Obsession 2, Claiming Her (Co...

By rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Seven

9.6K 267 28
By rhodselda-vergo

WALANG kahirap-hirap na nakuha ni Coleen ang kanyang driver's license. Pero kahit puwede na siyang mag-drive ay tinatawag pa rin niya si Donny kapag may pupuntahan siyang lugar na hindi niya kabisado. Dalawang linggo na ang lumipas simula noong magsimula ang taping ng pelikula na kinabibilangan niya.

Nasorpresa ang dalaga nang makatanggap siya ng invitation mula sa RM movie production. Ito ang kompanya na madalas ay nagpo-produce ng mga daring movies. May niluluto raw na bagong project ang mga ito at need ng bagong talents. Nae-excite siya. Natutuwa rin siya dahil puro papuri ang natatanggap niya mula sa director ng on-going project niya.

Mukhang masuwerte talaga sa kanya ang taong ito. Maliban sa sunud-sunod na oportunidad sa showbiz ay dalawang project na ang naipagkatiwala sa kanya ni Franco. Ang nakakatuwa pa roon ay tinupad ng butihing binata ang pangako nito na ima-manage ang construction ng pangarap niyang bahay. Pero sa kabila ng blessing na natatanggap niya, ang kapalit naman nito ay ang paglala ng away nila ni Cedric. Talagang sinusubok ang relasyon nila dahil may lumitaw na namang litrato nito na kasama si Lara na magkasamang lumabas sa isang hotel. Iyon na ata ang pinakamalaking dagok sa relasyon nila. O baka simula pa lang iyon.

Kahit siguro balatan niya ng buhay si Cedric ay hindi niya ito mapapaamin kung ano ba talaga ang tunay nitong relasyon kay Lara. Pumutok din ang balita na hiwalay na si Lara sa boyfriend nitong Atleta. Malamang hindi na rin kinaya ng boyfriend nito ang isyu tungkol kay Lara at Cedric. O kaya'y natuklasan nito ang totoo.

Dahil wala siyang makuhang matinong sagot kay Cedric ay naglakas-loob siyang mag-set ng appointment kay Lara. Pinagbigyan naman siya nito. Nagkita sila sa isang hotel sa Quezon Avenue at umukupa ng VIP dining room. Nauna siyang dumating at nakapag-order na rin siya ng pagkain.

Nang makita niya nang personal ang babae ay kaagad na uminit ang dugo niya. Mas matapang itong tingnan kaysa kanya. Nakasuot ito ng pulang dress na hantad ang kalahating hita nito. Nakalugay ang aalon-alon nitong buhok na blonde na hanggang baywang ang haba. Nakasuot pa ito ng sunglasses. Mas matangkad ito sa kanya pero ipinagmamalaki niya na mas maganda ang katawan niya kaysa rito at proud siya sa natural niyang ganda. Humarap siya rito na manipis lang ang makeup niya nang magkaalaman kung sino ang mas maganda.

Naka-dress din siya na kulay asul at half-shoulder. Mas mahaba lang nang konti ang laylayan nito sa suot ni Lara. Inisang-bungkos naman niya ang kanyang buhok na mataas. Maliliit na jade stone ang hikaw niya at dalawang bangles na silver. Iyon lang ang alahas na suot niya.

Nang umupo ito sa katapat niyang silya ay itinaas nito sa ulo ang sunglasses nito. Dapat lang dahil ayaw niyang makipag-usap sa taong nakatago ang mga mata. Saktong dumating din ang order niyang pagkain. Hinintay niyang makaalis ang waiter bago sinimulan ang litanya niya.

"So, may matino ba akong sagot na makukuha mula sa 'yo? Hanggang kailan kayo magwawalang-bahala ni Cedric sa naglalabasang isyu tungkol sa inyo? Ilang beses nang sinabi sa akin ni Cedric na magkaibigan lang kayo pero ni minsan ay hindi siya nag-abalang ipakilala ka sa akin ng maayos bilang kaibigan. Kung ikaw sa part ko, ano ang iisipin mo?" palatak niya.

Ngumisi si Lara. "Actually, my life became miserable since I met Cedric. But he was a good friend of mine. I ignored all the issues about us because I know it's just a rumor. I know what you had felt right now, Coleen, and understand you. But of course, there's always a back story before we reach the point where we stand know. Because of Cedric, I had lost my boyfriend. Sometimes I asked myself if is it bad to have a guy friend who is related to my past?" litanya rin nito.

Nalukot ang noo niya. Ano'ng ibig nitong sabihin? Na may nakaraan ito kay Cedric?

"What do you mean by past?" tanong niya.

"Aaminin ko sa 'yo, Coleen. May nangyaring sexual sa amin noon ni Cedric. Pero noong panahong iyon, hindi pa kayo. I think you would consider it as part of your boyfriend's past relationship and you won't be affected as well."

Nawindang siya. Pero ini-expect talaga niya iyon at hindi lang iyon ang expected niya. Natitiyak niya na hanggang sa panahong kasalukuyan ay may sexual relationship pa rin ang dalawa. Tuluyan na siyang nawalan ng tiwala kay Cedric. Dapat ay sa binata niya mismo narinig ang tungkol sa bagay na iyon.

Lumagok siya ng juice na nasa kopita. Pilit niyang ikinakalma ang dibdib niya. "Gusto mo bang maniwala ako na sa nakaraan lang iyon nangyari? We both know that once you have good sexual experience for the first time you tried, you will be addicted and longing for another chance to repeat it at the same partner," sabi niya sa matigas na tinig.

Tumawa ng pagak si Lara. "That was a common idea of a virgin like you. Baka hindi mo pa alam na mayroong iba-ibang sizes ang mga lalaki. For sure, you hadn't seen Cedric's manhood? Then, I pity you, girl. In our generation, most of the men wanted sex even no marriage involved. So, if you want a loyal guy, give them what they want sexually. That was a secret weapon. Now, if Cedric decided to fuck another woman, you can't blame him. Because you missed the thing he needed most."

Nag-init ang mukha ni Coleen at naiirita rin siya. Nainsulto siya sa sinabi ni Lara. "Kalokohan 'yan! Love was not just compose of sex. Walang kuwenta ang lalaking sex lang ang gusto. Kung hindi sila makapaghintay ng tamang panahon, maituturing ko siyang masahol pa sa mga aso," buwelta niya.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi wala ka pang karanasan, Coleen. Bibigyan kita ng ideya. Kapag naisuko mo na ang virginity mo, maiintindihan mo ang mga taong mapupusok pagdating sa pakikipagtalik. Because it's natural for humans. Our body needs to circulate our sexual hormones to keep it healthy. But of course, you have to give it to the right person and the healthy one. In America, I found the club where men can pay for unlimited fuck with women. Because they are aware of prostate cancer. Also, the club was open for girls who want to be fucked. Of course, the club aware of HIV so, they required the latest medical certificate for their clients," kuwento pa nito.

Natameme si Coleen. Napapalayo na ang topic nila at mukhang hanggang doon lang ang kayang ibahagi sa kanya ni Lara.

"Pero aaminin ko, Coleen, nagkagusto ako kay Cedric," mamaya ay sabi ni Lara.

Naibalik niya ang tingin dito. "And he feel the same way," dugtong niya.

"No. Cedric was in love with you. He admitted it."

"Hindi niya iyon napapatunayan sa akin. He lied to me many times. Alam ko may nililingon pa siya sa past relationships niya," giit niya.

"If it's about me, you don't have to worry about. Matagal ko nang sinukuan si Cedric. Hindi ko lang basta maitapon ang pagkakaibigan namin. Pero kung ang sinasabi mo ay tungkol kay Natalie, maniniwala ako na may puwang pa rin siya sa buhay ni Cedric."

Indeed. Nakuha rin ni Lara ang pinupunto niya. Medyo nabawasan ang inis niya kay Lara. Malamang si Natalie ang matinding kalaban niya sa relasyon nila ni Cedric.

PAGKATAPOS ng lunch kasama si Lara ay nagpasya si Coleen na puntahan si Cedric sa unit nito pero wala roon ang binata. Gusto sana niya itong makausap nang masinsinan. Dumeretso na lamang siya sa Calla studio para alamin kung anong oras magsisimula ang selebrasyon ng anniversary bukas.

Nang makakuha ng sapat na impormasyon ay nagtungo siya sa opisina ni Franco para ipasa ang latest interior design niya para sa bagong project nila. Pinapasok na siya ng secretary sa opisina kahit wala roon si Franco. Hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang lalaki.

May isang minuto na siyang nakaupo sa tapat ng office table ni Franco. Hindi pa rin ito lumalabas kung naroon ito sa banyo o sa bed room nito. Nang mainip ay tumayo siya at nag-explore sa maluwag na opisina. Mayroon itong extension kung saan marahil ang bed room ni Franco. May mini lobby rin ito. Pumasok siya nang mapansin niya ang aquarium na katabi ng bookshelves.

Lumapit siya sa aquarium na may lumalangoy na tatlong gold fish. Gustung-gusto niya ng ganoon sa sarili niyang bahay. Kumislot siya nang marinig niyang bumukas ang pinto sa kaliwa. Marahas siyang pumihit paharap sa pinto.

"O my God!" bulalas niya nang masaksihan mismo ang pagkahulog ng tuwalyang ibabalot sana ni Franco sa ibabang katawan nito.

Shit! He's naked! He's huge!

Nagulat din si Franco dahil sa hindi inaasahang presensiya niya. Nag-abala pa siyang tumalikod.

"Huwag ka nang tumalikod, nakita mo na, eh. Sige na, humarap ka sa akin," sabi nito.

Inaasahan niya na tinakpan na nito ang dambuhalang alaga nito. Pero nang harapin ulit niya ito ay pinupulot pa lang nito ang nahulog na tuwalya. Tumalikod siya ulit.

Diyos ko! Ilayo N'yo po ako sa tukso! Sigaw ng nahihirapan niyang isip.

Pakiramdam ni Coleen ay pumasok siya sa loob ng oven. Para siyang sinusunog sa init.

"Ano ka ba? Para namang nakakita ka ng sawa na gusto kang lingkisin," pilyong sabi nito. Hindi siya kumibo. "Is it your first time to saw a huge dick? Well, obvious naman. Kasasabi ko lang sa secretary na kapag dumating ka ay huwag ka munang papasukin. May bonus siyang matatanggap sa akin sa pasko," wika ni Franco.

Pinapaypayan ni Coleen ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Pakiramdam kasi niya'y made-dehydrate siya sa tindi ng alab na nararamdaman niya. Dagdagan pa ng mga sinabi ni Franco. Kung puwede lang ay pumasok na siya sa aquarium para mapawi ang init. Nakita niya ang dalawang isda na naghahalikan.

Shit! Ano ba naman itong araw na ito?

"Hey! Humarap ka na sa akin," ani Franco.

"Uh... nakapagbihis ka na ba?" seguristang tanong niya.

"Wala akong suot na damit pero may takip na."

Hinarap naman niya ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang binalot na nito ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.

"Uh... kuwan, maghihintay na lang ako sa table mo. Sorry, nag-trespass ako rito sa lobby mo," aniya.

"Actually, hindi ka lang sa lobby ko nag-trespass," anito.

"Huh?" Natulala siya.

"Uh, don't mind me. Siga na, hintayin mo na lang ako sa labas. Magbibihis lang ako," pagkuwan ay sabi nito.

"Sige." Lumabas naman siya.

MAY biyente minutong naghintay si Coleen bago lumabas si Franco. Nakasuot na ito ng bughaw na fitted polo-shirt at itim na fitted jeans. Ang bangu-bango nito at fresh na fresh. Kung baga sa ulam, amoy pa lang nakakatakam na. Ayan na naman ang isip niya.

Nang makaupo na ito sa tapat niya ay ipinakita na niya rito ang kanyang digital design na nasa kanyang netbook. Pinagmamasdan niya ito habang nire-review ang designs niya.

"Hm, ang bilis ng improvement mo, ah. Gusto ko ang mga bagong designs mo. Puwede ko na bang kunin?" anito.

"Sure. Thanks," mabilis niyang sagot.

"Siya nga pala, nai-released ko na ang partial payment sa unang project mo. Puwede mo nang kunin sa accounting," anito pagkuwan.

"Sana nai-deduct mo na roon ang payment ko sa kotse."

"Hindi puwede. Gusto ko ikaw mismo ang magbigay sa akin ng partial payment para sa kotse. At gusto ko rin cash, ayaw ko ng tseke. Isa pang gusto ko, ihatid mo iyon sa akin mismo sa bahay ko," demanding na sabi nito.

Nangunot ang noo niya. "Bakit doon pa sa bahay mo?" Baka puwedeng dito," reklamo niya.

"Ayaw kong tumanggap ng cash sa labas ng bahay o kahit dito sa opisina. Narinig ko kasi sa mga eksperto sa kapalaran na mas susuwertehin ang tao kung mismong sa bahay na tinitirahan niya pumapasok ang pera. Meaning, direct sa iyo ang suwerte at hindi sasabit kung saan."

Hindi niya napigil ang pagtawa. Hindi niya inaasahan na maraming pagkakataon siyang patatawanin at pasisiglahin ni Franco. At saktong napapasaya siya nito sa panahong may problema siya o malungkot.

"Ang yaman mo na, naniniwala ka pa rin sa mga gano'n?" aniya.

"Takot kasi akong maghirap," nakangiting sabi nito.

Nahahawa siya sa ngiti nito. It was cute.

"Anyway, pupunta ka ba sa anniversary party ng Calla bukas?" pagkuwan ay tanong nito.

"Oo naman. Ikaw?" balik niya.

"Hindi ako sigurado. Pupunta kasi ako ng Bulacan para makipagkita sa kliyente. Pero sisikapin kong humabol."

"Pumunta ka. Mami-miss mo ang posibleng blessing na matatanggap mo. Marami pa namang pupuntang bigateng personalidad. Marami ring pakulo."

Matamang tumitig sa kanya si Franco. "Baka kasi hindi mo rin ako pansinin. Malamang kasama mo ang boyfriend mo," anito pagkuwan.

Napangiti siya. "Bakit ako lang ba ang puwedeng pumansin sa 'yo? Ang totoo, hindi naman makakasama si Cedric," aniya. Biglang lumamig ang timbre ng boses niya.

"Bakit?" curious na tanong nito.

"Uh, hindi pa kasi kami okay."

"Dahil na naman ba sa bagong isyu sa kanila ni Lara Jones?"

Tumango siya.

"Well, that's a good sign."

"Huh?" Nawindang siya sa sinabi nito.

"Uh... I-I mean, that's not a good sign. Kapag kasi palaging ganyan, baka tuluyang masisira ang relasyon ninyo ni Cedric," pagtatama nito.

Dedma na lang siya sa unang sinabi nito baka talagang nagkamali lang ito. "Tama ka. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin. Feeling ko tuloy hindi kami tanggap ng mundo," malungkot na sabi niya.

YES, because you're born for me, baby. I will be the happiest guy on earth once you and Cedric were separated. But I can't wait to make it happen. I madly want you before the month-end.

Umiiral na naman ang kahibangan ni Franco. Konti na lang ay sasapian na siya ng masamang elemento. Habang nakatitig siya kay Coleen ay natutukso siyang halikan ito, angkinin hanggang sa mahimasmasan ito at masasabi nito na siya ang higit nitong kailangan.

Lalo siyang nag-iinit sa tuwing mababalitaang nag-aaway si Coleen at Cedric. Kulang na lang ay magpatirapa siya sa harapan ng altar at puspusang idalangin na tuluyan nang maghiwalay ang dalawa. Minsan ay halos napupuyat siya sa kakaisip kung paano ba niya mapapadali ang gusto niyang mangyari. Pero hindi pa naman humantong sa punto na naisip niyang patayin na lang si Cedric para matapos na ang kalbaryo niya.

Nang maisip niya ang anniversary party ng Calla ay may nabuong mala-hudyong ideya sa utak niya. The evil part of his mind laugh while thinking his lustful idea.

"Sige, pupunta talaga ako sa party. Pero baka hindi ako magtatagal," sabi niya pagkuwan.

"Okay lang, at least pupunta ka. So, see you there," ani Coleen.

"Okay. Bigyan mo na lang ako ng kopya ng digital designs mo."

"Sige."

Ibinigay naman niya rito ang flash drive niya. Wala pa man ay nasasabik na siya. Sisiguruhin niya na magtatagumpay siya sa kanyang plano.

KINABUKASAN. Pinaghandaan talaga ni Franco ang party ng Calla na gaganapin sa Five Star Hotel. Pina-cancel talaga niya lahat ng appointment niya. Halos isang oras siyang naligo, naglinis ng katawan at nag-shave. Nagsuot siya ng abuhing tuxedo na kabibili niya.

Ang problema, hindi pa binabalik ng Mommy niya ang kanyang Toyota Camry na ginamit ng mga ito papuntang Tagaytay. Ayaw naman niyang gamitin ang Ford Ranger. Para sa kanya ay hindi ito bagay sa suot niya. Ang ending, nag-taxi na lang siya.

Pagdating niya sa venue ng party ay nagsisimula na ang mga pakulo. May bar games. Malas, hindi siya nakasabay. Malawak ang function hall na inukupa. 'Di mahulugang karayom ang mga tao. Paano ngayon niya makikita si Coleen? Hindi pa siya kumakain kaya demeretso siya sa buffet table kung saan sandamakmak ang pagkain. Kumuha siya ng tequila at isang hiwa na beef steak na mayroong broccoli. Pasta lang ang kanyang carbohydrate.

Pagkuwan ay inukupa niya ang round table malapit sa mesa ng pagkain. Busy lahat ng tao. Mas gusto niya na ganoong walang pumapansin sa kanya. Kumain lang siya. Mamaya'y namataan niya si Coleen na kausap ni Eugene, na isa sa modelo ng Calla. May iniinom na cocktail ang mga ito habang nakatayo sa gigilid. Wala naman siyang dapat ikabalaha kay Eugene. Mas guwapo siya rito at mas bata ito kay Coleen.

Gandang-ganda siya sa suot ni Coleen na bloody red evening gown. Naalala tuloy niya ang kakapanalong pinay Miss Universe. Mas gusto talaga niyang nakikitang nakalugay ang katamtamang kulot na buhok nito na wala masyadong arte. Nang tumalikod ang dalaga ay nakahantad ang likod. Dahil sa lusog ng dibdib nito ay nakasilip ang cleavage nito. Light lang ang makeup nito. Manipis lang din ang pink lipstick. Pero kahit simple lang ang ayos nito, takaw pansin pa rin ang alindog nito at ganda. Parang kay sarap nitong yakapin.

Hindi namamalayan ni Franco na naubos na niya ang kanyang pagkain. Mabuti na lang palagi siyang may dalang mint candy. Nang mapansin niyang patungo na sa kanya si Coleen ay para siyang sinundot ng apoy sa likod. Natataranta siya. Bago makalapit nang tuluyan sa kanya ang dalaga ay nakahanda na ang pakulo niya. Tumayo siya at pinaghila ito ng silya.

"Thanks," nakangiting sabi nito.

"Kanina ka pa ba narito?" tanong niya nang makabalik siya sa kanyang silya.

"Oo. Akala ko hindi ka pupunta. Kanina ka pa ba?" anito.

"Uh, kararating ko lang. Natagalan ako kasi wala akong service."

"Bakit? Ang dami mong sasakyan, ah."

"Hindi ko type ang naiwan sa akin. Ginamit kasi ng parents ko ang pang-party kong kotse."

"Sus, namili ka pa ng sasakyan. So ano'ng sinakyan mo papunta rito?"

"Nag-taxi lang ako. Baka kasi hindi maiwasang mapainom ako. Ayaw kong mag-drive na lasing," aniya.

"Oo nga. Pero umiinom ka ng tequila, ah," sabi nito saka sinipat ang kanyang baso.

"Konti lang naman. Pangtanggal pagod lang. Ano, kumain ka na ba?" pagkuwan ay tanong niya.

"Oo, tapos na. Kanina pa kami nag-e-enjoy sa pakulo ng Calla. Sumali ka sa bar games."

"Ayaw ko. Nakakapagod. Medyo masama ang pakiramdam ko. Dapat nga hindi ako pupunta kasi masakit ang ulo ko kanina," pag-e-enarte niya.

"Gano'n ba? Sandali lang, kukuha ako ng dessert," sabi nito saka siya iniwan.

Nababagot na siya. Naririndi siya sa ingay ng paligid. Pagbalik ni Coleen ay may dala na itong naka-platong sliced chocolate cake. Ayaw na sana niyang kumain. Umarte siya na masakit ang kanyang sentido. Hinihilot niya ang kanyang noo.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Coleen. Nasa himig nito ang pag-aalala.

"Sumasakit na naman ang ulo ko. Nahihilo ako," drama niya.

Mabilis na lumapit sa kanya ang dalaga. "Dapat kasi hindi ka na uminom ng tequila. Masakit ba talaga?" anito.

"Sobrang sakit. Uuwi na lang siguro ako."

"Pero wala kang sasakyan. Baka mahirapan kang makasakay ng taxi."

"Kaya nga. Puwede mo ba akong ihatid sandali sa bahay?" dumadaing kunwari niyang wika.

"Sige. Halika na. Lalong sasakit ang ulo mo rito dahil maingay."

Nag-abala pa ang dalaga na alalayan siya patayo. Gustung-gusto naman niya.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.8K 11
Mula pagkabata ay naniniwala na si Sienna sa fairytale endings at lalo itong umusbong dahil sa isang munting halik galing sa best friend ng Kuya niya...
264K 4.8K 11
Warning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading "An...
20.5K 242 25
Zobel teen heiress meets the Hizon Holding CEO in a party. Despite of their age difference, they had an interesting conversation and so much more. Pe...
63K 1.7K 51
ALPHABETUS SERIES 4: The rebellious son and the heir of wealthy billionaire of Spouse International Hotel. Isa ito sa kilala sa mataas na marangal na...