Ang Huling Binukot (The Last...

By AnakniRizal

1.9M 136K 45.5K

Aswang, kapre, engkanto, diwata, at mga anito, ang akala ni Arki ay kathang isip lang ang lahat ng mga kinwe... More

#AHB
UNANG YUGTO: Ang Paggising ng Mutya
/1/ Si Arki
/2/ Liwanag at Kadiliman
/3/ Ang Misteryosa
/4/ Muling Pagkikita
/5/ Ang Sinumpang Prinsipe
/6/ Pag-aalala ni Shiela
/7/ Ang Paglitaw
/8/ Ang Hindi Inaasahan
/9/ Bagong Salta
/10/ Plano ng Kadiliman
/11/ Kabilugan ng Buwan
/12/ Ang Tikbalang
/13/ Paghahatol
/14/ Bangungot
/15/ Kaibigan
/16/ Panganib
/17/Himala
/18/ Baka Sakali
/19/ Nabunyag
/20/ Ang Tinagong Kahapon
/21/ Paglayo
/22/ Ang Mutya
/23/ Ang Balita
/24/ Ang Sumpa kay Mayumi
/25/ Ibang Dimensyon
/27/ Ang Pagbabalik
/28/ Ang Paglusob
/29/ Ang Sakripisyo
/30/ Realisasyon
/31/ Ang Prinsipe
/32/ Sa Gabay ng mga Tala
/33/ Marahuyong Mundo
/34/ Salidumay
IKALAWANG YUGTO: Ibayo, Ang Kabilang Mundo
/35/ Ang Sama Dilaut
/36/ Si Dayang Sulu
/37/ Si Anitung Tabu at ang Kanyang Balita
/38/ Ang Pag-aalinlangan ni Arki
/39/ Si Aman Sinaya at ang Prinsesa sa Dagat
/40/ Imong Bayani
/41/ Mga Paraan
/42/ Hanapin si Agyu, ang Manlalayag ng Langit!
/43/ Mga Halimaw at Pagsubok
/44/ Ang Binatilyo
/45/ Ang Ikakasal
/46/ Ang Tagpuan
/47/ Mga Busaw sa Kadiliman
/48/ Ang Desisyon nila Arki
/49/ Isang Gabi, Isang Digmaan
/50/ Ang Unang Kaamulan
/51/ Pagkalason ng Isip
/52/ Ang Paglalakbay sa Langit
/53/ Ang Kasunduan kay Magwayen
/54/ Nang Sumapit ang Dilim
/55/ Marikit sa Kagubatan
/56/ Pagsubok ng Pagkakaibigan
/57/ Engkwentro sa Siyudad
/58/ Mga Pangitain at Panaginip
/59/ Ang Pagsisisi sa Huli
/60/ Ako Ang Huling Binukot!
/61/ Kusang Loob na Pagsuko
IKATLONG YUGTO: Katapusan Patungo sa Simula
/62/ Sa Kabilang Dako
/63/ Kapangyarihan ng Hiraya
/64/ Ang Bulaklak sa Yungib
/65/ Ang Pag-ibig ng mga Halimaw
/66/ Ang Katapangan ng Mga Duwag
/67/ Ang Prinsesa at ang Hari ng Kadiliman
/68/ Pagdakip ng mga Duwende
/69/ Ang Paggising ni Lakapati
/70/ Ang Paglaho ng mga Alaala
/71/ Sa Isang Kundisyon
/72/ Ang Unang Maharlika
/73/ Sa Lalong Madaling Panahon
/74/ Sa Isang Kidlat ng Balarao
/75/ Sulong, Team Binukot!
/76/ Bagaman Hindi Magkaibigan
/77/ Digmaan sa Lambak ni Batari
/78/ Naayon na sa mga Tala
/79/ Gunita sa Balang Araw
/80/ Isang Bagong Simula
EPILOGUE

/26/ Ang Mangkukulam

26.4K 1.7K 490
By AnakniRizal


Kabanata 26:
Ang Mangkukulam


SA kabila ng pagiging bibo at masayahing bata ay sa 'di malaman na dahilan, walang gustong kumaibigan kay Jacintha o mas kilala bilang Jazis, noong siya'y musmos pa lamang. Kalat kasi sa kanilang buong barangay ang tsismis na ang kanilang pamilya'y may lahing mangkukulam.

Hindi naging hadlang ang pangungutya sa kanyang pamilya upang lumaki siyang masayahin. Kaya naman nang tumuntong si Jazis sa sekondarya'y sinikap niyang kumaibigan sa marami subalit ilag sa kanya ang mga kaklase.

"Hay, Voomi, bakit kaya gano'n? Ang pretty ko naman pero ayaw nilang makipag-friends sa'kin?" kung kaya't madalas niyang kausapin ang isang manikang basahan na may labindalawang pulgadang haba, bigay ito sa kanya ng kanyang Lola. 

Sa tuwing nalulumbay siya'y palihim niyang kinakausap ang kaibigang si Voomi sa loob ng banyo, isa sa pinaka-iingatan niyang lihim ay may tinataglay itong itim na kapangyarihan.

"Jacintha, apo ko, ipangako mo sa'kin na hindi mo ito gagamitin sa kasamaan."

"Pero, Lola, para saan 'to?"

"Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko noon, subalit hindi pa huli ang lahat para magbago. Ang itim na kapangyarihan ay maaari pa ring gamitin para sa kabutihan."

Hindi man niya lubos na nauunawaan kung ano ang kahulugan ng kanyang Lola ay sinapuso niya ang mga salitang 'yon.

"Hoy, babae!"

"Ah! Aray!"

Minsan siyang nakarinig ng away sa loob ng banyo, pinakinggan niya ang mga boses at alam niyang mga kaklase niya 'yon. Tumuntong siya sa inidoro at dahan-dahang sumilip, tama nga ang hinala niya, ang isa niyang kaklase na madalas ma-bully ng mga kaklase niyang maaarte ay napapalibutan.

"Kapag 'di ka tumigil sa pagdikit sa crush ko, makakatikim ka lalo sa'kin!"

"Tama na! Wala akong ginagawang masama!"

"Aba, sumasagot ka pa!"

Napangiwi si Jazis dahil alam niyang masakit at malutong ang sampal na 'yon. Maya-maya'y nakarinig siya ng yabag palabas at naiwan ang kawawa niyang kaklase na umiiyak. Ilang sandali pa'y lumabas si Jazis ng kubeta at wala ng tao.

Pinulot niya sa sahig ang mahabang hibla ng buhok, may kulay 'yon at tiyak niyang pagmamay-ari 'yon ng maldita niyang kamag-aral. 

"Ang itim na kapangyarihan ay maaari pa ring gamitin para sa kabutihan."

Muli niyang nilabas si Voomi at nilagay doon ang hibla ng buhok. Sunod niyang kinuha ang nakatusok sa karayom kay Voomi. Pumikit siya saglit at nag-usal ng itim na mahika, ang eksaktong itinuro sa kanya noon ng kanyang lola.

"Jacintha, malupit ang mundo, kahit gaano ka kabait ay mga taong mapang-abuso sa kapwa. Ituturo sa'yo ng itim na libro na 'to ang mga mahikang kakailanganin mo bilang proteksyon."

Matapos ang dasal ay sunod niyang tinusok ang kanang kamay ni Voomi. Pagbalik niya ng silid-aralan ay hindi na siya nagulat pa nang makita na namamaga at halos lumobo ang kanang kamay ng maldita niyang kamag-aral, sa huli'y pinauwi ito ng kanilang guro. Isang linggo ang talab ng kanyang dasal kung kaya't isang linggo ring nawala sa eskwelahan ang kanyang kamag-aral. 

Hindi na ito ang unang beses na ginamit ni Jazis ang natutunan niyang kulam mula sa kanyang Lola. Subalit kahit gamitin niya 'yon sa kabutihan para parusahan ang mga masasama'y hindi siya nakakatakas sa parusa na kung tawagin ay 'Karma'.

"Sino na naman ang kinulam mo, Jacintha?" iyon ang pambungad sa kanya ng kanyang ina nang makauwi siya noong araw na 'yon. Isa sa mga nagiging Karma niya ang pamamantal ng kanyang buong katawan, kaya kitang-kita ng kanyang ina ang ebidensya.

"Ah, wala po, nay—aray ko po!" hinampas siya nito ng hanger at hindi siya naka-ilag. "Nay, kasi 'yung kaklase ko po ang sama-sama ng ugali!"

"Hanggang kailan mo ba gagawin 'yan?! Hindi ka ba natatakot para sa sarili mo?! Para sa pamilya natin?!"

"Huwag mong saktan ang apo ko," at nariyan lagi ang kanyang lola para ipagtanggol siya.

"Kasalanan mo 'to, inay! Bakit ba itinuro mo pa sa batang 'yan ang sumpa ng angkan natin?! Bakit ba hindi tayo pwedeng mamuhay ng normal?!"

"Dahil ito ang kapalaran ni Jacintha!" sagot ng kanyang Lola.

"Ano'ng kapalaran?! Ang maging mangkukulam?"

Tumingin sa kanya ang kanyang inay at lola.

Kahit na ilang beses siyang paluin ng kanyang inay ay patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Dinadala pa rin niya si Voomi sa eskwelahan at kung kinakailangan ay pinaparusahan niya ang mga nang-aapi.

Subalit isang araw ay nag-iba ang takbo ng buhay ni Jazis nang mapulot niya ang isang kakaibang bagay na magbibigay sa kanya ng mas malakas na kapangyarihan. Isang normal na hapon lang at pauwi na siya nang may makabunggo siya.

"Hala, sorry po, Ma'am!"

"Sorry din."

Naglalakad siya palayo nang may sumitsit sa kanya.

"Pssst... Pulutin mo naman ako."

"Huh?" napalingon siya at nakita na wala ng ibang tao sa corridor kundi siya lamang.

"Jazis ang pangalan mo, hindi ba? Pulutin mo naman ako. Dito, humakbang ka ng sampu at yumuko ka."

Kahit na tuliro ay sinunod ni Jazis ang mahiwagang tinig ng isang babae. Nang yumuko siya'y nakita niya ang isang bato, kulay itim iyon na may kakaibang hugis at kinang. Sa unang tingin pa lang ay nakaramdam siya na hindi 'yon pangkaraniwan, isang misteryo, isang hiwaga.

"Ikaw ba 'yung nagsalita?"

"Oo, ako nga."

"Wow, magic?"

"Siyang tunay, ako ay may tinataglay na mahika. Naramdaman ko ang kakaibang kapangyarihang dumadaloy sa'yo. Isa kang mangkukulam, ano?"

"Paano mo nalaman?" hawak-hawak niya na ngayon ang bato. Luminga-linga siya at sinigurong walang nakakakita sa kanya.

"Haha! Hindi ako nagkamali sa pagtawag sa'yo, parehas tayong may tinataglay na itim na kapangyarihan."

"Legit? Totoo ba talagang may powers ka? Baka naman gutom lang ako?"

"Para malaman mo, subukan mong humiling sa'kin ngayon."

"Hmm... Sige nga... Gusto ko ng... gusto ko ng friendships! I mean, gusto ko ng friends!"

Wala pang limang segundo'y nakita ni Jazis na may naglalakad palapit sa kanya, mga kaklase niyang babae. Kaagad niyang tinago sa kanyang bulsa ang napulot niyang bato.

"Oy, Jazis, kanina ka pa namin hinihintay sa labas, tara sabay na tayo umuwi!" ikinawit nito ang braso sa kanya at nawindang siya sa mga pangyayari.

"Ha? Ako?"

"Oo, because friendship tayo 'di ba?!"

At doon nagsimula ang mga sunud-sunod na pagtupad ng mga kahilingan ni Jazis. Inilihim niya mula sa kanyang inay at lola ang tungkol dito. Subalit walang kamuwang-muwang si Jazis na habang tinutupad ng mahiwagang bato ang kanyang kahilingan ay unti-unti nitong sinasakop ang kanyang katawan at kaluluwa.

Hanggang sa naitayo ni Jazis ng walang kahirap-hirap, gamit ang mahiwagang bato, ang Wiccan Club. Tumatanggap siya ng kahit ano'ng kahilingan ng mga estudyante. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa sarili. 


*****


KASALUKUYAN. Nakakulong pa rin sa ibang dimensyon, sa disyerto, sila Arki, Rahinel, Roni, Vivienne, at Leo.

Pagud na pagod na silang lahat mula sa pakikipaglaban mula sa mga nilalang na nilalabas ng mahika ni Jazis. Kanina'y isang higanteng gagamba, at mga insekto. Ngayon naman ay naglabas ng mga kakaibang halimaw ang mahika ni Jazis.

Hindi nagawang makapagpalit ng anyo ni Roni, gamit ang kanyang kontroladong lakas ay binabali niya ang leeg ng mga halimaw. Si Vivienne naman ay hindi nagkamali sa kanyang desisyon na kuhanin ang kanyang sandatang pana. Si Arki naman ay gamit-gamit ang kanyang yantok na tila ba ay may kakaibang pwersa. At si Rahinel ay napilitang ilabas ang kanyang kwintas na espada kung saan ay nag-ibang anyo ito, mas naging mahaba at naglabas ng apoy. 

"Waahh!!! Mama! Gusto ko ng umuwi!" samantala, si Leo ang panay takbo at tago sa likuran ng kanyang mga kasama. "Ahh!!!" Muntik na siyang masunggaban at mabuti na lang ay napana ni Vivienne ang halimaw.

Nang maubos ang mga halimaw ay hingal na hingal sila.

"Walang katapusan 'to!" sigaw ni Roni.

"Kailangan nating patayin ang mismong gumagawa sa mga halimaw," suhestiyon ni Vivienne at nanlaki ang mga mata ni Arki.

"Ha? Papatayin natin siya?!" sabi ni Arki at hindi niya lubos maisip na kailangan nilang pumatay ng mga kapwa nila estudyante.

"Hindi matatapos ang lahat ng 'to kapag hindi natin napigilan ang mismong gumagawa sa mga halimaw," sabi ni Rahinel sa pagitan ng hingal at itinuro niya si Jazis na malayo sa kanila, kitang kita nila ang itim na aura na bumabalot sa katawan nito.

"Guys, tama na please, umuwi na tayo!" umiiyak na sabi ni Leo pero walang pumansin sa kanya.

Maya-maya pa'y nakita nila ang itim na portal sa hangin, hudyat 'yon na may lalabas na namang halimaw para atakhin sila.

"Ayan na naman!" sigaw ni Roni.

"Kinokontrol ng anito na 'yon ang babaeng 'yon," tinuro ulit ni Rahinel si Jazis at tumingin siya kay Vivienne. "Kailangan mong maasinta ang suot niyang anito upang matigil ang lahat ng 'to."

"Hoy! Sinasabi mo ba na papanain 'yon ni Vivienne?! Mamamatay ang estudyanteng 'yon!" tutol ni Arki sa ideya ni Rahinel.

"Walang ibang paraan!" si Rahinel. Nakita nila na lumabas sa itim na portal ang mga halimaw subalit mas malaki ito at parang mga Kapre. Dumagundong ang tinatapakan nila nang humakbang ang mga 'to palapit sa kanila.

"Meron!" pilit ni Arki sabay tingin kay Vivienne. "Hindi mo siya papatayin, Miss Vice-President! Ako ang kukuha ng lintek na kwintas na 'yon sa kanya!"

Pagkasabi niya'y dali-dali siyang tumakbo palapit kay Jazis. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya nila Roni at Leo dahil tuluy-tuloy siya sa pagsugod. Akma siyang hahampasin ng higante subalit mabilis siyang umiwas at lumusot sa ilalim nito.

Malapit na siya kay Jazis at inihanda niya ang kanyang sandata. Tumalon siya at akma itong hahatawin subalit tumama sa hangin ang kanyang yantok at nakaramdam siya ng malakas na pwersa. Tumalsik siya pabalik sa mga kasama niya. Mabuti na lang at sa buhangin siya bumagsak at hindi gano'n kasakit ang kanyang pagbagsak.

"Arki!" kaagad siyang dinaluhan ni Leo.

"Vivienne!" sigaw ni Roni. "Ikaw ang pag-asa namin!"

"S-sandali," pigil niya. Hindi na niya ito mapipigilan dahil nanghihina siya. Nakita ni Arki na kinuha ni Vivienne ang huling pana. "H-huwag."

Mabilis ang kamay ni Vivienne at kaagad niyang pinakawalan ang pana, sumapol iyon sa dibdib ni Jazis at kaagad itong bumagsak. Biglang nagkaroon ng bitak sa kalangitan, hanggang sa nabasag 'yon at sumilay ang liwanag.

Nagpaikut-ikot ang paligid at nilamon sila ng liwanag, at sa isang iglap ay bumalik ang lahat sa normal. Bumalik sila sa silid na kinaroroonan nila kanina, ang lumang silid, bukas na ang mga bintana at maliwanag na ang paligid.

Sumalapak silang lahat sa sahig, para silang nahulog mula sa itaas na palapag. Kaagad silang tumayo nang makitang may panang nakatama kay Jazis.

"H-hoy!" kaagad dinaluhan ito ni Arki at kinuha ang pana. Saktong nakatusok 'yon sa bato, at nang kuhanin niya'y nahati 'yon at parang abo na naglaho. Kinuha ni Vivienne mula kay Arki ang pana.

"A-Anong nangyari?" hinihingal na tanong ni Leo.

Alam nilang hindi ilusyon ang lahat dahil damang-dama nila ang pagod at sakit sa katawan. Maya-maya'y biglang nagising si Jazis at pupungas-pungas.

"Ha? Ano'ng meron? Sino kayo?" tanong ni Jazis sa kanila na parang walang nangyari.

"Alam mo ikaw, gusto kitang sakalin." akmang susugod si Leo pero napigilan siya ni Roni.

Napabuntong hininga si Arki at sinabing, "Sa ngayon, umuwi muna tayong lahat. Bukas na lang natin 'to pag-usapan." 'Mapapalo na naman ako nito ni Lola Bangs dahil late na naman akong uuwi, lalo pa't nakipagbakbakan lang naman kami sa mga halimaw.' 

"Mabuti pa nga," sabi ni Roni na naunang lumabas ng pinto.

"Hello? Care to explain? Ano'ng meron?" pero walang pumansin kay Jazis at lumabas silang lima ng silid na parang walang nangyari.


*****


BAGO umuwi si Arki sa kanilang bahay ay napagpasyahan niyang dumaan saglit kila Yumi para kamustahin ito, subalit hindi na siya pumasok sa loob at tinanong lang sa katulong ang kalagayan ni Yumi. Nagalak siya nang malamang wala ng sakit si Yumi, wala na ang sumpa.

Naglalakad si Arki ngayon at kanina pa siya naiirita dahil nakasunod pa rin sa kanya si Rahinel, kaya huminto siya at hinarap ito.

"Saan ba ang daan mo pauwi? Nasamahan mo na 'ko kay Yumi ah," sita niya rito. Nagprisinta kasi itong sumama sa kanya kanina nang malaman na dadaan siya sa bahay nila Yumi.

"Ihahatid na kita sa inyo," nagulat siya nang sabihin 'yon ni Rahinel.

"Ano'ng ihahatid? Chaperone ba kita?" mataray niyang sagot

"Gabi na, babae ka at delikado ang daan." Ewan ba niya at bigla siyang namula nang sabihin 'yon ni Rahinel. Mabuti na lang at madilim na at hindi iyon kita.

"Bahala ka riyan." Naglakad siya at naramdaman niya na nakasunod pa rin 'to sa kanya. 'Seryoso ba siyang ihahatid niya 'ko sa'min?'

Hindi lang kasi siya sanay na may lalaking magsasabi sa kanya ng gano'n dahil alam niya sa sarili niya na kaya niyang mag-isa, karamihan sa mga kaklase niyang lalaki ay takot sa kanya. Pero iba si Rahinel, ni hindi nga ito nasisindak sa katarayan niya eh.

Ang hindi alam ni Arki ay nilalamon ng kuryosidad si Rahinel kaya ito sumusunod sa kanya. Magmula nang makita nito kanina ang pag-ilaw ng kanyang yantok at ang Baybaying nakaukit dito'y hindi na siya tinantanan ng mga tanong.

"Magaling ka pala makipaglaban," pambasag ni Rahinel sa katahimikan. "Saan mo natutunan makipaglaban?"

Hindi lumingon si Arki at diretso siyang nakatingin sa daan. "Ha? Ah, eh, natutunan ko sa Ate Shiela ko, bata palang ay naturuan niya na 'ko, tsaka natural talent din."

"Ahh." Katahimikan.

'Ano ba 'to, ba't biglang naging awkward?' reklamo ni Arki sa isip.

"Kaya nga hindi mo na 'ko dapat samahan sa pag-uwi kasi kaya kong protektahan ang sarili ko," sabi niya.

"Babae ka pa rin."

Medyo nainis siya kaya huminto siya sa paglalakad at hinarap ito.

"Grabe ka, ha, porque babae mahina na 'agad?"

"Wala naman akong sinasabing gano'n."

"Eh, bakit ba ihahatid mo ako sa'min? Pwede ka nang umuwi, oh." Ilang segundo silang nagtitigan at nailang si Arki kaya naglakad siya ulit. 'Baka mamaya makita ka pa ng mga kapitbahay namin, mahirap na dahil paniguradong matitsismis ako.' 

"Napahanga mo ako sa arnis mo."

"Maliit na bagay," hindi na sana siya sasagot pa.

"Saan mo nakuha ang arnis na 'yan?"

"Bigay ng lola ko. Teka, bakit ang dami mong tanong? Ano 'to? Interview?" 'Bakit ako pinagdidiskitahan ng kumag na 'to.'

"Wala, curious lang ako."

"Ikaw, curious sa'kin? Bakit? Crush mo ba 'ko?" tumawa si Arki sa sinabi niya at nang mapagtanto niya ang mga pinagsasabi niya ay bigla siyang nahiya. 'Ano ka ba naman, Arki.'

"Hindi kita crush."

"Okay, hindi naman masakit. Hindi rin naman kita crush noh," pambawi niya. Nagulat siya nang marinig ang pagtawa ni Rahinel.

"Nakakatawa ka, kaya pala naging best friend ka ni Yumi."

"Ano palagay mo sa'kin, clown?"

Sa asaran at daldalan nila'y hindi na nila namalayan na nasa tapat na siya ng bahay nila.

"Dito ka nakatira?" tanong ni Rahinel nang buksan niya ang gate.

"Hindi, sa kapitbahay namin 'to. Malamang dito ako nakatira," pamimilosopo niya. "Sige na."

Pumasok siya sa loob, at hindi niya natiis na lumingon. Nakita niya si Rahinel na nakatayo pa rin sa labas ng kanilang gate.

"S-salamat sa paghatid sa'kin."


-xxx-


(Arki & Rahinel)

Continue Reading

You'll Also Like

657K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
7.1M 277K 46
Standalone novel || After hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming dan...
236K 13.7K 90
Textmate Series #1 | Congratulations! Your number have won! *** An epistolary. "Pa-loadan mo ang number na ito upang ma-claim ang prize." Two souls m...
327K 8.1K 38
Red Ribbon is now available at your nearest bookstores. Grab your copy now for only P175.00. Don't forget to make selfie together with my book. Thank...