Chapter Twenty One: Longing
CYRHEL
"Bunso, hayaan mo na si Manang dyan."
"Ma, malapit na itong maluto," hindi lumilingon na sabi ko pagkatapos inihulog ang huling sahog sa kaldero. Naisipan kong magluto ng sopas para sa agahan.
Lumapit sa akin si Mama. "Naninibago ako sayo, bunso. Dati-rati tanghali ka na nagigising. Pero ngayon nauunahan mo pa kaming lahat."
Ngumiti ako. "Masanay ka na ngayon, Ma dahil ako na ang palaging magluluto. Aagawan ko ng trabaho si Manang." Lumingon ako sa may-edad na babae na kanina pa nakamasid sa akin at kinindatan ito.
"Hayaan mo na 'yan kay Manang," hinila ako ni Mama palabas ng kusina. "Kanina ka pa hinahanap ng papa mo."
"P-pero..."
"Wala ka bang balak lumabas? Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa bahay," may pag-aalalang tanong ni Papa habang magkasama naming dinidiligan ang mga halaman sa garden.
"Tinatamad po akong maglalabas."
"Nag-aalala na ako sayo. Magmula nang bumalik ka ay ang laki na ng pinagbago mo."
"Pa, wala naman nagbago. Guni-guni nyo lang siguro iyon."
"Tell me, did someone broke your heart?"
"Papa!"
"I'm just asking. Sa nakikita ko kasing ikinikilos mo ay parang na-heartbroken ka. You used to be a jolly person. Pero ngayon...ngumingiti ka nga pero malungkot naman ang iyong mga mata."
Hindi ako nakakibo. I'm being too obvious. Kahit anong pilit ko ay hindi ko pa rin magawa.
"Sino ang lalaking nanakit sa damdamin ng bunso ko?" Pabirong sabi ni Papa at malambing na niyakap ako. "Sabihin mo sa akin at tuturuan ko ng leksyon."
"Papa naman!" Ismid ko.
"Akala mo ba nagbibiro ako? I'm serious," natatawa na sabi niya.
I rolled my eyes. Hindi ko masakyan ang trip ni Papa.
"Fine. Hindi kita pipilitin magsalita. Pero huwag mong kakalimutan..." Pinisil niya ako sa pisngi. "I'm always here to listen. Especially kapag ito na ang involved," bumaba ang kamay niya at itinuro ang tapat ng dibdib ko.
Hindi ko naiwasan mapangiti. "Maaasahan mo, pa."
"Ate, telepono po."
Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan. "Sa akin?" Nagtataka na lumapit ako sa katulong nang bigla akong may naalala. "Sino daw? Lalaki ba?" Sinadya kong hinaan ang boses.
Tumango siya. "Opo. Lalaki."
"Sabihin mo wala ako. Kunwari umalis ako at hindi na babalik." Nagpapanic na binalik ko sa kanya ang aparato. "Basta ikaw na ang bahalang mag-alibi."
"Pero ate, narinig na po niya kayo."
Syunga! Hindi ko pala natakpan ang receiver. Napilitan tuloy akong sagutin iyon.
"H-hello..."
"Aha! Balak mo pa kaming pagtaguan!"
Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Eric. Siya lang pala tumawag.
"Ano na naman kaartehan 'yan, Cyrhel? Pati ba naman kaming mga kaibigan mo ay pagtataguan mo pa!"
"Bakit naka-off ang cellphone mo?" Sabat naman ni Azure.
"Mamaya ka na, pwede?" Angil ni Eric.
"Excited eh, pakialam mo!"
"May phone ka naman bakit hindi mo gamitin."
"Kadamutan mo talaga! O ayan! Saksak mo sa baga mo itong telepono mo!"
Pati ba naman sa telephone ay nag-aaway pa rin silang dalawa. Hay...
"Cyrhel, are you still there?" Si Eric.
"Wala, tulog!" Sagot ko.
"Bruha! Sabunutan kaya kita dyan."
"Friendship, gala tayo."
"Foodtrip tayo, sagot daw ni Azure," si Eric ulit.
"Bakit ako na naman?"
"Makareklamo ka wagas. Kailan ka ba nanlibre, aber?"
"Wala akong pera. Friendship, ikaw na lang ang manlibre."
"Oo ba. Kain tayo sa Vikings sagot ko."
"Yes!" Sabay na sagot ng dalawang kaibigan.
"Sa next year nga lang."
Dismayadong napaungol sila.
"Waley, walkout!"
"Sawi ang aming mga tiyan."
"Sorry, guys. Wala talaga akong pera ngayon," natatawang sabi ko. Ramdam ko ang panghihinayang nila.
"Hindi ba may backpay kang makukuha sa pogi mong amo?" Si Azure.
"Backpay?"
"Backpay or separation pay," wika naman ni Eric. "Tapos na ang contract mo sa kanya kaya dapat lang na makakuha ka ng panghuling bayad sa ibinigay mong serbisyo."
"Ganun ba iyon?" First time ko kasing nag-work at wala akong alam sa tungkol sa mga ganong bagay. Pero kung sahod nga wala akong natanggap sa bakulaw na iyon, backpay pa kaya!
Sa huli ay hindi rin ako napilit ng mga kaibigan. Wala talaga ako sa mood maglalalabas. Mas gugustuhin kong magstay sa bahay. Kung hindi pagluluto, nagbe-bake ako ng cupcake. Natutunan ko lang iyon sa panonood sa youtube. So far, positive naman ang feedback na nare-receive ko mula sa aking mga foodtaster.
"Bunso, pwedeng bang mag-lielow ka muna sa kusina?"
Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang tinig ni Mama. "Bakit naman, Ma? May problema ba?"
Lumapit siya at kinuha mula sa akin ang supot ng arina. "Kung hindi ka nagluluto, nagbe-bake ka naman. Nananaba na ang lahat ng tao dito sa bahay. Maawa ka naman, bunso."
Napasimangot ako. "Ma, hayaan nyo na ako. Ito na lang ang libangan ko." Minsan kasi ay naglakas loob akong magsabi sa kanila na gusto kong magtrabaho. This time sa kumpanya nila Papa. Subalit ganon na lamang ang pagtutol ni Mama.
"Pero bunso nasisira ang diet ko sa kakakain. Ang Papa mo naman ay panay ang reklamo. Hindi na raw magkasya sa kanya ang mga shorts at pants niya. Lumaki raw ng two inches ang kanyang waistline."
"Para nyo na rin sinabi na tumigil ako at bumalik na lang sa dati kong ginagawa," may pagtatampo na sabi ko. Ang gusto yata nila ay magpaka-easy go lucky ulit ako. Pakiramdam ko tuloy, kahit anong gawin ko ay hindi na ako naging tama para sa kanila.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa amin lang ng Papa mo, medyo mag-lielow ka lang ng konti. Iilan lang tayo dito sa bahay pero kung makapagluto at makapag-bake ka naman ay parang isang barangay ang pakakainin mo."
"Hindi ko naman kayo pinipilit na kumain. Kung ayaw nyo...ipamimigay ko na lang sa mga kapuspalad," sabi ko sabay walkout. Masama ang loob na dumiretso ako sa kuwarto.
Naalimpungatan ako sa magkakasunod na katok sa pintuan. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako sa pag-eemote.
"Bunso!" Boses iyon ni Mama.
Tatayo pa lang sana ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Bunso, magbihis ka dali!"
"B-bakit po?" Nagtatakang tanong ko nang hilahin ako ni Mama sa harapan ng closet.
"May bisita ka."
"Sina Azure at Eric?" Hindi na ako magtataka kung pumarito sila. Siguradong nangangati ang mga paa ng dalawang iyon.
"Hindi ang mga kaibigan mo. May bisita kang lalaki."
"Lalaki?"
Kumuha si Mama ng bestida sa closet ko at inilapit sa katawan ko. "Dalian mo at magbihis ka na bago pa mainip ang manliligaw mo."
Duda ako sa sinasabi ni Mama. Pero ewan ko ba kung bakit ganon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko habang bumababa ng hagdan. Subconciously, may ine-expect ako na gusto kong makita.
"Kevin?" Bukod sa nagulat ako nang makita siya ay hindi ko inaasahan na siya pala ang lalaking tinutukoy ni Mama.
"Kamusta ka na, Cyrhel?" Nakangiting salubong niya sa akin sabay abot ng bitbit niyang bulaklak.
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Sinearch ko sa goggle map," biro niya na sinabayan ng mahinang pagtawa. Hayun na naman ang mala-Pucca niyang mga mata.
"Sorry nga pala at hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Biglaan kasi ang pag-alis ko."
"Honestly, medyo nagtampo ako. Pero mas mabuti na rin ang umalis ka sa poder ng lalaking iyon. At least dito ay madalas akong makakadalaw sa'yo."
Ngumiti ako at pilit na kinakapa sa dibdib ang kilig na madalas niyang hatid sa akin. Pero nakakapagtaka na naglaho iyon bigla.
"Ang ganda pala ng bahay ninyo at saka ang laki," aniya habang nililibot ng tingin ang paligid. "Nagtataka tuloy ako kung bakit namasukan ka pang yaya kung may-kaya naman ang pamilya mo."
"I have my own reason. Besides, nag-enjoy naman ako sa experience kong iyon. Oo nga pala, kamusta na si-" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at sumalampak sa sahig sina Mama, Azure at Eric.
"Bakit ka ba kasi nanunulak?" Kunwari ay paninisi ni Eric sa kaibigan. "Sorry sa istorbo. Sige, ituloy nyo lang." Nagmamadali silang tumayo at lumabas ng pinto.
Nagtataka na tumingin sa akin si Kevin. Hindi na lang ako kumibo. Kabisado ko na ang style ng mga iyon.
Pag-alis ni Kevin ay hindi na ako tinigilan ng mga ito sa pag-uusisa. Buong akala talaga nila ay manliligaw ko ang binata.
"Hindi nga sabi, ang kulit!" Naiinis na sabi ko.
"Ayaw mo ba sa kanya, bunso?"
"Basted agad? Iyong guwapong iyon?" Si Azure.
"Choosy pa ang lola!" Hinila ako ni Eric sa buhok. "Day, pagkakataon mo na itong magka-lovelife. So, grab the opportunity. Huwag ka nang mag-inarte."
"Aaminin ko, crush ko siya..." Sinadya ko pang ibitin ang sasabihin para i-suspense sila. "Pero mas gusto ko si Doctor Mark Mendoza. Kapag siya ang nanligaw sa akin, agad-agad kami na!"
"Iyong guwapong doktor na kaibigan ng Kuya Vince mo?" Nanlalaki ang mga mata ni Azure, gayundin ang butas ng kanyang ilong.
"Mismo!"
"Ahh... Akala ko pa naman ay mas type mo iyong guwapong tatay ng alaga-" Mabilis na tinakpan ni Azure ang bibig ni Eric. Ang daldal talaga ng baklitang ito!
"Oo nga pala, Ma. Aalis muna ako," naisip kong sabihin. "May lakad nga pala kami." Hinablot ko sa braso si Enrico. Katulong si friendship ay kinaladkad namin siya palabas ng bahay.
Wala sana akong balak lumabas pero napasubo ako dahil sa pasaway kong mga kaibigan.
"Wow Melona!" Sabay nilang bulaslas at parang mga bata na sinugod ang freezer sa labas ng isang supermarket.
"Akin itong melon flavor."
"Hindi akin ito. Ako ang unang nakakita."
Kailan kaya sila magsasama na hindi nagtatalo o nag-aaway? Ang sakit na ng tenga ko sa bangayan nila.
"Parang wala ng away, akina itong melon flavor," wala na silang nagawa nang kunin ko ang supot ng ice cream. At dahil nag-iisa na lamang ang paborito naming flavor, nagtiyaga na lang sila sa strawberry at banana flavor.
"Kawawa naman tayo. Nagtitiyaga na lang sa Melona," pag-eemote ni Azure.
"Mabuti na lang at may one hundred pesos pa ako sa bulsa. Kung hindi, nganga tayo ngayon," wika naman ni Eric.
Para kaming mga yagit. Wala kaming kapera-pera. Gayunpaman, masaya pa rin kami. Mabababaw lang naman ang kaligayahan naming tatlo.
"Tae ka, Cyrhel! May credit card ka pala bakit hindi ka nagsasalita?" Si Eric habang hawak niya ang wallet ko. Kung paano niya nakuha iyon ay hindi ko alam.
Mabilis kong hinablot iyon sa kamay niya pero nakipag-agawan siya sa akin. "Hindi iyan sa akin!"
"Kung hindi sayo, kanino?"
"Credit card iyan ng tatay ng alaga ko."
"Bakit na sayo?"
"Pinahiram niya lang sa akin iyan. Nakalimutan ko lang isoli." Nawala na sa loob ko na ibalik iyon kay Tyron.
"Huwag mo munang isoli. Gamitin muna natin," panggagatong ni Azure.
"Tama! May pangfoodtrip na tayo. Oh yeah!" Biglang nagtatakbo si Eric bago ko pa siya mapigilan. Kasunod si Azure ay nakihabol na rin ako.
Ang lakas ng loob ko na mag-taxi pauwi gayon wala naman akong dalang pamasahe. Di bale, pag-uwi ay manghihingi na lang ako kay Mama. Pagpasok ng sinasakyan sa gate ng subdivision ay may nakasalubong kaming kotse na pamilyar sa akin. Hindi ako sigurado pero parang kotse iyon ni Tyron.
Pagpasok ko ng bahay ay nasorpresa ako nang maabutan sina Kuya Vince at Ate Valjean. Dumating na sila mula sa kanilang honeymoon.
"Bunso!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng kapatid. Which is really weird! Ngayon niya lamang ginawa ito sa akin. "How's my pretty little sister?" Tanong niya nang bumitiw sa akin.
Pilit akong ngumiti. Hindi ako maka-get over sa nakikitang pagbabago niya. Itinaas ni kuya ang mga kamay niya at sinapo ang magkabila kong pisngi. Biglang kumunot ang kanyang noo. "Nangangayat ka yata, bunso. Nawala na ang nakaumbok mong pisngi. Tell me, iyan ba ang epekto ng pag-iistokwa mo?" May bahid na pang-aasar niya. Then I saw again his evil smile. Akala ko pa naman ay tuluyan na siyang nagbago.
Awtomatikong humaba ang nguso ko. "I hate you!" At tinalikuran siya.
"You hate me? Sayang ang dami ko pa naman pasalubong sayo. Kung ayaw mo ipapamigay ko na lang sa iba."
"Huwag mong pansinin ang pag-aalaska ng Kuya Vince mo," Wika ni Ate Valjean nang lapitan ako. "Na-miss ka lang niya ng sobra. Hindi niya lang masabi." Pagkatapos ay niyapos ako. Nang bumitiw siya sa akin ay ganon na lamang ang ginawa niyang pagtitig sa mukha ko. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. "Blooming ang sister-in-law ko. Tell me, sino ang mapalad na lalaki?"
"Hindi kaya!" Nako-concious na hinipo ko ang magkabilang pisngi.
"Come on, sikrekto lang natin ito. Promise hindi ko ipagsasabi sa iba."
"Ate pretty wala naman talaga."
"Oo nga pala, Vince kagagaling lang dito kanina ni Tyron," sabi ni Papa na nagpalingon sa akin. "Sayang at hindi kayo napang-abot."
Sabi ko na nga ba at siya iyon!
"Bakit daw po?" Tanong ng kapatid.
Hindi ko maintindihan kung bakit nae-excite ako sa isasagot ng ama.
"Hinahanap ka. Akala niya ay nakauwi na kayo ng asawa mo."
Bigla akong nadismaya sa narinig. Akala ko pa naman...
"Tawagan mo na lang at pabalikin dito. Hindi pa siguro iyon nakakalayo," si Papa ulit. Agad naman tumalima si Kuya Vince at kinuha ang kanyang cellphone.
"Sister-in-law..." Kinalabit ako ni Ate Valjean. "There something in your eyes na hindi mo maipagkakaila."
Maang na napatingin ako sa kanya.