Obsession 2, Claiming Her (Co...

By rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Six

9.6K 251 17
By rhodselda-vergo


 PAGKATAPOS ng meryenda ay nag-explore si Coleen sa bahay ni Franco. Gagawa pa raw kasi ito ng maikling kasulatan na magpapatunay na naipautang nito sa kanya ang kotse nito. Ang witness ay ang driver nito. Siguresta rin pala ito. Hindi niya ito basta maloloko. Nakarating siya sa swimming room na mayroong Olympic pool. Nasa loob lang iyon ng bahay.

Namangha siya. Ganoon ang pangarap niyang bahay. Mayroong sariling swimming pool sa loob. Ganoon kadalasan ang nakikita niya sa mga bagong design na bahay. Kahit sa ibang bansa, uso na ang ganoon. Pero mukhang malaki ang gagastusin kung magpapalagay rin siya ng swimming pool sa ipapagawa niyang bahay. Pangarap din kasi iyon ng nanay niya.

Lumapit siya sa pool at sinilip ang malinaw na tubig. Naiingganyo siyang maligo. Mamaya'y narinig niyang bumukas ang glass door.

"Do you like to swim?" boses ni Franco.

Pumihit siya paharap dito. "Uh, hindi, tiningnan ko lang ang tubig," nakangiting sagot niya.

Humakbang palapit sa kanya ang binata. Dala na nito ang kaperasong papel. Iyon na marahil ang ginawa nitong kasulatan. Nang makalapit ito sa kanya ay sumilip din ito sa tubig.

"Dito ako nagre-relax kapag sobrang stress na ako sa trabaho. Minsan ipinapasyal ko rin ang mga co-models ko rito at naliligo at konting inuman," kuwento nito.

Iniisip niya kung sinong co-model ang tinutukoy nito. Mga babae ba o lalaki? Iniisip din niya kung ilang babae na ang nadala ni Franco sa bahay nito.

"Nakapunta na rin ba rito si Farlie o si Crystel?" hindi natimping tanong niya.

"Hindi pa ako nagdadala ng babae rito sa bahay ko. Actually, ikaw pa lang," sagot nito. Humarap ito sa kanya.

Awtomatikong sinalubong niya ang malagpit na titig nito. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. Pero naisip din niya na may purpose ang pagpunta niya roon. Kung hindi lang dahil sa kotse ay hindi siya mapapadpad sa bahay nito.

"Well, unexpected lang naman ang pagpunta ko rito," aniya.

"Yeah, but if you don't mind, you can visit here anytime. My door is widely open for you."

Natawa siya. "Ang bilis mo namang magtiwala sa akin. Pero salamat," komento niya. Napansin niya ang malapad na ngiti ng binata.

"Hindi ka naman ibang tao, eh. Of course, hindi ka rin masama. I know a lot about you so, I think we will build a good friendship."

"Friendship," nakangiting ulit niya sa huling sinabi nito.

"Yes, friendship. Alangan namang sabihin ko na lover. Of course, you have a boyfriend," anito.

"And also you have girlfriend too," balik niya.

Matamang tumitig sa kanya ang binata. "Matagal na akong single. Well, even since naman wala akong naging seryosong relasyon. Last year dapat ay ikakasal na ako. But the marriage was just an arranged and I can yes, it's not really serious," kuwento nito.

"So, anong nangyari? Natuloy ba ang kasal?" seryosong usisa niya.

Lumabi ang binata. "Suddenly, no. Seryoso naman 'yong babae noong una. Kaya lang bigla siyang nagbago noong dumating ang pinsan ko. Sinulot niya sa akin ang mapapangasawa ko," natatawang kuwento ng binata.

Hindi niya napigil ang sarili sa pagtawa. "Kawawa ka naman. Napamahal ka na siguro doon sa babae," aniya.

"I like her but not to the point na iniyakan ko ang pagkawala niya sa buhay ko. Masaya na rin ako dahil naging maganda ang relasyon niya sa pinsan ko. Hindi naman ako bayolenteng tao, eh. Pero kung mahal ko talaga ang sinulot sa akin, baka makakapatay ako ng tao," seryosong wika nito.

Tumabang ang ngiti niya. "Marami talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Sayang din ang effort mo sa babae," sabi niya. Nakikisimpatiya na lamang siya.

"Siguro malas lang ako sa babae. Lahat kasi ng nagugustuhan ko ay napupunta sa ibang lalaki."

"Pero kung talagang mahal mo ang babae, hindi mo iisipin ang mga hadlang. Dapat matuto kang lumaban. May maibubuga ka naman," payo niya.

He stared at her seriously. "I know, but sometimes, an effort was useless kung talagang in love ang babae sa iba," sapagkuwan ay wika nito.

"But you have to try. Minsan kasi, kahit gaano kamahal ng babae ang partner niya, once nakatagpo siya ng higit pang pagmamahal sa ibang lalaki, hindi iyon basta mapipigilan. Tama ka, nasusulot ang pagmamahal. Minsan nga kahit kasal na, nababaling pa rin ang pagmamahal ng isa sa ibang tao," aniya.

"Well, you have a point. Pero depende rin siguro sa tao. For example, ikaw. Alam ko mahal mo ang boyfriend mo. What if ligawan kita? 'Tapos bigla kang nagkagusto sa akin. Handa ka bang iwan ang boyfriend mo para sa akin."

Alam niyang halimbawa lang pero nararamdaman niyang seryoso si Franco. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Lalong hindi niya alam kung ano ang isasagot niya na siguradong hindi siya magsisinungaling. Idinaan na lamang niya sa pagtawa ang kakaibang naramdaman niya.

"Don't laugh, I'm serious with our topic," saway nito sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa. "Uhm, pinapahirapan mo naman akong mag-isip," sabi niya.

"Hindi ka mahihirapan kung talagang mahal mo pa ang boyfriend mo at wala kang balak bigyan ako ng puwang sa buhay mo. Oo o hindi lang naman ang isasagot mo, eh."

Natigagal siya. Bakit gan'on? Bakit ako nahihirapang sumagot?

Bumuntong-hininga siya. "Bakit ako pa ang ginawa mong halimbawa?" natatawang tanong niya.

"Dahil may posibilidad na mangyari ang sinabi ko," mabilis nitong sagot.

Napatda siya. Matamang nakatitig lang siya sa seryosong mukha ni Franco. Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig? Hindi puwedeng tumagal ang usapan nila.

"Fine, I think we're talking too much. I love Cedric, at hindi pa naman lumalamig ang pagmamahal ko sa kanya," sabi na lamang niya para matapos na ang usapan.

"Pero aminin mo na may pagbabago na sa relasyon ninyo. You can't assumed that your relationship with Cedric was fine all the time. Maybe you're loyalty was enough, but what about him? Hindi mo basta-basta makakabisado ang mga lalaki. May kanya-kanya kaming style pagdating sa pakikipagrelasyon. Kaya ang mga babae ay numero unong dinadapuan ng sakit na paranoid once pumasok sa isang relasyon. Because they are clueless and vulgar. Hindi katulad ng mga lalaki na kadalasan ay tahimik lang. They are not a showy type but more on actions. So you can't predict what inside their mind while you're talking to them. Hindi mo alam, pinagtataksilan ka na pala," mahabang pahayag ni Franco.

Naalala na naman niya si Cedric at ang senaryong naabutan niya sa unit nito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay naroon pa rin ang pagdududa niya na hindi lang basta nagsauli ng libro si Lara. Sinasaktan pa rin siya ng senaryong iyon. Naging uneasy siya matapos mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Franco. Umiiral na naman ang pagka-paranoid niya.

"Uh, thanks for sharing your thought. So, okay na ba ang kasulatan natin?" aniya, pagkuwan ay iniba ang usapan.

"Oh, yes. Pipirma na lang tayo. Doon na tayo sa lobby," sabi nito.

Pagkuwan ay sabay na silang bumalik sa lobby. Tinawag ni Franco si Anton para maging witness nila. Pagkatapos ng pirmahan ay nagpaalam na siya sa binata. Sabay silang umalis ng bahay nito pero ito ay balalik sa opisina nito. Siya naman ay pauwi na sa bahay nila sakay ng inutang niyang kotse. Si Anton na ang nag-drive dahil wala pa siyang professional license.

TATLONG arar ang lumipas. Nai-process na ni Coleen ang driver's license niya. Sa tulong ng kaibigan ni Franco na nagtatrabaho sa LTO ay napapabilis ang proseso. Pero habang hindi pa na-release ang license niya ay nag-hire mula siya ng part-time driver na inirekomenda rin sa kanya ni Franco. Habang tumatagal ay tila lalong napapalapit si Coleen kay Franco. Nabigyan na rin siya nito ng project.

Samantalang nagsisimula na ang taping ng pelikulang kinabibilangan niya. Kaya halos wala na siyang oras para mamasyal. Ne hindi na sila nakakalabas ni Cedric para kumain sa labas. Busy rin ito sa pag-aaral at trabaho.

Sabado ng gabi ay himalang pumunta si Cedric sa isang hotel sa Makati kung saan sila nagte-taping. Katatapos lang ng part niya sa taping at sa susunod na araw naman.

"Tapos na ba ang taping ninyo?" tanong ni Cedric nang puntahan siya nito sa kuwartong ginawa nilang dressing room.

"Oo. Pauwi na rin ako," tugon niya.

"Kumain muna tayo."

"Tapos na kaming mag-dinner."

"So, hindi man lang ba muna tayo mamasyal kahit sandali? Doon muna tayo sa unit ko," sabi nito.

"Kailangan kong matulog ng maaga. May pupuntahan pa akong project bukas sa Pasig."

Narinig niya ang malalim na hininga ni Cedric. "Kaya ayaw kong pumasok ka sa pag-arte, eh. Nawawalan ka na ng time sa akin. 'Tapos pumasok ka pa sa construction company. Bigyan mo naman ng break ang sarili mo. Mamaya magkasakit ka niyan," palatak nito.

Kinuha na niya ang kanyang bag at ibang gamit saka lumabas. Ayaw niyang may makakita na nagtatalo na naman sila ni Cedric. Pagdating sa parking lot ng hotel ay dumeretso siya sa kanyang kotse.

"At kanino namang kotse 'yan?" usisa ni Cedric.

"Nakuha ko itong hulugan sa co-model ko," mabilis niyang sagot habang ipinapasok sa backseat ang dalawang paper bag na may lamang mga damit at sapatos.

"Sino naman 'yon?" iritableng tanong nito.

"Si Franco Sta. Maria. Siya rin ang boss ko sa St. Blaise construction."

"What? Si Franco?" manghang bigkas nito.

"Yes. May problema ka ba sa kanya? Marami siyang binigay na magandang opportunity sa akin. Hindi siya masamang tao," depensa niya.

"Given na 'yon. So ganoon ka na lang kabilis nagtiwala sa kanya? Gusto mo pa lang magka-kotse bakit hindi mo binanggit sa akin? Marami rin akong inu-offer na opportunity sa 'yo pero dedma ka," palatak nito.

Maayos niyang hinarap si Cedric. "Alam mong ayaw ko ng libre. Wala namang ibinigay na libre sa akin si Franco. He just want to help me so he gave me a job. He's professional," aniya.

"Of course, he will use your weaknesses."

"Wala siyang masamang intensiyon."

"But he's still a guy, Coleen. Kung wala siyang ibang interes sa 'yo, hindi siya mag-aaksaya ng panahon para sa 'yo. Inaalok ka lang niya ng dahilan para mapalapit ka sa kanya. Ikaw naman, grab lang nang grab. Baka hindi mo namamalayan, nakukuha ka na niya."

Nag-init ang bunbunan niya dahil sa pinagsasabi nito. "Wala kang karapatang husgahan 'yong tao, Cedric. Ne hindi mo siya lubos na kilala. Nagmamagandang-loob lang 'yong tao," giit niya.

"Kaya nga. Nagmamagandang-loob siya. But everything has a reason why he did it to you," pilit nito.

"And what reason then?" taas-noong hamon niya.

"He likes you."

Tumawa siya nang pagak. "Franco knows his limitation. Alam niyang may boyfriend ako," sabi niya.

"Hindi 'yan hadlang para sa lalaking agresibo. Kahit kasal ka pa, kung talagang gusto ka niya, gagawa siya ng paraan."

"My God, Cedric! Walang ginagawang masama 'yong tao."

"Then prove to me na wala nga siyang personal interes sa 'yo."

"Stop thinking nonsense, please! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo na hindi maganda," naiiritang sabi niya.

"Ganyan ka rin naman sa akin, 'di ba? Pinag-iisipan mo ng masama si Lara. Nagseselos ka na wala namang sapat na dahilan," buwelta nito.

Ipinipilit na naman nito ang Lara na 'yon. "Ibang usapan si Lara. Ang tungkol sa inyong dalawa ay masyadong obvious, Cedric. Sa totoo lang, hindi pa rin ako naniniwala na magkaibigan lang kayo."

"So, gusto mo akong gantian?" namumurong wika nito.

"Gantian? Saan mo naman napulot ang ideyang iyan?"

"Ini-entertain mo si Franco para magkaroon ka ng ipangtatapat sa akin at para pagselosin ako."

"Ano? Huh! Kung wala kang matinong sasabihin, ang mabuti pa, umuwi ka na. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga," aniya sabay bira ng talikod.

Lumapit naman ang driver niyang si Donny at pinaandar na nito ang sasakyan. Malamang kanina pa ito nakamasid sa kanila habang nagtatalo.

"Hindi mo ako puwedeng balewalain nang ganito, Coleen. Mag-usap tayo!" pahabol ni Cedric.

"Wala ka namang sasabihing matino kaya huwag mo akong piliting makipag-usap sa 'yo. Umuwi ka na!" aniya. Pumasok na siya sa backseat ng kotse at inutusan si Donny na magmaniobra.

Walang magawa si Cedric kundi tumabi. Iniwan na nila ito.

MAGANDA ang gising ni Franco dahil sa magandang balitang ipinarating sa kanya ni Donny. Sinadya talaga niya na ito ang irekomendang driver ni Coleen para meron siyang ispiya. Kagabi lang ay tinawagan niya ito at inalam ang kalagayan ni Coleen. Nagbunyi siya nang sabihin nito na nag-aaway si Coleen at Cedric dahil sa kanya.

Nakita niya ang masiglang replika niya sa salamin, with evil smile on his lips. Mamaya ay umismid siya.

Masama na ba ako nito? Wala namang mali sa ginagawa ko. I didn't force Coleen to accept me in her life. She just opened her door for me.

Dumeretso na siya sa kanyang swimming room at tumalon sa pool. Nai-imagine niya ang senaryo kung paano nagtatalo si Coleen at Cedric at kung paano siya ipinagtatanggol ng dalaga. At siyempre, gusto rin niyang isipin ang hitsura ni Cedric habang napupuno ng insecurity ang sarili.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya. Marami siyang appointment sa araw na iyon. Makikipagkita pa siya kay Natalie na kapatid ni Cynthia at dating kasintahan ni Cedric. Kailangan din niyang maglibot sa mga on-going projects ng kompanya niya. Sisinuguhin din niya na makikita niya si Coleen sa araw na iyon. Malapit na rin ang anniversary ng Calla modeling kaya kailangan maging maluwag na ang schedule niya.

Pagkagaling niya sa opisina ay dumeretso siyas sa bahay ni Cynthia sa Tondo. Mabuti at naabutan pa niya ito roon. Nalibre siya ng almusal. Kagigising lang daw kasi ni Natalie at ito naman ay paalis na. Alam niya kung gaano ka-busy na tao si Cynthia. Halos hindi na ito nakapag-asawa. Mas mahalaga ata rito ang pera.

Saktong pag-alis ni Cynthia ay bumaba na mula sa second floor si Natalie. Malaki na ang tiyan nito. Sinalubong niya ito at inalalayan sa pagbaba ng hagdan. Naging malapit na kaibigan niya si Natalie simula noong magkasunod niya itong nakatrabaho sa product endorsement. Kaya naghihinayang siya sa biglaang pagbagsak ng career nito.

Inalalayan niya ito hanggang sa pag-upo sa couch. Nasira na ang figure nito. Tumaba ito pero maganda pa rin. Hanggang sa panahong iyon ay wala pa rin siyang ideya kung sino ang ama ng ipinagbubuntis nito. Si Cedric lang naman ang boyfriend nito noon. Pagkuwan ay lumuklok siya sa katapat nitong coach.

"Kumusta ka na, Franc? Lalo ka atang gumuwapo. Condolence nga pala sa naudlot mong kasal," bungad sa kanya ni Natalie.

"Puwede ba, huwag mo nang ipaalala ang tungkol doon. E ikaw, kumusta ka na? Bakit ka ba nagtago sa Mountain Province?" aniya.

"Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin," sagot nito.

"O baka naman gusto mo lang umiwas sa realidad," tudyo niya.

"Pareho lang 'yon. So, bakit gusto mo akong makausap?" sabi nito pagkuwan.

Itinuwid niya ang kanyang likod. "Uh, tungkol ito sa pabor na hinihingi ng ate mo. Sa sobrang pagmamahal niya sa 'yo ay gusto niyang maghiganti sa taong nanakit sa puso mo."

"Ano? Nababaliw na ba siya?"

"Hindi pa naman siguro. Actually may point si Cynthia. Dapat kasi hindi ka nagpadaig sa kahinaan mo. Kung alam mo naman sa sarili mo kung sino talaga ang ama ng ipinagbubuntis mo, sana ipinaglaban mo. Si Cedric ang tatay, ng anak mo, 'di ba?" aniya.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Natalie. "Gusto kong igiit na siya pero nagdadalawang-isip ako. Inaamin ko na hindi lang siya ang gumalaw sa akin. Noong gabi ng anniversary party ng Calla, nalasing ako. Ang alam ko may nakasama akong lalaki na hinatid ako sa hotel room. May nangyari sa amin. Pero bago 'yon, may nangyari na sa amin ni Cedric. Nangyari 'yon sa loob ng isang linggo. Nalaman ni Cedric na may nakasama akong lalaki sa kuwarto pero nakita na lang niya na lumabas 'yong lalaki sa kuwarto. Doon kami nagsimulang nag-away. Hanggang sa natuklasan kong buntis ako. Nang malaman iyon ni Cedric, itinanggi niya na siya ang ama. Ipinilit niya na 'yong lalaking nakasama ko sa hotel room ang ama. Hindi ko naman siya masisi pero masakit din sa part ko na todo deny siya kasi may posibilidad naman talaga na siya ang ama," emosyonal na kuwento ni Natalie.

"Sino 'yong isang lalaki? Model din ba?" usisa niya.

"Oo, model din siya pero sa ibang company. Hindi siya ganoon kasikat noon. Ang alam ko nasa US na siya ngayon. Wala na akong kontak sa kanya."

"Well, malalaman natin kung sino talaga ang tatay paglabas ng bata. Pero para sa 'yo, sino sa palagay mo ang totoong tatay ng anak mo?" kastigo niya.

"Si Cedric. Mas marami kaming pinagsamahan."

"Meaning, hindi lang isang beses kayong nagtalik?" walang abog na tanong niya.

Tumango ang dalaga. Dahil sa sagot ni Natalie ay naisip niya na hindi makakatagal sa relasyon si Cedric na walang sex. Naisip tuloy niya na baka nakuha na rin nito si Coleen. Nasaktan ang ego niya ng ideyang iyon.

"Pero noong kami pa ni Cedric, nahahalata ko nang nanlalamig na siya sa akin. Ilang beses ko siyang nakitang pumupunta sa Calla studio at hindi nagpapakita sa akin. May nagsabi sa akin na nililigawan niya si Coleen Hernandez. Binalewala ko 'yon dahil inamin naman ni Coleen na hindi nito kinokonsinti si Cedric. Pero noong wala na kami ni Cedric, nalaman ko na lang na sila na. May kalandian din pala ang gagang 'yon. Kunwari pa siyang hindi interesado kay Cedric pero sinagot din niya. Hindi pa pinatay ng haters niya ang babaeng iyon," gigil na kuwento ni Natalie.

"Ouch!" daing ni Franco.

Natusok ng tinik ng rosas ang hintuturo niya nang kunin niya ang bulaklak mula sa vase. Pero hindi iyon ang sakit na iniinda niya. Kundi ang sakit na marinig na may taong gustong mamatay ang babaeng kinababaliwan niya.

"Okay ka lang ba?" distracted na tanong sa kanya ni Natalie.

"Yes, I'm fine. Pain won't bother me anymore. I just felt severe pain inside my heart," aniya.

"Bakit? Basted ka ba? Oo nga pala, sinabi sa akin ni Ate na gusto mo si Coleen. Totoo ba 'yon?" ani Natalie.

"Yes, she's right. Ang totoo naiinis ako sa pan-iinsulto mo sa kanya," prangkang sabi niya. Idinaan niya sa matabang na ngiti ang nararamdaman niya.

"Sorry, ah. Nasaktan talaga ako sa nangyari. Dahil sa kanya ay tuluyang nawala sa akin si Cedric. Bakit ba sa dami ng babae, eh nagkagusto ka sa babaeng 'yon."

"Pangalanan mo naman si Coleen. Patayin mo na si Cedric huwag lang si Coleen. I love everything about here. Sabihin na nating nagpakagaga siya kay Cedric. Pero huwag mo siyang insultuhin sa harapan ko. Baka makalimutan kong kaibigan kita," pilyong sabi niya.

Biglang natawa si Natalie. "Fine. Hail your dearest Coleen. So bakit ba tayo nag-uusap ngayon?" anito pagkuwan.

"Okay. Gusto mo pa bang magkabalikan kayo ni Cedric?" sabi niya.

"Of course, yes."

"So, may magagawa ka ba kung mag-e-emot ka lang sa isang sulok?"

"Hm, wala."

"Then, what are you waiting for? Bawiin mo si Cedric," udyok niya rito.

"Paano naman ang Coleen mo? Masasaktan siya."

"Don't worry, I can heal her pain. Well, bago siya tuluyang masaktan, mahuhulog muna siya sa akin."

Tumawa ng pagak si Natalie. "Ginugulat mo talaga ako, Franco. Bakit bigla kang naging obsessed? Ang lakas pala talaga ng karesma ni Coleen," anito.

"I'll tell you the truth. She's the reason why I inter modeling. Napapanood ko na siya sa mga fashion shows sa TV noong hindi pa ako modelo. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nakuha na niya ako. Doon nagsimula ang pagkahibang ko sa kanya. I started to stalk her until I decided to work as model. Pinalad naman ako at nakatrabaho siya minsan," kuwento niya.

"Pero hanggang pantasya ka na lang, Franco. I pity you, man."

Naiinis siya sa sinabi ni Natalie pero iyon ang katotohanan. Hanggang kailan ba siya magpapantasya kay Coleen?

"Hindi na puwede sa akin ang pantasya lang," matatag na wika niya.

"So, ano'ng gagawin mo? Babanggain mo si Cedric?"

"Hindi ko siya kailangang banggain. Unti-unti ko lang naman kukunin sa kanya si Coleen. Hindi lang naman ito para sa sarili kong interes. Masyado nang nahihirapan si Coleen sa piling niya. Marami akong koneksiyon na nakakaalam sa mga galaw ni Cedric. At ayaw kong dumating sa point na tuluyang mawasak ang puso ng babaeng mahal ko dahil sa kanya," puno ng determinasyong pahayag niya.

"I like your spirit, Franc. Good luck sa mga plano mo. Don't worry, maayos na ang pakiramdam ko at sisimulan ko nang mag-isip tungkol sa anak ko at kay Cedric. I'll call you if I need you, okay?"

"Okay. So, maiwan na kita. May pupuntahan pa kasi ako," aniya. Pagkuwan ay nagpaalam.

"Sige. Salamat sa pagdalaw. Basta, ninong ka ng anak ko, ah?"

"Sige ba. Bye."

Hindi na niya ito hinayaang ihatid pa siya sa labas.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.8K 11
Mula pagkabata ay naniniwala na si Sienna sa fairytale endings at lalo itong umusbong dahil sa isang munting halik galing sa best friend ng Kuya niya...
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
422K 12.5K 29
Bukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangi...
256K 4.3K 46
He is Darwin Harrison, a bachelor and one of the richest and handsome CEO in the country, everything he wants, he will gets but there is a certain gi...