Love Trap (COMPLETED) Publish...

Par MarthaCecilia_PHR

862K 18.8K 306

Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whos... Plus

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32

20

26.3K 588 5
Par MarthaCecilia_PHR


AKMANG kukunin ni Serena sa pagkaka-hanger ang mga damit niya nang biglang matigilan. Paano kung may makakita sa kanya habang dala niya ang mga iyon? Paano kung malaman ng mga katulong na inilagay niya iyon sa ibang silid at mabanggit kay Lola Emilia?

Napabuntong-hininga siya at nagmamadaling lumabas ng silid at bumaba. Natanto niya kung gaano kalaki ang buong bahay nang iligid niya ang paningin. Ang mga kasangkapan ay mamahalin subalit hindi labis. Sa isang sulok ay may fireplace at may mga kahoy roon. Angkop naman iyon dahil napakalamig sa lugar na iyon na nasa itaas ng burol, lalo sa panahon ng taglamig.

Natanaw niya ang nakabukas na pinto patungo sa patio. Nagmamadali siyang lumakad patungo roon. There she saw the old woman admiring the pleasant little patio with backdrop of big acacia trees. Tila isang munting paraiso ang buong paligid sa naggagandahang halaman at mga puno.

Namangha pa siya nang mapuna ang nakabukas na sliding door sa may tagiliran ng patio. At nang silipin niya ay ang mismong silid ni Lola Emilia.

It was equipped with a hospital bed. Ang television ay naka-hang sa isang sulok upang makapanood si Lola Emilia kahit na nakahiga. At ang ilan sa pamilyar nitong mga halaman ay nakasabit sa itaas ng mga bintana at sa windowsill. Napuna rin niya ang ilan sa labas ng patio.

"Serena, hija!" bulalas ni Lola Emilia nang maramdaman siya. "Nariyan ka pala. Sabi ni Robb ay nagpapalit ka lang ng damit..."

She smiled. "Nasaan po si Robb?"

"Nasiraan yata sa daan sina Dr. Romero at Miss Solis. Pinuntahan sila ni Robb..."

Kumunot ang noo niya. "Bakit ho kasama si Miss Solis? Hindi ba dapat na naiwan siya rito para sa inyo?"

"Pansamantala lang si Miss Solis, hija, hindi ba? Bukas o sa makalawa'y darating ang nurse na kakilala ni Robb mula sa Maynila."

"M-may kilalang nurse sa Maynila si Robb, Lola?"

"Ayon sa apo ko'y nakilala niya ang nurse sa ospital sa huling operasyon niya. Isang kuwalipikadong nurse na sadyang mas gusto ang pribadong pasyente kaysa mamasukan sa ospital."

"I see..."

Umangat ang kamay ni Lola Emilia at hinawakan ang braso niya. "Hindi mo alam kung gaano ninyo ako pinaligaya, hija..."

"Ako rin, Lola." Kusang lumabas iyon sa bibig niya. She squeezed the frail hand.

"Pero hindi ko gustong nakakaabala ako sa inyong dalawa ng aking apo, Serena. Dahil sa akin ay hindi man lang kayo makaalis para sa inyong honeymoon."

"Huwag kayong mag-isip nang ganyan, Lola. Hindi kayo nakakaabala. At ano pa bang lugar ang maaari naming puntahan na gaganda pa sa lugar na ito?"

Matamis na ngumiti ang matanda. "Tama ka, Serena. Ang Palawan ang pinakamagandang lugar para sa akin. Hanggang ngayon, sa kabila ng maraming turista, may mga lugar pa ritong hindi nararating ng ilang tao. Pero sana ay makapagsarili kayo kahit man lang isang linggo nang kayong dalawa lang."

Bigla niyang naisip kung silang dalawa lang ni Robb sa bahay na iyon. No interruptions, just a romantic fire in the fireplace, ang hipnotikong hampas ng mga alon sa baybayin, ang malambot na kama sa itaas...

Naramdaman niyang pinagpawisan ang mga palad niya at ang kakaibang damdaming muling umahon nang maisip ang eksena nila ni Robb sa itaas kanina. The danger in such a situation sent a shiver throughout her body.

"Natutuwa akong narito kayo, Lola," halos pabulong niyang sabi.

"Nagustuhan mo ang bahay na ito?"

"Sino po ba ang hindi?" Binitiwan niya ang kamay nito at tumanaw sa kakahuyan. Naglalakihan ang matatandang puno sa bahaging iyon. "Totoong alam ninyong binibili ni Robb ang bahay na ito?"

Tumango ito. "Oo, Serena. Natanto ni Robb na hindi niya ako maisasama sa ibang bansa at hindi ako iiwan ng apo ko ritong nag-iisa." Ngumiti ito. "Nakita mo na ang ibig kong sabihin sa iyong mahal ako ng aking apo, Serena?"

Hindi niya makuhang hindi sang-ayunan iyon. Natiyak na niyang mali siya sa impresyon niya rito. "Nagtataka lang po ako kung bakit pinalipas ni Robb ang mahigit dalawang taon bago siya umuwi..."

Huminga nang malalim si Lola Emilia at itinuon ang paningin sa mga halaman. "Alam mo bang muntik nang mabulag ang aking apo?"

She frowned. "H-hindi po."

"Dapat pala'y ipinabasa ko sa iyo ang mga lumang peryodiko at magazine, hija. May tumama sa kanyang kung ano mula sa sumabog na motorboat. Iyon ang dahilan kung bakit matagal na nanatili sa ospital si Robb. At nang makalabas naman ay hindi pa tuluyang magaling ang isang mata niya. Hindi niya gustong umuwi para alagaan ko maliban pa sa nasa Amerika ang mahuhusay na manggagamot at pasilidad na kailangan niya...

"Sa nakalipas na dalawang taon mula nang mangyari ang pagkakaligtas niya ay dalawang operasyon sa mata ang ginawa sa apo ko, hija... Ang huli'y naging matagumpay..."

Lihim na napaungol si Serena. Minsan pa ay napatunayan niyang mali ang ginawa niyang paghusga rito. Gusto niyang mapahiya sa sarili sa mga akusasyong binitiwan niya rito.

She sighed deeply. "Ang bahay na ito, Lola, kailan ito naisipang bilhin ni Robb?"

"Ang transaksiyon ay ginawa ni Robb noong magtungo siya sa Maynila upang kausapin ang abogado ni Congressman Perez. Iyon ang panahong naaksidente ako, hija..."

Kung ganoon ay ang bahay na iyon ang inasikaso nito nang hindi ito umuwi ng dalawang araw. Pero bakit hindi sinabi sa kanya ni Robb iyon? It would have justified his absence. But then again, she thought scornfully, Robb would never feel obligated to justify any of his actions to anyone. Lalo na sa kanya.

"Hiniling ni Robb na huwag kong sabihin sa iyo. Nais ka niyang sorpresahin, apo."

It was the understatement of the year. She sneered silently. "Nabigla ba kayo sa madaliang pagpapakasal namin?" she asked, almost raising her voice.

"Hindi, hija," tugon ng ginang. "Hindi kailangan ng mahabang panahon para malaman ng dalawang taong nagmamahalan sila. Bukod sa mga pagbanggit ko sa kanya tungkol sa iyo ay nag-iwan ka ng magandang impression sa apo ko nang magkita kayo sa dalampasigan. Pag-uwi niya'y hindi na siya lumubay ng katatanong tungkol sa iyo..."

"T-talaga?" Hindi niya inaasahan iyon. When the old woman nodded her head knowingly, Serena changed the topic. Tumingala siya at inikot ang paningin sa paligid. "Natitiyak kong napakamahal ng bahay na ito..."

"Huwag mong alalahanin ang salapi, hija." Iwinasiwas nito ang yayat na kamay. "Bukod sa napakalaking kinita ni Robb sa mga libro niya'y mayaman din naman ang kanyang ina at sa kanya naman ipinamana ang lahat ng mga ari-arian nito dahil nag-iisang anak naman si Robb. Ang mahalaga'y natagpuan ninyo ang isa't isa at magiging maligaya kayo. Mahal ka ng aking apo, Serena..."

Her eyes flew to the old woman. "Sinabi niya iyon sa inyo?" Sa kaibuturan ng puso niya ay may nadama siyang pag-asa.

Ngumiti ito. "Hindi niya kailangang sabihin sa akin. Hindi ako bulag at nakikita ko naman at nararamdaman, apo. Tulad ng nakikita kong may pag-ibig ka rin sa kanya."

Ang anumang isasagot niya'y nabitin sa lalamunan niya sa paglabas sa patio ng isang kabataang babae. She must be around fifteen and she must be Melba.

"Ang sabi po ni sir Robb ay papagpahingahin ko si Lola Emilia nang ganitong oras," nahihiyang sabi nito.

"Sige na po, Lola Emilia," sang-ayon niya. "Sasamahan ko kayo sa silid ninyo." Nilinga niya ang dalagita. "Ikaw si Melba?" Tumango ito. "Sige na, Melba... ako na ang bahala kay Lola Emilia."

Nang muling pumasok sa kabahayan si Melba ay ipinagulong niya papasok sa silid nito ang wheelchair. Inihiga niya ito at hinagkan sa noo pagkatapos. Nang sabihin nitong wala na itong kailangan ay marahan niyang isinara ang pinto at lumabas pabalik sa patio.

Mula roon ay binaybay niya ang cobbled walkway patungo sa makapal na kakahuyan. Alas-sais pa lang pero madilim na dahil sa makakapal na puno. Naririnig na niya ang huni ng panggabing kuliglig.

Nakadama si Serena ng kapayapaan sa kapaligiran at may ilang sandali ring pinagsawa niya ang sarili sa pagtingin sa buong paligid. Subalit ilang sandali pa'y nagsimula nang kumalat ang dilim at hindi na niya maaninag ang paligid. Nangikig na rin siya sa lamig na nanunuot sa buto niya.

Ipinasya niyang bumalik sa loob ng bahay. Walang ilaw sa sala maliban sa mga ilaw na nakasabit sa mga poste sa labas ng bahay. Subalit may kung sinong nagparikit ng apoy sa fireplace.

Isang malaki at ipinasadyang sofa ang nakaharap sa fireplace. Sa paanan ay isang mamahaling rug. Isang magandang seascape painting ang nakasabit sa itaas ng fireplace. Wala sa loob na umupo siya sa sofa at tinitigan ang apoy.

Sa naging pag-uusap nila ni Lola Emilia ay marami siyang naliwanagan tungkol kay Robb. Higit kailanman, ngayon niya natiyak kung gaano nito kamahal ang abuela.

Pero nais niyang pagtawanan ang sarili na umasa siya nang sabihin ni Lola Emilia na may pag-ibig sa kanya si Robb; na nakikita at nararamdaman nito iyon. Naturally. Robb was a good actor. Napaniwala nito nang husto ang abuela. But Lola Emilia was all too correct about her feelings for Robb, she thought sadly.

A noise behind her startled her out of her reverie. Kanina pa siya nakaupo roon at hindi na niya napunang namatay na ang apoy sa fireplace at mga baga na lang ang naiwang tanglaw sa dilim.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka," ani Robb mula sa likuran niya. Nakasuot ito ng puting cutoffs at puti ring kamiseta. Nalalanghap niya ang amoy ng sabong pampaligo mula rito. Ibig sabihin ay nakapaligo na ito.

Serena eyed him warily.

"Sinilip ko si Lola, tulog na siya. Ibinilin ko kay Aning na dalhan tayo ng makakain dito."

Sa pagkabanggit sa pagkain, natanto niyang mula kaninang umaga ay walang laman ang sikmura niya maliban sa isang subo ng wedding cake.

She took a deep breath. Iyon na ang sandali para linawin dito ang ilang bagay. "Bakit nasa silid ko ang mga gamit mo?"

"Noong isang araw pa nailipat doon ang mga damit ko," banayad nitong sagot. Then he added pointedly, "I do believe I recall the marriage celebrant pronouncing us man and wife."

She bit her lip uncertainly. She had no answer to that. At ang mga gamit niya'y sa master bedroom inilagay ng inutusan nito dahil iyon ang nasa isip nitong dapat paglagyan bilang asawa ni Robb. O marahil dahil iyon ang utos nito.

Namagitan ang nakakailang na katahimikan. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang humakbang si Robb patungo sa fireplace at inayos ang mga agipo roon. Ilang sandali pa'y muling nagliyab ang mga kahoy.

Pagkatapos ay umupo ito sa rug ilang dangkal mula sa kanya, nakasandal sa edge ng sofa, nakaunat ang mga paa sa direksiyon ng fireplace. He looked relaxed, comfortable, at home. The flames highlighted his dark hair and made the smile he gave her almost devilish.

"Relax, Serena. You're so tensed," he said lightly.

"W-we cannot share a room, Robb," she persisted. "Gusto kong ilipat ang mga gamit ko sa ibang silid."

"Whatever you say," walang anumang sang-ayon nito. "Gusto mo bang ngayon ko na ipalipat kay Melba ang mga gamit mo sa kabilang silid?"

Hindi agad siya makasagot, nahimigan niya ang paghahamon sa tinig nito. Alam nilang pareho na hindi magandang tingnan iyon sa harap ng mga katulong. Natitiyak niyang magtataka ang mga ito. At muli, ay maaaring makarating kay Lola Emilia.

"Hindi na kailangan. Ako na lang ang gagawa niyon."

"There's plenty of time," sang-ayon nito. "At least wait until we eat. I ordered a light meal, para lang malamnan iyang tiyan mo." Dumukwang ito at umabot ng ilang pirasong kahoy ay inilagay sa siga. Nagsimulang muling lumakas ang apoy.

"Bakit binili mo ang bahay na ito?" she asked.

"Tulad ng sinabi ko kaninang umaga sa reception, dahil hindi gustong iwan ni Lola ang Sta. Fe. At hindi ko rin naman gustong iwan siyang mag-isa rito. At kahit marahil makumbinsi mo si Lola na sumama sa akin—which I very much doubt—I realized my grandmother wouldn't fit in America."

"Sana man lang ay binanggit mo sa aking binili mo ito..."

"Wala akong nakikitang dahilan para sabihin sa iyo," anito. "Walang nag-akalang mabubuhay pa si Lola Emilia."

That was true, she agreed reluctantly. Iyon mismo ang dahilan kung bakit nasa ganoong sitwasyon sila.

"But it wasn't fair. Nagmukha akong walang kaalam-alam sa harap ng mga bisita kanina..."

"You looked surprised—na siyang gusto kong palabasin tulad ng sinabi ko sa mga bisita kanina..." Tumaas ang mga mata nito sa dako ng entryway sa kusina at pagkatapos ay isang nagbababalang tingin ang ibinigay nito sa kanya.

Natanaw niya ang isang babae na may dalang malaking food tray. The woman must be in her late thirties, plump and heavy. Ipinakilala sa kanya ni Robb si Aning na ngumiti at ibinaba sa isang nakaangat na bahagi ng hearth ang tray at pagkatapos ay muling nagbalik sa kusina.

Habang tinititigan niya ang laman ng tray ay parang gustong pangapusan ng hininga ni Serena. The fire was romantically flickering, champagne chilling, Robb so relaxed and looking dangerously attractive half-sitting by the fire.

Tumayo siya at lumakad patungo sa corner lamp. "Bubuksan ko ang ilaw. Kung kakain tayo'y kailangan natin ng liwanag."

"No, don't," awat ni Robb at hinawakan siya sa sakong, napilitan siyang maupong muli. "Just the firelight is pleasant, don't you think?" He paused, then went on. "Look, I realize this is all very inconvenient for you. And I have to admit, hindi ito ang nasa isip ko nang una kong isuhestiyon na sabihin natin kay Lola na magpapakasal tayo. But it's too late now. We're here... married. We might as well make the best of a bad situation. And if it's any consolation, after all, it is only temporary."

Na siyang dapat at siyang gusto niya. Pero hindi maintindihan ni Serena ang sarili kung bakit ikinalulungkot niyang isiping magwawakas ang pagsasamang iyon sa lalong madaling panahon.

Muli'y naroroon ang kalituhan sa puso at isip niya. Natitiyak niyang ang pagpapanggap nilang iyon ang nagdudugtong sa buhay ni Lola Emilia. Subalit mananatili silang nakakulong sa bitag na iyon hangga't buhay ito. And in her hearts of heart, she didn't want her to die.

If only she didn't feel anything about him! At sana'y kaya niyang pakitunguhan ang pangyayari sa paraan kung paano ito pinakikitunguhan ni Robb—walang anuman na tila isa lamang iyong ordinaryong pangyayari sa buhay nito.

"Hey, it's our wedding night," he said lightly. "Can't we at least be friends?"

His tone was disarming that Serena felt confused. He seemed different now. Hindi magaspang at arogante. But gentle, even understanding.

"Friends?" tanong nito, inilahad ang kamay sa kanya.

"Friends," sang-ayon niya at tinanggap ang kamay nito. She tried to ignore the thrill his impersonal touch gave her.

Binuksan ni Robb ang mga takip ng pagkain at hinainan siya. There was only chicken in thick white sauce, corn, carrots and parsley as side dish and bread rolls. Hindi niya iniisip na makakakain siya nang kasalo ito. But she must be hungry because she did. At masarap ang inihain sa kanila.

Pagkatapos ay nagsalin si Robb ng champagne sa isang baso at ibinigay sa kanya. Atubili niyang tinanggap iyon. She'd never tasted champagne and wasn't sure how she would react to it. But to her surprise the champagne was delicious, light and bubbling.

Nagulat pa si Robb nang ubusin niya ang unang isinalin nito. He refilled her glass approvingly.

"The wine will relax you. You've been all tied up in knots for days. In fact, you're sitting there all tense and stiff right now, aren't you?"

At bago niya maipagkailang hindi siya ganoon ay umangat sa kinauupuan nito si Robb at gumawi sa likuran niya. Then he massaged her back and shoulders. He was right, she thought dreamily as the champagne and the warmth of his moving fingers flowed through her.

She was tense and stiff. Nararamdaman niyang unti-unting nalulusaw ang lahat ng tensiyon sa ilalim ng ekspertong mga kamay nito.

"Bakit kailangang palitan si Miss Solis?" she asked, sipping another glass of champagne. "At kailan darating ang kahalili niya?"

"Understaffed ang ospital sa bayan, Serena..." His fingers worked the taut, sore muscles along her shoulders. "At iyong kahalili'y inaasahan kong darating kanina. Naatraso marahil. Pero natitiyak kong naririto siya bukas ng umaga."

"Ang sabi ni Lola Emilia ay nakilala mo siya sa ospital sa America..."

"She's a private nurse. Dahil Pilipino ay nagkahulihan kami ng loob. Isinama siya ng pamilya ng pasyente niya sa America nang magpa-bypass operation ito. Her patient died a week after the operation. Naging nurse ko rin siya sa loob ng anim na buwan bago siya bumalik ng Maynila."

Yes, she thought, noong operahan ito sa mata.

His hand on her spine felt heavenly. His voice was softly soothing, almost hypnotic.

"Yvette's capable and very experienced..."

"Of course..." Nararamdaman niyang kailangan nilang magpatuloy sa pag-uusap. Napakaraming maaari nilang pag-usapan tungkol sa kanila. Tulad ng kung paano nila ipagpapatuloy ang pagpapanggap na ito... ang shop at ang trabaho niya....

Pero tila kay layo na ng lahat ng iyon at hindi na mahalaga sa mga sandaling iyon.

Dreamily, she realized Robb was no longer just massaging her back and shoulders. His lips trailed a whisper of kisses along the back of her neck... 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1M 23.1K 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niy...
596K 15.9K 23
Dalawang buwang sanggol pa lamang si Bea nang mangako ang sampung taong gulang na si Franco Navarro sa kanyang ama na pakakasalan siya sa pagsapit ng...
630K 20.2K 38
Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito sa ospital and found out that she could...
33.9K 1.6K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...