My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 04

64 30 43
By itzmoons

--Shacy's POV--

"Aray ko naman insan! Ang sakit nun ha!" Kung makabatok kasi si insan halos ikamatay ko na ang sakit!

(TT__TT)

Ang hirap namang kasama ni insan at Jem! Huhuhu! Ano kaya ang nangyari sa'kin? Bakit kaya natanong ni Jem 'yon? Huhuhu! Ang gulo naman kasi nila eehhhh.

Pero totoo kaya yung reincarnation? Eh kung namatay nga ako kanina tapos nabuhay ulit---waaahhh! Naniniwala na talaga ako sa himala!!!

Eh sa pagkakatanda ko, wala namang nangyari sa akin--teekkkaa! Hindi kaya may ginawang prank sina insan sa'kin? 'Yung mga nakita ko sa YouTube, yung takutin nila ako, tapos magkukunwari silang nga multo mamaya. Maglalagay sila ng make-up para magmukha talaga silang multo. Tapos magsusuot sila ng puting dress at kunwari nagbibigti sila tapos tatakutin ako nila ng todong todo!...kasi nga diba malapit na ang Halloween? Waaaaahhhh! Mukhang 'yon nga!

Pero teka! Dapat hindi rin ako magpapatalo! Ipa-prank ko kaya sila? Hihihi! Tama! Ipa-prank ko sila! Pero hhhmm...keylan rin naman kaya? What if--ngayon na?

(^___^) Dapat ngayon na! Kasi baka pagdating namin mamaya sa bahay eh naka-set up na pala lahat ng prank nila. Hihihi!

Ano rin naman ang gagawin ko? Kunwari nahihirapan akong huminga tapos nahimatay ako?

---Imagination 01---

"I-insan! N-nahihirapan a-akong h-huminga!" Tapos napipiyok ako kunwari at agad ipikit ang mga mata.

"Insan! Insan! Oh my god! Insan wake up! Somebody, call an ambulance!"

--end of imagination---

Ppfftt! Imagination ko palang 'yon pero ang epic na ng mukha ni insan!

Pero what if....

---Imagination 02---

"I-insan! A-ang s-sakit ng p-puso ko ins--- *slap!*"

0__0

"Mag hunos dili ka nga! Nakakahiya oh! Para kang baliw insan!"

"P-pero insan...m-masakit talaga---"

Napatigil ako dahil agad dinampot ni insan yung baril niya tapos tinutok sa temples ko..."Waaaahhhh! Oo na! Oo na insan! Hihihi! Magbe-behave na ko!"

--end of imagination--

*gulped!*

>>_<<

*shooked my head!*

"Hoy insan! Baka mamaya dahil sa kakailing mo diyan magkaka-dislocation pa yang leeg mo!" Tinignan ko si insan saka sinuri ang mga gamit na dala niya.
Bukod sa cellphone eh wala namang iba. Wala rin naman siyang baril na dala. Hayst! Nagha-hallucinate lang siguro ako.

"Ting-aling-aling-ding-dong! Ting-aling---" Anong klaseng ringtone ba 'yan?

"Hello? Mom? Yes. Ok mom. Ok. Yes. I'll be there any minute. Okay mom. Love you." Jemiah habang may kinakausap sa phone.

"Insan ice cream mo oh! Hayst! Tapon mo na nga yan!" Tinignan ko ang kamay ko na puno na ng ice cream. Name-melt na tuloy! *pout* Pero ayaw ko paring itapon! Dapat vinavalue lahat ng pagkain! 'Yan kaya ang turo ni mommy.

"Ahm mga babes, next time nalang ulit ah. Tinatawag na kasi ako ni mommy." Agad na pamamaalam ni Jem.

"Aayy! Ang dali naman. Fifteen minutes palang nga tayo nagsama dito, tapos uuwi ka na agad. Daya mo naman. *pout*" wika ko saka dinilaan ang ice cream sa kamay ko.

"Yuck." Rinig kong reklamo ni insan. Hindi naman madumi ang kamay ko ah! Arte talaga ni insan!

"Eh kasi Shacy-babe dadating kasi mamaya si Daddy galing America. Kaya I better get going or else sesermunan pa'ko ni mommy." Malungkot na paliwanag ni Jem.

Luh! Ba't siya malungkot? Nag-away kaya sila ng parents niya? Tsaka ba't naman siya sesermunan? Ang bait kaya ni Tita Joy--waaaahhh! Baka naman may sakit narin sa utak si Tita Joy?

"Hi.hi.hi wag ka nang malungkot. Sige uwi ka na, baka papagalitan ka pa ni Tita Joy, tapos ikukulong ka sa kwarto tapos magta-transform ka into monsters tapos--mmm."

"Ang daldal mo, insan!"

Ayan na naman ang kamay ni insan sa bunganga ko! Hayst! Ang dami ko pa sanang sasabihin kay Jem eh! Para naman aware na siya sa mga mangyari diba?

"Pppfffttt! Sige, mauna na muna ako. Total may pasok naman bukas kaya magkita-kita nalang tayo sa school. Babye mga babes! *flying kiss!* see ya tomorrow!" Natatawang pamamaalam ni Jem saka umalis na.

"Ingat!" Pahabol namang sigaw ni insan kaya tumango nalang si Jem.

Maya-maya pa'y tinanggal na ni insan ang kamay niya sa bibig ko.

^__^

"Hihihi! Bango talaga ng kamay mo insan." Ano kayang Ph care ang ginagamit niya? Kasi kay mommy eh yung kulay green.

"Tttsss! Takte! Kadiri ka talaga insan! Pati kamay ko puno ng laway mo!" Nandidiring hiyaw ni insan saka kumuha ng tissue sa lamesa.

*pout!*

Hayst! "Ang slow mo talaga, insan. Malamang eh nilagay mo 'yang kamay mo sa bunganga ko eh."

*death glare*

"Hi.hi.hi sabi ko nga kadiri ako. Sige insan, punasan mo na baka magkaka-virus ka pa tapos mababaliw ka na naman."

*death glare again*

Arte talaga ni insan. *pout*

Inamoy ko ang kamay na dinidilaan ko. Eh? My saliva smells good naman ah! Actually it smells like chocolate pa nga eh! Si insan talaga! Hayst! Hindi marunong magbigay halaga sa isang bagay. Tsk! Tsk!

"Jingle bell! Jingle bell~~" kinuha ni insan ang phone niya saka sinagot ang tawag.

"Insan, ang pangit naman ng ringtone mo. Dibale insan mamaya hihingi ako ng load kay mommy tapos papasahan nalang kita para makapag-download ka ng marami, gano'n rin ang gagawin ko kay Jem. Ang papangit kasi ng ringto---"

"Sssshhhhh!" She hissed while giving me a death glare. "Hi.hi.hi" tawa ko nalang.

Ang anakonda talaga! Ang sama pa naman ng tingin! Hayst! *pout* sumbong ko siya mamaya kay mommy!

"Yes Tita. Sige po Tita. Opo. Kasama ko po si insan. Sige po." Si mommy kaya kausap ni insan? Hindi naman kasi niya ni-loud speak eh!

Tumingin si insan sakin pagkatapos niyang ene-end call ang tawag. Pabalik balik naman niyang sinulyapan ang baba ko saka ang kamay ko na puno ng ice cream. "I-insan, gusto mo rin bang dilaan 'tong ice cream sa kamay ko? Sabihin mo lang hindi naman ako madamot eh." Inosente kong ani ngunit kumuha lang siya ng maraming tissue saka pinahiran ang kamay ko na may ice cream!

"Luh! Insan ang duga mo naman! Ang sayang kaya!" Pagmamaktol ko pa ngunit hindi niya ko pinakinggan saka hinila na niya ako palabas ng resto, pero may nakalimutan yata si insan--"Insan, hindi pa tayo nakapagbayad!"

Tumigil naman si insan sa kakalakad at bumalik ulit sa counter upang mag bayad.

*face palm*

Age does matter nga talaga. Matanda na nga yata tong si insan eh.

Pagkatapos nagbayad ni insan ay lumabas na rin kami. "Let's go!" Hayst! Ba't kaya bukambibig ni insan yung let's go!

Gawin ko kayang LET'S GO nickname niya. Hihihihi. Cute naman eh!

"Let's Go, saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makatawid na kami ng kalsada.

"Tsk!" She smirked!

"Hoy! Let's Go, I'm asking you!" Yan tuloy! Naka-english ako ng bongga!

"My name is Julie, insan. Not Let's Go! Tita Shan has been waiting, she'll get mad kung matatagalan pa tayo. Alam mo naman kung gaano ka importante ang oras para sa mommy mo diba? So, stop bubbling around! Time is walking! " Sinapian na naman siguro to ng masamang ispirito si insan.

>.< Time is walking *face palm* wala namang paa ang oras ah! Baka may magic si insan at siya lang ang nakakakakita nun? Kaya ba medyo weird siya minsan? Hooo! Creepy! Nakakatakot talaga minsan si insan! Tumindig tuloy mga balahibo ko!

"Insan! Walk a little faster!" Sigaw ni insan.

*******

-Julie's POV-

Bagal bagal namang kumilos ni insan! Parang suso kung maglakad! Tsk!

Hula ko! May iniisip na naman tong katangahan. Phew! Nakakaluka talaga siyang kasama! Haayy.

"Jingle-bell!" Tunog ng phone ko.

Chinek ko ito at lumutang naman ang mensahe galing kay Jemiah.

---message from Jemiah---

Julie-babe, yung tungkol nga pala kay Shacy-babe ah! Chitchat bukas sa school. ♥.♥

Hayst! Isa pa 'tong luka-loka! Tsismis lang lageh ang inaalala.

Sinulyapan ko ulit si insan na ngayon ay lakad takbo na ang ginagawa. -_- Bagal kasi eh.


********

--Shan's POV--

(A/N: mommy po ni Shacy ang POV na 'to. Baka maguguluhan kayo. ^_~ --- Monaxen)

I'm standing firmly beside the car, waiting for my two lovely daughters to come.

Yup! You read it right! Two lovely daughters. I already treated Natasha's daughter as my own daughter, which is Julie. Hindi naman sa inako ko talaga, as for now lang naman. Alam ko rin naman na dadating ang araw na kukunin rin nila ang anak nila. Natasha and her Husband, Jorge, ay nasa ibang bansa. May importanteng inasikaso, not for their personal needs pero para sa anak nila. They all want the best for the sake of their daughter.

And as a mother, who has one and only biological daughter, ay gagawa rin ng paraan para sa ikabubuti ng aking anak. Like I mean, every parents always wanted the best for their kids. Sino ba naman kasi ang hindi?!

Kumirot lang talaga ng kunti ang puso ko. Some of us, parents work hard to earn money--but already forgot the obligations for their children. 'Yon ang dahilan kung bakit pina-cancel ko ang business trip ko papuntang Europe, and almost three months ako do'n. Ayaw kong makalimutan ng anak ko ang obligasyon ko bilang isang ina. And I know my husband very well *smile* magagalit 'yon kapag may masamang mangyari sa anak ko...sa mga anak ko 'kuno'.

"Mmoommyyy yow!" Lumingon ako sa kalsada at nakita si Baby-Cy na tumakbo habang kaway-kaway ang kamay.

*smile*

Masaya ako dahil pinalaki ko siyang ganiyan. A loving slash innocent child to be exact!

"Mommy yow, ba't po kayo ngumiti ng mag-isa? May nakikita po ba kayong hindi namin nakikita ni insan?" Agad na usal ni Baby Cy ng maharap niya ko.

"Pppffttt!" Tawa ni Julie.

*smile*

Naalala ko lang si mama sa anak ko. Ganiyan rin kasi ugali niya.

"Mommy, unti unti kana naging weird! Mommy kilala mo pa ba ako? Eh itong si insan kilala niyo pa ba? Hala! Mommy baka nagka-amnesia po kayoo!" Hysterical na puna Baby Cy.

"Hahahaha!" Tawa pa ulit ni Julie saka naunang sumakay sa kotse.

"Mommy!"

*Batok!*

"Aawwww---Mommy naman! Nabubukol na nga ako dahil kay insan eh! Tapos pinalala niyo pa! Huhuhu!" I kissed her forehead.

Nami-miss ko kasi anak ko.

"Masakit ba batok ni mommy, Baby Cy?" Paglalambing ko pa pagkatapos halikan ang noo niya.

Tinignan niya naman ako ng may pagtataka, saka lumingon sa likod ko. Sino bang hinahanap nito?

"Mommy, sino po si mommy? Eh ikaw naman po ang bumatok sa kin, hindi si mommy." (-_-")

"Ppfffttt! Tita Shan kanina pa po walang signal yang utak ni insan! Hahahaha!" Hindi ko tuloy alam na binuksan pala ni Julie ang pinto ng kotse.

Magsasalita pa sana ang anak ko pero pinigilan ko na. "Tara na, Baby Cy. May pupuntahan pa tayo." Ngiti kong ani saka sumakay na sa driver's seat.

Sumunod naman si Baby Cy at tumungo sa bacn seat kaya pinaharurot ko na agad ang kotse.

Gusto ko kasing magbonding-bonding kami. Kahit ngayong araw lang.

*****

-Julie's POV-

"Ppssstt! Insan!" Pangungulit pa ni insan habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

Kanina pa 'yan eh! Halos hindi mapakali sa kaniyang inuupuan! Sinisilihan yata ang pwet!

Hindi ako sa gilid ng driver's seat nakaupo. Katabi ko ngayon si insan -_- and I really regret it. >.<

"Insan kausapin mo naman ako oh. Sige ka, magkaka bad breathe ka niyan." Wika niya kaya masama ko siyang tinignan. "Hi.hi.hi" tawa niya pa.

*sighed*

"Sige nga, bigyan mo ko ng isang valid reason kung bakit kita kakausapin." Kibit-balikat ko pang turan.

Naaninag ko naman siyang tumingin sa bubong ng kotse at hinihimas himas pa ang noo niya.

"Si insan talaga, kulang nalang ang tawagin siyang señorita. Kung makapag-utos wagas. Hindi tuloy ako maka-isip ng dahilan. Hayst!" Bulong pa niya.

(-_-")

Sarap talaga kurutin eh no! Kung hindi ko lang talaga siya pinsan siguro kanina ko pa to kinurot!

Nagvibrate bigla ang phone sa gilid ng inuupuan ko kaya kinapa ko ito agad at tiningnan. Psshhh! Minu-mute ko nalang ring tone ko kasi hindi titigil ang bunganga ni insan pagnagkataon.

Eh ano ba naman ang paki niya?! Favorite ko kaya yung Jingle-bell! Di tulad ni insan --Hi, I'm chucky wanna play?! Diba mas bantot ang sa kaniya?

~~Message from My baby babe♥~~

Hi, Julie babe! My Julie babe! I miss you already! Bakit hindi ka na nagte-text? Wala pa naman akong good morning na nareceice from you. Nagtatampo tuloy ako! Hmp!

*sighed*

Hindi ko nalang ito pinansin. Pagkatapos ko itong basahin ay inilagay ko nalang ulit ang phone ko sa gilid ng inuupuan ko.

Wala akong balak na magreply sa text niya. Wala rin akong balak na mag online dahil alam kong message lang niya ang nagkakalandarapa don.

He's my boyfriend actually. My f*cking asshole boyfriend!

"Wala akong ma-isip na dahilan insan eh." Biglang puna ni insan saka nag pout.

Naisip ko tuloy. Ang sarap rin pala ng buhay ni insan. Kahit palagi siyang lutang, ang swerte niya parin. A wealthy and a happy family. A loving mother, a workaholic father, two story mansions, fifteen expensive cars--well, I guess all the traits a princess could ask for...ay nasa kaniya.

Hindi naman sa naiinggit ako sa kaniya. More like, I pity myself for not having the same thing as her--but she deserves it anyway. She makes everyone happy, she makes your heavy problems lighter. Like, she has this power or ability that can make you feel at ease. Yung tipong, kapag kasama mo siya...makakalimutan mo agad ang problema mo. 

Wala akong balak na agawin sa kaniya lahat no! Hindi gano'n ka kitid ang utak ko para saktan si insan. Mahal ko kaya si insan! Hayst! Tanga nga lang minsan.

"Insan, iniisip mo pa rin ba ang tatlong lalaking 'yon?" Dagliang napatingin naman ako kay Tita Shan ng biglang magsalita si insan. (>.<)

Buti nalang at may kausap si Tita sa phone niya. Hayy...hindi niya pa kasi alam ang nangyari kanina samin. Knowing Tita Shan, I know ipapakulong niya ang tatlong morons na 'yon! (-.-)

"Alam mo insan. Sa mga napansin ko kanina, mukhang hindi mo naman kaibigan ang tatlong siopao na 'yon eh. Base kasi sa mga reaksyon nila, parang may love affair silang tatlo sa iyo. Kasi ang tanging laman ng cam nila ay ikaw. Tapos kung makatingin sila sayo, parang kulang nalang ang hubarin ka insan. Napapansin mo ba 'yon, insan?" Insan said with full of confusion.

*gulped!*

(>_<)

Alam kong kanina niya pa iniisip 'yan. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nalaman niya agad kahit bumabase lamang siya sa mga actions nila. Instinct kumbaga.

It's her natural ability, tendency, or desire, which is something she know without learning it, or thinking about it.

Kaya nga minsan, masabi ko nalang na malakas talaga radar niya.

"Kalimutan mo nalang 'yon, insan. Hindi naman sila gano'n ka importante para pag-usapan." I said while giving her a sweet smile.

"Insan pahiram naman ng phone mo oh *pout*"

Tinaas ko ang aking kilay saka tiningnan siya ng bakit-naman-look.

"May itatanong lang sana ako kay Google. Low bat na kasi si baby cell phone ko eh." Parang batang paliwanag niya kaya pinahiram ko nalang.

Hhaayy...

--To be Continued--

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 723K 88
Marriage had always been my dream but not to a man about whom I know nothing. The moment my father fixed an alliance of me to a Prince without even t...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
13.4K 279 67
*Not my story, not my translation. Posted here for easy reading* Credit: Fans translation Today, I am a substitute for your fiancée. Tomorrow, I'll...
37.3K 2.5K 39
ရှေးခေတ် မျိုးနွယ်စု ပုံစံရေးမှာပါ။ ဟိုဖက်မျိုးနွယ် ဒီဖက်မျိုးနွယ် တွေအကြောင်းပါ။စိတ်ကူးယဥ်ဇာတ်လမ်းဖြစ်လို​့ တချို့ဟာတွေက လက်တွေ့နဲ့ကွဲပြားမှာပါ။.