Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

42. Gone

2.1K 74 31
By angDiyosaNgBuwan

Hey…” Yuna approached Aya. The latter was curled up on the floor and crying “What happened?” she asked and kneeled beside the crying woman.

Aya sniffed. “She didn’t want me. I searched for her everywhere… kung sinu-sino na ang nilapitan ko at kung saan-saan din ako nagpunta, pero nang mahanap ko naman siya… ipinagtabuyan niya lang ako…” sagot niya na puno ng sama ng loob ang boses.

Yuna didn’t know what to feel about that. Ano bang dapat niyang maramdaman na malaman niyang iniiyakan ng taong mahal niya ang ibang tao? She just stared at Aya, not knowing what to say.

“Ano nga palang ginagawa mo rito?” biglang tanong ni Aya na nagpahid ng mukha. Pinilit niyang pigilin sa pagtulo ang luha pero parang may gripo sa mga mata niya at ayaw tumigil. Ayaw din naman niya na nakikita siyang ganito ni Yuna dahil alam niyang masasaktan din ito.

Ahm nabalitaan ko kasi kay Tita Belen na nandito ka na.” Alam ni Yuna ang pagpunta ni Aya sa Madrigal Farm, at sa totoo lang ay labis niyang ikinatakot iyon. Alam niyang may nagbago na kay Aya. Ramdam niya iyon. “May… maitutulong ba ‘ko?”

Umiling lang si Aya. “Kaya ko ‘to. Sanay na din naman ako eh. Sanay na akong iniiwanan,” mapait na wika niya.

Hey…” saway dito ni Yuna “Ano ka ba. Huwag mong sabihin ‘yan. Siguro may valid reason naman kung bakit nagawa niya ‘yon. Kilala mo naman si Alexa.”

Napatitig si Aya kay Yuna. Gusto niyang sabihin dito kung ano ba ang valid reason na ‘yon at gusto niya itong sumbatan, pero ayaw na niyang bigyan pa ito ng sama ng loob. Yumuko na lamang siya at sinarili iyon.

Gustong bawiin ni Yuna ang sinabi. More or less ay alam din niya kung anong rason ni Alexa. Na-g-guilty din siya pero lihim ding nagpapasalamat dahil nagpaubaya sa kanya ang makulit na babae. Nandito lang ako sa tabi mo, Aya. At hindi na ako mawawala pa,” aniya. “Sana ay makuha mo akong tanggapin muli. Nangangako akong hinding-hindi na kita sasaktan.”

Tumitig si Aya sa nagsusumamong mga mata ng kaharap. May parte sa kanyang gustong tumutol. Mahal pa rin naman niya si Yuna, pero alam niya sa sarili kung sino ang talagang magpapasaya sa kanya. Hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang ibalik ng buo ang pagmamahal kay Yuna gayong malaking bahagi niyon ay napunta na yata kay Alexa.




----




Eight months later…

Napabuntung-hininga si Aya habang tinitingnan ang isang piraso ng makapal na papel. Kailangan niyang ibigay iyon sa isang kaibigan. Ibinaling niya ang tingin sa salamin. Mula roon ay nakatitig sa kanya ang sariling repleksyon. Mukha naman itong masaya at wala siyang balak halukayin ang loob niyon upang alamin kung tunay ba ang kasiyahang ipinapakita nito. Nakaupo siya sa kanyang dresser at kakatapos lang maglagay ng make-up.

Kinuha na niya ang maliit na Gucci bag sa gilid ng kanyang mesa at isinilid doon ang papel. Pagkatapos ay tumayo na. Sinipat niyang muli ang off-shoulder niyang bestida. Kulay peach iyon. Nang ma-satisfy ay lumabas na ng kanyang kuwarto.

Mahigit isang oras din siyang bumyahe patungo sa kanyang destinasyon. Tumigil siya sa isang kainan. Masigla pa rin iyon katulad ng dati at tila mas nag-expand pa yata.

Binasa niya ang karatula sa itaas ng salaming pintuan, ‘Margo’s Diner and library café. May isang alaalang pilit sumisiksik sa isipan niya ngunit kaagad niyang iwinaksi iyon. Bumaba na siya matapos mahanapan ng parking space ang kanyang sasakyan.

Nang makapasok ay nilapitan niya ang isang crew na nagpupunas ng mesa. “Hi, Jay…”

Nag-angat ng ulo ang lalaki. Uy, Ma’am Aya!” masayang bati nito “long time no see, Ma’am.” Ilang beses na ding nakapunta doon si Aya kaya’t kilala siya nito.

Oo nga,” gumanti ng ngiti ang designer Nandiyan ba si Margo?”

“Ay, opo Ma’am… pero nando’n siya sa itaas, sa kuwarto niya,” sagot ng crew. “Gusto niyong tawagin ko, Ma’am?” tanong pa nito.

“Ah, hindi na. Ako na lang ang aakyat. Okay lang ba?”

Oo naman, Ma’am! Ikaw pa. Malakas ka kay boss eh,” ang agad na sagot ng lalaki.

Bahagyang natawa si Aya sa sinabi ng crew. Hanggang ngayon kasi ay pinagtitripan pa rin siya ni Margo. Paminsan-minsan ay nagkikita pa rin naman sila ng mga kaibigan ni Alexa at nanatili pa ring magkakaibigan.

Sige akyat na ‘ko ha.”

Inihatid na din siya ni Jay sa pintuan paakyat. “Ay, Ma’am… inform ko lang po kayo ah – ”

Napalingon muli si Aya dito at tumigil sa akmang paghakbang paakyat ng hagdan.

“ – nitong mga nakaraan po kasi malungkot si Boss. Naging maiinitin na din nga po ang ulo niya ngayon,” ang wika ng crew.

Napakunot ng noo si Aya. Bakit, anong nangyari?”

“Wala nga pong nakakaalam eh… pero parang napakalaki ng problema niya,” sagot ni Jay imposible naman pong brokenhearted siya, eh siya nga ho ang mahilig mang-break ng heart, ‘di ba,” pabirong wika nito sa huli.

Napaisip naman si Aya at bahagyang napangiti. Sige, kausapin ko na lang siya. Salamat ulit,” aniya at tumuloy nang umakyat.

Bukas ang flat ni Margo nang makarating si Aya roon. Mula sa pinto ay nakita niya ang likod ng babae na nakaupo sa sofa. Nakasuot pa rin ito ng chef uniform. Marahan siyang kumatok sa pinto.

Gulat namang napalingon si Margo. Nang makita nito si Aya ay tila tinakasan ng kulay ang mukha, bagay na ipinagtaka ni Aya. Sobra naman yata ang nakikita niyang shock dito, na para bang may nagawa itong kasalanan sa kanya.

Aya smiled awkwardly. Hindi pa rin kasi makahuma si Margo na parang nakakita ng multo sa itsura nito. “Hi –” alanganing bati niya rito “ – did I come on the wrong time?”

“U-UhN-no,” pilig nito ng ulo nang tila mahimasmasan “Come in.” Mula sa kamay ay ibinaba nito ang baso ng whiskey.

Napalipad ang tingin doon ni Aya at lalong nagtaka. Hindi pa lumulubog ang araw ay umiinom na ito. “Ang aga naman yata niyan?” turo niya sa alak at tumuloy na.

Ahm nagpapalamig lang,” pagdadahilan nito “m-maupo ka…”

Sumunod naman si Aya at naupo sa pahabang sofa na siyang kinauupuan din nito.

Naupo na din si Margo. “A-ano nga palang ipinunta mo dito?” tanong nitong medyo naglilikot ang mga mata. Mukha din itong disoriented. Tama nga ang sinabi ni Jay.

“Before anything else… are you okay?” hindi napigilang magtanong ni Aya.

Oo naman! Bakit hindi?” ang mabilis na sagot nito.

“O-kay…” hindi kumbinsidong turan ni Aya pero nagpasyang palampasin na lang iyon. Dinukot niya ang papel na isinilid niya sa bag at iniabot iyon kay Margo, “I came here for this…”

Inabot iyon ni Margo at bahagyang natigilan nang mabasa ang ang nakapaloob sa papel. “Oh…” tumingin kay Aya “so, you’re getting married?”

“Yes, I am,” nakangiting tugon ni Aya “we’ve decided na  magdaos muna ng ceremony dito bago kami tumulak ng London para doon pormal na magpakasal. Since… hindi naman legal dito sa’tin ang same-sex marriage, ‘di ba.”

“Wow. That’s great. Congratulations, Aya,” ani Margo na tila pilit na pilit lang ang ngiti.

Aya was still wondering what was going on with Margo. “Sana makapunta ka. Iimbitahan ko din ang iba,” aniya rito. Gusto man niya itong tanungin ay ayaw naman niyang manghimasok sa buhay nito.

“O-of course. Pupunta ako,” sagot nitong halatang aligaga pa rin.

Oo nga pala… may… alam ka ba… kung nasaan si Alexa?” medyo nag-aalangang tanong ni Aya. Isa pa iyon sa talagang sadya niya kay Margo. Sa loob kasi ng anim na buwan ay talagang hindi na ito nagparamdam sa kanya. Umalis din ito ng bansa at ang alam niya’y doon na nanirahan magmula noon.

Nakita ni Aya ang biglang pagkatigagal ng kaharap sa tanong niya. Ipinagpalagay niyang ipinagtaka lamang nito ang biglang pagtatanong niya tungkol kay Alexa. Matagal na nilang hindi binabanggit sa isa’t isa ang tungkol sa dating kasintahan kahit sa paminsan-minsang pagkikita nila ni Margo.

“Uh… kasi gusto sana namin siyang imbitahan din. You know… for old times’ sake,” dagdag ni Aya.

Hindi pa rin kumibo si Margo at nagsimula na talagang mawirduhan si Aya dito. Pinagpapawisan din ang babae. “Hey… okay ka lang ba?” tanong niya dito.

Kumurap si Margo. At ikinagulat ni Aya nang biglang tumulo ang mga mata nito.

“H-hey… ano bang nangyayari sa’yo?” litong tanong ni Aya.

Umiling-iling si Margo. “S-Sorry..." anitong kaagad na pinahid ang pisngi. Tila hindi talaga ito mapakali. "Y-You're asking about A-Alexa?"

"Uhm... Yeah... If you don't mind." Nagiging bothered na din si Aya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Margo. Tila may gusto itong sabihin pero at the same time ay ayaw din nitong sabihin.

Napakiskis ng mga kamay si Margo habang nakatingin sa sahig. "S-She’s … s-she's g-gone, Aya,” garalgal ang boses na wika nito.

Si Aya naman ang natigilan. Ikiniling ang ulo dito. “Hindi ko maintindihan Si Alexa ba ang tinutukoy mo?” paninigurado niya.

Tumango si Margo habang nagpupunas ng luha sa pisngi. “Yes. Alexa… s-she’s gone…” hirap na sambit nito.

Napaunat ng pag-upo si Aya at pinakatitigan ang kaharap. “Gone? What do you mean gone? Bakit, umuwi na ba siya ng Pinas at umalis ulit?” natatangang tanong niya dito.

“N-No… she’s… she’s here… but – “ hindi na naituloy ni Margo ang sasabihin at bigla itong napahagulhol.

Pakiramdam ni Aya ay nanigas ang katawan niya. Parang alam na niya ang gustong ipahiwatig ng kaharap. At natatakot siya – natatakot siya sa maaaring sabihin nito.

Inangat muli ni Margo ang mga mata kay Aya.

‘No. Don’t say it. Don’t say it,’ lihim na hiling ng designer sa kanyang isipan.

Ibinuka ni Margo ang bibig upang magsalita. “Alexa’s dead, Aya.”

Pakiramdam ni Aya ay may sumabog na bomba sa harapan niya sa sinabing iyon ni Margo. The words kept ringing on her ear and it was deafening her. Para iyong time-bomb na sasabog.

Maya-maya’y biglang napatawa si Aya. “Ano bang pinagsasabi mo, Margo? Huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan,” pinilit niyang pagtakpan ang matinding takot na nararamdaman.

Umiling-iling muli si Margo. “No, Aya... I-It’s the truth,” paninindigan pa rin nito.

Aya released a humorless laugh again. Sa pagkakataong iyon ay tinatablan na siya sa iniisip niyang pagbibiro ni Margo. “Alam mo… sabihin mo na lang sa baliw na ‘yon na imbitado siya sa kasal ko at huwag siyang mag-pretend na patay. Okay? Wala akong panahon sa mga kalukuhan niya. Hihintayin ko na lang kayo sa kasal ko, hm?” aniyang bahagyang nanginig ang boses at tumayo na, sabay talikod.

Abo na siya nang iuwi ng mga magulang niya dito, Aya….”

Natigil sa paghakbang si Aya. Umiiyak pa rin ang boses ni Margo at imposible namang umaarte lang ito. Parang gusto niyang manghina. Malalim ang paghingang hinarap niyang muli ang kaibigan ni Alexa. Nakatayo na rin ito at patuloy ang pagluha.

Aya’s eyes were hot but she refused to cry.

“Hindi totoo ‘yan,” mariing tanggi ni Aya kahit malinaw niyang nakikita ang katotohanan sa mga mata ni Margo nagbibiro ka lang. Sabihin mong nagbibiro ka lang.” Hindi na siya natutuwa sa pagbibiro nito. Maloko din kasi talaga ito pero ang nakikita niyang pag-iyak nito ngayon ay gustong bumiyak ng dibdib niya.

Lalong bumalong ang mga luha sa mga mata ni Margo. Imposibleng biro lang iyon at gusto nang mawalan ng pag-asa ni Aya.

“Yan din ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na isang malaking biro lang ang lahat o kaya’y isang bangungot lang ito at magigising din ako…. Pero hindi, Aya. Totoo ang lahat. Patay na siya…” ang wika ni Margo.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Aya. “G-Ginu-goodtime mo lang ako, ‘di ba?” ayaw pa rin niyang tanggapin ang sinasabi nito.

Matigas ang pagtanggi ni Margo. “Do you think I would joke about this?” ito naman ang nagtanong kay Aya. Margo’s face was dead serious and she had this hurt expression that was telling the truth of her words.

“No! Hindi totoo ang sinasabi mo!” mariing tanggi ni Aya “kung talagang patay na siya, paano naman siyang namatay, ha? Sabihin mo nga?”

Malungkot lamang na napatitig sa kanya si Margo.

“A month ago, she got on a car accident. Nagkaro’n siya ng matinding brain injury, Aya. She was comatose for about three weeks. And last week, bumalik dito sa Pilipinas ang mga magulang niya. They declared that Alexa’s dead. At ang tanging naiuwi nila rito ay mga abo niya,” paglalahad ni Margo.

“A month ago? Kung gano’n ay bakit hindi niyo man lang ipinaalam sa akin, ha?” galit na tanong ni Aya. Sobrang-sama ang loob niya na wala man lang siyang kamalay-malay sa mga nangyari.

“It was Alexa’s wish. Hindi na niya gustong makagulo pa sa inyo ni Yuna. She left a will saying that you should not be informed in case na may mangyari sa kanya. I’m not even suppose to tell you,” malungkot na saad ni Margo.

“Not supposed to tell me?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Aya. Nanlalaki ang mga mata. “Really Margo? Ipagkakait mo sa’kin ang bagay na ‘yan?? How could you. Just how could you! How could you all do this me!” Aya cried in frustration. Galit. Sama ng loob. At labis na panghihinayang. Nagsama-sama na lahat ng iyon.

Napayuko ng ulo si Margo. "I'm so sorry... pero iyon ang napagkasunduan namin ng mga magulang niya... "

“Ano? At naatim niyong gawin sa'kin 'to??" Umiiyak nang saad ni Aya.

"Mahigpit kasing ibinilin iyon ni Alexa..."

"Hanggang sa huling sandali ba naman ng buhay niya… hindi pa rin niya ako hinayaang magdesisyon para sa sarili ko?” hindi matanggap na pahayag ni Aya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya hanggang sa kamatayanipinagkait niya sa’kin ang bagay na ‘yon. Pa’no niyang nagawa sa’kin ‘to…” hagulhol ni Aya. Her knees wobbled and she fell on the floor. Wala na din siyang pakialam sa pagtalsik ng mamahaling Gucci bag na regalo pa ni Yuna.                  

Margo joined her. “I’m sorry… I’m so so sorry, Aya.”

“It was so unfair…” tingala ni Aya dito habang lumuluha “she was always unfair with me… I loved her. I chose her. Pero siya ang tumulak sa’kin palayo. At ito… ito ang pinakamalala sa lahat! I-I didn’t even get the chance to say goodbye…” humihikbi niyang wika at mariing dinuro ang dibdib ni Margo, “how could you all do this to me?! You should have told me!” suntok niya sa dibdib nito. “Y-You c-could have… y-you should have… “ napahiyaw sa sobrang sakit si Aya “G-God…”

Bumagsak ang mga kamay ni Aya sa sahig at napayuko siya sa labis na pighati. Her curls fell like a curtain around her face and her eyes poured like rain. Mahihiya ang mga biyudang nagluluksa sa tindi ng palahaw niya.

Sa harapan niya ay nakamasid lang si Margo na lalo ding napaiyak, labis-labis ang pagsisisi at awa para kay Aya. Ni hindi niya magawang hawakan ito sa sobrang guilt na nararamdaman.





“Bring me to her…” wika ni Aya makalipas ang mahabang sandali. Namumugto ang mga mata; ang ilang hibla ng buhok ay nakadikit na sa pisnging basa pa rin ng luha at malayo ang tingin na parang wala doon ang iniisip. Nakaupo na siyang muli sa sofa at si Margo ay nasa tabi niya.

“Sigurado ka ba?” tanong ni Margo. Bakas pa ang labis na awa at pagsisisi sa mukha.

Aya gave the café owner a disdainful look that instantly shut the woman up.

Napayuko si Margo. “O-Of course… I’ll bring you to her.”

Muling napapahid ng mukha si Aya. Hindi pa rin niya matanggap ang lahat at hangga’t hindi niya nakukumpirma sa mga magulang ni Alexa ay hindi siya tuluyang maniniwala.




----




“Vermont? She was just here all along?” bakas ang labis na paghihinakit sa boses ni Aya nang lingunin si Margo mula sa passenger’s seat. Si Margo ang nasa manibela.

“Well…" hirap na napabuntung-hininga si Margo. She felt sick for keeping the truth from Aya "the crash happened in New York. Doon din siya na-confine nang ma-coma siya. At nang bumalik ng Pinas ang mga Madrigal ay dito siya diniretso. They felt it’s the safest place for her.”

“How are you so sure she’s dead? You didn’t even get to see her body,” tutol ni Aya.

“Look, Aya. Sa tingin ko naman ay hindi gagawing biro ng mga magulang niya ang pagkamatay niya. Don’t you think so? Isa pa, it was a tradition to them na i-cremate kaagad ang labi ng mahal nila sa buhay,” pahayag ni Margo.

Napatingin sa labas ng bintana si Aya. Her eyes were starting to burn again. She still was hoping that this was all just a prank. “How did you manage to get ticket in here? Sinabi mo ba sa mga magulang niya na darating tayo?”

“No. It was her…” turo ni Margo sa isang babaeng naghihintay mula sa main gate ng Vermont.

Nagmenor si Margo at tinigilan ang nasabing babae. Nakasuot ito ng makapal na jacket at butas-butas na pantalon. Matigas ang ekspresyon at walang kangiti-ngiti ang mukha.

Pumasok ng backseat ang babae at pinaandar nang muli ni Margo ang sasakyan.

“Kahit ikaw… hindi mo man lang ipinaalam sa’kin,” hindi man tumitingin ay masama ang loob na sabi ni Aya.

“I’m sorry,” ang tanging tugon ng babae.

“Sorry won’t change a thing,” paghihinanakit ni Aya.

“Then, binabawi ko na.”

Doon napalingon sa babae si Aya. “You’re sarcastic as always. But from what I remember about you… you always fought for the right thing. So, why didn’t you? Bakit nakiisa ka din sa kanila na ilihim sa’kin lahat ng ‘to, Cleo?” sumbat niya.

Napatiim ang bagang ng babae. “It’s all against one, Aya. Don’t blame me,” anitong matiim na nakatingin kay Margo mula sa rearview mirror. Napatungo naman ang huli. “And besides… it was your fault in the first place,” dagdag pa nito.

“Excuse me?” parang nagpanting ang tenga ni Aya sa narinig.

If you hadn’t given up on her, this wouldn’t have happened. Sana buhay pa siya ngayon,” saad ni Cleo sa matigas na tono.

“Cleo…” babala ni Margo.

“What? Totoo naman, hindi ba? Hindi magiging alcoholic si Alexa kung hindi dahil sa kanya. At kung hindi naging alcoholic si Alexa, hindi sana siya naaksidente. Hindi sana siya namatay,” pagrarason ng kaibigan.

“Tama na, Cleo!” inis na wika ni Margo na biglang nagpreno. Halos mapasubsob silang lahat kung wala lang mga suot na seatbelt. Masyado nang maraming nasabi ang kaibigan at tiyak na makakadagdag lamang iyon sa sama ng loob ni Aya.

Si Aya naman ay nag-uunahang muling pumatak ang mga luha sa mga mata. Galit na nilingon si Cleo sa likod. “I fought for her. I chose her. Siya ang sumuko at hindi lumaban para sa’min,” mariing wika niya “hinanap ko siya. Sinundan ko siya. Hindi mo ba maalala? Pero siya itong nagtaboy sa’kin!”

“Dahil hindi mo alam ang dahilan kung bakit ka niya itinaboy,” matigas na wika ni Cleo.

“Cleo, tama na sabi!” madiing sigaw ni Margo na nilingon na rin ang kaibigan. “Tama na.”

Nakuha ng sinabi ni Cleo ang atensyon ni Aya. “Anong dahilan ang sinasabi mo?”

“Wala siyang ibang ibig sabihin, Aya. Alam mo naman kung anong dahilan,” agad na agaw ni Margo.

“Pero may sinasabi siya,” tutol ng designer.

“Look, Aya. Masama ang loob nating lahat at pare-pareho tayong nasasaktan sa nangyari. Maaaring isipin mo na mas masakit para sa’yo… pero matalik na kaibigan at kapatid ang nawala sa amin. We wanted to point our fingers to someone whom we can blame. Pero wala nang saysay kung magsisisihan pa tayo. Nangyari na na ang nangyari. Pagpasensyahan mo na si Cleo. You know how she is,” hirap ang kalooban na paliwanag ni Margo.

Si Cleo ay hindi na muling umimik at napatingin na lamang sa labas. Nakatiim ang bagang at nakakuyom ang mga kamao.

Napaiwas na lang din ng tingin si Aya. “Ihatid niyo na lang ako sa kanya,” mahinang wika niya.

Napapailing na pinaandar nang muli ni Margo ang sasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating nila ang private property ng mga Madrigal.

Matapos ang ilang sandaling pangungumbinse sa guwardiya ay pinapasok na din nila nito. Kinailangan pa nitong itawag sa mga Madrigal ang pagdating nila.

Malayo pa lang ay tanaw na nila si Daniella sa labas ng bahay. Naunang bumaba si Margo at agad na lumapit sa ina ni Alexa.

“You told her?” mahinang tanong ni Daniella sa dalaga, bakas ang hindi pagsang-ayon sa mukha.

“I’m sorry, Ma’am. But it can’t be helped,” nakatungong sagot ni Margo.

Nakababa na rin sina Aya at Cleo na halatang ilag na sa isa’t isa.

Napabuntung-hininga si Daniella at bumaling sa dating kasintahan ng anak. “Aya…” malungkot na bati niya rito. Nilapitan ng ginang ang dalaga at agad na yinakap. “I’m so sorry, sweetheart. Please forgive us,” sising-wika ni Daniella.

Hindi napigilang muling umiyak ni Aya sa sama ng loob. “B-bakit niyo nagawang ilihim sa’kin ‘to?”

Daniella released the designer and held her at arms length. “Keeping it from you was cruel, we know that. You probably won’t be able to forgive us… but we just honored my daughter’s wish. I am really sorry.”

“Sana hinayaan niyo man lang akong makapagpaalam sa kanya,” umiiyak na wika ni Aya.

Paulit-ulit ang ginawang paghingi ng tawad ni Daniella, ngunit hindi iyon nakabawas sa sakit na nararamdaman ng designer. Dinala ng ginang ang dalaga sa pinaglalagakan kay Alexa. Pinagawan ito ng mausoleum sa mismong hardin sa likod ng bahay.

Walang-patid ang pagpalahaw ni Aya nang masilayan ang labi ng dating kasintahan. Parang binibiyak ang dibdib niya sa sakit. Hindi katanggap-tanggap ang trahedyang ito para sa kanya. Ang daya ng tadhana sa kanya at parang namatay na rin ang puso niya ng mga sandaling iyon. Napakasaklap at napakasakit.





----




“Pasensya ka na sa mga nasabi ko. Wala kang kasalanan, Aya,” hinging paumanhin ni Cleo.

Inabot na ng dilim ay nasa loob pa rin ng mausoleum si Aya at ni ayaw pang umalis. Sina Daniella at Margo ay nasa loob ng bahay at sumuko na sa pamimilit sa kanyang pumasok na sa loob.

“No, you’re right. It was all my fault,” mapait na wika ng designer na tumulong muli ang luha. Napakabigat na ng pakiramdam niya sa labis na pag-iyak, pero parang balon na hindi maubos-ubos ang luha niya. Pakiramdam niya ay malapit na din siyang mag-collapse sa sobrang pagka-drain.

“Hindi, Aya. Hindi mo kasalanan,” agad na kontra ni Cleo “kasalanan ng baliw na ‘yan dahil hindi ka niya ipinaglaban. Kasalanan niya dahil nagpadala siya sa pakiusap ng nanay ni Yuna,” anitong may bahid ng inis ang tono.

Biglang napalingon si Aya sa katabi dahil sa sinabi nitong iyon. “Anong sabi mo?”

Hinarap siya ni Cleo. “Tiyak kong magagalit silang lahat sa’kin. Pero karapatan mong malaman, Aya…” anito “Matapos ang insidenteng muntik na pagpapakamatay muli ni Yuna ay lumapit si Helena Smith kay Alexa. Pinakiusapan niya si Alexa na magparaya na para sa anak niya. And Alexa being Alexa… like the dumb girl she was… agreed.”

Parang nanlaki ang ulo ni Aya at lalo pang bumigat ang dibdib niya nang dahil sa nalaman. “A-ano?” nanghihinang saad niya.

“She thought you’d choose Yuna and she was about to give up, pero kinumbinsi namin siya. And she was ready to claim you back. Pero bago pa man niya magawa iyon ay nauna na siyang kausapin ng nanay ni Yuna. Alexa was… Alexa. When she set out to do one thing, napakahirap nang pagbaguhin ‘yon. At ang pinili niya ay ang pagbigyan ang kahilingan ni Helena Smith,” patuloy ni Cleo at napatingin sa urn na pinaglalagyan ng abo ni Alexa, “I really hate her gut. She was the most stubborn and stupidest person I had ever known.”

“That was so like her,” ani Aya mahina at nanlulumong tinig. A resigned look was on her face. She released a weak sigh. Gusto niyang umiyak muli pero tila wala na siyang lakas. Nabuway siyang bigla sa pagkakatayo. Mabuti na lamang at maagap si Cleo at nasalo siya.

“Hey… magpahinga ka na do’n sa loob. Gusto mo bang sumunod din kay Alexa?” anito na malalim ang gatla sa noo.

Mabigat ang mga mata ni Aya at halos hindi na niya maimulat ang mga iyon. “Sana nga… pero hindi naman ako siguradong makakasama ko siya ro’n,” mapait niyang wika.

Tuluyan nang bumagsak ang katawan ni Aya kaya’t kinalong na lamang siya ni Cleo papasok sa loob. Sinalubong sila ng mga nag-aalalang sina Daniella at Margo.

“Anong nangyari?” si Margo.

“She’s out,” tipid na sagot ni Cleo.

“Put her on the couch,” giya naman ni Daniella sa kaibigan ng anak.

Maingat na inilapag ni Cleo ang walang-malay na babae. Nakatayo ang tatlo sa paanan at pinagmamasdan ito. Bakas pa rin ang labis na pighati sa mukha ng designer kahit natutulog ito.

“I told her everything,” biglang sabi ni Cleo.

The two other women snapped their heads towards her.

“Are you insane?!” galit na saad ni Margo sa mahinang tono.

Si Daniella ay nanghihinang napaupo sa isa pang sofa.

“She deserves to know,” pangangatwiran ni Cleo “anong gusto niyong isipin niya? Na basta-basta na lang siyang sinukuan ni Alexa? No,” mariing iling niya “hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Alexa deserves all the credit.”

Galit na hinarap ni Margo ang kaibigan. “At hayaan siyang mabuhay sa guilt, ganon ba?” turo niya kay Aya “sa ginawa mo, magugulong muli ang buhay niya. And she will hate Yuna and become miserable forever.”

Cleo stood her ground. “Oh. In case you forgot. Hindi ba’t ikaw nga itong unang nagtapat sa kanya ng katotohanan? Sa tingin mo ba hindi pa sapat na makagulo sa buhay niya ang malamang patay na si Alexa?” she retorted.

“Ladies…” saway ni Daniella sa mahinahong tono na ikinatigil naman ng dalawa “pare-pareho tayong may kasalanan. Sa umpisa pa lang, dapat ay hindi na natin inilihim sa kanya. But all this blaming is pointless. Walang pupuntahan ang pag-aaway na ‘to, kaya’t tumigil na kayo,” anitong napahawak sa noo at nagpakawala ng malalim na hininga pagkatapos.
  
  

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 1.1K 51
Based on the song "Sweet Memory" by MACO.
8.2K 200 28
Sabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso ni...
37.2K 2.2K 54
Libertà University also known as Libertà De Universidad. It is a university that is found hidden within the forestry of Mount Apo. A university that...
52.4K 4.6K 16
True love never runs out. It remains unchanged and sustains the most incredible hardships. You stay as long as it takes because something about love...