𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪

By Seannnyoritooo

264K 8K 671

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺�... More

I DON'T KNOW
SPECIAL
KABANATA1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA4
KABANATA5
KABANATA6
KABANATA 7
KABANATA8
KABANATA9
KABANATA10
KABANATA11
KABANATA12
KABANATA13
KABANATA14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA17
KABANATA18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
Psst!!
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗘

KABANATA 36

4.5K 205 39
By Seannnyoritooo

Mabilis lumipas ang mga oras at araw at sa bawat araw na lumipas ay napansin kong iniiwasan na ako ni devon nalulungkot ako sa mga nangyayari, naisip ko nga na gusto kona umuwi sa'min kaya lang hindi pa pwede. hindi ko pa nasusuklian ang mga ginawang tulong sa'kin nila tita'tito.





"Hay Naku bessy! Sorry sa term na gagamitin ko ah? pero ang tanga mo bess. Devon na yan oh? tinanggihan mo pa? at tsaka may nangyari sa inyo diba?" Ani sachna sabay bulong sa huling sinabi.






Kinuwento ko kasi ang mga nangyari sa'min ni devon. ganun din naman Kaibigan niya si devon at malamang ikukuwento sa kaniya lahat kaya sinabi ko na lang.







Oo alam ko namang tanga ako. Mas pinili ko yung taong walang kasiguraduhan.kung babalik paba siya sa'kin o hindi na talaga.





Nagbuga muna ako ng hangin bago tumingin sa kaibigan ko na nakataas ang kabilang kilay habang nangungunot ang noo.





"Basta,May mali akong nararamdaman sa sitwasyon na'to kaya hindi muna ako magpapadalos-dalos" sagot ko sa kaniya nakita kong napaikot ang mata nito na gusto kong dukutin.






"Hayst ano pa nga ba? Basta wag mong kakalimutan na nandito lang ako" Napangiti ako sa kaniyang sinabi kaya hindi ko mapigilan ang yakapin siya.






Nagpaalam na ako kay Sachna dahil may kailangan pa akong gawin.





Nakita ko siya na naglalakad mag-isa, pero hindi maikakailang maganda talaga siya. hindi halata na nagdadalang tao siya.






Sinundan ko ito sa paglalakad, mahigit isang buwan kona rin sinusubaybayan ang bawat galaw ni bria at sa bawat pagsunod ko sa kaniya ay unti-unti kona talagang nakukumpirma na merong kakaiba sa mga ikinikilos niya.





Napahinto ako sa paglalakad at agad na nagtago sa madilim na parte ng isang poste dahil bigla na lang huminto si bria sa paglalakad na para bang may hinihintay.




Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa kaniyang harapan.Mas lalo akong nagulantang sa taong bumaba ng sasakyan.




"Hello bitch!" Nakangiting bumaba ng sasakyan si devon, Oo si devon talaga ang bumaba sa sasakyan na iyon.




Kitang kita ko kung paano ngumiti si devon kay bria hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang ibinigay nito kay bria pero parang nang-iinis ito sa isa.





Inis na nagkamot ako sa'king balat dahil nilalamok na ako at hindi ko man lang napansin na ang baho pa ng pinagtaguan kong parte.




Bumalik ako sa pagkakasilip at napasuntok ng mahina sa poste ng bigla na lang sila nawala na parang bula sa paningin ko maski ang kotse nawala na rin marahil iyon ang ginamit nila.





Pero ang ipinagtataka ko? bakit nagkita si devon at bria sa ganitong lugar? anong meron sa dalawa? ang alam ko hindi sila magkasundo at bakit parang ma- hayst dibale meron pa namang araw at susundan kona lang ulit siya, sa ngayon aalis na ako sa pwesto ko dahil hindi na kaya ng sikmura ko ang amoy ng basura isama mo pa ang mga lamok.





Marami na talaga ang nagbago, isa na dun ang paglipat ko ng bahay kung dati ay nakikitira ako kina tita'tito ngayon naman tumutuloy na lang ako sa nirerentahan kong maliit na bahay. mas okay na siguro ang bumukod na nakakahiya na sobra ang mga tulong na binibigay sa'kin ng pamilyang dela fuente sila na nga nagpapa-aral sa'kin.




Pagkabukas ko ng pinto ng bahay ay saktong may tumawag naman kaya nagtataka kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at mas lalo akong nagtaka kung bakit unknown itong tumatawag.




Sasagutin kona sana ito ngunit biglang namatay ang tawag at kung kailan naman ibabalik kona sa bulsa ay tsaka ulit tumunog kaya naiinis na sinagot ko ang tawag.




"Hello? sino ba 'to? Sorry hindi ako nakikipag-usap sa kani-kaninong tao na hindi ko kilala-" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang taong nasa likod nito.




"kahit pa ang tatay ni devon?" Sabi nito kaya naman napabilog ang aking mga mata tsaka tiningnan ng mabuti ang numerong tumatawag sa cellphone ko.Paano kaya nito nakuha ang number ko?




Aba! himala at kilala pa ako nitong tatay ni devon.At bakit naman siya napatawag?




"I know na napapaisip ka kung bakit tinawagan kita? Don't worry hindi naman ako ganun kasamang tao,Napatawag lang ako para sabihing we need to talk it's important asap!" sabay patay ng tawag.





Napakurap ako sa sinabi nito biglang kumabog ng malakas ang tibok ng puso ko.




Kaya imbes na humilata na at ng makatulog na ay muli kong binalik ang pagsuot sa pantalon ko at nagsuot ng black na jacket.




Alam ko naman kung nasaan ang bahay nila devon dahil minsan na rin akong napagawi sa bahay nilang iyon.





Gamit ang motor ay pinasibat ko ito papunta sa mansyon ng mga Diaz hindi pa rin mawala mawala sa isip ko kung bakit kailangan akong papuntahin.






Hinarang ako ng guard na nagbabantay sa malaking gate kaya nainis ako sa inasta nito, para siyang guard ng school na hindi magpapasok hangga't wala kang pinapakita na i.d





"Sino ka ba? bakit nandito ka? aba! magnanakaw ka siguro ano?" sabi nito sabay tingin sa motor na sinasakyan ko





"Mga magnanakaw talaga ang yayaman tingnan-" Naputol ang sasabihin nito ng may taong nagsalita sa kaniyang likuran.





"What are you doing?" isang pigura ang nagsalita at ng maging malinaw na sa aking paningin ay nakilala kona 'to.





Yung kaninang guard na kinukutya ako at pinagkakamalang mangnanakaw daw eh biglang naging anghel at nagkakamot pa ng ulo, wala namang ulo este buhok. pasalamat siya wala siyang buhok kundi sabunutan kona 'to sa pagkainis.






"Ay kayo po pala señorita devon, heto po kasing tao na 'to tinatanong ko kung-" hindi na niya naituloy ng lumapit sa'kin si devon at niyakap ako na para bang wala ng bukas





Tila nagulat naman ang guard sa ginawa ni devon at biglang nahiya kaya tumalikod na 'to at umalis na.





Napatingin naman ako sa taong yumakap sa'kin. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.





Napansin kong namayat si devon at mahahalata mo ang pagod sa kaniyang magandang mukha hindi ko naman alam kung anong nangyari sa kaniya at nagkaganyan siya.





"I miss you so much" Mas lalong hinigpitan nito ang kaniyang yakap sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.






"Oh hey, tamang tama nakahanda na ang lahat kayo na lang kulang" Bigla ding may lumabas sa gate na lalaki at kung hindi ako nagkakamali 'to ang ama ni devon.





Kahit hindi maganda ang pinagsamahan namin ay may galang pa din ako bilang tatay siya ni devon na dati kong kasintahan.






"You're right dad" Sabay tingin sa'kin ni devon "Tayo na lang ang kulang let's go inside" Magsasalita pa sana ako ng hinila na ako nitong si bria papasok ng bahay nila.






Pagpasok sa loob ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa ganda ng kanilang bahay kahit minsan na rin akong napagawi sa bahay nila ay nakakamangha pa rin talaga dito.






Nilibot ko ang aking paningin may nakita akong maraming masasarap na pagkain na nakahanda sa mahabang lamesa.






Umupo na silang lahat kaya sumunod na lang ako na umupo na rin katabi ni devon, Pagkaupo ko ay parang natataranta si devon kung anong ilalagay sa plato ko.






"Anak hayaan mong si uno na ang mamili ng kakainin niya" Mabuti na lang ay nagsalita ang tatay nitong si devon.





Tila nahiya naman si devon sa inasal kaya umupo na siya pero nandun pa rin ang kaniyang ngiti sa labi na parang kanina pa nakapaskil.






Naging tahimik ang hapag at sa katahimikang iyon ay hindi ko ata magugustuhan ang sasabihin ng pamilyang diaz sa'kin.






lalo na itong tatay ni devon na kanina pa patingin-tingin sa'kin pero seryoso ang mga tingin na ipinupukol niya sa'kin.





Biglang nakarinig kami ng pagbagsak ng kubyertos sa sahig at napatingin sa salarin na iyon.




Akmang matutumba na si devon ng masalo ko 'to.






Mabuti na lang katabi ko lang siya at mas mabuting nasalo ko siya.





"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya pero niyakap niya lang ako.






"Uno?" tawag sa'kin ni sir hidalgo na tatay ni devon "Pwede bang samahan mo siya sa kwarto niya?" tanong nito.





Medyo nag-aalangan pa ako kung papayag ba ako pero sa huli sinamahan ko pa rin siya sa kaniyang kwarto.






Nang makapunta na kami sa kaniyang kwarto ay dahan-dahan ko siyang pinaupo sa kaniyang kama.





"Sigurado ka bang okay ka lang? namamayat ka rin kasi at mukhang pagod ka" Naki upo na rin ako sa kama niya.




Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina yung nakita ko siya ba talaga iyon? o sadyang kamukha niya lang ito?




Kailangan ko na rin sigurong subaybayan ang bawat kilos nitong si devon.




"Ahm.. Medyo nahihilo lang ako" Sa sinabi niyang yun ay napalingon agad ako.




"Sige na magpahinga kana" Sabay senyas na humiga na ito at mabuti na lang sumunod na siya sa sinabi ko dahil ayaw ko munang makipagtalo lalo na sa kagaya niya.





Tumayo na ako mula sa kama niya ngunit hindi pa man ako nag uumpisang maglakad ay may hinawakan niya ang aking kamay.





"Please Stay" Nahihirapang sambit nito pero umiling lang ako.





Hindi naman ganito ang pinunta ko dito pumunta ako dito para linawin ang sinasabi ng tatay niya, kailangan pa nga pala naming mag-usap.





"Pasensya kana dev, Mag-uusap pa kami ng tatay mo matulog kana" muli akong lumapit dito at hinalikan ang kaniyang noo kita kong napapikit pa ito.





Walang lingon-lingon na umalis na ako sa kaniyang kwarto at pumunta na sa baba para magkausap na kami ni sir hidalgo.





Sakto dahil kakatapos lang nilang kumain kaya hindi na ako nag abala pang tawagin sila.





"Ano po bang pag-uusapan natin? wag niyo na ho sanang patagalin pa" Hindi naman sa naiinis ako ah? pero parang ganun na nga.






Sabay silang mag-asawa na umupo sa sofa nilang mamahalin at sinenyasan niya akong umupo na rin.






"Okay hindi kona papatagalin pa uno" seryosong sambit nito.





Mahahalata ang inis sa kaniyang tono na para bang anytime gusto na niya akong ipalapa sa tigre pero wala doon ang pansin ko.






"Lately napansin namin ng asawa ko ang maraming pagbabago sa anak namin na si devon" Seryoso pa din ang awra nito ganun din si ms kate na nakatingin sakin ng seryoso.






Ewan ko sa mag-asawang ito hindi ko maintindihan dito siguro nagmana si devon.





Ano naman kaya ang kinalaman ko sa mga nangyayari sa anak niya? hindi ko naman alam kung anong nangyayari kay devon.






"Diyan ka nagkakamali" Biglang sabi nito na kinataka ko kaya nagtataka akong napatingin kay sir hidalgo.






"Kung hindi ba naman kasi kayo nagmamadali sa mga bagay bagay hindi mangyayari 'to" Dugtong pa niya napansin kong hinawakan siya ni miss kate sa kamay.






"Hon relax" sambit naman ni miss kate sa asawa na ngayon ay galit ang mga matang nakatingin sa'kin.





"Mahal mo ba ang anak ko?" nagulat ako sa tinanong niya sa'kin. pero teka? hindi man lang niya ako pagsalitain man lang?





Pero napaisip ako bakit ko nga ba iniisip kung mahal ko ba si devon o hindi? malinaw naman na hindi ko siya mahal marahil noon.





"Ah, sir pasensya-





"Hindi yan ang hinihingi kong sagot uno sasagutin mo lang naman ng Oo at Hindi " Napatayo na si sir hidalgo kaya kinabahan ako ng sobra.






Ano bang patutunguhan nito?bakit galit na galit-






"Well sorry din. dahil hindi ako makakapayag na lumaki ang apo ko na walang kinikilalang magulang"



o_0





Ano daw? A-apo?






"Buntis ang anak ko uno! at ikaw ang may sala sa nangyari kaya kailangan mong pakasalan ang anak ko hindi ako makakapayag na hindi mo sila pananagutan" pasigaw na sabi niya kaya maski asawa niya ay inawat siya at pinapakalma.







Napatingin sa gawi ko si miss kate "Sige na uno,Makaka alis kana" nakangiting sambit niya.





Tumango na lang ako at tumalikod akmang lalakad na ako ng magsalitang muli si sir harold.






"Malalagot ka sa'kin kapag hindi mo sila pananagutan"




Tumango ulit ako tsaka na naglakad paalis.







Buntis ang anak ko!

Buntis ang anak ko!

Buntis ang anak ko!




Paulit-ulit na nag echo sa tenga ko ang sinabi ni sir hidalgo. kaya hininto ko ang motor ko sa tabi baka ano pang mangyari sa'kin.Napahilamos ako sa'king mukha at napasigaw ano naman kaya ang gagawin ko dito? dami ko ng problema nadagdagan pa?. Paano na ito?

























•••

Ahu!! hahaha sa wakas naka ud na rin. kayo kasi kukulit niyo kaya napa update na si ako.

kulitin niyo lang ako para ganahan ako HAHAHA.

A/N ; Matatagalan ulit ako sa pag uupdate.

ᏢᏆNᎠᏌᎢᏆN NᏆYᎾ ᏞᎪNᏩ ᏌᏞᏆᎢ ᏚᏆ ᏚᎢᎪᎡᏞᎪ KᏌNᏩ NᎪᏚᎪYᎪᎻᎪN KᎪYᎾ.⭐

Enjoy❤🏳️‍🌈

Continue Reading

You'll Also Like

45K 1.7K 39
Paano kung makatagpo ka ng president na ubod ng sungit? ngunit nakakabighani ang kagandahan neto . Paano namn kung makatagpo ka ng babae na normal ln...
146K 5K 29
Historia #2 Penelope Andrea Smith Odysseus Miller Date started: May 21, 2020 Date finished: June 27, 2020
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...