BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 17: Shine

27.2K 937 47
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Hindi ko alam kung nasa group na kayo (sali kayo basta sagutin lang ang security questions) pero pinopost ko yung top comments na nababasa ko sa mga update na tuwang-tuwa ako. May Top Iyak Moment na dahil sa mga nag co-comment ng experience nila kung paano sila napaiyak ng HeDer :3 Kaya share the feels lang! Lablab!


HERA'S POV

A few years ago...

Hindi ko pinansin ang mga dumadaan na napapatingin sa akin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ng hawak ko na burger. Binili ko iyon sa Jollibee dahil wala akong balak mag-intay sa Craige's ng pagkatagal-tagal dahil ang dami pang arte na ginagawa sa mga pagkain do'n ang kapatid ko na head chef doon.

Walang finesse na dumukot ako ng apat na pirasong french fries at basta ko na lang iyong isinumpal sa bibig ko. Harabas na nginuya ko iyon na para bang katatapak ko lang sa sibilisasyon at ngayon lang ako nakakain ng fries sa tanang buhay ko. Hindi pa ako nakuntento at binuksan ko pa ang maliit na pakete ng powdered cheese na dala ko at ibinuhos iyon sa lalagyan ng fries.

Lagi kasi ako no'n nagpapabili kay Mama dahil adik talaga ako sa keso lalo na kapag fries at pizza ang pinag-uusapan.

"You know? I like your guts. Kahit pinagtitinginan ka na parang may sarili ka pa ring mundo."

Saktong kakakagat ko lang ng malaki sa burger nang marinig ko ang pamilyar na boses. Namumualan ang bibig na nilingon ko ang pinanggalingan no'n at kaagad naningkit ang mga mata ko nang mamamataan ko si Thunder Night, anak ng elite agents na sina Wynter at Rain night, na nakaupo sa kabilang bench mula sa kinauupuan ko.

Lumunook ako bago ako nagsalita, "Tinitignan lang nila ako dahil naiinggit sila sa kinakain ko. 'Wag kang green minded."

Alam naman kasi namin pareho kung anong ibig sabihin ng Jollibee sa BHO CAMP. Kung bakit naman kasi ang bida-bida na bubuyog na 'yon ay naging sex symbol na rito. Kawawa naman ang inosenteng chubby na 'yon.

"Ikaw ang green minded diyan. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang obvious na pagbaling mo ng galit sa kinakain mo. Kahit siguro bulag saglit na makakakita dahil gano'n katindi ang nag ra-radiate sa'yo na inis sa mundo."

"At ikaw na ang susunod ko na pagbabalingan pag hindi mo ako tinantanan." asik ko sa kaniya.

"Paano? Kakainin mo rin ako?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Halata kasing iba ang tinutukoy niya base na rin sa paraan ng pagkakangisi niya sa akin. Umangat pa ang isa niyang kilay na para bang hinahamon ako.

"Alam mo, pwede kitang ireklamo. Technically, you're an adult and I'm a minor."

He chuckled and raise his hands as if he's surrendering. Pagkatapos no'n ay may kinuha siya sa tabi niya na pamilya na paper bag. Mukhang nanggaling din siya sa fastfood chain sa harapan namin. Hindi ko na kailangan maging genius para malaman kung bakit meron siya no'n. Sigurado kasi akong hindi siya nag i-i-stress eating lang katulad ko.

"So anong dahilan at nag mo-moment ka rito?" tanong ni Thunder pagkaraan.

"Wala ka na do'n."

"Come on, I'm harmless. Makakalimutan ko rin naman kung ano ang sasabihin mo dahil hindi naman tayo close kaya paniguradong hindi sasakupin ng kung anong problema mo ang kahit na maliit na parte sa memorya ko." Nang manatili ang naniningkit kong mga mata na nakatuon sa kaniya ay ipinagpatuloy niya ang pangungumbinsi sa akin, "What happens in Jollibee stays in Jollibee."

"We're outside."

"Pwede na 'yon. Hindi bagay ang What happen outside Jollibee stays outside of Jollibee. Pangit di ba?" he said before he moved his eyebrows as if prompting me to speak up. "Ano ngang problema mo?"

Pinaikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya. Halata namang nagpapakuwela lang ang lalaki at naghahanap lang ng pampawala ng boredom niya. Kung bakit ako ang trip niya ngayon ay hindi ko alam.

Pero tama naman ito. Hindi naman ako importante sa kaniya at hindi rin siya importante sa akin. Kung ano man ang sabihin ko sa kaniya ay duda akong magtatagal iyon sa utak niya na paniguradong mapupuno na naman ng kung anong kababalaghan na ginagawa niya kasama ng pagkadami-daming babae sa buhay niya.

"Wala akong prom date dahil ang boyfriend ko- ex-boyfriend I mean ay pinagpalit ako sa head ng cheer leading squad. Not that I care because with our month long relationship I already realized what a total douche he is. But he has the audacity to break up with me a day before prom?! For such a cliche reason!"

Inabot ko ang softdrinks na kasama sa binili ko pero lalo lang nagsalubong ang mga kilay ko nang mahawakan ko iyon at mapagtantong wala ng laman ang cup. Naiiritang tumili ako bago muli kong binalik ang tingin ko kay Thunder na ginagawang popcorn ang fries niya dahil panay ang subo niya habang pinapanood ako na para bang palabas ako sa telebisyon. "That Miley is such a bitch, by the way. Not because that douche cheated on me because hell, when a man cheated that is his fault because he's the one who disrespected the relationship. Hindi iyong babaeng ginawa niyang kabit. Pero I know that bitch is planning this for awhile now since I beat her on the school pageant. I know because he tried to goad me yesterday, I just didn't know it will be about that douche!"

"Okay. Hinga ka muna." Lumapit si Thunder sa kinauupuan ko at inabot sa akin ang hindi pa niya naiinom na softdrinks bago siya bumalik mula sa sariling bench at nagpatuloy sa pagkain ng fries. "We're talking about Miley Salvosa right?"

"You know her?" I returned. Nang hindi siya sumagot agad ay nanlaki ang mga mata ko at napasinghap, "Oh my gosh! She's a minor!"

"It's not what you think. I once dated her sister." natatawang sabi ng lalaki. "I've seen Miley a couple of times. She's tight with her sister kaya hindi nakakapagtaka na iisa lang ang ugali nila."

"Miley's sister cheated on you?"

"Hindi." nakangising sabi ng lalaki. "She cheated on her boyfriend for me."

Hindi makapaniwala na nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Parang gusto ko siyang ibalibag at itapon sa bulkan kasama ng gago kong ex-boyfriend. "Wow. You're a dick too."

Nagkibit-balikat siya na mukhang hindi apektado man lang sa sinabi ko. "At least I know I'm one. Hindi ako nagpapanggap na mabait o matino."

"And that's a good thing?"

"Not really." he said with a chuckle. "Ano ng balak mo ngayon? May nahanap ka na bang date para sa prom niyo?"

"As if that's possible."

Matamang tinitigan ako ni Thunder na para bang sinusuri ang kabuuan ko. Naiilang na nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ko na lang ulit sa kinakain ko ang atensyon ko. Pakiramdam ko kasi ay nakikita niya pati kaluluwa ko sa paraan ng pagkakatingin niya.

"Maganda ka naman. Mas nakakapagtaka kung walang magkakandarapa para ayain kang maging date ngayong libre ka na."

Hindi ko pinansin ang papuri niya at napasimangot na lang ako. Hindi ko maimagine na magsama ng bagong date dahil lang sa hindi na sisipot ang ex-boyfriend ko. I'm not that petty to use another person just because I want to get even. "Wala akong gusto na maka-date kahit sino sa kanila."

"So meron nga." sabi niya at napatango-tango pa. "Bakit hindi ka na lang pumayag kahit isa sa kanila? Kesa naman wala kang kasama bukas."

"Because I don't like them. At least I like Luis before he showed himself to be a total ass. I'll look pathetic if I go with a new date knowing that it only happened because that douche ditched me. Saka alam mo namang star player ng basketball si Luis. Kaya ang dating parang nag downgrade ako."

"And going alone won't look pathetic?"

"Going alone is an act of defiance. They can't make me kneel."

Nag-iinat na tumayo siya at nakangiting tumingin sa langit. Bahagyang napapikit ang lalaki dahil sa pagkasilaw bago siya nagbaba ng tingin sa akin habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi. He's always like that to everyone. Laging nakangiti at palaging parang hindi nauubusan ng energy.

"If there's someone that can do it there's no doubt it would be you. You're beautiful. You don't need a man to make you shine more." Hawak ang lalagyan ng fries na lumapit sa kinaroroonan ko at marahang binangga iyon sa hawak ko rin na lalagyan na para bang sinasabing "cheers". "Blind them, Hera Scott."

Sandaling nakatingin lang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Pagkaraan ng ilang sandali ay sumilay ang ngiti sa mga labi ko dahilan para lumawak ang sa kaniya.

I will surely do. Because I am Hera Scott and not a drop of blood in my veins know how to back down from a fight.



Present day...

ISANG maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ko sa alaala na pumasok sa isipan ko. Kahit matagal na rin mula nang mangyari iyon ay para bang kay linaw pa rin no'n sa utak ko. Parang kailan lang na ganoong kasimple lang ang problema ko.

Marahang hinaplos ko ang kamay ni Thunder na nakalapat sa kinahihigaan niyang kama. Payapa ang mukha niya na para bang walang nararamdamang paghihirap. Para lang siyang natutulog. Katulad ng mga ilang pagkakataon kung saan maabutan ko siyang natutulog. Pag gigising siya ay siguradong nakahanda na ang ngiti sa mga labi niya. Ngiti na hindi kailanman nagbago. Katulad pa rin noong una niyang ituon sa akin iyon.

"Hera."

I can almost hear his voice calling me. His voice rough from sleep. Kahit disoriented pa siya ay hindi niya ako nakakalimutang hanapin na para bang kahit sa panaginip niya ay dala niya ako at tinitiyak niya lang na magkikita pa rin kami sa realidad.

"Baby, you really need to wake up. Tatlong linggo ka ng natutulog. Masyado ng mahaba ang bakasyon mo."

Halos hindi ko makilala ang sarili kong boses. Basag iyon at halos walang mailabas na tunog. My throat seems parched.

I never leave his side. Umaalis lang ako kapag kailangan ko ng bagong damit at pagkatapos ay bumabalik ako ulit sa kwarto niya sa BHO CAMP Hospital. At first, I always make sure to leave when his family would visit. But they stopped me and they told me that I don't have to that.

"You're part of our family, Hera. You love him too like we do."

Thunder's mother said those words to assure me that they don't mind that I'm with her son. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hinahayaan nila na ako na ang magbantay kay Thunder sa gabi. Minsan kasama ko si Freezale, minsan si Snow. Pero may pagkakataon katulad ngayon na naiiwan akong mag-isa kasama siya. Pag-umaga naman nandito ang mga magulang niya o ang ibang mga agent. Athena usually frequent here dahil hindi siya kumukuha ng mission at sinasamahan na lang ako.

Tumayo ako at bahagya akong dumukwang kay Thunder para ayusin ang kumot niya na bahagyang nagalaw dahil siguro kanina nang makatulog akong nakasubsob ang mukha sa tabi niya. I pulled the blanket up his chest. My hand lingered right on top of his heart.

"I'm still fighting, Thunder, because you're still keeping it beating."

Results after results showed the same report like the first one. Walang pagbabago. Right now, everyone is just waiting. Either for him to wake up or for his family to make a decision.

Pinipigilan ko ang sarili ko na isipin ang pangalawang bagay na iyon. Dahil alam ko na wala akong karapatan para sa desisyon na iyon. That's why no matter what, no matter how long I still have left, I will continue to wait. Ayokong sumuko. Just the thought of giving him up and not seeing him again is beyond death for me.

"Hey."

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses na nanggagaling doon. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Will na nakatayo doon. Hindi ko inaasahan na pupunta siya. Hindi ko nga alam na na-release na siya dito sa ospital.

Itinaas niya ang hawak na paper bag, "May dala akong pagkain."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to. May pagkain naman dito sa ospital."

"Alam ko. Pero siguro rin ako na nagsasawa ka na sa pagkain dito kaya dinalan na kita."

Binigyan ko na lang siya ng maliit na ngiti bago ko tinanggap ang inaabot niya. Wala namang pinagkaiba iyon dahil kahit saan pa galing ang pagkain ay iisa lang ang lasa no'n para sa akin. Everything just taste so bland. Bukod pa do'n ay lagi naman akong walang gana.

"And you also need to drink water." sabi ni Will at itinuro ang mga labi ko. "Your lips are too dry."

Kinuha ko sa kaniya ang tubig at ipinatong ko iyon sa bed side table bago ako muling umupo. Nakita kong naghila ng upuan si Will at inilagay niya iyon sa tapat ng kinaroroonan ko. "Eat."

"I don't remember you being this pushy."

Mukhang hindi naman ito na-offend sa sinabi niya, "Hindi pa kasi ako nabubugbog noon. I'm a new man now. Naalog siguro ang utak ko."

"Right." I told him before I turned to the paper bag I'm holding. Binuksan ko iyon at hindi ko mapigilan na mapangiti nang makita ko na Jollibee burger at fries iyon.

"Here."

May gumapang na panglalamig sa akin nang makita ko ang inaabot ni Will. Maliit na pakete iyon ng powdered cheese. Wala namang nakakaalam na mahilig ako ro'n kapag kumakain ng fries kundi pamilya ko at si Thunder.

"How-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may inilabas siya na maliit na notepad at pumilas ng isa do'n. Inilapag niya iyon sa kama ni Thunder at malapit sa direksyon ko. Nagtataka man ay kinuha ko iyon at binasa ko ang nakasulat.

Napatakip ako sa bibig ko habang ang isa ay nanginginig habang hawak ang papel. I can remember the penmanship will. I know it's Thunder's.

She loves powdered cheese on her fries. She probably won't be able to eat this time so make sure to buy her favorites from Jollibee. Original champ burger and jumbo fries. Pero pagbibili ka ng powdered cheese siguraduhin mo na iyong maliliit lang ang pack. She tend to pour all the content in one go kahit malaki pa ang lalagyan.

"Nang magising ako sa hospital room ko ay itong notepad na 'to ang una kong nakita sa tabi ko. Hindi ko maintindihan noong una but when I heard about what happened to him, I realized that he's the one who left this beside my bed."

"C-Can I read everything?"

Umiling si Will at ibinulsa ang notepad. "I can't. Much as I want to end your misery in one go. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya gusto na ibigay ko sa'yo ang mga ito isa-isa. It will just make you remember him everyday and that would probably hurt you each time knowing that he's not the one giving these notes to you."

Sa nanlalabong paningin ay nilingon ko ang kinahihigaan ni Thunder. I know him so well. Alam ko kung kailan niya iniwan ang notepad na 'yon sa kwarto ni Will.

"I hope he can pull you back when you start to wander and lose your way."

Naaalala ko kung paanong sinabi sa akin iyon ni Thunder nang minsang dalawin ko si Will sa hospital room niya. The day that I found out that we only have months. But it was a lie. Kasi kahit iyon ipinagkait sa amin. Everything was too fast.

"You know why." Will said as if reading my thoughts. "Alam mo kung bakit sa akin iniwan ito ni Thunder."

"Yes." marahang pinaglandas ko ang kamay ko sa braso ni Thunder pababa sa kamay niyang nananatiling walang pagkilos. "Because he wanted to take care of me even if he's not here. Even when he can't anymore."

"And he chose me to do this? Why?"

Sinalubong ko ang tingin niya na para bang sinasabi ko sa kaniya sa pamamagitan no'n ang sagot sa tanong niya. When realization hit his eyes, he looked at Thunder's direction as if he can't believe what he's thinking.

"Paano niya nagawang isipin iyon? How can it be fine with him?" he asked again.

"He's always been selfless even though he's showing the world otherwise. Kapag nagmahal siya walang kulang. Laging buo, laging todo. Kahit alam ko na nasasaktan din siya na isipin man lang. Kahit alam kong hindi madali para sa kaniya. But he will always set his own feelings aside if it means taking care of those he loves."

"And you are okay with that?"

Sa kabila ng luha ay sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Ngiti na alam kong sumasalamin sa pait na nararamdaman ko. Noon pa man wala ng inisip si Thunder kundi kung anong gagawin niya para masigurong magiging masaya ako ulit kapag hindi na niya kayang gawin iyon para sa akin.

Lagi niya kasing dala ang guilt na dapat hindi na niya ako inabot. Na dapat hindi na niya sinimulan ang kung ano man ang meron sa amin dahil alam naman niya kung saan hahantong ang lahat. But it's not his fault. Kasi kahit ako hindi ko rin nagawang pigilan ang sarili ko na mahalin siya kahit ilang beses kong sinabi sa sarili ko na masasaktan lang ako.

Oh hell, I tried. I tried so hard to pull him away from my life...from my heart. Pero hindi ko kaya. Hindi ko nagawa. And I don't regret even one bit of my decision. I can never regret loving him on this lifetime because I know I would continue to love him until the next.

"No. I am not okay with that. Kasi alam ko kahit anong gawin ni Thunder, kahit anong gawin niyang paraan para masiguro na balang araw ay may makakasama akong tao kung saan mararamdaman ko ulit ang pagmamahal na minsan ko ng binigay, alam ko sarili ko na imposible na. Alam kong hindi na ulit. And that's okay. Because I already have the love I could ever ask for."

Ikinulong ko sa kamay ko ang kay Thunder at marahang pinisil ko iyon. I don't know if he can feel that. I don't even know if he can hear us. But I like to think that he can so he will know that I will be okay. Magiging okay din ako. "It wouldn't be easy. But he once said to me that I don't need anyone to continue shining. My light might be dim now but I will be okay because one day I know it will come back."

Nanatili lang nakikinig sa akin si Will. I can see the gentleness in his eyes. Alam ko na naiintindihan niya ako. Any woman would be lucky to have him. To be loved by him. I just don't think it can be me. I don't think I will ever be that for anyone.

"At least let me be your friend, blind date."

Pinunasan ko ang mga mata ko bago nagtatakang muling tumingin sa kaniya, "Blind date?"

"I can't call you baby, sweetheart, love, or darling right? What's the term?...Binasted? Right. Nabasted na ako so at least give me the right to think of the right endearment, friend."

I can hear in his voice that he's teasing me and I can't help but smile at his antics. "Whatever."


______________________End of Chapter 17. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 95.7K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
3.6M 89.9K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
101K 5.4K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...
2.4M 74K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...