His Millionaire

By Alisahjin

189K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 30 : The Ending

6.2K 87 11
By Alisahjin


•Hector's POV•

Mabilis ang mga kilos ko pauwi ng bahay. Para bang may hinahabol ako. Para bang ilang segundo, minuto na lang ang natitira sa akin. Bawat sandali ay mahalaga. Kailangan kung bumalik agad sa mansyon at ihanda ang aking sarili. Pakiramdam ko, konting oras na lang ang nalalabi kay Georgina.

Nagpaalam ako sa kanya saglit dahil kailangan kong kumuha ng gamit ko papunta sa isla. Dadalhin ko siya ngayon sa isla kung saan niya nais pumanaw. Alam kong nakalimutan na niya ang kanyang nais bago siya mawala. Kahit hindi niya makita ang batang nagligtas sa kanya ay gusto ko pa din matupad ang gusto niya.

Gusto niyang mawalan ng hininga sa islang iyon.

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako nila Mommy at Daddy. Iisa ang kanilang reaksyon. Mabilis kong niyakap si Mommy at ganon din si Daddy. Niyakap ko sila na parang isinusuko ko na ang lahat. Gusto ko ding maibsan ang bigat sa aking dibdib. Alam kong ito lang ang paraan para maging matatag ako.

Umakyat ako sa taas at agad na tinungo ang kwarto ko pero bago ako makapasok ay nakita ko si Ate na nasa labas ng kwarto ko at may hawak hawak na papel.

“Hector, may itatanong ako. Kilala mo ba ito?” sabay pakita niya ng pad sa akin. Hawak niya ang isa sa mga ginuhit kong nasa sketch pad.

Mabilis ko itong hinablot sa kanya.

“Hindi ko siya kilala. Lagi ko siyang napapanaginipan kaya naiguhit ko siya.” ang saad ko at pumasok sa loob ng kwarto ko.

“Parang nakita ko na siya noon Hector or parang nakita na natin siya noon.” ang sabi pa ni Ate. Napatigil ako sa pagkuha ng damit sa closet saka humarap sa kanya.

“Kilala mo siya?” ang tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. “Papano? Paanong nakilala?”

“Sandali ha. May kukunin lang ako sa kwarto.” ang sabi niya. Naiwan ako sa loob na nakahang at nabalot ng tanong ang aking isipan. Gayunpaman ay pinagpatuloy ko ang paglagay ng damit sa bag ko.

“Hector.” ang tawag sa akin ni Ate at agad na pumasok siya sa loob. Naagaw ng aking mga mata ang dala niyang album. Hindi ko alam kung anong meron. Puno pa rin ng pagtataka ang aking mukha habang nakatingin sa kanya.

Ibinuklat ni Ate sa akin ang album at hinanap ang larawang iyon.

“S-sigurado ka ba?” ang nauutal kong sabi habang pinagpapalipat-lipat niya ang mga larawan.

“Oo. Sigurado akong nakita na natin siya. Hindi ko lang talaga matandaan kung anong pangalan niya at kung saan natin siya nakilala.” napatigil siya sa pagsasalita at maging ako sa aming nakita.

Isang larawan ng kabataan ko. May kakaibang saya ang gumuhit sa aking puso.

“Ako ito Hector tapos ikaw naman ito.” ang turo niya sa picture. “At saka sino ba ito?” natahimik si Ate habang ako nanatili lang na nakatingin sa batang babae na nasa tabi ko. Wala pa kaming mga suot dahil mga bata pa kami at hindi pa uso ang malisya. Kamukhang-kamukha niya talaga ang mukha na iginuhit ko sa sketch pad.

“Gigi?” ang hindi siguradong sabi ni Ate dahilan para magtaasan ang aking balahibo kasunod nun ang paglakas ng tibok ng aking puso.

“Gigi?” ang pag-uulit ko pa.

“Yes Gigi! Remember!? Siya yung batang sinagip mo noon.”

“Sinagip?” ang tila hindi ko maintindihang sabi niya. Posible bang magkatugma ang nasa panaginip at sa totoong nangyare sa buhay. Hindi ko pa rin matandaan.

“Oo Hector! Sinagip mo si Gigi. Yun nga lang pati ikaw muntikan ng malunod mabuti na lang at may nakakita sa inyo.”

“T-teka. Hindi ko maintindihan Ate. Bakit wala akong maalala? Bakit wala akong matandaan? Bakit napapanaginipan ko ang tagpong iyon?” ang naguguluhang sabi ko.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Ang tagpong laging nasa panaginip ay totoong nangyare sa buhay ko pero paano? Ba't wala akong matandaan? Bakit?

“Dahil mga bata pa tayo noon. 7 years old ako tapos six years old ka naman. Iyak nga ng iyak si Mommy noon nung wala ka ng malay. Maging ako wala akong maalala pero nung nakita ko si Georgina nung una, parang nakita na natin siya noon. Hindi lang natin naalala dahil mga bata pa tayo.” ang paliwanag niya sa akin. Gulong gulo pa rin ang aking isipan. Mga tanong na unti unti ko ng nasasagot.

“Posible bang makalimot ang isang bata?”

“Hector, madaming nangyare kaya nakakalimot ang tao. Simula ng insidenteng iyon ay sa America na tayo tumira. Binenta nila Mommy at Daddy ang resort na iyon dahil ayaw nilang maalala ang nangyare.” tugon niya pa.

Pakiramdam ko bibigay ako sa aking kinatatayuan. Ang batang hinahanap ni Georgina ay walang iba kundi ako. Kaya pala sobrang pamilyar sa akin ng islang iyon dahil doon ako lumaki. Unti unti ko ng naaalala ang lahat.

Patawarin mo ako Gigi kung nakalimot ako. Patawad.

Napaupo ako sa ibabaw ng kama at di ko na napigilan ang maging emosyonal.

“Alam mo ba Ate, matagal na akong hinahanap ni Georgina. Matagal niya na akong gustong makita ulit. Iyon pala kasama na niya ako. Bakit ganon? Bakit pinaglalaruan kami ng tadhana?” Bakit hindi na lang kaming hinayaang maging masaya? Paano ko pa sasabihin sa kanya ang lahat na ako si Totoy.

“Bago siya mawala sa mundo ay gusto niyang makita ang batang si Totoy. Ako 'yon. Ako si Totoy.” ang umiiyak kong sabi. Lumapit si Ate sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

Kinumport niya ako at binigyan ng mga magagandang thoughts kung anong dapat kung gawin. Mga bagay na nagpapaliwanag ng aking isipan.

“Sabihin mo sa kanya bago siya mawala.” ang bilin sa akin ni Ate ng nasa loob na ako ng sasakyan. Tinanguan ko lang siya at inistart ang engine ng sasakyan.

Sa aking pagmamaneho ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang mga nangyare. Ang aking natuklasan.

Unti unti ko ng naiintindihan at naaalala ang lahat.

Naglalaro kami noon ni Ate sa gilid ng dalampasigan ng may isang batang babae ang lumapit sa amin. Masaya ang mga ngiti sa kanyang mga mata. May magandang mukha at halatang makulit dahil sa aura pa lang nito. Gusto niyang sumali sa amin sa laro. Sinungitan ko pa nga siya dahil ayuko siyang isali kaya lang si Ate tudo defensive.

Siya pala ang batang iyon.

Sa amin pala ang resort na iyon. Hindi ko nga lang nakilala dahil maraming nagbago. Naging remote area ang lugar at napakasimple.

Nung araw na maganap ang insidente ay hinahanap ko noon sa Ate dahil malapit ako sa kanya. Halos kami lang kasi ang bata roon maliban kay Gigi kaya lagi kaming magkasama ni Ate. Narinig kong sumisigaw si Gigi. Nalulunod. Nilalamon ng dagat. Dahil laki ako sa dagat ay marunong akong lumangoy kahit na bata pa ako. Mabilis akong lumusong sa tubig at agad na nilangoy ang kanyang direksyon. Hindi ko na matandaan kung gaano kalakas ang kaba ko noon basta ang alam ko nakalapit ako sa kanya. Dahil medyo matangkad siya sa akin ay agad siyang pumulupot sa akin dahilan para ako naman ang kainin ng dagat.

Sa murang isipan ay nagawa ko ang bagay na iyon. Pero hindi ko siya nailigtas dahil nawalan ako ng malay basta ang natatandaan ko maraming nakapaligid sa akin ng imulat ko ang aking mga mata. Sabi ni Mommy, mabuti na lamang raw at may nakakita sa aming bangkero kaya nasagip kami. Siguro kung hindi dumating ang bangkero marahil wala na kami ngayon at kahit kailan hinding hindi na kami magtatagpo.

Pero iba ang sinasabi ng kapalaran. Akala ko hindi nag-i-exist ang destiny. Akala ko gawa gawa lang pero totoo pala.

Napabuntong-hininga ako ng malalim na para bang mawawalan ako ng hininga. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Kailangan kong makabalik agad ng mansyon dahil baka hindi ko na siya maabutan. Hindi ko na siya makita.

“Gusto ko siyang makita bago ako mamatay.” ang lagi niyang sinasabi sa akin noon. Walang araw na hindi niya nababanggit si Totoy. Walang araw niya akong hinahanap.

Pagkababa ko ng sasakyan ay parang natigilan ako. Naaalala ko sa tuwing pumupunta ako sa mansyon, excited akong makita siya ngayon at sobrang takot na takot. Ang lungkot ng paligid. Sobrang tahimik ng gabi na para bang wala ng bukas. Ang lungkot. Sobrang lungkot.

Nilakasan ko ang aking loob ng pumasok ako sa loob ng mansyon. Kanina pa ako inaantay ni Tita at ang governor. Kahit hindi sila magsalita ay alam ko kung gaano kabigat ang kanilang dinadala kasi ganoon din ako.

Ilang beses ko ng sinabi sa aking sarili na sana pwede kung ihinto ang oras at sandaling ito para hindi na dumating sa punto na mawawala siya sa amin. Ayuko! Pero kahit anong pigil ko, iyon at iyon pa rin ang mangyayare. Mamamatay siya.

Hector, ikaw na ang bahala kay Georgina. Alam natin na bilang na lang ang mga oras niya dito.” ang malungkot na bilin ng governor sa akin.

“Pero Tito, Tita. Alam kong masakit pero mas makakabuti sigurong dalhin na lang natin siya sa ospital.” ang sabi ko. Naging tahimik kaming tatlo na para bang nag-iisip. Nagkatinginan pa nga silang mag-asawa bago magsalita si Tita.

“Huwag na Hector, ayaw ni Georgina na mamatay sa ospital. Huwag mo kaming intindihin dahil tanggap na namin. Masyado ng naghihirap ang anak namin at mas doble ang sakit na nararamdaman naming mag-asawa dahil wala kaming nagawa.” nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata ni Tita. “Hanggat maaari, bago siya mawala makita niya ulit ang lugar na iyon. Dalhin mo siya roon.”

Napahagulhol ng iyak si Tita habang nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan dahil sa sari saring emosyon na aking nararamdaman.

“Alam ni Georgina, na hindi natin siya pinabayaan. Hindi tayo nagkulang na alagaan siya. Ginawa natin lahat para lang gumaling siya. Parte nga siguro ng buhay ang pagpanaw. Kailangan nating ihanda ang ating mga sarili.” ang emosyonal na sabi ng governor.

Humakbang ako palapit sa kanila at niyakap ko silang dalawa. Hindi na sila iba sa akin para ko na silang pangalawang magulang.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto ni Georgina. Siya na agad ang hinanap ng aking mga mata at para bang dinurog ang aking puso ng makita ko siya.

Wala na ang masayang ngiti na sumasalubong sa akin sa tuwing papasok ako sa kwarto niya. Ang maaliwalas niyang mukha at ang mga paulit-ulit niyang sinasabi sa akin. Kakaiba ang awra ngayon, sobrang tahimik habang nakaratay naman siya sa kanyang kama at inaantay ang kanyang sandali.

Out of nowhere ay bigla akong napahikbi. Yung iyak na sobrang pinipigilan kong lumabas. parang nakita ko lahat ng masasayang nangyare sa buhay ko na kasama siya. Humakbang ako palapit sa kanya pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay nabaling ang aking atensyon sa album na nasa gilid ng kama niya. Ito 'yong album na pinagtatawanan nila noon ni Kara.

Huminga ako ng malalim at marahang kinuha ito at binuksan. Isang napakagandang mukha ang nakita ko. Mga larawan ni Georgina noong siya ay malakas pa. Napadako naman ang aking tingin sa dalawang batang nasa larawan. Wala silang mga saplot sa katawan. Nakaakbay ang batang babae sa batang lalaki. It was me and Gigi.

Kung titingnan ko ang larawan, masasabi kong napakasaya nila. Isang tagpo na kahit kailan ay hindi niya nakalimutan. Ako ang lumimot.

Marahan kong binuhat si Georgina hanggang sa makaupo siya sa may upuan ng sasakyan. Tudo alalay sila Tita at ang governor. Kailangan naming pumunta sa quarters kung saan naroon ang chauffeur nila. Dadalhin ko si Georgina sa isla. Ang islang naging buhay niya. Ang islang gusto niyang makita bago siya mawala.

Isang makabagbag damdamin ang bumalot sa amin ng makarating kami sa quarters. Iyak ng iyak si Tita dahil alam na niya na kung ano ang mangyayare pagbalik ko. Kahit ako. Ayukong maging mahina kahit na pagod na pagod na ako pero kailangan kong maging matatag para sa mga taong maiiwan niya.

Tinulungan ako ng pilot na maipasok si Georgina sa loob ng chauffeur. Sa tuwing tinitingnan ko si Georgina ay sobra akong naaawa sa kanya. Wala siyang kamalay malay kung ano ang nangyayare sa paligid. Nakadilat lang ang kanyang mga mata na parang may tinitingnan sa malayo. She's too weak.

Iho, ikaw na ang bahala sa kanya. Kung ano man mangyare sa kanya sabihin mo agad sa amin.” ang bilin sa akin ni Tita habang umiiyak.

“Opo Tita. Matatapos din 'to. Alam kong magiging masaya si Georgina kapag natupad iyong gusto niyang mangyare.”

“Maraming salamat Iho.” ang tugon nito. Muli ko silang niyakap ng mahigpit at ihanda ang kanilang sarili sa susunod na mga oras.

Mabigat ang aking mga paa ng sumakay ako ng chauffeur. Parang---Parang ayuko ng tumuloy kasi alam ko pagbalik ko, wala ng Georgina sa tabi ko.

Ang hirap. Ang hirap hirap ng ganito! Matatanggap ko pa siguro kung hindi ko na lang siya nakilala. Matatanggap ko siguro kung hindi siya nagdusa sa sakit niya.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang nakasandal siya sa dibdib ko. Walang pakiramdam. Walang pakialam. Walang nararamdaman habang ako unti unting kinakain ng karupukan at kahinaan. Walang tigil ang bagsak ng luha ko habang paulit ulit kong naaalala ang mga pinagsamahan namin. Paulit ulit kong sinasariwa ang lahat. Ang mga ngiti niya, ang halakhak na nagsisilbing lyrics sa aking pandinig. Ang mapupungay niyang mga mata. Ang pagiging positibo sa lahat.

Sobra kitang mamimiss Gigi.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na nga kami ng isla. Kakaibang hangin ang yumakap sa akin. Ang malalim na gabi at ang tahimik na karagatan. Inilapag ko si Georgina sa dalampasigan, inihiga ko siya sa buhanginan dahil hindi na niya kayang maupo. Madilim ang kalangitan at iilang bituin lang ang makikita sa itaas.

Ang ilaw ng chauffeur ang nagsisilbing liwanag namin. Naupo ako sa buhanginan at tinitigan siya ng maigi. Maputla ang kulay ng kanyang labi, malalim na mga mata, nangangayayat na kalamnan. Tagpong sa pelikula ko lang napapanuod.

“Mister?” ang mahina niyang sabi ng makilala niya ako. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay at idinampi iyon sa aking mukha. “Bakit ka umiiyak?” ang paos niyang sabi.

“Hindi.” ang pigil ko sa aking sarili. Ayaw niyang nakikita akong umiiyak. “Hindi ako umiiyak. Hindi.” at tuluyan na nga akong napaiyak. Hindi ko na kayang pigilan pa. Napahagulhol na nga ako ng tuluyan.

Inihiga ko ang aking sarili sa buhanginan. Magkatabi kami habang hawak hawak ko ang kanyang kamay. Walang buwan sa gabi ang makakasaksi at makakakita ng tagpong ito. Walang hampas ng alon na babasag sa katahimikan ng paligid. Walang magagandang tanawin ang makakarinig ng mga iyak at palahaw. Tanging ako lang. Ako lang ang makakasaksi ng sakit na aking nararamdaman.

“Gigi, I'm sorry. I'm sorry kung nakalimot ako. I'm sorry kung kinalimutan kita. Dumating ako sa isang aksidenting pagkakataon. Naging bahagi ng buhay mo. Did you still remember Totoy?” ang tanong ko pero walang sagot akong narinig mula sa kanya. “It was me. Ako si Totoy Gigi. Ako 'yong batang nagligtas sayo. Ako si Totoy. Naaalala mo pa ba, lagi kang sumasali sa laro namin noon ni Ate, mga bata pa tayo. Hindi ko alam na matagal mo na pala akong hinahanap, na matagal mo na pala akong mahal.” naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko iyon. “Alam kong magiging masaya ka sa iyong paroroonan. Magiging masaya din ako dahil nakita kita ulit. Sabi mo pa nga sa akin noon, na may destiny. In this world, akala ko destiny doesn't exist, but you're right! Destiny can exist.” pinahid ko ang aking mga luha pero wala pa ring tigil sa pagdaloy. “Mahihirapan akong tanggapin na wala ka na. Para na rin akong namatay kapag nawala ka. Ang sakit sakit ng aking nararamdaman ngayon. Wala akong magawa. Gigi.”

Natahimik ako saglit ng maramdaman ko ang paglakas ng aking kaba. Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay niya pero wala na siyang respond.

“Gigi?” halos maghabulan ang kaba sa aking dibdib. Ayuko!

Dahan dahan akong bumangon at tumingin sa kanya.

“Gigi!! Gigi!! Gigi!!” ang paulit ulit kong sigaw habang walang humpay na pag-iyak. “Gigi wag mo kung iwan!! Gigi!!”

Napahagulhol ako ng iyak at kasabay noon ang pagguho ng aking mundo. Parang bumagsak lahat. Tumigil ang lahat ng sandali at tanging palahaw ko lang ang naririnig ko.

Wala na siya.


Vote!! Vote!! Vote!!

Hays. Sobrang sakit naman nito. Ito yung tagpong ayukong mangyare sa akin. huhu 😢

Maraming salamat sa inyo guys.

Epilogue na po yung next :)

----

Kuya Chad



Continue Reading

You'll Also Like

557K 10.1K 56
Romance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, m...
248K 3.6K 54
Mia always has those strong and defensive way to interact with boys except from his brother. Being defensive leaded her to encounter the school's he...
31.2K 857 52
Ang tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tangin...
38.5K 724 42
LET THE STORY BEGIN.. IN ONE! TWO! THREE ! (-^〇^-)*CLICK* ------------------- This book is work of fiction names , characters,places and incidents...