bang ibang trabaho na gusto noon? Something that interests you."

"Bata pa lang ako alam ko na ito ang trabaho na naghihintay sa akin pagtanda ko. Not that anyone forced me to do this. Ito ang ginusto ko. I know I can contribute something here despite being the lazy ass that I am. But on the ordinary world? I just can't see myself doing normal jobs."

"Thunder has his music."

"Wala akong talent." nangingiting sabi ko. "I love music. Royalty's music. I'm their number one fan. Pero hindi ko kayang gawin ang ginagawa nila. Thunder tried to teach me how to play guitar a couple of times pero and ending nag-aaway lang kami kasi nanggigigil ako sa pinagagawa niya. I'm just not talented."

"How about teaching?"

"Kung mag train sa BHO CAMP pwede pa. Pero sa subject sa school? No thanks. Mas maliit pa sa molecules ang pasensiya ko."

"Programming?"

"I'm good with computers because I trained for BHO CAMP. Lahat ng napag-aralan ko sa college nakalimutan ko na."

"Medicine?" tanong ulit ng lalaki.

"Walang social life."

"Chef?"

Halos mabulunan ako sa sinabi niya. Pagkaraan ay napahalakhak ako. It made me feel a little bit light. "I can't cook. Kahit ata mag-init ng tubig napapalpak ko pa. That's why my family loves my brother so much. Siya lang kasi ang magaling magluto sa amin."

Sandaling nakatingin lang sa akin si Wilhelm na para bang hindi siya makapaniwala sa bigay todo ko na pagtawa. Hindi ko siya masisisi. Pakiramdam ko ang tagal na ng huli kong magawa iyon. It feels...good. To have this moment even just for awhile.

"Business?" patuloy na pagtanong ng lalaki.

"Pakiramdam ko ako ang unang uubos sa gagawin kong negosyo kung sakaling ang mga bagay na interesado ako ang gagawin kong business. Like make-up, clothes, and shoes."

"Right." he said while shaking his head. "How about pets?"

"A vet?"

"Why not?"

"I love animals pero kung makikita ko silang may sakit, I probably won't be able to handle it. Baka mag-iyakan pa kami."

"That's good."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinundan ko ng tingin ang pagkilos niya nang abutin niya ang sling bag niya. Binuksan niya 'yon at may nilabas siya na papel at inabot iyon sa akin. Naguguluhang kinuha ko iyon mula sa kaniya at binasa ang nakasulat do'n.

It's an approved form for a day of volunteering on a local animal facility. Nakasulat na doon ang pangalan ko at kahit walang pirma ko iyon ay inaprubahan na 'yon.

"I know someone from the facility. He's a foreigner but she married a Filipina. His wife loves animals so they decided to fund an organization for animal welfare. Pumayag siya na bumisita tayo."

"I...I don't know."

I do love pets. Kahit ano pa 'yan. As long as it's not reptiles and amphibians. I respect those creatures but I just can't get near them dahil gumagana pa rin talaga ang pagiging maarte ko. Saka isa pa may trauma na ata ako sa reptiles dahil sa alaga ni Dawn na si Twinkle na ginagawa niyang panakot sa amin.

"I can't leave." sabi ko kay Wilhelm. "Salamat sa pag imbita sa akin pero ayoko kasing umalis. Baka kasi...baka..."

"It's just a day, Hera."

"But-"

"You need to breathe. Alam kong importante sa'yo na manatili sa tabi niya but you also need to breathe for you. You can't live just for him. Kahit hindi ko siya kilala sigurado ako na hindi niya gugustuhin iyon para sa'yo."

"Will-"

"Ito ang gusto niya."

Nagbaba ako ng tingin sa kamay ng lalaki nang may ilapag siya na isa pang papel sa lamesa. Another note from Thunder. Kinuha ko iyon at naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko sa nabasa ko mula roon.

You need to tell her to go out. Have some fun. I want her to smile and be happy for a day. I know she will lock herself away. So pull her out. Let her see the world again even if that world doesn't have me in it.

"Do this for yourself, Hera. Kahit isang araw lang."

Sa nanglalabong mga mata ay tumango ako habang hawak-hawak ko pa rin ang papel. Nandito pa rin siya. Nandito pa rin siya sa mundo kung saan naroon ako. But it's different because each day that passes it's like I'm losing him bit by bit.

"Just one day." I whispered.

"One day."



GINALA ko ang paningin sa paligid. May iilang mga tao akong nakita na pabalik-balik. Mukhang ilan sa mga iyon ay matagal ng pumupunta rito base na rin sa nakasulat sa mga suot nilang t-shirt. Active volunteer.

"Do you have vaccinations?"

Tumingin ako sa nagsalitang babae na kanina pa kausap ni Wilhelm. Kanina pa kasi ako abala sa pagtingin-tingin ng mga nahahagip ng mga mata ko dito sa opisina ng Sacred Animal Life Organization. Isa pa pakiramdam lumulutang ako. Ngayon lang kasi ako nakalabas ng BHO CAMP.

Maybe I really needed it. Kailangan kong lumabas at huminga para handa na ulit ako sa mga susunod pang mga araw.

"We do." Wilhelm answered.

May pre-exposure rabies vaccination na kasi si Wilhelm noon pa man dahil hindi naman ito ang unang beses niya na pumunta sa isang animal facility. On my part, I have complete vaccinations because of my job. Lahat ng anggulo kasi tinitignan nila Dawn. And it's not uncommon for us to be chased down by dogs. Ilang misyon na ba namin ang nagkaroon ng ganoong pagkakataon?

"That's great. I can introduce you both to the animals then." nakangiting sabi ng babae. May kinuha ito sa desk at inabot niya iyon kay Will. "That's your aprons, gloves, and your SALO t-shirt."

May maliit na ngiti sa mga labi na nagpasalamat ako sa kaniya bago ko kinuha ang binibigay ni Will. Tinuro sa amin ng babae ang comfort room ng opisina at pinauna na ako ni Will para magpalit. Mabilis ko naman iyong natapos at paglabas ko ay nakangiting nag thumbs up sa akin ang babae na ginaya naman din ng lalaki.

Ilang sandali lang ay lumabas na kaming tatlo ng opisina pagkatapos mailagay sa locker ang mga hinubad na damit at pagkatapos ay tumuloy kami sa kinaroroonan ng mga hayop. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula roon.

"This is the reptile room. We have an old snake here. She's about twenty-five years old."

"Umm..." nag-aalangan na tumingin ako kay Will na napangiti sa reaksyon ko. "Ano...kasi..."

Ngumiti lang ang babae na Agatha ang pangalan base sa name plate niya. "We can skip that part. Kakakain niya lang din kaya siguradong natutulog pa siya."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng babae. Muli siyang naglakad habang nakasunod lang kami ni Will sa kaniya. Sa dulo ng pasilyo ay may sliding door. Nang buksan niya 'yon ay bumungad sa amin ang malaking pasilidad ng SALO.

May magkakadikit na cubicle doon at sa loob no'n ay may mga aso. Nagsisilbing kennel ng mga iyon ang bawat partisyon. Bukas ang sa ibabaw no'n at malaki rin ang espasyo sa loob kaya mukhang malayang makagalaw ang mga aso. Kaya nga may iba na may tatlo sa loob depende na rin sa laki nila.

"We don't want to treat them like their imprisoned here. For now, this is their home that's why the organization want them to be comfortable." paliwanag ng babae. May itinuro ito na isang parte ng lugar. Malaki rin ang espasyo no'n at may nakaharang na screen sa pagitan ng kinaroroonan namin at may pintuan lang sa dulo. "That's for the cats. Right now we have fifty-one feline. Over twenty of them are kittens."

Mukhang maganda ang pasilidad nila. Hindi katulad sa mga napapanood ko ay mukhang hindi naman malungkot o lethargic ang mga hayop. Ilan pa nga sa kanila ay natatanaw kong nakikipaglaro sa mga volunteers.

"Thank you, Agatha. Pupunta ba sila Jason ngayong araw?"

"Yes. May pupuntahan lang sila ni Mrs. Wilson tapos didiretso na raw sila rito pagkatapos para kitain kayo."

Muling nagpasalamat si Wilhelm habang nginitian ko naman ang babae. Tinuro niya sa amin kung saan kami makakakuha ng maari naming gamitin sa pag tulong sa mga volunteers bago niya kami tuluyang iniwan.

"I'll clean you wash." Will said.

Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot niya sa akin ang isang hose na katabi ng mga hilera ng hose na naroon at nakakabit sa mga kaniya-kaniyang faucet. May drainage ang bawat kennel kaya madaling linisin ang mga iyon.

"Marunong naman akong maglinis." sabi ko.

"Can you clean poo?"

Hindi ko kailangan mag-isip ng matagal para sa tanong niya. Obvious naman kasi ang sagot. "Nope. I'm just saying."

Ngumisi ang lalaki at naiiling na nauna ng maglakad habang may dala na panglinis at isang sako. Pinaikot ko ang mga mata ko bago ko siya sinundan. Anong magagawa ko? Mahina talaga ang sikmura ko. Kaya nga kahit gusto ko ng aso na katulad ng kaila Athena ay hindi ko magawang magpabili noon kaila Mama kasi ang ultimatum nila ay ako ang bahalang maglinis ng kalat ng magiging aso ko. Kaya nang minsan naalis sila Athena ay nag volunteer ako na bantayan ang aso nila para masubukan ko. At that time may sakit pa naman si Aff Aff kaya nagsusuka. Ang ending nang makauwi siya kasama ng pamilya niya ay pareho na kami ni Aff Aff ang suka ng suka. Every time that dog will hurl I also hurled my guts out.

So no dog. Hindi bagay sa kaartehan na natural na sa buong pagkatao ko.

Pinuntahan namin ang mga kennel na hindi pa nalilinis. Will opened one with three small dog and carefully went inside. Mukhang sanay naman sa tao ang mga aso dahil hindi naman sila agresibo. Mukhang tuwang-tuwa pa nga dahil hindi na magkamayaw ang mga 'yon sa pagsalubong sa lalaki.

"Mataas ba ang chances na ma-adopt sila?" tanong ko kay Will habang nagsisimula na siyang maglinis. Nilusot ko ang kamay ko para abutin ang isang kulay brown na aso na kaagad dinilaan ang kamay ko.

"Yes. Talagang ina-advertise sila ng organization. Saka gumagawa rin ng visitation events para makita ng mga tao ang mga hayop. When you see them personally and to have a chance to play with them, how can you not fall in love?"

Hinaplos ko ang ulo ng aso na nasa loob ng kennel. Will's right. How can you not fall in love with such cute animals? Kahit pa sabihin na mixed-breed sila. I do find pedigreed dogs cute but all dogs are cute. It's the matter of the loyalty that they will give to you and if you take care of them you'll have exactly that.

"Okay. Done. Wash away!"

Pinindot ko ang sprayer ng hose pero dahil nakikipaglaro pa ako sa aso na nasa malapit sa akin ay hindi ko natignan ng maayos kung saan nakatutok iyon. Napasigaw si Will nang tumama sa kaniya ang malamig na tubig habang ang mga aso naman ay nagkahulan na akala ata ay naglalaro kami.

"Oh my gosh!" I exclaimed when Will turned to me with a surprise look on his face. "I'm sorry! Hindi ako nakatingin!"

"I'm wet."

Tinignan ko ang suot niya na t-shirt na ngayon ay bakat na bakat na sa kaniya dahil sa pagkabasa no'n. "You look okay."

Naningkit ang mga mata niya at napaatras ako ng makita kong inangat niya ang dustpan na hawak niya. Is he going to throw dog poo at me?

Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko dahil pagkaraan ay mahina lang siyang napatawa bago nilagay ang laman ng dustpan sa sako. "I'm just joking. Baka ipabitay pa ako ng mga kasamahan mo."

"Possibly. O ako ang bibitay sa'yo."

Natatawang pinagpatuloy niya ang ginagawa habang ako naman ay saglit na binitawan ang hose para pumunta sa pinasukan namin kanina. Kumuha ako ro'n ng isa sa mga towel na maayos na nakatiklop doon bago ako bumalik sa kinaroroonan ni Will.

He was spraying the kennel while the dogs moved away as if used to this. Pagkatapos no'n ay inabot niya ang mop at tinuyo niya iyon.

"Wow. You are really used to this." sabi ko sa kaniya ng makalapit ako.

"I love animals. Hindi lang ako nagkaroon dahil allergic ang nanay ko."

"And now?"

"Once everything settle down, I will adopt." nakangiti niyang sabi sa akin.

Nagpatuloy kami sa ginagawa hanggang sa makailan na rin kami na kennel. Ilan pang mga aso ang nakilala namin at lahat sila talagang magiliw sa tao. Kahit pa iyong mga sa umpisa ay para bang nakakatakot lapitan. But all of them are puppies at heart.

Nang matapos kami ay binalik namin ang mga gamit bago kami tumuloy sa kinaroronan ng mga pusa. Tumingin sa amin ang isang lalaki sa grupo na naroon at kinawayan kami. Mukhang isa rin sila sa active volunteers.

"Hi. I'm JR. Tapos na naming linisin ang mga litter box. You can just relax and just play with the cats."

Kumpara sa mga aso ay maliliit ang mga crate ng mga pusa. Pero lahat iyon walang mga pinto at kahit mukhang may kaniya-kaniya silang mga kwarto ay malaya pa rin silang makakaalis kung gusto nila. May mga mapaglilibangan din sila dahil nagkalat ang mga laruan at may mahaba pang obstacle course na parang ginawa talaga para sa kanila.

"They're all neutered and spayed." pagbibigay alam sa akin ni Will.

Dinampot ko ang isang stick na may feathers sa dulo no'n bago nag-aalangan na ginala ko ang tingin sa paligid. Cats are independent creatures. They're cute but they also don't depend much on their persons. Parang may mga sariling buhay.

"Come here."

Sinundan ko si Will na naglakad papunta sa mat na nasa gitna ng lugar at pagkatapos ay sa pagtataka ko umupo siya sa sahig. Pinagpag niya ang pwesto sa tabi niya bago niya ako sinenyasan na umupo sa tabi niya.

Nagtataka man ay sinunod ko siya at umupo ro'n. May tinuro siya sa harapan namin at nakita ko ang ilang mga pusa na naglalaro di kalayuan sa amin.

"Personally, I'm a dog person." Will said.

"Hindi na ako nagtataka. Dogs are more active and you're an active person."

"Ikaw ba?"

"Kahit ano. Pero kasi na gu-guilty ako dahil kailangan ko laging umalis. Unpredictable pa naman ang trabaho ko." sabi ko sa kaniya.

"Then a cat is perfect for you. Kung ikukumpara sa mga aso mas low maintenance sila. You can play with them, feed them, then they can do their own thing."

I never thought of that. Matagal ko na kasing binaon sa limot ang kagustuhan ko na magkaroon ng alagang hayop. But I'm not a kid anymore and I don't live with my parents like before. Kung gugustuhin ko ay maaari akong mag-alaga ng hayop kahit kailan ko gustuhin.

Nasa ganoon ako na pag-iisip nang maramdaman kong may tumalon sa hita ko. Nagbaba ako ng tingin at hindi ko magawang makagalaw nang makita ko na may itim na pusa na kasalukuyang titig na titig sa akin habang prenteng nakaupo lang sa hita ko. Mukhang hindi pa ro'n matatapos dahil may naramdaman akong umaakyat sa likod ko. Lumingon ako sa kaliwa ko saktong nagpatihulog ang kulay puting pusa mula sa balikat ko. The cat sat with the black one and instead of sitting and looking at me, the white cat curled and closed its eyes.

"Umm...what's happening?"

Will is beaming at me while he shrugged his shoulders. "Looks like you've been claimed."

"Is this normal?"

"That's Luna and Solis. Si Luna, iyong itim, ang babae at si Solis naman ang lalaki. They're brother and sisters. Mula ng madala sila rito ngayon ko pa lang sila nakita na lumapit sa tao. Takot kasi talaga sila sa mga tao dahil hindi naging maganda ang pinanggalingan nila. Nilagay sila sa sako at itinapon sa abandonadong bahay. Nakatali pa rin ang sako nila kaya hindi sila makalabas. For three days they didn't have food or water and when they got here akala namin hindi na sila mabubuhay."

Ang lalaking nagpakilala sa amin kanina ang sumagot sa tanong ko. Muli akong napatingin sa dalawang pusa na nasa kandungan ko. How can people do that to these tiny beings?

"Ilang taon na sila?" tanong ko kay JR.

"Isang taon pa lang sila. Marami ng gusto mag adopt sa kanila pero hindi kasi talaga lumalabas sa kennel nila. Kapag naman kinukuha sila at alam nilang may gustong tumingin sa kanila ay nagwawala sila. We tried to find someone that will adopt them both pero mahirap kasing makahanap na aampon ng dalawa agad."

Nanatiling natutulog ang puting pusa sa kandungan ko habang ang itim ay titig na titig pa rin sa akin. Nang hindi pa rin ako nagsalita at nakatingin lang sa kaniya ay inangat niya ang isa niyang kamay at idinunggol niya iyon sa hita ko na para bang kinakalabit niya ako.

"Hera?"

I have so much going on in my life right now. With Thunder still in a coma, it's taking every ounce of energy I have in me. Gusto ko siyang kasama. Ayokong mawalay sa tabi niya. But maybe I do really need to breathe. Kahit saglit lang. Maybe I just need a little time to do my own thing so I can still feel like me. Not like a shell.

"Hera, are you okay?"

Nag-angat ako ng tingin kay Will. I know the answer to that. I am not okay. I'm not okay because the man I love is still fighting for his life. I am not okay with that. But I'm breathing and Thunder's heart is still beating.

"I'm taking them home."

Natigilan ang lalaki na halata ang gulat sa mukha ngunit saglit lang iyong nagtagal bago sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Whatever you want, Schatz."

Inangat niya ang isa niyang kamay at akmang hahawakan si Luna pero bago pa niya iyon magawa ay lumikha ng ingay ang pusa at mukhang balak siyang sakmalin.

"Well. Looks like my cat is not a fan of alien language too."

"It's German."

"Alien."

"Meow!"

And to that, Will and I both laugh.


______________________End of Chapter 20.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 14.3K 51
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
2.3M 48.1K 44
| COMPLETED | 22 August 2016 - 5 October 2016 | Stonehearts Series #2 | Due to her bitter past and her dad's unfortunate marriage, Amorr Amethyst Bue...
6.1K 612 5
Five years ago, Serenity Gonzales married the French man, Etienne Cartier, in Paris, France. They weren't even friends. They met at a party and after...
4K 129 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...