Runaway #1 The Runaway Bride...

Par theservantqueen

2.5M 90K 5.7K

Runaway Series 1 Plus

The Runaway Bride
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Note!
The Runaway Bride Audio Book

Kabanata 1

91.2K 2.5K 223
Par theservantqueen

ENGAGE

"Congratulations!" bati sa amin ng isa sa mga kasosyo ni Dad sa business. "Finally, Sanchez and Cruz will soon exchange vows, plus the fact that she is your girlfriend, Greg. There is nothing wrong with being fixed up with someone you love."

Ngumiti si Greg sa kausap sabay hapit sa bewang ko. "Yes, I am happy that we are going to marry each other."

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko dahil sa kilig. Malaking event ang ginanap kanina dahil bukod sa pag-iisa ng Cruzette at G-company, engagement party din namin ito ni Gregory.

"That's good to hear. Masaya ako na invited ako sa party ninyo."

Napangiti na lang ako at napatingin sa paligid. Hindi pa tapos ang party. Sobrang ganda ng pagka-organize at tingin ko ay pinagplanuhan talaga. Hindi ko akalain na ganito pala ka engrande ang magiging engagement party namin. Ano pa kaya kung ikakasal na kami?

"Greg, naiihi ako," sambit ko sabay ngiti sa kanya. "Pupunta muna ako sa restroom."

Hinalikan niya ako sa pisngi bago tumango. Nginitian ko ang mga nakasalubong ko bago ako nagpunta sa restroom para umihi. Nang matapos ay nagtungo ako sa powder room para mag-retouch. Suot ko ngayon ay isang white high low dress. Nakalugay ang aking mahaba at straight na buhok, at suot ko ay isang white stiletto.

Inilabas ko ang lipstick at ngumuso sa harap ng salamin. Nilagyan ko ng red lipstick ang heart-shaped lips ko. Habang busy ako sa pag-aayos sa aking sarili ay nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pagpasok ni Hailey.

Ngumisi siya at nagtaas ng kilay. "Congratulations, my dear sister!" Tumabi siya sa akin. "I hope you are happy with your decision."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa aking ginagawa. Hailey was wearing an off-shoulder royal blue dress and her hair was tied up. Ang kanyang labi ay kulay pula na bumagay sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapag ng kanyang clutch bag sa may sink at humarap sa salamin.

"I just hope na magiging kontento si Greg sa iyo," aniya at binuksan niya ang kanyang clutch bag. " I know Greg so much more than you think, Khadijah. I just hope na hindi ka iiyak sa huli at tatakbo kapag nalaman mo ang totoong kulay niya."

Ngumiti siya sa akin at nilagyan niya ng lipstick ang kanyang labi.

Ibinaba ko ang lipstick sa kamay ko at kunot-noo siyang binalingan. "What are you trying to say?"

Nagkibit-balikat siya at kinindatan ako. "Well, kahit hate kita, anak ka pa rin naman ni Mommy. So I am a little bit concern. You don't need to marry him to save the company, bitch. Don't be a hero because you're not."

Kinuha ko ang clutch bag ko at ibinalik ang lipstick. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo sa akin pero huwag kang mag-alala, kapag sasaktan ako ni Gregory, ako naman ang masasaktan, hindi naman ikaw, Hailey."

Suminghap siya at hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.

"What?" Umiling siya at tinaasan ako ng kilay. "You will cry at the end of the day."

Inirapan ko siya at tinalikuran na. Hindi ko talaga maatim ang ugali ni Hailey.

"Well, truth hurts naman," habol niya na ikinatigil ko. Nilingon ko siya at nakita ko na nakasandal na siya sa may sink. "Nagpakontrol ka kasi kay Dad na wala namang paki sa iyo. Wala kang ambag sa pamilyang ito at mas lalong hindi anak ang turing sa iyo ni Daddy kasi ako lang naman ang anak niya. I am just warning you about Greg because he is not what you think he is. But then, it's your choice. Good luck, dear sister!"

***

"Are you happy?" Natauhan ako at biglang bumalik sa reyalidad nang bigla akong tinanong ni Greg.

Iniisip ko kasi ang sinabi ni Hailey. Parang may pinaparating siya sa akin at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon. Nasa isip niya ba na lolokohin ako ni Gregory? Dalawang taon na kami ni Gregory at wala namang issue na cheating sa aming dalawa.

Gregory is sweet yet possessive. Hindi ko alam kung iyon na ba talaga siya o may tinatago pa siya. Hindi kami masyado nagde-date sa public kasi hindi niya gusto ang mga ganoon. Minsan ay nililimitan din ako ni Dad kaya si Gregory pa mismo ang pupunta sa bahay namin so we can spend some time.

Para akong nakakulong sa impyerno and only Greg can save me. Dahil kapag ikakasal na ako sa kanya, mawawala na ako sa piling nila.

Yumakap ako sa kanyang braso at nag-angat ng tingin sa kanya. "Of course, Greg. I am happy. How about you? Are you happy?"

He chuckled at caressed my hair. "Of course I am happy, Khadijah. Finally, ikakasal na ako sa iyo. Are we still not going do it?" umaasa niyang tanong.

Kumalas ako sa yakap niya at malungkot ko siyang tiningnan. "I am not yet ready, Gregory. But I promise, I will give myself to you once na maikasal na tayo. I'm sorry."

Ngumiti siya sa akin at hinapit ulit ako papalapit sa kanya. "It's fine, babe. I was just excited to make you scream on my bed," bulong niya na ikinapula ng pisngi ko.

Tinampal ko ang tiyan niya at sinimangutan siya. "Bastos ka, ah!"

Humalakhak siya at pinisil ang pisngi ko. "I was just imagining things, Khadijah. Ano kaya ang mangyayari kapag pauungulin ko ang asawa ko?"

Mas lalo akong namula at lumayo sa kanya. "Tama na nga iyan!"

Kinuha ko ang baso na may wine at diretsahang nilagok. Nag-angat lang ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang tumayo.

Inangat niya ang phone niya. "May tatawagan lang ako. Dito ka lang." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko bago siya tuluyang umalis.

Nang makaalis na si Gregory ay lumapit si Hailey sa akin at umupo sa inuupuan ni Gregory kanina.

Itinuko niya ang kanyang siko sa lamesa. "Ang uto-uto mo rin, ano? Greg will call his mistress!"

Kumunot ang noo ko. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Hailey? Sinabi ko na kanina na huwag mo akong pakialaman!"

"Luh, as if I care." Inikutan niya ako ng mata. "I don't even care kung pagtataksilan ka ni Gregory dahil deserve mo naman iyon. Masyado ka kasing tanga para hindi ma-observe ang nasa paligid mo. Hindi na ako magtataka kung inuuto ka na. I am just stating the fact. Cheater ang lalaking iyon."

Iniwan niya ako pagkatapos. Naguguluhan ako habang nakatulala sa table ko. Ano ba ang ibig sabihin ni Hailey?

"Ano ang sinabi ni Hailey sa iyo?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Gregory. Kunot ang kanyang noo habang umupo muli sa upuan. Inilapag niya ang kanyang phone sa lamesa at nagtataka akong tiningnan.

Nginitian ko siya. "Wala naman masyado, Gregory. Alam mo naman ang kapatid ko, hindi ba?"

Nakita ko ang relief sa kanyang mukha. Bakit? May tinatago ba talaga si Greg? Totoo ba talaga ang sinabi ni Hailey? Napalunok ako at napatingin sa phone niya na nasa lamesa. Nagtagal ang tingin ko roon bago may pumasok na ideya sa utak ko.

Tumikhim ako. "Greg, puwede mo ba akong kunan ng tubig?" Hinaplos ko ang bandang lalamunan ko. "Nauuhaw ako, eh."

Tumango siya at tumayo. "Sure, wait ka lang, babe."

Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Nang makalayo na siya ay agad kong kinuha ang phone niya at binuksan. Hindi pa pala naka-off ang phone niya kaya nakita ko kung ano ang huling sinilip niya sa phone niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko ang pangalan na "Honey" sa message niya. Nanginig ang kamay ko at pinindot ito. Binalingan ko saglit ang pwesto ni Greg kung saan nakikipag-usap pa sa isang negosyante habang may baso sa kamay niya.

Napatakip ako sa bibig nang nakita ang mensahe nila sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala sa nakita at nangilid ang luha ko habang binabasa ang kanilang mensahe.

Greg:

I want you tonight. Please be there at my condo unit after my engagement party.

Honey:

Greg, sinabi ko na ayaw ko! Ikakasal ka na. Ipasok mo nga iyan sa kokote mo! Please ayoko na!

Greg:

Okay, then your precious aunt will go to jail. You want that? Maibabalik ko siya sa kulungan kung kailan ko gusto, Honey. You will not going to like it.

Greg:

Answer the call.

Greg:

Don't make me wait, Honey.

Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata matapos ko itong mabasa. Hindi ko akalain na ginagago na pala ako ni Gregory. Hindi ko akalain na may ganito pala sa pagkatao niya.

Agad-agad kong ibinalik sa lamesa ang phone niya at agad inalis ang luha sa mata. Sinapo ko ang aking dibdib at napayuko. Nang nasa tabi ko na siya ay inayos ko ang aking sarili at tinanggap ang tubig na kanyang dala.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ako tumango. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang hirap paniwalaan.

"Hindi pala ako sa condo uuwi. Sasabay ako kay Dad," sabi niya sabay ngiti sa akin.

Umawang ang labi ko at naalala ang kanyang mensahe sa babae niya. Nagsisinungaling ba siya sa akin para gawin nila ang bagay na iyon sa babae niya? Mas lalong kumirot ang puso ko. Kung ayaw na pala niya sa akin, bakit pinatagal niya pa? Hindi naman niya kailangang mag-cheat kung ayaw niya na sa akin. Sana sinabi niya na lang sa akin na ayaw na niya para tapos na agad. Bakit kailangan niya pa akong saktan?

Tumango ako at nagkunwari na kumbinsido sa sinabi niya. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"I'll go now, Khadijah."

Nang akmang hahalikan niya ako, agad akong nag-iwas. Nakita ko na nagulat siya pero ngumiti rin kalaunan. Tinuloy niya ang paghalik niya sa pisngi ko bago siya tuluyang umalis.

Nang wala na siya sa paningin ko ay doon na sumuko ang bigat sa mata ko. Kung totoo man ang sinabi ni Hailey at ang nabasa ko, kailangan kong sundan si Gregory para kumpirmahin. Hindi ako matatahimik hangga't walang malinaw na sagot.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.5K 215 13
(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito...
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
52.7K 782 16
RANK ACHIEVED: #1- playfulness School with no exception for innocents. No care to loss dignity. As long as, you know how to play a game, you can achi...