Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

48. The Sound of Defeat

2.3K 70 9
By angDiyosaNgBuwan

“Ugh…” Aya groaned. Napatakip siya ng mukha habang ang nasa tabi naman niyang si Ivy ay napahagikhik.

Nakaupo sila sa sofa at parehong may nakapatong na pillow sa mga hita. Sa kamay ng kaibigan ay ang cellphone nito at may pinapanood na video.

“Aw…” Ivy cooed, “ain’t she sweet?”

Aya scoffed at her friend. Nag-trending lang naman kasi ang video nila ni Yuna sa social media. Halos hindi na tuloy siya makalabas ng bahay dahil sa embarrassment.

“Sweet?” yamot na turan ni Aya, matinding kahihiyankamo ang binigay niya sa’kin.”

“Oh come on… aminin mo na lang na kinilig ka din sa ginawa niya,” ani Ivy na ibinaba na ang cellphone at nangalumbaba, “una, hinarana ka niya… tapos ito, nag-profess siya ng love sa harapan ng maraming tao… ano naman kaya ang susunod?”

“I don’t even want to know!” asar na asik ni Aya, “kahit kailan hindi na talaga ako lalabas ng bahay at magpapauto kay Mama.”  Pati pala ang magaling niyang ina ay kasabwat din nina Yuna. Paano pa ba naman malalaman ng mga ito kung nasaan siya.

“Wala na rin namang mawawala sa’yo, ‘di ba? Nalaman na din ng buong mundo ang tungkol sa inyong dalawa…” ang wika naman ni Ivy.

“Kahit pa!”

“Hindi mo pa rin talaga siya mapatawad?” tanong ni Ivy sa kaibigan.

“I don’t know,” Aya answered with a sigh.

“Pero ang haba ng hair mo ha… imagine, napagawa mo ‘yon kay Yuna? si Yuna? I still couldn’t believe it,” Ivy stated in amazement, “kung si Alexa siguro ang gagawa no’n hindi na ‘ko magtataka, pero si Yuna… hindi ko lubos-maisip.”

Bahagyang natigilan si Ivy nang biglang kumulimlim ang mga mata ni Aya. Na-guilty tuloy siya. She sighed. “She’s gone, Aya… tanggapin mo na.”

Napailing ng pagtutol si Aya. “Hindi ko pa rin… hindi ko pa rin talaga matanggap,” hirap niyang wika.

Hinaplos ni Ivy ang balikat ng kaibigan. “There’s nothing you can do about it. You should move on. Ibaling mo na ang atensyon mo sa mga bagay at mga taong nandito pa. Kung masyado mong ibabaon ang sarili mo diyan… baka hindi mo mamalayan, wala na pala silang lahat.”

Napatingin si Aya sa kaibigan. A sudden fear crossed her eyes but there was still some hesitation.

Tinapik ni Ivy ang mga kamay sa sariling mga hita. “Alam mo, kumain na lang tayo. Ubusin natin ‘tong mga dala-dala kong pagkain. Madami ‘to ah… pulos mga paborito mo lahat. Sabi kasi ni Tita Bel hindi ka raw nagkakakain,” aniyang binuksan na ang box ng pizza na nakapatong sa center table. Marami din siyang streetfoods na dala. Halos lahat yata ng klase ay binili niya. Maayos na nakasilid ang mga iyon sa mga paper-boxes.

Binuksan ni Aya ang isa sa mga box at biglang natigilan.

“Oh...” sambit ni Ivy. Ang nabuksan ni Aya ay box ng isaw. Nakalimutan niyang marami nga palang alaala ni Alexa ang nakakabit sa pagkaing iyon.

Kumuha ng isa si Aya at matagal na napatitig doon. A lot of emotion was dancing on her eyes.

Hindi na rin nakakain si Ivy nang bigla na lang namalisbis ng luha ang mga mata ni Aya. Hinaplos ni Ivy ang likod ng kaibigan. “Ang suwerte naman ng isaw at iniiyakan mo,” pagbibiro niya kahit seryoso ang mukha.

Hindi nagawang matawa ni Aya at mapait na napangiti. “I missed her, Vee… Ewan ko ba… pero hindi ko magawang makalimutan ang sakit. Hindi ko mapatawad ang sarili ko sa pagkamatay niya,” aniyang nakatingin pa rin sa isaw. Sumisinghot. “Ang sakit lang. Napaka-unfair lang kasi ng nangyari. Minsan, akala ko okay na ‘ko, but then suddenly, I’ll broke down in tears. At pagdating kay Yuna... aaminin kong naa-appreciate ko din ‘yong mga ginagawa niya. Sometimes I am tempted to just run in her arms, but then… Alexa’s face suddenly pops on my mind… and the pain came back, the hate came back, the regret and all the other things… and I couldn’t… I couldn’t take it. It was all chaos inside me,” hirap niyang wika.

Ivy looked sympathetically at her friend. “Kaya mo ‘yan. Marami kaming nandito para tumulong sa’yo, kaya sana ay hayaan mo din kami. Okay lang kahit umiyak ka o kahit minsan ay magalit ka sa’min… pero alalahanin mong nandito lang kami. Lagi kaming nasa likod mo.”

Napangiti si Aya kahit naluluha pa rin. “Thank you,” she said gratefully.

“O, siya… kainin mo na ‘yang isaw at baka magtampo na. Dramahan mo ba naman,” Ivy tried to lighten the mood.

Napalo ni Aya sa braso ang journalist. “Ikaw talaga…” Nagpunas muna siya ng mukha mula sa tissue na naroon at pinagsaluhan na nila ang pagkain.

Ivy tried to steer the topic off from Aya’s personal life while they talked.





----





Ilang araw ang lumipas ay nakatanggap ng tawag si Aya mula sa isang kaibigan. Kaagad siyang nagpunta sa meeting place na sinabi nito.

Isang fine dining restaurant ang tinigilan niya ng kotse. Excited na bumaba si Aya. Sa labas ng restaurant ay may isang lalaking nakatalikod at may kausap sa telepono. Nakasuot ito ng puting coat at gray t-shirt na pangloob. Lumiwanag ang mukha ni Aya nang humarap ito.

“Nolan!” sinalubong niya ito ng yakap na masaya ding tinugon ng lalaki.

“Hey, Aya… how are you?” anito nang kumalas.

Nagkibit-balikat si Aya bago tumugon, “Here… slowly repairing myself…”

Napatango-tango si Nolan, “that’s good, then. Alexa would be happy to hear that,” anito.

Tipid na ngumiti si Aya sa sinabi ng lalaki. Hindi pa rin niya maiwasang malungkot sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Alexa.

Mula sa loob ng restaurant ay may isang babaeng lumabas at tumawag kay Nolan, “hey, babe! Come and get in.”

Biglang napalingon si Aya sa babae at gumuhit ang pagkabigla sa mukha niya nang makilala ito. She gave Nolan a questioning look.

Napahimas sa batok si Nolan at ngumiti. “Well… she’s one of the reasons why I wanted to talk to you. I wanted to celebrate with you in place of Alexa.”

Lumapit na din ang babae sa kanila. Tumabi kay Nolan na umakbay naman dito. Halos mas muscular pa itong tingnan kaysa sa boyfriend. “Aya…” masayang bati nito at iniabot ang kamay.

“Hey… Kaitlyn Fuentes, nice to meet you again,” ani Aya na gumanti ng ngiti, “wow… congratulations,” halos hindi pa rin makapaniwalang wika niya, “Alexa would be really happy.”

“Yes, she would,” ang wika naman ni Kaitlyn.

“ Let’s get in. Shall we?” si Nolan.

Tumango si Aya at sumunod na sa dalawang pumasok.

“Kaya pala iba ang glow mo ngayon,” baling ni Aya kay Nolan nang makaupo na sila sa loob, “mas malinis ka na ding tingnan hindi kagaya no’ng nakaraan,” komento pa niya. Noong birthday kasi ni Daniella ay parang ermitanyo ito.

“Well… iba talaga ang nagagawa ng love,” ang wika naman ni Nolan na ikinatikhim ni Kaitlyn.

Nagkatawanan sila.

“I am really happy for you,” ani Aya sa dalawa.

“Thank you,” si Kaitlyn at hinawakan ang kamay ni Aya na nakapatong sa mesa, “I’m so sorry for what happened. We’re all devastated. The CUBS hasn’t been the same without her,” anito at napalingon sa katabing boyfriend, “especially this one… I had to seduce him to stop crying.”

Napatawa si Aya bagamat ramdam pa rin ang pait sa dibdib. “Really? You’re the one who seduced him? I thought it was the other way around.”

“Nah,” iling ni Kaitlyn, “masyado siyang torpe para siya ang unang gumawa ng move.”

Muling natawa si Aya. Parati nga siyang niloloko noon ni Alexa.”

“O, ‘di ba? It took us this long to be together. Kung hindi pa ako ang unang naghubad sa harapan niya, hindi pa niya aaminin ang nararamdaman sa’kin,” ani Kaitlyn. Nagkatawanan sila ni Aya. “hey… that’s exactly what happened.”

Laglag ang panga ni Aya sa sinabi nito.

“Hey, girls… I’m just right here,” reklamo ni Nolan.

Naging masaya ang lunch date ni Aya kasama ang magkasintahang Nolan at Kaitlyn. Naalala niyang madalas lukuhin ni Alexa noon ang kaibigang si Nolan tungkol sa presidente ng CUBS. At natutuwa si Aya na nagkaroon na ng katuparan ang pag-ibig ng isa sa matalik na kaibigan ni Alexa.







Nang sumunod na araw ay isa pang kaibigan ni Alexa ang naabutan ni Aya sa bahay nila. Galing siya ng repair shop ng ama at tumulong doon.

“Oh,” napababa ang kamay ni Aya mula sa paghihilot ng kanyang batok, “what a pleasant surprise,” aniya sa kanyang bisita na nakaupo sa may salas at doon naghihintay. Suot ni Aya ay isang puting sando na pinatungan ng blue button down na hinayaan niyang nakabukas. Magulo ang buhok na nakapusod ng mataas. Hindi na niya pinagkaabalahang ayusin iyon matapos ang trabaho sa shop.

“Hey…” ang bati ni Cleo na tumayo. As usual ay nakasuot ito ng makapal na jacket at punit-punit na jeans.

Hinalikan ito ni Aya sa pisngi, “hey… napadalaw ka?”

Sabay nang naupo ang dalawa.

“Well… I figured out na baka kailangan mo ng kausap,” kibit-balikat na tugon ni Cleo.

Napataas ang kilay ni Aya. Cleo was not the type to be compassionate towards the other people. “Wow… ang thoughtful naman…” may himig pagbibirong wika niya dito.

“Bakit parang gulat na gulat ka?” tila nainsultong tanong ni Cleo.

“Coming from you? Sinong hindi magugulat?”

“Well… you haven’t seen the sweet side of me.”

“Oh… you have a sweet side?” Aya jested.

“Hey…” Cleo chided with a playful shove, “masyado ka sa’kin. May puso din naman ako kahit papa’no.”

“Aray ha…” ani Aya na napahimas sa braso, “ano ba ‘yang kamay mo, bakal?” reklamo niya, “saka… talaga ba? Si Cleo Montefalco, may puso?”

“Sumusobra ka na ah… nakakasakit ka na ng damdamin,” wika ni Cleo na may paghimas pa sa dibdib.

Napatawa si Aya. “Anong nakain mo at parang matinong tao ngayon?”

“Parang sinasabi mo naman yatang baliw ako,” kunwa ay paghihinampo nito.

“Ikaw ang nagsabi niyan.”

Napaismid ito kunwari. “Hindi mo lang alam… I can be the most caring person in the earth if I wanted to,” pagmamayabang pa nito.

“Parang hindi naman yata kapani-paniwala ‘yan,” kontra ni Aya.

Hindi inasahan ni Aya na may pagka-palabiro din pala ang pinaka-basagulerong kaibigan ni Alexa. Nang gabing iyon ay doon ito nananghalian sa kanila. At kagaya kay Alexa ay kakatwang giliw na giliw din dito ang kanyang ina.

“Oo nga pala… sa sabado ay may get-together sa Margo’s diner ang grupo. Magpunta ka ha,” ani Cleo nang ihatid ito ni Aya sa gate.

“Okay. Walang problema,” tugon ni Aya na ngumiti.

“Sige, alis na ‘ko,” Cleo said and slightly tapped Aya’s head, “magpakabait ka ha…”

Agad na pinalis ni Aya ang kamay nito. “Huwag ka nga… ginawa mo naman akong bata!” reklamo niya, “at isa pa, kung may kailangang magpakabait sa’ting dalawa… ikaw ‘yon.”

“Mabait kaya ako,” parang walang-anumang tugon ni Cleo.

“Huuu… anong ikinabait mo? Palaging ikinukuwento noon ni Alexa ang mga kalukuhang ginagawa mo. At naalala ko pa ‘yong lalaking muntik mo nang basagin ang mukha no’ng nasa bar tayo dati. Nahawakan ka lang ng kaunti, para ka nang si The Hulk,” paismid na turan ni Aya.

Kasalanan na niya ‘yon dahil mahina siya. Saka may phobia ako sa mga lalaki. Mahawakan pa lang nila kahit dulo ng damit ko, gusto ko nang masuka,” pagdadahilan ni Cleo.

Napatitig dito si Aya. Palaisipan pa rin sa kanya ang kuwento ng buhay nito. Ang alam lang niya ay wala na itong natitirang kamag-anak ni isa.

“O, bakit ganyan kang makatingin?” ang tanong ni Cleo nang mapansin ang pagkakatitig sa kanya ni Aya.

“Wala. Umuwi ka na nga. Malalim na ang gabi at gusto ko na ring magpahinga. Napagod ako sa shop kanina,” pagtataboy niya rito.

“Okay. Magpahinga ka na,” anitong mabilis na ring naglakad palapit sa kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada.

“Ang bastos din talaga neto eh…” saad ni Aya nang basta na lang siyang iwan nito.

“Oh, bakit?” tanong ni Cleo na tumigil saglit sa paglalakad, “’di ba’t itinataboy mo na ‘ko?”

“Basta-basta ka na lang kasing nang-iiwan!” paangil na sagot dito ni Aya.

“Bakit, anong gusto mo, goodbye kiss?” pagbibiro naman nito.

“Mukha mo! Lumayas ka na nga!” asar na sigaw dito ni Aya.

Ang lakas ng tawa ni Cleo pero hindi na tumugon at nagtuloy na sa kotse nito.

Napangiti na lang din si Aya habang napapailing. Ngayon lang yata niya narinig na tumawa ng ganoon si Cleo.





----





“Marami-rami din ‘to ah,” komento ni Ivy habang naglalagay sila ng mga kahon ng regalo sa pick-up truck.

Papunta sila ng HOME ORPHANAGE. Ang mga regalo ay donate ng mga kaibigan ni Belen.

“Oo. Nasa fifty mahigit daw ang mga kasamahan ni Mama sa zumba at halos lahat ay nagbigay. Kilala mo naman ‘yon si Mama, walang kahiya-hiya sa katawan,” si Aya.

“Anong nakain ni Tita Belen at nag-take siya ng zumba?" tanong ni Ivy.

“Nairita na yata sa lagi kong pang-aasar sa katabaan niya.”

Nagkatawanan ang magkaibigan.

“O, anong pinagtatawanan niyo diyang dalawa?” biglang sumulpot ang pinag-uusapan nilang dalawa.

“Wala ho. Sabi kasi ni Ivy sume-sexy na daw kayo,” pambo-bola dito ni Aya na nangingiti.

“Oo nga ho, Tita. Medyo lumiit ho kayo ngayon,” segunda naman ni Ivy.

“Kuuu… huwag niyo nga akong pinagloloko diyang dalawa. Basta ihatid niyo ‘yan doon sa orphanage at sabihin niyo kay Mother Laureen na may aasikasuhin ako kaya’t hindi ako nakasama. Sa foundation day na lang ka’mo ako pupunta,” bilin ng ina.

“Opo, ‘Ma. Kami na ang bahala.”








Pagdating sa orphanage ay sinaluduhan sila ng dalawang guards at tumulong na din ang mga ito sa pagbaba ng mga  laruan.

“Siguradong matutuwa ang mga bata,” wika ni Ivy.

“Panigurado ‘yon,” may ngiting tugon ni Aya.

May tatlong madre na sumalubong sa kanila.

“O, mga hija… mukhang mabigat ‘yang mga dala-dala niyo,” anang isa na si Sister Flor.

“Hindi naman po,” si Ivy, “kayang-kaya na ho namin ito.”

“Ano ba ang mga iyan?” tanong naman ni Sister Melinda.

“Padala ho ni Mama – mga laruan para sa mga bata. Donate daw po ng mga kasamahan niya sa zumba,” sagot ni Aya.

“Hane at tulungan na namin kayo…” presenta ng mga ito.

Naabutan nila sa study hall ang mga bata at masaya silang sinalubong ng mga ito. Malapit na din ang mga bata sa dalawang magkaibigan dahil madalas silang pumunta roon.

“O, mga bata… may pasalubong sa inyo ang Ate Aya at Ate Ivy ninyo. Pumila kayo ng maayos at isa-isa kayong kukuha mula sa mga kahon, okay?” si Sister Flor.

Agad namang tumalima ang mga bata at excited na pumila na ang mga ito. Tumulong sina Aya at Ivy sa mga madreng naroon upang isaayos ang pila. Inihiwalay nila ang mga bata mula sa edad apat hanggang pababa at sa isa pang pila para sa mga batang edad lima hanggang pataas.

Napangiti sa sarili si Aya habang nagmamasid. Bakas ang tuwa sa mukha ng bawat batang naroon. Sabik na binuksan ng mga ito ang mga nakuhang regalo.

“Wow, tren!” one child happily exclaimed.

“Sa’kin kotse, di remote pa! sa’yo ba?” another one said and turned to another.

“Drawing board sa’kin. Tingnan mo oh… nabubura kahit walang eraser. Ang galing!”

“Nakakatuwa silang panoorin,” komento ni Ivy na nasa tabi ni Aya.

“Oo nga eh… sana ganyan na lang sila kasaya lagi at huwag nang maalala ang mga nakaraan nila,” ani Aya.







“Ate Aya! Ate Aya!”

Napalingon sina Ivy at Aya na noon ay kausap ng ilang madre, nang pahangos na tumakbo papunta sa kanila ang dalawang batang babae – sina Azel at Hailee, na nasa anim at pitong taong gulang.

Tapos na ang pag-aaral ng mga ito at pinaglaro naman sa playground. Sina Aya at Ivy ay nasa loob naman at nakikipagkuwentuhan sa mga madre.

“O, bakit? May nangyari ba?” medyo nag-aalalang tanong ni Aya sa mga ito.

“Sumama po kayo sa’min,” ani Azel na hinila na sa isang kamay si Aya. Ganoon din ang ginawa ni Hailee na nakahawak din sa isa pang kamay ng dalaga.

Nalilito namang napatingin sa mga kasamahan si Aya ngunit nagkibit-balikat lamang ang mga ito. Wala nang nagawa ang dalaga nang hilahin siya ng dalawang bata palabas. Napasunod na din si Ivy at ang iba pa.

Dinala si Aya ng dalawang bata sa playground. Lalong napakunot ang noo niya sa nabungaran.

Nakahilerang patalikod ang karamihan sa mga batang naroon. Sina Hailee at Azel ay iniwan na si Aya at sumama sa ilan pang batang naroon na nakaupo sa damuhan at nanonood.

Naiwang naguguluhan sa gitna si Aya… nang biglang humarap ang batang nasa unang linya sa bandang kaliwa. May hawak itong cardboard na may nakasulat na letrang ‘I’. Sumunod namang humarap ang apat pang batang kasunod nito na pawang may hawak ding cardboard. ‘L’, ‘O’, ‘V’, ‘E’, iyon naman ang pagkasunod-sunod ng mga letrang hawak ng mga ito. Sumunod na humarap ay tatlo na siyang bumubuo sa salitang ‘I LOVE YOU’.

Binasa ni Aya ang sumunod na mga salita, “Please. Take. Me. Back?” lalo siyang nalito, “huh?”

Mula sa likod ng punong malapit sa pinaka-huling bata ay may lumabas na babae – walang iba kundi si Yuna. Nahigit ni Aya ang hininga sa nakabibighaning anyo nito. May hawak itong bungkos ng tulips; nakalugay ang mahabang pulang buhok at mabining nililipad ng hangin; nakasuot ng puting button-down na mahaba ang manggas at fitted na jeans. At lalo pa itong tumangkad sa suot nitong heels.

Parang gustong haplusin ni Aya ang mahaba at malambot nitong buhok. Bibihira lamang nitong ilugay iyon. Kabisado na rin niya ang amoy niyon. Roses. Yuna smelled like roses. At parang maihahalintulad din niya sa bulaklak na iyon si Yuna. Beautiful – but full of thorns. At natatakot siyang hawakan muli ito dahil baka masugatan lang ulit siya.

Humakbang si Yuna palapit kay Aya, malamlam at nagsusumamo ang malalaking mata. Parang malulunod si Aya sa damdaming nakabalot sa mga matang iyon.

“For you,” ani Yuna sabay abot ng tulips.

Nakatitig pa rin si Aya sa nakakahipnotismo nitong mga mata. At magpapatianod na sana siya nang biglang…

‘CLICK

  Isang alaala at isang imahe ang pumalit sa paningin niya –

Isang babaeng naka-puti ring button-down at hapit na jeans at may inaabot ding bungkos ng tulips, “For you,” anito at gumuhit ang tabinging ngiti na kinaiinisan niya.

“Alexa…” biglang naibulong ni Aya.

Yuna’s face fell. Bumagsak ang mga kamay nitong may hawak na tulips. Malungkot na napayuko.

Huli na nang ma-realize ni Aya ang nagawa.





“Alexa?” di-mapaniwalaang sambit ni Ivy, “really? You have to mutter Alexa’s name in front of Yuna? after her little surprise? Have you seen her face?” tanong nitong nakikisimpatya kay Yuna, “ouch. You are so heartless,” pag-d-dramatize pa nitong nakahawak pa sa dibdib.

Nasa loob na sila ng sasakyan. Si Yuna ay nauna nang umalis matapos walang-imik na iabot sa kamay ni Aya ang bungkos ng tulips.

Inirapan naman ni Aya ng todo ang kaibigan. “Kasalanan ko ba kung bigla kong naalala si Alexa? I am not aware that I said that out loud. It’s her outfit. Why did she have to wear like Alexa?” pagdadahilan niya. Pagkatapos ay malalim na napahugot ng hininga. Na-g-guilty din siya sa nagawa.  Lumipad ang mga mata niya sa bungkos ng tulips na nasa passenger’s seat at lalong nakaramdam ng guilt.

“I wonder if she’s still going to pursue you this time,” si Ivy na may himig ng panghihinayang ang boses.

Hindi na iyon tinugon ni Aya.

Si Ivy ay binuhay na ang makina ng sasakyan at nilisan na nila ang orphanage.





----





Two days later…


“Tinatanong ka ni Yuna. Kung puwede ka daw ba mamayang gabi. Dinner date daw.”

Napaangat ang mga mata ni Aya sa sinabi ng ina mula sa pag-inom ng tubig. “Tumawag ho si Yuna?” medyo nagulat pang tanong niya. Akala niya matapos ang nangyari ay hindi na ito magpaparamdam.

“Oo. Nariyan sa papel sa mesa, isinulat ko ‘yong meeting place niyong dalawa,” anang ina. Busy ito sa paggawa ng avocado graham. Mahilig kasi itong gumawa ng kung anu-anong desserts. Kita naman sa malusog nitong pangangatawan.

Agad na dinampot ni Aya ang nasabing papel. She was excited for some reason, but nervous at the same time.

Tiningnan siya ng ina. Kumusta na ba kayong dalawa?” tanong nito.

“Hindi pa ho kami nagkakausap simula no’ng nangyari sa orphanage,” sagot ni Aya.

Tumigil saglit sa paglalagay ng avocado puree si Belen. “Ano ba talagang balak mo sa kanya, ha?”

“Hindi ko po alam…” mahinang sagot ni Aya.







Naguguluhan si Aya nang wala siyang makitang ibang tao sa restaurant. Tanging ang guard na nagpapasok sa kanya ang nakita niya. The place was dimly-lit and there were hanging led lights on the ceiling. On the floor were scattered rose petals and it seemed to be leading somewhere. Sinundan ni Aya ang mga petals.

Her hips were swaying gracefully as she strode on the pathway. Long slender legs were exposed from her cream-colored dress stopping on mid-thigh. It was a flowy dress with thin straps, showing her proud shoulders and a little peak on her cleavage. Her hair was up on a high bun and she left some curls hanging on each side of her face.

The petals led up towards a medium-scale ladder. Aya carefully climbed up. Isang malawak na veranda ang bumungad sa kanya nang marating ang top-floor. More rose petals were scattered and on the centerpart was shaped like a heart. A round table with two chairs was placed on it. A combination of roses and tulips in different colors adorned the place. It was beautiful.

Aya squinted her eyes to see better. Naka-dim din ang mga ilaw at tanging mga led-lights ang nagsisilbing source ng liwanag. Sa balustre ng veranda ay naaninag niya ang nakatalikod na pigura ng babae. Pulang buhok – iyon ang unang na-recognize ng mga mata niya. Hinayaan ng babae na nakalugay ang buhok nito na halos umabot na ng baywang ang haba. 

Yuna was looking up on the starlit sky. Hindi niya namalayan ang pagdating ni Aya.

Naglakad si Aya palapit dito. The sound of her heels made Yuna turn around.

Natigil sa paghakbang si Aya at napatitig sa babaeng nasa harapan. Yuna was wearing a knee-length black dress that accentuated her curves. From head to toe – the woman always looked seductive. Natuon ang mga mata ni Aya sa malalim na cleavage na nagmamayabang na nakalabas sa damit nito. Yuna got huge breasts and it was one of her many assets.

A smile broke on Yuna’s lips. “Liked what you see?” she asked playfully.

Agad na lumipad ang mga mata ni Aya sa mukha nito. Her cheeks heated up when she was caught checking out. Hindi siya agad nakasagot.

Lumapit na si Yuna sa kanya. “Good evening, my love,” anito na biglang nagpasikdo ng dibdib ni Aya.

“G-Good evening too,” Aya responded in an almost husky voice.

Napangiti si Yuna. “Mabuti’t nakarating ka. Akala ko, hindi mo na ‘ko sisiputin.”

“Well… it would be too rude of me to refuse, right?” ani Aya na medyo naiilang na sa nanunuot na titig ng malalaki nitong mga mata.

Ngumiti lang si Yuna. “Okay… let’s take a seat?” paanyaya nito. Nauna na rin itong maglakad papunta sa mesa at pinaghila pa ng upuan si Aya.

“Thank you,” ani Aya rito nang makaupo.

Naupo na rin si Yuna at ilang sandali pa ay may lumapit sa kanilang waiter mula sa kung saan at pinagsalin sila ng red wine. Sumunod na rin ang isa pang waiter na may dala namang pagkain.

Nagpasalamat si Yuna bago umalis ang mga ito.

“Hindi ba’t masyado namang magarbo ito?” hindi naiwasang komento ni Aya.

“Maliit na bagay lamang ito para sa’yo,” tugon ni Yuna.

Napatikom na lang ng bibig si Aya.

“Yuna…” maya-maya ay sambit niya sa pangalan nito.

“Let’s just enjoy this night, shall we?” agad na agaw ni Yuna sa anumang sasabihin niya, “let’s skip all the drama just this one.”

Ibinuka ni Aya ang bibig upang magsalita, “all right.”

“So, how are you?” si Yuna habang naghihiwa ng steak sa plato.

Si Aya ay ganoon din. “I’m good. Tumutulong ako paminsan-minsan kay Papa sa shop o kaya… sa orphanage ako madalas magpunta para turuan ‘yong mga bata.”

“That’s great,” ani Yuna matapos lunukin ang isang piraso ng steak.

“Ikaw, kumusta ba?” si Aya naman ang nagtanong.

“Dad appointed me as GM on Smith Tower. Medyo naninibago pa rin ako at talagang mahirap sa umpisa.”

“I thought you hated running a business. Bakit nagbago ang isip mo?”

“Well… tumatanda na rin si Dad at kailangan ko na ding masanay na pamahalaan ang negosyo. Hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari. I had been delaying it for far too long now… doon pa rin naman talaga ang bagsak ko,” kibit-balikat ni Yuna.

“You have two other brothers. Puwede mo naman ipasa sa kanila ang responsibilidad ‘di ba?”

“They have enough on their cup. At bata pa lamang sila nang magsimulang mag-aral sa pamamalakad ng kumpanya. I think it would be too unfair for them kung ipapasa ko pa ‘to sa kanila. I’ll get used to it.”

“Pa’no ‘yong passion mo sa pag-d-design? Won’t it be unfair for you too?”

“It’s fine. I think I am going to enjoy this new job. Running a business is in my blood.”

There was a comfortable silence after that.

Si Yuna ang unang nagbaba ng kubyertos.

Nakita ni Aya nang tanguan nito ang isang waiter na nakatayo sa gilid. Umalis ang lalaki at ilang sandali pa ay pumailanlang sa paligid ang mabining tugtugin.

“Would you like to dance?” paanyaya ni Yuna nang makitang tapos na rin si Aya.

“Sure.”

Unang tumayo si Yuna at inilahad ang kamay kay Aya.

Sandali munang tinitigan ni Aya ang kamay nito bago kinuha iyon. Yuna’s hand was really warm and Aya felt the heat traveling unto her chest.

Yuna gracefully led Aya to the center and together – they dance into the slow rhythm.

The ardent look on Yuna’s eyes made Aya tingle. She felt her whole body heating up and she couldn’t take her eyes off on Yuna’s big ones.

“It felt like ages since I last held you like this,” Yuna said softly.

Aya just hummed as a response. Even the woman’s voice sounded so enticing that Aya had to mentally shake her head. It seemed that the redhead’s witch-like charm was wrapping her up again.

Nabaling ang mga mata ni Aya sa magkahawak nilang kamay nang pisil-pisilin iyon ni Yuna. Maya-maya pa ay bahagya itong lumayo at kinuha rin ang isa pa niyang kamay na nakapatong naman sa balikat nito. They stopped dancing and Yuna enfold their hands between them.

“Aya… you know that I love you. And I want to fight for that love, but… how can I still do that if I feel like there’s really nothing to fight for anymore?”

Aya was taken aback from the pain in Yuna’s voice.

“You keep rejecting me… you keep condemning me… and there’s only so much I can take. I got my limitation too. And I’m afraid I finally reached that line.”

Yuna paused and looked at their joined hands.

“So, I’m going to ask you this one last question and it’s also going to be the last time that I’m going to do this…

– Aya… will you take me back?”

Visible conflict could be seen on Aya’s eyes. Ilang sandali ring hindi siya nakasagot. Mahalaga para sa kanya si Yuna at ayaw niya rin itong mawala sa kanya. Naaawa na rin siya dito, pero hindi  pa talaga siya handang tanggapin ito. Maya-maya pa ay napayuko siya.

.
.
.
.
.

“I’m sorry…” malungkot na sambit niya.


Continue Reading

You'll Also Like

199K 6.2K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...
21K 1.8K 7
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
5.9K 422 5
Wherein Veronica, the only daughter of House Armendarez is forced to marry Kiarra, the bastard of House Saavedra. PS. Wag muna basahin bc p aq