Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

184K 5.5K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

43. Call-off

2.2K 81 10
By angDiyosaNgBuwan

“I’m sorry… pero wala nang kasalang magaganap.”

Ilang sandaling hindi nakahuma si Yuna sa sinabing iyon ni Aya. Maang na napatitig lang siya sa fiancée. Halos pitong buwan na din silang magkasintahan. At sa loob ng mga panahong iyon ay ginawa niya ang lahat upang makabawi dito. She announced to everyone that she’s gay and she remained faithful and loyal ever since.

Napaangat ng tingin si Aya nang hindi kumibo si Yuna.

Napakurap naman si Yuna. Hinihintay niyang sabihin ni Aya na nagbibiro lang ito. “You’re kidding, right? Are you having pre-wedding jitters now?” mahinahong tanong niya na hindi sineryoso ang sinabi ni Aya bagamat kinakabahan.

“I can’t marry you,” tanging naisagot ni Aya na mailap ang mga mata.

Muling natigagal ang kasintahan. “W-What? What do you mean ‘can’t marry’? Should we cancel it? Aren’t you ready yet?” sunod-sunod na tanong ni Yuna. Handa siyang mag-adjust para kay Aya at handa siyang maghintay kung kailan man nito gustong magpakasal.

Umiling si Aya. Napakagat-labi. Ayaw din naman niyang gawin ito kay Yuna, pero matapos ang lahat ng nalaman niya ay hindi na niya alam kung kaya pa niyang tumingin kay Yuna na hindi nakakaramdam ng galit, sakit at panghihinayang.

“No,” nag-iinit ang sulok ng matang wika niya “hindi na ako magpapakasal sa’yo. Gusto ko nang… gusto ko nang makipaghiwalay, Yuna.”

Ilang sandaling hindi makapagsalita si Yuna. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla-bigla na lang nakikipaghiwalay si Aya.

“M-Makipaghiwalay?” nginig ang boses na tanong niya “B-Bakit… A-anong… may nangyari ba? Why are you suddenly breaking up with me and stopping the wedding altogether? Aya naman… huwag mong gawin sa’kin ‘to,”nakikiusap na wika ni Yuna.

Hindi makatingin si Aya kay Yuna. Nasasaktan din siya para dito. Nakita niya ang pagbabago ng babae magmula nang magkabalikan silang muli. Malaki ang adjustment na ginawa nito para sa kanya.

“I’m sorry,” ang tanging nasabi ni Aya na nakatungo ang ulo.

Kinuha ni Yuna ang kamay ni Aya na nakapatong sa hita nito. “Hon, please… pag-usapan natin kung anong problema. Huwag naman ganito. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka sa’kin,” pagsusumamo niya.

Pilit na hinila ni Aya ang kamay mula sa fiancée.  “Tapusin na natin ‘to. Hindi ko na kayang makasama ka pa.”

“May nagawa ba ‘kong mali? Sabihin mo. I’m sorry kung may kasalanan man akong nagawa na hindi ko alam. But please… don’t do this,” emosyonal nang pahayag ni Yuna, pilit pa ring hinahawakan ang kamay ng kasintahan.

Hindi umimik si Aya at napaluha na lang habang nakayuko.

“Ano ba kasing dahilan ng lahat ng ‘to? hindi ko maintindihan…” patuloy ni Yuna na naiiyak na din. Hinawakan niya ng dalawang palad ang mukha ni Aya at pilit hinuli ang mga mata nito. “Kausapin mo naman ako ng maayos. Hindi itong basta-basta ka na lang nakikipaghiwalay na hindi man lang nagsasabi kung anong dahilan. I deserve some explanation,” giit pa niya.

Hilam ng luha na sinalubong ni Aya ang mga mata ni Yuna. Naninikip na ang dibdib niya sa pinipigil na damdamin. Naaawa siya sa kasintahan. Nakikita niya ang labis na sakit sa mga mata nito.

“Sabihin mo sa’kin…” pakiusap muli ni Yuna “magagawan natin ‘to ng paraan. Sabihin mo lang, please.”

“No. Hindi na natin ‘to magagawan ng paraan. Wala na siya,” mapait na wika ni Aya “patay na siya at dahil ‘yon sa mommy mo.”

Lalong nalito si Yuna sa sinabi ni Aya. Nabitawan niya ang mukha nito. “Patay? Sinong patay? At anong kinalaman ni Mommy sa lahat ng ‘to?”

“Si A-Alexa…” garalgal ang tonong wika ni Aya “patay na siya. Namatay siya nang dahil sa pakikialam ni Tita Helena.”

Natigilan si Yuna, bakas ang labis na pagkagulat sa mukha. “Patay na si Alexa? At paanong… anong ginawa ni Mommy?” litong-tanong niya.

“Pagkalabas mo ng ospital noon, no’ng binalak mong tumalon sa bangin… kinausap ng mommy mo si Alexa na layuan na lang ako at magparaya sa’yo. Kaya niya ako itinaboy nang puntahan ko siya. Dahil do’n. Simula noon ay naging alcoholic na si Alexa. At isang beses na lasing na lasing siya… nag-crash ang minamaneho niyang kotse… she had a severe head injury, Yuna. She fell into coma and she didn’t wake up anymore. She died last week,” paglalahad ni Aya.

Hindi na nakakibo si Yuna.

“Hindi ko na kayang magpakasal at maging masaya sa piling mo matapos kung malaman ang lahat. Patawad, Yuna.”

Tumayo na si Aya at anyong iiwan na ang kasintahan nang bigla itong magsalita.

“Kung sakali bang… ipinaglaban ka ni Alexa at hindi siya pumayag sa kagustuhan ni Mommy… siya ba ang pipiliin mo?” hindi tumitinging tanong nito.

“You know the answer for that,” mahinang tugon ni Aya bago tuluyang tumalikod at umakyat ng hagdan.

Mapait na napangiti si Yuna. Naisubsob ang mukha sa dalawang palad at doon napahagulhol. She didn’t know if she should thank her mother for what she did. Dahil kung tutuusin, hindi naman pala siya dapat nabigyang muli ng pagkakataon ni Aya. Kung hindi dahil sa ginawa ng ina ay hindi naman siya ang pipiliin nito.






----






Nang makauwi ng mansyon ay agad na pinuntahan ni Yuna ang ina sa study room nito. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro. Napaangat ang mukha nito mula sa binabasa nang maramdaman ang pagpasok niya. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito. Magmula nga noon ay naging maayos na rin ang relasyon nila ng mga magulang. Ginawa ng dalawa ang lahat upang makabawi sa mga pagkukulang kay Yuna. At sa wakas ay naging isang masayang pamilya din sila.

“Yuna!” masayang bati nito at agad na tumayo mula sa desk nito at sinalubong siya. Anyong yayakapin siya nito ngunit umiwas siya.

“Bakit niyo ginawa ‘yon?” malamig niyang tanong.

Litong napatitig sa kanya ang ina. “Ginawa ang alin?”

“Bakit niyo kinausap si Alexa na layuan si Aya?” tanong ni Yuna rito.

Biglang natigilan ang ina. Nagtataka kung paanong nalaman ng anak ang tungkol doon.

“I… who told you?”

Hindi na importante kung sino ang nagsabi sa’kin, Mom. Bakit niyo ginawa ‘yon?”

Nahaplos ni Helena ang noo. “I did that for you. I just want you to be happy. At alam kong si Aya lang ang makakapagbigay sa’yo no’n. Isa pa, hindi ko naman pinilit si Alexa… pinakiusapan ko lang siya. I wasn’t expecting her to agree right away,” pagrarason nito.

“You shouldn’t have done that,” mariing wika ni Yuna.

“I’m sorry, honey… Iyon lang kasi ang naisip ko para kahit papa’no ay makabawi sa’yo,” malungkot na tugon ng ina.

“Kahit pa. Sana ay hindi na kayo nakialam pa,” kastigo ni Yuna “Now Alexa’s dead, and Aya’s blaming it on you. There’s no way she’ll still marry me. Nakikipaghiwalay na rin siya sa’kin.”

“Alexa’s dead?” gulat na tanong ni Helena “How? Why?”

“Nawalan ng direksyon ang buhay niya nang mawala sa kanya si Aya. She became alcoholic, got into an accident and that’s what took her life,” puno ng guilt na lahad ni Yuna.

Nanlumo si Helena sa nalaman. Alexa was a very nice person and she wouldn’t want something bad to happen to that child.

“I feel ill. Hindi man ako ang tuwirang gumawa noon pero ako ang dahilan ng lahat.  Marami akong utang na loob kay Alexa, Mom. You should have considered that first before you talked her out,” patuloy ni Yuna.

“I’m sorry. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito,” sising wika ni Helena.

“Sana kasi kinunsulta niyo muna ‘ko…” nanghihinang turan ni Yuna.

“I’m so sorry. I wasn’t thinking then. Inisip ko lang noon kung anong makapagpapasaya sa’yo. I don’t want you to fall into depression again,” pagrarason ng ina.

Nangingilid ang luha ni Yuna na tumingin sa ina. “I feel like the worst cheater, Mom. And despite everything, I still lost Aya. Pakiramdam ko ay napaka-undeserving ko na para sa kanya.”

Naaawang niyakap ni Helena ang anak. “Oh, honey. I’m very sorry. Kasalanan ko ang lahat.”

Isinubsob ni Yuna ang mukha sa balikat ng ina. Hindi rin niya magawang magalit dito. Mali man, nang dahil doon ay nabigyan siya ng tsansa na makasama si Aya. Pero hindi rin niya ikinatutuwang naging dahilan iyon ng pagkamatay ni Alexa.

“Hindi ko na alam kung tatanggapin pa niya ‘ko ngayon. She loved Alexa, not me. Napilitan lang siyang makipagbalikan sa’kin dahil ipinagtabuyan siya ni Alexa,” mapait na wika ni Yuna.

Matapos ang pag-uusap nila ng kanyang ina ay pumasok na ng kanyang kuwarto si Yuna. Malungkot na ibinagsak ang katawan sa kama. She dialed Aya’s number but the woman wasn’t answering. Dumeretso iyon sa voicemail. Nagpasya siyang mag-iwan na lang ng mensahe.

“Hey, hon… I am really sorry for everything. Kung alam ko lang na gagawin ‘yon ni Mommy, sana pinigilan ko siya. Sa lahat ng tulong na nagawa sa’kin ni Alexa ay hindi ko na gugustuhing dayain pa siya. I know you hate me now, but please… stay with me. We’ve gone this far, so let’s not waste it. I’m still fighting for us. You can hate me all you want, you can hate me forever… but I am staying. At kahit araw-araw pa ‘kong humingi ng tawad ay gagawin ko. I love you, Aya.”

Pinindot na ni Yuna ang end button. Ipinikit ang namamasang mga mata. She won’t give up on Aya no matter what.

Sa kabilang banda ay napaiyak na lang si Aya nang mapakinggan ang mensahe ni Yuna. She knew she was being unfair to the woman. Pero kinakain siya ng labis na sakit na nararamdaman. Pinilit niyang ibaling kay Yuna ang buong atensyon at pagmamahal niya sa loob ng mga nakalipas na buwan, ngunit hindi niya maitatangging paminsan-minsan ay sumasagi pa rin sa isip niya si Alexa. She missed her badly. She missed everything about Alexa. Her scent. Her silly jokes. Her smile. Her laugh. At higit sa lahat ay ang magulo nitong buhok. At ang isiping hindi na niya masisilayan lahat ng iyon ay sobrang napakasakit. Okay lang sana na hindi niya ito makasama, pero ang tuluyan na itong hindi makita ay hindi niya kaya.

“Sana nakausap at nahawakan ko man lang siya bago siya nawala…” ang hinagpis niya habang lumuluha.

Nasa likuran siya ng kanyang pinto at doon nananaghoy. Nakaupo sa sahig at yakap-yakap ang mga tuhod.






----






“Wala siya dito, Yuna,” imporma ni Aling Belen nang dumating sa kanilang bahay ang dalaga.

“Nasaan po ba siya?”

Hindi kaagad nakasagot si Belen at naaawang napatitig kay Yuna. “Nasa Vermont, pinuntahang muli si Alexa.”

Napatungo si Yuna at mapait na napangiti. “Ganoon po ba…” Hindi niya  maiwasang masaktan sa pambabalewala ng kasintahan sa kanya. Hindi pa naman sila pormal na hiwalay dahil hindi pa niya tinatanggap ang pakikipag-break nito.

“Pagpasensyahan mo na muna siya, anak. Labis-labis siyang nasaktan sa nangyari. Bigyan mo muna siya ng panahon,” ani Belen.

“It makes me wish na sana ay hindi na lang ako nailigtas ni Alexa noon. Siguro mas magiging masaya ang anak niyo pagka gano’n,” mapait na wika ni Yuna.

“Huwag mong sabihin ‘yan. Naniniwala akong mahal ka din ng anak ko. Kung hindi, sana’y hindi ka na niya tinanggap muli,” pang-aalo ni Belen.

“I was just a rebound,” malungkot na saad ni Yuna “kung hindi naman siya itinaboy ni Alexa ay hindi niya talaga pipiliing ako ang makasama.”

“Yuna…”

“Pero ipaglalaban ko pa rin ang anak niyo, Tita. Mahal na mahal ko ho siya,” matatag na wika ng dalaga.

Tinapik-tapik ni Belen ang kamay nito. “Tama ‘yan. Huwag mo siyang susukuan, kagaya ng ginawa ni Alexa. Hindi man niya sabihin, pero alam kong masasaktan din siya kung tatanggapin mo na lang ang pakikipaghiwalay niya. Higit kailanman ay ngayon niya mas kailangan ng karamay.”

Yuna smiled gratefully at the old woman. “Salamat po, Tita. Sa kabila ng mga katarantaduhan ko noon, sinusuportahan niyo pa rin ako.”

“Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob, hija. Kung nakikita kong totoo ang pagsisisi ng tao ay patatawarin ko,” ani Belen. 






----






“Bakit nandito kayong lahat?” paismid na tanong ni Aya sa limang best friend ni Alexa. Dumating din ang mga ito sa bahay ng mga Madrigal. Nasa mausoleum noon si Aya.

“Hindi lang naman ikaw ang may karapatang dalawin siya,” si Cleo na siyang bukod-tanging nakataas ang noo. Tinapunan ito ng masamang tingin ng mga kasamahan at maging ni Aya. “At nandito sila para humingi ng tawad sa’yo,” dagdag nito na parang ito ay walang ginawang kasalanan.

Napaismid muli si Aya. Bilib talaga siya sa ka-arogantehan ng kaibigang ito ni Alexa. Ang apat na iba pa ay parang gusto namang batukan si Cleo.

Si Maxie ang unang lumapit sa designer. “Aya… sorry…” anitong parang batang nagpapa-cute upang patawarin ng mga magulang.

Iwinaksi ni Aya ang sikong hinawakan nito at pinagsalikop ang dalawang braso. Masamang-masama pa rin ang loob niya sa mga ito. Kahit naman noong umalis ng bansa si Alexa ay itinuring pa rin niyang kaibigan ang mga ito. At hindi niya matanggap na nagawa ng mga ito na ilihim sa kanya ang nangyari kay Alexa.

“Sorry talaga…” nakayukong wika pa ni Maxie “kabilin-bilinan kasi sa’min ni Alexa na huwag na huwag sasabihin sa’yo, kung hindi ay itatakwil daw niya kami bilang mga kaibigan niya. Isa pa ay ayaw na din namin na magulo ang buhay mo. Nakita namin na masaya ka na kay Yuna. At iyon ang gusto ni Alexa, ang maging masaya ka.”

“Halos araw-araw ay hindi rin kami pinapatulog ng konsensya namin,” si Quintin naman ang nagsalita “but you were happy, Aya. Who are we to take that from you? We just want to spare you the pain. Kung kami pa nga lang parang pinapatay na sa sobrang sakit… pa’no pa kaya ikaw?”

“Pero alam din namin na maling-mali ang ginawa namin,” si Jeffrey “kahit saang anggulo tingnan ay mali talaga. Napakamakasarili namin para ipagkait sa’yo ang katotohanan. Kaya naman ay humihingi kami ng tawad, Aya.”

Hindi nilingon ni Aya ang mga kaibigan. Pinahid niya ang mukhang namamalisbis na ng luha. Nauunawaan naman niya ang punto ng mga ito pero sa ngayon ay mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya. Hindi pa niya kayang patawarin ang mga ito.

“At sa tingin niyo, nabawasan ang impact ng sakit dahil sa paglilihim niyo sa’kin? That made the pain even worst,” masama ang loob na wika ni Aya “alam niyo ba kung ga’no kasakit ang isiping hindi ko man lang siya nasilayan sa huling sandali ng buhay niya?” tanong niya sa mga ito “ – napakasakit. Para na rin ninyo akong pinatay kasama niya.”

Marahas na pinahid ni Aya ang mga luhang nalaglag sa pisngi. Hindi na nakaimik muli ang mga nasa likuran niya. Wala silang maisip na magandang excuse.

Pagkatapos noon ay natahimik na ang mausoleum. Lahat ay nakatitig sa urnong naglalaman ng abo ni Alexa at lahat ay tahimik na nagdadalamhati. Lahat sila ay halos hindi pa rin makapaniwala na ang makulit at wirdong babae ay wala na.

Si Daniella na nakikinig mula sa labas ay parang nadudurog ang puso para sa mga kaibigan ni Alexa. Higit sa lahat ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. At higit kanino man, may mas sasakit pa ba sa nararamdaman ng isang inang nawalan ng anak?

Nagpasya ang ginang na pumasok na ng kabahayan. Naupo sa salas. Wala pa rin ang kanyang asawa na nasa isang business conference. Ang dalawa pang anak niya ay bumalik na rin sa kani-kanilang pamilya sa ibang bansa.

“Ma’am Daniella…” ang biglang pukaw sa kanya ng katulong na si Amor “may isa pa pong bisitang dumating,” imporma nito.

Mula sa likuran ng katulong ay lumitaw si Yuna.

Napaunat sa pagkakaupo si Daniella. Hindi niya inaasahang makita si Yuna. Bagamat hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataong magkaharap ay kilala na niya ito.

Iniwan na sila ni Amor upang makapag-usap.

“Good afternoon, Ma’am…” ang magalang na bati ni Yuna bagamat naiilang. Hindi niya alam kung paanong pakikiharapan ang ina ni Alexa sa laki ng involvement ng kanyang ina sa nangyari.

“Good afternoon,” ganting-bati ni Daniella “Please sit down,” paanyaya niya sa dalaga. Sumunod naman ito. “You’re Yuna Smith, right?” tanong niya.

“O-Opo…” sagot ni Yuna na lihim na nagpapasalamat dahil hindi naman ito mukhang galit sa kanya.

“Did you come for Aya?” tanong ng ginang.

“Yes, Ma’am. I also want to pay some respect to Alexa. At gusto ko rin pong humingi ng tawad sa nangyari. Gusto kong humingi ng tawad para sa mommy ko. Pero kung may dapat mang sisihin ay ako ‘yon. I am very sorry, Ma’am,” mabilis na sagot ni Yuna.

Kalmado lang na nakatitig sa kanya si Daniella. “We don’t hate you and neither your mother, if that’s what you’re thinking. And if we do, you wouldn’t be standing here in front of me now,” makahulugang wika niya.

Bahagyang kinilabutan si Yuna sa sinabi ni Daniella.

“But it was Alexa’s decision,” patuloy ng ginang “It was her decision to agree with your mother. It was her decision to let go of Aya. And ultimately, her own making that she fell into wherever she is right now.” Malayo ang tingin ni Daniella at tila walang buhay ang mga mata. “And it was our fault. Her parents. We were too busy not to notice that she was drowning herself in misery. She always put a happy face in front of us. She was really good at that. We should have known better,” malungkot na pahayag niya.

Hindi na nagkomento si Yuna sa sinabi ng ginang. Nalulungkot din siya para sa mga ito. Karibal man niya si Alexa kay Aya ay itinuring na din niya itong kaibigan.

“Sasamahan na kita kay Aya. Sumunod ka sa’kin,” ang wika ni Daniella makalipas ang ilang sandali.

Lahat ng nasa loob ng mausoleum ay nagulat nang pumasok si Daniella na kasama si Yuna.

Nagkatinginan ang limang magkakaibigan. Hindi nila alam ang mararamdaman nang makita ang karibal ni Alexa.

Si Aya ang unang nakabawi. “Anong ginagawa mo dito?”

Hindi agad nakasagot si Yuna. Hindi niya inaasahang nandito rin ang mga kaibigan ni Alexa. Hindi pa sila personal na nagkakakilala ng mga ito dahil walang magandang pagkakataon para doon. At pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay delikado siya dahil napapalibutan siya ng mga ito.

“She’s here to see Alexa,” si Daniella na ang sumagot nang maramdaman ang discomfort ng dalaga “I let her in, so all of you should respect that. I don’t want any fight in here. Understood?” istriktang tanong niya sa mga kaibigan ng anak.

Hindi sumagot ang mga magkakaibigan ngunit kaagad namang inayos ang hilatsa ng mga mukha. Hindi na rin kumontra si Aya. Si Yuna ay nakahinga naman ng maluwag.

Iniwan muli ni Daniella ang mausoleum at pumasok na ng kabahayan. An extreme awkwardness was left in the air. Walang sino man ang nagbitaw ng salita. Si Maxie ay hindi na natagalan ang pagkailang kaya’t nauna na itong lumabas. Sumunod sina Quintin at Jeffrey. Si Margo ay nag-aalinlangan pang lumabas dahil nandoon pa si Cleo. Masama kasi ang tingin ng huli kay Yuna.

Siniko ni Margo ang kaibigan at sinenyasan nang lumabas na sila. Ayaw pang pumayag ng huli kaya’t inumangan na ito ng kamao ni Margo. Bantulot na sumunod na lang si Cleo, pero nang mapatapat kay Yuna ay sandaling tumigil sa harapan nito.

“See you outside,” anitong may mapanganib na ngisi sa mukha.

Napamaang si Yuna at bahagyang napataas ng kilay sa tinurang iyon ng kaibigan ni Alexa.

Si Margo ay napaikot naman ng mata at hinila nang palabas ang kaibigan.

Nang wala na ang mga ito ay bumaling si Aya sa kasintahan. “You shouldn’t be here. Bakit nagpunta ka pa rito?”

Bahagyang nasaktan si Yuna sa sinabi ni Aya. “Kaibigan ko rin naman si Alexa. I just want to pay some respect. At hindi ko rin naman ginustong mangyari sa kanya ‘to,” aniya.

Napatikom na lang ng bibig si Aya at umiwas ng tingin. She didn’t want Yuna here. Hindi na rin siya nagsalita bilang respeto sa sinabi ni Daniella kanina. Nang hindi na makatagal ay lumabas na din siya ng mausoleum. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili at mapagbuntunan niya ito ng sama ng loob.

Napabuntung-hininga na lang si Yuna nang siya na lang mag-isa ang naiwan. Napatitig sa urn ni Alexa at lumapit doon. Itinaas niya ang kamay at hinaplos iyon. Lumungkot ang mga mata. 

“I’m so sorry, Alexa. Ako ang naging dahilan ng kabiguan mo at habang-buhay kong dadalhin sa konsensya ko ‘yon. Hindi pa nga ako nakakabawi sa lahat ng utang ko sa’yo, tapos nangyari pa ‘to.

“Why did you do that? I thought you’re strong. You’ve always been a strong woman and I admire you for that. Kaya bakit kailangang paabutin mo sa ganito? Eh di sana’y hindi ka na lang bumitaw kung hindi mo pala kaya.

“Naiinis ako sa’yo. Kahit na wala ka na ay ikaw pa rin ang nanalo. Mukhang nagtagumpay ka na palitan ako sa puso ni Aya. Magmula nang umalis ka ay nag-iba na siya. Kahit ako ang kapiling niya, ang niyayakap at hinahalikan… ay alam kong sa puso niya ay hinihiling niyang ikaw iyon.

“At ngayong wala ka na ay hindi ko rin ikinakatuwa. Lalo ko lang napatunayan na hindi talaga ako ang karapat-dapat para sa kanya. Pero alam mo… kahit baliw ka ay natutunan na din kitang mahalin bilang kaibigan at masakit din sa akin ang pagkawala mong ito. I lost the single truest friend I have.

“Ipinapangako kong hindi ko susukuan si Aya. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo mo. Ibabalik ko ang mga ngiti sa labi niya, kahit ga’no man kahirap.

“Patawad. At maraming salamat sa lahat-lahat. I’ll remember you forever… as a very good friend. See you in the next lifetime. And I hope we can be real friends, then.” Yumukod si Yuna bago humakbang paatras. Hilam ng luha ang mga mata.

Nagbigay muna siya ng ilan pang sandali at matapos patuyuin ang mukha ay lumabas na.

Bumungad sa kanya ang katiwala ng mga Madrigal sa labas ng mausoleum.

Tiya Lourdes!” kahit papaano ay sumaya si Yuna nang makita ito. Ito ang nag-aruga sa kanya ng mga panahong wala siyang karamay at hindi niya nalilimutan iyon.

Matagal na din tayong hindi nagkita, hija,” nakangiting wika ng matanda.

Kaagad itong yinakap ni Yuna. Kumusta na ho kayo?” tanong niya nang kumalas mula rito.

Mabuti, hija. Heto’t patuloy ang pagtanda,” tugon ng katiwala.

Bahagyang napatawa si Yuna doon. Ngunit kaagad ding nawala ang ngiti. “Patawad ho, Tiya. Nawala si Alexa nang dahil sa akin,” malungkot niyang wika.

“Hindi ka namin sinisisi sa nangyari, Yuna.”

“Maaaring kayo. But Alexa’s friends were ready to murder me,” anang dalaga na nakatingin sa direksyon ng pintuan papasok ng bahay, tila takot na pumasok.

Tinapik ni Lourdes ang balikat ng dalaga. “Mapapatawad ka din nila. Sa ngayon ay sariwa pa sa kanila ang sakit. Pero natitiyak kong pagkatapos ng lahat ng ‘to ay magiging mabubuti kayong magkakaibigan.”

“Sa tingin niyo po?” nagdududang tanong ni Yuna.

“Bigyan mo lamang ng panahon. Makikita mo. Pinagsama-sama kayong lahat ni Alexa at tiyak kong matutuwa siya na makita kayong magkakasundo.”








“Ano namang binabalak mong baliw ka, ha?” tanong ni Margo kay Cleo. Nakatayo ang dalawa ilang distansya ang layo mula sa ibang mga kaibigan na nagkukumpulan sa salas. Ang ibang mga kasamahan ay awkward na nakaupo sa may salas. Hindi pa njn rin nila makausap si Aya.

Tuturuan ng leksyon ang witch na ‘yon,” parang walang-anumang sagot ng isa.

“Kung ikaw kaya ang turuan ko ngayon ng leksyon, gusto mo?” pinandilatan ni Margo ang kaibigan “huwag na huwag kang gagawa ng gulo, kung hindi ay malilintikan ka sa’kin,” banta pa niya.

“She has the gut to show her face to us. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Alexa,” mariing turan ni Cleo.

“She came to apologize and pay respect to Alexa. She didn’t even know about what her mother did,” pag-j-justify ni Margo.

“Alam man niya o hindi, siya ang pinag-ugatan ng lahat ng problema. Kung hindi siya pathetic loser na laging nagpapaawa sana’y hindi na umabot sa ganito,” pagrarason pa ni Cleo.

“Alam mo, bias ka lang eh. It was Alexa’s fault as much as it was hers.”

“Bakit ba parang kinakampihan mo pa ang babaeng ‘yon?” naiiritang tanong ni Cleo.

“Hey, mga brad – “ biglang lumapit si Jeffrey at pumagitna sa dalawa, inakbayan ang mga ito “ – nag-aaway ba kayo?” aniyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

“I couldn’t understand why she’s siding with that Yuna-witch,” si Cleo.

Bahagyang natawa si Jeffrey. “Parang sandwich lang ah…” komento nito.

“I’m not siding with her,” kontra naman ni Margo “I’m just trying to be the reasonable one here. Magulo na ang sitwasyon kaya’t huwag mo nang dagdagan pa.”

“There’s no way I would let that witch get off so easily. Kung sina Tita Dani ay pinatawad lang siya ng gano’n kadali, ibahin niya ako.”

Tinapik ni Jeffrey ang balikat ni Cleo. “Alam mo brad, tama si Margo. Nasa bahay tayo ni Tita Dani ngayon at nakakahiya sa kanya kung lilikha tayo ng gulo dito. kaya siguro – “ anitong napapisil sa sariling baba “ – hintayin mo munang makalabas tayo bago mo banatan.”

Nabatukan ni Margo ang lalaki.

“Aray – “

“Gago ka rin eh,” kastigo dito ni Margo “huwag mo na ngang ginagatungan ang kalukuhan ng babaeng ‘yan.”

Nahimas ni Jeffrey ang batok na nasaktan. “Alam mo brad… mas maigi na din na masabi natin ang piece of mind natin kay Yuna. Para alam niya ‘di ba? Hindi rin maaayos ‘to kung hindi natin ilalabas.”

Naisuntok ni Cleo ang kamao sa kabilang palad. “At mailalabas ko lang ‘to kapag nasaktan ko siya.”

“Tigilan mo ‘yan. Tandaan mo, girlfriend pa rin siya ni Aya,” si Margo.

Natigil ang pag-uusap nila nang biglang pumasok si Yuna kasama si Lourdes.

Matalim na napatingin dito si Cleo. Muling napasuntok sa palad.

“Tandaan mo brad, sa labas natin gawin,” ang bulong ni Jeffrey sa tainga ng kaibigan. Nabatukan siyang muli ni Margo dahil doon.

“Magsitigil kayo.”

Si Yuna ay medyo alanganing naupo na rin sa salas. Siya ring paglabas ni Daniella kasama ang dalawang katulong. May dala ang mga itong merienda.








Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
6.1K 282 32
Iris Sebrano's life turned upside down when her father died. Coming back to studying after 2 years of rest is a challenge, but to make her university...
165K 7.1K 53
To say that fate has a strange way of bringing two different lone souls together is an understatement. Ang paraan niya ay nakakapagtaka, napapatanong...
10K 824 22
‎ ‎ ‎