Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 18

1.2M 35.4K 19.7K
By jonaxx

Kabanata 18

Please

Pagkarating namin sa cafeteria ay naroon na si Noah kasama si Stan, Warren, at Joey. Nakaupo na sila doon at napansin ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Noah kung saan nakalapag ang pagkain na binili niya para sa akin. Sa harap niya ay si Stan kung saan may nakabakante ring upuan na para kay Everlyse. Hindi na ako naghintay na maunahan pa. Doon ako umupo sa tabi ni Stan at nagkunwaring wala lang iyon sa akin.

"Ang hirap 'nong test kanina," sabi ko, umuupo.

Nakuha kaagad ni Everlyse ang gusto kong mangyari. Nilingon ni Noah si Everlyse na siyang umupo sa upuang inilaan niya para sa akin. Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Joey sa pagtataka. Si Noah ay tumingin sa akin, nagtataka.

"Nasagutan mo, Stan?" tanong ko, pinapanatiling normal ang boses kahit na nagtataka na ang titig nila sa akin.

"Of course!" wika ni Stan.

Bumaling ako kay Noah, "How about you, Noah?"

Seryoso ang titig niya sa akin. Para bang tinatantya ang bawat galaw ko. "Yup. You didn't answer my letters, though."

Humagikhik ako at nagkunwaring nagbibiro, "Magkikita din naman tayo ngayon, e. Tsaka, Nandon si teacher sa harapan, mamaya isipin niyang nag papasahan tayo ng kodigo."

Tahimik si Everlyse habang kumakain at nakatingin sa akin. Pinagpatuloy ko naman ang pagiging masayahin at pagkain nitong binigay ni Noah. Batid ko ang paninitig niya sa akin.

Papatapos na akong kumain nang nakita ko si Reina at Coreen na papasok sa cafeteria. Kitang kita ko kung paano tumigil si Coreen nang nakita niya si Noah na nakaupo sa aming table. Pumula ang kanyang pisngi at hinila si Reina palayo doon. Nahihiya yatang makaharap ang crush niya.

"Noah, your sister and her best friend," maligaya kong pinuna.

Nilingon niya ang kanyang kapatid at bumaling ulit sa akin ng nakataas ang kilay.

Nagkibit balikat ako at tumingin sa mineral water sa harap ko. "Nakakatanggap ka parin ba ng love letters galing kay Coreen?"

Nag uusap sina Stan at Warren ng tungkol sa isang freshmen na mukhang pareho nilang type habang ako naman ay naghihintay sa isasagot ni Noah. Si Everlyse ay nanonood sa mga ginagawa ko.

"Ewan ko. I don't read the letters."

"Liar. Naalala ko years ago, nong nabasa mo ang love letter ko. Pinulot mo 'yong kay Coreen. You like her. Kanyang love letter lang ang pinagtutuunan mo ng pansin," ngumisi ako nang sa ganon ay hindi niya maisip na mahirap ito sa akin.

Nagkasalubong pa lalo ang kilay niya at sumingit si Joey. "And Aria Miguel's love letter. Hindi naman kasi nagsusulat si Trisha sa kanya," halakhak ni Joey na agad matalim na tinitigan ni Noah.

"I got curious. My brother likes her," kibit balikat ni Noah. "Bakit ka nagtatanong?"

"Do you find her pretty?" linakihan ko pa lalo ang ngisi ko.

Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin. Nilingon ko si Coreen na nakapila doon sa bumibili ng pagkain. Panay ang balik balik ng kanyang tingin sa aming table. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong bumaling na rin si Noah sa kanya. Tumitig ako kay Noah at agad ulit niyang binalik sa akin ang titig niya. "What's your point?"

"I'm asking you. Nagagandahan ka ba sa kanya?" Humagikhik ako.

"Of course, Coreen Aquino is pretty." Sabay lingon ni Stan sa kay Coreen.

"She is." Pag amin ni Noah.

There, Megan.

Tumango ako at ngumiti, tumingin kay Coreen na hinahawi ang umaalon na buhok. "Yup. Bagay kayong dalawa. Look at her fair skin, red lips, and her body. Isang taon lang ang tanda natin sa kanya pero dalagang dalaga na siya. Have you seen her sa P.E. nila? Swimming?" Wala sa sarili kong sinabi.

"Tomboy ka, Meg?" Natatawang sinabi ni Warren.

"No!" Tumawa ako. "Naaappreciate ko lang talaga ang beauty niya. Noah, pormahan mo kaya. She likes you. Have you read her letters? What can you say?" Bumaling ako sa kanya at titig lang na matalim ang kanyang ipinakita sa akin.

"You want me to date her?" Kumunot pa lalo ang noo ni Noah.

Nag iwas ako ng tingin. "You might like her. She's pretty and she likes you."

"You want me to date her?" Tanong niya ulit sa mas seryosong tono na para bang hindi niya narinig ang salita ko kanina.

Nanahim silang apat na naroon sa table namin. Pinapanood lang kaming dalawa sa nagtatakang mga ekspresyon. Ang mga mata ko ay nasa mineral water sa harap ko samantalang titig ni Noah ay kanina pa nasa akin.

"Excuse me." Tumayo si Noah at mabilis na tinalikuran ang mesa namin.

Binuksan ko ang nilalarong mineral water at uminom. Tahimik silang tumingin sa akin na para bamg may ginawa akong masama.

"What was that, Meg?" tanong ni Stan sa akin.

Tumikhim si Everlyse at umiling, "Ganon ba gagawin mo?"

"Ireto natin siya kay Coreen, Stan," nilingon ko ang pinsan ko.

"Wha- Bakit?" Ginulo ni Stan ang buhok niya.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na nakahanap ng salita. Panay ang tanong nila sa akin kung ano ang nangyayari ngunit wala akong maisagot. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Noah at lumilipad ang utak ko patungo sa kanya sa loob ng halos tatlong oras naming pag upo doon sa cafeteria.

Hindi ko parin sinasagot ang tanong nila kung bakit ko iyon nasabi. Panay ang pilit nila sa aking hanapin si Noah ngunit hindi ko ginawa. I felt so dumb. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Noah ngunit alam kong magiging mahirap na iyon.

Nag angat ako ng tingin nang pumasok si Noah sa classroom, tatlong minuto na ang nakakaraan nang nagsimula na kami sa aming exam. He's late. Malamig ang kanyang tingin at hindi man lang siya sumulyap sa akin. Dinungaw ko ulit ang papel ko nang lumagpas na siya sa akin para magtungo sa kanyang upuan at sagutan ang exam.

Pinukpok ko lang ang ballpen ko sa aking testpaper. Kinukurot ang puso ko habang sinasagutan ng wala sa sarili ang exam. Paglipas ng isang oras ay narinig ko ang galaw ng upuan sa likod.

Napalingon ako sa nagpapasa ng papel. Si Noah ang pinakamabilis natapos. Siya rin ang unang umalis. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pag alis doon at huminga ng malalim.

"What the hell, Meg?" sigaw ni Stan sa akin nang nakauwi na ako sa bahay at pinilit nilang sumama.

Kanina pa niya ako halos minumura dahil sa kagagahang ginawa ko kanina sa lunch kay Noah. Kinancel ni Noah ang practice nila sa araw na iyon sa sobrang pagkabadtrip. At kahit ayaw sabihin ni Noah 'yong dahilan ay alamnilang kasalanan ko.

Pumasok ako sa kwarto, dire diretso habang ang kambal ay sinusundan ako. Kinuha ko 'yong malaking maleta na pinupuno ko ng damit simula pa nang nalaman kong aalis kami.

"Aalis kami, Stan," sabi ko na para bang sapat nang paliwanag iyon sa humihingal sa galit na si Stan.

Dinungaw niya ang maleta ko at ang nagkalat na gamit sa aking kwarto. Umupo si Everlyse sa aking kama at mariin kaming pinagmamasdan sa pagtatalo.

"Saan kayo pupunta?" Nalilitong tanong ni Stan, tinitingnan ang mga maleta.

"We're off to Los Angeles next week. Hindi ko alam kailan ang balik namin. I will drop out of school," sambit ko.

Napaawang ang bibig ni Stan. Nakapamaywang siya at tinitigan ang mga damit kong nagkalat.

Nilapag ko ang bag ko sa mesa at tinanggal ang relo ko. Ilang sandaling katahimikan ang lumipas ay may kumatok sa pintuan. It was dad. Binuksan niya ang pinto at nang nakita ang mga pinsan ko sa loob ay tumango siya sa kanila. Nagmano si Everlyse sa kanya at sumunod naman ang wala sa sariling si Stan.

"Napadalaw kayong dalawa? Akala ko sino 'yong kausap ni Megan sa loob ng kwarto. Kayo lang pala..." ani daddy.

"Tito, aalis kayo?" nag angat ng tingin si Stan.

Bumaling si daddy kay Stan, "Hindi ba 'yon nasabi ng daddy niyo sa inyo?"

Umiling si Stan na para bang hindi matanggap 'yong nangyari.

"Well, now you know. It's for the business." Nilipat ni dad ang tingin niya kay Everlyse at sa akin. "Bumaba na rin kayo para makapag dinner na." tsaka sinarado ang pintuan.

Bumaling si Stan sa akin, hindi parin makapaniwala. Pinaulanan niya ako ng mga tanong tungkol sa pag alis. Ipinaliwanag ko sa kanya kung gaano ako nalito at kung gaano ako nahihirapan.

"Why don't you tell tito and tita na may relasyon kayo ni Noah and-"

"Wala kaming relasyon ni Noah. Walang title ang namamagitan sa amin. And you really think my mom and dad would change their minds just because I'm inlove with Noah, Stan?"

Tulala lang si Stan habang nakaupo sa aking kama. Tingin ko ay wala na siyang masabi sa sitwasyon. Kaya nong bumaba kami para kumain ay ang tanging naitanong niya sa kay mommy at daddy ay kung ilang taon ba ang itatagal namin sa America.

"Three to four years, we don't know yet. Bibisita naman kami dito," ngiti ni mommy kay Stan samantalang hindi naman ako makangiti habang kumakain.

"Hindi ba pwedeng maiwan si Megan, tita?" ikinagulat ko ang tanong ni Stan.

Natigilan si daddy. Napainom ng tubig si Everlyse habang sinisiko ang kanyang kambal.

"For what reason exactly?" tanong ni daddy.

Walang naisagot si Stan. Katahimikan ang bumalot sa hapagkainan. Kahit ako ay hindi makasagot sa tanong ni daddy. I made up my mind. I'm going with them.

"Is it because of that Elizalde?" Nilipat ni daddy ang tingin niya sa akin.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Tumawa lang si daddy habang sinasaway ni mommy.

"Come on, Stan. You and I know that you are all too young for relationships. Whatever you are feeling now are just pure sentiments. When you grow up, malalaman niyo rin kung ano ang ibig sabihin ng relasyon. Wag nating hayaang makulong ang buhay natin sa mga bagay na inaakala nating makakapag pasaya sa atin. We need to see things differently." pangaral ni daddy sa amin habang isa isa kaming mariing tinitigan.

Yumuko si Stan at natulala sa kanyang pagkain.

"You all need to learn that this life isn't all about love. There is a bigger world out there. It needs you. Hindi lang ito. Hindi lang 'yong dito. Hindi lang kayo. Hindi lang 'yong pakiramdam niyo. That's least priority. Whatever you kids are feeling right now, it will soon fade away. Ang hindi mawawala ay ang tagumpay at ang edukasyon. Iyon ang dapat niyong pagtuonan ng pansin. Not the temporary feelings." umiling si daddy sa katahimikan naming tatlo.

"I know, tito. I'm sorry. Nag aalala lang ako kay Megan." Basag ni Stan sa katahimikan at tumingin sa akin.

Nagkatinginan lang kaming dalawa bago kumain muli para mapag usapan nila ang pagsunod nina Stan at Everlyse dalawa o tatlong taon mula ngayon.

"Susunod din naman kayo. Maybe next year. But you'll come back here. Bago tuluyan ng mag migrate. I hope you both know that," nagtaas ng kilay si daddy sa dalawa.

Pinaglalaruan ko na lang ang pagkain ko habang nawawala na sa usapan nina Stan at daddy. Tsaka lang ako naibalik ulit sa lupa nang natapos na ang kainan at nagpaalam na si Stan at Everlyse para umuwi na sa kanilang bahay. Hinatid ko sila sa labas. Kitang kita ko sa mga mata ni Stan ang lungkot sa nangyayari. Si Everlyse naman ay nakikisimpatya na lang.

"Let's go, Stan," wika ni Everlyse nang papasok siya sa kanilang sasakyan.

Nilingon ako ni Stan, "Are you sure you want to do this?"

Pumikit ako at huminga ng malalim bago tumango. Tumango rin pabalik si Stan sa akin bago sumakay sa kanilang sasakyan.

Mas lalong naging mahirap ang sumunod na mga araw. Abala kami sa exam at abala rin si Noah sa pagiging suplado ulit sa akin. He refused to even look at me everytime we're inside the classroom. At tuwing kumakain kami sa cafeteria ay hindi na kami tabi at tahimik siya madalas at kung minsan ay nakikipag biruan lang kay Warren at Joey na parang hangin ako at hindi ako nakikita.

Halos hindi ako makakakain pero pinipilit kong isubo ang pagkain sa aking bibig. Pinipilit kong magpakasaya at magpaka normal. Lahat ng emosyon ay pinipilit kong baliktarin. Naghahanap ako ng tyempo para maibalik ulit 'yong usapan namin tungkol sa kagandahan ni Coreen at sa pagiging bagay nila ni Noah pero hindi ako makanahap ng tamang oras.

Ngunit sa tingin ko ay hindi na rin naman kailangan.

Nang patapos ang huling exam namin sa hapon at paalis ako ng classroom ay nakita ko si Noah, Stan, Joey, at Warren sa labas ng aming classroom. Para bang may inaabangan sila. Natatawa si Noah habang nakikipag highfive kay Warren.

Nagtago ako sa hamba ng pintuan para makita kung sino ang inaabangan nila. Ang mga kaklase namin ay paalis na sa classroom at panay ang reklamo sa sobrang hirap naming mga exam. Kinalabit naman ako ni Everlyse sa pagtataka.

"Huy! Anong ginagawa mo?" Tanong niya at nilingon na rin ang apat na nag aabang sa corridor.

Nakita kong tinulak nila si Noah at tumawa na lang si Noah nang nagsilabasan ang mga estudyante sa kabilang classroom. Nakita ko na ang klase iyon nina Reina. Tumitig ako kay Noah at nakita ko ang pagkagat ng kanyang labi habang pinagmamasdan si Coreen na lumalabas doon.

Lumipad ang aking kamay sa aking bibig at bahagyang kumirot ang puso ko.

"You asked for that." Bulong ni Everlyse sa aking gilid.

Tumango ako at hindi nilubayan ang ginagawang pagtitig ni Noah at ang pagtutulak ni Stan sa kanya na pansinin si Coreen pero hindi niya ginagawa. Kitang kita ko kung paano pumula ang pisngi ni Coreen. Hindi makatingin kay Noah.

Nanlaki ang mga mata ko nang nilingon ako ni Noah at nagtama ang paningin namin. Siya, nangingiti dahil sa pangyayari. At ako na parang sinakluban ng langit at lupa dahil sa kagagawan ko. Mabilis kong inayos ang bag ko sa aking balikat at hinigit na kaagad ang aking pinsan palayo doon.

"O, O, saan tayo pupunta?" Tanong ni Everlyse nang hinigit ko na siya palayo doon.

Lumiko kami sa locker room at hinampas ko ang locker ko. Kasabay non ang pag takip ko sa aking mukha, hindi matigil ang pagbuhos ng aking luha.

"Huy! Baliw! Ikaw ang may gawa non! Ikaw 'yong nagbigay sa kanya ng ideya," galit na sinabi ni Everlyse.

Hindi ako nagsalita dahil alam kong kasalanan ko. Tama siya. Nagpapakagaga ako. Nagpapakatanga. Pero hindi ko babaliktarin ang ginawa ko. Tama iyon. Tama na ilaan ni Noah ang kanyang atensyon sa iba. My dad is right! I can't invest on something that's uncertain. I can't invest on feelings. We can't do that. Time will tell us that it's wrong to invest on the things that are constantly changing. His feelings will fade. My feelings for him will fade too. And investing on that is just a waste of our time. I will get over this. I'm sure of that. At ngayong bumabaling na ang atensyon niya sa iba ay hindi na siya mahihirapang makalimutan ako. Hindi na ganon kasakit ang pag alis ko.

Hindi matigil sa panginginig ng balikat ko dahil sa pag iyak. Panay ang mura ni Everlyse sa katangahan ko pero wala akong masabi. Sa huli ay niyakap niya na lang ako habang umiiyak.

"Ano ba 'yan, Meg..." Nanginig ang boses niya habang ibinabaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg.

Ilang oras kaming nagtagal doon hanggang sa humupa ang pag hikbi ko. The next time I'll see Noah, magtatanong na ako kung kamusta na sila ni Coreen. At mag susuggest ako na yayain niya itong mag date sila o di kaya ay sa school prom.

Sa Sabado at Linggo ay nakumpleto ko na ang pag iimpake. Nakahilera na ang dalawang malalaking maleta ko sa gilid ng aking kama. Tulala ako habang tinitingnan ang ilang pictures namin ni Noah na niprint ko bilang alaala man lang sa lahat ng nangyari sa aming dalawa. Gising na ako sa panaginip na panandaliang iginawad sa akin ng tadhana. And I'm happy because it happened... at least. Some girls don't experience any of it. Ni hindi sila nililingon ng taong mahal nila. At least ako, sa isang panahon ay naramdaman kong nagustuhan ako ni Noah.

Pumasok ako sa Lunes kahit na sa Sabado ng linggong iyon na ang alis ko. Naglalakad ang mga estudyante na para bang isang panibagong araw na naman para sa kanila habang ako ay parang lumilipad sa ere, hindi makapaniwalang aalis na ako. For good.

"Megan!" Tawag ni Wella sa akin nang nakarating ako sa classroom.

"Oh?" Pinilit ko ang ngiti nang lingunin siya.

"Wala ka nong Friday! Nandon na 'yong tarp! Kumpleto na lahat para sa Sabado."

"Ganon ba? Mabuti." Ngumiti ako at mahinahong pumasok sa classroom.

Kumunot ang noo niya sa akin. Nginitian ko na lang siya. Hindi ko na kayang magkunwaring masaya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at sinundan niya ako sa aking upuan.

Umupo na ako doon at tinanguan siya na nakadungaw sa akin gamit ang nagtatakang mga mata. Bago pa siya makakibo ay may narinig na akong tili galing sa labas. Nilingon ko kaagad kung anong meron sa labas at nakita kong kumukunot ang noo ni Stan papasok sa loob. Umiiling siya sa akin at halos pula ang pisngi sa hindi malamang galit at pagkakabwisit sa kung anong meron sa sumunod sa kanya.

Nang namataan ko ang pag pasok ni Noah na may dalang mga rosas na simpleng naka arrange ay halos kumirot ulit ang puso ko. Ngunit laking gulat ko nang umigting ang panga niya at dumiretso ang kanyang lakad patungo sa aking mesa at nilapag iyon sa upuan ko.

Nanlalaki ang mata ko nang tiningala ko siya. "W-What's this for?"

Umigting ulit ang kanyang panga at dinungaw ako. "For being a jerk." At tinalikuran niya ako para dumiretso sa upuan niya sa likod.

Malaki ang ngisi ni Wella habang pinicture-an ako. Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang note na nakapaloob sa loob ng naka arrange na pulang mga rosas at binuklat ko iyon.

'I'm sorry. I got really pissed. Bakit mo ako pinamimigay sa iba? I like you. I like you so much and I hate that you're hurting me. I miss you. Badly. Please, let's make up.

-N. Elizalde'

Napatunganga ako habang dinudungaw ko ang mga rosas at ang note niya. Walang salita ang kayang lumabas sa aking bibig.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 49.4K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.9K 113 25
A COMPILATION OF POEMS All Right Reserved 2022 ©_sadistrin
7.2M 182K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...