A Campus Story

By CindyWDelaCruz

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... More

Prologue - First Day Hay!
Chapter One
Chapter Two - Kiss by Kiss
Chapter Three - Acquaintance Party
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Eighteen - Away na itich!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit
Chapter Twenty - Movie Marathon

Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango

121 3 0
By CindyWDelaCruz

"Rain bading ka ba?"- Jake

Candy Chan

“Anong petsa na Mayel? Nandito na kami sa pool party ng school at ngayon sasabihin mo sa akin na hindi ka pa naliligo?” Kausap ko si Mayel sa cp habang naghihintay kay Mart. Ang usapan namin ay alas sais sa may catwalk pero fifteen minutes na akong naghihintay dito.

“Candz, I don’t think I can make it.”

“And why not?”

“Alam mo sa totoo lang you’ve been acting so weird ah. Di ako nagtatanong dahil akala ko babalik ka din agad sa normal. May dapat ba akong malaman?” Nakarinig ako ng buntong hininga from the other end. “Okay, okay hindi na kita pipilitin. Magpahinga ka na lang diyan okay? Sige na.” Siguro nga meron pa siyang hang over sa nangyari sa amin. At least nakauwi na din kami sa aming mga bahay. I really miss home, sa katunayan, mula noong umuwi ako, diretso bahay na ang uwi ko. Hindi na ako nagpupupunta sa kung saan. Medyo nasermunan din ng Mommy kasi nagalala nga sa akin. Wag na daw ako makisali sa mga bagay bagay na wala namang koneksyon sa pagaaral ko. Maya maya lang ay nakita ko na si Mart na tumatakbo papunta sa aking direksyon. 

“Late ka.”

“Sorry, may inutos pa kasi sa akin si Mama eh.”

“Di ka man lang nag text na male- late ka.” sabi ko.

“Pasensya na talaga. Wag ka na magalit.” paglalambing niya sa akin. Hinawakan ni Mart ang kamay ko at saka kami naglakad papunta sa may likod ng gym kung saan nagaganap ang party. 

“Ayoko sa lalakeng hindi nagte text kung male- late. May ibig sabihin kasi yun.”

“Ano naman aber?”

“Sabi, pag nag text o tumawag daw ang isang guy bago ang meeting time niya it means na importante ang aasikasuhin niya kaya siya male- late at kapag nag text o tumawag siya pagkatapos ng meeting time niyo it means busy lang siya sa friends or something na hindi naman ganoon ka importante.”

“Okay, salamat sa pagpapaalala. Tatandaan ko yan.”

“Siguraduhin mo lang na may inutos talaga si Tita Louise sayo ah.”

“Oo naman, eto talagang girlfriend ko o. Hayaan mo di na mauulit.” pangaasar niya sabay akbay.

“Ooops, anong girlfriend ka diyan? Di mo pa nga ako niliigawan eh. Tsaka hello? Pumayag na ba ako?”

Pagdating namin sa pool, puno na agad ng tao. At kahit hindi pa ganoon ka dilim eh puno na ng disco lights ang lugar, isama mo na din ang malalakas na tugtugan. Naka damit panligo ang mga nasa party. Buti na lang we both belong. Si Mart ay naka summer shorts at naka polo at ako naman ay naka two piece sa ilalim ng aking hanggang tuhod na jacket. Ayoko sana itong suutin kaya lang ayoko namang magmukhang manang.

Mayel Dominguez

Alam ko may point si Candy. Ilang araw na din kasi ako wala sa sarili ko. Ilang araw na akong umiiwas sa kung anu- anong mga bagay bukod sa pagaaral. Ilang araw na din akong umiiwas kay Jake. Pag sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin noong namalagi kami sa rest house, di ko malubos maisip kung tama ba ang ginagawa ko? O dapat ko na lang ito kalimutan? Teka bakit ba ako nagpapakaburo dito? Napatingin ako sa may salamin at nakita ko ang malalaking eye bags na nasa ilalim ng aking mga mata. I look ugly. Bakit ba hindi ako pumunta sa party? Naprapraning na ba ako? Tumungo ako sa ref at saka uminom ng isang basong tubig. Okay, tama na ang drama dahil masyado na akong emo dito at di na bagay sa isang Mayel Dominguez na gaya ko. As if naman may magagawa ang pagmumukmok ko dito no? Ano naman ngayon kung hinalikan ako passionately ni Jake aber? For sure pareho lang kaming nadala noong mga panahon na iyon? I grabbed my swimsuits at saka umalis nang bahay. Maya maya lang ay nasa Campus na ako. Tumungo ako sa likod ng gym kung saan naroroon ang pool at agad kong nakita sina Candy at Mart nan nagswi- swimming. Pupuntahan ko na sana sila nang lapitan ako ni Marlon na may dalang dalawang soft drinks. Inabot niya ang isa sa akin.

“Late ka ata.”

“Well, nagdalawang isip pa kasi akong pumunta dito.” Ngumiti siya na para bang nakakaloko at napangiti din ako.

“Bakit naman? Minsan lang mangyari ng ganito sa school ano? Lets just enjoy the night. Wag mo munang isipin yang mga problema mo.”

“Actually, wala naman akong problema eh.”

“Gusto mo bang bigyan kita?” tanong niya sa akin. 

“Wag ka nga magpatawa.” Nakakatawa talaga ‘tong si Marlon. At hindi lang siya basta nakakatawa, I think he’s hot too. Hindi ko ‘to napapansin sa kanya dati noong classmate pa namin siya ni Candy noong high school. Kakaiba ang pagiging hot niya compare kay Jake na parang may pagkamahinhin pa ata. Si Marlon ay iba. Manly kumbaga. And speaking of the devil, nakita ko si Jake kasama si Rio na nasa other side ng pool. And guess what? Meron silang pinagbubulungan. Mukha naman pala siyang nage- enjoy so sa tingin ko balewala lang sa kanya ang mangyari sa amin. At ako naman si tanga nagmumukmok na di malaman ang gagawin. Ni hindi nga ako tinawagan man lang ng gagong yan eh. “Gusto mo sumayaw sa dance floor?” Hinawakan ni Marlon ang baywang ko at saka ako hinapit palapit sa kanya.

“Sure.”

Rainier Lacosta

“Buti na lang talaga naayos na ang lahat no at nahuli na din ang salarin. Balik na naman sa normal ang buhay mo Jake.”

“Kaya nga Rain eh. Kahit ako, feeling ko mababaliw ako kapag namalagi pa ako ng matagal doon sa rest house.” tugon sa akin ni Jake na kasalukuyang umiinom ng root beer sa tabi ko habang pinapanood ang mga nagsasayawan sa may tabi ng pool. 

“Bakit, may masama bang mangyari sa rest house ‘tol? Sinasaktan ba kayo doon?” tanong ko. Siniguradong maririnig niya ang “tol” sa aking sentence.

“Well, wala naman. Kumpleto kami doon bukod sa telepono or computer. Sapat sa pagkain, sa TV, sa magazines. Okay naman.”

“So may problema ba sa mga kasama mo?” kinakabahan kong tanong dahil matatakot ako sa pwede niyang isagot. 

“Actually, wala naman.”

“K- kahit kay Mayel wala namang problema?” Nakita ko ang pag iba ng mood niya na para bang nabalisa na di ko malaman. 

“Anong problema?” Napailing siya at saka inisang lagok ang laman ng root beer. 

“Di ko naman sinasadya eh. Nahalikan ko siya at hinalikan niya din ako. Naghalikan kami for a while. Matagal at maalab. Pare, di ko alam kung ano ang dapat kong marandaman. Di ko maintindihan kung bakit kailangan pang mangyari yun.” Nanlamig ang kalamnan ko sa nalaman ko. Matagal bago ako ulit nakapagsalita.

“Jake, ano ba tayo?” tanong ko. “Ano ba ako sayo?” Napatingin siya sa akin at magkahalong gulat at pagkalito ang nakita ko sa expression niya. 

“Rain, bading ka ba?” mahina niyang tanong. Di ako nakasagot sa halip ay tumango. Bumuntong hininga siya at nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at saka tumayo. “Sorry.” Yun lang ang sinabi niya at saka siya nagmadaling naglakad palayo, palayo sa akin.

Mart Dela Serna

“Uy Jake nandyan ka pala!” Napaupo sa gitna namin ni Candy si Jake na medyo kinainis ko pero okay lang. “Anong problema? Mukhang bad trip ka ah.”

“Oo nga Jake. Ba’t iniwan mo doon si Rainier eh kanina lang ang sweet niyo ah.”

“Candy ano ka ba? Wag mo na nga asarin si Jake.” saway ko kay Candy na agad naman nanahimik at itinikom ang bibig. “Jake, wag mo siya pansinin. Enjoy na lang natin ang party.”

“Nakita niyo si Mayel?” tanong bigla ni Jake.

“Uhm, ayun o! Kasama si Marlon, naglalaro sa pool. Sweet nila no?” pangaasar uli ni Candy. Dinilatan ko si Candy na ngumiti lang sa akin. Nakita ko ang masamang tingin ni Jake, teka nagseselos ba si Jake? Akala ko pa naman by the looks nila kanina ni Rainier ay mababakla na siya pero nagseselos siya kay Mayel? Weird nitong taong ‘to. Tsk tsk! Baka silahis. Nice try Mart. Baka gusto mo masapak ni Jake. Baka nga malakas pa akong sumapak sa kanya eh. Natawa na lamang ako sa naiisip ko. 

“Ikaw Mart, ayaw mo pa maligo?”

“Well, sabik na nga ako makita kung ano ang nasa ilalim ng suot mong jacket eh.” sagot ko.

“Malibog ka Mart ah.” At saka siya tumayo at doon niya hinubad ang suot niyang jacket. Napalunok ako sa nakita ko. Never ko pa nga siya nakikitang naka two piece. Lagi naman kasi siyang naka uniform o kaya jeans. Pero ngayong gabi, nararandaman ko na nagiiba na si Candy. Or maybe she’s just growing up. “Ano? Satisfied your curiosity?” aniya na para bang nangaasar? Agad kong iniwas ang tingin ko. Ewan ko pero mukhang di ko ‘to kakayanin. No, not yet. Di ko kaya. Hindi pa kami ni Candy. Hindi ako dapat magkasala. “Ano ba Mart?!! Ang OA mo ah!” at saka niya ako hinila sa pool at saka kami sabay na tumalon. Narandaman ko ang lamig ng tubig sa pool at ang kanyang mga braso na pumalupot sa akin. Tingin ko hihimatayin ata ako. “Tumingin ka naman sa akin Mart.” Hinawakan niya ang mukha ko at saka siya ngumiti. Napangiti ako nang makita ang mga ngiting iyon. “Wag kang kabahan okay?” aniya kasabay ng mahinang suntok sa tagiliran ko.

“Ouch! Wala namang ganyanan Honey!”

“Utut!” at saka kami humalakhak habang nagbabasaan sa pool. 

Rio del Grande

“Sure ka ayaw mo mag swimming?” tanong ko kay Mia na nage- enjoy sa panonood ng mga nasa pool. Umiling siya.

“Di ako marunong lumangoy Rio.” pag amin niya sa akin. “Kaya mas pipiliin ko na lang na umupo dito.”

“Talaga? At makipaglandian kay Rio?” Bigla ba namang out of the blue ay sumingit ang pinaka ayaw kong makita. Si Jamelle. “Ganoon ba Mia?”

“Well, hindi na-” pagtatanggol ni Mia sa sarili niya pero hindi siya pinakinggan ng babaeng nasa harap namin na kahit ba nasa pool party ay para pa ding pupunta ng libingan. Ngayon ko lang naisip na ang baduy niya manamit. 

“Jamelle, nananahimik kami dito. Wag kami ang puntiryahin mo.” sabi ko sa kanya ng malumanay habang meron pa akong natitira na pasensya sa kanya. 

“Sorry ka na lang Rio, kayo ang target kong bwisitin ngayon.” Yun lang at saka siya nag walk out. 

“Wag mo na lang siya pansinin.” sabi ko kay Mia. Alam kong kailangan kong ipagtanggol si Mia sa babaeng ‘to. Mukhang meron na naman siyang binabalak na masama. 

“Okay lang yun Rio, Not a big deal actually.” aniya at saka siya tumayo at nag unat. “Tara lakad lakad tayo. Ikutin natin ang pool.” Sumangayon ako sa gusto niyang gawin dahil feeling ko mapipisat na din ang pwet ko sa kakaupo. Naka sleeveless siyang shirt at naka shorts. Simple pero maganda. Sa mga oras na yun, parang gusto kong hawakan ang mga kamay niya. “Ang saya no?” aniya. 

“Oo nga eh.” sagot ko. Nang biglang out of nowhere lumitaw si Jamelle at saka nakita kong itinulak si Mia sa pool. Sinubukan kong pigilan pero huli na ang lahat. Narinig ko ang tili ni Mia at parang slow motion na pagkalingon ko ay nalulunod siya at nakita kong humalakhak si Jamelle sa tabi ko. Di ako nagdalawang isip na tumalon para sagipin si Mia. Sinisikap niyang makaahon hanggang sa nahagip ko ang baywang niya at saka siya hinila sa may gilid ng pool. May ilang taong pumalibot sa amin. Si Mia naman ay halatang hinahabol ang hininga. “Okay ka lang Mia?” Dahan dahan siyang tumango habang inuubo. Napatingin ako sa salarin pero wala na siya. 

Jamelle, pagbabayaran mo ‘to.

Miabelle Basco

Sa di malamang kadahilanan tinulak na lang ako ni Jamelle at muntikan pang malunod. Wala masyadong nakakita pero maraming nakakita na nalulunod ako. Nakakainis. Ano bang problema niya? Hindi ko naman siya inaano ah. Buti na lamang at tinulungan ako ni Rio na makaahon. Sa totoo lang akala ko katapusan ko na. Ngayon ay nasa taxi ako pauwi sa aming bahay. Di ko maitindihan pero sa pagkakataong ito ay hindi ako hinatid ni Rio sa bahay namin na medyo kinatampo ko. As if may karapatan ako. Well, oo naman. Magkaibigan kami eh at ex gf niya lang naman ang nagtulak sa akin. Ex gf niyang emo type. Hay naku naman, ano ba 'tong napasok ko?

Siguro mas nainis lang ako sa sinabi niya bago ako makasakay ng taxi. “Mia, hindi ka na niya sasaktan. Sorry pero kailangan na muna kita iwasan. Kasi pag kasama mo ko, lagi na lang may nangyayaring masama sayo. Hindi lang yun ang kaya niyang gawin. Iwasan na muna nating magsama.” Yun lang at sinenyasan na niya ang driver na ihatid ako. Huli na bago nag register sa utak ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, ayaw na niya akong maging kaibigan. Or what?

Jake Constal

Umuwi ako na di malaman kung ano ang dapat isipin, kung ano ang dapat gawin. Hahayaan ko na lang ba na maging ganito ang mga bagay bagay? Una, si Mayel, she have started dating again at mukha naman siyang masaya sa company ni Marlon Enriquez. Mukhang balewala sa kanya ang nangyari sa amin at kinalimutan na niya ito ng tuluyan. At isa sa akala ko ay tunay kong kaibigan at nagtapat na bakla siya. Kinutuban na ako dati kay Rainier pero di ko alakaing gusto niya ako. Tanungin ba naman ako kanina kung ano ba kami? Ang gulo ng buhay ko. Pero ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ako? Suddenly I just feel so weird. 

Pagkapasok ko ng bahay, nagulat ako nang makita ang pinsan ko. “Sa pagkakaalam ko di ka naman dito nakatira di ba?” hay naku, hanggang ngayon ay di pa din siya nagbabago ng style. Sa Molino Campus na siya nagaaral ngayon, late enrollee. Pero ang di ko matiis sa kanya ay ang suot niya. Palagi ba namang nakaitim? 

“Mas matanda ako sayo Jake kaya I think I deserve your respect.
“Alam ba ni Mommy na nandito ka?”

“Well, sasabihin ko pa lang. Papatulong ako sayo. Pinapalayas na ako sa amin.”

“You mean pinapalayas ka na ni Auntie Margie?” Tumango siya. “At ano naman ang gulong pinasok mo this time?” Actually pag nakikita ko ang pinsan kong ito, it just means one thing. Gulo.

“Wala akong gulong pinasok dahil matagal nang magulo ang mundo ko.” tugon niya sa akin.

“Jamelle, what are you doing here?” ani Mommy na mukhang naalimpungatan ata.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...