Obsession 2, Claiming Her (Co...

Af rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... Mere

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Nine

9.5K 225 6
Af rhodselda-vergo


LINGGO ng umaga pagkatapos magsimba ni Coleen kasama ang kanyang ina ay nag-grocery na siya. Mabuti na lang wala siyang schedule sa taping ng movie na kinabibilangan niya. Kapag ganoong Linggo ay wala rin siyang schedule sa Calla. May panahon siyang ipasyal ang nanay niya. Kahit hindi makapagsalita ang nanay niya ay nababasa niya sa mga mata nito ang tuwa.

Bago sila umuwi ay tumambay sila sa Manila Bay. Tulak-tulak niya ang kanyang ina habang nakasakay ito sa wheel chair nito. Iniharap niya ito sa malawak na karagatan. Mahangin sa bahaging iyon at hindi masyadong mainit.

"May good news ako sa 'yo, 'Nay. Masisimulan na ang paggawa sa bahay ko. Hindi magtatagal ay lilipad na tayo roon. Napakasuwerte ko ngayong taon. Ang daming blessings na dumating sa akin. Pinagbukas ko na rin ng savings account ang mga kapatid ko para sa future nila," sabi niya sa kanyang ina, habang nakatayo siya sa likuran nito.

Umungol lang ang nanay niya pero alam niya masaya ito. Lumipat siya sa harapan nito saka siya umuklo. Matamang tumitig ito sa kanya. Marahang hinaplos niya ang makinis niyang pisngi. Hindi niya napigil ang kanyang pagluha nang bigla niyang ma-miss ang sandaling nakakausap pa niya ang kanyang ina.

Pinahid nito ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. "Hmmm..." umungol ito.

Alam niya ang ibig nitong sabihin. "Nalulungkot ako, 'Nay. Parang hindi pa rin ako masaya sa buhay meron ako. Hindi ko alam kung ano ang totoong magpapasaya sa akin. Ang totoo, hindi na ako masaya sa pakikipagrelasyon ko kay Cedric. Nakakasakal. Pero hindi ko siya kayang i-give up," emosyonal na pahayag niya.

Hinagod nito ang kanyang likod. Hindi siya nakatiis, yumakap siya sa kanyang ina. Nami-miss niya ang mga payo nito sa kanya. Mga salitang nagpapalakas ng loob niya.

Nang mahimasmasan ay nagdesisyon si Coleen na umuwi na silang mag-ina. Masakit na rin kasi sa balat ang sikat ng araw.

Kinagabihan pagkatapos ng hapunan ay tumambay sa lobby si Coleen habang nanonood ng telebisyon. Hindi siya interesado sa mga commercial pero nang biglang mag-air ang commercial ng isang sikat na masculine perfume ay napako ang paningin niya sa paligid. Medyo matagal na ang commercial pero patuloy pa ring pinapalabas. At ang guy model ay walang iba kundi si Franco. Ang senaryo ay nagsa-shower ito na topless. Pagkatapos ay nag-spray ito ng perfume, nagsuot ng black suite. Sumakay ito ng kotse at nagtungo sa isang party. Lahat kuno na mga babaeng nadadanana nito ay napapasinghot at sumusunod ang tingin. May magandang model na babaeng lumapit kay Franco at inalok ito ng wine.

Kahit saang anggulo tingnan ay guwapo at seductive si Franco. Walang babaeng aakitin nito na hindi bibigay. Kagaya niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang alisin sa kukoti niya ang hindi dapat. Mamaya'y may bumusinang sasakyan sa labas. Si Gabriel ang nag-abalang lumabas para alamin kung sino ang bisita nila.

Naka-focus siya sa drama na pinapanood niya. Mamaya ay bumalik si Gabriel kasama na si Cedric. Awtomatikong napako ang tingin niya sa kanyang kasintahan. May dala itong bouquet ng bulaklak. Hindi rin pala siya nito kayang tiisin.

Iniwan na ito ni Gabriel sa kanya. Umupo sa katapat niyang sofa si Cedric. Pagkuwan ay inilapag nito ang bulaklak sa ibabaw ng center table.

"Let's talk, babe. Hindi ko na kayang patagalin 'to," samo nito.

Pinahinaan niya ang volume ng telebisyon saka naibaling ang tingin sa binata. Panahon na para usigin niya ito tungkol sa mga napag-usapan nila ni Lara.

"Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtitiwala sa 'yo, Cedric. Naglilihim ka sa akin, nagsisinungaling. Paano mo mapapatunayang mahal mo ako?" may hinanakit na sabi niya.

"I'm sorry if made mistake," anito.

"You always made mistake, Cedric. Nag-usap kami ni Lara at inamin niya na nagkaroon kayo ng sexual relationship. Sa palagay mo ba maniniwala ako na noon lang iyon nangyayari?"

"Okay, she's right. B ut it's part of the past."

"Kahit na! Dapat sinabi mo pa rin 'yon sa akin. Kailangan bang sa iba ko pa malaman? Hindi lang naman ako ang nakakahalata na may malalim kayong relasyon ni Lara. Pati mga taong nakapaligid sa inyo," giit niya.

"Believe me, Coleen, we're just friends now. Hindi na naulit ang nangyari noon."

"Kailangan mo lang magsabi ng totoo, Cedric."

"Nagsasabi ako ng totoo. Palibhasa, wala kang tiwala sa akin."

"You can't blame me. Dahil sa mga sunod-sunod na isyu, feeling ko nawala na ang tiwalang iyon."

"Fine. Just tell me what you want," hamon nito.

"I want your honesty, Cedric."

"I just did my part, Coleen. Ang problema, ikaw. Ayaw mo akong paniwalaan," tumataas ang tinig na sabi nito. Napatayo ito.

Sinundan niya ito ng tingin. "Dahil ilang beses ko nang napatunayan na hindi ka tapat sa akin," pilit niya.

"Sumobra ka lang sa pag-iisip ng kung ano-ano. Or baka naman 'yang ibinibintang mo sa akin ay ikaw ang gumagawa."

Napatda siya. Guilt bothered her system after Franco crossed her mind. Naibaba niya ang kanyang tingin. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Cedric. Ginagap nito ang kamay niya.

"Please, stop thinking nonsense, Coleen. If you still love me, you have to trust me. Hindi naman natin maiwasan ang mga pagsubok sa relasyon lalo na at expose tayo sa publiko. Nakaya natin noon, alam ko makakaya rin natin ngayon," mahinahong pahayag nito.

Naparupok niya. Kahit anong galit niya ay hindi niya magawang balewalain ang pinagsamahan nila ni Cedric. But her guilt push her to be careless.

"Sorry, nahihirapan na kasi ako," emosyonal na wika niya.

"Malalagpasan din natin ito. Huwag mong pansinin ang mga bagay na nakakasira sa relasyon natin. I love you so much," masuyong sabi nito.

Nang harapin niya ito ay marahang hinaplos nito ang pisngi niya. Pumikit siya nang siilin nito ng halik ang kanyang mga labi. Kaagad siyang tumugon. Subalit habang lumalalim ang kanilang paghahalikan ay biglang pinagharian ni Franco ang isip niya. Sumariwa sa kukoti niya ang senaryong tinanggap niya ang romansa ng binata.

Nang madama niya ang kamay ni Cedric na humuhubog sa kanyang dibdib ay nahimasmasan siya. Marahas niya itong naitulak. Awtomatikong binalot ng pagkagulat ang mukha ng kanyang kalaguyo.

"Sorry," sabi lang niya.

Dumestansiya naman sa kanya si Cedric. Pagkuwan ay tumayo siya at kumuha ng maiinom nila.

KINUYUMOS ni Franco ang litratong binigay sa kanya ni Donny. Halos madurog ang mga ngipin niya sa pagdadaiti dahil sa inis niya. Pinadalhan siya ni Donny ng litrato ni Coleen at Cedric na magka-holding hands habang palabas ng hotel. Parang gusto niyang kagalitan si Donny dahil ibinigay pa nito sa kanya ang litrato.

"In love ka ba talaga kay Cedric, Coleen? O baka sobra na ang katangahan mo. Basura ba ako? Wala ba akong kakayahang magpa-ibig ng babae?" aniya habang kausap ang sarili.

Dahil sa litrato ay hindi siya makapag-focus sa ginagawa niya. Pagkatapos ng tanghalian ay nagtungo siya sa Calla. Nadagdagan ang inis niya nang malamang naka-leave ng three days si Coleen. Kaya pala hindi ito pumupunta sa ginagawang bahay nito sa Alabang. Hindi rin ito dumalaw sa mga on-going projects nila.

Tumambay siya sa lobby ng studio. Inabangan talaga niya si Farlie, na siyang palaging updated sa mga desisyon ni Coleen. Nang lumabas ito mula sa dressing room ay sinalubong niya ito.

"Oh, Franco, ngayon ka lang ata muling tumambay rito. May bago ka bang project?" nakangiting sabi sa kanya ni Farlie.

"Wala pa naman. Itatanong ko lang kung bakit nag-leave si Coleen," aniya.

"Uh, ang sabi niya, magbabakasyon sila ni Cedric sa Cebu, sa Lola ni Cedric. Bakit?" tugon nito.

"Ah, wala naman. Hindi kasi siya nagre-report sa office ko. Sige, salamat."

"Okay. Maiwan na kita."

Nang umalis si Farlie ay pumasok siya sa opisina. Mabuti naroon pa si Cynthia. Abala ito sa pagtipa sa laptop nito. Lumuklok siya sa silyang katapat ng mesa nito.

"Hi, Franco, baby! Mukhang aligaga ka, ah. May problema ba?" bati nito ngunit hindi siya magawang tingnan.

"Wala na bang project si Coleen sa Calla?" tanong niya.

"Meron pa naman pero fashion shows na lang ata. Naging busy kasi siya sa taping ng movie at commercials. Apektado ka ba sa pagkakaayos nila ni Cedric?"

"Nagpapauto lang siya kay Cedric," komento niya.

"Well, that called love. Kahit nagmumukha nang tanga, gora pa rin. Ayaw mo pa kasing tanggapin ang offer ko sa 'yo. Mag-artista ka na," udyok nito sa kanya.

Mukhang kailangan na niya ang offer ni Cynthia. "Ano ba 'yong movie na sinasabi mo? Malakihan ba?" Ayaw ko ng matagal na taping," aniya pagkuwan.

"Well, hindi naman masyado. Short film lang naman at hindi rin ganoon kalaki ang budget. Actually, ang original Mexican writer ng movie ay kaibigan ng co-producer ko. Naibenta sa kanya ang rights nang mura, since hindi naman talaga ganoon kalakas ang market ng movie sa Mexico. But since maraming conservatives dito sa Pinas, maraming cut scene specially bed scenes. Hindi erotic ang kalalabasan kundi sexy romance film. Since hindi naman ganoon kalaki ang budget, hindi namin obligadong kumuha ng artist na malaki ang talent fee. Ang kailangan namin ay 'yong babagay sa role at malakas ang alindog," paliwanag ni Cynthia.

"Nakausap n'yo na ba si Coleen tungkol sa project?"

"Yes, but she said, after na ng taping ng on-going project niya. Pero pumayag siya dahil pinaliwanag namin na hindi naman obligadong gawin kung ano 'yong nakasulat sa libro. We already done writing the script. Magaling kang actor, Franco. Kahit short commercial lang ay nabibigyan mo ng hustisya ang mga daring scene, kaya ikaw talaga ang first choice namin."

Bumuntong-hininga siya. "Okay. Pipirma lang ako ng kontrata once nakapirma na si Coleen," aniya.

"Ayaw mo ba na sabay kayong pipirma?"

"Baka bigla siyang umurong kapag nalaman niya na ako ang leading man niya."

Natawa si Cynthia. "At bakit naman siya tatanggi? Hindi ba magkaibigan na kayo? Isa pa, walang inuurungang project si Coleen. Pinatos nga niya ang role na mistress. Daring din ang on-going project niya. Meron ding bed scene pero hilaw nga lang. Sa project natin, kailangang buhay talaga ang scene. Makuukuhaan kayo pareho na topless."

Bigla siyang na-excite. Pagkakataon na niya iyong para tuluyang marahuyo sa kanya si Coleen. Total, meron na silang nasimulan. Magiging madali na lang ang lahat. Pero biglang la niyang naisip si Cedric.

"Ang problema, papayag kaya si Cedric sa desisyon ni Coleen?" sabi niya kay Cynthia.

Nakangising tumitig sa kanya si Cynthia. "Well, it's another struggle for them, especially for Cedric. Pero sa palagay ko matatanggap din ni Cedric kasi sinusuportahan na niya si Coleen sa nauna nitong project. Alam naman niya na acting lang ang ginagawa ng girlfriend niya at hindi totoong nakikipagtalik ito."

Napangiti siya. "I like your idea, Cynthia. Kumusta naman si Natalie?" aniya pagkuwan.

"She's fine. Actually, she had done her plan. Handa na rin siyang humarap sa media para ipahayag ang totoong pinagdadaanan niya. Of course, the story behind her pregnancy. Let's support her."

"I will. Thank. Please let me know if Coleen had signed the contract," sabi niya.

"Okay. Just trust yourself, Franco. I know you would get what you want. Good luck."

"Thank. I have to go." Tumayo na siya at lumabas.

PAGDATING ni Coleen mula Cebu ay dumeretso na siya sa bagong venue ng taping nila para sa pelikula. Dalawang araw lang silang nag-stay ni Cedric sa Cebu at wala silang ginawa kundi ipasyal ang seventy years old nitong Lola. Nag-enjoy naman siya. Kahit papano ay nakalabas siya sa realidad kahit sandali.

Pagkatapos ng linya niya sa taping ay kinausap siya ng co-producer ng pelikula. Malamang kukumustahin nito ang desisyon niya tungkol sa isa pang project na ino-offer sa kanya. Katunayan ay nakausap na niya si Cedric tungkol sa bago niyang project. Medyo nag-alangan ang binata pero sa huli ay pinili nitong suportahan siya. Kinompirma naman sa kanya ni Ms. Agenta na konti lang ang bed scene na gagawin. Na-revised na raw ang script.

Inimbita siya nito sa restaurant ng hotel kung saan sila nagte-taping. Pasado alas-otso na ng gabi kaya nag-order na sila ng hapunan.

"Naka-line-up na ang project for taping this month, Coleen. Meron na rin ibang cast na napili. So ikaw na lang ang hinihintay namin. Don't worry, hindi naman batikang actor ang magiging leading man mo. Kapag nakapirma ka na ng kontrata, magkakaroon tayo ng final orientation, at the same time, makikilala mo ang ibang casts. If you're ready to sign the contract, you may visit my office tomorrow," sabi ni Ms. Agenta.a

"Salamat po. After lunch po ako pupunta after ng pictorial ko sa Calla," aniya.

"Okay. You can talk to Ms. Cynthia if you have any concerns about the project."

"Bakit po kay Ms. Cynthia?" nagtatakang tanong niya.

"Oh, hindi mo pa pala alam. Partnership namin ang Calla sa project at isa sa production manager si Ms. Cynthia. Malaki ang naitulong niya para mabuo ang project. Siya rin ang nag-recommend sa 'yo. Siya kasi ang in-charge sa casting," ani Ms. Agenta.

"Gano'n po ba? Sige po, sa kanya na lang ako lalapit kapag may kailangan."

"Okay. Let's eat."

Tahimik na siyang kumakain. Hindi niya masyadong close si Ms. Cynthia. Siguro dahil hindi rin ito gaanong close ng manager niya sa Calla. Pero kailangan niyang mapalapit dito para sa project. Mukha naman itong mabait dahil inirekomenda pa siya kay Ms. Agenta.

Pagkatapos ng hapunan ay dumeretso si Coleen sa ginagawa niyang bahay sa Alabang. Ang bilis magtrabaho ng tauhan ni Franco. Nakatayo na ang mga poste. May ilang construction worker tna doon na natutulog. Gumawa ng barracks ang mga ito. Mabuti nilagyan ng ilaw sa gate at sa mismong ginagawang gusali.

Nilibot niya lupain. Nagtataka siya bakit may kotseng nakaparada sa likod ng ginagawang gusali. Si Franco ang unang naisip niya. Humakbang siya palapit sa kotse. Umaandar ito pero walang ilaw sa loob. Kinatok niya ang pinto sa driver side. Mukhang wala namang tao. Tented ang salamin kaya hindi makita sa loob. Yumuko siya at idinikit ang mukha niya sa salamin. Wala siyang maaninag na tao.

Mamaya'y may kamay na humagod sa likod niya. "O my Franco!" naibulalas niya sabay pihilant sa kanyang likuran.

Kamuntik pa siyang masimplang kung hindi lang mabilis ang braso ni Franco sa paglingkis sa baywang niya. Nahatak siya nito palapit dito kaya nagdikit ang mga katawan nila. Napigil niya ang kanyang hininga nang mamalayang ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga mukha nila ng binata. Ganoon na lang ang agarang pagtahip ng dibdib niya.

"Your Franco, huh? Well, I'm yours. Only yours," paanas na wika ni Franco.

Pakiramda m ni Coleen ay may kung anong bumara sa lalamunan niya. Nahirapan siyang lumunok. Ano ba kasi ang nabanggit niya kanina? Nang mahimasmasan ay itinulak niya ang binata. Lumayo siya rito.

"Nandito ka pa pala," aniya pagkuwan.

"Yes. Binisita ko lang ang trabaho ng mga tao ko. Nakauwi ka na pala. How's your vacation," wika nito.

Paano nito nalamang nagbakasyon siya? Hindi naman niya iyon pinalandakan sa social media.

"Okay lang. Nag-enjoy naman ako kasama si Cedric," sagot niya.

Umiwas ng tingin sa kanya si Franco. Humarap ito sa ginagawang bahay niya. "Gabi na nasa labas ka pa," sabi nito.

"Napadaan lang ako. Pauwi na rin ako. Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" aniya.

"Mayamaya konti." Hindi siya nito hinarap.

"Sige, mauna na ako." Nilagpasan lang niya ito.

Nakailang hakbang na siya nang naisip niyang lingunin si Franco. Nahuli niya itong sinusundan siya ng tingin. Ngumiti ito.

"Take care. Goodnight!" pahabol nito.

"Ikaw rin. Goodnight," ganti niya saka ito tuluyang iniwan.

Naiwan niya sa kotse ang kanyang cellphone kaya pagtingin niya ay mayroon siyang limang missed calls at tatlong text messages mula kay Cedric. Nag-reply na lang siya at sinabing nakauwi na siya para hindi na ito mangulit. Gusto na rin niyang magpahinga.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

422K 12.5K 29
Bukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangi...
182K 3.2K 27
[WARNING RATED SPG!] STANFORD SERIES #2 Marcus Cale Stanford and Calixtah Bonifacio DATE STARTED: JULY 19, 2020 DATE FINISHED: OCTOBER 19, 2020
63K 1.7K 51
ALPHABETUS SERIES 4: The rebellious son and the heir of wealthy billionaire of Spouse International Hotel. Isa ito sa kilala sa mataas na marangal na...