(ONHOLD) Prologue to Love

By Filipina

162K 6.7K 1.3K

Anastacia (Asia) Diaz is a wattpad addict since highschool. Her dream is to be partnered up with the hottest... More

Synopsis
Update One
Update Two
Update Three
Update Four
Update Five
Update Six
Update Seven
Update Eight
Update Ten
Update Eleven
Update Twelve
Update Thirteen
Update Fourteen
Update Fifteen
Update Sixteen
Update Seventeen
Update Eighteen

Update Nine

5.6K 320 33
By Filipina

<June 8>

Jolo's POV

"Dex! Mali ang pwesto mo!" sigaw ng aming instructor.

Tumingin ako panandali kay Dex pero agad ding tumingin sa unahan kasi baka magkamali ako.

"Mali ang formation niyo!" galit na sigaw niya na dahilan ng pagtigil namin saglit at pumunta agad sa unang formation.

"Ready!!!" sigaw niya na naman habang hinihintay namin ang unang verse na magsimula.

For the nth time!!!
Uulit na naman kami!
Anong oras kaya kami makakauwi sa dorm ngayon?!

"Attention! Attention!" sigaw ng instructor. "Isipin niyo ngayon na yung comeback niyo! Isipin niyo ito na yung mismong araw ng performance niyo!"

Nag focus ako sa pagsasayaw hanggang sa umabot na rin sa bridge ng kanta.

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra ang pag-ibig ko sa'yo!

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra na ang nararamdaman ko sa'yo!

♪ ♫ [JOLO] O Hin~di~ Hindi ko na mapigilan
♪ ♫ [JOLO] Ang aking isip sa kakaisip!
♪ ♫ [DEX] (Kaka-isip, kaka-isip!)

♪ ♫ [LANCE] Sobra sobra!
♪ ♫ [HAROLD] Sobra sobra!
♪ ♫ [DEX] Sobra-sobra
♪ ♫ [JOLO] Ang pagmamahal ko-- Sa'yo!

♪ ♫ [DEX] We are- C-C! Connection!

♪ ♫ [LANCE] Bakit ako nahihiya sa tuwing dumadaan ka?
♪ ♫ [HAROLD] Bakit ako kinakabahan sa tuwing lalapit ka?

♪ ♫ [LANCE] Bakit ako namumula tuwing kinakausap ka?
♪ ♫ [HAROLD] Bakit ako nangangatal tuwing tinititigan ka?
♪ ♫ [JOLO] O, bakit ako napapangiti sa tuwing naaalala ka?

♪ ♫ [DEX] (Iisa lang ang dahilan~)

♪ ♫ [LANCE] Ang tindi mo rin pala, ano?
♪ ♫ HAROLD] At ang lakas ng tama ko sa'yo

♪ ♫ [DEX] Ang tindi mo rin pala, ano?
♪ ♫ [JOLO] At ako'y~
♪ ♫ [JOLO] Talagang~
♪ ♫ [JOLO] Nahulog na sa'yo~!

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra ang pag-ibig ko sa'yo!

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra na ang nararamdaman ko sa'yo!

♪ ♫ [JOLO] O Hin~di~ Hindi ko na mapigilan
♪ ♫ [JOLO] Ang aking isip sa kakaisip!
♪ ♫ [DEX] (Kaka-isip, kaka-isip!)

♪ ♫ [LANCE] Sobra sobra!
♪ ♫ [HAROLD] Sobra sobra!
♪ ♫ [DEX] Sobra-sobra
♪ ♫ [JOLO] Ang pagmamahal ko-- Sa'yo!

Tumigil kami hanggang sa tumango yung instructor atsaka lumabas ng practice room.

"WOOOH!" sigaw agad ni Dex at naghalumpisay sa sahig. "PUHTAH!"

Nagpahid ako ng pawis gamit ang manipis na tshirt na suot ko. Grabe, basang basa yung shirt ko ng pawis!

"♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ang pawis ko!" panimula ni Harold.
"♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ang sakit ng katawan ko!" kanta naman ni Lance na nakatayo sa may aircon.
"♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ang hingal ko!" wala sa tonong kanta ni Dex kaya napatawa kami.

Umupo ako sa sahig malapit sa kanila, "♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ko nang gustong makita ang crush ko!"

"Sige, ipilit mo," loko ni Dex kasi hindi sakto ang syllables.

Ngumiti ako, "♪ ♫O, bakit ako napapangiti sa tuwing naaalala ka?"

Tumigil at nagtinginan silang tatlo hanggang sa napatawa si Lance at nagtayuan dahil nakakarimarim raw ako. Hahaha. Kinuha rin nilang tatlo ang kanilang basang twalya at ibinato sa akin. Mga walanjo!

Matapos ang matagal na tawanan at lokohan, tumahimik kami panandali. Napatitig kami sa kawalan kasi kinumpiska sa amin ang aming cellphones kung kaya wala kaming magawa. Hindi kasi namin ma-perfect ang routine. Katunayan, ito yung unang perfect namin kung kaya pinayagan kaming magpahinga.

Wala kaya kaming tigil na sumasayaw simula 4 ng umaga! Kahapon rin! Hanggang 11 kaming andito. Tapos ngayon, malapit na mag 7! Nakakagutom!

Sigurado ako ang dami nang nai-tweet ni Asia! Lalong lalo na't first day niya sa college. Sana wala siyang makitang gwapo dun. Kung makakita man, sana bakla.

"Excited na ko," pagbabasa ng katahimikan ni Dex. "2 weeks na lang!"
"Onga eh!" sabi naman ni Harold. "Tagal naman, gusto ko na makita ang fans naten."
"Wehhh!" singit ni Lance. "Miss mo lang si ate. Yung die hard fan mo eh!"
"Hinde kaya," tanggi ni Harold. "Hay, papunas nga ng likod."

Nagpupunasan ng pawis yung tatlo (sensya ayoko magpahawak haha) nang magbukas ang pinto ng practice room.

Napatingin kaming lahat doon.

"Connection," rinig naming tawag sa amin ng CEO kaya napatayo kami at nagbigay respeto. "Musta ang practice?"

"Ayos naman po," agad na sabi ni Lance sabay tingin sa amin, "Hindi ba?"

Tumango agad kami. Tumango rin siya.

"Halikayo, may sasabihin akong importante."

Nagkatinginan kaming apat sa isa't isa.

* * *

Asia's POV

"..." tuloy-tuloy ang pag scroll ko sa pagbabasa ng isang story sa wattpad gamit ang Samsung S5 na bigay ni kuya. Hehee!

Nag iiscan kasi ako ng mababasa kaya yung dialogues lang binabasa ko. Pag kasi hindi ko ma-feel, hindi ko na babasahin at maghahanap na ako ng iba. Pag naman kinilig ako, babasahin ko na. Ganun kase ako maghanap, ewan ko lang sa inyo. Hahaha!

First day nga pala namin at nasa room na ako. 7:30 yung klase namin eh.

Kasalukuyan, wala akong katabi. Nasa kanan lang ako, sa may 2nd row, habang ang karamihan ay nasa likod ng bandang kaliwa.

Sabi ko makiki-socialize ako eh. Pero ayun, hindi ko makausap yung apat na babaeng nasa may unahang kaliwa kasi nahihiya ako. Awkward ako sa simula eh.

"..." nasa may 'Featured Stories' ako nang mapansin kong kanina pang ilaw ng ilaw yung isa ko pang phone na Nokia na hindi ako iniiwanan magpakailanman. Hart hart.

Pagtingin at pagbasa ko pa lang nung unang message, agad kong pinuntahan ang allppop.com.

Apat na topic naman ang nasa 'Popular & Trending':

[RUMOR][HOT] Connection's Dex left the group before comeback?
(Posted 2 hours ago)
Insiders revealed that Connection's Dex will be leaving the group even though he participated in the recent recording of their comeback song[...]

[BREAKING] MP Entertainment announces Dex will leave Connection
(Posted 1 hour ago)
Music Pulse Entertainment announced today that Dex, Connection's drummer, will be leaving the group. MP Entertainment CEO, Leonardo Tan, announced the departure in a press[...]

[GOSSIP] Insiders revealed possible reason why ex-member Connection's Dex might be 'forced out' from the group
(Posted 36 minutes ago)
After it was announced that Dex will leave the group because he will be focusing on his studies, many were in doubt as Dex was known to be the most hardworking in the group. Insiders told the media that Dex possibly has issues under the company. One is about his vocal[...]

[LATEST][HOT] Connection's album release postponed + MP Entertainment announces that they are currently looking for replacement thru auditions
(Posted 2 minutes ago)
Following the announcement of Dex departure from Connection, MP Entertainment announced that Connection's new album released date is postponed[...]

Binabasa ko pa yung last article nang may tumawag sa akin at sinabing buksan ko raw ang pinto dahil may tao daw at ako lang ang malapit dun.

At dahil sa takot ko naman sa mga kaklase kong karamihan ay lalaki (kase oo, pinush ko ang Civil engineering), tumayo ako at binuksan agad yung pinto. Hindi ko na inintay na pumasok yung bagong dating na kaklase kase busy nga ako sa pagbabasa.

Babalik pa lang ako sa upuan ko nang bigla akong na-tisod.

At gaya ng ineexpect niyo, tumalsik na naman yung cellphone ko.

Yung totoo? Talsik phone love story yata to eh.

Fortunately, buhay siya at staying strong. Mehehehe. Salamat naman dun sa casing na mas mahal pa sa tuition per unit ko.

Kukunin ko na siya nang maunahan ako nung bagong dating na kaklase, na base sa suot ay lalaki.

Natural, mapapatingin ako sa kanya. Wattpad reader kaya ako! Malamang, aalamin ko kung gwapo ba naman yung tao. Wahahaha!

Hindi pa ko nakakatingin nang sabihin niya nang mahina na, "Ang t*nga kase."

Siyempre uminit agad ang ulo ko at inis na tiningnan siya.

"HAYOP KA!" sana yung sasabihin ko kasi yun talaga unang pumasok sa isip ko nang makita yung lalaking yun. Pero pagtingin ko sa kanya, seryoso siyang nakatingin sa phone ko at para bang...

"Hoy, ba't ka nakikibasa ha?!" sabi ko at agad na kinuha mula sa kanya yung phone ko. "Tsismoso!"

Tiningnan niya lang ako.

"At para malaman mo, tanda ko pa ang mga ginawa mo!" dagdag ko pa pero hindi ako pinansin.

"Oi, kausap kita!" sabi ko.

Remember the guy na nasa most-wanted ko?!
Kaklase ko pala siya, biruin mo?!

At hindiiii! Hindi 'to fated encounter! More like a tragedy at it's worst!

"Ona, ona. Crush mo na ko," sabi niya kaya natigilan ako kasi umusok talaga ang ilong ko sa sinabi niya.

Ano raw?
Crush ko siya?
Hah! May Jolo ako at loyal ako sa kanya no!

Atsaka may boyfriend ako! Tse!

Bigla siyang lumingon sabay ngisi, "Crush ako nung amoy tae."

"I-FILI Files na yan!" singit nung isa naming kaklase na malapit sa amin.
(*Filipinas Learning Institute)

Magsasalita pa sana ako kaya lang umupo siya sa may upuan... Katabi nung akin.

"Ba, sa iba ka umupo!" sabi ko agad.

"Sa'yo ba 'tong bag?" tanong niya sabay lipat nung bag ko sa kabilang bakanteng silya. "Ok na?"

Lord Jesus.

Gusto ko na mag shift.
^ kinain rin ang sinabi sa Update Three 💬


Continue Reading

You'll Also Like

598K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
344K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...