BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 5 ~ A Leader ~

151K 3.3K 166
By MsButterfly

CHAPTER 5

DAWN'S POV

Napadilat ako ng biglang pumainlanlang sa kwarto ko ng tunog ng alarm. Not an alarm clock because I don't have one. It's a security alarm. Umupo ako at may pinindot sa bed side table. Looks like Freezale got something.

Mabilis na sinuot ko ang roba ko at lumabas patungo sa control room. Naabutan ko doon si Freezale na tutok na tutok ang atensyon sa harapan ng monitor. Sa tabi niya ay mahimbing ang tulog ng asawa niya na si King.

"Freezale. Ilang beses ko ba sasabihin na hindi pwedeng magpuyat ang buntis?"

Imbis na lingunin ako ay nakatingin lang siya sa monitor. "May insomnia ang baby Irish namin. Anyway, someone set fire on Roqas' House. Pinadala ko ang ibang mga agents."

"Which house?"

"Properties of the triplets and the main house."

Ang tinutukoy niya ay ang public properties ng mga BHO agents. To be exact, ang mga bahay ng triplets na sina Ice, Wynd at Wynter. At ang main na pag-aari naman ng mga magulang nila na si Katerina at PJ Roqas.

Ipinamana ng triplets sa mga anak nila ang tinutuluyan nila rito noon sa headquarters. Kahit pa minsan ay nandito sa BHO CAMP ang mga Second Generation Elites ay mas madalas na sila ngayong tumutuloy sa mga properties nila sa labas ng BHO CAMP dahil inaasikaso nila ang mga business nila na walang kaugnayan sa organisasyon. Ang main house naman ay walang gumagamit dahil nasa isang isla na pag-aari ng grandfather ko na si Poseidon ang mga Original Elites ngayon para magbakasyon.

"Oh."

Napakurap ako at tinignan ko si Freezale. "Ano 'yon?"

"Wala dito sa headquarters si Chly. Tumuloy siya kahapon sa bahay ni Tito Ice. Apparently nag day off si Tito Ice sa BHO CAMP Hospital at nandoon din sila ngayon ni Tita Summer."

Humila ako ng swivel chair at umupo ako sa tabi ni Freezale. Inabot ko ang telepono at kinontak ko si Tito Ice. Ilang ring lang ay sumagot na siya. "Roqas."

His tone was clipped. Not the cheerful tone Tito Ice always used. "Tito, okay lang po ba kayo?"

"Isusugod namin si Chlymate sa ospital. Alert the other agents."

"Acknowledge."

Pinutol ko na ang linya. I know Chlymate would be fine. Doktor si Tito Ice. Kahit na mukhang hindi sila nagseseryoso nina Tito Wynd at Tita Autumn alam ko na hindi niya pababayaan ang sarili niyang anak. No doubt about it.

Sunod-sunod na tumipa ako sa keyboard. Binuksan ko ang alarm sa bawat kwarto rito sa headquarters. Saglit na tinignan ko si Freezale at nakita ko na pinadalan na niya ng mga mensahe ang bawat agents.

"Bomb. Maries and Ethan Greene's, Mishiella and Dale Night's, Hurricane and Reese Reynolds', Rain Night's, Autumn Greene-Roqas'." Freezale said in a mechanical voice.

"Greene's and Greene-Roqas' bomb deactivated. Good work, agent Thunder, Snow and Phoenix." I said to the microphoen connected to the agents that are currently on the field.

Mukhang dumiretso na ang mga agents sa kaniya-kaniyang bahay ng pamilya nila nang mag-alarm kami ni Freezale tungkol sa nangyari kaila Chlymate. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na namatay ang threath alarm sa bahay ng mga nabanggit ni Freezale.

Bumukas ang pintuan ng control room at bahagya ko iyong nilingon. Sina Sky at Adonis. "Everything's fine. Go back to sleep Sky."

"I'm not a baby."

"Alam ko." Iniikot ko ang swivel chair paharap sa kaniya. "Pero kailangan mong magpahinga."

Malapit ng manganak si Sky. Kung hindi lang siguro premature na ipanganak si Ale, ang anak ni Storm, baka halos magkasunod lang sila.

"Puro na lang akong pahinga. I'll help. Kapag inantok ako eh di matutulog ako dito." pagpupumilit niya.

"You can't sleep here." said Freezale.

"Yeah, right. Kaya pala ang himbing ng tulog ng asawa mo."

Hindi na nakaimik si Freezale at hinayaan na si Sky. Kumuha ng swivel chair si Sky na nakanguso pa habang napapabuntong-hininga na tumabi sa kaniya ang asawa niya na si Adonis.

Hinarap ko na ulit ang monitor. Tinignan ko ang iba pang mga properties ng mga BHO agents pati na ang mga sa The Camp. Speaking of that, nasaan na kaya si Triton? He should be helping us.

Nagbukas ako ng isa pang monitor at may pinindot ako doon. Lumabas ang numero ni Triton sa screen.

Habang hinihintay ko siya na sumagot ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kanina. Mukhang ang mga properties lang na may kinalaman sa Greene, Night at Roqas ang target ngayong gabi na ito.

"No sign of threat for the other agents." pagbibigay alam ko.

Expected na namin na mangyayari ito. We just didn't expect that it would be this early. Dahil kasi sa ginagawa naming pagbulilyaso sa mga plano ng Claw Organization, inaasahan na namin na gaganti sila pabalik. There's no way they'll attack the headquarters. So it's quite obvious that the public properties will be their target.

"Naapula na ang apoy sa bahay ng mga Roqas." sabi ni Freezale.

"Got it."

Tinignan ko ang monitor kung saan nandoon ang numero ni Triton. Hindi pa rin siya sumasagot. Damn it! If that man got himself in trouble, I'm gonna kill him.

Nagsalita si Sky na nakatutok din ang mga mata sa mga screen sa harapan namin. "This can't continue Dawn. And even if it will, we need to find a way to get that organization to take us seriously. Nakikipaglaro lang sila sa atin."

"I know, Sky."

"Hindi sila natatakot sa atin. They know how to play the game. Kahit na direkta pa nila tayong atakihin at magapi natin sila hindi pa rin natin iyon pagkapanalo. Because the boss himself is not threatened. If this will continue we will be the one who will get trapped."

Tama si Sky. Naglalaro lang ang Claw. Kahit na magpadala pa sila dito sa headquarters ng tauhan at mapigilan namin sila hindi ibig sabihin niyon ay panalo na kami. Dahil pinapagalaw lang ng head ng organisasyon na iyon ang mga tauhan nila at kami ang kalaro nila. At sa bawat laro, isa sa miyembro ng BHO CAMP ang nasasaktan. Hanggang sa kami ang mawawalan.

Ang rason kung bakit ginugulo namin ang mga plano ng Claw ay dahil gusto namin silang takutin. Pero imbis na iyon ang mangyari ay para bang naging laro na lang ito ng tennis.

"I know, Sky." I repeated.

"May plano ka na ba?"

"Yes."

Hindi ko na sinundan pa ang sinabi ko. We need to create a plan and to do that I need to talk to my father and Craige Lawrence.

"Hello sweetheart?"

Napapitlag ako mula sa pag-iisip nang sa wakas ay kumonekta na ang tawag ko sa taong kanina ko pa tinatawagan. "Triton Lawrence."

"Yes sweetheart slash master?"

Kumunot ang noo ko ng may marinig ako na mga ingay. Lalong nagsalubong ang kilay ko ng may marinig ako na boses ng babae. "Nasaan ka? Nakita mo ba ang mga message sa'yo?"

"Err...no?"

Napahilot ako sa sentido ko. "At least man lang nakita mo siguro ang alarm sa BHO CAMP bracelet?"

"Amm..."

"Triton Lawrence!"

"Nandito ako sa isang night club sa manila. Naiwan ko siguro diyan ang bracelet-"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. "You're not supposed to take it off."

"Dawn sweetheart-"

"This is too much Triton. Ilang mga properties ang nalagay sa panganib ngayong gabi na ito. My cousin was even injured! This is your responsibility too. You know the reason why the agents were divided into two division but you're not helping even just for the sake of your own family!"

"Dawn..."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Everything is too much. I won't lose another person. I won't let it happen. "Nawala sa amin si Storm. Sino ang pipiliin mo na mawala sa panig niyo?"

"What the hell, Dawn?!"

"Adonis, Athena, Hera, Hermes, Enyo, Eris, Erebus, Nyx, Ocean. Sino sa kanila ang gusto mong mawala? So you can feel the burden that you will carry once you lost someone because of your irresponsible actions."

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga kasama ko ngayon sa control room. I felt Sky touch my hand to calm me down but I just flinched away from her.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan Triton? Or maybe you don't care enough. While I was gritting my teeth to keep on working, trying with all my might to not let myself fall from misery, ikaw nagpapakasaya sa mga babae mo. While I was almost pinned to the ground with the weight of my sins, you're currently drinking yourself to death."

Sandaling katahimikan ang namayani bago muling nagsalita si Triton. "Hindi mo kasalanan ang pagkamatay niya."

"It is! Nawala si Storm dahil sa akin. While I was sitting on my throne, my cousin was being tormented and violated. While I was sitting on this damn throne, I lost my cousin! If one of my comrades go home with a broken bone, a scratch on the face, a bullet wound, a bruise...it will be my fault. That is the weight a leader must carry."

Nanginginig ang kamay na pinutol ko ang linya. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ko ang sarili ko. I can't lose it. I need to clear my mind and finish this.

"Dawn..."

Nilingon ko si Sky na siyang nagsalita. "Magpahinga ka na."

"Tama si Triton, Dawn. Hindi mo kasalanan."

"Everything was my mistake. Hindi dapat kinuha ni Storm ang mission na iyon. Kung hindi dahil sa kapabayaan ko hindi siya mawawala sa atin."

"Alam nating lahat na kulang pa ang impormasyon tungkol sa mission na iyon. Storm took the risk. H-Hindi ko alam kung ano ang problema ni Storm ng mga panahon na iyon. All I'm sure about is that she took the mission even though her head was not in the game."

Tumayo ako at naglakad na papunta sa pintuan. Wala ng saysay na pag-usapan pa ito dahil alam ko na hindi nila magagawang maintindihan. "I'm gonna take a rest."

"Dawn please..."

"Take a rest too Sky."

No matter what they'll say, I know that nothing will change. My father taught me that. A leader must carry every sins.

And I will.



NILINGON ko si grandaddy Poseidon. Nandito kami sa isang resort kasama ang lahat ng Elites. Nagdesisyon kasi si grandaddy na mag relax na muna daw kami. Hindi ko alam kung may sinabi ba sa kanila ang mga kasamahan ko kaya bigla kaming nagkaroon ng outing. But here we are. "Dawniella, bebe girl! Bakit nandito ka lang? Tignan mo ang mga kasama mo oh nagrerelax. Do the same sweetie."

"I'm fine here."

Bumuntong-hininga siya at napailing. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo. Kahit noong maliit ka pa lang ay masyado ka ng seryoso."

"I have responsibilities."

"I know that child. After all, I was the one who brought BHO up from the ashes."

Nag-iwas ako ng tingin. Of course he's right. Walang makakatalo sa kaniya sa bagay na iyon. He's the best leader of BHO.

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. But don't let something like this change you and stop you from having fun." pagpapatuloy niya.

Tumawa ako ng pagak. "Have fun? Grandaddy, you know I can't do that. Hindi ako maaaring mawala sa pokus. I can't lose another member."

"Oo masisiguro mo ngang hindi ka na naman mawawalan ng miyembro. But you will lose yourself and when that happens everything will be ruin, more than you can imagine it will be."

"Grandad-"

"Wala na si Storm, Dawn. Hindi ko kayo pinipigilan sa ginagawa niyo dahil alam ko na tama ang ginagawa niyo. We need to stop that organization. But you must place on top of everything else, that you are doing this because it is the right thing to do. Not just because of avenging her death."

"This is all about her. It should be."

Umiling si grandaddy at ginulo ang buhok ko. "No. You need to do this for the people. Because you need to end all the Claw's wrong doings. Pangalawa na lang ang pag-ganti para kay Storm."

"Grandad..."

"Hindi niyo na siya maibabalik. So do this because it is right. She would want that."

Napatungo ako sa sinabi niya. Alam ko na tama siya. Hindi na namin maibabalik si Storm kahit na ano pang gawin namin. Kahit na magbayad pa ang may kasalanan hindi na siya babalik. But if we would do this because we need to do it for the many...then we would prevent Claw from doing to anyone the same thing that they did to Storm. Siguro iyon ang rason kung bakit kahit anong gawin namin ay pakiramdam ko ay hindi pa rin kami nananalo.

Dahil mali ang ipinaglalaban namin.

"You saw her right, Dawn? She was still recognizable. The experiment department even performed a DNA."

"I-I know."

Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni grandaddy at hinaplos ang mukha ko. "You're a strong person. Hindi kami nagkamali na ikaw ang gawing head ng BHO. We trust you."

And I shouldn't break that trust. Kailangan kong gawin lahat. Lahat ng makakaya kong gawin para sa BHO CAMP.

Tumayo na ako at tinanguhan naman ako ni grandaddy. Patakbong tinungo niya ang kinaroroonan ni grandmommy Bree habang ako naman ay naglakad papunta sa kinaroroonan ni Freezale.

Napatigil ako at tumingin ako sa cellphone ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay saglit na nagtama ang mga mata namin at simpleng tumango siya. "May kukunin lang ako sa kotse ko."

"Okay." sagot niya.

Kinuha ko ang car keys ko at naglakad na ako paalis. Nagtama pa ang mga mata namin ni Triton na mula ng gabing iyon ay hindi ko na nakausap. Hindi ko na sana siya papansinin pero napatigil ako ng magsalita siya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Car."

"Samahan na kita-"

"No."

Tuloy-tuloy na naglakad na ako papunta sa parking lot ng resort. Binuksan ko ang pintuan at umuklo ako para kunin ang pakay ko. As expected there's nothing here. What I really wanted is already standing behind me.

Unti-unting nag dilim ang paligid ko. But I did with a smile on my lips knowing that I already surpassed...the first step.



SUMIGID ang kirot sa likod ko kasabay ng tawanan na naririnig ko sa aking paligid. Unti-unti ko na minulat ang mga mata ko.

"Gising na pala boss!"

Nilingon ko ang nagsalita. Isang lalaki na may hawak ng duguang latigo. I don't need to be a genius to know what that means. Malaking pruweba na ang sakit na nararamdaman ko.

Hinanap ko ang tinawag niyang boss. Tumutok ang paningin ko sa mismong harapan ko at may nakita akong lalaki na nakaupo. Hindi ko siya makita mula sa kinatatayuan ko dahil madilim ang parte na iyon. But I know who he is. Ang taong kabisado ko na ang kabuuan sa paulit-ulit kong pagbasa ng mga impormasyon tungkol sa kaniya. Lalaking nakatatak na sa utak ko.

Wyatt Claw.

"No fun. Dapat madami pa ang kinuha mo. Look at her, she's not even struggling like that Storm woman."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko na nakatali sa ulunan ko. Magkahugpong ang kamay ko habang mahigpit ang pagkakatali. Higit na higit din iyon dahil sa isang hook sa ceiling ikinabit iyon. Hindi na ako magtataka na ilang tao na ang itinali dito. Hindi lang base sa reputasyon ng Claw kundi maging sa stado ng lugar. The place was rusty and filthy. I can even see hints of dried blood on the floor.

I tried to move my feet but to no avail. But I should be thankful. Dahil imposible man sa ngayon para sa BHO CAMP ang ma-detect ang devices ng Claw at wala man kaming proteksyon laban sa kanila na magawang malaman ang presensiya ng sa amin ay nagpapasalamat ako sa nasobrang kumpiyansa nila sa organisasyon nila at sa katotohanan na isa lang akong babae sa paningin nila.

They acted with confidence because they know that at this point, sila ang nakakalamang. Bukod pa ro'n ay hindi nila pinangangambahan ang taong kaharap nila. Because in our world, men usually dominates. And now I'm dangling from a rusty hook and my feet and I'm bound with just a rope. Clearly being underestimated.

"Eh boss, bantay sarado ang kinaroroonan ng mga iyon. Buti na nga lang at tatanga-tanga ang isang ito at umalis ng mag-isa."

Matalim na tinignan ko ang lalaking may hawak ng latigo na siyang nagsalita. I hissed under my breath and speak. "I'll crush your head to prove who's the stupid one."

"Aba englishera pa ah! Tignan ko kung makasalita ka pa mamaya!"

Umalis siya sa harapan ko. I gritted my teeth when I felt the lash of the whip. I won't give them the chance to enjoy this. Wala silang maririnig na kahit na ano sa akin. I won't give them that satisfaction.

I tried to keep my eyes open when another searing pain attacked me. Itinutok ko ang ang mga mata kong nagliliyab sa galit sa lalaking prenteng nakaupo pa rin sa harapan ko. "Y-You killed her."

"Ako nga ba? Hmm, maybe. Or maybe my brother? Or everyone around here. I'm sorry but she's not worth remembering."

"Damn you to hell!"

Kumilos ang lalaki sa kinauupuan niya at tumayo. Naglakad siya patungo sa akin hanggang kita ko na ang kabuuan niya. He look like a Spanish aristocrat.

"Wyatt Claw." I spit out his name as another blow from the whip lashed at me.

"Glad to know that you know me. And just for clarification, dear. I can't be damn to hell. Even Satan can't handle me."

Talong magkakasunod na paglatigo ang naramdaman ko. My knees buckled but I use my bound hands to support me and keep me upright. "Tell me...tell me if it's you."

"Ano naman kung ako nga?"

Sinalubong ko ang tingin niya. Sa kabila ng panghihina ay umangat ang sulok ng labi ko. "So I can decide who to torture the most."

Tumawa ang lalaki at mas lalo pang lumapit sa akin. "Sa nakikita ko hindi ako ang dehado sa ating dalawa ngayon."

"Sigurado ka ba?"

Imbis na sagutin ako ay pinadaanan niya ng hintuturo ang mukha ko. Tumigil iyon sa tapat ng labi ko. "Yes. It is me. I was the one who raped that woman and I am the one who killed her. Satisfied?"

"Very."

Something crossed his eyes as he looked at me. An evil lurking beneath his stone cold eyes. Sinenyasan niya ang lalaki sa likuran ko at lumapit naman ito sa kaniya. Inagaw niya ang latigo sa lalaki at nakangising hinarap ako.

"Let's put some design on your pretty face."

Itinaas niya ang latigo ngunit bago niya iyon magamit sa akin ay nagsalita na ako. "Jenelyn Enoval, BHO CAMP headquarters kitchen staff. Newest staff anf application accepted last tuesday, 8 o'clock in the morning. Twenty five years old and married to Harrison Enoval." tumutok ang atensyon ko sa kaninang lalaki na may hawak ng latigo na ngayon ay namumutla na. "Real name? Jolina Mendez. Married to Heath Mendez, a Claw Organization member. She's still alive but she won't be when I get out of here."

Wyatt Claw's lips turn into a thin line. "Who said that you'll get out of here?"

"Ford Lopez, Lincoln Johnson, Lito Nelson, Hilda Ramirez, Miguelito Rivera, Ana Ortiz, Danilo Gibson." I nodded at the direction of a man near the door. "Wyatt Claw's right man, Hawk Lawson."

Kaniya-kaniyang reaksyon ang mga nag mamay-ari ng mga pangalan na sinabi ko maliban kay Hawk na nanatiling walang emosyon. Ngunit nanatiling na kay Wyatt Claw ang paningin ko. I raise a brow at him when I saw him gripping the whip tightly.

"Hindi kami sigurado na dadating ka dahil wala kaming tiwala sa ginamit niyong espiya sa amin but I took the risk. Swerte ko lang talaga siguro at madaling hulaan ang utak mo. You gain confidence when you attacked our properties, but too much confidence can backfire on you. That's the lesson I learned because of your organization."

Mahigpit na hinawakan niya ang panga ko at matalim ang tingin ng tinitigan ako. "Sa tingin mo ba natalo mo na ako? Your organization is just a small fly that I will end with just a flick of my hand." pagkasabi niyon ay marahas na binitawan niya ang mukha ko.

"No. Alam kong hindi pa tapos ang paglalaro natin. But now you should know that I'm the winner of this round, Claw. It's about time you take us seriously."

"Not in this lifetime, dear."

Hindi inaalis ang tingin sa kaniya na ibinalik ko ang ngisi niya. "You don't think we have much of an advantage, do you? Listen, Claw. Alam mo man kung sino-sino ang mga miyembro namin pero wala kang alam sa mismong organisasyon namin. I know you are the head of this stupid organization, but do you even know who I am?"

"What do you mean?"

Hindi ako sumagot at nagbilang ako sa isip. I smiled in triumph when the door open and a man rushed inside. "Boss may mga dumating!"

Lumipad ang tingin ni Wyatt Claw sa akin. "You wench!"

With all the strength left in me, hinila ko pababa ang kamay ko at ganon na lang ang pag ngiti ko ng bumigay ang kinakabitan ng nakatali sa akin. I rolled over, ignoring the pain on my backside and pulled the knife on the nearest man's holster.

Kasabay ng pagputol ko sa tali sa mga kamay ko ay ang pagtayo ko at pag-igkas ng aking kamay na may hawak na patalim....at ang kasunod niyon ay ang pag sigaw ni Wyatt Claw. "Looks like I put a design on your pretty face."

Nawala ang kalmadong itsura ni Wyatt Claw na ngayon ay may mahabang galos mula sa itaas ng kanang mata niya hanggang sa pisngi. Pero wala na siyang nagawa ng hinila siya ng kanang kamay niya na si Hawk at tinakbo paalis. Wala akong balak pigilan sila. I made myself clear to them.

This can't end here. Even if we killed him, if we don't know where his brother's location, magpapatuloy pa rin ang Claw Organization. We can't let that happen.

Yumuko ako at pinutol ko ang tali sa mga paa ko. Mabilis na kumilos ako ng makita ko na nagtatakbuhan na ang mga tauhan ng Claw. Iniharang ko ang paa ko sa dumaan na isang lalaki at mabilis na kinubabawan ko siya. Heath Mendez.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I'll crush your head to prove who's the stupid one."

"M-Maawa ka...wag mo kong patayin. M-May...may...may pamilya pa ako."

"Naawa ka ba sa mga pamilyang nasira mo at sisirain mo?" bulong sa kaniya at pagkatapos ay hinila ko siya hanggang nasa tapat na kami ng isang malaking bintana. Kinuha ko ang baril na malapit sa akin at pinagpuputukan ko iyon. Hinaklit ko ang lalaki hanggang nakalabas na ang ulo niya sa bintana.

"H-Hindi mo na maibabalik ang babaeng iyon kahit patayin mo ako. Wala ng hustisya sa mundo. Tanging ang mga taong matatag na lang ang nabubuhay."

"You're wrong." I lean to him and whispered. "Those who are strong enough to bring justice are the one who will survive. Those who fight for something...not like your people who fights for nothing."

Pagkasabi niyon ay binitawan ko siya. Hindi ko na kailangan tignan pa ang nangyari dahil alam kong wala ng mabubuhay pa na mahuhulog sa kinaroroonan namin.

Nanghihina na napaupo ako sa sahig. Tama si grandaddy. We will do this for Storm...but not for her alone.

"Dawn!"

Naramdaman ko na may mga braso na pumalibot sa akin. I don't need to open my eyes to know who he is. "M-Monster.."

Iniangat niya ako at binuhat. Napasinghap ako sa ginawa niya ng sumigid ang kirot sa kabuuan ko. I know he's trying to be gentle but it hurts too much. "I'm sorry, Dawn. I'm sorry."

"S-Shut...up."

"We'll take you to the hospital to take care of your wounds. Paano ka pa makikipagdate kapag may sugat ka na ganiyang kalaki?"

"S-Shut it, Lawrence."

Unti-unti akong pinapanawan ng ulirat sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. I don't even know if I'm dreaming...but I heard someone speak. No...for sure I am dreaming. Because there's no way that someone like Triton will say those words.

If only I am good enough for you, then I will make you mine. But I can't even protect you.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 55.2K 34
It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
3.5K 128 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...
21.4M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.