His Millionaire

By Alisahjin

189K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 27 : Farewell

3.5K 78 5
By Alisahjin

•Georgina's POV•

Marahan kung idinilat ang aking mga mata. Naramdaman ko na agad ang bigat sa aking katawan. Ang kirot na bumabalot sa aking kalooban. Inikot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto. Nag-iisa lang ako.

Kung ako ang tatanungin ito ang perfect timing na gusto kong mamatay. Tahimik. Nag-iisa at walang makakakita. Ayukong mamatay sa harap nila lalo na kila Mommy at Daddy. Ayukong makita ang sakit sa mga mata nila kapag binawian na ako ng buhay.

Hindi na ako magtatagal at ramdam ko iyon sa aking katawan. Ang paglalim ng aking mga mata, ang mga pasa sa aking katawan, ang paglabo ng aking mata, ang pagkawala ng aking pakiramdam, ang mas lalong pagsakit sa aking utak. Nakakapagod na. Gusto ko ng mamatay.

Nagawa ko na ang lahat ng pwede kung gawin. Nakasama ko pa sila at makitang masaya sila dahil iyon ang gusto ko. Ayukong malungkot kapag lumisan na ako.

Kahapon ng pumunta si Doc. Dylan ay mag-isa ko siyang kinausap, tinanong ko sa kanya kung ano ng kalagayan ko. Kung sobrang lala ko na? Kung ilan araw pa ang itatagal ko. Sabi niya malala na raw ang kalagayan ko which is two to three days na lang ang itatagal ko which is good atleast alam ko kung kailan ko dapat ihanda ang aking sarili.

Ngayon ko din nalaman, na hindi pala totoo ang diyos kasi kung totoo siya ay hindi niya ako hahayaang maging ganito. Lahat na nga yata ng santo tinawag ko na pero ni isa sa kanila hindi man lang ako pinakinggan. Hindi man lang ako tinulungan. Noong una, gustong gusto kong lumaban kasi may dahilan para lumaban ako sa sakit na ito. Nandiyan sila Mommy, si Daddy at si Hector. Gusto ko silang makasama pero bakit? Ganoon ba ako kasama para ito ang maging kapalaran ko? Naging mabuti akong anak at walang tinatapakang tao hindi ko deserve ang ganitong karamdaman.

Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili dahilan para mapaiyak ako. Marahang naglandas ang mga luha ko sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang sakit dahil sa sobrang kalungkotan. Napahikbi ako dahil malapit na ang katapusan ko.

Naiisip ko sila Mommy at Daddy. Ano kayang mangyayare kapag wala na ako? Sana madali nilang matanggap ang pagkawala ko. Ayukong magluksa sila ng matagal. Ayuko!

Iha?”

Hindi ko na napunasan pa ang luha ko ng biglang lumapit si Mommy. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa loob.

“Bakit? Bakit ka umiiyak?” ang alalang tanong niya.

“Mommy!” ang hagulhol kong sabi at mabilis na niyakap ko siya. “Mommy! Mommy!”

“Anak bakit?”

“Iiwan ko na kayo. Hindi niyo na ako makakasama. Mommy natatakot ako. Natatakot akong mamatay.” ang umiiyak ko pa ring sabi. Hinaplos haplos niya ang aking likod. Ramdam ko na umiiyak din si Mommy. Humihikbi siya ng tahimik at ninanamnam ang sakit na dulot ko.

“Wag kang matakot anak. Nandito lang kami ng Daddy mo. Kahit anong mangyare sayo, nakahanda na kami anak.”

“Mommy!” muli akong humagulhol at niyakap si Mommy ng mahigpit.

Kahit anong pigil ko sa aking sarili ay hindi ko talaga mapigilan ang maging mahina sa harapan nila. Sobrang mahal na mahal ko sila at alam kung magluluksa sila ng labis labis.

Pinatahan ako ni Mommy. Parang dati lang, nung bata pa ako lahat ng atensyon na dapat ilaan sa isang anak ay ibinigay nila sa akin. Hindi nila ako pinagdamutan ng pagmamahal. Binusog nila ako ng sobra sobra.

Gusto ko ulit maging bata. Makita sa mga mata nila ang sayang nakaguhit sa mga mukha nila. Ang sayang kahit kailan ay hindi mapapalitan.

Sa konting panahon na inilaan ko na makasama sila ay nakita ko ang pagtanggap nila sa akin kung sakali man. Alam ko nakahanda na sila sa posibleng mangyare sa akin.

“Mommy?” ang sabi ko ng akmang lalabas na ng pinto si Mommy.

“Bakit anak? May masakit ba sayo?” ang sabi niya at humakbang palapit muli sa akin. Umiling ako at nanatiling nakatingin sa kanya.

“Gusto ko sanang makausap kayo ni Daddy.” ang sabi ko. Napapikit ako ng makaramdam ako ng kirot sa aking utak.

“Ngayon na ba?”

“Kung maaari po sana.” ang sagot ko.

“Teka at tatawagin ko.” ang sabat niya saka lumabas ng kwarto ko.

Naiwan na naman akong nag-iisa sa loob. Tahimik. Sobrang tahimik. Nakakabingi ang sobrang katahimikan sa loob ng aking kwarto. Maging ako ay hindi ko marinig ang aking paghinga.

Nalalapit na ang wakas ng aking buhay.

Muli, ay bumagsak na naman ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan sobrang sasabog sa bigat, sa takot, sa pangamba, sa pag-aalala. Halo halong emosyon ang naramdaman ko.

Wala akong magawa kundi umiyak. Umiyak sa sakit. Umiyak sa lungkot. Umiiyak dahil sa mga taong maiiwan ko.

If there is a chance na muli akong mabuhay sa katawan ng ibang tao. Gusto ko yung wala ng sakit. I want to be happy. Gusto kong maikasal, makasama ang taong mahal ko, ang magkaroon ng sarili kong pamilya. Sana ganon. Sana.

Mabilis kung pinunas ang aking mga luha ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa nun sila Mommy at Daddy. Unang tama pa lang ng aming mga mata ay parang alam na nila ang mangyayare. Parang alam na nila kung anong sasabihin ko.

“Bakit naman po ganyan kayo tumingin Mom, Dad? Para namang mawawala na ako. Diba sabi ko, ayukong makita kayong nalulungkot? Happy lang diba?” ang sabi ko. Pinakita ko sa kanila na masigla ako kahit pa ang totoo, sobrang hinang-hina na ako.

“H-hindi! Ito na nga nakangiti na kami.” ang biglang sabi ni Daddy. Nginitian ko sila. Pinagmasdan silang dalawa.

Mga magulang na ginawa lahat ng kanilang makakaya para supurtahan ako sa aking huling sandali. Mga magulang na handang magsakripisyo para sa kanilang anak.

“Mom, bagay na bagay talaga kayo ni Daddy.” ang sambit ko pa. Nginitian ko sila pareho. Hinawakan naman ni Mommy ang kamay ko at inilapat sa mukha niya.

“Anak, ano ba iyong sasabihin mo? Kinakabahan kami ng Daddy mo.” ang saad ni Mommy.

Nanatili akong nakatingin sa kanila. Nakamasid. Pinagmamasdan. Sila ang maiiwan ko sa mundo. Sila ang iiwanan ko.

“Mommy, maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal. Salamat sa lahat ng ginawa mo. Patawarin mo ako kung naging matigas ang ulo ko. Kung nasasagot ko kayo minsan. Patawarin niyo ako Mommy.” hindi ko napigilan ang muli na namang mapaiyak. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha. “Mahal na mahal ko kayo ni Daddy. Sana kahit wala na ako, hindi niyo ako makalimutan. Palagi pa rin akong nandito.”

“Anak, oo naman. Ikaw ang nag-iisang anak namin. Hinding hindi ka namin makakalimutan.” ang emosyonal na sabi ni Mommy.

“Dad?” tawag ko kaya humakbang si Daddy palapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. “I'm sorry Dad. I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangarap mo sa akin. Nabigo ko kayo. Hindi ko kayo nabigyan ng apo. Kung wala lang sana akong---”

“Anak.”

“Dad, gusto kong makita kayong masaya. Alam ko kung gaano niyo ako kamahal ni Mommy. Gusto kong malaman niyo na mahal na mahal ko kayo.” hindi ko na napigilan ang aking luha at umiyak na nga ako. “Patawarin niyo ako kung matigas ang ulo ko. Kung hindi ako nakinig sa mga bilin mo. Kung sinuway ko kayo. Alam ko, lahat ng ginagawa niyo para sa ikabubuti ko. Hayaan niyo na akong lumaya Dad.”

It's sad. Masakit para sa akin na makita kong umiiyak sa harap ko ang mga magulang ko. Umiiyak dahil alam nilang hindi na ako magtatagal. Wala ng sasakit pa sa sakit na aking nadarama. Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy at ganon din si Mommy.

“Mom, Dad...” kumalas sila sa pagyakap sa akin. “Ramdam ko na, na hindi na ako magtatagal.” narinig ko ang paghagulhol ni Mommy habang nakaalalay naman si Daddy sa kanya. “Pagod na ako. Pwede na ba akong magpahinga? Mom? Dad?”

“A-anak, mag pahinga ka na. 'Wag mo na kaming alalahanin ng Daddy mo.” ang humahagulhol na sabi ni Mommy. Si Dadd ay tahimik na umiiyak.

“Gusto ko kapag nawala na ako, wag kayong malulungkot. Gagabayan ko kayo Mommy, Daddy. Masaya ako dahil alam ko na iiwan ko kayong maayos.”

“Anak!” ang hagulhol ni Mommy at muli akong niyakap.

“Ang daya ng buhay Mom, Dad. Bakit ganon? Bakit ako pa? Bakit sa akin pa?” ang sabi ko sa kanila. Sobrang nakakaiyak ang ganitong tagpo. Pinakamasakit sa isang tao ang nagpapaalam sa kanyang mahal sa buhay. Ito ang pinakamasakit na tagpo ng buhay. Ang mamaalam sa mga taong mahal mo.

Itinuro ko sa kanila ang malaking frame kung saan naroon ang aking mukha. Ang sketch na gawa ni Hector kanina. Kinuha ni Daddy iyon.

“Gusto kong ingatan niyo 'yan. Para kahit paano nasa bahay pa rin ako. Kasama niyo.” ang sabi ko. May kinuha ako sa ilalim ng unan ko. Isang maliit na box. “Ibigay niyo po 'yan kay Hector tatlong araw matapos ang libing ko.”

Niyakap nila ako at muling umalingawngaw ang iyak sa loob. Iyak ng pamamaalam.

Naramdaman ko ang mas lalo pang pagsakit ng ulo ko. Parang sasabog. Napadaing pa ako dahil sa sakit hanggang sa buong katawan ko na ang sumasakit.

Naririnig ko ang takot na boses ni Mommy at malakas niyang hagulhol habang ako ay tuluyan ng nanghina.


Vote and Comments guys.

Ilang chapter na lang matatapos na din ang story nila :( Sadly, nakakalungkot talaga :(

Maraming salamat sa inyo.

Please support may next story : Girls Sorority. pa save na lang sa mga library ninyo :)

Ibang genre naman ang gagawin ko :)

P.S. : Hindi po ako babae hehe 😂😂

----

Kuya Chad

Continue Reading

You'll Also Like

134K 1.8K 38
Si Tzarina Grethel Romero Ay Simpleng Babae Lang .. Hindi Niya Inaakala Na Ang Ama Nya Ay Isang Mafia Boss, Ipinag Kasundo Siya Nito Sa Matalik Niyan...
162K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...
248K 3.6K 54
Mia always has those strong and defensive way to interact with boys except from his brother. Being defensive leaded her to encounter the school's he...
34.7K 757 36
Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugu...