18 | Raging Storm

3.8K 66 10
                                    

Chapter 18: Raging Storm

WENSH'S POV -

After spending half of my day sa office, busy na naman ako. I mean, kami. Wedding rehearsal kasi ngayong hapon for Kevin and Loren's wedding. Kahit na paulan-ulan, hindi na pwedeng ipostpone kasi two days na lang before the wedding. Kailangan maayos na lahat. Hindi pa kumpleto ang aattend sa ceremony dahil hindi naman lahat ay free today. And bilang maid-of-honor, kasama sa duties ko ang tulungan ang bride sa pag-aasikaso sa guests.

Nandito kami ngayon sa UST chapel and we're about to start walking down the aisle. Hindi pa naman nakaformal ang suot kasi hindi pa nga pwedeng makita ni Kevin si Loren na nakasuot ng wedding gown. Baka daw hindi matuloy. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na sagutin si Loren ng "Di ba yung mga pinaplanong events ang hindi natutuloy?"

WENSH: Bakit kasi wala yung wedding planner mo dito? Dapat sya yung nag-aasikaso nito eh. -_______-

Promise, hindi naman ako galit. Haggard lang.

LOREN: May sakit nga kasi sya, Wensh.

WENSH: Palitan mo na.

LOREN: Ngayon pa? Two days na lang naman. Tiis-tiis ka lang.

WENSH: Ano pa nga ba? Haaay. Kung hindi lang kita mahal eh.

LOREN: Tsaka kaya naman natin 'to. Rehearsals na lang naman.

WENSH: Okay, okay. Pila ka na dyan.

Nakapila na yung mga umattend ng rehearsals sa labas ng simbahan. Si Kevin naman naghihintay na sa altar. Nagready na din ako pero hindi pa nakapila dahil ako muna ang maid-of-honor/wedding planner for today.

WENSH: Guys, ready na ha. In 3 ... 2 ... 1 ...

Nagsimula na ang processional. Immediate family and friends started walking down the aisle habang ako nandun sa may pintuan ng simbahan at nag-oobserve at inaalalayan sila. Walking solo ang husbands ng bridesmaids since hindi sila ang groomsmen.

Turn na ng bridesmaids and groomsmen pero wala pa ni isa sa groomsmen ni Kevin.

WENSH: Nasan si Aljon?

LISS: Ang tagal nga eh.

WENSH: Si Forts?

MICH: MIA rin eh. Pero hahabol na lang daw sya sa rehearsal dinner mamaya sabi ni Carol.

WENSH: Wala pa din si Kaizen?

ABY: Wala pa. Kami na lang muna.

WENSH: Sige, sige. Go!

Hay nako. Tatadtadin ko yun mamaya ng maraming texts. Humanda yung tatlong yun.

I almost forgot na turn na pala namin ni Jeric. He's looking at me as if waiting for me to take his arm and walk down the aisle with him.

WENSH: Ikaw na lang muna. Tuturuan ko pa yung dalawang bata eh.

JERIC: Ah ... okay.

After Jeric, turn na ni Samantha, the flower girl. Also, Loren's six-year-old niece.

SAM: Tita, di pa po ba ko magwawalk?

WENSH: Wait lang, baby. Maya ng konti. Pag nandun na sa first chair si Tito Jeric.

SAM: Uupo sya dun? Bakit malayo?

WENSH: No. I mean, pag dun na sya nakatapat. Tsaka ka magsisimulang maglakad.

Silver Lining (Serendipity: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon