Prank Gone Wrong (Contract Se...

By JeraldAlde

40.1K 944 36

(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabag... More

Prank Gone Wrong
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Part 1)
Chapter 45 (Part 2)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue (Part I of II)
Epilogue (Part II of II)
Author's Note

Chapter 31

510 12 0
By JeraldAlde

Chapter 31

"Matagal pa ba kayo?" I almost yell at Aileen and Chelsea's room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong kumatok sa kwarto nila para gisingin sila dahil may pasok pa kami. Mukhang male-late na naman ako. Kung kailan naman mas malapit na kami sa campus at halos walking distance lang tsaka pa ko mahuhuli sa pagpasok. Napakakupad kasi ng dalawang 'yon sa lahat ng bagay.

Muli akong kumatok sa pintuan ng kwarto nila. "Ano ba? Ang tagal niyo namang magising?" Pumasok na ko sa loob dahil bukas naman pala. Nadatnan ko sila na tulog na tulog at nakatalukbong ng kumot. Talaga naman oh!

"Gumising na nga kayong dalawa! Anong oras na, late na tayo sa mga first subject natin," sabi ko habang hinahampas sila ng unan at tinatanggal ang kumot sa katawan nila. Mukhang wala silang balak pumasok ah.

"Mauna ka na, sis." sabi ni Aileen habang nilalabanan ang antok.

"What? Ang aga kong nagising dahil akala ko sabay tayong tatlo tapos papaunahin niyo ko?"

"Wala kaming first subject. May sakit yung professor namin."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba kong nagbibiro?" Napakapilosopo talaga. "10 am pa ang second subject namin. Pumasok ka na." Napailing na lang ako sa narinig ko.

"Kanina niyo pa sana sinabi dahil nageffort pa naman akong gumising ng maaga para sa inyo."

"Hindi ka naman nagtanong."

"Ewan ko sa inyo." Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng bottled water. I seat at the sofa. Naayos ko na lahat ng gamit ko kaya pwede na kong pumasok. Tumingin ako sa wrist watch ko para tignan ang oras. 7:30 a.m. I almost have one hour para sa first subject ko. I haven't eat my breakfast kakamadaling mag asikaso ng sarili ko.

I stared at Aileen when she get some water on the fridge. Humikab siya sa harap ko bago umupo sa tabi ko. "Bakit hindi mo na lang i-text si Mark para ihatid ka sa school?" I seriously looked at her. Bakit naman nadamay sa usapan namin si Mark. "...so you don't need to walk from apartment going to campus."

"Kaya kong maglakad. And besides, ayoko siyang abalahin para lang ihatid ako," I said while drink some water. "Walking is a good exercise. At least, I don't need to go at the gym."

Naalala ko na naman yung nangyari ng isang araw. It's been a week pero hindi ko parin makalimutan na muntikan na kaming mawalan ng apartment dahil sa ginawa namin. Buti na lang at hindi nakita ni Mom kung sino yung kasama ko sa loob. Nang dumating si Mom ng time na 'yon, inutusan ko sila Chelsea na paalisin na sila Line, Bridge at Mark sa apartment. Dumaan sila sa likurang bahagi kung saan may short cut palabas.

After that, ilang days kong hindi nakita na pumasok si Mark sa room. Ni hindi man lang siya nagtext sa'kin kung bakit wala siya ng ilang araw. Ang balita ko, busy sila sa training ng basketball since siya yung team captain ng team nila. Malapit na ang basketball league sa buong campus at halos lahat ng varsities and participants from other courses ay makikilahok. From weeks na hindi ko siya nakikita, biglang tumahimik ang magulo kong mundo. Walang magulo. Walang maingay na nangangalabit sa'kin kapag gusto niya kong asarin.

"Ano namang masama kung ihahatid ka niya 'di ba?" she said.

"Hindi niya obligasyon na ihatid ako. Busy yung tao sa basketball training. Ayokong makaabala sa kanya."

"You must be the priority."

"No. I'm not," Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung priority niya ko bakit hindi man lang siya nagpaparamdam o magtext man lang kung anong nangyayari sa kanya 'di ba? Nasaan siya? Nandon siya sa first priority niya...basketball."

Naiintindihan ko naman na busy siya sa training niya at ayokong maging dahilan para madistract siya pero pwede naman niya kong kamustahin. I'm always here if he needs me.

Tinignan niya ko bago ngumiti ng nakakaloko.

"Nagseselos ka?" she ask. That's not a question but a statement.

"Of course not! What I mean to say is he can do both things. Pwede siyang magtraining while he spend time with me...Hindi yung bigla bigla na lang siyang hindi magpaparamdam."

"Nagseselos ka nga!" she said while giving me an annoying reaction

"Hindi kita mainitindihan. May gusto siya sa'yo at gusto mo siya... Bakit kailangan pang patagalin?"

"Kailangan bang madaliin?" Huminto siya sa sinabi ko. Hindi naman sa pinapatagal ko. I just want to gave my heart a chance to choose and to feel in love. Ayokong madaliin yung sarili ko sa dapat kong maramdaman. Ayokong magsisi sa huli dahil sa mga minadaling desisyon. "Better things comes for those who wait. Things will fall into place. You just have to wait---"

"Good Morning! Special delivery for Ms. Rio Crizel Mallari Hechanova," Napako ang mga mata ko sa pintuan kung saan may lalaking nakaitim na may hawak na bouquet of flowers at box of chocolates na sa tingin ko'y deliveryman.

"May pinadeliver ka ba?" tanong ko kay Aileen. Agad siyang umiling. Delivery para sa'kin? Wala kong naalala na nagpadeliver ako. Lumapit kami sa pintuan para kausapin ang deliveryman.

"Kuya, baka nagkamali lang kayo ng pinadalhan niyan. Wala kong pinapadeliver na kahit ano."

"Let me check the address, madam." Tumingin siya sa record ng deliveries at nakalista yung pangalan at lugar kung saan ipapadala. Para sa'kin nga 'to. "Kayo po ba si Ms. Rio?"

Tumango ako.

"Based on my record, sa inyo po naka address yung item na ipapadeliver."

"Pero kuya...wala kasi akong pambayad d'yan, e."

"Wala kayong dapat bayaran dahil bayad na po lahat ng 'to."

"Ayon naman pala, e. Kunin mo na!" Dali daling kinuha ni Aileen sa kamay ng deliveryman yung flowers at chocolates. "Salamat, Kuya." Agad ding umalis yung lalaki.

"Ang bango bango ng bulaklak na 'to at mukhang mamahalin pa yung chocolates oh!" Aileen said with excitement in her eyes.

Kanino kaya galing 'to?

"May nakasulat bang pangalan ng nagpadala?"

"Wala. Pangalan mo lang yung nakasulat. Bakit?"

"Sino kayang nagpadala nito?"

"Duh? Sino pa ba? Malamang si Mark 'yan."

Ilang minuto na ang nakalipas simula ng may nagpadala ng bulaklak at chocolate. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung kay Mark nga ba galing 'yon. Bukod sa kanya wala na kong naisip na pwedeng nagpadala non. Nakatulala ako sa kawalan ng may muling kumatok sa pintuan.

"Nandito si Mark," bulong ni Aileen.

I was stupefied. I just looked at him straight in the eyes. He was wearing a black shirt with jacket on top, a simple jeans and snickers. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ilang weeks lang naman siyang nawala at hindi pumasok sa school ng wala man lang paramdam tapos bigla na lang siyang susulpot na parang kabute.

"Aalis na ko." Paalam ko kay Aileen. Tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas ng apartment. Nilagpasan ko ang kinatatayuan ni Mark. I act like he didn't exist in my world. Ganon din naman yung pinaramdam niya sa'kin nitong nakaraang araw.

I was about to take another step when someone held my wrist.

"Bitawan mo 'ko." I said. Tumingin siya sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin. "Wala ka bang training ngayon kaya wala kang pinagkakaabalahan?" Bakas ang pagiging sarkastiko sa boses ko.

"I'm sorry."

Tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa wrist ko. Alam ko na kung bakit siya nagpadala ng bulaklak. Gusto niya kong suhulan.

"Ihahatid na kita."

"Don't touch me," I said. "Hindi na kailangan. Kaya kong maglakad mag-isa. Hindi ako baldado. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Ihahatid na kita." Hindi niya ba ko naririnig? Sinabi ko ng ayokong sumabay sa kanya e.

"Pwede ba? Naririndi na 'ko sa boses mo! Busy akong tao kaya kung wala kang ginagawa, please, 'wag ako." Napahinto ako para lumanghap ng hangin. "Umalis ka na. Baka hinihintay kana ng teammates mo."

Muli niyang hinawakan yung kamay ko.

"Sabay na tayo," he said.

"Five letters. A.Y.O.K.O." Napahinto ako ng hilahin niya ko paharap sa kanya.

"Whether you like it or not, sasabay ka sa'kin." Halos manlaki ang mata ko ng ilang distansya na lang ang layo namin sa isa't-isa. I tried everything to push him with all my strength. Ayokong tumingin sa mga mata niya dahil anytime alam kong mapapayag niya rin ako sa gusto niya.

"Hey, what's wrong? Last time, we're okay and now..." Napahinto siya at diretsahang tumingin sa mata. Napakamanhid talaga ng isang 'to. "You're acting so weird." At ako pa ang sinisisi niya. Sino kayang hindi nagparamdam ng ilang araw tapos pupunta sa apartment and act like nothing happen.

Manhid ka ba o tanga?

"You better ask yourself about that. I'm not acting weird here. I just..."

"I miss you..." He cut me off. I feel the sincerity in his voice. Tumigil ako at pinagmasdan ang kanina pang seryosong mukha ni Mark. I hate him when he's using that against me.

"Miss mo mukha mo!" Tumalikod ako at kumaripas ng takbo pero naabutan niya ko. Napapikit na lang ako dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako pumapayag.

"Just let me bring you to school," he said. "Please..."

"No!" Napalakas ang boses ko dahil sa pagpupumilit niya. "Hindi ako alagang aso na pwede mong iwan kung saan mo gusto at babalikan mo na lang kapag naalala mo."

"That's why I'm here," He started to hold my hand but I resist. "I'm just busy with my training since malapit na yung game. Yes, I was wrong. Hindi ako nagkaroon ng free time to update you. I'm really sorry..."

"That's not a valid reason. May ginagawa din ako pero never kong nakalimutan na isipin ka---" Saglit kong tinakpan yung bibig ko dahil sa pagkabigla. Kung ano anong lumalabas sa bibig mo! "You always had a choice but you just let days passed na hindi ka man lang nagparamdam."

"I'm sorry, okay?" I know... I don't have any rights to demand for his time and even for his attention. Pwede niyang gawin yung gusto niya. Hindi niya obligasyon na nagpaalam kung nasaan siya o kung buhay pa ba siya o hindi na.

I'm just his pretend girl friend.

Bukod don ano pa bang role ko sa buhay niya? Wala. Wala na. I should know my limitation.

"I have to go. Male-late na 'ko." Nagsimulang akong maglakad. Nang nakalagpas na ko sa kanya, inakala kong ayos lang sa kanya na basta basta na lang akong aalis pero nagkamali ako. Ilang minuto lang...

"Rio..."

Huminto ako upang lingunin siya. Lalo lang nadagdagan ang inis ko ngayong araw ng nagsimula siyang magsalita.

"Sumakay ka na. Don't make things complicated." Nakadungay siya sa bintana ng kotse niya. "'Wag mong hintaying sapilitan kitang ipasok sa loob para sumakay ka lang."

I rolled my eyes. Nababaliw ba siya.

"Ilang beses ka bang iniri ni Tita ha? Ang kulit mo!"

"Sasakay ka ba o hindi?"

"Hindi."

"Okay. I don't want to used it against you but I had no choice," inilabas niya yung cellphone niya at parang may dina-dial na number don. "Kung hindi ka sasakay, I will tell Tita what happened that night. For sure, grounded ka ng ilang linggo kapag nalaman niyang you get drunk..." Ipinakita niya sa'kin yung number ni Mom na anytime pwede niyang tawagan. Blina black mail niya ba ko? Shit.

"I'll count one to three. One." Napapikit na lang ako sa sobrang inis. I will kill this man! "Two." What should I do? Knowing him, kapag sinabi niya, he will definitely do it without any hesitation. "Three—"

"Okay. Fine," I heaved a sigh. "Sasakay na ko!" Kasabay ng pagkakasabi ko non nagsimula siyang ngumisi na parang nangaasar pa. Bwisit!

"Good girl."

Bumaba siya ng kotse habang nakatingin parin sa'kin. Gusto kong tusukin yung mata niya hanggang hindi na siya makakita. Pinagbuksan niya ko ng pinto at agad naman akong pumasok sa loob. Tahimik lang ako buong byahe. I'm not on my mood to talk with him after all. I hate him. I hate his way para lang mapapayag akong sumakay sa kotse niya.

"How's your day?" tanong niya para basagin and katahimikan sa loob ng kotse. Ibinaling ko yung tingin ko sa kanya.

"Seriously? Your asking me how's my day?' Maganda naman ang gising ko kanina pero nagbago ng nakita kita."

"Ouch. Harsh," sabi niya habang hawak ang dibdib at nagpapanggap na nasasaktan. Bakit ko nga ba ulit nagustuhan ang lalaking 'to? Hindi ko na lang siya pinansin. Masyado kong maraming iniisip para dumagdag pa siya.

Nanatili akong tahimik hanggang sa narating namin ang tapat ng school. I thought ipaparada niya sa parking lot ng school yung kotse like how the usual. Bandang likod ng school 'yon at walang masyadong nadaan na estudyante. Parehas kaming umiiwas sa issue. Para walang makaalam ng totoo. Para walang makaalam na (fake) girlfriend niya ko. I know he wants to tell everyone na we're in relationship since pinakilala niya na ko sa mom at ate niya. Idagdag pa na alam na ni Ms. Falcon at karamihan sa kaklase namin na 'girlfriend' niya ko.

But I want to keep things in private. Ayokong pinag-uusapan ng mga taong walang magawa sa buhay kung hindi gumawa ng issue regarding someone's life...

Nagulat ako ng inihinto niya yung sasakyan niya sa harap mismo ng gate ng campus. Bakit dito siya huminto? Tinignan ko siya ng ilang minuto para sana itanong kung bakit dito niya 'ko ibinaba at hindi sa parking lot pero hindi na ko nagtanong.

Bumaba ako at naglakad papasok sa gate. Hindi ko na siya hinintay na maiparada yung kotse niya. Galit parin ako sa kanya.

"Babe, wait for me!" I bit my lower lip. Yumuko na lang ako. Maraming nakatingin sa direksyon namin ni Mark. Hindi na ko magtataka dahil madami siyang fan girls dito sa campus. Halos lahat siguro ng babae dito at ultimo guard nagkaka crush sa kanya. He's a varsity player anyway. He is famous. Napakahirap niyang abutin kung tutuusin.

Ang dami niya na sigurong pinaiyak na babae...at mukhang isa ko sa kanila.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Tatanggalin ko sana pero mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak don. Hinayaan ko na lang siya dahil wala rin naman akong magagawa.

Nalagpasan na namin yung room namin pero hindi parin kami humihinto sa paglalakad. Tinignan ko siya habang hawak parin niya yung kamay ko.

"San tayo pupunta? Nalagpasan na natin yung room," tanong ko nang huminto kami sa cafeteria. "Bumalik na tayo."

Hindi niya ako pinakinggan. Umupo kami sa available chair. May iilang students na kumakain kahit na maaga pa. Halos patayin ako ng mga babaeng nakatingin sa'kin dahil magka holding hands kaming maglakad papasok ng cafeteria.

"Just wait me here," I just looked at him while he turned away to order some food on the counter. Ilang minuto bumalik din siya ng may dalang pagkain.

"Eat."

"I didn't ask you to buy me foods." Umupo siya sa kabilang side at inayos ang lahat ng inorder niya para sa'kin. "Hindi ako nagugutom—" Nahinto ako ng kumalam ng malakas ang tiyan ko. Nakakahiya! Bakit hindi ka marunong makisama.

I saw him grinned. "Just eat."

Dahil gutom na rin talaga ko at hindi pa 'ko kumain dahil sa pagmamadaling pumasok. Kinain ko na yung inorder niyang food para sa'kin. I'm starving.

Tahimik niya kong pinagmasdan habang kumakain ako. I have more than thirty minutes before the class starts. I just can't help myself looked at him. Hindi talaga niya ko titigilan hangga't hindi kami nagkakaayos.

"Did you enjoy your meal?"

"Pinagtitiisan ko lang dahil wala pa 'kong breakfast," sabi ko habang puno ang bibig. Natawa siya sa sinabi ko. "May nakakatawa?"

"Wala." Bumalik ako sa pagkain. Na-enjoy ko naman ang food na binili niya sa'kin dahil masarap naman ito.

"Wait. Huwag kang gagalaw." He get some tissue on the table at dahan dahang ipinunas sa gilid ng bibig ko. Napatulala na lang ako matapos niyang gawin 'yon. "Wala na."

I could feel their stares on us. Alam kong pinag iinitan na nila 'ko dahil kasama ko si Mark—every girls dream. I hate it! Tuwing tumitingin naman ako umiiwas sila.

"Alis na tayo."

"No. Just finish your food."

"Hindi ko na matagalan yung titig nila sa'kin." Hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa table.

"Don't mind them." Tinignan ko lang siya. Aaminin ko na galit ako sa kanya pero tuwing kasama ko siya... alam kong kaya niya kong protektahan sa mga taong maaring manakit sa'kin. Na walang pwedeng makasakit sa'kin.

But why he can't protect me from him? To all the pain he'd caused me.

"Mark..." Hindi ko na rin natiis na hindi siya kibuin buong araw.

"Yes?"

"Bakit hindi mo ko ibinaba sa parking lot ng school?" I ask him. "Why you're doing this? You're not sweet but now...you even show public display of affection."

Bakit ba 'ko nagtatanong? Alam ko naman na ginagawa niya lang 'to dahil maraming taong nakakakita sa'min and because of the shit contract.

"I want them to know that you're not available. That you are mine," he said. "Para wala nang umaligid sa'yo kapag wala ako. Dahil alam nilang pagmamay-ari na kita." Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko ng sinagot niya yung tanong ko.

Katahimikan.

I feel thousands of butterflies playing inside my tummy. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Bakit ganito yung nagiging epekto ng sinabi niya sa'kin? Simpleng pambobola lang naman niya 'yon pero bakit ganon... Bakit hindi ko mapigilan yung ngiti na lumalabas sa labi ko.

"Wala kang bang training ngayon?" tanong ko para baguhin yung topic. Baka mahalata niyang kinikilig ako.

"Meron." Kung meron siyang training bakit nandito siya at kasama ko.

"Bakit nandito ka pa? Umalis ka na. Mas kailangan ka ng team mo."

"Mas kailangan kita..." Natahimik ako.

Ngumisi siya. "I just want to check your condition while I'm busy for my training. I told you not to skip your breakfast pero ang tigas talaga ng ulo mo. Ayokong ginugutom mo yung sarili mo." Ibinalik ko yung atensyon ko sa kinakain ko. I need to control my feels. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinagmamasdan akong kumain.

"Mark..."

"Hmm?"

"Uhm...ano kasi...yung about sa flowers at chocolate... t-thank you." Tumingin siya sa'kin.

"What do you mean?" he asked while forehead creased.

Mukhang wala siyang idea sa sinasabi ko. It means... hindi siya yung nagpadeliver non. Pero bukod sa kanya sino pa bang pwedeng magpadala ng flowers at chocolates sa'kin?

"Just forget about it."

Naglakad na kami pabalik sa room ng matapos kong kainin yung food na binili ni Mark sa'kin. Madami pa ring nakatingin na mga mata sa'min. Nagulat ako ng hinawakan niya yung bewang ko at idiniin palapit sa kanya. I just close my eyes. For sure, madami na namang inggeterang mga babae ang mang aaway sa'kin nito.

"Pwede mo na 'kong iwan," sabi ko nang narating namin yung tapat ng room. "Mag training ka na." I gave him a satisfying smile to show that I'm not mad and he can ditched me.

Iilan pa lang ang tao sa loob dahil almost ten minutes pa bago magstart yung first subject namin.

"Are you sure you're okay?"

"Yeah. No need to worry." Iniisip ko parin hanggang ngayon kung sino yung nagpadala sa apartment ko ng bulalak.

Tumingin siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Gusto kong bumawi sa'yo," Naiilang na ko sa ginagawa niya dahil nakatingin yung mga kaklase namin sa direksyon ko. "Wait for me on the same spot after your class. Let's have a dinner after my training."

I smiled at him. "Okay." I said before he left me there.

Hindi ko maitago ang ngiti ng pumasok ako sa loob ng room at umupo sa upuan ko. Hindi ko na lang pinansin yung mga mata ng kaklase kong nakatingin sa'kin.

Until our first classes start. Buong discussion ng prof namin lutang ang isip ko hanggang sa tumunog ang phone ko. They looked at me with those deathly stares.

I received a text message from Mark.

Mark:

See you after your class. I love you.

Magkaaway lang kami kanina tapos ngayon ayos na kaagad kami. Para na 'kong baliw na tinatakpan ng panyo yung bibig ko para itago yung kilig na nararamdam ko. I turned off my phone before I focus on the discussion.

--

"Wait for me on the same spot after your class. Let's have a dinner after my training."

I still remembered what he said. Ano kayang prinipare niya for our dinner date? 5:30 pm natapos ang klase ko at wala kong ibang ginawa kung hindi tumunganga sa prof habang dinidiscuss yung topic niya. Pinilit ko pero hindi talaga ko makapag focus sa pakikinig.

"Hindi ka pa ba uuwi, sis?" tanong ni Chelsea sa'kin habang nakaupo kami sa waiting shed na halos tapat lang ng gate ng school.

"Mauna na kayo. Hinintayin ko pa si Mark." Malamig ang simoy ng hangin sa daan at mag gagabi na rin pero wala pa siya. Parating na rin siguro 'yon.

Tinignan ako ni Chelsea. "At saan naman kayo pupunta ha?"

"It's non of your business."

"Hala ang damot!" Parehas kaming natawa ni Aileen sa hitsura ng mukha ni Chelsea. Para talaga siyang bata.

"Magdi dinner kami ni Mark sa labas."

"Saan?"

"I don't know where." Hindi na rin sila nagtanong pa pero bago sila umalis I told them na kapag tinanong sila ni Mom kung nasaan ako ang sabihin nila may ginagawang school project or thesis. Ayokong lang na mag-alala si Mom kung saan ako pumunta.

Umupo lang ako sa available chair sa waiting shed habang pinagmamasdan yung mga students na naglalakad pauwi. I don't know but I love watching people especially kapag madami sila. Gustong gusto kong makita yung iba't-ibang reaskyon ng tao sa paligid.

Tumayo ang balahibo ko dahil sa hampas ng malakas na hangin. Madilim na rin ang langit at mukhang masama ang panahon ngayon dahil sa mga dahong nagbabagsakan sa mga puno. Huwag naman sanang umulan. Wala pa man din akong dalang payong.

"See you after your class. I love you."

I looked at my phone. Nagbabakasakaling i-text o tawagan man lang niya ko pero wala kong natanggap kahit isa. I tried to call him several times pero hindi niya sinasagot yung tawag ko.

Ano na kayang nangyari don?

Bakit ang tagal niyang dumating?

Baka male-late lang.

Ilang oras akong naghintay don at halos wala na 'kong makitang mga estudyante na dumadaan pero hindi ako umalis dahil ang sabi niya sa'kin hintayin ko siya... dahil pagkatapos ng training niya lalabas kami para mag dinner. Pero mukhang wala siyang balak pumunta.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko sa nararamdaman kong lungkot. Para pigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Nakalimutan niya ba na aalis kami ngayon.

Mukhang wala na siyang balak pumunta.

Pinagmasdan ko ang paligid at doon na nagsimulang bumuhos ang ambon hanggang sa tuluyang ng bumagsak ang malakas na ulan sa kalangitan. Bwisit na ulan 'to! Bakit tuwing malungkot ako at may nangyayaring hindi maganda palaging umuulan? Nananadya ka ba?

I tried to control myself from crying. Nilalamig na 'ko sa kinatatayuan ko. Nababasa na yung damit ko dahil sa malakas na hangin na may kasamang ulan pero wala kong magawa dahil wala kong payong na dala.

Hindi na siya pumunta.

Pinaasa niya na naman ako na dadating siya at ako namang si tanga naniwala sa kanya. Nakakagago 'no? Sinabi niya sa'kin na hintayin ko siya pagkatapos ng klase ko dahil sinabi niyang may dinner kami pero at the first place wala namang magaganap na dinner.

Bakit ba 'ko naniwala sa kanya? Bakit ba ko naniwala sa sinabi niya? Alam ko namang wala siyang balak magseryoso. Hindi ako mahalaga para pag-aksayahan niya ng panahon.

Naglakad ako para sana umalis na don pero mukhang hindi talaga para sa'kin ang araw na 'to dahil paghakbang ko na out balance ako at diretsong tumama ang pwetan ko sa semento. Napapikit na lang ako sa sakit dahil napalakas ang pagkaupo ko.

The rain keeps on pouring hard. Tumingala ako sa langit. Ipinikit ang mga mata ko habang patuloy na bumabagsak ang ulan sa mukha ko. Kasabay ng mga luha na kanina ko pa pinilit pigilan. Hindi ko na nagawang tumayo para umalis sa kinauupuan ko. Alam ko. Para 'kong sira na umiiyak habang umuulan. Para saan pa't sisilong ako kung basa na rin naman ako.

Huminto ako nang maramdaman na wala nang pumapatak na ulan sa mukha ko. I opened my eyes when someone hold an umbrella above my head.

"Do you want to get sick?"

Anong ginagawa niya dito?

"Eris..."

--

JeraldAlde

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 4.4K 9
Highest Rank: #1TEENFICTION (2/24/20) #9 ROMANCE Nagising si Brielle na tila binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit niyo...
104K 2.2K 41
When you have been deemed as kontrabida at talunan, will you still ever get your own happy-even- after? Published in Dreame.
610K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
454K 3K 5
WARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Highest Rank #2 Action-Romance "I don't...