Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

45. The Box

1.9K 78 9
By angDiyosaNgBuwan

Marahas na napabuntung-hininga si Yuna at tumigil sa paglalakad. Walang gaanong tao sa pasilyong pinasukan niya. Nasa isang mall siya at naglalakad-lakad. Nagpalipas muna siya ng sama ng loob.

Lumabas ka na riyan,” aniya sa taong kanina pang sumusunod sa kanya. Kanina pa niyang nararamdaman ito, hindi nga lang niya sigurado kung sino.

Mula sa isang gilid ay lumabas ang isang babae. Sa itsura pa lang nito ay pangingilagan na. Animo lagi itong galit dahil sa permanente na yatang pagkakunot ng noo. Parang hindi rin ito marunong ngumiti at kung makatingin ay tila ba kakain ng tao.

“You got sharp senses. I thought you didn’t notice me,” anito.

Hinarap ni Yuna ang babae. “Cleo…” bati niya sa kaibigan ni Alexa “ – so it’s you. Bakit mo ba ‘ko sinusundan?”

“Tinatanong pa ba ‘yan?”

“So what? You plan on attacking me from behind? Hindi ko akalain na gano’n ka pala kaduwag,” ani Yuna.

Pagak na napatawa si Cleo. Biglang lumapit kay Yuna hanggang sa halos magkadikit na ang mga mukha nila. Kahit sa tangkad ni Yuna ay halos magpantay lamang sila. “Sino sa’tin ang duwag ha? Ikaw nga itong ilang beses nang sinubukang magpakamatay para makatakas sa mundo, hindi ba?”

Tinapatan ni Yuna ang titig nito. “You consider that weakness? Well, I don’t. At least I’m not afraid of death. I’m way braver than you.”

Biglang hinaklit ni Cleo ang kuwelyo ni Yuna. Napatiim-bagang naman ang huli. Mabuti na lang at nakasuot lang siya ng t-shirt at hindi dress.

“You think you’re the only who played with death? I’ve done that in a much honorable ways. At gaano ka ba katapang ha?  I’m still dissatisfied from our last encounter. So, let’s see just how brave you are,” mariing wika ni Cleo. Binitawan na niya ang damit ni Yuna “ – let’s have a duel. I’ll let you choose how,” paghahamon niya.

Gigil na inayos ni Yuna ang damit niyang nagusot. “Fine. Pagbibigyan kita. Tinatanggap ko ang hamon mo,” matapang niyang turan.

Napangisi si Cleo. “Be careful. Death was coming back to get you. And this time, he’ll make sure to take you completely,” anito bago tumalikod at tuluyan nang iwan si Yuna.

Nang mawala na ito ay noon lang pinakawalan ni Yuna ang pinipigil na paghinga. Nag-iinit ang mga mata at nakakuyom ang mga kamao. She hated being hated all the time and she was getting tired of it.




----




“Box? Sigurado ka na ba sa napili mo?” tanong ni Cleo kay Yuna habang pinapaikutan ito.

Nasa gym silang pinagtatrabahuan ni Jeffrey noon. Sarado ang gym dahil isinasailalim sa maintenance check ang mga equipments. Si Jeffrey ang pinagkatiwalaang magbukas at magsara kaya’t may susi ito doon. Kasama din nila ng mga sandaling iyon ang lalaki, pati na rin si Quintin. Nasa may di-kalayuan ang mga ito at nakamasid. Hindi na nila ipinaalam kay Margo dahil paniguradong tututol ito. At si Maxie naman, kahit masungit ay may pagka-pacifist at paniguradong isusumbong sila sa huli.

Oo, sigurado ako. Kung ako din naman ang pipili ay pipiliin ko na kung saan ako magaling,” kumpiyansang wika ni Yuna na hindi naman nagpatinag sa pang-iintimidate ni Cleo.

Napailing-iling si Cleo habang nakangisi. “Okay, then. But tell you what… it was my sport too. So prepare to lose.”

“Let’s see about that,” ani Yuna. Aaminin niyang medyo kinakabahan siya. Mas higit na malaki ang bulto ng katawan ni Cleo kaysa sa kanya. Idagdag pang para itong mapanganib na hayop sa gubat na sabik na sabik sa dugo.

“Prepare yourself, then. We’ll start right away,” ani Cleo at naglakad nang palayo.

Inabot ni Yuna ang dalang duffel bag at kinuha ang kanyang mga gamit doon. Pinaghandaan na niya ang araw na iyon. Si Quintin naman ay nilapitan siya.

Dapat ay hindi mo na lang pinatulan ang panghahamon niya,” anito kay Yuna “hindi mo alam ang pinapasukan mo. That woman is the wildest and the most blood-thirsty animal in the jungle. And she’s hungry, Yuna. You don’t know what she’s capable of. This is a suicide attempt. Wala kang panama sa kanya.”

Hinubad na ni Yuna ang t-shirt na suot at bumungad ang hapit na sandong suot niya sa loob. “Don’t underestimate me,” ang wika lang niya. Nagsimula nang balutan ng tela ang mga kamay.

“Kung talagang buo na ang loob mo ay hindi na kita pipigilin pa. Tell you what… gusto ko ring makitang mabugbog ka niya. Sobrang sakit ng pagkawala ni Alexa at malaki ang papel mo sa nangyari. Pero ang iniisip ko ay si Aya… siguradong magagalit siya kapag nalaman niya ito. Lalo na kung may masamang mangyari sa’yo,” ani Quintin “ – kaya’t hangga’t may panahon ka pa ay umatras ka na.”

“Hindi ako aatras. At huwag mong alalahanin si Aya, hindi naman niya malalaman ‘to. Isa pa, she wouldn’t care even if I die,” kibit-balikat na tugon ni Yuna.

“Is that what this is about?” kunot ang noong tanong ni Quintin “ – nawawalan ka na ng pag-asa kay Aya kaya gagawin mo ‘to? I thought you’ll fight for her until the end?”

Hindi agad sumagot si Yuna. Natapos na niyang bendahan ang kamay. “That’s exactly what I was doing now. Fighting.” Sunod niyang hinubad ang sweatpants na suot. Itinira lang ang manipis na shorts sa loob.

“This fight isn’t about Aya. This is Cleo’s vengeance, Yuna. Or is this really another suicide attempt for you?” nagdududang tanong ni Quintin.

Inayos ni Yuna ang pagkakatali ng kanyang buhok. Nakapulupot na iyong pabilog. Lalo niya iyong hinigpitan upang hindi makasagabal sa laban mamaya. “Sabi ko naman sayo… huwag mong mamaliitin ang kakayahan ko,” aniya. Matapos ayusin ang buhok ay kinuha na ang sariling pares ng gloves na nasa duffel bag. Naglakad na siyang palapit sa ring.

Napapailing na napasunod na lang ng tingin dito si Quintin.

“Are you ready to get beaten up?” nakangising tanong ni Cleo sa papalapit na si Yuna. Ikinakabit na ni Jeffrey ang gloves nito.

Gumanti ng ngisi si Yuna. “I only aim to win,” aniya. Sinimulan na din niyang isuot ang sariling gloves. Nang makalapit si Quintin ay tinulungan na din siya.

“You seem confident. Tingnan na lang natin mamaya,” ani Cleo.

Nginitian lang ito ni Yuna at hindi na tumugon.

“Brad. Isa lang ang pakiusap ko sa’yo,” si Jeffrey kay Cleo huwag mo siyang papatayin. Please lang, brad. Kapag ginawa mo ‘yan ay mumultuhin ka ni Alexa at kamumuhian ka ni Aya. At si Margo ang papatay sa’yo, brad. Alam kong hindi mo gusto lahat ng ‘yon.”

Tiningnan lang siya ng ilang sandali ni Cleo. “Hindi ko maipapangako, brad,” anito at pumasok na ng ring. “Come in here, loser,” ang tawag nito kay Yuna. Matatapos pa lang itali ni Quintin ang huling gloves nito.

“Be careful, Yuna,” si Quintin “ – and please don’t die. I don’t want to be a murderer, tonight,” bilin niya.

Bahagyang natawa si Yuna. “I won’t die. Not today.” She then joined Cleo inside the ring. Mayroon naman silang headgears at mouthguard kaya’t hindi siya gaanong nag-aalalang mabasag ang mukha.

Pati tayo ay papatayin nina Margo at Aya,” wala sa sariling wika ni Jeffrey.

“Kasalanan mo din ‘to. Ginatungan mo pa ang init ng ulo ni Cleo,” sisi dito ni Quintin.

“At ikaw… hindi ka rin naman gaanong tumutol, hindi ba?” baling naman sa kanya ni Jeffrey.

“At pinagsisisihan ko na ngayon,” saad ni Quintin.

Napailing na lang si Jeffrey at pumasok na din ng ring. Siya ang magsisilbing referee. May pitong nakasukbit sa leeg niya.

Oo nga pala,” Si Yuna “ – meron lang akong kundisyon kapag nanalo ako dito…”

Sarkastikong tumawa si Cleo sa sinabi niya. Huwag ka nang umasang mananalo ka. Pero sige… ano naman ‘yon?” amused na tanong nito..

“Kung manalo ako ay papayag na kayong maging kaibigan ako at ayoko na ring makarinig ng anumang panunumbat mula sa inyo,” ang sagot ni Yuna.

Muling tumawa si Cleo. Napailing. “Ang lakas mo din eh, ‘no? At tingin mo talaga kakayanin mo ‘ko?”

“There’s only one way to find out,” kibit-balikat na tugon ni Yuna.

Napapailing pa rin si Cleo, “well… talunin mo muna ‘ko,” anito at pumorma na.

“That’s a deal, then,” si Yuna.

Hindi na tumugon pa si Cleo. Kumpiyansa naman siyang siya ang mananalo.

Matapos banggitin sa dalawa ang rules ay hinudyatan na ni Jeffrey ang mga ito upang magsimula.

And the two started to dance.

Sa una ay parehong tinatantiya muna ang bawat isa. Parehong determinado ang ekspresyon ng mga mukha. Ang isa’y sabik sa paghihiganti at ang isa’y gustong ibangon ang kanyang dangal. Ang ayaw ni Yuna sa lahat ay ang minamaliit siya.

The first hit was important. Alam iyon ng dalawa. Akala ni Cleo ay agad siyang susugurin ni Yuna ngunit naghihintay din ito. Cleo watched Yuna’s every step. Siya na ang unang nagpakawala ng suntok pero nailagan nito iyon.

Yuna was taking her time.

Isa muling suntok ang pinakawalan ni Cleo. At isa pa. Hinahanap niya ang blindspot ni Yuna. Pare-pareho namang nailagan ng babae ang mga atake niya. Ilang sandaling ganoon sila. Aatake si Cleo at iiwas si Yuna. Bibihira lang makaporma ang huli dahil puro defense ang ginagawa niya. Mabilis ang mga atake ni Cleo at naging dahilan iyon upang mapadpad si Yuna sa gilid ng ring.

Yuna was cornered and Cleo took that to her advantage. She jabbed Yuna with her right and the moment that Yuna avoided it, she released a heavy cross with her left hand.

Yuna was hit on the side. But Cleo missed something. The moment she dropped her defense, Yuna saw an opening. At nang sandaling umiwas si Yuna, kasabay pala noon ay ang mabilis na pag-angat ng kanyang kamay patungo sa mukha ni Cleo.

“Ah!” napadaing si Cleo at napaatras. Hindi siya halos makapaniwala na siya ang unang natamaan.

Ginamit naman ni Yuna ang sandaling iyon upang pumunta sa gitna ng ring. She was secretly rejoicing.

Si Quintin ay parang nakahinga ng maluwag dahil mukhang may pag-asa naman pala si Yuna.

Samantala ay nilapitan naman ng referee si Cleo. “Ano brad? Mukhang naungusan ka na agad ah?”

Asar na itinulak ni Cleo si Jeffrey. At upang siguro ay patunayan na mas nakahihigit siya ay tinanggal ang headgear na nasa ulo at galit na inihagis iyon. Nang makalapit kay Yuna ay gigil na nagpakawala ng sunod-sunod na combos.

Halos walang oras para umatake si Yuna sa bilis ng galaw ni Cleo.

Jab. Cross. Jab. Cross. Hook. Uppercut. Lahat na yata ng klase ng punches ay pinakawalan ni Cleo. Her fist finally connected with Yuna’s left cheek. At mas malakas iyon kaysa sa nagawang suntok ng huli. Kung hindi dahil sa ring na nasa likod ay baka na-knock-out na ito.

Magpapakawala pa sana si Cleo ng isang malakas na suntok upang matuluyan na ang kalaban ngunit biglang tumunog ang pito. Hudyat na tapos na ang unang round.

“Saved by the bell, lucky bitch,” tuya ni Cleo at nagpunta na sa kanyang corner upang magpahinga.

Si Yuna ay hingal na nasapo ang mukha. Sige lang… umatake ka kung gusto mo. Papagurin muna kita bago kita seryosohin,’ lihim na wika niya sa sarili.

Mula sa labas ng ring ay nilapitan siya ni Quintin. Tinapik nito sa balikat si Yuna. “Okay ka lang? ano, kaya pa?” ang tanong nito.

“We’re just getting started,” balewalang tugon ni Yuna. Inalis muna niya ang protective gears at naupo sa silyang ibinigay ni Quintin. Binigyan din siya nito ng towel at tubig. Matapos dampian ng ice pack ay nilagyan na rin ng ointment ang bahaging natamaan ni Cleo.

Salamat,” ika ni Yuna dito.

“You’ve just seen how wild she was and she wasn’t in her full potential yet. Alam kong iniisip mo na kaya mo siyang pagurin pero ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yo… she got superior stamina. Kaya’t huwag ka nang mag-antay na mapagod siya. If you saw an opening, go for it. You have a very slim chance against her, so use that every chance,” payo ni Quintin.

Napatingin si Yuna dito. “I too wasn’t in my full potential yet,” kumpiyansa pa ring wika niya. Ibinigay na niyang muli ang tubig at towel dito at matapos ibalik ang protective gear sa mukha ay tumayo na.

“I’ll make sure to knock you out this time,” ani Cleo.

“If you can,” ang wika naman ni Yuna.

Tinotoo ni Cleo ang sinabi. Na-knock-out nga niya si Yuna nang sumapit ang fifth round. Yuna fought hard kaya inabot pa nila ang round na iyon. But she barely took a hit on Cleo. Kadalasan ay siya ang kulelat sa mga nagdaang round.

Nakakatayo ka pa rin sa lagay na ‘yan?” manghang tanong ni Cleo nang muling bumangon si Yuna bago pa man matapos ang bilang ni Jeffrey.

Nakakapit si Yuna sa ring at iyon ang ginamit upang makatayo. “You won’t easily defeat me,” humihingal na wika.

Pagak na napatawa si Cleo. “You’re one tough woman, I gotta give you that. But you don't stood a chance against me. And I won’t stop until I completely knock you out,” aniya at mabilis nang sinugod si Yuna nang tuluyan na itong makatayo at makaporma.

Yuna saw it – Cleo’s every step as if in a slow motion. Naalala niya ang sinabi ng uncle niyang boxer na siyang nagsilbing mentor niya. Kapatid ito ng kanyang ina:

Hayaan mo silang isipin na hinang-hina ka na at hindi na kayang lumaban. At sa sandaling iyon, they will be at ease and start to loosen up. At doon… doon mo lang gagamitin ang sekretong technique na itinuro ko sa’yo,” anito.

A small smirk suddenly formed on Yuna’s lips.

Palapit na si Cleo…

Yuna held her breath and with a snap of a finger did what her uncle had taught her.

Natigilan si Cleo nang sa pagkurap niya ay biglang nawala si Yuna sa harapan niya. Anong –  Nasa’n –" at bigla ay nakarinig siya ng sipol mula sa kanyang likuran.

“I’m here,” ani Yuna.

Sa paglingon ni Cleo ay kamao ni Yuna ang sumalubong sa kanya. Yuna made sure to give it her best shot. She reserved her strength for that one last punch.

‘Pow!’

Cleo’s vision turned black.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Napamaang sina Quintin at Jeffrey at halos hindi makapaniwala sa nangyari.

Yuna laughed triumphantly. Ngunit maya-maya’y biglang napangiwi at nasapo ang kanyang tagiliran. Halos bali-bali yata iyon dahil sa sunod-sunod na suntok ni Cleo. “Ugh…” Napahawak siya sa tuhod dahil sa labis na panghihina.

Tuluyan na din siyang napaluhod.

“ – I’m beat…” ang daing ni Yuna. At maging ito man ay pinanawan rin ng ulirat at bumagsak sa sahig.

Nagkatinginan sina Jeffrey at Quintin na parehong awang pa rin ang mga bibig. Nang makabawi ay mabilis nilang tinakbo ang dalawang player na pawang walang malay. Si Quintin ang dumalo kay Yuna at si Jeffrey naman kay Cleo.

Kailangan na ba natin silang dalhin sa ospital?” ang nag-aalalang tanong ni Quintin.

Si Cleo, pride lang niya ang hindi makakabawi kapag nagising siya pero ‘yang isang ‘yan… paniguradong may multiple fractured ribs. Kaya…” tumango si Jeffrey “ – oo dalhin na natin sila sa ospital,” aniya. He then proceeded to carry Cleo. Medyo hirap siya dahil sa laki at tangkad nito. Babalikan ko na lang ‘yan,” tukoy niya kay Yuna at lumabas na.





----




“Oh my God, couz!” hindi pa man tuluyang nakakapasok ng hospital room ay bungad na ni Reign. Agad niyang tinakbo ang pinsan. Halos namamaga ang buong mukha ni Yuna nang dahil sa mga pasa.

Kasama din ni Reign si Jessica na nag-aalala ring nakatingin sa pinsan.

“Sinong may gawa nito sayo? Sabihin mo at babawian namin,” galit na wika ni Reign.

“Did you tell the police?” ang tanong naman ni Jessica. Wala silang ideya sa nangyari sa pinsan. Basta’t tinawagan lang sila nito at pinapunta sila sa ospital.

Kumalma nga kayong dalawa…” saway ni Yuna sa mga ito “okay lang ako. We just played boxing.”

“Boxing?” si Reign “sino bang kalaban mo at parang galit na galit naman sa’yo? Itinanong namin sa desk ang lagay mo at sabi nila, you got six fractured ribs. Wala ka din daw malay nang dalhin dito. Underground ba ang pinasukan mo?” napalo niya ang pinsan sa braso sira-ulo kang talaga. Nagpapakamatay ka na naman ba?”

Aray, ha…” daing ni Yuna Huwag ka na ngang namamalo. Kita mong bugbog na ‘ko. Sabunutan kita diyan eh. At ang OA mo lang mag-react, hindi underground ‘yong sinalihan ko. Hindi pa ‘ko nababaliw ‘no.”

"Hindi ka pa baliw sa lagay na 'yan? Ilang beses na  ba 'tong nangyari? Parang nagiging regular patron ka na ng mga ospital,” mataray na komento ni Reign.

“That was a long ago. And you missed the other big one,” ang tukoy niya nang ma-confine siya sa Vermont. Hindi kasi ito nakapunta noon.

“Ano ka ba… hanggang ngayon pinagtatampo mo pa rin ‘yon? Kung wala lang akong modeling gig no’n, pinuntahan kita agad. Pero ‘couz... Victoria’s Secret ‘yon. Alam mo namang big dream ko ‘yon ‘di ba?” pagrarason ni Reign “ – kung hindi ka ba naman baliw at nagpapakamatay ka!” agad na dugtong at bumalik ang pagtataray.

“And don’t change the subject,” si Jessica “sino bang nambugbog sa’yo?” kunot-noong tanong at inilapit ang mukha sa pinsan “at sino ‘yan?” nguso niya kay Quintin na kanina pang tahimik na nagmamasid. Nakaupo ito sa visiting chair at biglang na-conscious nang mabaling sa kanya ang atensyon ng magpipinsan.

“Uh… siya si Quintin,” ani Yuna “ – kaibigan ni Alexa. Quintin,” baling naman niya sa tahimik na babae “ – mga pinsan ko nga pala. Sina Reign at Jessica.”

Alanganing ngumiti at tumango naman si Quintin.

Lumipad pabalik kay Yuna ang tingin ng dalawang pinsan.

“Kaibigan ni Alexa?” si Reign. Bahagyang naningkit ang mga mata “don’t tell me… “

“So, kaibigan ni Alexa ang naghamon sa’yo ng boxing?” si Jessica na nakapamaywang.

Nang mga sandaling iyon ay parang gusto nang lumabas ng kuwarto ni Quintin.

“Guys… ako naman ang nanalo. Isa pa, hindi naman ako pinilit ni Cleo. I agreed to fight her. Don’t make a big deal out of it,” ani Yuna.

Bahagyang kumalma ang ekspresyon ng dalawang pinsan.

“You won? And how’s the other girl? Did you make Tito Stan proud?” ang tanong ni Jessica.

A proud smirk formed on Yuna’s lips. “Of course.”





----




“Good morning, brad,” ang bati ni Jeffrey nang magmulat ng mata si Cleo, naglalaro ang ngiti sa labi.

Nasapo ni Cleo ang kaliwang mata, halos hindi kasi niya maimulat iyon. “Ugh… shit,” napamura siya nang maramdamang may gasa iyon.

Natawa si Jeffrey. “Damn, brad. She got you good.”

“T**g-ina mo. Sinuwerte lang ang bitch na ‘yon,” pagtatakip ni Cleo sa nasaktang ego. Hindi niya matanggap na naisahan siya ni Yuna.

Napailing-iling si Jeffrey. “Pero natalo ka pa rin niya. Alin ba ang mas masakit… ‘yang mata mo o ang pride mo?” anitong sinundan ng nakakalokong tawa.

“Gago!” asar na asik dito ni Cleo “masyado lang akong nakampante. I didn’t know she got some hidden trick up her sleeve.”

“So, inaamin mo nang mas magaling siya sa’yo?” pang-aalaska pa ni Jeffrey.

Sa asar ay nabato ni Cleo ng unan ang kaibigan. Tumahimik ka, gago!”

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon sina Margo at Maxie.

“Uh-oh…” mahinang sambit ni Jeffrey. Hindi niya tinawagan ang mga ito, kaya malamang ay si Quintin ang nagpaalam sa dalawa. Ibinalik na niya kay Cleo ang ibinatong unan nito.

“Oh my God…” si Maxie na agad na nilapitan ang kaibigang nakahiga sa hospital bed “she did this to you?” parang amazed pang tanong nito at biglang natawa. “Wow. I can’t believe it. Hindi ko inaasahan na si Yuna lang pala ang katapat mo,” may halong pang-aasar na wika.

Napipikang pinalis ni Cleo ang kamay ni Maxie na nakahawak sa kanya. “Shut up, bitch. Sinuwerte lang ang mangkukulam na ‘yon. At mas marami akong tama sa kanya.”

“Pero ikaw… na-knock-out sa isang suntok lang. Biruin mo ‘yon?” halos di pa rin makapaniwalang saad ni Maxie, “she must be good.”

Asar na napagitgit ng mga ngipin si Cleo. Hindi na nito kailangang ipaalala sa kanya iyon, lalo lang nababaon ang pride niya.

Si Margo naman ay madilim ang mukha at magkasalikop ang dalawang braso. Kagagaling lang namin kay Yuna. She got six fractured ribs and an almost bloated face. Ano bang iniisip mo at ginawa mo ‘to? hindi ba’t nag-usap na tayo?” may bahid ng inis na litanya niya.

Napaikot naman ng mga mata si Cleo. “Come on, dude… it’s not like I killed her and besides… she agreed to do this.”

“Because you provoked her to!” asik ni Margo.

“Eh ano naman ngayon? Kulang pa nga ‘yon eh… Kung hindi lang talaga ‘ko nawalan ng malay, tutuluyan ko na ‘yong mangkukulam na ‘yon.”

Biglang kinuwelyuhan ni Margo si Cleo. “Hindi ba’t ibinilin ni Alexa na alagaan natin si Aya? Sa tingin mo ba kakayanin pa niya kung pati si Yuna ay mawala?”

“Brad, tama na ‘yan…” awat ni Jeffrey na lumapit na sa dalawa.

“Bakit ba concern na concern ka sa mangkukulam na ‘yon? May gusto ka yata sa kanya kaya’t ganyan mo na lang siyang ipagtanggol. Lahat na lang ba ng babae papatusin mo?”

Naningkit ang mga mata ni Margo sa sinabing iyon ng kaibigan, at sa inis ay nasuntok niya ito sa mukha.

Agad namang pumagitna si Jeffrey at pati si Maxie ay nakiawat na din.

“Gago ka pala eh,” duro ni Margo kay Cleo Si Aya ang iniisip ko dito.  At pati ikaw na rin. Siguradong gulo ‘to kapag nalaman ng mga magulang ni Yuna. Sa tingin mo ba, mananahimik na lang ang mga Smith?”

Napaismid lang si Cleo. “Wala akong pakialam. Baka nakakalimutan mo rin kung sino ako. Kahit sagupain pa ako ng buong angkan ng Smith, hindi nila ‘ko kaya,” mayabang na turan.

Napakayabang mo rin talaga ‘no? Balang-araw makakahanap ka ng katapat mo. At itong tandaan mo… kapag inulit mo pa ‘to, kalimutan mo na ring kaibigan mo ‘ko,” inis na turan ni Margo bago umalis. Pabalibag nitong isinara ang pinto.

Napabuntung-hininga at napailing si Maxie. “Alam mo… concern lang sa’yo ‘yong tao. Alalang-alala ‘yon nang malaman ang nangyari. Pero siyempre iniisip niya din si Aya. Sa tingin mo, ano bang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ‘to? Huwag mo kasing pinaiiral lagi ‘yang init ng ulo mo. Tandaan mong wala na si Alexa. Margo was taking her place. Sa aming lahat, bukod kay Alexa, siya lang ang kayang kalabanin ka kapag inaabot ka ng sumpong mo. Kaya please lang… huwag mo nang dagdagan ang pinapasan niya. Lahat tayo nahihirapan dito. Hindi lang ikaw.”

Pagkatapos noon ay sumunod na din si Maxie sa kaibigang naunang lumabas.

Nangilid ang luha ni Cleo. Si Alexa lang kasi ang kayang tumiis ng ugali niya kahit gaano pa siya kasira-ulo. Ito lang din ang kayang magpagaan ng pakiramdam niya sa mga panahong bumabalik ang depression niya. Kasa-kasama din niya ito sa mga kalukuhan. At alam niyang sinasamahan lang siya nito upang huwag siyang mapahamak. Sanggang-dikit sila ni Alexa. At ngayong wala na ito ay napakalaking dagok para sa kanya. Kaya naman ay hindi magawang humupa ng galit niya para kay Yuna. Para sa kanya ay ito ang naging sanhi ng pagkawala ni Alexa.

Tinabihan ni Jeffrey ang kaibigan at inakbayan. “Tama na ‘yan, brad. Nagmumukha kang weak. Hindi bagay sa’yo.”

Naitulak ni Cleo ang lalaki. “Gago!”




----




Isang linggo na ding hindi nagpapakita si Yuna kay Aya. Isang beses lang itong nagtext para kumustahin siya pero dahil sa pagpapairal ng pride ay hindi na niya ito nagawang i-reply. At simula noon ay hindi na ito nag-abalang magpadala pa ng mensahe sa kanya.

“Ano nami-miss mo na siya?”

Nagising sa pagmumuni-muni si Aya sa tanong ni Ivy. Kausap niya ito sa Skype. Nasa Singapore ito ngayon dahil nandoon ang assignment nito.

“At bakit ko naman siya mami-miss?” Aya tried her best to keep a straight face. Gusto niyang dayain ang sarili na natutuwa siya sa hindi pagpaparamdam ni Yuna pero sa loob-loob niya ay lihim din siyang na-d-disappoint. Sinabi kasi ni Yuna na hindi siya nito susukuan pero ngayon ay tila hindi na nito napangatawanan iyon.

“Mm-hm… okay… sabi mo eh… pa’no kung may nahanap na pala siyang iba, okay lang sa’yo?” panunudyo ni Ivy.

Umasim ang mukha ni Aya. “Eh di maghanap siya ng iba. Pakialam ko sa kanya,” iritadong wika niya.

“Hindi ka naman mukhang affected…” tudyo pa ni Ivy.

“Wala akong pakialam sa mangkukulam na ‘yon.”

“Ay naku, Aya… sige magmatigas ka lang. Alam kung nasasaktan ka sa pagkawala ni Alexa, pero sa ginagawa mo… isang minamahal mo na naman ang mawawala. Mag-isip ka bago pa mahuli ang lahat.”

“Hindi ko na kasalanan kung agad-agad siyang susuko,” pagdadahilan ni Aya.

“So, you’re still willing to give her a chance?”

“Hindi ko sinabi ‘yon,” pagtatakip ni Aya “teka nga… bakit ba siya ang pinag-uusapan natin? Tumawag ka ba para sermunan lang ako?”

Nagsasabi lang naman ako. Napapagod na kasi ang balikat ko sa kasasalo ng mga luha mo,” pagbibiro ng kaibigan.

“Nagrereklamo ka ba? Puwede ka namang maghanap ng ibang kaibigan kung gusto mo.”

Natawa si Ivy. Tampururot ka naman agad. Siyempre biro lang. Ikaw pa, malakas ka sa’kin.”

“Hmp,” irap ni Aya “ano nga palang nangyari do’n sa manliligaw mo?” pag-iiba niya sa usapan.




----




Three more days later…

Nakatitig si Aya sa microwave at hinihintay ang iniinit niyang left-over pizza. Nagutom siya kaya naisipan niyang mag-merienda. Nang tumunog na ang microwave ay kaagad niyang kinuha ang pizza at isinalin iyon sa plato.

Sa pag-ikot niya ay kamuntik pa niyang mabitawan ang platong hawak.

“Missed me?”

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
17.9K 720 30
Sani Tuazon, an outcast average student who fell in love with the multi-talented, smart and popular girl in their campus-totally her opposite. After...
25.5K 1.3K 29
If the silent heart voiced out, what happens? P.S: This is a girl to girl love story. This story confuses me. Lol.