BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~

136K 3.1K 223
By MsButterfly

CHAPTER 7

DAWN'S POV

Nangalumbaba ako habang tinatanaw ko ang ibaba mula sa kinaroroonan ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng Blue Magic sa Mall of Asia. Nakaupo lang ako sa tapat n'yon kung saan tanaw ko ang ice skating rink sa baba.

"Woo! Ang galing! Yeah!"

Napapikit ako ng mariin. Kanina ko pa pilit inaalis sa isip ko na kasama ko ang tukmol na monster na si Triton. Pero masyado talaga sigurong prominent slash repulsive slash with matching attention seeker attitude ang pagkatao niya kaya imposibleng hindi mo siya mapansin.

"Pwede ba umupo ka nga? Pinagtitinginan ka na ng mga tao. Nakakahiya."

Ngumiti siya sa akin at nag peace sign. "Naga-guwapuhan lang talaga sila sa akin."

"Sigurado ka? Baka iniisip na nila kung dadalin ka ba nila sa mental o hindi. Tignan mo nga iyang suot mo. Nasa Pinas pa ba ang utak mo o nasa north pole?"

Naka simpleng shirt at maong shorts lang siya. Okay na sana kung hindi lang siya naka scarf, bonet at gloves pa.

"Ikaw talaga Master Sweetie Dawn, ang galing mo talagang mag joke!" pagkasabi niyon ay tumawa pa siya ng pilit.

"Hindi ako nagbibiro. Kulang na lang sa iyo boots."

Nanlaki ang mga mata niya. "Oo nga no? Sayang di ko dinala yung boots ko sa bahay!"

Napabuntong-hininga ako. Sana pala lumuhod at nagpatirapa na ako sa harapan nila daddy para lang hindi ako bigya ng day off ngayon. Pilit kasi nila akong pinaalis ng BHO CAMP dahil masyado na daw akong babad sa trabaho. Pagkatapos ng mahabang sermunan napapayag na din nila ako. Pero sa minalas-malas, nakorner ako ng taong 'to.

Alam niya raw kung saan matatagpuan ang isang candidate sa list ko at sa kaniya. Coincidentally magkatrabaho ang isang bachelor na nasa listahan ko ng pagpipilian ng mapapangasawa sa babae na nasa listahan naman ni Triton.

Ang nasabing mga tao ay nagtatrabaho bilang guro sa isang pribadong paaralan. Elementary teachers sila at dito sa Mall of Asia ang isa sa mga destinasyon nila sa fieldtrip nila. Kaya kami nandito ngayon ni Triton sa taas kung saan tanaw na tanaw namin ang buong rink at tinitignan ang mga ito.

"Look at that curves! Wowowow!"

"Quiet."

Nakangiting nilingon ako ni Triton at nag beautiful eyes. "Selos ka?"

"Hindi. And stop batting your eyelashes. Wag mo akong sisihin kapag nalaglag 'yang mga mata mo at gawing hockey puck ng mga tao sa baba."

"Ang morbid mo talaga Dawn kahit kailan." nakangiwing sabi niya.

"Maarte ka lang."

"Babae lang ang maarte no."

Tinapunan ko siya ng tingin bago ibinalik ko ang atensyon ko sa rink. "Ay pasensya na. Akala ko babae ka."

Narinig ko ang pagsinghap niya at ang kasunod niyon ay ang sunod-sunod niyang reklamo. Hindi ko na lang siya pinansin at itinutok ko nalang ang buong atensyon ko sa isang lalaki sa ibaba na inaalalayan ang mga estudyante niya.

Allen Sanders, thirty years old, Science elementary teacher. He's also a chinito and he's taller than me. He's kinda my type of guy. Kasama niya ngayon ang co-teacher niya na siya namang babae na nasa listahan ni Triton. Kendall Miles. She's short but she has gorgeous curves. Diretsong-diretso din ang itim na itim niyang buhok.

I won't say that she is Triton's type since as far as I know, walang tipo ng babae iyang si Triton. Basta makurba ang katawan, magniningning na ang mga mata niya.

Mukha naman siyang mabait pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya matitigan ng matagal lalo na at walang ginagawa ang katabi ko kundi puriin siya. No once can be that perfect anyway.

"You know Master Sweetie, I can really feel it when you're insulting me silently."

"Imahinasyon mo lang iyan." sabi ko pero hindi itinaggi ang sinabi niya.

"Sabagay magaling ako diyan."

Kinunutan ko siya ng noo. "Saan?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at bahagyang gumiling na animo nang-aakit siya. "Sa pag-iimagine."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Hindi na ata talaga dadating ang araw na hindi ako iinisin ng lalaking ito. Iyan ata ang inborn talent niya; ang galitin ako. Kahit na anong gawin ko na pagsusungit sa kaniya hindi pa rin niya ako tinitigilan. Bukod ata sa misyon niyang guluhin ang tahimik ko na buhay ay binigyan din siya ng abilidad na hindi makaramdam ng kahit na anong negative thoughts patungo sa kaniya.

Manhid in short.

"Tignan mo 'yung lalaki o! Kamukha niya si Trei di ba?"

"Oo nga no? Ang gwapo!"

Tinignan ko ang dalawang dalagita na naghahagikhikan sa isang tabi. Nakatingin sila kay Triton na ngayon ay kumekembot kembot kasabay ng kantang 'Shake Your Booty' na pinapatutog ngayon. Nakatingin siya sa rink at pinagmamasdan ang candidate niya.

Bago pa makalapit ang mga dalagita ay hinila ko na si Triton na nagulat sa biglang paghila ko sa kaniya. "Sorry na Master Sweetie. Masyado ka na bang nagselos? Come to daddy, I'm gonna give you some love beybe!"

"Hep!" awat ko sa kaniya gamit ng kamay ko ng akmang ilalapit niya ang mukha niya sa akin. "Inilayo lang kita sa mga posible magpakalat kung sino ka. This is a bad idea, Lawrence. Wala akong balak madamay kapag dinumog ka ng mga tao."

This freaking actor slash mental patient. Masyado kasing mahal ang spotlight kaya parang wala lang kung gumala.

"Don't you worry Master Sweetie. I will protect you!"

"Yeah, right. Kaya pala noong mag-aya si granddaddy Poseidon sa Ocean Park ako ang tumulong sayo na magtago dahil pinagkaguluhan ka."

Ngumuso siya. "Itinago mo ako sa isang balde na may lamang dead fishies na ipapakain sa big fishies!"

Inirapan ko lang siya. Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na ako palayo pero maagap na pinigilan niya ako."Bitawan mo ako o babaliin ko yang kamay mo."

"Skating tayo!"

Saglit na natigilan ako sa sinabi niya. Tumukhim ako at pinataray ko ang ekspresyon ko. "Wala akong oras sa ganiyan. Nakita na natin ang dapat nating makita. Umuwi na tayo."

"Wait!" pigil niya sa akin ng aalis na sana ako. "Ayaw mo bang makita sila ng malapitan? Sige ka malay mo iyang si Allen mo, kasing liit pala ng boses ni Patutina ang boses."

"Ewan ko sa'yo."

"Halika na dali!"

"Ayoko. Pangbata lang ang mga iyan."

Imbis na sumagot pa ay halos kargahin na ako ni Triton at hinila papunta sa counter kung saan kukuha ng entrance pass para sa rink.

"Ayoko sabi!" mariing sabi ko kay Triton na nagbabayad na ngayon.

"Masaya 'to promise!"

I gritted my teeth in agitation. Damn this maniac! Hindi ako marunong mag skating. I hate skating. I'll just choose jumping from building to building than walk with those pointy blade.

Wala na akong nagawa ng suotan ako ni Triton ng bracelet na gawa sa papel na siyang ticket sa rink. Ngingiti-ngiti na hinila na niya ako sa isang gilid kung saan may mga upuan at stand kung saan may mga libreng helmet at skating shoes.

"I'll just watch from here. Ikaw na lang ang mag skate." sabi ko.

Kumunot ang noo ni Trito at tinitigan ako. Pagkaraan ay nanlaki ang mga mata niya at ngumiti. "Hindi ka marunong no?!"

"Shut up."

Idinipa niya ang mga kamay niya na para bang may mirakulo na naganap. "Hindi marunong mag skating si Dawniella The Great! Woo!"

"Callate! Sus! Stai Zitto! Fermez-la Bouche!"

Tatawa-tawa lang si Triton habang sinisigawan ko siya ng 'Shut Up' sa iba't-ibang klase ng lengguahe.

With the kind of brain this man have, paniguradong gagamitin niya ang nalaman niya laban sa akin. Hindi na rin ako magtataka na malalaman na ito ng lahat ng agents.

Tumatawa pa rin na tinawid niya ang pagitan sa aming dalawa. "Come on, Master."

Sa pagkagulat ko ay bigla na lang niya akong hinawakan sa magkabilang bewang at iniangat. Nang muling lumapat sa sahig ang mga paa ko ay nasa pagitan na iyon ng mga foam na hinulma na korteng paa.

"Para sa'n 'to?" masama ang tingin na tanong ko sa kaniya.

"To find the size of your skating shoes."

"Ayoko nga sabi!"

He chuckled. "You'll be fine. I promise."

Tinignan niya ang numero sa tapat ng inaapakan ko at pagkatapos ay nagtungo na siya sa isang stall at kinausap ang bantay roon. Nakasimangot na umupo ako sa isa sa mga upuan. Damn it! I don't want to freaking skate!

"Master!"

Napatingin ako sa ilang mga tao na nag su-suot ng mga skate nila. Nagtatakang nakatingin sila sa amin ni Triton. Malamang na we-weirduhan sa tawag niya sa akin.

"Here, wear this."

Ibinaba niya sa tapat ko ang pares ng skate shoes. Nagdadabog na sinuot ko iyon. It's wet! Panigurado akong ilang tao na ang gumamit nito. Mabuti na lag may suot akong medyas.

"Okay na?"

Matalim ang tingin na tinignan ko si Triton na nakatayo na at suot na ang sapatos niya. "Hindi ako okay."

Tumawa na naman siya. "Halika na dali!"

"Kabagan ka sana."

Lalo lang siyang napatawa sa sinabi ko. "Come on, get up."

"At paano ako tatayo? Wag mong sabihin na maglalakad ako na suot ito hanggang doon sa entrance ng rink?"

"Of course Master Sweetie."

"How do I suppose to walk with these?! Before I even step foot on that ice I'm hell sure I'm gonna crack my head open!"

"Hindi ka mababagok niyan. Look at me. Pwede pa akong magsayaw." pagkasabi iyon ay gumiling giling siya sa kinatatayuan niya.

"No way."

"Yes way." he said while smiling.

"No."

"Yes."

"No!"

"Yes!"

Napatili ako ng bigla niya akong binuhat at dinala sa tapat ng entrance ng rink. Nasa amin na ang atensyon ng lahat ng tao na nasa paligid namin. "Bitawan mo ako!"

"Kaya mo na ba? Hmm?"

Napasimangot ako lalo sa sinabi niya. Napahigpit ang hawak ko sa kaniya ng umapak na siya sa yelo. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan niya akong binaba.

"No!"

Nakangiting napailing na lang siya. "May hawakan naman o. Hindi ka mahuhulog."

"And if I do?"

"Then I'll catch you."

Napatigil ako at tuluyan na niya akong naibaba. Bago ko pa isipin ang sinabi niya ay napahawak ako sa gilid ng rink nang muntikan na akong madulas. Agad na tinapunan ko ng nagbabagang tingin si Triton na mahinang napatawa.

I hate this! I'm even worst than a baby dear trying to walk!

"Ayoko na!"

"Nandito na tayo eh. Saka tignan mo kitang-kita na natin sila." sabi niya at inginuso ang mga candidate namin.

"Gusto mo lang makita ng malapitan iyang babae mo."

"Ikaw din naman paniguradong gusto makita ng malapitan ang lalake mo."

"So?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"So ka din!"

Napanganga ako ng bigla na lang siyang mag skate paalis. "Come back here jerk!" Papatayin ko talaga ang lalaking to kapag nadulas ako at napahiya sa maraming tao.

Sinubukan ko na ikilos ang mga paa ko. Napakagat labi na lang ako ng muntik na akong mawalan ng balanse. Mas gugustuhin ko pang tumawid sa alambre kesa ganito. I don't even know what's fun with this kind of stuff.

"Master!"

Naramdaman kong may kamay na pumalibot sa bewang ko habang ang isa niyang kamay ay humawak sa kanan kong braso. Malakas na siniko ko si Triton na siyang nag ma-may ari ng kamay dahilan para mapaungol siya. Pero hindi niya ako binitawan.

"I'm gonna make you pay for this."

"Sure! Mayaman kaya ako." nakangising sabi ni Triton.

Iilang beses na muntik akong madulas pero naaagapan dahil nakaalalay sa akin si Triton. Magkalapit na magkalapit ang mga katawan nami habang umiikot kami sa buong rink. "There's my girl."

Nag-angat ako ng tingin para kastiguhin siya pero hindi siya sa akin nakatingin. Tinignan ko ang tinitignan niya at napasimangot ako ng makita ko nasa direksyon ng candidate niya ang atensyon niya. "Hindi naman pala siya ganong kaganda kapag malapitan."

"Hey you, no insulting my girl."

"My girl, my girl ka diyan. Iyan na ba ang gusto mo? Eh di magpakasal na kayo."

Ngumisi si Triton. "Saka na. Siyempre kailangan muna naming kilalain ang isa't-isa bago kami magpakasal."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto ko siyang ibalibag sa sinabi niya. Nagtatagis ang mga bagang na tinitigan ko ang babae. Mukha naman siyang mabait. Nakikipaglaro siya kasama ang mga estudyante niyang mga bata. "So siya na nga? Hindi mo na titignan ang iba pa nasa listahan?"

"Siyempre titignan! Pagkakataon ko na iyon no!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Manyak ka talaga!"

"Pano mo nasabi? Minanyak na ba kita?"

"Lot of times jerk." Nag peace sign si Triton at napatili naman ako dahil binitiwan niya ako para gawin iyon. "You fool!"

"Sorry na po!"

Muli niya akong hinawakan at iginaya sa kung saan. Nasa malapit na kami ngayon ni Allen Sanders. "He looks more handsome up close."

"Mas gwapo pa ako diyan." bulong ni Triton.

"Asa ka."

"Totoo naman kaya. Wala ng ga-guwapo pa sa akin maliban sa ama ko at sa tatay mo. Pero kung sa henerasyon natin, ako talaga ang epitome ng kaguwapuhan."

"Keep dreaming.

"Hindi pa ba? I've been dreaming for quite some time now."

Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tapat ng tenga ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiilang ako sa sitwasyon nami kaya agad na kumawala ako sa kaniya.

A wrong move from my part.

Napatili na lag ako ng tuluyan na akong madulas. Nanlalaki ang mga mata na hinila ako ni Triton ngunit maging siya ay nawalan ng panimbang ng masipa ko ang paanan niya. Naramdaman ko na ipinalibot niya ang mga braso niya sa akin at ipinihit ang katawan niya habang ako ay napapikit na lang ng mariin.

I expected to feel the hard cold floor..but I didn't expect the warmth that touched me. Especially on my lips. My eyes snapped open and I met Triton's similar shocked eyes. I immediately realized what happened.

We kissed!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
853K 17.7K 10
A novelette created for Storm Reynolds. Bakit nga ba humantong ang lahat sa isang malagim na pangyayari? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya sa kamay...
2.8M 72.3K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
6.2M 324K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...