His Millionaire

By Alisahjin

188K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Special Chapter
Author's Note!

Epilogue

8K 108 14
By Alisahjin

•Hector's POV•

In every love story, masasabi kung ito ang pinaka-tragic na love story na dumating sa buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang muli. Parang bumagsak ang mundo ko nung nawala si Georgina. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng never akong kinalimutan.

Sa buhay, darating tayo sa punto na mapapaisip kung bakit ganoon ang nangyare. Kung bakit kailangan nating masaktan at kung bakit kailangan nating mawasak.

Limang taon na ang nakakalipas mula ng mamatay si Georgina. Mahabang panahon na ang lumipas pero pakiramdam ko kahapon lang siya nawala. Araw araw ko pa rin siyang naaalala kahit pa may maganda na akong buhay ngayon.

Sa unang araw, buwan at taon na nawala ay sobra akong nahirapan. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kung saan ko hahanapin ang sarili ko. Sobrang sakit ng nangyare sa akin na akala ko hindi ko malalampasan pero sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin ay natanggap ko din na wala na si Georgina.

Naging matatag ako sa hamon ng buhay. Itinuon ko muli ang aking sarili sa pagpapatakbo ng aming kumpanya hanggang sa unti unti akong makarekober. May pagkakataon na bigla na lang akong malulungkot pero hindi ko hinahayaang lamunin ako ng sarili kung kalungkotan at pangungulila.

Huminga ako ng malalim at muling itinuon ang aking tingin sa hawak kung maliit na box. Binigay ito sa akin ni Tita(Mom ni Georgina) tatlong araw matapos mailibing si Georgina hanggang ngayon hindi ko pa rin binubuksan ang laman nito. Limang taon na ito sa akin at hindi ko pa rin alam kung anong laman nito. Kung ano ang nasa loob nito.

Gusto ko kapag binuksan ko ang laman nito ay totally healed na ako. Yung tipong hindi na ako masasaktan kapag may nakita akong mahalaga sa loob nito. Hindi pa ako handang buksan ito. Ibinalik ko pa nga ito kila Tita pero hindi nila ito tinanggap dahil para daw ito sa akin. Iniwan raw ito ni Georgina bago siya mamatay.

“Daddy!!”

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang pumasok sa loob ng aking kwarto ang tatlong taong gulang kong anak. Si Jeorge.

“Baby!” ang tawag ko rito at mabilis na binuhat siya.

Oo. May sarili na akong anak ngayon. Sobrang bilis ngang lumaki at talagang manang mana sa akin.

“Hays. Nakita mo ba---” hindi natapos ni Kara ang sasabihin ng makita niyang buhat buhat ko si Jeorge.

“Si Jeorge.” ang sabi ko.

“Sabi na nga ba e. Pupuntahan ka niyan dito. Tinakasan ba naman ako.” ang daing ni Kara.

Napangiti na lamang ako. Seeing her face it made me happy. Si Kara ang tumulong sa akin para makalimot, makarekober sa sakit na aking narasanan. Siya ang gumamot ng nagdurugong puso ko. Sa kanya ko naranasang muli kung paano mabuhay pa lalo na ng dumating ang anak namin. Nagbago na lahat. Napuno ng mga pangarap ang aking buhay.

“Hanggang ngayon, hindi mo pa rin tinitinggan ang loob niyan. Ayaw mo bang malaman?” ang tanong niya sa akin ng makita niya ang maliit na box na nasa ibabaw ng bed namin.

“Hindi na muna siguro.” ang tugon ko at kinuha ang box saka inilagay sa drawer. Alam niya kung kanino galing ang box na ito.

“Matagal na panahon na ang nagdaan sweetheart, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin siya nakakalimutan?” ang tanong niya sa akin.

“Alam mo naman diba? Mahal ko si Georgina at hindi na magbabago iyon. Patuloy ko siyang mamahalin at sana ganon ka rin. Mabuti siyang tao. Nakita natin iyon nung nabubuhay pa siya.”

“Alam ko naman 'yon. At nagpapasalamat ako dahil naging bahagi ako ng buhay niya.” saad niya at kinuha si Jeorge na kalong ko. “Sige na magbihis ka na at baka mahuli pa tayo. Aantayin na lang kita sa baba.”

“Oo nga pala.” ang nakangiti kong tugon at hinalikan ko siya sa kanyang labi.

Sinundan ko siya ng aking tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Ngayong araw ang sixth anniversary ng pagkamatay ni Georgina. Dadalawin namin siya ngayon kung saan siya nakalibing. Halos every year na namin itong ginagawa. Inaalala at sinasariwa ang mga naiwang alaala niya sa amin.

Tinungo ko ang closet at naghanap ng masusuot. Napukaw ang aking atensyon sa isang damit ko na nakahang sa closet. Ito yung lagi kung suot noon kapag kasama ko si Georgina. Nag decide ako na iyon na lamang ang aking suotin.

Alam ko sa aking sarili na kahit kailan hinding hindi maglalaho ang pagmamahal ko kay Georgina.

***

Bumaba na ako ng bahay at agad na tinungo and aking mag ina. I never imagined kung ano ang magiging buhay ko after niyang mawala. Gumuho ang mundo ko at hindi ko alam kung paano ko aayusin and sarili ko. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para maging masaya ulit ako. God is good all the time. Sa pangalawang pagkakataon ay binigyan niya ako ng dahilan para ipagpatuloy ang aking laban. Laban na hindi ako nag-iisa kundi laban ng aming pamilya.

Yung lungkot ko dati at wasak ng mundo ay binuo ulit ng taong nasa harap ko. Si Kara. I'm sure masaya si Georgina kung ano na ako ngayon. Ito ang hiling niya bago siya mawala. Ang Makita niya akong masaya.

“Daddy!” ang sigaw ni Jeorge ng makita ako.

“Ang kulit talaga ng anak mo.” ang sabi ni Kara.

“Ganoon talaga pag bata. Makulit.” ang nakangiti kong sabi. Nakangiti naman si Kara habang nakatingin sa akin.

“Thank you.” ang mahina niyang sabi dahilan para mapataas ako ng kilay.

“For what?”

Hindi siya sumagot instead ay hinalikan niya ako sa aking mga labi. Isang masuyong halik ang iginawad niya sa akin.

Bago pa kami maging madrama ay niyaya ko na silang pumasok sa loob ng sasakyan. Ito ang pamilya ko.

Ang pamilyang ibinigay sa akin ng diyos. Ang pamilyang pinagmumulan ng aking lakas at inspirasyon.

Kaysarap isipan na hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa hindi magandang ending. Sabi nga nila sa bawat katapusan ay may simula kaya wag tayong mawalan ng pag-asa.

Kung may nawawala ay may dumarating para hilumin ang poot at pangungulila sa ating mga puso.

Dumaan muna kami sa flower shop para bumili ng bulaklak na dadalhin namin kay Georgina. Natatandaan ko pa nga noon, unang araw, linggo, buwan at taon ay lagi kung dinadalaw kung saan siya nakahimlay. Kapag nalulungkot ako ay binibisita ko siya. Kinakausap at parang ewan na nagkukwento sa kanya. Alam ko na hindi niya ako pababayaan kasi hindi ko man siya nakikita pero sa puso ko ay naroon pa rin siya.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho ng makabili na kami ng bulaklak. Habang papasok na kami ng cemetery ay biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit! Marahil alam ng puso ko, kung sino ang pupuntahan ko.

Ipinark ko ang sasakyan at agad na bumaba ako kasunod ko naman si Kara habang kalong niya si Jeorge. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang makulit kong anak.

“Let's go!” ang saad ko.

Parang kahapon lang nangyare ang lahat. Nakikinita ko pa rin ang tagpong iyon. Lahat kami umiiyak, nagdurugo, nangungulila. Ang mga iyak na iyon ang pinakamasakit na nangyare sa buhay ko.

“Lo.lo!!” ang sigaw ni Jeorge ng makita niya ang governor. Napangiti na lamang ako dahil sa kakulitan ng aming anak.

Kita ko sa mga mata ng mag-asawa kung gaano sila kasaya na nandito kami. Hindi na iba ang turing ko sa kanila. Gaya ng ipinangako ni Georgina sa akin, hindi ko sila pinabayaan. Itinuring na pangalawang magulang. Nakakataba ng puso na makita silang nakangiti at masaya.

Niyakap ko sila isa-isa at ganoon din si Kara.

“Akala namin hindi na kayo makakarating.” ang saad ni Tita.

“Akin na nga ang batang 'yan!” ang sabat naman ni Dylan na nasa likuran ng governor kaya agad niyang kinuha si Jeorge sa akin.

“Akala ko pa naman hindi ka makakapunta.” ang sabi ko.

“Pwede ba 'yon!”

Namiss ko rin si Dylan. Akala ko nga hindi ko na siya makikita pa. 2 years ago na ang nakakalipas ng maging volunteer siya ng isang organization. Organization na umaakyat ng bundok upang maabot ang mga taong malayo sa kabihasnan. Upang matugunan at matingnan ang mga kalagayan ng kalusugan nila. Lubos akong humahanga kay Dylan dahil sa pagbibigay niya ng libreng serbisyo sa kalusugan lalo na sa mga remote area.

Nagtawanan kami dahil sa reaksyon niya. Ang laki na rin ng pinagbago niya.

Isang mataimtim na panalangin ang aming inilaan kay Georgina. Sinariwa ang mga masasayang araw na kasama siya.

“Hi Gigi, kumusta ka na? Sobrang miss na miss na kita. Parang kailan lang, kayakap pa kita.. Lumalaban hanggang sa huli. Hinding hindi kita makakalimutan. Nagawa ko na lahat ng hiniling mo noon, for sure masaya ka na ngayon kung nasaan ka man.”

Bigla akong nanlamig na para bang may yumakap sa akin. I know it was George. Niyakap niya ako. Hindi man kita nakikita, alam kong nasa tabi lang kita.




**** THE END ****

A/N :

KUMUSTA po kayo? Maraming thank you sa lahat ng bumasa at magbabasa nito.

Isa na namang kwento ang natapos at kasabay nun ang panibagong istorya na aking gagawin.

Kung gusto niyo pong malaman kung ano ang laman ng box? Wait for the next update :)

May special chapter po :)

----

Kuya Chad


Continue Reading

You'll Also Like

478K 11.8K 37
Taylor klinn el ruego -she belongs exclusively to me, no one else is permitted to claim her from me. You must pass through my coffin before you can t...
382K 7.6K 32
MAFIA'S SERIES #2 Yza Garcia ay isang ordinaryong babae, masayahin, madaldal, masipag sa kanyang pinapasukan na trabaho para lang kumita sa araw-araw...
2.2K 192 49
Garien Klein Guavas ay nag-iisang nagmamana ng Guavas Resort and Restaurant na pag-aari ng kaniyang Lolo. Ngunit mapupunta lamang ito sa kaniya kung...
32.8K 732 36
Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugu...