UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.4K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 22 "Default"

5.1K 293 55
By PeachyyyPie


“Oh, ba’t ang lawak ng ngiti mo?” nagtatakang tanong ni Vix nang makitang nasa good mood ang kanilang Alpha. Wala na ang kunot-noo nitong expression katulad kanina nang i-anunsyo na nanalo si Neo para sa semi-finals. May nangyari bang maganda?

Bawal maging masaya?” nanumbalik na naman ang mataray nitong tono.

Bawal magtanong?”

Bawal..”

Tss. May ginawa ka na namang kalokohan, no?”

Saan mo ba ko tingin nagpunta? ‘Di ba sa fiancée ko!”

“Ah!” napatango-tango si Vix nang maisip ang posibleng dahilan ng ngiti sa labi nito. “Nag make-out kayo, no??”

Nangunot ang noo ni Ceref pero ngumiti nalang din. Parang—Parang ‘ganon na nga..”

Tatawa-tawang umiling si Vix. Iba ka talaga, Alpha..”

Tigilan mo ko, manahimik ka na.”

Talaga lang, no?” pahabol pa ni Vix habang nakatingin sa kaniya.

Anong talaga lang??” takang tanong niya pabalik.

Talaga lang na pumunta ka sa kaniya?”

“Tsk, ano bang gusto mong sabihin?”

“Na kanina ka pa hinahanap ni Visla,” direktang tugon ni Vix. Kung sa tingin ni Ceref ay makaka-pagsinungaling siya ngayon sa kaibigan ay nagkakamali siya, dahil alam niyang higit pa sa pagkikita nila ni Visla ang ngiti na may‘ron sa labi nito. “‘San ka ba talaga nagpunta?”

Bakit ba kailangan mong malaman, ha? Kairita ka, ah..”

“Wala naman.. Puntahan mo nalang siya ‘don sa kwarto..” usisa ni Vix. “11 minutes nalang at magsisimula na ‘yung last battle niya.”

Bigla na naman naalala ni Ceref ang kalokohan niya. Napangiti siya bigla. Sige, sabihin ko sa ‘yo mamaya ‘yung dahilan kung bakit malawak ang ngiti ko ngayon. Makikita mo..”

“Hula ko, kalokohan na naman ‘yan no?”

Tingin mo ngingiti ako ng ganito dahil gumawa ako ng tama? Hehe, let's see..”

“O siya, mauna kana.”

Ngumisi lang si Ceref bago talikuran si Vix saka bumaba sa second floor ng mga seats para dumiretso sa waiting area. Hindi pa rin niya matanggap ang katotohanang nasa loob ng katawan ni Neo ang katauhan ni Eugi, ang babaeng hinahanapan niya ng lusot para malaman ang misteryo sa tunay nitong katauhan. Paano naman ito naging interesado sa ganitong paligsahan? Dahil sa pa-premyong pera? Tss.

“Wala kang maloloko hanggat nandito ako, Uji..” bulong niya sa sarili habang nakabusangot. “Kung akala mong makakalagpas ‘yang panloloko mo, hmm.. Nagkakalimutan yata tayong dumi ka lang at mataas ang rank ko dito. Hampas lupa, tss..”

Masyado mo naman yatang sinasarili ‘yang galit mo?”

Mabilis na napalingon si Ceref nang marinig ang isang lalaki na magsalita sa gilid niya. Bahagya pa siyang nagulat nang magsalubong ang tingin nila ni Rui ang Alpha ng Sorcerer unit. Nakangiti lang ito sa kaniya saka nag-wave ng kamay. Kumusta?”

Rui? Anong ginagawa mo dito?”

Natawa si Rui sa tanong nito sa kaniya. Anong ginagawa ko dito? Kung makapagsalita ka naman para akong outsider..”

“Hindi ka nga outsider pero para ka namang kabute na lulubog at lilitaw..”

“Bad blood pa rin ba, Ceref? ‘Di ba nag truce na tayo? Saka maganda naman ‘yung teamwork natin last time, kakampi mo ko.”

“Tsk.. Kailan ka pa dumating?”

Kanina lang.. Hindi ko pwedeng palagpasin ang tournament mukhang maganda ang labanan e..”

“You don't know a thing..”

“Hmm? Something’s wrong? Teka—kumusta na pala ‘yung victim mo na ‘yon?”

“Sino ba sa kanila?”

“‘Yung latest na pinaluhod mo pero—”

”Ah! ‘Yung weak-ass na ‘yon!? Ha! Ayun, nag drop out na! Tss, sasabi-sabi pa siya na kaya niyang ipaglaban ang karapatan niya! Ano siya, suwerte!? Hindi nga niya kayang lumaban sa ‘kin, karapatan pa kaya niya!?”

“Hahaha, hindi na talaga ako magugulat pag lumitaw ‘yang sungay mo.. Napaka-harsh mo sa mga inferior mo..”

“Para malaman nila ‘yung lugar nila dito..”

“Wala bang bagong biktima?”

Meron..”

“O bakit bigla lang sumimangot?? ‘Me mali ba sa tanong ko?”

“Wala.. Pero sa biktima ko, meron..”

“Oh, anong meron? Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan kapag biktima mo na ang pinag-uusapan..”

Ikaw na ang nagsabi, kakampi kita, ‘di ba?”

“Mm, bakit?” takang tanong ni Rui habang pinagmamasdan ang nagsusungit na namang ekspresyon ni Ceref. Sino na naman kaya ang malas na biktima nito? Maliban sa mga mortals ay marami na rin itong napatalsik sa ibang race kaya imposibleng hindi niya ma-handle mag-isa ang bago nitong biktima.

“I’ll need your help for this person. Hindi siya tulad ng mga normal kong biktima..”

~•~•*•~•~

Ring~

Ring~

Kinapa-kapa ni Sheiko ang phone niya nang mag-ring ito sa loob ng kaniyang bulsa. Pagkakuha nito ay nakita niya ang pangalan ni Neo na naka-display sa screen. Tumatawag ito? Bakit naman kaya? Ini-swipe niya ang call on at nilagay ‘yon sa kaniyang tainga.

“Neo?” bungad niya.

Kumusta diyan?”

“H-Ha?”

“Sabi ko, kumusta diyan?!”

“Hindi kita marinig, teka lang..”

Lumayo ka diyan sa crowd, humahalo ‘yung ingay e!”

“Sige sige, teka..” binaba niya ang phone saka nag-excuse sa mga nakaharang na estudyante. Nang makalayo-layo na siya sa crowd ay muli niyang tinapat ang phone sa tainga. “Neo, hello?”

Oh??”

“Anong oh!? Bakit ka napatawag?”

“Gusto ko lang kumustahin ‘yung sitwasyon diyan? Ano na nangyari?”

“Ayun, ‘me 11 minutes pa bago magsimula ‘yung finals. Nasan ka ba ngayon? Di ‘ba nanonood ka naman ng live?”

“‘Yun nga e.. Nandito ako ngayon sa infirmary ng herbalist ko.. Hindi ko na nasusubaybayan ‘yung laban..”

“Ha? Bakit!?”

“Eh kasi.. Basta hirap i-explain. Tsaka may nakakaalam na ng ginagawa nating ito..”

“Hala, seryoso?? Sino!?”

“H’wag ka ngang sumigaw, dyusme sakit sa tainga!”

“Oh, sino nga??”

“Si ate Heria lang naman..”

“Hooh, kala ko kung sino na.. Pero teka—‘pano niya nalaman??”

“Basta nalaman niya.. Kumusta si Eugi?? Balita ko naka-abot na siya ng finals, ah..”

“Ayun, andun na yata sa waiting area..” usisa ni Sheiko saka napatingin sa screen nang tumapat ang kamera sa emcee pero hindi niya marinig ang mga sinasabi nito. Biglang naghiyawan ang mga estudyante nang hindi niya alam ang dahilan. Napakunot ang noo niya dahil sa curiosity. Ano na naman kaya ‘yon? “Teka lang Neo, ah..”

Ge..”

“Excuse me, ano daw sabi ng emcee?” tanong niya sa dalawang nakasalubong na estudyante. May hawak pa itong popcorn para bumalik sa seats.

“Nag-tie daw ang voting results ni Neonila saka Visla.. Closed na ang poll kaya ‘yun ang porsyente na makukuha nila sa criteria..” paliwanag ng babae.

Sige, thank you..” muli niyang tinapat ang phone sa tainga. Oy, Neo?”

“Ow? Anong tinanong mo?”

“Palaban ‘din ‘tong si Visla e.”

“Bakit daw? Anong meron??”

Naabutan niya pa si Eugi sa voting poll..”

“Gano’n? Okay lang ‘yan, alam naman natin kung sino ang lamang e..”

“Oo nga.. Balik na ko sa seats ko ah, may tatanong ka pa ba??”

“Wala naman na.. Update mo ko mamaya sa mangyayari, ha?”

“O sige-sige..”

“Sige, baba ko na..”

“Mm, pagaling ka.."

Nang matapos ang tawag ay mabilis siyang umakyat para bumalik sa kaniyang seat. Muling nagsalita ang emcee para ipaliwanag ang mga rules sa finals. [“Seven minutes students, There's only seven minutes before our most awaited battle commence! For the first time ever in the history of this tournament, nag-tie ang dalawang contender sa voting poll! This has never happened before, it means napaka-init ng magiging laban para sa final round. Students was awe to see Neonila in the battlefield! As a rookie contender, we never expect her to be that strong!”]

“Wooh! Neonila! Neonila!”

[“As for our title holder, Visla as always never failed to disappoint us with her new techniques.. Our vampire queen always slay us with her beauty and strength! Some of her loyal supporters sends their gratitude through voting!”]

“Visla pa rin for the win!”

“No one can replace our queen!”

“No! Neo will win! Hehe..” singit ni Sheiko.

“Psst, h’wag ka ng makipag-talo sa mga ‘yan, baka mapaaway ka pa..” paalala ng katabi niyang kaklase. Tumingin lang siya dito saka sumimangot.

“Takot ka sa mga yan..”

“Hindi naman, manahimik ka nalang..”

Napailing-iling nalang si Sheiko.

Na‘san pala si Eugi?”

Napatingin siya dito. Bakit mo naman tinatanong?”

“Uhm, wala lang.. ‘Di ba palagi niyo silang kasama ni Neo??”

“Oo, pero bakit ngayon mo lang naisipan itanong.. Kanina pa siya wala..”

“Alam ko.. Its just ang weird kung paano niyo siya naging kasa-kasama..”

“Anong ibig sabihin mo??”

Like how did you three get along well? Nakakausap niyo bayon? Ang hirap kayang kausapin ni Eugi, palaging dedma.. Parang pumapasok lang para sa attendance.. Tapos palaging nag e-espace out kapag tinatanong, parang sira..”

“Ikaw ang sira..”

“Oh? Triggered ka na naman?? Nagtatanong lang e..”

“Tanong tapos sasabihan mo ng sira!?? Ikaw ang sira e..”

“‘To naman.. Anyway, ‘pano niyo siya nalalapitan?”

“Edi nilalapitan namin! Sa panong paraan mo ba gustong lapitan ang isang tao!? Maglakad ka papunta sa kaniya tapos kausapin mo! Take the initiative, my gash!” sumasangit na ang bangs niya kaka-explain sa kaniyang kaklase. “You know, kung may barrier ang isang tao, just take the move to break it.. Kung gusto mong makapasok sa buhay ng isang tao, you need to ask them if they will let you in.. Minsan hindi social ang hadlang para makalapit sa taong ‘yon, kun ‘di ‘yung courage mo na mag-take ng initiative..”

“Well said..”

“See? Haha..”

“Uy, five minutes nalang start na!” dining niyang usisa ng mga estudyante sa likuran nila. Napaangat ang tingin niya sa malaking screen at nakita ang naka-display na five minutes countdown bago magsimula ang final round. Mayroon na lamang silang limang minuto para maka-akyat sa battle field, ‘yun nga lang ay hindi pa rin gumagawa si Eugi ng paraan para makalabas sa loob ng washroom.

Bahala na talaga!

“Yiee, na-eexcite na ko! Hindi ko talaga expected na ‘yung classmate natin ‘yung lalaban sa final round, ang galing-galing naman ni Neo!”

“Oo nga ih, worth it ‘yung support saka banner!”

“Sinabi mo pa hehe.. Kaya make way na kayo, haha!” si Sheiko.

~•~•*•~•~

ABALA sa paglalagay ng lipstick si Visla nang matanawan niya mula sa reflection ng salamin ang pagbukas ng pinto sa kaniyang likuran at pagpasok ni Ceref. Napasimangot siya bigla saka nilingon ito.

Where have you been, Ceref?” malamig ang tono nito.

May dinaanan lang ako, don't be mad. Sinabi sa ‘kin ni Vix na puntahan ka dito.” paliwanag naman ni Ceref sa kaniya, lumapit siya kay Visla saka binigyan ito ng yakap mula sa likod. “I hate it when you're mad.. It makes me so uncomfortable..”

“‘San ka ba kasi nagpunta?”

“I went to the headmistress to associate something.. Anyway, nandito na si Rui, he arrived this morning..”

“I knew about that already.. Pinuntahan niya ako dito mismo para kamustahin. He never changed by the way..” nawala na ang mataray na tono ni Visla. Para kay Ceref, napakadali lang suyuin ng kaniyang fiancee dahil alam niyang madali lang itong bumigay sa kaniya. Hindi na niya kinakailangan na lambingin pa ito para lang hindi na ito magtampo. Isang yakap o simpleng gesture lang ay napapatawad na siya nito. Hehe.

“Baby, you were amazing on the battlefield, I hope your performance was good as that when we're on—”

“Ceref!”

“What??” natatawang tanong niya.

“Stop thinking like that..”

Napangisi si Ceref sa reaksiyon ni Visla. Mas lalo talagang gumaganda sa paningin niya ang babae kapag naiilang ito o hindi komportable sa binabato niyang cheesy lines. Tss, si Visla lang ang nakakagawa nito sa kaniya. Kung ibang babae siguro ang umasta nang ganito sa harap niya ay baka kanina niya pa napagsabihan ng kung anu-ano.

“Sorry, I'll talk about it some time later,”

Natawa lang si Visla saka umupo sa mahabang couch. Tumabi naman si Ceref sa kaniya.

“Seems like today’s battle is different from what it was before,” usisa ni Visla. Nakatingin ito sa small screen ng TV kung saan naka-display ang five-minutes countdown bago magsimula ang finals. Hindi niya alam, pero iba ang pakiramdam niya sa tournament ngayong taon. Wala na ‘yung “calm” feeling na nararamdaman niya tuwing haharap siya sa finals.

“You mean?” tanong ni Ceref.

“The feeling is different..” tugon niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen. “Probably because I'm always excited to make it in the finals. But today, I feel.. I feel.. Nervous..”

“Hey, its normal..”

“Hindi ‘to normal, Ceref.. This is unusual.. Being nervous is unusual.. I never been like this before, because I always knew I’m worth to fight any opponent in the finals..”

“Isn’t this what you wish at the very start? Something that will make you thrill? Aren't you happy that you're feeling that way?”

Umiling si Visla saka tumingin sa kaniyang katabi. “This is not the feeling that I wanted. Its different from what I expect from her..”

“Her? Don't tell me, you are threatened—”

“No! Threatened is not the right word..”

“Tss, you are talking about that rookie contender, tama?” muli na namang bumalik ang inis sa mukha ni Ceref sa tuwing naalala ang rebelasyon kanina. That expression, gesture and even how she talked, it was always be her! Walang pinagbago, kahit kaninong katawan pa ang gamitin niya, ay lumilitaw pa din ang tunay niyang pag-uugali.

“Mm, I was talking about Neo.. Hindi ko talaga inaakala na siya ang makakaharap ko sa finals, maybe because lagi kong nahuhulaan ang makakalaban ko sa finals.. It was unexpected yet thrilling.. Imagine someone you thought was weak, is the one who left standing tall at the end..”

“What you are implying is..?”

“That I've found my match on the final..” ngumiti siya saka napatingin sa kisame. “Years of participating in the tournament and today is the day.. You know how much I've long to have a real battle.. Now, I'll give something that they never seen before..”

“Do it.. Whatever your decision is, I'm always behind you..”

“Thank you, baby..” niyakap si Ceref mula sa gilid.

[“One minute before our most awaited battle! Contenders, please step up on the battlefield! Again, please show your presence on the battlefield..”] panawagan ng emcee mula sa mga speaker na nakakabit sa kwarto. Napahiwalay si Visla sa pagkakayakap saka tumingin kay Ceref.

“Magsisimula na,” tumayo na si Ceref sa kinauupuan saka naglakad papunta sa may pinto. “I’ll head out to watch you, kay? Goodluck..” ngumiti ito sa kaniya bago tuluyang isarado ang pinto. Nang maiwan siya sa loob ay sandali niyang inayos ang sarili saka naghanda para pumunta sa battlefield.

Five years of participating in the annual tournament. Sa loob ng limang taon, pare-pareho ang nagiging senaryo. Siya ang nananalo, siya ang may pinakamataas na porsyento sa voting poll. Siya ang may pinaka-malakas na cheer at maraming taga-suporta. She bagged many awards internationally. Maraming takot sa kaniya, bukod ‘don ay kina-iinggitan din ng mga babae ang kagandahan niya. She almost had it all.

Pero, sa buong taon niyang pagiging anual contender, ngayon palang nakakita si Visla ng ganong ekspresyon ng kaniyang kalaban, na kung tumingin sa kaniya ay para bang walang interes, walang buhay at wala man lang kislap ng saya ang mata. Parang isang black hole ang mata ni Eugi nang magkatitigan sila kanina, walang laman pero parang hinihigop nito ang kaniyang kaluluwa at dinadala sa kung saan.

Iniisip pa rin niya ang mga naging atake ni Eugi sa battlefield. Hindi ito mga normal na atake na pwedeng gayahin tulad ng isang istilo. Moves that can't be mimicked. Dahil wala naman itong instinct, at style ng pakikipaglaban. Para nga lang itong naglalaro sa loob ng tournament at naghihintay na mapatumba ang kalaban.

Oh, well.. A unique opponent..

Narinig nalang niya ang mga hiyawan at palakpakan ng mga nanonood. Hindi niya namalayang nakalabas na pala siya nang backstage. Masyado siyang naging abala sa pag-iisip ng kung anu-ano. Napangiti nalang siya para hindi ipahalata na may iba siyang iniisip, saka kumaway-kaway sa mga nanonood na estudyante.

“Visla-Visla-Visla!”

“Ipanalo mo na ‘yang laban!”

“Woooooh! I love you Visla! Support ka namin sis!”

[“It’s good to have you in the battlefield again, Visla! And now for our second contender, let's call on.. NEONILAAAA!”]

“NEO! NEO! NEO! NEO!”

“OMG. legend versus legend!”

“Magandang laban to! I can't miss it!”

“Fan mo na kami, Neooo!”

Luminga-linga si Visla sa paligid para hanapin ang presensya ni Eugi pero walang siyang nakikitang babae na uma-akyat sa field. Nasaan na ‘yun?? Ilang segundo na ang lumilipas at wala pa ring nagpapakitang Neo sa harapan niya. May balak ba itong suputin siya!?

[“Again, calling for our second contender, Neo.. Please step on the battlefield immediately.. ”] pag-uulit ng emcee. Nagkatinginan na ang mga staff na nag-oorganisa ng event at nagtatanong kung bakit wala pa rin si Neo. Muling humarap ang emcee sa intercom saka nagsalita. [“Sorry to inform the students, pero kasama po sa ating rules na kapag hindi nagpakita ang contender sa loob ng itinakdang oras, ay mawawalan na siya ng bisa na magpatuloy pa sa laban..”]

Humina bigla ang mga hiyawan sa paligid at napalitan ng bulung-bulungan at usap-usapan. Hindi naman mapakali si Sheiko sa kinauupuan niya habang iniisip kung nasaan na si Eugi! Saan naman ito nagpunta? Hindi kaya, wala ng bisa ang pina-inom niyang potion dito!? Hindi maari!

Samantalang, napangisi naman si Visla sa isipan. Bakit naman hindi siya nito susuputin? Natatakot ba itong makaharap niya? Nagbago na ba ang isip nito? Sayang. Gusto pa naman niga ng tunay na laban, mukhang nagkamali siya ng tingin kay Neo. Katulad lang ito ng mga nakaraan niyang kalaban. Mga duwag.

[“If Neo doesn't show up for the last thirty seconds, then the finals will be canceled and the winning will be default! Visla will remain the champion..”]

Half of the crowd cheered, while others starts booing. Naghalo-halo na ang mga ingay ng mga nagrereklamong estudyante at ingay ng mga sumusuporta sa kaniya. Pero kung si Visla ang tatanungin, gusto niya pa ring makaharap si Neo at matuloy ang laban. May the strongest win.

“Thats unfair! Dapat may labanang magagnaap!”

“Oo nga! Ano kaya yun??! Kaya nga may laban eh!”

Yeeeees kay Visla na yan!”

“Noooo! We want a real battle!!"

“Visla for the win, ibigay niyo na sa kaniya ang trophy at prize! Hindi na sisipot yang Neooo!!”

“No fair!

Nagsimula nang bumaba sa fifteen seconds ang bilang ng countdown sa screen na sinabayan naman ng mga estudyante.

“..14!”

“..13!”

”..12!”

“..11!”

“..10!”

“..9!”

“..8!”

[“With only five seconds left! We doubted Neo could make it here! So we decided to cancel the finals and announced the winner of this tournament..”] usisa ng emcee. [“We will now announced the 82th annual tournament champion! Win by default, Vis—”

“WAIT..”

Lahat sila ay natigilan at napalingon sa boses na ‘yon..

Si Eugi!

[“But the time is up..”] ‘yung emcee.

“I made it here before two seconds.. If you don't believe me, check the live cams and replay it..” tumingin ito sa emcee. “Go ahead, I'll wait..”

Ginawa nga ng emcee ang sinabi ni Eugi at chineck ang mga kamera saka inusog ang footage bago pa maubos ang oras. Nagulat sila nang malamang nagsasabi nga ito ng totoo. Bago pa mag five seconds ay umaakyat na si Eugi sa hagdan ng battlefield at nakatapak na ito sa loob ng field saktong dalawang segundo bago mag time's up. Masyado kasi silang abala sa pag-iisip na hindi na ito makaka-abot kaya hindi nila napansin ang presensya nito kanina pa.

***
Art credits to me. 💓

Continue Reading

You'll Also Like

80.6K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
10.9M 202K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...
15.3K 131 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx