SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️

By dsheenx

4.2M 88.1K 6.7K

R-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog a... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Epilogue

Nineteen

141K 3.1K 191
By dsheenx

KINABUKASAN, sinubukan ni Sab na magpakalunod sa trabaho gaya ng madalas niyang gawin kapag mayroong nais kalimutan, pero sa pagkakataong iyon ay hindi iyon gumana. Was it because hindi lang isip niya ang involved doon, bagkus ay higit ang puso niya, at imposibleng ignorahin kapag kumikirot ang puso?

Ugh. Stop, Sabrina Alejandrino. It's not like the devil is your forever freaking love. Why would you fall irrevocably in love with that special kind of bastard? Mababaw lang ito. Sobrang babaw! Makakalimutan mo rin siya, sabi niya sa sarili.

Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit masyado siyang apektado sa mga nangyari nang nagdaang araw. It was not like nakipaghiwalay siya sa boyfriend niya or anything. As a matter of fact, nang naghiwalay sila ng past two boyfriends niya, she couldn't remember being a mess like this. In fact, may certain peace siyang naramdaman, knowing that it was for the best, ang paghihiwalay nila, dahil mayroong mas makapagpapasaya sa taong pinakawalan niya.

And yet, this time, kay Phin, kahit hindi naman sila nag-break traditionally ay sobrang gigil na gigil pa rin siya. Gusto uli niyang sampalin hindi lang isa kundi isang milyong beses ang demonyong iyon. And she wanted to cry again kahit hindi naman siya crybaby at mabibilang ang pagkakataong umiyak siya sa tanang buhay niya.

Nanggigigil ba siya dahil hindi niya matanggap ang sort of "break up" nila? Hindi ba siya handang kalimutan si Phin gaya ng mga ex niya? Or she was willing to, but she was aware that it was not going to be easy? After all, iba ito sa lahat ng lalaking nakilala niya.

He might be a bastard, pero ang character na iyon mismo nito ang nakapukaw ng kanyang atensiyon. She liked it that he was not like the others, so dark and yet colorful. He was a handful, malaking sakit ng ulo, and he would never ever bore her a single day of her life.

Iyon ba ang lalaking hinahanap niya mula pa noon, at natagpuan niya iyon kay Phin?

"Your standards in men suck, Sab," iiling-iling na sabi niya sa sarili. The worst guy she'd ever met, was actually the man she'd been dreaming of and waiting for all her life. Great.

Tumayo siya buhat sa desk niya. Minabuti niyang magtimpla ng tsa sa kitchen. Kailangan niya ng pampakalma pagkatapos ng natuklasan.

Tapos na sila ni Phin, so ano na ba ang gagawin niya ngayon? Maghanap ng katulad nito para makapag-move on? Where? Sa bilibid? Sa zoo? Sa impiyerno?

"Sab!"

Naibaba niya ang mug nang mabosesan ang tumatawag sa labas. Phoebe.

Pumunta siya sa front door upang buksan iyon. Yumakap sa kanya si Phoebe.

"Sab."

Hinawakan niya ang ulo nito. Teenager na ito at mas matangkad pa sa kanya pero parang isang bata lang ang tingin niya rito. Siguro dahil ramdam niya ang pagkauhaw nito sa atensiyon ng mga magulang. "What are you doing here?"

"Nag-away daw kayo ni Dad sabi ni Rigor. Is it true?"

Nang tumingin siya sa kabilang panig ng kalsada, nakita nga niya si Rigor na naka-cross arms sa tabi ng mint green Lambo nito, pinapanood sila just like a normal bodyguard.

"I know my dad can be harsh sometimes, pero huwag mo siyang iwan, please? He doesn't mean most of the things he says. Ganoon lang talaga siya."

Kumalas siya rito. "Pumasok ka muna sa loob. I'll talk to Rigor."

"Sige," tugon ni Phoebe. Dumiretso ito sa sala.

Sinenyasan niya si Rigor na lumapit. Tumawid ito para puntahan siya.

"Hindi ako ipinadala ng boss."

Agad siyang nainis sa pagbanggit nito kay Phin. Hindi siya umaasa. Tse!

"Hindi siya ang gusto kong pag-usapan. Wala akong pakialam sa demonyong boss mo kahit pumunta siya sa impiyerno at hindi na bumalik."

"I guess that means you're still mad at him. Got it."

"Bakit magkasama na naman kayo ni Phoebe?" Nameywang siya.

Walang pagbabago sa stoic expression ni Rigor. "Pinuntahan niya ako sa gym ko. That's not a place for a girl like her. Pumayag akong samahan siya rito para makaalis siya roon."

"You know that she's only fourteen, right?"

"Of course."

"That's a warning, you fool. Kung walang napapansin na kakaiba sa iyo si Phin pagdating kay Phoebe, ibahin mo ako dahil babae ako."

Rigor was Phin's reliable bodyguard, a badass fighter, pero sunud-sunuran kay Phoebe? Kumusta naman iyon? Masyadong malansa para hindi niya maamoy.

"I don't know what you're talking about. She's just the boss' daughter to me."

"Siguruhin mo."

"Hindi mo pa isinasara nang tuluyan ang sarili mo kay Boss, it seems."

"Ano?!" Bakit isiningit na naman nito si Phin sa pinag-uusapan nila? Pinapainit talaga ang ulo niya.

"You know that you're acting like the boss' daughter's mom, right?"

"I care for Phoebe, it doesn't mean I have to feel the same for your devil boss."

"Just be more patient with him. He was starting to open up to you. Nararamdaman niya iyon kaya nag-step backward siya. You're important to him, and he knew what to do in order to keep you by his side, pero ang bagay na iyon ang pinakamalaking kinatatakutan niya sa buhay niya. Give him time. Kung may babae na makakapagpabagsak sa defenses ng boss, ikaw iyon. Wala ka bang tiwala sa sarili mo na kaya mo iyong gawin?"

"Ugh! The hell you're talking about? Are you Phin's bodyguard or his shrink?" Ayaw niyang pakinggan ang mga sinabi nito. Hindi naman ito si Phin. Katangahan na umasa na naman siya dahil lang sa opinyon ng bodyguard nito.

"I just think you're the perfect lady for the boss."

"I was never his lady and I will never be his lady. He treated me like a whore that he could get rid off once tapos na ang pangangati niya. Well fuck him. Good riddance."

"You can't get rid of him that easily. He wants you bad. He'll get you back."

"I'm not seeing him anywhere, Rigor," malamig na sabi niya. This was how much Phin wanted her? Walang paramdam pagkatapos siyang pagsalitaan ng kung anu-ano. Walang sorry-sorry.

"You will. You will," pag-assure sa kanya ni Rigor.

"Just shut up. Hindi ko na gustong makarinig ng kahit ano tungkol sa demonyo mong amo."

Lumabas si Phoebe, tila nainip sa tagal nilang mag-usap ni Rigor. "Hey. What did you do, Rigor? Why does Sab look upset?"

"Nothing. But I think Miss Sabrina doesn't feel too well today, Phoebe. Hayaan mo muna siyang makapagpahinga at sa susunod ka na lang uli bumisita sa kanya. Ihahatid na kita sa bahay ng lola mo. I also need to go back to the gym afterwards."

"Oh. Okay. Aalis na kami, Sab."

Hindi tumanggi si Sab. Rigor was right, wala siya sa tamang frame of mind para i-entertain si Phoebe. Lalo pa at alam niya na ang lagay ng "relasyon" nila ni Phin ang palagi nitong uusisain sa kanya.

"Ingat kayo."

Naglakad ang mga ito. Habang patawid, inosenteng yumakap si Phoebe sa beywang ni Rigor habang tumitingin kung may sasakyang parating. Hindi niya napigilang mapa-react.

"Ehh! Rigor!" sigaw niya, gustong sakalin ang bodyguard. Kung komportableng-komportable si Phoebe na yakapin ito, ibig sabihin ay hindi iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ng body contact ang mga ito. No, she didn't think na magte-take advantage si Rigor sa isang minor. But, still, he was twenty-four and to a fourteen-year-old Phoebe, he had the body of a god at kung nahahawak-hawakan ito ng dalagita nang ganoon-ganoon na lang, ano na lang ang puwedeng matanim sa isip nito?

Tinanggal ni Rigor ang mga braso ni Phoebe sa katawan nito, pilit umaakto nang normal stoic self nito, pero hindi nakaligtas sa kanya na medyo napahiya ito.

"Bye, Sab!" Kumaway sa kanya si Phoebe bago ito pumasok sa Lambo ni Rigor.

May tiwala siya kay Rigor, pero medyo nagwo-worry pa rin siya kay Phoebe. It was almost not normal. Parang protectiveness nga ng isang ina sa anak, gaya ng sinabi ni Rigor.

"Ugh. Stop, Sab. Huwag mo nang dagdagan ang mga pinoproblema mo." Isinara na niya ang pinto ng apartment niya, isang simbolo ng dapat niyang gawin sa mag-amang Polivega. Shut them out of her life, because she had no place in theirs.

THE next day, pinilit na niyang ibalik sa normal ang buhay niya. May potential client na nanghihingi sa kanya ng online marketing proposal. Pagkatapos ihanda ang outline, pumunta siya sa business address ng company na iyon.

Nasa isang lumang four-story building sa Quezon City iyon. It didn't look like an office building. Parang hindi rin okupado ang mga nasa itaas na commercial space. Siguro dahil sa lutang ang isip niya kaya umakyat pa rin siya sa hagdan nang hindi nagdududa. Nang may makasalubong lang siyang dalawang lalaki na balbas-sarado at kakaiba ang tingin sa kanya, saka lang siya kinutuban nang hindi maganda.

Shit. Tumalikod siya pero bago pa siya makatakbo, hinawakan na siya ng mga ito. Scream, Sab. Hindi niya naituloy ang paggawa ng ingay dahil may tumakip na palad sa kamay niya. Kinaladkad siya ng mga ito at ipinasok sa isang unit. Wala iyong laman maliban sa ilang kahon at desk sa sulok. May nakaupo roon.

The fuck?

"Kumusta, Miss Sabrina Alejandrino?" nakangising bati sa kanya ni Anton, looking despicable as before. May hawak itong kutsilyo na nilalaro nito ang talim.

"Ano ang ibig sabihin nito, Anton?" nagpapakakalmadong tanong niya. Okay. Si Anton lang ito. Relax. I can get out of this shit safely, sabi niya sa sarili. Actually, hindi siya sigurado doon. Pero kailangan niyang palakasin ang loob.

"Ang ibig sabihin nito? Anton's revenge time, Sabrina. Revenge time." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Huwag ka na nga palang mag-aksaya ng panahon na sumigaw dahil soundproof ang buong unit. Pinili ko talaga ito para sa plano ko."

"At anong plano iyon?"

"Simple. Tatawagan mo ang syota mong milyonaryo. Pagkatapos ay kami na ang bahalang maglaro sa kanya."

Milyonaryo? Maiinsulto si Phin na iyon lang ang tingin dito ni Anton. He was a freaking billionaire. Hindi iyon nakasulat sa kahit saang babasahin, pero sigurado siya doon.

"He's not my boyfriend Anton. Nagsasayang ka lang ng panahon. Hindi ko siya mapapapunta rito."

"Kung ako ikaw, makikisama na lang ako habang mabait pa ako sa iyo, Sabrina. Nangangati na akong gantihan ang mokong mong syota. Masama akong mainip," nanlilisik ang mga mata na sabi ni Anton.

Shit. Natapakan masyado ang ego nito dahil sa ginawa ni Phin dito. It probably drove him mad, knowing kung gaano ka-spiteful si Anton.

"Akin na iyan!" Inagaw nito sa kanya ang bag niya, hinalughog at kinuha ang cellphone niya.

"Don't do it, Anton. Magsisisi ka. Hindi masarap ang buhay sa kulungan."

Tumawa ang dalawang lalaking kasama nito.

Ngumisi rin si Anton. "Ang akala mo ba ay naglalaro lang kami?" Itinuro nito ng kutsilyo ang mga kasama. "Alam mo ba kung gaano kahalang ang kaluluwa ng dalawang iyan? Hindi sila mga bagito sa ganito. At ako, sa tagal kong humahabol sa mga kriminal at terorista, naintindihan ko na kung bakit mas mabuting mawala ang kalahati ng mga tao sa mundo. Nagtitiyaga lang ako sa trabaho ko noon sa TV network dahil sa nakukuha kong respeto kapag sinasabi kong reporter ako. Pero salamat sa mayabang mong syota, natanggal ako kaya heto, sumapi na lang ako sa mga kapatid ko sa krimen. Isinumbong mo siguro ako sa kanya, ano? Napakasarap ba na may mayamang syota, Miss Alejandrino?"

Alright. So Anton was really just a bad person right from the beginning. Pero hindi ba alam na naman niya iyon noon pa? Kahit ang ilang taon nito bilang journalist ay hindi ito nagawang disente. Lumabas pa rin talaga ang lalim ng kasamaan nito.

"I told you, he's not my boyfriend," sagot niya.

"Huwag ka nang magsinungaling. Ang sabi sa akin ng tao niya na kumaladkad sa akin sa Club BloodX, ikaw ang boss' lady. Huwag na huwag na raw kitang subukang lapitan pa dahil hindi lang ang ipatanggal ako sa trabaho ang maaaring gawin sa akin ng boss niya. Pero tingnan natin kung may magagawa siya kung wala ang mga tauhan niya. Puro pera ang pinapagana niya." Dumura ito sa sahig. Pagkatapos ay inabot sa kanya ang cellphone niya. "Tawagan mo."

"I can't—"

"Isa! Gusto mong ipa-rape kita sa mga ito bago ka sumunod sa akin?"

Shit. Napilitan siyang sundin ang ipinapagawa nito, nanginginig ang mga kamay. Sorry, Phin. Natatakot siya para sa sarili, at ngayon ay para kay Phin na rin. Pero baka mas magkaroon siya ng chance na makaligtas kung malalaman nito ang nangyari sa kanya. He was a Polivega. At may mga tauhan ito. Ang tanong lang ay kung mag-aaksaya ito ng panahong iligtas siya. May pakialam pa kaya ito sa kanya? Baka ni hindi nito sagutin ang tawag niya.

Nagri-ring pa sa kabilang linya, inagaw na sa kanya ni Anton ang cellphone niya. Damn.

Ngumisi ito. Sinagot ba ni Phin?

"Oy, Polivega! Kumusta? Si Anton ito. Remember me? Of course you do. Guess what? Hawak ko ang babae mo. He-he. Ba't hindi ka na nakapagsalita?"

Ano'ng nangyayari? Ano ang nasa isip ni Phin?

"Tingin ko naiintindihan mo na ang situwasyon. Ganito: Gusto ko na pumunta ka rito kung gusto mo pang makita ang syota mong si Sabrina. Siyempre, alam mo na rin ang dapat at hindi mo dapat gawin. Wala kang pagsasabihan. Walang pulis. Wala kang isasamang kahit sino. Hindi ka magdadala ng kahit anong armas. May mga tao sa paligid ng address na ibibigay ko sa iyo, magsisilbing mga mata ko kung sumunod ka sa lahat ng bilin ko. Ikaw lang ang gusto kong makaharap naiintindihan mo? Okay? Good!"

Pumayag si Phin? Pero hindi nito maisasama kahit sino sa mga bodyguards nito. Ano'ng mangyayari rito? Mapapahamak ito dahil hindi nag-iisa si Anton.

Ibinigay ni Anton ang lokasyon nila kay Phin. Sana huwag nitong sundin si Anton at tumawag ng mga pulis. Going there alone would be like stepping into his death. Wait... iyon nga ba ang gagawin ng grupo ni Anton kay Phin? Nang tingnan niya ang dalawang balbas-sarado na lalaki, nasalubong niya ang mga mata ng mga taong itim ang kaluluwa. Yes, they will kill him.

Lalong nanlamig si Sab. Para ring gustong bumaligtad ng kanyang sikmura. "Anton, please, huwag mo na itong ituloy," pakiusap niya.

"Hindi ang pagmamakaawa mo ang gusto kong marinig, Sabrina. Ang sa syota mo. Mamaya, hahalik siya sa paa ko at siya naman ang duduraan ko."

No. Phin would never do that. He'd rather choose an early death than kiss this pig's foot.

Tumayo sa harapan niya si Anton, malisyosong hinahog diys ng tingin. "At ikaw... panahon na para matikman ko ang ipinagkait mo sa akin noon."

Umatras siya, diring-diri. "Stop it, Anton."

Tumawa lang ito. "Titikman kita habang hinihintay natin si Polivega. At kapag dumating siya, ang dalawang iyan naman ang magpapakasasa sa iyo habang nanonood ang syota mo."

Kinalmot niya ito nang tangkain siyang hawakan. "Don't you dare!" sigaw niya. Mas gugustuhin rin niya na mamatay na lang kaysa matuloy ang balak nito sa kanya.

May kumalabog nang malakas sa pinto.

Nagsitingin ang tatlo roon, pagkatapos ay tumakbo ang isa para silipin kung sino ang nasa labas, inilabas ang baril nito. "Nandito na siya," nagtatakang sabi nito kay Anton.

"Putsa! Paano nakarating iyan dito nang ganito kabilis?" Sinenyasan ni Anton ang isa pang lalaki na lumapit rin sa pinto. The guy did, naglabas rin ng baril.

Oh my God. Gusto nang umiyak ni Sab sa mga nangyayari. She was ready to break down

"Itaas mo ang mga kamay mo bago ka namin papasukin, Polivega!" sigaw ni Anton.

Ginawa siguro iyon ni Phin dahil binuksan ng dalawang lalaki ang pinto. Lalong gustong umiyak ni Sab nang makita na niya si Phin, but... strangely, she also felt a little relief. Hindi niya alam kung bakit. May kinalaman kaya sa assurance na ipinarating sa kanya ng mga mata ni Phin sa kanya nang magkatinginan sila?

But we're gonna die today, fool.

Dinrag ng mga ito si Phin papasok.

"I-check n'yo kung wala ngang armas!" utos ni Anton, tinutukan siya ng kutsilyo para siguro lalong makuha ang cooperation ni Phin.

Walang pakundangan na pinaghihila ng dalawang lalaki ang mga kasuotan ni Phin, sinadyang punitin para i-provoke ito. And then, for some reason, natigilan.

"Tangna!" usal ng isa, nakatingin sa tattoo ni Phin.

Kumilos si Phin, hinawakan sa ulo ang isang lalaki at binali ang leeg niyon. Itinaas ng isa pang lalaki ang hawak na baril, pero nanginginig ang kamay sa takot, kaya mabilis na na-overpower ni Phin, chinop ang kamay para mabitiwan niyon ang pistol pagkatapos ay hinila sa ulo at chinop rin sa batok na ikinawala niyon ng malay. Or maybe he was dead too.

Sobrang na-shock si Sab. She stood there frozen, hindi makapagdesisyon kung laro lang ng imahinasyon niya ang mga nasaksihan.

Bumaling si Phin sa direksiyon nila. His eyes narrowed menacingly at Anton. "Bitiwan mo si Sabrina."

"H-huwag kang lalapit! Papatayin ko siya!" Nahihintatakutang idiniin ni Anton ang kutsilyo sa leeg niya. Nang sandaling iyon ay alam ni Sab na safe na siya, hindi siya hahayaang mamatay ni Phin, kaya hindi siya nakaramdam ng panic.

"No. But I'll kill you." Maykinuha si Phin na bagay na nakaipit sa likod ng tainga nito, like a smallblade, at ibinato nang malakas. May tumalsik kay Sab na dugo bago niyanaramdaman ang pagtumba ni Anton sa tabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 53.4K 26
Warning: This story contains scenes not appropriate for young readers. Strictly for 18 years old and above only. Read at your own risk. ---- Synopsis...
84K 1.9K 18
Thanks to @yowrekuh for my wonderful cover! ^__^ [RATED SPG] [EDITING] HIGHEST RANKING #2 in xxx ranking. ♡★ #2 kabet😘😚 Simple lang ang buhay ni A...
7M 100K 38
WARNING!!! MATURE content for 18 years old and above!!! If you're an INNOCENT or NOT AN OPEN-MINDED reader, please refrain from reading this story! "...
223K 4.7K 28
Warning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is...
Wattpad App - Unlock exclusive features