A Campus Story

By CindyWDelaCruz

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... More

Prologue - First Day Hay!
Chapter One
Chapter Two - Kiss by Kiss
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Eighteen - Away na itich!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit
Chapter Twenty - Movie Marathon

Chapter Three - Acquaintance Party

203 2 0
By CindyWDelaCruz

Life may not be the party we hoped for, but while we're here we should dance.     -unknown

Candy Chan 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kahapon  at nagawa kong halikan si Mart. Para kasi akong na- hypnotize. Para akong lasing na hindi na ininda ang kaba ko, feeling ko at that period of time, wala akong paki sa susunod na mangyayari, pakirandam ko kung iki- kiss ko siya wala naming masamang mangyayari. Feeling ko kami. Feeling ko lang pala. Kakainis. Namalayan ko na lang na ginawa ko pala ang stupidong bagay na iyon noong nakapasok na ako sa aming bahay. Feeling ko may mali akong ginawa pero meron nga!!! OMG! Ang aking best friend ay di ko sinasadyang halikan dahil… dahil… may pagnanasa ba ako sa kanya? Di ko talaga alam. Kaya ang ginawa ko kagabi ay agad kong tinawagan si Mayel at ikinuwento ang mga pangyayari.

“What? You kissed  him? Wala ka pang nahahalikan di ba? Pwera lang kay Michael na dati mong classmate na accident namang nangyari? Tama? Basta hindi siya counted!” aniya na di makapaniwala. “Sabihin mo nga sa akin nagdru- drugs ka ba? Kasi imposibleng di mo namalayan eh.” Sinubukan kong isipin kung may nakain o nainom ba ako nang mga panahong iyon. Nakakatakot isipin baka kasi sa susunod ibang tao na ang mahalikan ko.

“Di ko talaga alam Mayel, sa tingin mo ano kaya ang iniisip niya ngayon?”

“Malamang iniisip niya na gusto mo siya.” maikli niyang sagot. Di naman ako nakasagot. Oo nga, iisipin niya na gusto ko siya. Oh my God, what have I done? Bukas kaya papansinin niya pa kaya ako? Baka iwasan niya na ako. “Candy, may gusto ka ba sa kanya?”

“Kanino?”

“Kay Mart. Siya lang naman pinaguusapan natin di ba?” May gusto ba ako sa kanya? Kasi sa totoo lang di ko rin sure eh. “Kasi kung wala, malamang sinapian ka lang kahapon ng isang multong may gusto kay Mart.” sabay tawa si Mayel. 

“Mayel naman eh! Nakakatakot ka!”

“Okay, ganito na lang. Narandaman mo na hinalikan mo siya di ba? O ano ang feeling?”

“M- Masaya?” at kinikilig gusto kong idagdag. “Uhm Mayel, ano ba ang feeling ng inlove?”

“Di ka pa ba nag kaka- crush?” mala- elementary niyang tanong.

“Nagka- crush na din naman ako kaya lang for sure may difference yun di ba?”

“Well, ano nga ba? Malaki ang difference actually, mas malalim at mas madugo.” Napataas ang isa kong kilay sa huling salitang binitawan niya. Madugo? Weird. 

“Bakit naman madugo?”

“Basta maiintindihan mo din. Di mo maiintindihan kung ikukuwento ko lang siya sayo. Minsan you have to undergo that certain feeling para malaman mo.” Shocking ‘tong si Mayel, ang lalim ng mga kataga.

Naputol ang pagmumuni- muni ko nang marinig ko na may nag doorbell. Sumilip ako sa may bintana at nakitang nakasilip si Mart sa labas ng gate . Nakita ko  na naka- polo ito at kahit malayo pa lang mukha na itong mabango. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Naka dark blue na tube dress ako na parang aattend ng JS prom eh. Nakalugay naman ang straight kong buhok at naglagay na din ako ng kaunting night make up. Nagulat nga ako sa kinalabasan ng hitsura ko. Parang hindi ako. Agad ko ng tinungo ang gate na medyo kinakabahan sa kung ano ang magiging treatment sa akin ni Mart. Binuksan ko ang gate at saka ko nakita si Mart ng malapitan. Naka black na polo shirt at naka jeans. Wet and neat look ang buhok ni Mart at di ako nagkamali na mabango nga siya. Di ako agad nakapag salita. Napalunok na lamang ako sa halip na sabihin ang pinaraktis kong speech kagabi.

“Shall we?” ani Mart na inilahad ang braso para kapitan ko. Tumango lang ako at saka siya nag tawag ng tricycle. 

“Oo nga pala, tungkol sa nangyari kahapon,” panimula ko habang mabilis na humaharurot ang tric. Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Pinagtatawanan niya ba ako? O ano? Di ako marunong mag basa ng mga signs na ganito eh. Bago pa siya nakapag salita napgdesisyunan kong tapusin na ang hinanda kong speech kagabi. “Wag mo na isipin yun, di ko naman kasi sinasadya. Nabigla lang ako kaya nangyari iyon, wala ng ibang dahilan. Kaya sana wag mo na lang yun bigyan ng malisya, alam kong di ako lasing, pero sinisigurado ko sayo na wala ako sa sarili ko nang nangyari yun. Kalimutan mo na lang sana.”

“A- anong sabi mo? Gusto mong Kalimutan ko na lang siya? At hindi mo siya sinasadya?” Nakita kong unti unting nawala ang ngiti niya na napalitan ng panghihina. May nasabi ba akong masama? Tumango lang uli ako sa sinabi niya. “S- sigurado ka?” nauutal pa niyang tanong. 

“Oo, kung pwede lang sana. Ayoko kasing masira ko ang friendship natin. Hindi tayo talo , tama?” Humugot muna siya ng malalim na hininga at saka nagsalita.

“Kung yan ang gusto mo.”

Mayel Dominguez

Magisa akong pumasok sa school at narandaman ko ang mga mata ng mga tao sa cat walk habang naglalakad ako. Ano kaya ang iniisip nila? Iniiisip ba nila na ang isang Mayel Dominguez ay isa ng bulaklak sa pader ngayon. Walang boyfriend. Magisa, Hay, ano ka ba Mayel? Wag mong isipin ang mga iniisip ng mga tao sa paligid mo. Ang isipin mo confident ka at kaya mo pa din dalhin ang sarili mo with or without a man. Nag straight body ako at saka naglakad na feeling isang Hollywood star sa red carpet. Naka pula akong mini dress at naka heels. Nakapusod naman ang long curly hair ko na siyang nagpapakita ng dangling earings ko na hiniram ko pa mula sa aking Mom. Go Mayel! Go! Go! Go! Arghh-

Muntikan na akong masubsob kung di ko pa na balance ang sarili ko. “Ano ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!” iritable kong saway sa lalakeng nakabunggo ko. Matangkad siya at maputi. Gwapo? Oo at pamilyar siya. Sinubukan kong isipin kung saan ko siya nakita. 

“Miss, sorry. My fault. Di ako nakatingin sa daanan eh. Sorry talaga.” Mukha naman siyang sincere kaya pinalampas ko na. 

“Okay lang yun, at least di ako nasubsob ng tuluyan.” Teka alam ko na kung sino siya! “Ikaw yung madalas kasama ni Jake di ba?”

“A- ako nga. I’m Rainier and you?”

“Mayel.” maikli kong sagot.

“Ikaw yung ex ni Jake?”

“Paano mo nalaman?” curious kong tanong. Kinukuwento kaya ako ni Jake sa kanya?

“Medyo nabanggit niya kasi sa akin.” sagot ni Rainier. Nabanggit ako ni Jake sa taong ito? Nababanggit niya din kaya ako sa iba pang tao? Naglakad lakad kami ni Rainier papuntang gym kung saan gaganapin ang Aquaintance party. “Meron pa atang program.” aniya nang makita naming nagsasalita ang Director ng Campus sa temporary stage na kitang kita kapag pumasok ka sa gym. Natanaw ko si Jake na kinakausap ang isa sa mga Prof na kung di ako nagkakamali ay kilala na bading. Akala ko nga nakatingin niya sa akin pero naalala ko na medyo malabo ang mga mata niya at for sure dahil sa di niya suot ang kanyang salamin na sinusuot niya lang kapag may klase, for sure di niya ako nakikita o namumukhaan man lang. May mga taong palakad lakad sa paligid na tila nagihintay ng tunay na program pagkatapos ng speech ng director. Mainit sa loob dahil ata sa dami ng tao. “Tara upo muna tayo sa mga benches na iyon.” agad naman akong sumang ayon. 

“Bago ka lang ba dito sa Cavite?” natanong ko.

“Actually oo. All my life nasa Manila ako. Doon na ako lumaki.” sagot niya sa akin at kinuwento niya pa ang ilan sa mga bagay bagay na naninibago siya. May pagka probinsiya din kasi ang Molino. Kahit ako, tulad niya mas gustong tumira sa Manila. Ayos ang takbo ng usapan hanggang sa tinanong niya kung nakapag move on na ba ako kay Jake. Ayoko sagutin ang tanong na iyon dahil hindi ako marunong mag sinungaling. Pero naisip ko wala naman sigurong mawawala sa akin.

“Hindi ko alam. Madalas ko pa ding iniisip paano kung hanggang ngayon kami pa din? Alam mo yung mga ganoong bagay? Na sana hindi na lang ako nakipag break sa kanya.”
“Ba’t ka nga pala nakipag break sa kanya?”

“Masyado lang akong nasakal sa kanya. Madalas siyang mag selos sa kung sino man ang makakasama ko o kahit sinong taong dumadaan lang! He’s pathetic noong kami pa. Minsan naiisip ko na tama lang naman ang ginawa ko sa kanya, he needs to grow up. Pero sa nakikita ko ngayon, alam ko masyadong akong nagiging selfish o I feel irrational kasi naiinis ako sa kanya. Tingnan mo sila na ata ni Shaina eh.”

“Hindi pa sila. Pero alam mo madami pa namang ibang lalake dyan Mayel.” aniya.

“Alam mo Rainier ang sarap mong kausap, parang ang tagal tagal na nating magkakilala.”

Rainier Lacosta

Akala ko mabo- borred ako pero nang makilala ko si Mayel, nagkaroon  ng saysay ang laway ko. Masyadong busy si Jake kaya di ko na lang siya nilapitan. Maya maya lang pinakilala niya sa akin ang dalawa niyang friend na si Candy at si Mart. Merong something fishy sa dalawa pero hindi ko na lamang pinansin. Nakakatuwa dahil feeling ko agad din naman kaming naging close dahil di naman sila mahirap pakisamahan. Pero sa narinig ko kay Mayel kanina, nakarandam ako ng inis kay Jake. Sa nakikita ko nga, may point si Mayel. He needs to grow up dahil kahit wala silang relasyon ni Shaina, nagtataka ako kung bakit lagi silang magkasama. Tulad na lang ngayon. Kaka break pa lang pala nila ni Mayel. Nakarandam nga ako ng awa sa kanya kaya pansamantala pinapatawa ko na lang muna siya. Medyo weird ang dalawa niyang friends pero sa katauhan nilang tatlo, nakakita ako ng barkada. “Jake, toilet muna tayo. Iwanan muna natin ang dalawang ito, maya ko na sabihin kung bakit.” 

“Okay.”

Kaya umalis muna kami sa inuupuan naming benches, mukhang magsisimula na ang disco nang makasalubong naming si Jake nang kami ay papalabas. Ang ganda ng timing. Noong una ay nagkatitigan lang kaming tatlo. Si Jake ang unang nasalita. “Hi Rainier, hi Mayel!” bati niya.

“Hello Jake” yun lang and we continue our ways. Hindi man lang nakapag salita si Mayel. Narandaman ko na humugot siya ng malalim na hininga.

“I’m okay.” sagot niya nang tanungin ko kung okay lang ba siya. 

“Di ka pa din ba nakakapag move on?”

“Rainier, good news pero malapit na, nararandaman ko.”

Mart Dela Serna

“Uhm, gusto mo sumayaw?” tanong ko kay Candy nang biglang mapatugtog ang kantang “Catch me I’m falling” na kinanta ni Toni Gonzaga. Favorite niyang kanta yun kaya favorite ko na din. Kanina pa kasi kami medyo ilang sa isa’t isa eh. Gusto ko na itong maayos once and for all. Maybe she just got a wrong perception tungkol sa maaari kong maging reaction. 

“O sige.” pagpayag niya. Inalalayan ko siyang tumayo mula sa mga benches at saka kami tumungo sa may dance floor. Hinawakan ko ang baywang niya at ipinatong niya naman ang dalawa niyang kamay sa aking balikat. Madalas ko siyang nagiging partner sa pag sayaw tulad ng JS prom o kaya kapag uma- attend kami ng debut ng kaibigan namin, kami ang palaging magka partner pero ngayon ko lang naranasan ang ganito ka awkward na feeling. Mart, mag isip ka ng topic, sige na naman.

“Candy, galit ka ba sa akin?” nice question Mart. Gusto ko siyang bawiin pero magmu- mukha lang akong tanga. Umiling siya. “May gumugulo ba sa isip mo?”

“Mart noong nag papanggap ka bang boyfriend ko, biro lang ba yun sayo o may feelings ka talaga sa akin?” Napalunok ako sa tanong niya. Bakit niya ako kailangan tanungin ng ganito?  Hindi pa ba halata? “Mart, kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin?”

“Candz,” pangalan niya lang ang tanging nabanggit ko. Di ako makapag salita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. “Noong nagpanggap ako sayo, alam mo na naman ang intention ko doon di ba? Pino- protektahan lang kita. Baka kasi maging katulad lang siya ng mga naging crush mo, baka lokohin ka lang niya.”

“Iniisip mo ba na baka walang lalake ang kayang seryosohin ako?”

“Hindi naman sa ganoon kaya nga lang, ayoko kasing nakikita kang nasasaktan lalo na sa kung sino lang na di mo pa naman lubusang kilala.”

“Ako ba di mo sasaktan?” tanong niya. Sasagot na sana ako nang biglang lumitaw si Joe na may kasamang babae na nakaakbay sa kanya. Nakangisi silang dalawa sa akin.

“Hi Mart, gusto mo chiks, meron pa akong isa dito. Bibigay ko sana sayo eh.” For once in my life, gusto kong sapakin si Joe sa sinabi niya. Si Joe ang pinsan kong playboy, chikboy basta name it, ganun siya. Siya ang nagturo sa akin ng mga kalokohan na so far ay di ko pa din natututunan. Mabait naman siya pero yun lang talaga ang negative side niya. Ni di ko alam kung ilan ang naging girlfriend nitong lalakeng ito. At ano naman ang pakulo niya ngayon? Wrong timing ka pre!

“Tol, sorry. Mamaya na lang tayo mag usap.”

“Bakit, kailan ka pa naging seryoso sa babae?” aniya. Yun lang at inalis na ni Candy ang mga kamay niya sa balikat ko at bigla siyang umalis. She walked out.

Tiningnan ko ng masama si Joe na mukhang lasing kaya di ko na lang sinapak at saka hinabol si Candy na mabilis na tumatakbo patungo sa labas ng gym.

“Candy, sandali!”

Rio Del Grande

Agad kong natanaw si Mia nang papasok na siya ng gym. Naka green na shirt at skinny jeans siya. Naka head band ang maikli niyang buhok. I have to admit, she looks cute. Kumaway siya sa akin  and we meet half ways. “Hi!” bati niya.

“Akala ko di ka na dadating eh. Halos one hour nang nagsisimula ang party. Muntikan na akong umuwi eh.” kunyari reklamo ko.

“Eto naman. Pasensya na, kasi naman binantayan ko pa yung bunso kong kapatid eh. Hinintay ko pa si Mama na dumating.” sagot niya. 

“Okay lang yun.” sagot ko. Nakatayo lang kami malapit sa dance floor. Ayoko siyang yayain dahil di naman ako marunong sumayaw. At isa pa, masyadong nang crowded ang dance floor. “Kumain ka na ba?”

“Actually di pa nga eh. Tara kain tayo.” 

“Teka, ikaw ba talaga yan? Ha, Mia?” 

“Ba’t mo naman natanong?” aniya. 

“Kasi sa totoo lang, parang hindi ikaw eh.” sagot ko habang papalapit kami sa isang burger stand. Nag order ako para sa aming dalawa. Ayaw niyang magpa libre pero nagpumilit ako. 

“O siya sige na nga pero next time ako na manlilibre sayo ah.”

“If you insist.” Umupo kami sa hilera ng mga benches na nasa tabi ng gym at nage- enjoy ng mga music na pinapatugtog.  “Di ba nursing ka?” tanong ko.

“Oo, at ano nga ba yun sayo?”

“IT” maikli kong sagot. “Ba’t gusto mo maging nurse? Gusto mong mag abroad?”

“Yun naman talaga ang mga pangarap ng ibang magulang di ba? Ang mag abroad ang mga anak para umunlad ang buhay.” aniya na tila may bitterness sa boses niya. 

“Teka napilitan ka lang ba sa course mo?” tanong ko.

“Medyo. Ang gusto ko talaga ay kumuha ng art course.” natatawa niyang sabi. “Siguro di ka naniniwala ano? Bata pa lang ako hilig ko na kasi ang mag drawing. Mahilig ako sa Arts pero masyadong mahal ang Art school eh. Ikaw, gusto mo rin bang mag IT?”

“Hindi rin.” sabay ngisi. Dahil hindi naman talaga. Meron kasing computer business ang family ko kaya sila na din ang nag decision para sa akin. Sa una pa lang, wala na akong hilig sa pag aaral. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakapasa sa bawat school year, naiisip ko nalang, siguro dahil may impluwensya din ang pamilya ko sa maliit na baryo na ito. Baryo eh no? 

“O ba’t ka tumahimik?” aniya. Di na kasi ako nagsalita, Ayokong ipaalam sa kanya na hindi importante sa akin ang pagaaral. Aanhin ba ang diploma kung meron naman akong papasukang trabaho? 

“Wala lang.” sagot ko sabay ngisi ulit. 

“Baliw.”

Miabelle Basco

Nakakatuwa din pala kasama si Rio. Di ko masasabing tulad siya ng mga lalake na humble o gentleman. Siya yung tipo ng tao na mayabang pero matatawa ka pag nakasama mo. At madalas niya na din akong nalilibre. Well, two times pa lang naman. 

“So, nag enjoy ba kayong lahat?” tanong ng isang lalake na naka polo sa stage. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalake na nakita ko sa bulletin board na tatakbo sa student council na si Jake Constal. Medyo crush ko na nga siya eh, ang cute niya kasi. Siguro crush siya ng buong campus na ito. “Iistorbihin ko muna ang pagdi- disco niyo dahil we have prepared a special dance number to get you more into the heat of the dance floor. Please all welcome, kasama ang inyong lingkod with the Heavenly Guys!!!” nagbigay ng malakas na palakpakan ang audience kasama na ako. 

“Big fan ka ba nila?” tanong ni Rio. Umiling ako at tumawa lang. 

“Tara doon sa may malapit sa stage para makita natin sila ng malapitan.” yaya ko kay Rio.

“Sige, sundan na lang kita doon. Punta lang ako ng rest room.”

“Doon ako banda sa may kaliwa pupunta ha! Sunod ka na lang.” Tumango lang siya at ako naman ay dumiretso na sa may left side ng stage.

Nagsimula na ang dance number ng Heavenly Guys! Hataw na hataw ang limang kalalakihan sa stage kasama si Jake Constal. Ang mga tao namang nakapaligid sa akin ay nakiki indak na din sa tugtog. Ang babaeng katabi ko ay nasisiko na nga ako at ang lalakeng nasa kanan ko ay pawis na pawis na sa kahihiyaw. May mga tao sa harap ko na sinisiksik na din ako. Ano ba naman ‘to? Sinubukan kong umiwas sa pamamagitan ng pag lapit pa sa may stage. At dahil sa katutulak ng mga tao, napunta ako may gilid ng stage na natatakpan na lamang ng plastik na halaman. Lumakas pa lalo ang hiyawan ng may isa sa mga Heavenly guys ang nagtanggal ng pantaas niya. Napatitig ako sa muscles niya. Mas okay pala ‘tong pwesto ko, malapitan. Nakikita ko na ngang nagtutulakan ang mga tao palapit sa stage na para bang sikat sikat ang heavenly guys. Nakarandam ako ng hilo maya maya lang dahil sa dami ng tao at sa ingay nila. Grabe. I have to get out of here. Umaalog na masyadong ang stage. Papatayo na sana ako nang biglang bumigay ang tinatapakan ko. Nakarandam ako ng takot, ng kaba ng nakikita kong bumigay ang stage. 

Jake Constal 

Tinanggal ko ang mabigat na kahoy na nakatabon sa akin. Narinig ko ang isang prof na sumisigaw na tawagan na ang 911. May isang studyante namang tinulungan akong makatayo nang tanggalin ang isa pang kahoy na nakatakip sa aking binti. Halu- halong emosyon ang maririnig sa loob ng gymnasium. May umiiyak, may mga sumisigaw na prof at merong nakiki usyoso lamang. “Jake, okay ka lang?” tanong ng tumulong sa akin. Nakarandam ako ng hilo at dahan dahang nawala ang aking malay.

Umikot ang paningin ko sa paligid. Puti ang paligid. God, patay na ba ako? Hanggang sa may narinig akong umiiyak sa sakit. Napatingin ako sa tabi ko. May babaeng naka plaster ang paa. “Mia, gusto mo uminom?” tanong ng lalakeng kung tatantyahin ay malaki pa sa akin. Napatingin ako sa kanan ko at nakita si Gene, kasama ko sa Heavenly guys na nakahiga at mukhang malalim ang iniisip. At nagbalik sa aking ala ala ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Bumigay ang stage na sinasayawan namin. Makirot ang ulo ko.

“Iho, anak.” narinig kong tawag sa akin ni Papa na kakapasok lamang sa loob ng kwarto. “Kamusta ka na?”

“Okay lang Pa. Masakit lang ang ulo ko. Si Mama?” nasapo ko ang lumalala kong ulo. 

“Nandyan lang siya sa labas, teka at tatawagin ko-”

“Teka lang Pa, anong nangyari sa school? May balita ka ba? Ilang studyante ang nasaktan?” Napailing si Papa sa tanong ko. 

“Anak, mas mabuti ata kung magpapahinga ka na lang. Wag mo ng alalahanin ang iba pang studyante. “

“Pero Pa, isa ako sa mga volunteer na nag organize ng party.Responsibilidad ko sila.”

“Anak, wala kang kasalanan, okay? Di mo naman ginusto ang nangyari.” malungkot niyang tugon. “Merong isang namatay dahil nabagok ang ulo, dalawa ang malala at sampu ang nasa ospital. Yung iba naman galos lang.”

“Sino ang namatay?” tanong ko habang nararandaman na umiikot ang kalamnan ko na para bang gusto kong sumuka. 

“Kilala mo ba si Carry, ang anak ng Barangay Captain? Naipit siya sa stage at saka nabagsakan ng ilang kahoy mula sa stage pero di na siya naligtas dahil noong una pa lang ay nadulas na siya at nabagok ang ulo. Magkahalong stampede at pagkabagsak ng stage ang dahilan ng kanyang pagkamatay.” Narandaman ko ang maiinit na luha na dumaloy sa aking mukha. Paano nangyari yun? Everything’s almost perfect. Baka dahil kulang sa crowd control  o dahil di maayos ang pagkakagawa ng stage. Sino ba ang gumawa ng stage? Si Marco ang naka assign sa pag contact ng engineering department para ipagawa ang stage. Shocks! Lalo kumirot ang ulo ko sa mga naisip ko. 

“Anak,” si Mama. Pumasok siya sa kwarto at lumapit sa akin. “Salamat at ligtas ka.”

“Mama,” Nagyakap kami ni Mama at alam kong naluluha na siya. “Okay lang po ako, masakit lang ng konti ang ulo ko.”

“Wag kang magalala, puno na kasi ang mga private rooms. Pero maililipat ka na doon maya maya lang.”

“Ma, di na kailangan, okay na ako and besides madami pa akong dapat gawin.”

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
11.2K 265 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.9M 95.6K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...