Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

47. Reign's list

2K 65 16
By angDiyosaNgBuwan

“Hi Guys!” ang masiglang bati ni Alexa mula sa screen.

Kinakain ng matinding pananabik ang puso ni Aya. Sa wakas ay muli niyang nasilayan si Alexa. Si Alexa – na buhay na buhay, nakasuot ng loose shirt at maong na kupas at punit-punit. Si Alexa – na laging magulo ang buhok at palaging may naka-plaster na mapang-asar na ngiti sa mga labi. Si Alexa – na makulit, wirdo at baliw. Ang kanyang si Alexa…

Tumulo muli ang masagang luha mula sa mga mata ni Aya habang nanonod.

“ – siguro miss na miss niyo na ‘kong lahat ‘no?” nagsasalita pa rin si Alexa sa screen. Nagbibiro. Na para bang lahat na lang ay biro lang para dito, maging ang kamatayan nito, “I bet marami ang umiiyak ngayon ng dahil sa ‘kin,” nakangiti pang wika nito na para pang nagmamayabang, “I am really flattered. It just goes to show that there are a lot of people who loves me. Grabe. Kahit sa baliw kong ‘to ay marami pa ring nahuhumaling sa kagandahan ko – “

Bagamat nag-iiyakan ay umani ng tawanan ang huling sinabi ni Alexa.

“ – pero guys, huwag nga kayong malungkot! Huwag kayong mag-aalala, tinitiyak ko sa inyong maging sa huling sandali ng buhay ko ay hindi ko kayo nakalimutang lahat.  Each and every one of you is remembered. And you should be glad… dahil naalala kayo ng magandang ‘to, ‘di ba?

Tawanan ulit.

“ – smile guys… hindi dapat iniiyakan ang kamatayan. It was another journey; another adventure. Kaya’t gusto ko ay huwag niyong ipagluksa ang kamatayan ko, at sa halipipagdiwang ninyo ang mga alaalang naiwan ko sa inyo. Be grateful that your life had been graced by this masterpiece,” anitong sinundan ng mahinang tawa “ – I bet I made you all smiling and laughing now, huh?” wika pa nito. Pagkatapos ay ngumiti na ng seryoso, “I want you to keep that until the night ends. And I’m not gone. I know you are all keeping me in your hearts. So come on… let’s party!”

The video ended and along with that, a lively music suddenly blared in the air. Nanggaling man sa matinding kalungkutan ay biglang parang nabuhayan ang mga puso ng mga taong naroon. And they smiled. Still crying, yes… but happy. Still sad, yes… but their hearts bloomed with hope… and love. Alexa had such an impact.

Nagkatinginan sina Aya at Nolan. Bagamat pareho pa ring basa ang mga mukha nila ay nagawa na nilang ngumiti. Muli silang nagyakap. And this time their chests were lighter.

Nagulat sila nang bigla silang sugurin din ng yakap ng iba pang mga kaibigan ni Alexa. Nandoon sina Margo, Quintin, Maxie, Jeffrey at ilang miyembro ng CUBS. Umiiyak din ang mga ito ngunit nagtatawanan. It seemed that Alexa had spread her craziness to everyone.

Sa ibaba ng hagdan ay nanonood ang pamilya ni Alexa. Natutuwa din sila.

Si Daniella ay napapahid ng mata at napalingon sa asawa na nakangiti namang yumakap sa kanya.

Ang magpinsang sina Yuna at Jessica ay nakangiti ding nakamasid.

Samantalang si Cleo ay hindi nagawang makisali sa nagkakagulong mga kaibigan. Kahit papaano naman ay nabawasan na rin ang kanyang galit at hinanakit sa pagkawala ni Alexa. Napasulyap siya kay Yuna.

Si Yuna naman ay naramdamang parang may nakamasid sa kanya at inilibot ang paningin. Nagtama ang mga mata nila ni Cleo… at nagulat pa siya nang bigla itong ngumiti at tumango sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod na ito.

Napangiti din si Yuna sa sarili. It was a silent form of forgiveness, and she was glad. “Thank you, Alexa…” ang mahinang sambit niya habang nakatingin sa itaas.








“Aya…”

Napalingon si Aya sa tumawag ng pangalan niya. “Tito Theo…” aniyang malungkot na napangiti. Pinagmasdan niya ang matanda. Halos lahat yata ng features ni Alexa ay nakuha dito. Bigla na namang nakaramdam nang labis na pangungulila si Aya.

“How are you?” masuyong tanong ni Theodore. Simula nang mangyari ang lahat ay ngayon pa lang sila muling nagkaharap.

Nagkibit-balikat si Aya. “I don’t know if I could say that I’m good… “ Aya couldn’t  say anything more after that.

“I understand. I am really sorry, Aya,” Theodore said in a guilt-stricken face, “you’re probably tired of that word from us but we didn’t know what else to say.”

Aya gave out a tight-lipped smile. Totoo ang sinabi nito… napapagod na siya sa pag-s-sorry ng mga tao sa kanya. Hindi naman kasi nakabawas iyon sa sakit na nararamdaman niya. “Can I hug you, Tito?” she asked instead.

Mukhang ikinagulat iyon ni Theodore.

“Para po kasing nakikita ko na din sa inyo si Alexa. Kamukhang-kamukha niyo ho siya,” si Aya pa rin.

An understanding crossed Theodore’s face, “sure, hija…” He opened her arms for Aya, and Aya gladly took it.








----






Tatlong araw na ang lumipas. Binigyan muna ni Yuna ng space si Aya. Hahayaan muna niya itong makapag-isip-isip. Isang araw matapos ang kaarawan ni Daniella ay sabay-sabay silang nakatanggap ng mensahe galing sa mga Madrigal, at ang nilalaman nito ay video na ginawa ni Alexa sa bawat isa sa kanila.

Si Aya ay nasa kanyang silid, nakatutok ang mga mata sa screen ng kanyang telepono. Halos paulit-ulit na niyang nai-play ang video message sa kanya ni Alexa at hindi pa rin siya nagsasawa. Kahit sa ganoong paraan man lang ay makausap at makita niya ito. Nasa ibabaw din ng kanyang desk ang liham na nauna nang ibinigay ni Daniella.

Ang iba pang mga kaibigan ni Alexa ay bumalik na rin sa normal ang mga buhay. Bagamat dala pa rin nila ang kalungkutan at pangungulila ay ginamit nila iyon upang magpatuloy at lumaban.








“You should talk to her now,” ani Reign na nagsalin ng red wine sa dalawang kopita mula sa bar counter at muling bumalik sa tabi ni Yuna na nakaupo sa couch na naroon. Iniabot ang isang kopita dito.

“But she’s still mourning for Alexa,” kontra ni Yuna.

“Oh. Yes she is… and guess what – it won’t be over till the next day or the day after that, or next week or the week after that, or it will even turn months or years…” Reign paused “ – but hey… dapat mong ipaalala na nandito ka pa, o gusto mong ikaw ang makalimutan niya?”

“You’re exaggerating. It had just been three days,” napaikot ang matang wika ni Yuna at sumimsim ng wine mula sa hawak na kopita.

“You never know… So many things can happen in three days,” ani Jessica na may pagkumpas pa ng mga kamay “she could decide to never get back with you anymore, she could decide that she wanted to be a nun instead – “

Natigil sa akmang pag-inom ng wine si Yuna at binigyan ng nakalolokong tingin ang pinsan.

“ – she could decide that she wanted a man now instead of a woman, she could decide to leave the country, or worse – “ umayos ng pagkakaupo si Reign at hinarap ang pinsan, “ – she could find someone else right now.”

Biglang napatayo si Yuna na halos hindi maipinta ang mukha. Tinablan siya ng pananakot ni Reign. Parang inosente namang uminom lang ng wine ang pinsan.

Binitawan na ni Yuna ang kopitang hawak at ipinatong iyon sa center table. Maya-maya pa ay bigla nitong hinila patayo si Jessica.

“H-Hey!” nabiglang sigaw ni Reign. Mabuti na lang at hindi natapon sa puti niyang damit ang hawak na wine. Mabilis na iniwan niya ang kopita sa couch. “Wait! Where are you taking me!” natatarantang sigaw niya habang kinakaladkad siya ni Yuna palabas

Biglang tumigil sa paglalakad si Yuna na dahilan upang mabunggo ang mukha ni Reign sa likod nito.

Hinarap ni Yuna ang pinsan. Sasamahan mo ‘ko kay Aya,” anitong bakas ang pag-aalinlangan sa mukha, “I need a sidekick. Baka kasi ipagtabuyan niya lang ako.”

Namaywang si Reign. “Jeez, couzpabigla-bigla ka naman. Puwede bang sa susunod wa-warning-an mo muna ‘ko?”

“Ikaw itong nagtataboy sa’kin na kausapin na si Aya, ‘di ba? Tinatakot-takot mo pa ‘ko,” paangil na wika ni Yuna.

Oo nga… pero huwag kang susugod sa laban ng pabigla-bigla at ni wala man lang dalang armas.”

“What do you mean?” kunot-noong tanong ni Yuna.

Puwede bang bumalik muna tayo do’n sa loob?” nakapamaywang pa ring saad ni Reign, “we need a plan.”








Thirty-minutes later…



“Are you crazy?! Hinding-hindi ko gagawin ‘yang mga kabaduyan na ‘yan!” ani Yuna sabay hagis ng notebook sa pinsan. Isinulat kasi nito doon ang mga naisip daw nitong plano para suyuin si Aya. Mayroon yata doong nasa sampu at halos lahat ay hindi niya masikmurang gawin.

“Come on, couz… these may sound silly, but doing silly things will show just how serious you are.”

“I won’t stoop that low!” mariing kontra pa rin ni Yuna “alam mo namang hindi ako kumakanta ‘di ba? Tapos gusto mo akong mang-harana? Like – who does that now?”

Maganda naman ang boses mo ah? Hindi ba nga’t nagawa mo nang kumanta no’n? Naalala mo no’ng mag-reunion tayo? We were what – ten years old?”

“Shut up! Huwag mo nang ipaalala sa’kin ang araw na ‘yon. That was so embarrassing!” angil ni Yuna sa pinsan. Paano ba nama’y pumiyok siya noon at napahiya sa mga kamag-anak. Hindi naman talaga niya gustong kumanta, kung hindi lang sa magaling niyang ina na noon ay gustong laging may ipinagmamayabang sa mga tao. Mula noon ay hindi na niya sinubukang kumanta ulit kahit anong pilit at pagpaparusa ng ina. Pasalamat na lang siya at namagitan ang ama noon kaya’t tinantanan din siya ni Helena.

“Aw… ang cute mo kaya no’n…” panunudyo pa ni Reign.

Tumahimik ka kung ayaw mong masabunutan kita. I won’t do it or anything you wrote in there. Siguradong magmumukha lang akong stupid sa harapan ni Aya, at baka imbes na mapa-oo ko siya, takbuhan niya pa ‘ko.”

“Mahal mo ba talaga si Aya?” ang tanong ni Reign.

“Tinatanong pa ba ‘yan?”

“Then, huwag kang mahihiya na gawin ang anumang bagay para sa kanya.”

“Look… I’ll do anything, just – not these things,” tanggi pa din ni Yuna.

Couzmagdadalawang buwan mo na ring sinusuyo si Aya, pero may epekto ba? Kailangan mo nang mag-change ng tactics.”

“No,” mabilis na sagot ni Yuna.

Couz – “

“ – I won’t do it!” agad nang tumayo si Yuna at iniwan ang pinsan.






----






Remind me again why I am doing this?” ani Yuna kay Reign. Malalim ang gatla sa noo at may ilang butil din ng pawis ang namumuo.

Nasa bandang gilid sila ng bahay nina Aya, sa mismong tapat ng bintana ng kuwarto ng babae at hinihintay na dumungaw ito. Alas-sais ng hapon noon. Nauna na silang nilabas ni Belen. Matapos mai-set-up ng mag-pinsan ang mga gamit ay umakyat muna ito upang ipaalam sa anak ang presensya ng dalawa.

“To get Aya back,” simpleng tugon ni Reign “you will do everything, right?” aniyang lihim na nangingiti. Hindi rin nakatagal ang pinsan sa pangungulit niya kaya’t kahit labag man sa loob nito ay heto sila – may dalang electric piano, speakers at mic. Manghaharana. Gustong matawa ni Reign. Yuna looked really uncomfortable. Hindi niya inaasahan na kakagat talaga ang pinsan sa pananakot niya.

Humugot ng malalim at tensyonadong hininga si Yuna. Parang gusto na niyang tumakbo palabas ng mga oras na iyon. Nanghihinayang lang siya dahil halos ilang araw din ang preparasyon nila para dito. Nag-voice lesson pa siya para naman hindi siya gaanong mapahiya. Sadyang marunong siyang mag-piano, bagay na ipinilit lang din noon sa kanya ni Helena. But now she was thankful for it.








Dumungaw ka na sa bintana, dali…” utos ni Belen na bahagya nang itinulak ang anak..

“Ano ho bang meron, ‘Ma?” kunot-noong tanong ni Aya. Bigla na lang kasi nitong binulabog ang pagbabasa niya ng libro at hinila siyang palapit sa bintana.

“Basta’t dumungaw ka na lang.”

Siguraduhin niyo hong importante ‘yan ha. Malapit ko na sanang malaman kung sino ‘yong killer doon sa binabasa ko, tapos bigla kayong nangingistorbo,” reklamo ni Aya.

“Hay naku. Mas importante itong higit kaysa sa binabasa mo. Buksan mo na ang bintana mo, dali!”

Nakasimagot na hinawi ni Aya ang puting kurtina at inalis ang latch ng bintana. She stopped halfway when she saw what her mother was so insistent about. Napaikot ang mga mata niya at muling hinarap ang ina. “Ma, ano ‘to?” matabang na tanong niya.

Sige na, pagbigyan mo na ‘yong tao…” anang ina na siya na ring nagtuloy sa pagbubukas ng bintana.

Napakamot na lang sa kilay si Aya. She wasn’t ready for this kind of drama, no matter how romantic it seemed to be.







Couznandiyan na siya…” ani Reign na siniko ang pinsan. May hawak naman itong recording camera.

Agad na umayos si Yuna. Bumunot muna siya ng malalim na buntung-hininga.

Aya was frowning deeply as she looked down. She found the sight ridiculous. She had never seen or heard Yuna sing and seeing the redhead try now was rather odd.

Nagsimulang tumipa ng piano si Yuna. Her hands were slightly shaking as she pressed, and she sang.

There goes my heart beating
‘Cause you are the reason

Yuna’s voice was shaky at the start. Kahit na praktisado na ay hindi mawala ang kaba sa dibdib niya lalo na’t nakamasid sa kanya si Aya.

I’m losing my sleep
Please come back now

There goes my mind racing
And you are the reason
That I’m still breathing
I’m hopeless now

Yuna felt exactly as those words had said. She felt her chest burning and she closed her eyes as the chorus came up.

I’d climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I’ve broken

The redhead opened her eyes and stared right at Aya.

Oh, ‘cause I need you to see
That you are the reason

There goes my hand shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
I need you now

Yuna meant every word and she sang her heart out.

Aya was surprised. She didn’t expect that Yuna sings this good. Sa tabi niya ay kinikilig naman ang inang si Belen.

If I could turn back the clock
I’d make sure the light defeated the dark
I’d spend every hour, of every day
Keeping you safe

Reign smiled proudly at her cousin. Maganda naman kasi talaga ang boses nito. Masyado lang talaga itong na-phobia dahil sa nangyari noong pagkapahiya sa harapan ng mga kamag-anak nila. Hindi rin nakatulong ang laging pagmamanipula noon ni Helena.

Aya could feel the sincerity of Yuna’s song. Hindi mapigilang maantig ang puso niya dito.

Patuloy ang pagkanta ni Yuna. Tila nagsusumamo ang mga matang nakatingin kay Aya. She was hoping in hope that she manage to penetrate the thick barrier which Aya had built between them.

I’d climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I’ve broken
‘Cause I need you to see
That you are the reason

Nang matapos ang kanta ay naiwang magkatitigan sina Aya at Yuna. Sandaling nag-usap ang kanilang mga mata.

Aya had almost forgotten, but suddenly… Alexa’s face flashed in her mind. Napayuko siya at humakbang palayo sa bintana. Napasandal sa dingding.

Hinintay ni Yuna na bumaba si Aya ngunit tanging si Belen lamang ang lumabas ng pintuan.

Pasensya na, Yuna… pero hindi ka pa daw niya kayang harapin sa ngayon,” malungkot na turan ng matanda. Hinawakan ang braso ni Yuna, “intindihin mo na lang muna, anak.”

Malungkot na napatango na lang si Yuna.

Tinapik naman ni Reign sa balikat ang pinsan. “It’s okay, couz. Ang importante ay naipahatid mo ang mensahe sa kanya. Just don’t give up like what that song was saying. You can do it.”

Ngumiti si Yuna sa pinsan at bumaling sa ina ni Aya. Alis na ho kami, ‘Ma…” paalam niya sa mahina at disappointed na tono.








----








“Nak… ilang araw ka nang nakatunganga lang dito sa loob ng kuwarto mo. Aba’y lumabas ka naman at magliwaliw.”

Naabutan ni Belen na nakahiga ang anak at tulalang nakatitig sa kisame.

Tinatamad ho ako, ‘Ma…” matamlay na tugon ni Aya. Ilang beses na din siyang kinukulit ng ina na lumabas pero wala siyang ganang gumawa ng kahit na ano.

“Ano ba namang bata ka… malapit nang mabutas iyang kisame sa pakikipagtitigan mo diyan. Ba’t ‘di ka lumabas kasama ang mga kaibigan mo? Hindi ba’t tinatawagan ka nina Tim at  Glen,” tukoy ng ina sa dating mga kasamahan ni Aya sa Dimitri’s.

May komunikasyon pa rin naman ang dalaga sa mga ito kahit matagal na siyang umalis sa kumpanya. Alam na din ng mga ito ang tungkol sa pagkawala ni Alexa.

Tinatamad nga ho ako, ‘Ma…” nakukulitan nang wika ni Aya.

Iligo mo na ‘yan at nang mawala ‘yang pagkatamad mo. Aba’y pati ba naman paliligo ay kinakatamaran mong bata ka,” sermon ng ina.

Inamoy ni Aya ang sarili at bahagyang napangiwi. Medyo nangangasim na din siya. Patatlong araw na yata siyang walang ligo. Araw-araw naman siyang nagbibihis at dahil naka-aircon naman ang kuwarto ay hindi niya alintana ang init.

“Tingnan mo… kung hindi ko pa binanggit sa’yo ay hindi mo mapapansing nagiging dugyot ka na,” anang ina.

“Maka-dugyot naman ho kayo. Mabango din naman ako kahit papa’no,” kontra ni Aya.

Umismid ang ina. “Basta’t bumangon ka na riyan at lumabas ka ng bahay. Aba’y nagsasawa na din akong makita ka dito lagi. Kung talagang ayaw mo na talaga kay Yuna ay bakit ‘di ka maghanap ng ibang babae o kahit lalaki. Para naman mabigyan mo na rin ako ng apo,” litanya ng ina.

Grabe ho kayong makapagtaboy sa akin ah. Gusto niyo na ho yata akong palayasin dito eh,” medyo asar na wika ni Aya.

“Ay mas maigi nga kung gano’n. Kesa naman binuburo mo dito sa bahay ang sarili mo. Aba’y sayang ng buhay mo at ng magandang lahi natin kung ‘di mo papalaguin,” sagot naman ng ina.

Tinatamad nga ho ako, ‘Ma… bukas na ako maghahanap ng magpapalago ng magandang lahi niyo,” medyo paangil na wika ni Aya.

Bumangon ka na riyan dahil kung hindi ay ako mismo ang kakaladkad sa’yo palabas,” banta ng ina.

Asar na napakamot sa ulo si Aya. Kahit kailan talaga ay napakakulit ng ina.

Balita ko ay may malawakang sale daw diyan sa malapit na mall, kasama na ang bookstore nila. Bakit hindi ka magpunta doon at mamili?” suhestiyon pa ni Belen.

“Ma naman… puwede ho bang hayaan niyo na muna ‘ko?” yamot na pakiusap ni Aya. Kahit medyo nabuhay ang interes niya sa sinabi ng ina ay tinatamad talaga siyang kumilos.

Kapag hindi ka pa bumangon diyan ay ipapatawag ko si Dagul para siya ang magbuhat sa’yong palabas,” tukoy ng ina sa isang katiwala ng ama sa repair shop. Dagul ang pangalan nito ngunit parang Goliath naman sa laki.

“Mama naman…” reklamo ni Aya na biglang napabangon mula sa pagkakahiga. Alam niyang hindi nagbibiro ang ina sa banta dahil minsan na nitong ginawa iyon.

Huwag mo ‘kong susubukan,” duro ng ina, napapagod na ‘ko pakikiusap sa’yo,” anito at nag-anyong lalabas na ng kuwarto.

“Bibigyan kita ng tatlumpung-minuto!” habol ng ina nang nasa pinto na ito at nagtuloy na sa labas.

Napaawang ang bibig ni Aya at hindi makapaniwala. Para siyang ginawang bata ng ina. Napaungol siya sa inis at napilitang bumangon na.

Si Belen ay natigil sa bungad ng hagdan at muling nilingon ang kuwarto ng anak. Iniisip niya kung gumana ba ang ginawa niya. Ilang beses na din kasi niyang pinangaralan at pinakiusapan ang anak at sa tuwing nababanggit niya si Alexa ay lalo lamang itong nalulungkot.

Ilang sandali pa nga ay bumaba na si Aya. Nakabihis na din ito. Iyon nga lang ay maasim ang mukha.

Si Belen na nakaupo sa may salas ay lihim na napangiti. Mabuti naman at sumunod ka. Tatawagan ko na sana ang ama mo,” aniyang kunwa ay seryoso ang mukha.

Alis na ho ako,” matabang na paalam ni Aya. Simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot nito at sa kamay ay hindi kalakihang bag.

“Saan ang punta mo niyan?” habol na tanong ni Belen.

Sa mall ho…” ani Aya na bahagyang tumigil bago tuluyang lumabas.

Nang makaalis ang anak ay dinampot ni Belen ang cellphone na nasa tabi niya.








Maraming tao at halos magsiksikan sa mall nang dumating si Aya. Parang gusto tuloy niyang magsisi. Bigla siyang nahilo sa dami ng tao. Matagal-tagal na din kasi siyang hindi nakakalabas.

She took a stroll towards the bookstore. Hindi naman siya mahilig mamili ng kung anu-ano at naimpluwensyahan siya ng ina na sa tuwing sale lamang namimili sa mall.

Dahil galing pa siya sa parking area ay kinailangan niyang mag-detour. Nadaanan niya ang atrium na halos punong-puno ng tao na karamihan ay alam niyang mga nakatambay lang naman at nagpapalamig sa loob.

Napasimangot si Aya. She hated crowded places.

Sa gitna naman ng atrium ay may nakaset-up na stage. May nakita siyang posters ng isang sikat na brand ng milk formula. Mukhang may endorsement event para dito.

Bigla namang may babaeng lumapit sa stage at tila may ipinapakiusap ito sa mga facilitator.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Aya. Hindi maiwasang mabunggo siya at madikit sa ibang tao. Nang walang anu-ano ay biglang may nagsalita sa mikropono na nanggagaling sa stage.

“I am calling the attention of someone from the crowd, Ms. Aya Martinez,” mula sa mga speakers ay wika ng isang boses ng babae.

Bigla namang natigilan si Aya nang marinig ang pangalan niya. She frowned deeply in bewilderment. Why would someone call her from the stage of that mall? Ibinalik niya ang mga mata sa stage at pilit inaninag kung sino ang nagsasalita.

“Ms. Aya Martinez… I know you’re here,” ang wika muli ng babae mula sa mikropono.

Hinawi ni Aya ang mga tao at lumapit ng bahagya sa stage hanggang abot-tanaw na niya ang taong nandoon. Nagtama ang paningin nila nito.

“Unbelievable,” Aya muttered under her breath.

Standing on the stage was no other than Yuna. Red-faced and had a shy smile on her lips.

Number two on her cousin’s list: Profess her love in front of the public.

“H-Hi, Aya…” napalunok si Yuna sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng babaeng minamahal. Aya was looking at her incredulously.

People stopped and stared. Curious silang napatingin sa babaeng may pulang buhok na bagamat pati ang mukha ay namumula ay hindi puwedeng basta ipagsawalang-bahala na lang ang taglay na ganda. She was like a Solomon. Namumukod-tangi sa lahat ang tila perpekto nitong anyo. Idagdag pa ang tangkad nitong hindi-pangkaraniwan. At sa suot nitong halter-strap dress na halos hindi umabot ng tuhod ang haba ay lalong lumutang ang angkin nitong alindog.

Tila naghugis-diyamante ang mga mata ng mga lalaking nandoon. Maging mga babae ay kumikislap ang mga mata kung hindi sa paghanga ay dahil sa pagkainggit.

“Uhm…” Yuna cleared her throat, “I-I’m sorry for putting you in this scene, but… I just want to show you how serious I am in front of all these people…”

People were confused as to whom the redhead was talking and some who already did were also baffled as to what was this about.

Si Aya naman ay gusto nang bumuka ang lupa at lamunin siya ng sandaling iyon. She couldn’t take the embarrassment.

Nagsasalita si Yuna nang biglang may humarang sa harapan ni Aya. Hindi naman malaman ni Aya kung magpapasalamat siya at gusto na sana niyang tumalilis na.

Yuna frowned, annoyed, “Hey, you –“ agaw niya sa pansin ng lalaki na tumakip kay Aya, “ – you on a black t-shirt with a skull print,” napaturo sa sarili ang lalaki, “ – yes you. You’re obscuring my view, man,” ani Yuna dito.

Agad namang tumabi ang lalaki na napakamot sa ulo.

“Thank you,” ang wika ni Yuna sa medyo banas na tono.

Natigil naman si Aya na maglalakad na sanang palayo.

Yuna smiled, confidently, this time and said, “I am going to fight for us. Wherever you may run, I’ll chase you. I’ll go and search for you even if you get to the ends of the earth. You won’t get away from me.”

Lalong nalito ang mga tao sa mga sinasabi ni Yuna. Ang iba sa mga ito ay nakatutok na ang mga cellphone sa dalawa.

“Kahit ilang beses mo pa ‘kong ipagtabuyan, babalik at babalik ako. You can hate me all you want; you can punish me all you want – I’ll take it all. I will stay no matter what. Until you forgive and love me again. That’s how much I love you. And I’m letting the world know, now. I don’t care about what they think or say. You are the only one that matters to me. I love you, Aya Martinez. You and only you,” Yuna stated with great conviction.

Nagtilian ang ilang baklang nagkukumpulan doon.

May isang sumigaw, “Go girl! We’re proud of you!”

“Itaas ang bandera ng mga bakla!” anang isa pa.

Ang ilan naman ay nagpalakpakan.

Natawa si Yuna sa reaksyon ng mga ito at nagpasalamat.

Parang na-disappoint naman ang ilang straight na naroroon, lalo na ang mga lalaki. May ilang naglakad nang palayo.

Bumaba na si Yuna at naglakad palapit kay Aya na pulang-pula naman ang mukha. Hindi na ito nakagalaw sa kinatatayuan. Ang mga tao ay tuloy pa rin sa pag-r-record ng pangyayari, kasama na si Reign na katabi rin ang isa pang pinsan na si Jessica. Pawang malawak ang ngiti ng mga ito at talaga namang proud na proud sa kanilang pinsan.

Napakagat-labi si Yuna nang makalapit ng tuluyan kay Aya, “hey…”

Hindi makapagsalita si Aya.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
36.8K 1.7K 35
(Professor × Student story) Kyrie Yvette Akerson lose her sanity, when she lost the man she loved. The man whose always been there beside her through...
401K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.