Obsession 2, Claiming Her (Co...

By rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Four

9.4K 232 8
By rhodselda-vergo

NA-REALIZE ni Coleen na mas mahirap pala na mas malapit siya kay Cedric at madalas silang nagkikita. Hindi katulad noong nasa Singapore siya at patawid-tawid naman ng bansa si Cedric. Mas smooth ang relasyon nila noon. Wala silang pakialam sa mga naglalabasang isyu na nakakabit sa kanila. They trusted and understand each other. But everything has changed kung kailan pareho na silang naglalagi sa Pilipinas.

Hindi niya maintindihan kung bakit. She felt there's something wrong with their relationship. Thinking of the scene at Cedric's unit, she had thought that he was cheating on her. Hindi siya satisfied sa paliwanag nito tungkol sa pagpunta ni Lara sa unit nito. Malakas ang kutob niya na may mali sa senaryo. Masyadong manipulado.

Tatlong araw na hindi nagparamdam si Coleen kay Cedric. Kahit ilang beses itong tumatawag sa kanya ay hindi niya pinapansin. Nagpapakaabala siya sa kanyang trabaho. She's trying to resolve her own mess that silently killing her confidence. She must stronger than before.

Wala pang isang taon ang relasyon nila ni Cedric kaya hindi dapat siya muna mag-expect ng perfection. Marami siyang kailangang dapat unahin at pagtuunan ng pansin. Isa na roon ang pamilya niya. May pangarap pa siyang magkabahay. Worth two million ang gusto niyang bahay. Nasa plano rin niya ang pag-invest ng business. At siyempre, ang pangarap niyang maging mahusay na interior designer. Kapag stable na ang buhay niya at naabot na niya ang kanyang goal ay maari na siyang magretiro sa maingay na industriyang kinabibilangan niya.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na fashion show ay tumambay sa dressing room si Coleen. Binura niya ang makapal niyang makeup at pinalitan ng manipis. Light pink lang ang lipstick na ginamit niya. Kaunting blush on at foundation. Inalis na niya ang mascara. Inisang tali niya na mataas ang kanyang buhok. Fitted yellow jeans ang suot niya pang-ibaba at puting blouse naman pan-itaas. Mabuti na lang may baon siyang two inches sandals.

May usapan sila ng co-model niyang si Crystel na mag-unwind sa bar ng kapatid nito. Matagal na niya iyong hindi nagagawa kaya pumayag siya sa paanyaya nito. Nang makontento siya sa hitsura niya ay isinukbit niya ang kanyang puting shoulder bag at binitbit ang katamtamang laking paper bag kung saan niya inilagay ang mga hinubad niyang damit at sandals.

Pagdating niya ay na-trap siya sa tapat ng dressing room ng mga lalaki. Nakatambay kasi ang mga male model sa labas suot ang kani-kanilang irarampang damit. Sa dami ng nagguguwapuhang lalaki roon ay tanging isa sa mga ito ang umagaw sa atensiyon niya. Si Franco, na suot ang bagong desinyo ng sikat na jeans. Topless ito at tanging itim na necktie ang nakasabit sa leeg nito.

Abala ang binata sa pagtipa sa cellphone nito habang nakasandig ito sa dingding malapit sa pinto ng dressing room ng mga ito. Bagong gupit ang buhok nito. Pangkaraniwang barber cut lang ang style ng buhok nito at may kaunting mga hibla na nakalawit sa noo nito. This guys really cool for her. His dominating aura always caught her attention.

Hindi kaagad niya naiiwas ang kanyang paningin nang hagipin siya ng paningin nito. Nahuli nito ang mga mata niya. Bigla siyang nailang pero hindi na siya nag-abalang umiwas ng tingin. Dahil busy ito sa cellphone nito, hindi siya umaasa na mababaling sa kanya ang atensiyon nito. But he gave her an affiliative smile. Because of his presence, she didn't fell the absence of other creatures around her. It seemed like she's inside the round place that everything around her was exclusively for her and Franco. That was a peculiar feeling. She doesn't even aware when he stepped toward her. He was standing on front of her-a bet closer.

Nagulantang na lang siya nang may bumundol sa kanya buhat sa likuran. Napahakbang siya paharap at sumubsob siya sa matigas na dibdib ni Franco. Maagap naman ang mga kamay ng binata sa pag-alalay sa kanya. Kinapitan siya nito sa kanyang magkabilang braso.

"That's cool," komento ng ibang lalaking nasa paligid nila.

Mabilis siyang kumilos palayo kay Franco. Malapad ang ngiti nito habang pinagmamasdan siya.

"Mukhang malayo ang iniisip mo. Okay ka lang ba?" tanong sa kanya ni Franco.

Inayos niya ang kanyang sarili. "Yeah, I'm fine. I'm just distracted," confident na sagot niya.

"Distracted for what? The guys around you?" pilyong tanong nito.

Tumikwas ang isang kilay niya. Pagkuwan ay kumibit-balikat. "Ang ha-hot kasi ninyo. Inukupa kasi ninyo ang daan," aniya.

Nag-ingay ang mga lalaki sa paligid nila. Karamihan sa mga ito ay hindi siya masyadong kilala. Halos mga baguhan at ang babata ng mga bagong recruit. Iilang lang sa mga ito ang mga nakatrabaho na niya dati.

"So, where are you going?" pagkuwan ay tanong ni Franco.

"Uhm...I'm going out for unwind with Crystel," kaswal niyang sagot.

"Hm, that good for you. You really need some rest."

"You're right." Humakbang siya.

Hindi niya namamalayan na nakasabay sa paglalakad niya si Franco habang kausap niya ito.

"So, do you have time to visit my office? I'll be staying there the whole day tomorrow," sabi ni Franco.

"Uhm, I'll see if I have available time. Sorry, I missed your message on Facebook. Naging busy kasi ako nitong nagdaang mga araw."

"No problem, I always understand. Kahit nai-seen mo lang ang message ko, at least nabasa mo. Okay na ako roon," nakangiting sabi nito.

Naiilang siyang tumawa. Naamoy niya ang umuusbong na friendship sa pagitan nila ni Franco. Minsan, naisip niya na mas masarap magkaroon ng kaibigang lalaki.

"Thanks. So, I have to go. Baka naghihintay na si Crystel," aniya pagkuwan.

Saktong nagdesisyon siyang iwan si Franco ay saka naman biglang sumulpot si Cedric at naaktuhang silang dalawa lang ni Franco ang malapit na nag-uusap. Nahuli niya ang paghagip ng paningin ni Cedric kay Franco. Pero nang muli niyang tingnan si Franco ay napansin niya ang pagtalim ng titig nito na awtomatikong nabaling kay Cedric. That look seemed like he's prepared for killing someone he saw.

Kahit nakita niya si Cedric ay nagbulag-bulagan siya. Nilagpasan lang niya ito. Ngunit naka-ilang hakbang pa lamang siya ay nahagip ng kamay nito ang kanang braso niya.

"Don't make it worse, Coleen. Let's talk. We madly need to talk," matigas na sabi ni Cedric.

Marahas siyang pumihit paharap nito pero sa halip na ito ang tingnan niya ay napako ang tingin niya kay Franco na tahimik silang pinapanood. Napakaseryoso nito habang nakahalukipkip. Nag-abala rin si Cedric na sipatin si Franco. Pagkuwan ay kinaladkad siya ni Cedric palayo. Huminto sila sa pasilyo papasok ng palikuran. Wala nang tao roon. Marahas niyang iniwaksi ang kamay nito.

"Stop it, Coleen! Hanggang kailan ka iiwas sa akin?" bulyaw nito sa kanya.

"Hanggat hindi mo nililinaw sa akin kung ano ba talaga ang totoong relasyon ninyo ni Lara!" matapang na tugon niya.

"We're just friends. Is it not clear for you?"

"What kind of friends then? Friends with benefits?"

Panay ang buntong-hininga ni Cedric. "Stop thinking nonsense okay? Sorry if I acted weird before. Let's fix it, babe," sumasamong wika nito.

Naroon pa rin ang kirot sa puso niya. Sa palagay niya'y hindi maayos ang lahat hanggat hindi si Lara mismo ang aamin kung ano ba talaga ang relasyon nito sa boyfriend niya.

"We could fix it if we deserved it, Cedric. But the situation getting worse," aniya.

"Ikaw lang naman ang nagpapalala nito, eh. Kung ano-ano ang iniisip mo sa akin."

"Dahil ganoon ka rin sa akin! Lumalabas lang ako kasama ng kaibigan, iginigiit mo nang may kasama akong lalaki. Hindi ka naman ganyan noong malayo tayo sa isa't-isa. Hindi tayo ganito. Ano ba ang nangyayari sa atin, Cedric? If there's something wrong with our relationship, let's fix it together. If you notice some changes that I didn't know, please let me know. I'm clueless. If you're going to ask me the same way, I'll assure you, no other man beside you in my life. It's up to you if you'll believe me or not. I hate secrets. I hate lair or a cheater. Because I'm not that kind of person. I hope you knew it," emosyunal na pahayag niya.

Naglalaro ang paningin ni Cedric sa mukha at katawan niya. "I-I'm sorry. Alam ko marami akong pagkukulang. Please give a chance to prove to you how sincere I am," anito sa malamig na tinig.

Aywan niya bakit napakalambot niya. Masyadong malawak ang pag-unawa niya. Hindi siya pumalag nang yakapin siya ni Cedric, sa halip ay yumakap siya ng mahigpit dito.

Natuloy pa ring ang plano niyang mag-unwind pero kasama na niya si Cedric. Parang walang nangyari pero naka-preserve pa rin sa utak niya ang mga senaryong bumabagabag sa kanya. Balak talaga niyang komprontahin si Lara nang matapos na ang isyu.

KINABUKASAN. Maganda ang gising ni Coleen dahil bago siya natulog kagabi ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa isang movie producer na partnership ng TV network. Makakasama siya sa casting ng bagong movie. Magaan lang ang role niya at hindi talaga pang bida pero puwede na rin. Aarte siyang kontrabida o mas malinaw na kabet.

Halos pare-pareho ang opinyon ng mga staff ng TV network na bagay sa kanya ang role na sosyal na kontrabida o something daring role, base na rin sa physical appearance niya. As an actress, she needs to follow the flow as long as she has a project. Kaysa naman langawin siya sa industriya.

On-time siyang nakarating sa tanggapan ng TV network para sa contract signing. Katunayan matagal nang nabinbin ang offer na iyon para sa kanya kaso hinihintay pa ang official decision niya.

Maliban sa unang project niya, mayroon din siyang magkasunod na extra roles sa mga TV shows at movie. Magandang simula iyon para sa kanya. At dahil nga hindi pa naman siya ganoong kilala sa acting at wala pang napatunayan, asahan na niyang mababa lang ang talent fee. She didn't expecting too much, as long as she tried new opportunity. But she's still hoping for more blessings.

Pagkatapos ng contract signing at meeting ng co-talents ay dumeretso na si Coleen sa Calla studio. Mayroon siyang one hour pictorial para sa bagong fashion wear na ini-endorsiyo nila. Before lunch ay natapos na lahat ng appointment niya.

Nakasakay na siya ng taxi pauwi nang maalala niya ang mensahe sa kanya ni Franco. Actually, nasabi rin nito sa kanya personal ang tungkol sa application niya para sa part-time job.

Pagdating niya sa bahay ay inasikaso niya ang kanyang requirements na ipapakita kay Franco. Pagkatapos niyang mananghalian ay sinimulan na niya ang paghahanap sa opisina ni Franco. Sa Pasig siya dinala ng address ni Franco. Natagpuan niya ang construction company nito at naroon ang opisina. Mayroong tatlong palapag ang gusali pero maraming extension at malawak ang nasasakupang lumapin. Naroon na rin ang mga construction equipment sa compound.

Para hindi siya masyadong makilala ng mga tao, nagsuot siya ng sunglasses at inisang tali lang niya ang kanyang buhok. Siyempre, mag-a-apply siya ng trabaho kaya nagsuot siya ng office attire, black slacks, white blouse with black blazer. Black close shoes na rin na two inches. Manipis na pulang lipstick lang ang ginamit niya, manipis na face powder at blush on.

Pero bago siya pumasok sa loob ng gusali ay tinawagan muna niya si Franco para makapaghanda ito at matiyak niya na available ito sa mga oras na iyon. Hindi ito sumasagot. Nang wala pa ring sagot sa ikatlong tawag niya ay pumasok na siya sa gusali at lumapit sa information desk. Obligado siyang alisin ang suot niyang sunglasses. Hindi naman siguro siya makikilala dahil natural lang ang beauty niya. Puwera na lang kung mahilig sa TV commercial ang magandang staff sa information. Tatlo sa mga TV commercial niya ang madalas pa ring ini-air kahit matagal nang na-launch. Nasa-Singapore pa siya noon. Mostly mga beauty at fitness product ang huli niyang in-endorse.

"Good morning, Ma'am! May appointment po ba sila?" tanong ng magandang staff.

"Uh, I'm looking for Engr. Franco Sta. Maria," sagot niya.

"Do you have an appointment letter from him, Ma'am?" anito.

"Uh... w-wala, eh. Pero aplikante ako," aniya.

"Applicant? For what position po?"

"Interior designer."

Sandaling tiningnan ng babae ang record book nito. Pagkuwan ay ibinalik nito ang atensiyon sa kanya.

"Sorry, Ma'am, wala po kaming hiring for interior designer. We're hiring for engineers, architects, HR assistant and admin assistant po," sabi nito pagkuwan.

Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Mukhang hindi updated si Franco sa mga empleyadong kailangan nito. Ano na ang gagawin niya? Sinubukan ulit niyang tawagan si Franco. Walang sumasagot sa telepono nito. Binalikan niya ang staff.

"Pero inimbita ako rito ni Franco. Nandito ba siya? Baka puwedeng sabihin mo sa kanya na nandito ako," pilit niya.

"Ano po ang name ninyo, Ma'am? Para tatawagan ko po ang secretary ni Sir para siya na ang mag-inform," anito.

Nag-alangan siyang sabihin ang pangalan niya. Hindi kasi siya gumamit ng screen name at totoong pangalan ang ginagamit niya. Umaasa pa rin siya na hindi siya makikilala ng staff ni Franco.

"I'm Coleen Hernandez," sabi niya.

Awtomatikong tumitig sa kanya ang babae. Tila nakikilala nito ang pangalan niya. Sinadya niyang kapalan ang kilay niya at wala siyang eyeliner. Mukhang namumukhaan na siya ng babae dahil nakangiti ito.

"Kayo po ba si Ms. Coleen na model ng sikat na lipstick?" nagaglak na tanong nito.

Hindi na siya nagkunwari. Tumango na lang siya kaysa matingga siya roon sa information. Baka sakaling mabisang gate pass ang pangalan niya para makapasok siya sa opisina ni Franco.

"Wait lang po, ah. Tatawag lang po ako sa secretary," anito saka dinampot ang receiver ng telepono. Dumaldal na ito.

Iginala ni Coleen ang paningin sa paligid habang naghihintay. Mukhang busy lahat ng tao sa guwaling iyon dahil napakatahimik. Iilan lamang ang nakikita niyang pagala-gala at obvious na mga housekeeper.

"Uh, Ma'am, puwede na po kayong pumasok. Nasa third floor po ang opisina ni Sir. May nakalagay naman po na office of the president," pagkuwan ay sabi ng babae.

"Thanks."

Aalis na sana siya pero...

"Uh, wait lang po, Ma'am," awat ng babae.

Humarap naman siya ulit dito. Napatingin siya sa inilatag nitong puting panyo sa ibabaw ng desk kasama ang marker.

"Puwede po bang pa-autograph? Kahit dito lang po sa panyo," hiling nito.

"Sure," aniya. Sinulatan naman niya ang panyo saka pinirmahan.

"Salamat po. Puwedeng pa-picture na rin po?" kinikilig na sabi nito. Lumabas pa ito ng desk saka nilapitan siya.

Nagpa-picture siya rito gamit ang kamera nito. Pagkatapos ay pumanhik na siya sa third floor. Nakita kaagad niya ang opisina ni Franco, na siyang presidente ng kumpanyang iyon. Pinindot niya ang pulang button sa gilid ng pinto.

Mamaya ay bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya si Franco na nagbo-botones pa lamang ng puting polo nito. Awtomatikong dumapo ang paningin niya sa nakahantad nitong dibdib. Basa pa ang buhok nito at obvious na hindi pa nagsusuklay.

"Hi! Come in," nakangiting sabi nito saka nilakihan ang bukas ng pinto.

Pumasok naman siya. Hindi siya aware na open si Franco sa pagharap ng aplikante o kliyente nito na hindi pa nakapagbihis ng maayos. O baka naman sa kanya lang nito iyon nagawa. Hindi siya sigurado pero aminado siya na apektado ang sistema niya sa hitsura nito. He was damn hot and sexy while showing his gorgeous body. Nai-imagine niya ang matipunong dibdib nito at nagkaparte-parteng abs. Iba 'yong pakiramdam niya ngayon kaysa noong nakita niya ito sa Calla studio na topless. She felt something burning sensation inside her womanhood. Felt like she'd facing the hottest slayer on earth or a goddess.

Nakakaramdam din siya ng ganoon sa tuwing nakikita niya si Cedric na topless. Well, that was natural for all women out there. But comparing her feeling to Cedric and Franco was not normal. They are different guys and of course her relation to both of them. Supposedly, she doesn't need to fell it in the same way to a different guy.

"Sorry, I just have done taking a bat. Take your seat first," sabi ni Franco.

Lumapit naman siya sa silyang katapat ng office table saka siya lumuklok dito. Pinagmamasdan niya si Franco habang inaayos ang damit nito. Nagsuot na ito ng black suit. Pagkuwan ay nagsuklay ng buhok. Nagpapakaabala siya sa pagtipa sa cellphone niya habang hinihintay na maging handa si Franco.

Continue Reading

You'll Also Like

317K 9.7K 26
Sabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi mak...
260K 7.7K 21
BARAKO SERIES #7 Isaac Dela Costa ay isang lalaking maginoo pero masyadong bastos. Sa pagiging Philippine Navy nito magaling siya sa sisiran mapatubi...
181K 3.2K 27
[WARNING RATED SPG!] STANFORD SERIES #2 Marcus Cale Stanford and Calixtah Bonifacio DATE STARTED: JULY 19, 2020 DATE FINISHED: OCTOBER 19, 2020
26.4K 123 6
Caught in the tangled web of love and betrayal, Celeste faced the harsh reality of Noah Arkanghel's betrayal. As she navigates the storm of emotions...