2 | Unexpected

4.9K 63 9
                                    

Chapter 2: Unexpected

WENSH'S POV -

Second day ko pa lang pero ang dami ko na agad agenda. Kung kahapon, nilibot na yata namin lahat ng pasyalan sa Metro Manila, ngayon naman foodtrip kami. Kasama ko ang bullies for this morning at gamit namin ang car ng ThomAra. Obviously, si Ara ang nagdadrive.

CAMS: Arabells, san tayo pupunta?

ARA: San ba tayo magsisimulang kumain?

CIENNE: Dun sa kinainan natin last week. Masarap ang breakfast meals dun!

KIM: Oo nga!

MIKA: Oo nga ka dyan. Lahat naman sayo okay.

KIM: Eh sa gutom na ko. Hindi pa ko nag-aalmusal.

Hindi pa rin nagbabago si Kim. Matakaw pa rin hanggang ngayon. Pero may point naman sya, 8am na pero hindi pa kami lahat nag-aalmusal. Gutom na din naman ako.

ARA: Dun sana tayo sa Wenshdays kaso hindi pa open.

As soon as I heard that, nag-glare ako sa mirror kung san nakatingin si Ara.

MIKA: Why not? Later, pupunta tayo. ;)

CAMS: Yaaaay! Makikita na ulit natin si Kuya Jeric.

CAROL: Oo nga. Si Kuya Jeeeerriiiicc. (nilapit ang mukha kay Wensh)

WENSH: Ano ba, Carolers. Nagtoothbrush ka ba?

BULLIES (except Carol): Eeeeeewwww.

CAROL: Lakas mo din magchange topic, Ate Wensh. Tsk.

WENSH: I'm not changing the topic. Bigyan nyo nga ng bubblegum si Carolina.

Hinagis ni Ara yung Doublemint kay Carol.

CAROL: Naniniwala talaga kayo kay Ate Wensh? Namaaan. Kainis you guys. Nagtoothbrush ako! Sabay kaya kami ni Marco magtoothbrush every morning. (pouts)

KIM: Yown landi!

CIENNE: Sabay din maligo? ^^

ARA: Baka may iba pang ginawa pagkatapos magtoothbrush.

Sinapok kami isa-isa ni Carol. Hahaha. Asar na yan. :))

.

.

.

Nagfoodtrip kami hanggang lunch time. Bundat na kaming lahat lalo na si Kim. Sino ba naman ang hindi lalaki ang tiyan? Tatlong restaurants, anim na food stalls, apat na klase ng street foods at dalawang beses nagdessert. Feeling ko masusuka na ko anytime. Sobra pa naman kung makapreno itong si Ara; lahat kami mauunang makarating sa destination at maiiwan yung sasakyan nya. Hay Victonara Torres. -_____-

Ngayon naman, nandito muna kami sa bahay nina Thomas at Ara. Two-storey house pero may rooftop. May maid's room sa baba at apat naman ang kwarto sa taas including the master's. Siguro tatlo yung balak maging anak nina Thomas at Ara kaya ganun. Yung isang room, may laman na. Yes, may anak na sila ni Thomas. Seven months old na yung baby nila at Emmanuelle Grace ang pangalan. Emma for short, oh di ba? Ayaw daw kasi ng ThomAra ng makalumang pangalan kaya bumawi sila sa anak nila. :))

WENSH: Nasan si Thomas?

ARA: Nasa work.

WENSH: Si Emma?

ARA: Wait. Titignan ko kung gising na. (umakyat)

MIKA: Ate Wensh, she's so cute, promise!

Silver Lining (Serendipity: Book 2)Where stories live. Discover now