Jade POV:
Matapos ang date at ang pagiging one week kong kunwaring girlfriend ni Jake. Ito ako ngayon umiiyak.
Alam nyo na kong bakit, kailangan ko na daw umalis dahil talagang kinakailangan na ako ng team namin.
Napag-usapan narin daw nila Mr. Shin ang tungkol sa mabilis na pagkatapos ng kontrata ko.
Ayaw ko namang magpa-iwan sa operasyon nila.
Kasi yon nalang ang pag-asa ko para magkaroon ako ng ipon.
Hahanapin ko pa kasi yong tunay kong mga magulang.
Ayaw ko mang iwan sya ay wala ring mangyayari, dadating at dadating parin kami sa ganitong punto, na kailangang maghiwalay na talaga.
Sinimulan ko nang ayusin Ang mga gamit ko.
Ngayong gabi ko kasi bakak umalis
para hindi na ako mapigilan ni Jake.
Nag sulat nalang ako para sa kanya sana lang mabasa nya.
Nahihirapan na ako dahil sa mga bagay na ako rin ang pumili.
Alam kong nagkamali ako sa pagtanggap ng kontratang ito. Masyadong mahirap ang pinasok ko tinalo pa nito ang isang misyon.
Pati rin pala si Jake masasaktan
kasi sino ba naman ako para maging karapat-dapat para kay Jake.
Isa lang naman akong mahirap,
si Jake tagapag-mana ng kompanya nila.
Galante yon ako simple lang hindi ko naman kasi kayang higitan yong mga bagay na'yon.
Makapag-madali na nga baka mamaya magising pa sya at magbago pa ang isip ko.
Teka ano bang mangyayari kapag nagising sya pipigilan nya kaya ako
O hahayaan nalang.
Kasi di'ba iniwan nya ako dahil akala nya si Luke ang gusto ko.
Siguro pinagti-tripan nya lang ako. Wala sa itsura nya ang magkakagusto sa isang tulad ko.
Habang isinasara ko yong pinto ng kwarto ko.
Nagulat ako sa pag-sulpot ni Jake
sa harap ko.
"Where are you going?"
tanong nya sa'kin habang titig na titig.
Shit! bakit ba kasi ang bagal-bagal mong kumilos Jade.
"Ang sabi ko saan ka pupunta?"
pag-uulit nya sa sinabi nya kanina
"Tsk, hindi ako tanga kaya hindi mo kailangang ulit-ulitin ang mga sina-sabi mo,
nakakaintindi din naman ako ng English."
"I'm just asking you, kung saan ka pupunta and sorry kung na misinterpret mo yung sinabi ko." sabi nya habang naka yuko na guilty siguro sya.
"Gusto mong malaman kung saan ako pupunta?"
"Yes, can you tell me so I can come with you?" nakangiti pang sabi nya, akala nya siguro isasama ko sya.
"Jake huwag kang magagalit ah."
"Bakit naman ako magagalit?"
"K-kasi ako ay aalis na dito." at duon pumiyok ang boses ko kasabay ng mga luha ko.
"W-hy? I mean bakit? aalis kana? paano na ako? iiwan mo na ba ako?"
Pag-kasabi nya non buhos muli ang luha ko.
Pero bawat patak ay pina-pahid ko ayaw kong mag-mukhang mahina sa harap nya.
Ginusto ko ito diba kaya dapat panindigan ko. Kasi desisyon ko ito desisyon kong umalis. Kaya bakit ako malulungkot at iiyak dito na parang
nanghihingi ng awa.
"Aalis na ako kasi ang kontrata ko sayo ay tapos na. Sorry kung nagsinungaling ako. Sorry kung pinaasa kita sa wala. At sorry kung hindi ko na matutupad yung pangako ko na poproktetahan kita palagi." patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko na mabilis ko ring pinapahid.
Kitang-kita ko sa mga mata nya
na nasaktan sya sa lahat ng sinabi ko, pero yon ang totoo.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin ang lahat ng ito! bakit hindi mo agad ipinaalam sa'kin!"
"Ayokong malaman mo kasi alam kong magagalit ka sakin. Kakamuhian mo ako.
Baka nga ngayon iniisip mo na
pera lang Ang habol ko sayo
pero yon naman talaga diba?
simulan nang pumunta ako dito upang mag-trabaho
pera lang ang gusto ko kaya kamuhian mo na ako ngayon.”
malungkot na pag-kaka-sabi ko.
“Hindi mo pa rin ba ako naiitindihan? gusto kita, mahal na nga ata kita. Kaya bakit mo ba pilit nilalayo ang sarili mo sa'kin? kung kaya ba aalis ka dahil sa sinabi ko sige, huwag mo ng isipin yon. Huwag ka lang umalis please Jade nakikiusap ako.” At nakita kong tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata nya, para akong dinudurog sa mga oras na’to habang nakikita syang umiiyak dahil sa’kin.
“Hindi mo kasi ako naiitindihan Jake, marami akong kailangang gawin at makakasagabal lang yon para sa’tin. At sana maitindihan mo na ginagawa ko ito para sayo, makakahanap ka pa ng iba.”
“Para sa’kin o sa sarili mo?”
“J-Jake kasi a-ano.....”
“Kasi ano Jade? kasi may mahal kang iba? kasi iba ang gusto mo at hindi ako? alam mo Jade napaka unfair mo o talagang karma ko lang ito dahil sa mga babaeng pinaiyak ko. Napaka sakit naman ng karma na’to kasi hulog na hulog na ako sayo eh. Tapos bigla ka nalang aalis? ni hindi pa nga ako nanliligaw sayo tapos iiwan mo na agad ako, nice timing to broke my heart.”
Sabi nya at nagkukunwaring tuma-tawa pero wala akong makitang kasiyahan sa kanya.
Tanging kalungkutan lang lahat,
napansin ko rin ang namumuong
luha ulit sa gilid ng mata nya.
Na lalong ikinalungkot ko kung pwede lang Jake, kung pwede lang.
“Wala ka ng sasabihin aalis na ako
naghihintay na sina Irish sa labas
paalam Jake.”
“Even if you will going to leave me, I will still love you, even if it takes years to have you back I'm willing to wait, I know that someday we will meet again and I hope in that day your ready. I love you please take a good care of yourself.
Until our next eclipse my moon.”
nakatalikod na sya sa’kin habang sinasabi ang mga linyang yan alam kong umiiyak narin sya.
Tuluyan na akong lumakad palabas.
habang nag-lalakad ako ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko.
Sumakay na ako sa sasakyan at parang natulala ako sa kawalan.
Binabalikan yung mga araw na
kasama ko si Jake.
Muli kung sinulyapan ang bahay ni Jake at muling umagos ang luha ko.
“I will wait until our story have it's part two and I hope it's not tragic. I'm going to find you when everything gets better.”
Lagi mong tatandaan Jake ikaw pa lang ang minahal ko ng ganito, at sayo din ako nasaktan ng sobra.
Jake POV:
Tuluyan na syang umalis iniwan nya na ako.
Wala na sya, iniwan na ako ng babaeng mahal ko.
Para saan pa at nandito parin ako
bakit hindi ko sya napigilan?
hindi nya ba ako mahal?
Simula gabi ay hindi na ako naka tulog at hanggang umaga na akong gising.
Hindi mawala sa isip ko kong bakit
umalis nalang si Jade ng ganon
ano bang problema nya?
Ako ba?
Pumunta ako sa kwarto nya, humiga sa kama nya at inalala
ang mga araw na magka-sama
kaming dalawa.
Napa tingin ako sa gawi nung mini table at may nakita akong isang sobre.
Ano naman kayang laman non?
Kinuha ko at binuksan yong sobre
isang letter.
To: My beloved boss Jake
Kung nababasa mo man ito
nais kung humingi ng tawad.
Kasi Hindi na ako nakapag-paalam
ng ayos. Kasi nahihiya ako sayo
alam mo marami akong gustong sabihin sayo,una maraming maraming salamat sa mga oras,araw na binigay mo sakin.
Alam mo ikaw kung hindi kalang masungit siguro crush na kita.
Lagi mo kasi akong sinusungitan pero ikaw din pala ang mahuhulog sa’kin.
Akalain mo yon sabi mo hindi mo ako magugustuhan kasi pangit ako.
Tapos maraming magagandang babae Ang na sa paligid mo lang kaya bakit ako pa.
Alam mo hindi ko rin alam kong kikiligin ba ako sayo oh kung
maiinis dahil ang yabang-yabang mo sa’kin dati!
Pero may times na mabait ka naman
para kang laging mag period eh.
Kung sungitan mo ako inaman
tapos kung asarin mo pa ako!
Nakakasura(Nakakainis) kana ah
but wait thank you na talaga Jake
and goodbye aalis na ako hah!
Huwag kang magiging pasaway
mahal kaya kita
bilang kaibigan HAHAHAHA walang malisya.
from: Jade
Signing off as your body guard
Natulala nalang ako matapos kung mabasa ang isinulat nya.
Mahal nya lang pala talaga ako bilang kaibigan.
Ako lang ang nagmahal sa kanya ng higit pa sa kaibigan.
Kaya deserve ko talaga ang masaktan.