Silver Lining (Serendipity: B...

By jayeyenchen

132K 2.1K 414

We love until it hurts. We love until it bleeds. We love until it fades in time. We just wait for the right t... More

Prologue: Evanescence
1 | Just Got Home
2 | Unexpected
3 | You Again
4 | No History
5 | Birthday Wish
6 | Bad Days and Missing You
7 | Then Meets Now
8 | So Close Yet So Far
9 | A Day with the Soon-to-be-Married
10 | Unaffected (Part 1)
11 | Unaffected (Part 2)
12 | Take Two
13 | Blinding Truth
14 | Night Out and Night In
15 | For Catering Services Only
16 | Blink of an Eye
17 | Map That Leads To You
18 | Raging Storm
19 | After The Storm
20 | To Have and To Hold
21 | Start Over
NOT AN UPDATE!
23 | Second Session
24 | Third Session
25 | Fourth Session
26 | 14 Months
27 | Choice, Chance and Change
28 | Like We Used To
29 | Welcome Back
30 | Stop & Stare
Epilogue: Silver Lining

22 | First Session

4.2K 78 10
By jayeyenchen

A/N: Medyo mahaba ang chapter na 'to. Kayo na ang bahalang humusga. :)

-----

Chapter 22: First Session

Days went by so fast. Inayos nina Jeric at Wensh ang kanilang schedule to make room for their counselling. Mika was overjoyed nung nalaman nyang finally pumayag na si Wensh sa idea nya kahit na sobrang late na ng approval. Sa sobrang tuwa nya, agad nyang tinawagan ang kilala nyang therapist at nag-set agad ng appointment for them.

Friday after work, nagpunta si Wensh sa Wenshdays. Napagkasunduan kasi nila ni Jeric na sabay ng pumunta sa therapy session nila.

“Hi. Nandito ka na pala.” Bebeso sana si Jeric kay Wensh pero agad na tinulak sya palayo ni Wensh. “Aray naman!” He pouted.

“Feeling close ka eh,” natatawang sabi ni Wensh.

“Wala pala si boss. Boo!” biro ng kambal nyang staff.

“Gusto nyo wala din kayong trabaho?” Jeric glared at them at pumanhik agad sila sa kusina. He looked at Wensh, “Pupunta na ba tayo sa clinic or …?”

“Sure, I’ll just change. Wait lang,” she said then pumunta sa CR para magpalit ng damit.

She quickly changed into a simple T-shirt and skinny jeans then lumabas na sya agad. Jeric smiled habang nakatingin sya sa kanya. Napatingin naman si Wensh sa salamin para tignan kung anong mali. Wala naman. “Let’s go?” Wensh asked, snapping him out of his thoughts.

“Let’s go.”

Jeric drove Wensh’s car papunta sa clinic kung saan gaganapin ang first session ng counselling nila.

“Are you sure you wanna do this?” tanong ni Jeric habang nagdadrive. “Pwede namang magdinner na lang tayo.”

“Natatakot ka ba?”

“Ha? Uh, hi – hindi ah.”

“Weh?”

“Konti.”

“Why?” she chuckled. “Wala ka namang dapat ikatakot. Magsasalita lang naman tayo nang magsasalita dun and makikinig lang yung psychologist.”

Pilit na ngumiti si Jeric pero sa totoo ay kinakabahan sya. He’s not really sure kung makakatulong ‘tong idea ni Mika … but Wensh approved so bahala na nga.

Pagkarating nila sa isang two-storey building, sabay silang lumabas sa kotse.

Jeric exhaled like it’s his first time to breathe. Wensh just rolled her eyes at him, “Tara na sa taas.” Jeric linked his arm to hers at natawa si Wensh dahil parang sya pa ang lalaki sa kanilang dalawa.

*TOK TOK TOK!*

Tumingin si Jeric sa wrist watch nya, “5pm yung sched natin, di ba?”

“Yep,” she answered. “Tao po!”

Kakatok na sa ulit si Wensh nang biglang nagbukas ang pinto, revealing a middle-aged woman, wearing a white coat and holding a what looks like a planner. “Hi, Wensh.” bati nito kay Wensh and nag-hug sila sandali. “Long time, no see.”

“Yes, Dra. Queng. Long time, no see.” She smiled. “Kayo po ba yung psychologist na sinasabi ni Mika?”

Nag-nod si Dra. Queng. “Oo. Mika told me about your … uh … situation.”

“Ah, yes …” Napa-glance si Wensh nang marinig na nag-clear ng throat si Jeric. “Ah, doktora. This is … this is Jeric. Jeric Teng.” She introduced, while pointing at him.

“Nice to meet you, Mr. Teng.” They shake hands. “I heard a lot of things about you. Wensh would –”

“Shall we start, doc?” Wensh interrupted. “Baka po kasi gabihin tayo kung di pa tayo magsisimula, right?” She grinned widely.

“Yeah, sure. Come in.”

Pagpasok nila sa clinic, pinaupo sila ni Dra. Queng sa sofa at nag-fill up sila ng agreement forms. Nakatingin si Dra. Queng sa dalawa at nagsisimula na silang obserbahan. Jeric would occasionally glance at Wensh. Base sa mga tingin ni Jeric kay Wensh, parang may nagbobother sa kanya pero hindi nya lang matanong. Samantalang si Wensh naman, komportableng nakaupo lang sa sofa habang nagfi-fill up ng form. After filling up the forms, nagsimula na ang session. There was a brief introduction of the method they were about to use. Madali lang naman intindihin ang sinasabi ni Dra. Queng. It’s the most common method where the clients talk and the therapist listens.

“So let’s start,” sabi ni Dra. Queng after the introduction. “Mika told me na you’ve been together for more than four years. Let’s talk about your first year together. Tell me anything you remember. The little things, the good things, the bad things … anything.”

Nakaramdam naman ng tension ang dalawa at nagkatinginan lang. Nilakihan sya ng mata ni Wensh as if to say na sya na muna ang mauna pero ginantihan lang sya ni Jeric by glaring at her.

“Wag na kayong mahiya. Isipin nyo na lang na kaibigan nyo ko. I’m not a doctor. I’m not an observer. I’m just a friend na nakikinig. Nagkukwento lang kayo about your past. No pressure. Just be yourselves.” Hinanda ni Dra. Queng ang isang notebook at tumingin sa dalawa, “So … sinong mauuna?” Walang sumagot sa dalawa kaya sya na ang namili. “Wensh?”

Ang awkward pala nito, sabi na lang ni Wensh sa sarili. “O – okay po.”

“Would the two of you feel better if you lie down or close your eyes? Sobrang tensed kayong dalawa.” Sabi pa ni dok.

Ngumiti si Wensh at pinikit ang mga mata. Meanwhile, tahimik lang si Jeric at nakatingin sa kung saan-saan para makaiwas sa direct eye-contact sa doktor. Minsan ay mapapatingin sya kay Wensh pero hindi matagal.

“Okay, game.”

-

JERIC: So …

WENSH: So … ?

JERIC: So anong plano mo?

WENSH: Saan?

JERIC: Sa buhay mo.

WENSH: Well … I want to graduate and get a job. Then, play volleyball pa rin.

JERIC: Kasama ba ko sa future mo?

WENSH: (hinampas si Jeric) Syempre! Pag nawala ka, humanda ka sakin!

JERIC: Ouch. (hinimas ang braso) Ang sweet mo talaga, babe. :””<

WENSH: Che! Babe ka dyan. (rolls eyes) Eh ikaw anong plano mo?

JERIC: Graduate. PBA. Business.

WENSH: Yun lang? (pouts)

JERIC: Meron pa syempre. Kung papayag ka. ;)

WENSH: Papayag saan?

JERIC: Mahal na mahal kita at gusto ko lang manigurado na pagdating ng tamang panahon, sayo lang ako at sakin ka lang, na tayo pa rin … kaya naman … (kinuha ang singsing sa bulsa at lumuhod) Jeushl Wensh Asumbrado Tiu, will you – please please please – … marry me?

Parang sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Wensh. Nagsimulang tumulo ang mga luha nya at ngumiti nang malaki. Niyakap nya lang nang mahigpit si Jeric habang hindi pa rin tumitigil sa pagluha.

JERIC: (nakaluhod pa rin) So I guess that’s a yes?

WENSH: YES! (grins)

KEVIN: Oh, Jeri – SHET! GUYS, TAPOS NA!

MICH: Di na natin nakita!

LISS: Ang dayaaaa! Uleeeeeet!

Naglabasan ang iba pang mga tao sa dorm at nagtilian ang girls nang makita nila ang dalawa na nakangiti at magkayakap. Masayang pinakita ni Wensh sa kanila ang singsing na nasa daliri nya. Tumakbo silang lahat sa dalawa para ikulong sa isang masayang group hug.

---

JERIC: Tara na. Uwi na tayo.

WENSH: Maya nang konti.

JERIC: Baka sa sobrang gusto mong mag-stay ng simbahan, makapagmadre ka na.

WENSH: (sinapok si Jeric) Inaadmire ko lang yung chapel nyo eh.

JERIC: First timer ka ‘no?

WENSH: Hindi. Actually, it’s my third.

JERIC: Oh, ano pang nakakapanibago dito?

WENSH: Kasama kita.

Napatigil si Jeric at bumalik sa pag-upo sa tabi ni Wensh.

WENSH: Dati kasi laging si Kim or one of the bullies yung kasama kong pumunta dito. Hindi kaya ako nagdadala ng lalaki pag nagsisimba.

JERIC: Eh wala namang lalaki sa Lady Spikers. -______-“

WENSH: No, I mean, like si Robin. Never kaming nagsimbang magkasama.

JERIC: Why?

WENSH: Busy sya pag Sunday kaya Saturday ng hapon sya nagsisimba. Ako naman free tuwing Sunday kaya … yun.

JERIC: Hindi kayo nagsimbang magkasama kahit kailan?

WENSH: (umiling) Big deal din kasi sakin pag may kasamang boyfriend pag nagsisimba. Para kasing … pinapakilala mo sya kay God. Like “Hello, Lord! Boyfriend ko po.”. Parang pinapakilala mo na din sa magulang mo and si God mas mataas sya sa parents ko and anyone in this world and I have to make sure na tama yung dinala kong tao. Feeling ko kasi once in a lifetime opportunity lang na magpakilala sa kanya ng taong mahal ko. Ganun. Ewan. Hindi ko maexplain nang ayos. (shrugs)

JERIC: Naintindihan ko naman.

WENSH: Ikaw yung unang boyfriend na pinakilala ko kay Lord.

JERIC: Fiancé na nga, di ba? -_______-

WENSH: Ganun na din yun. Di pa rin naman tayo kasal eh.

JERIC: Do you want to get married here?

WENSH: Ha?!

JERIC: Not now, of course. Someday. Pag ready na tayo. Do you want to get married here?

WENSH: Yes. (ngumiti)

JERIC: Then we will get married here.

WENSH: Promise?

JERIC: Promise.

Jeric held Wensh’s hand and kissed the top of her head.

JERIC: Tara na. Ipakikilala pa kita kina Mama at Papa. Excited na sila.

WENSH: Kinakabahan ako.

JERIC: Don’t be. I’m sure na magugustuhan ka nila.

WENSH: (inhale-exhale) Tara.

JERIC: Ako ba magugustuhan ng parents mo?

WENSH: Ewan. Next week mo pa sila mamimeet. Wag mo munang intindihin yung parents ko ngayon. Pati ako kinakabahan sayo.

JERIC: Okay. Bibili na agad ako ng bulletproof vest bukas.

WENSH: Make it two. Sakin yung isa. (tumawa)

Minutes later, nakarating na sina Jeric at Wensh sa bahay ng mga Teng.

WENSH: Ikaw ang unang bumaba.

JERIC: Bakit ako? Ikaw muna!

WENSH: Bakit ako? Ikaw ang nakatira dito.

JERIC: Aish. (bumaba)

WENSH: (bumaba) Magdoorbell ka.

JERIC: Bakit ako? Ikaw naman.

WENSH: Jusko naman, Jeric. Ikaw ang nakatira dito.

JERIC: Hay nako. Ako na naman. (nagdoorbell)

*ding dong!* *ding dong!*

Jeric was pacing back and forth habang hinihintay na magbukas ang gate.

WENSH: (binatukan si Jeric) Kalma hoy! Mas kinakabahan ka pa yata kaysa sakin. Sabi mo sakin wag akong kabahan tapos ngayon ikaw pala ‘tong kinakabahan. Baka pag pinakilala na kita sa magulang ko, mag-faint ka bigla. Bahala ka sa buhay mo.

JERIC: Siguro huling simba ko na yung kanina pero okay lang ikaw naman yung kasama ko eh tapos pag nagalit sila dahil –

WENSH: (sinuntok si Jeric sa pisngi)

JERIC: Fuck! (napahawak sa pisngi)

WENSH: Ano? Di ka pa kakalma? Baka gusto mo isang suntok pa sa kabilang pisngi?

JERIC: Ayos na. Ugh. Sakit nun ah.

WENSH: OA mo kasi.

JERIC: Eh kung ikaw na lang kaya magpakilala sa sarili mo sa kanila.

WENSH: Sure. Basta ba pupunta ka sa Ormoc mag-isa.

JERIC: I changed my mind. Wag na pala.

Nagbukas na ang gate at bumungad sa kanila si Almira na nag-aayos pa ng buhok.

ALMIRA: Shit. H – hi! Pasok kayo. Sorry, di pa kasi ako tapos mag-ayos.

JERIC: Sina Mom at Dad?

ALMIRA: Nasa loob. Hi. (smiles)

WENSH: Hi.

JERIC: Tara na sa loob. (inhale-exhale)

Hinawakan ni Jeric ang kamay ni Wensh habang papasok sila sa bahay nila. Si Wensh naman kalma lang at si Jeric, sya pa ang kinakabahan.

ALMIRA: Mom! Nandito na sila! Wait lang, guys. I’ll just fix my hair.

JERIC: Dun ka na nga.

ALMIRA: Sungit. :P (umalis)

WENSH: Ganda ng kapatid mo.

JERIC: Hayaan mo sya. Mas maganda ka.

WENSH: Sungit mo pala pag kinakabahan.

JERIC: Di ako kinakabahan.

WENSH: Weh? Kalma ka nga. Di ba sinabi mo naman na hindi pa naman tayo magpa –

JERIC: No, I didn’t.

WENSH: Ha?

JERIC: I didn’t tell them we’re already engaged.

ALYSSA: Engaged?

JERIC: Shit.

WENSH: Ano?!

ALYSSA: Engaged na kayo???

WENSH: Hi. (grins) You’re Alyssa, di ba?

ALYSSA: Nagresearch? (chuckles)

WENSH: Kind of. (smiles) Nice to meet you. (shake hands with Alyssa)

ALYSSA: Nice to meet you, Wensh.

JERIC: Achi, wag mo munang sasabihin kay Mom at Dad.

ALYSSA: Akala namin girlfriend mo lang? Bakit engaged na agad?

JERIC: Hindi pa naman kami magpapakasal.

WENSH: And I’m not pregnant.

ALYSSA: I’ll keep my mouth shut. For her sake.

WENSH: Thanks.

They started dinner quietly. Si Jeron lang ang nag-iingay gamit ang kutsara at tinidor. Wala munang masyadong batian dahil first time pa lang nilang nakita si Wensh at hindi pa nagsasalita si Jeric.

WENSH: (kinurot si Jeric)

JERIC: (mouths) Aww! Why?

WENSH: (death glare kay Jeric)

JERIC: (rolls eyes) Hmm … Mom, Dad, Achi, Dichi, Shoti …

Tumingin silang lahat kay Jeric samantalang si Wensh naman nakatingin lang sa lap nya at patay malisya sa mga nangyayari.

JERIC: This is Wensh, my … my girlfriend.

JERON: Girlfriend? Di ba en –

JERIC: Well, technically, she’s my fiancee dahilengagednakamiperohindipanamankami –

WENSH: (binatukan si Jeric)

Nagtawanan silang lahat maliban kina Jeric at Wensh.

JERIC: Oh, anong tinatawa-tawa nyo dyan? >///<

ALMIRA: We already know, Ahia. (laughs)

JERIC: Already know what?

ALYSSA: That you two are already engaged.

JERIC: What? How?

ALMIRA: Twitter, Instagram, Jeron, your fiancee.

Jeric looked at Wensh with confused expression. Nag-fist bump si Jeron at Wensh.

JERON: Gotcha, bro. :P

WENSH: Sorry not sorry. :P

SUSAN: I already like you, hija. (smiles)

ALMIRA: I have a good feeling na magkakasundo tayo, Wensh.

ALYSSA: Include me.

ALVIN: Looks like we’re outnumbered, boys.

Alvin, Jeric and Jeron all sighed.

ALVIN: Anyway, mabuti naman nakahanap na si Jeric ng gigising sa mga katangahan nya.

SUSAN: You’re very welcome na batukan sya every time he’s being stupid.

WENSH: Thank you po. (grins)

JERIC: You’re not mad? (looks at his parents)

ALVIN: Hindi. I’m happy you found somebody to love, anak.

SUSAN: As long as you finish your studies first before getting married, everything will be fine between us.

WENSH: Sure will, Tita. Jeric and I will graduate and find a stable job before getting married.

JERIC: Maglalaro pa ko sa PBA. Si Wensh naman sa PSL. We’re not rushing.

ALVIN/SUSAN: Then we’re good.

---

WENSH: Je, di daw makakapunta sina mama next week.

JERIC: YES!

WENSH: o_O

JERIC: I mean, no. Nooooo ... why? :((

WENSH: Kunwari ka pa dyan. Tuwang-tuwa ka naman. Umamin ka na, takot ka sa magulang ko 'no? (smirks)

JERIC: Hi - hindi ha. B-bakit naman a-ako --- okay. Slight.

WENSH: (tumawa) Wag kang mag-alala. Takot din ako sa kanila.

---

@jericteng: Movie date with @JWenshTiu :) She doesn’t react that much to horror movies. :O

@JWenshTiu: @jericteng Nasanay na kasi ako. Makita ba naman kita araw-araw, di ba horror na? :-P

@jericteng: @JWenshTiu Ah ganun? #MaglakadKaBukas #HindiKitaSusunduin

@almirateng: @jericteng Hoy! Wag mo paglakarin si future sis-in-law! Got your back @JWenshTiu ;)

@JWenshTiu: Thanks @almirateng ! Listen to your sister @jericteng :-)

@jericteng: @JWenshTiu Okay, okay. :( Kung di lang kita mahal …

@JWenshTiu: @jericteng pero mahal mo ko. Hahaha.

@jericteng: @JWenshTiu sobra :)

---

ARA: Ate Wensh, nandito na yung driver, este, sundo mo. Pormang-porma. May dala pang flowers!

CAROL: Flowers ka dyan. Garden na nga yung dala oh.

ARA: Kuys, di mahilig sa flowers si Ate Wensh.

CAROL: Oo nga.

JERIC: Okay. Noted. Next time, no flowers.

ARA: Dahon na lang. (tumawa)

CAROL: O lupa. (nakipag-apir kay Ara)

Habang naghihintay kay Wensh, dinaldal muna si Jeric ng dalawa. Nagtanong ng kung anu-ano na parang nang-iinterview. Maya-maya naman ay bumaba na si Wensh sa sala ng dorm. Simple lang ang ayos at nakashoulder bag. Mukhang paalis sila.

JERIC: Morning. (kissed Wensh’s cheek)

WENSH: Morning. (ngumiti)

ARA: Tapos tayo iniignore na lang. Okaaay.

CAROL: Tsk tsk.

WENSH: Morning, Ara. Morning, Carol. (smiles)

ARA: Ayun. Bumawi agad. (chuckles)

WENSH: Palagay ng flowers sa lalagyan. (sabay abot ng flowers kay Carol at Ara) Thanks. Alis na kami.

CAROL: Galeeeeng talaga. Clap clap.

ARA: (bumulong kay Carol) Gawin na lang nating business ‘to. Sponsor natin si Kuya Jeric.

---

Break time during Lady Spikers’ training.

CAMS: Hindi nga kasi ganyan ang paghampas, kuya. Ganito kasi. (sabay spike sa bola) Gets?

Nag-nod lang si Jeric kay Cams. Naghagis ng bola si Mika kay Kim. Sinet ni Kim ang bola kay Jeric at bumwelo pa si Jeric para ma-spike ito but it ended up hitting his face. Nagtawanan silang lahat, pati na rin si Wensh.

CYD: Nubayan. Para ka namang bakla, kuya. (tumawa)

JERIC: Ayoko na nga. -____-

WENSH: Go, babe! Kaya mo yan! (pinipigil ang tawa)

JERIC: Ha – ha – ha. -_________-

Si Aby naman ang sunod na nagturo kay Jeric kung paano mag-spike ng bola. Syempre, knowing Aby, naintimidate naman si Jeric kaya pinakinggan at pinanood nya nang maayos. BMDC si Kapitana.

After a few more tries, finally, Jeric made one perfect spike kahit na muntik pa syang sumabit sa net.

JERIC: YES! (laughs) Sabi ko sayo kaya ko! ;)

WENSH: So proud of you! (rolls eyes)

Hindi na nakapagbreak nang maayos si Moks at Kim dahil sa kaka-set ng bola kay Jeric. First time nyang maglaro ng volleyball so pinabayaan at pinagbigyan na lang nila ito.

---

Training day ng Growling Tigers at naisipang bumisita ni Wensh kay Jeric sa training nila since wala naman syang gagawin buong araw. Pahinga na din muna sya sa thesis. Ilang araw na din kasi syang stressed dahil dun.

ALJON: Naker. Patay. Gaganahan ng maglaro si Teng nyan!

KAIZEN: Heto na … heto na … waaaaaaah!

WENSH: Mga sira ulo. (sabay sapok sa dalawa) Nasan si Jeric?

JERIC: Present!

Jeric hugged her from the back and kissed her cheek. Nagblush naman si Wensh dahil sa ginawa nya.

JERIC: Bakit ka naman napunta sa teritoryo ko?

WENSH: Sayo to? Wow ha. Di ako nainform. At tsaka bawal ba? Pumupunta ka nga sa La Salle anytime you want.

JERIC: (shrugs) Anyway, mabuti nandito ka. Mapanood mo naman ako.

WENSH: Che. Kala mo naman sinong magaling.

JERIC: Are you challenging me?

WENSH: Paramihan ng 3-point shots. 5 tries. Watcha say, Teng? ;)

KAIZEN: Woooah! Simulan na yan!

KEVIN: Go, Wensh!

ALJON: Go, Jeric!

Unang sumabak sa Jeric. At dahil Team Jeric si Aljon, sya ang tagabigay ng bola sa kanya. Nakadalawang try na si Jeric pero wala pa rin. Sa mga sumunod na tries, finally, na-shoot naman nya. 3 out of 5.

JERIC: Beat that.

WENSH: Wooo! Wala yan.

KEVIN: Nako, Wensh. Siguraduhin mo lang. Nagpustahan na kami ni Aljon. Lagot ka sakin pag ako ang sumagot ng tanghalian ng matakaw na yun.

WENSH: Akong bahala. (pats Kevin’s back)

Pumwesto na si Wensh. Si Kevin ang taga-abot ng bola sa kanya.

KEVIN: Game?

WENSH: Game!

She took a deep breath then fired a shot. First three tries were good.

ALJON: Booo! Sala na yan!

JERIC: Tsamba!

WENSH: Tignan lang natin, Teng.

The fourth try was a bad one: air ball. She took a deep breath before taking her last shot and then –

KEVIN/WENSH: YEEEEEEEEEEEES!

Tuwang-tuwang nag-apir si Kevin at Wensh.

KEVIN: Pano ba yan? Aljon, tara na kumain!

ALJON: Bwisit naman. Butas bulsa na naman ‘to. -______-

WENSH: Tsamba pala ha. Tsk tsk.

JERIC: Oo na, ikaw na magaling. (pouts)

WENSH: Thank you. (nag-bow)

---

After dropping by sa DLSU, nagpunta naman si Wensh sa mall para hintayin si Jeric. Napag-usapan kasi nilang sabay na lang silang bumili ng regalo para sa birthday ni Mika.

Hindi naman ganun katagal ang pinaghintay nya dahil maya-maya ay dumating na ang hinihintay nya. Nagkatinginan na lang silang dalawa nang malapit na sila sa isa’t isa. Wensh laughed.

WENSH: Hindi naman tayo nag-usap ng susuotin ‘no? (grins)

Jeric was wearing a green T-shirt with a “TIUnami” print sa unahan while si Wensh naman ay nakasuot ng yellow T-shirt na may “TENGsanity” print in front. Para tuloy silang nagplano na mag-couple shirt.

JERIC: MTB talaga tayo.

WENSH: MTB?

JERIC: Meant to be. ;)

WENSH: Dami mong alam. -_____-

Hindi na nagsalita pa si Jeric. Kinuha na lang nya ang kamay ni Wensh at hinawakan ito habang naglalakad-lakad sila sa mall.

---

Since hindi na kasama sa training ng Lady Spikers sina Wensh, Melissa at Michele, sila na lang ang natira sa dorm. Konting minuto matapos makaalis ang Lady Spikers, dumating si Jeric sa dorm. May bitbit na isang plastic ng chichirya at soft drinks sa isang kamay at may hawak namang DVDs sa kabila.

WENSH: Anong ginagawa mo dito? o_O

JERIC: Happy monthsary! ^_^

WENSH: (rolls eyes) Ang kulit mo rin ‘no? Sabi ko magpahinga ka na lang. Mamaya lagnatin ka na naman.

JERIC: I’m fine. Lagnat lang yun. So … can I come in? Medyo mabigat ‘tong dala ko.

Pero bago pa makasagot, pumasok na si Jeric at umupo sa sofa.

WENSH: Geh, pasok. Feel at home. -______-“

MICH: Uy, nandito ka pala, Jeric.

JERIC: Hi, Mich. Hi, Liss. (smiles)

LISS: Anong ginagawa mo dito?

JERIC: Movie marathon tayo?

LISS/MICH: Okie dokie!

Namili sina Liss at Mich sa mga dalang DVDs ni Jeric.

JERIC: (tingin kay Wensh) Upo ka na dito.

MICH: Pano kami?

JERIC: Dyan na lang kayo sa sahig.

LISS: Wow, ang bait talaga. -________-

They ended up watching “Easy A”. Nakaupo sina Jeric at Wensh sa sofa smaantalang sina Mich at Liss naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa. Hindi naman nailang si Jeric sa pinapanood kahit na parang chick flick ito. Hindi din sya na-bother na puro babae ang kasama nyang manood. He’s got all that he needs beside him: Wensh and food.

JERIC: Pahingi nga. Ako naman nagdala nyan.

WENSH: (nilayo ang chichirya) Akin nga ‘to. Kumuha ka na lang ng iba dyan. Madami ka namang dala.

JERIC: Yan nga ang gusto ko. Damot mo naman.

WENSH: Whatever. Happy monthsary din. (continued eating)

Hindi tumigil si Jeric sa pangungulit hangga’t hindi sya binibigyan ng chichiryang gusto nya hanggang sa …

MICH/LISS: Shet!

MICH: JerWensh naman eh! >///<

LISS: Ugh, what the hell? >///<

JERWENSH: Sorry! ^_____^V

Sabay na tumayo si Mich at Liss at nagpagpag ng damit dahil tinapunan sila ng dalawa ng pinag-aagawan nilang chichirya at softdrinks na hawak naman ni Jeric. Parehas na tinignan nila nang masama sina Jeric at Wensh.

MICH: Bagong hobby mo na ba talaga ang mantapon ng chichirya at softdrinks, Teng? -____-

-

Patuloy ng pakukwento si Wensh habang nakapikit, tila nire-reminisce ang mga nangyari noon. Those were obviously the happy days. Hindi mawala ang ngiti nya habang nagkukwento. Habang si Jeric ay nakikinig lamang sa kanya at nakatingin pa rin sa sahig. Hindi pa kasi sya sanay kaya medyo naiilang pa.

Wensh stopped talking at her own will and opened her eyes. Sandaling nagdilim ang paningin nya dahil sa tagal ng pagkakapikit. She blinked a few times until her vision was okay again.

Like what she’s supposed to do, nakinig lang si Dra. Queng. Paminsan-minsan ay bubuklatin ang notebook nya at magsusulat.

“So, Jeric. Tell me – us – something you remember about your first year together. Yung mga hindi pa nasabi ni Wensh.” sabi ni Dra. Queng after Wensh stopped. Napansin din kasi nya ang biglang pagbabago ng mood ni Wensh. She must be having a hard time going back.

Wala ng ibang nagawa si Jeric. Both of them were looking at him, “O – okay.” nauutal nyang sagot. Napakamot pa sya sa ulo sa sobrang kaba.

-

It was a normal day at walang training sina Jeric ngayon kaya naisipan nyang pumunta ulit sa dorm ng Lady Spikers para makita si Wensh. Nang magdoorbell sya, si Denice ang nagbukas ng gate at pinapasok sya nito.

LADY SPIKERS: Hi, King Tiger!

JERIC: Hi. (ngumiti) Nasan si Wensh?

DENICE: Nasa taas si Ate Wensh. Sa kwarto nya.

JERIC: Okay, thanks.

Umakyat si Jeric sa second floor ng dorm at pumunta sa kwarto ni Wensh. Hindi na sya kumatok dahil bukas naman. Nakatalikod sya sa kanya at parang may sinusulat sa table nito. Nag-hi sya pero wala man lang reply. Then, nakita nya na nakaearphones pala sya kaya hindi ito narinig.

He walked closer to her. Hindi pa rin sya lumilingon. Sinilip ni Jeric kung anong ginagawa nya at parang seryosong-seryoso sya dun. It was a doodle. He smirked.

JERIC: (tinanggal ang earphone ni Wensh) Ako ba yan? ^^

WENSH: Ay tigreng pangit!

Napatayo si Wensh at hinampas si Jeric.

JERIC: Ang ganda naman ng bati mo sakin. -_____-

WENSH: Bakit ka nandito?

JERIC: Para sakin ba ‘to? (kinuha ang doodle) Cute.

WENSH: Akin na nga yan. (inagaw ang doodle) Anong ginagawa mo dito? Sabi mo may lakad ka, di ba?

JERIC: Oo nga. Dito. Dito yung lakad ko.

WENSH: (rolls eyes) Ang clingy mo.

JERIC: Eh ano ka pa? Dinodrawing mo na nga ako sa sobra mong pagkamiss.

WENSH: Wag kang feeler.

JERIC: Just admit it. (inakbayan si Wensh) You miss me.

She was about to protest but her face betrayed her. Pulang-pula na yung buong mukha nya. Wensh just sighed in defeat. She missed him.

---

It was their fifth monthsary and as usual, ayaw na naman ni Wensh na masyadong gumastos sya or si Jeric. Mas gusto nyang maging abala na lang sa thesis nya at magfocus muna si Jeric sa training at game nya. Baka mamaya masabihan pa syang bad influence dito.

But knowing Jeric, hindi sapat sa kanya ang tawag o text lang. He has a plan.

JERIC: Guys, okay na ba?

KEVIN: (thumbs up)

ALJON: Oh, ito na yung pinabili mo.

Inabot ni Aljon kay Jeric ang pinabili at pinagawa nyang long and colorful marshmallows na dipped in Nutella ang dulo at ginawang isang bundle as substitute for flowers dahil hindi mahilig si Wensh sa flowers. At isa pa, ilang araw na syang nagke-crave ng marshmallows.

ALJON: Weird nyo, pare. Pwede namang bulaklak na lang. Nagmukha pa tuloy akong pupunta ng children’s party. (napakamot sa ulo)

JERIC: Salamat. Pwede na kayong umalis. Shupeee!

KEVIN: Ah, ganyanan? Pagkatapos tulungan. Tsk.

JERIC: Bukas na ang bayad.

ALJON: Sabi mo yan ha.

KEVIN: Mabubusog na naman ako bukas. Yes!

Pagkaalis nina Kevin at Aljon, pumasok muna sa loob si Jeric para hintayin si Wensh. Kasama nya ngayon ang ibang Lady Spikers.

CIENNE: Love mo talaga si Ate Wensh ‘no?

JERIC: Oo naman.

CAMS: Nag-abala ka pa talagang mag-set up ng dinner para sa inyong dalawa.

JERIC: Ayaw nyang mag-date kami sa labas. Edi sa labas na lang ng dorm.

MIKA: (laughs) Hindi yun makakatanggi this time.

JERIC: Dapat lang ‘no. Nagtabas pa ko para lang sa kanya.

CAROL: Pakitabas din yung sa likod, kuya.

JERIC: Hindi nyo ko hardinero. -______-

Maya-maya dumating na din si Wensh. She has a confused expression on her face pagpasok nya sa loob ng dorm dahil sa nakita nyang set-up sa labas.

JERIC: Happy monthsary. (sabay abot ng marshmallows) I know you prefer food over flowers and alam ko din ilang araw ka ng nagkecrave ng mallows. So there …

LADY SPIKERS: Yiiiieeee!

WENSH: Anong pakulo na naman ‘to, Teng?

JERIC: Hindi ito pakulo ‘no. Pinapakita ko lang kung ga’no kita kamahal.

WENSH: Di ba sabi ko naman sayo hindi ko naman kailangan ng mga ganito. Okay na sakin yung –

JERIC: Sakin, hindi okay. Kaya tara na sa labas. Dinner awaits.

Makakatanggi pa ba sya eh nakaready na? Sumunod na lang sya kay Jeric sa labas ng dorm. Jeric pulled out the chair for her to sit and once she was sitted, umupo naman sya sa upuan across her. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Wensh sa mga efforts ni Jeric.

They talked and talked until lumabas ang bullies para ihatid sa kanila ang mga pagkain. In-on naman ni Camille ang lights na nakasabit sa mini-tent na ginawa ni Jeric, making everything look like a dream fairytale date.

WENSH: Thank you. I love you. (smiles)

He didn’t have to say anything for her to know he loves her. The way he looked at her was enough to say so.

---

UAAP Season 76 Finals Game 1. Nasa dugout ng Tigers si Wensh at kausap si Jeric sa isang gilid malapit sa pinto.

JERIC: Bakit ka naka-green?

WENSH: LaSallian ako eh.

JERIC: Hindi man lang nag-white para safe color.

WENSH: Di ba black and yellow sa USTe?

JERIC: Ah, so hindi mo talaga ko susuportahan? -____-

WENSH: Susuportahan syempre. Tignan mo kulay yellow yung panyo ko. (chuckles)

JERIC: (poker face)

WENSH: (kissed him on the cheek) Yan na. Good luck.

JERIC: Sige na nga. Okay na yun. (pouts)

WENSH: Arte nito. Akin na nga yung varsity jacket mo para wala kang reklamo.

Binigay naman ni Jeric ang varsity jacket nya kay Wensh and she wore it.

WENSH: Oh ayan. DLSUST na. Init naman nito. (sigh) Oh, masaya na baby ko?

JERIC: Masaya na po. (grins)

WENSH: (rolls eyes) Sige na. Good luck. Iwas sa injury ha.

JERIC: Can’t promise that. But I’ll do my best.

WENSH: Good. I love you.

JERIC: I love you too.

Hinatid nya si Wensh palabas ng dugout bago magsimula ang game at pinasama ito sa pamilya nya sa panonood.

Matagal din bago natapos ang laro at nanalo ang UST. Of course, it was a celebration and a little bit of heartbreak for the Tengs and also kay Wensh. Si Mika naman sinamahan na lang sa heartbreak ang boyfriend nyang si Jeron but nonetheless, everyone’s happy for Jeric.

JERIC: I told you I’d do my best.

WENSH: Wag kang papakasigurado. La Salle magchachampion this year. Nafi-feel ko.

JERIC: My ever supportive girlfriend. (sigh)

---

UAAP Season 76 Finals Game 2. Dahil may inaasikaso sa school, hindi nakapanood nang live si Wensh pero nabalitaan nyang natalo ang UST kaya bumisita sya sa dorm after their game.

KEVIN: Wensh! Sinong hanap mo?

WENSH: Malamang yung boyfriend ko.

KEVIN: May pagkain ka?

WENSH: (inabutan ng isang box ng donut si Kevin) Pwede na pumasok?

KEVIN: Yown. Yes naman! Pasok ka na.

Pagpasok nya sa loob, sinalubong sya ng mga pagod na pagod na Growling Tigers. May mga nanonood ng tv at nakahiga sa sofa at sahig. Ang iba naman natutulog na sa kwarto nila habang yung iba kumakain. Si Jeric naman nagsasoundtrip habang nakaupo sa hagdan. Tinabihan nya si Jeric.

WENSH: Hi.

JERIC: (nagtanggal ng earplugs) Hi.

WENSH: Nagdala ko ng donuts pero nabigay ko na kay Kevin. Hershey’s na lang? (sabay pakita ng chocolate)

JERIC: (kinuha ang chocolate) Thanks.

WENSH: Bawi na lang ng next game.

JERIC: I will.

There’s not much needed to be said between them. Her presence was good enough to cheer him up after a bad game.

---

UAAP Season 76 Finals Game 3. Pagkatapos ng do-or-die game and the awardings and everything, on their way back to their dugouts, nilapitan sya agad ni Wensh para i-comfort ito after their team’s loss.

WENSH: Kung makasimangot ka dyan parang walang bukas ah. Sige ka, maging kamuka mo ang bulldog nyan. And not the good kind, sinasabi ko sayo.

JERIC: Wensh, not now.

Wensh hugged him from behind.

WENSH: Smile ka na. Please.

Hindi na nya kailangang magsalita pa para malaman nyang nakangiti na ito. The touch of his hand says it all. Nang bumitaw na si Wensh, halos sakalin na sya ni Jeric sa pagkakayap at sobrang gigil.

JERIC: Buti na lang nandyan ka. (pinisil ang pisngi ni Wensh)

WENSH: Okay ka na? (grins)

JERIC: I’m okay kasi nandito ka. You’re more important than any award.

---

Halloween party at Cruz residence.

*ding dong*

CAMS: Good evening, ate Wensh! (hugs Wensh)

WENSH: Hi … Cienne or Camille? O_O

CAMS: Si Camille ‘to! Ano ba.

WENSH: Sorry. Di ko sure eh. Pano ba naman kasi ang kapal ng make-up mo.

CAMS: Syempre, halloween. Lady Gaga ang trip ko.

WENSH: Ah. Akala ko Vice Ganda. Haba kasi ng mukha. (tumawa)

CAMS: Ganyanan, ate Wensh? Bully ka na rin ha. -____-

WENSH: Joke lang. Labyu! :*

CAMS: Nasan na nga pala ang partner mo?

As if on cue naman, dumating si Jeric, wearing his costume at mukhang hinihingal dahil malayo ang napagparkingan.

CAMS: Wow. Ang taray ng peg. Hawkeye and Black Widow pala. Ang sexy. Galeeeeeng. (slow claps)

CIENNE: Hoy, Camille-yon! Sino ba yan? Bakit ang tagal mo?

CAMS: Wait lang, Ciennang! (tumingin kina Wensh) Pasok na kayong dalawa.

Pagpasok nina Jeric at Wensh sa loob. Napatigil naman ang bullies at napanganga sa kanila.

CAROL: Hangtaraaaaay!

KIM: Ang sexy ni Ate Wensh oh.

CIENNE: Madaya si kuya Jeric. Maraming kilalang designer yan eh. Nagpagawa!

JERIC: Hindi naman sinabing bawal yun. :P

CAMS: Nako. Kinabog ang ThomAra! (kinulbit si Ara) Belle, humanda na kayo ni Beast.

ARA: Oo nga eh. Aray. Tinalo na kami ni Thomas sa best in costume. (pouts)

MIKA: Kami din ni Jeron, daks. Wala ng pag-asa. (umiling-iling) Sinabi ko na kasing wag ng minion yung costume namin. Bwisit talaga yung bakulaw na yun. >///<

WENSH: Minion? Sa laki nyong dalawa, minion? -_______-

---

Wensh spent her Christmas eve with the Tengs because Jeric’s parents requested so para kasama sya sa noche buena ng pamilya. Pumayag naman si Wensh basta ba kinakabukasan, Christmas day, ay ihahatid sya ni Jeric sa terminal para makauwi ng Ormoc.

ALMIRA: Hi, Wensh. (yakap kay Wensh) Lalo ka yatang gumaganda.

WENSH: Salamat sa pambobola. (sabay gulo sa buhok ni Almira)

ALYSSA: Ma, nandito na ang late-comers!

JERIC: Hello to you too, achi.

ALYSSA: Hay. Alam nyo ba kanina pa kayo hinahanap ni mommy. San ba kayo nagsuot na dalawa ha?

WENSH: Sorry. Jeric helped me with gift-wrapping pa.

Natapos na ang noche buena. Past midnight na, obviously. It’s time for the Teng’s traditional exchange gift. Nagbunutan na sila weeks before Christmas para amkapag-prepare. Kahit sina Jeric at Wensh ay hindi pa rin nagsasabihan kung sino ang nabunot nila.

SUSAN: Okay. Ako muna. It’s a she!

ALYSSA: Baka ako.

JERON: Hindi sure kung she si achi. (smirks)

ALYSSA: Shut up, shoti.

SUSAN: She’s my favorite girl.

ALMIRA: AKO YAN! AKO YAN!

Nagtawanan naman silang lahat sa sigaw ni Almira at lumapit agad sa nanay nya at niyakap ito na may kasama pang beso-beso. Pero mas nagtawanan sila nung tumawa si Susan at lumapit kay Wensh.

SUSAN: Merry Christmas, Wensh. Welcome to the family. (hugs Wensh)

WENSH: (namumula) Th – thanks, tita.

JERON: Basag si dichi. (tumawa)

JERIC: Wag assuming. Nakakapahiya. (chuckles)

ALMIRA: Mom naman eh. (pouts)

The exchange gift went on. Si Almira ang nabunot ni Wensh kaya naman nakabawi sya agad kay Almira sa ‘pang-aagaw’ ng pagiging favorite daughter ng mom nila. Si Alvin naman ang nakabunot kay Jeric at si Jeron naman ang nabunot ni Jeric.

Wensh stayed at Almira’s room para matulog at magpahinga hanggang sa sumikat ang araw. Later that morning, hinatid na sya ni Jeric sa terminal para naman makauwi ng Ormoc to celebrate Christmas with her family.

WENSH: Sure ka na ayaw mong sumama?

JERIC: Wensh, I’m tired.

WENSH: Okay, okay. So ako na lang magsasabi sa kanila tungkol sa ating dalawa?

JERIC: (nods) Nasa bag mo na yung bulletproof vest. (chuckles)

WENSH: (smiles) Okay. Tawagan na lang kita pag gusto ka nilang kausapin. Maghanda ka na ng pagtataguan mo.

JERIC: Bye. I’ll miss you.

WENSH: I’ll miss you too. Merry Christmas. (kissed Jeric’s cheek) Ingat sa pagdadrive ha! (lumabas ng sasakyan dala ang gamit)

JERIC: (shouts through the car window) Merry Christmas! I love you! (waves bye)

@jericteng: Happy birthday, Jesus! Thank you for all the blessings and to your greatest gift this year --- @JWenshTiu . Merry Christmas everyone! :)

@JWenshTiu: Merry Christmas. Glad I’m able to spend Christmas with my family and @jericteng ‘s fam as well. Thanks @alyshteng @almirateng @jeronteng :-)

---

Magkahiwalay na nagcelebrate ng New Year sina Jeric at Wensh dahil umuwi si Wensh sa family nya sa Ormoc.

*insert ringtone here*

WENSH: Hellooooo!

JERIC: Happy new year, Wensh!

WENSH: Happy new yeeeeeeeeeeeear! (shrieks) Sorry. Yung kapatid ko kasi. Itapat ba naman yung lusis sakin. (chuckles)

JERIC: Tell your family na happy new year din.

He heard her shout sa background and a few whispers and murmurs. He also heard her little brother na nag-‘Happy new year, kuya’ sa kanya, which made him smile.

WENSH: Happy new year din daw. (tinakpan ang bibig at bumulong) Iba yung pagkakahawak ni papa sa kutsilyo. Nako, Jeric. Sinasabi ko sayo. Secret machete yata si papa.

JERIC: (whining) Wensh naman eh.

WENSH: Joke lang. (tumawa) They can’t wait to meet you. Sa graduation na lang.

JERIC: Okay, okay. I still have months para magprepare.

WENSH: Uy, kakain na kami. Call you tomorrow.

JERIC: Okay. I love you.

WENSH: Geh.

JERIC: Weeeeeeensh!

WENSH: Di ka na mabiro. I love you too. Mwaaah.

He heard her brother teased her and the laughter on the background before she hung up.

Pagkatapos nilang mag-usap, nakahiga lang si Jeric sa kama nya at pinapakinggan ang tunog ng mga fireworks sa labas. (Isang oras na ang nakalipas pero marami pa rin nagpapaputok.) As he look over his window, he couldn’t possible ask for more. He knows he will have a good year ahead, as long as Wensh is there.

---

First Valentine’s day nila as a couple kaya naman they wanted it to be special for each other as much as possible.

JERIC: Want to go on a roadtrip?

WENSH: Gaya ng dati?

JERIC: Sure. Papayag naman si Kevin. Walang date yun ngayon.

WENSH: I know right. Basta libre ang pagkain.

JERIC: So … ?

WENSH: Let’s go – WAIT! Di ba sabi mo gusto ni Loren si Kevin?

JERIC: Uhm … yeah.

WENSH: Bakit hindi natin sya isama? Pwede naman di ba? Tawagan mo!

JERIC: Ha? Bakit?

WENSH: Para hindi naman malungkot si Kevin. Wala yung makakausap habang nagdadrive.

JERIC: So double date?

WENSH: And a blind date. ;)

That same evening, tinawagan ni Jeric si Loren at pumayag na makipagkita sa kanya sa pag-aakalang may kailangan sa kanya si Kaizen but as it turns out, makakasama pala sya sa roadtrip ng tatlo. Nang magkita si Kevin at Loren, they were both surprised and shocked. Hindi pa agad nakapagsalita dahil parehong nahihiya pa. Hindi naman maitago sa mukha ni Loren ang pamumula kahit medyo may kadiliman na ang paligid.

Si Kevin ang nagdrive ng pick-up car nya at sa passenger seat umupo si Loren na unusually tahimik pa rin. Jeric and Wensh hopped on sa likod.

WENSH: Wag kang mag-alala. Mag-uusap din yang dalawang yan. ;)

JERIC: I hope so. Mapapanis ang laway nila pag hindi.

WENSH: Sus. Si Kevin pa. Ang daldal kaya nyan. Di yan makakatiis.

While the trip was going on, pinapatugtog nila ang playlist na ginawa noon ni Jeric para sa kanya. Habang tumatagal naman, napansin nilang medyo nag-uusap na yung dalawa sa unahan at nagtatawanan na din kaya hindi na nila sila masyadong prinoblema pa. They just enjoyed the moment.

---

WENSH: Maghiwalay muna tayo.

JERIC: HA?! BAKIT?! O_O

WENSH: Para makabili ng regalo, di ba? o_O

JERIC: Ah … ah … yun ba. O – oo. Okay.

MIKA: (tumawa) Masyado yatang sineryoso yung sinabi mo, ‘te Wensh. Natakot tuloy oh.

JERIC: Eh pabigla-bigla na lang kasi. >///<

WENSH: Sorry. (chuckles) So, hiwalay muna tayo, okay? Hiwalay as in part ways – you go there and I go anywhere with Mika. Jeron, samahan mo muna ‘to.

JERON: Yes, Ate Wensh.

WENSH: Siguraduhin mong walang lalandi dyan ha.

JERIC: Miks, siguraduhin mong walang lalapit na lalaki dyan. Pag salesman, tumawag ka ng saleslady, okay?

MIKA: Sir, yes, sir!

Humiwalay na sina Wensh at Mika sa Teng bros at umikot sa mall para maghanap ng panregalo.

JERON: Ahia, anong ireregalo mo kay Ate Wensh?

JERIC: Hindi ko nga alam eh.

JERON: Bigyan mo na lang ng graduation cap. Kailangan yun sa graduation di ba?

JERIC: Wala ka talagang kwentang kasama. -_________-

JERON: Or … just ask her to move in with you after graduation nyo. Di ba binigyan ka nina Mama at Papa ng condo as grad gift?

JERIC: Eh para sa atin dalawa daw yun.

JERON: Come on, kuya. Okay lang sakin. Malaki na ko. Kaya ko na ang sarili ko. I’ll buy my own. Tsaka mas bagay yun sa inyo ni Ate Wensh. Ikakasal din naman kayo eh. Parang practice nyo na din pag nagkaron na kayo ng sarili nyong bahay, di ba?

JERIC: (tinitigan si Jeron)

JERON: What?!

JERIC: Binabawi ko na. Minsan may kwenta ka rin kasama.

An hour later, nagtext si Mika na puntahan sila sa Chatime.

JERIC: Anong ginagawa ng lalaking yan dito?! >///<

JERON: Ahia, relax ka lang. Nag-uusap lang naman sila.

MIKA: Hi, Je. (lumapit kay Jeron)

JERON: Bakit mo pinalapit si Rodney kay Ate Wensh?

MIKA: Sino? Yung lalaking yun? Sabi nya kaibigan nya yun eh. Hindi ko naman kilala.

JERIC: (lumapit kay Wensh) Hi, babe.

WENSH: Hey, babe! (kissed Jeric’s cheek)

RODNEY: Hi, pare.

JERIC: (death glare kay Rodney)

WENSH: Uhm …

RODNEY: Lagi mo na lang naiinterrupt ang moment namin ni Wensh. (pilit na tumawa at umiling) Anyway, Wensh, mauna na ko.

WENSH: Okay. Nice to see you again, Rodney.

JERIC: (bumulong kay Wensh) Anong nice to see you again ka dyan? Psssh.

WENSH: (glares at Jeric)

RODNEY: Bye, Wensh.

Iha-hug pa sana ni Rodney si Wensh pero bigla namang hinila ni Jeric si Wensh sa tabi nya. Instead, Rodney held Wensh’s hand and kissed it. He even smiled then walked away. Nabadtrip tuloy si Jeric.

JERIC: Jeron, pigilan mo ko. Hahabulin ko talaga yung walang-hiyang yun.

JERON: Hayaan mo na, kuya.

JERIC: Masasapak ko yung hayop na yun. (tumingin kay Wensh) Bakit ka namumula dyan!?

WENSH: Ha – eh – hindi kaya!

JERIC: Mika! Akin na ang alcohol!

MIKA: Okie, okie. Relax, kuys. (hinanap ang alcohol sa bag) Ito oh.

Hinila ni Jeric yung kamay ni Wensh na hinalikan ni Rodney at nilagyan ng alcohol.

WENSH: Je, ano ba?!

JERIC: Para walang germs.

WENSH: Alam mo ang OA mo.

JERIC: Alam mo ang landi nya. >.<

WENSH: Alam mo mahal kita.

JERIC: Alam mo mahal din kita kaya wag ka ng lalapit dun sa malanding yun.

WENSH: Okay, fine. Sorry na. (pinisil ang pisngi ni Jeric)

JERIC: Ibabad mo yan sa maligamgam na tubig pag-uwi mo sa dorm. (tumingin kay Mika) Mika, sabihin mo sakin pag hindi nya ginawa ha.

WENSH: Jeric! >.<

JERIC: Hindi ko na hahawakan yang kamay mo forever.

WENSH: Fine. I’ll do it. -______-

MIKA: According to bullies, kami pa ni Jeron ang over sa PDA.

JERON: Dapat sinama natin sila ngayon. (sigh)

---

A week after graduation, nagpaparty sina Jeric at Wensh to celebrate their graduation. Pinag-isa na lang nila ang celebration para daw makatipid and isang paraan na din yun para ipakilala ni Wensh si Jeric at ang Teng’s sa family nya.

JERIC: May sasabihin ako. Tara sa labas.

WENSH: Bakit sa labas?

JERIC: Eh basta. May ibibigay din ako.

WENSH: Okay, okay.

JERIC: Mom, dad, tita and tito, sandali lang po ha. May pag-uusapan lang kami ni Wensh.

ALVIN: Sure. Go ahead, anak.

WENSH: Ma, excuse po muna ha. (ngumiti)

Sabay silang umalis at nagtago sa gilid ng cabinet where they can’t see them.

WENSH: This party is taking too long. (sigh)

JERIC: Sinabi mo pa. (sigh) Have you seen your brother looking at me? May galit ba yun sakin? o_O

WENSH: (chuckles) Mahal ako nun eh.

JERIC: Mahal din naman kita eh.

WENSH: Che. (rolls eyes) Anong kailangan mo?

JERIC: I have something for you. (may kinuha sa bulsa at inabot kay Wensh)

WENSH: Ano ‘to? May singsing na ko oh.

JERIC: It’s not a ring.

WENSH: (binuksan ang maliit na box) A key?

JERIC: A spare key. (ngumiti)

WENSH: Para san?

JERIC: Hulaan mo.

WENSH: Kotse mo?

JERIC: (umiling)

WENSH: Bahay nyo? o_O

JERIC: Nope.

WENSH: Locker mo? -____-

JERIC: Hindi rin.

WENSH: Hay nako. Bilisan mo na nga, Teng. Hinihintay na tayo dun nina mama.

JERIC: My condo. I mean, our condo. (grins)

WENSH: Co – condo? Ha?

JERIC: Will you move in with me?

WENSH: Se – seryoso? Seryoso ka?

JERIC: Oo! Yan na nga yung susi, di ba? Hindi ka na mahihirapan maghanap ng place pag-alis mo sa dorm.

WENSH: O – okay. Sige. Oh my God, this is happening. (laughs)

JERIC: Yep. (hugs Wensh) Pero sabi ni mommy separate rooms daw muna tayo. (pouts)

WENSH: (hinampas si Jeric) Syempre ‘no. Di naman ako tatabi sayo. Baka kung anong gawin mo sakin.

JERIC: Good boy kaya ako.

WENSH: (rolls eyes) Lagot na naman ako kina mama at papa nito. (umiling-iling)

JERIC: Why?

WENSH: Remember their reaction nung sinabi natin na engaged na tayo?

JERIC: Uhm … yeah. (napalunok)

WENSH: Sinabi naman natin na di pa naman tayo agad magpapakasal pero ayun tumawag agad ng wedding planner. (chuckles) Bwisit. Pinagkamalan pa akong buntis. Nagpaschedule pa ng check-up sa ob-gyne para sakin. >///<

JERIC: Wag na natin balikan. (sigh) Ano pa kayang magiging reaction nila?

WENSH: They’re gonna kill us both.

JERIC: Edi pakasal na tayo! Ngayon na!

WENSH: They’ll kill us again.

JERIC: Probably. (nervously chuckles)

---

Napapayag na din ang parents ni Wensh to let them move in together sa iisang condo. With the help of Jeron, AVO and Thomas, nakapaglipat naman sila nang maayos.

JERIC: Ito na ba lahat? Wala ng naiwan sa baba?

JERON: Yep. Wala na.

THOMAS: Si AVO na lang naiwan sa baba.

WENSH: Hay, sa wakas. Natapos din.

JERIC: Relieve na relieve ka dyan, eh mga unan lang naman binuhat mo.

WENSH: Nagbuhat pa rin. :P

JERIC: You can go now, bros. Kami na ang bahala dito.

JERON: Sige. Bye, ahia. Bye, ate Wensh.

WENSH: Bye, Jeron. Bye, Thomas. Salamat sa pagtulong samin ha. Pakisabi na rin kay Van Opstal.

JERON: You’re welcome. (umalis)

THOMAS: Bye, Jerwensh. Tsaka nyo na binyagan ‘tong condo nyo ha. ;)

WENSH: Bastos kang bata ka! (binato ng unan)

Pagkaalis nina Jeron at Thomas, naiwan silang dalawa sa condo. Wala pa sa ayos ang mga gamit nila at nakakalat pa sa sala. Dahil pareho pang pagod sa paglilipat ng mga gamit nila, they both decided na magpahinga na lang muna at manood ng tv. Tamang-tama naman na kasisimula pa lang ng Thunderstruck sa HBO.

JERIC: Wala ba tayong pagkain? Gutom na ko. :(

WENSH: Wait, may skyflakes yata –

JERIC: Ayoko ng skyflakes. Gusto ko yung tunay na pagkain.

WENSH: Tanga. Anong tingin mo sa skyflakes, di totoo? -_____-

JERIC: Eh basta ayoko nyan.

WENSH: Arte. Magluluto na ko.

JERIC: Yes. (laughs) Love you!

WENSH: Oo na lang, bab.

JERIC: Bob? Bob the builder? o_O

WENSH: No. B-A-B. Bab as in baboy! :P

-

Pagkatapos magkwento ni Jeric, tahimik lang silang tatlo sa loob ng clinic.

“Weren’t you supposed to say something?” tanong ni Jeric kay Dra. Queng.

“Hindi naman ako makapagjudge just by hearing the introduction. In order to have a good review, you have to know the whole story and I want to hear more of the story.” sagot ni Dra. Queng. “We’ll continue sa next session. Same time and same day next week.” Sinara na ng doctor ang kanyang notepad at tumayo. “Good to meet you, Mr. Teng.” Nagshake hands sila ni Jeric.

Jeric smiled in response.

“Nice to see you again, doc.” sabi naman ni Wensh while shaking the doctor’s hand.

“I must say recovery was good on you.” she patted her head and hugged her for a short moment, leaving Jeric cluelessly watching them and wondering. Gusto sana nyang itanong kung nagmeet na sila before but the answer was already obvious.

Paglabas nila ng clinic, agad na lumapit si Jeric kay Wensh and nudged her on the elbow. “Close kayo?”

“Not really.” she answered. “But I’ve met her before.”

“You’ve been her patient before?”

Nag-nod lang si Wensh at hindi nagsalita.

“Bakit? Anong nangyari?”

“Tsaka ko na ikukwento.” She forced a smile. “Hatid mo na ko sa bahay.”

Hindi na lang pinilit na ungkatin pa ni Jeric kasi parang wala na sya sa mood. Baka pagod, he thought. Magkukwento naman sya kung gusto nya. Kaya pinabayaan na lamang nya ito at hinatid sya pauwi.

----- A/N -----

So that's it. Summary ng first year. This will be the format for the next 4 or 5 chapters. Sana okay lang naman. Sorry kung may mga mali, no time to reread. Masakit na ulo ko. :(

Sorry din for the late update. Life got in the way. Nagkasakit pa. Haha. Sana nagustuhan nyo ang chapter na 'to. Welcome ang comments, just so you know. Sa haba ng chapter na 'to, sana may masabi naman kayo. :))

~ Jaye

Continue Reading

You'll Also Like

43.2K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
80.2K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...