UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 20 "Serendipity"

5K 310 47
By PeachyyyPie

MULING umingay sa loob ng stadium nang tumapat ang spotlight sa parehong contender. Maraming nasasabik na masaksihan ang laban ng dalawa. Nang makapasok na sila sa loob ng battlefield ay nasimulan na itong harangan ng glass barrier. Napasulyap uli si Eugi sa kaniyang pulsuhan saka humarap sa kaniyang katunggali. Seryoso naman ang tingin ni Alistair sa kaniya.

“Kung matalino ka, umatras kana..” seryoso na sabi nito sa kaniya. Tinitigan lang ito ni Eugi gaya ng parati niyang ginagawa kapag ayaw niyang magsalita. Matalino ba ang pag-atras sa laban? Eh bakit hindi siya ang umatras kung matalino siya? Hmm.. Tanga. “Hindi ko na patatagalin ang laban, si—”

“Hindi patatagalin pero daldal ka ng daldal?” iritang tugon ni Eugi sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ni Alistair, hindi siya natuwa sa sinabi niyang iyon. Nakaramdam siya ng pagkapahiya, mabuti nalang at sila lang dalawa ang nakakarinig ng kanilang pinag-uusapan. Kung tutuusin ay mukhang suplada ang kaniyang kalaban, pero mas delikado ito magsalita. Kaya siguro parati itong tahimik.

Dala ng inis, ay sinimulan na ni Alistair ang unang atake!

Isang malakas na suntok ang ginawa niya sa lupa, dahilan para mayanig ito ng napakalakas. Ang enerhiyang ito ay mararamdaman lang sa loob ng battlefield, dahil nililimitahan ng barrier glass ang epekto nito sa mga nanonood. Gumuhit ng mahabang linya ang warak nito sa gitna ng lupa. Kapag ipinagpatuloy pa ni Alistair ang epekto nito ay maaring mabiyak sa gitna ang buong lupa at mahulog doon ang kaniyang kalaban.

Napahiyaw ang mga nanonood dahil una palang ay matinding askyon na kaagad ang bumugad sa kanila. Naglakad lang sa tabi si Eugi para hindi siya mahagip ng pagka-wasak sa lupa. Mahirap nang abutan siya ng limit sa countdown. Kailangan niyang matapos ang laban as soon as possible. Abala siya sa pagbantay ng oras sa wrist watch ay hindi niya napansin ang presensya ni Alistair sa kaniyang likuran!

WOOOOOOOOOOOAAAAAH!”

Yeeeeeeeees!”

Kyaaaaaaah! Go Alistaaaaaair!”

That’s it! Pasabugin mo mukha ni Neeooooo!”

Oyy grabe ka naman!”

Psh, baket ba!??”

Pasabugin ko mukha mo!”

Hakdooog!”

[“A blast moment from our Guardian contender! He’s using his strength to win this match! Will Neo get the chance to advance in the finals!??”]

Tumalsik palayo si Eugi dahil sa biglaang pag-atake ni Alistair mula sa kaniyang likuran. Bago pa tumama ang kaniyang katawan sa salamin na barrier ay pinadulas niya ang paa sa lupa para pigilan ang puwersa nito. Tumayo siya ng maayos at mabilis na tumingin sa hype na crowd. Hindi niya alam kung paano siya aatake. Wala siyang maipapakitang kapangyarihan o spells na magpapa-impressed sa mga nanonood.

Wait.. She didn’t come to impressed anyone, she came for the strawberry milk.

Tama! ‘Yon ang rason niya.

*BLAAAAAAAAAAAG!*

Nagpatangay siya sa isa pang malakas na atake ni Alistair. Pabalibag siyang tumalsik sa himpapawid saka bumagsak sa lupa na ikinagulat ng marami. Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid, ang ilan dito ay hiyaw ng mga taga-suporta ng lalaki habang ang ilan ay ingay ng mga na-disappoint kay Eugi.

Ohmaygash, kaya pa ba niyang lumaban??” nag-aalalang tanong ng kaklase ni Eugi sa kaniyang katabi. Hindi naka-sagot ang katabi nito dahil abala ito saksihan ang susunod na mangyayari.

“I can't watch anymore.. ‘Di ko kayang makitang mabalian si Neo!”

Anong nangyayari?? Bakit hindi siya lumalaban?? Hindi na ba niya kaya??”

Wala pala ‘yang classmate niyo e.. Mahina lang ang kaya niyang patumbahin.. Wala siya sa level ni Alistair!”

“Oh, mukhang mali ako ng binoto sa poll.. Mabago nga..”

Ano na?? ‘Yun nayon?? Wala pang isang atakeyun, ah! H’wag niyong sabihing tapos nayung laban!”

“Tsk tsk, mukhang talo ako sa pustahan ngayon, ah..”

Nasa’n nayung malakas na Neo kanina!??”

“Go Alistair!! Down na si Neooo!”

Napatulala naman si Sheiko habang pinagmamasdan ang laban ng dalawa. Hindi pwede! Anong ginagawa ni Eugi? Nagpapatalo ba ito? Alam niyang kayang tumayo ni Eugi mula sa pagkakabagsak nito pero bakit wala itong ginagawa at nanatili lang sa pagkakahiga? Tsk, hindi siya pwedeng sumuko.

‘Eugenie, you jerk! Tumayo ka diyan..’

“Hindi pwede..” bulong niya. Parang sandaling nawala ang ingay sa paligid dahil sa iniisip niya. Walang pasabi niyang binitawan ang hawak na banner saka tumayo sa kinau-upuan. “Neo anong ginagawa mo!?? Tumayoo ka diyan!” nakakuha ng malaking atensyon ang biglang pag sigaw ni Sheiko sa crowd. Sa kaniya napunta ang ilang tingin ng mga nandodoon. Para sa strawberry milk! GO NEOOOOOO!”

Nagtaka ang ilan sa sinabi ni Sheiko pero sinabayan naman ng mga kaklase ni Eugi ang paghiyaw sa pangalan niya kasabay ng paggalaw sa kamay. “GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O! GO NE-O!” palakas ng palakas ang sigaw na iyon mula sa crowd. Kahit ang tingin ni Alistair ay nandoon sa mga taga-suporta ni Eugi.

Napasipol siya saka tumingin kay Eugi. “Wow, ang supported ng mga friends mo.. Too bad, ma-didisappoint sila..” napangisi siya saka humakbang ng ilan papalapit. “You’re not fun at all, akala ko ikaw ang magbibigay sa ‘kin ng satisfaction dito sa battlefield.. But looks like you're just one of them..”

Napatingin si Eugi sa gawi nila Sheiko saka sandaling napapikit. Sana nga madali lang ilabas ang tunay niyang katauhan. May oras siyang hinahabol, ito ang kaniyang limit para lumaban. Tatapusin niya ang laban nang hindi pinapakita ang tunay niyang katauhan.

“Hmm.. Still conscious?” dinig niyang usisa ni Alistair bago muling mabalutan ng malakas na aura ang katawan nito. Hindi inaasahan ng lahat ang sunod nitong ginawa, kinontrol nito ang pag-galaw ng lupa sa loob ng battlefield.

*CRAAAAAAAACK!*

Napasinghap at namangha ang karamihan nang masaksihan ang ginawa ni Alistair. Pina-angat nito ang lupa na kinahihigaan ni Eugi! Habang uma-angat ang lupa papunta sa pinaka tuktok ay tila bumagal naman ang oras sa paningin ni Eugi! Pati ang pag-galaw ng mga tao ay bumagal, na parang siya lang ang may normal na bilis.

Inangat niya ang kaniyang pulsuhan at tiningnan ang oras. 24 minutes..

That's it..

The limit has reached..

Playtime is over..

Nanatili pa din ang bagal ng galaw sa paligid. Habang ang katawan niya ay papunta sa himpapawid ay bumuwelta siya para umikot paharap sa ibaba. Nakiki-ayon ang mabagal na galaw at pagbigkas ng mga estudyante sa pangalan ni Neo. Kasabay nito ang pag landing niya sa lupa gamit ang dalawang paa. Gumawa ng malakas na hangin ang pagtapak niya sa lupa saka siya nag-angat ng tingin kay Alistair.

Biglang nag-iba ang pakiramdam ni Alistair nang magtama ang tingin nila. Kinabahan ang lalaki sa titig na iyon ni Eugi. Hindi ‘yon ang tingin na karaniwan niyang nakikita niya sa babae. Tingin iyon ng—

I reached my limit..” mahina ngunit dinig ‘yon ni Alistair mula sa kaniyang puwesto. Anong ibig sabihin nito? Lalabanan na ba siya nito gamit ang buo nitong lakas?

Ang limit na tinutukoy ni Eugi ay ang inilaan niyang oras para sa laban na ito. Bago pa man magsimula ang laban ay planado na niya ang gagawin sa battlefield. Hindi niya aatakihin si Alistair hanggat hindi nauubos ang nilaan niyang limang minuto para tapusin ang laban at once na umabot ito sa itinakdang oras ay tatapusin na niya mismo ang laban. ‘Yon ay para ma-manage ang ka-unti na natitirang oras para maka-abot sa finals.

Now that his time comes to limit, it means she need to finish the battle, whether he likes it or not..

OMG, look at her face..” bulong ng babae kay Sheiko. Tahimik ang mga manonood habang pinagmamasdan ang mga susunod na galaw ng dalawang contender. Nagkaroon ng tensyon sa katawan ni Sheiko na para bang siya ang mismong lumalaban sa battlefield. Hindi niya alam ang ginagawa ni Eugi at kung ano ang binabalak nito.

Pero isa lang ang nasisiguro niya..

Wala itong balak na umatras sa laban.

“Eugi, h’wag mo kong biguin..” mahinang daing ni Sheiko sa kina-uupuan niya. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kaba sa mga susunod na mangyayari.

Sa battlefield, nanatiling nakatayo si Eugi sa kaniyang puwesto habang diretsong nakatingin kay Alistair. Normal lang ang walang emosyon nitong tingin pero iba ito sa paningin ni Alistair. Para bang may mensaheng ipinararating ang tingin na ito sa kaniya. Warak na ang lupang kinatatayuan nila pero natatapakan pa rin naman. Damn, his rival isn't playing around.

“So you started getting serious,” kausap niya dito pero hindi ito umimik. Nai-insulto siya sa pag-uugaling iyon ni Eugi pero medyo nasanay na siya. Ano pa bang aasahan niya? Hindi ito mahilig makisalamuha o sadyang ayaw lang siyang kausapin. “I’ll show you the real battle..” nakangisi nitong usisa sa kaniya.

Kahit pa hindi naririnig ng mga estudyante ang sinasabi ni Alistair, alam nilang naghahanda na ito para tapusin ang laban. Seryosong ipinaliwanag ng emcee ang maaring gagawin ng dalawang contender.

Nagbago ang kulay ng mata ni Alistair, mula itim ay naging umiilaw na asul ito, hudyat na gagamit ito ng ilang persyento ng kaniyang kapangyarihan. Pinagmasdan naman sandali ni Eugi ang mga estudyante sa labas ng battlefield. Nag-hihiyawan na ang mga taga-suporta ni Alistair habang siya ay nanatiling kalmado sa harap nito.

Hindi niya kayang saktan si Alistair, dahil alam niyang kaya niya itong pabagsakin sa loob lang ng isang segundo..

Bagkus ay hahayaan niya itong tumigil..

*BOOOOOOGSSSH!*

Isang malakas na paglindol ang ginawa ni Alistair sa loob ng battlefield. Sa lakas nito ay nagsimula nang magbarak isa-isa ang mga lupa doon. Humiwalay ang mga ito sa kanilang lugar ngunit hindi iyon nahulog sa kailaliman, bagkus ay lumutang ang mga biyak ng lupa sa ere. The zero gravity ability, kung saan kaya niyang tanggalin ang gravity sa loob ng isang lugar. Kaya niyang tanggalan ng mass ang anumang bagay at sa pamamagitan ‘non ay madali nalang sa kaniya na kontrolin ang mga bagay-bagay. Mabuti na lamang at napaka-tibay ng glass barrier na pumapagitan dito, dahil napoprotektahan nito ang mga estudyanteng nanonood.

Pero..

Halos manlumo siya sa kaniyang nakikita..

Nananatili sa kaniyang puwesto si Eugi!

Ang mga buhok lamang nito ang humahangin habang hinahawakan nito ang sombrero nito. Hindi ito lumulutang! Bakit? Paano?! Gusto niyang malaman ang kasagutan. Bakit hindi niya ito nagagawang palutangin!? Anong klaseng timbang ang mayroon ito!? Lahat ng nilalang o bagay sa kalawakan ay may ‘mass’ kaya paanong hindi niya ma-kontrol ang gravity sa katawan nito?

Sandali siyang napa-isip..

Sino ang kalaban niya?

He never met someone who will defy gravity..

Let alone someone who will defy his ability..

Pero isang bagay ang napagtanto niya habang ginagamit ang ilang persyento ng kaniyang kapangyarihan..

Walang aura ang babaeng ito!

Ibig sabihin, hindi niya ito makitaan ng panganib o instinct. Stable lang ang enerhiya nito kaya hindi niya mabasa kung kailan ito nagbabalak na umatake. Pero ang kilala niyang mga nilalang na walang aura ay tinatawag na mga mortal. Hindi kaya—??

Nagulat ang lahat ng nakasaksi sa sumunod na nangyari!

Tumigil bigla ang tensyon sa battlefield. Ang malakas na bugso ng hangin. Ang mga lumulutang na bato. Ang enerhiya. Lahat iyon ay nawala sa loob ng ilang segundo nang mapaluhod si Alistair sa lupa at

Itinaas nito ang kaliwang kamay!

Hudyat na ito ay sumusuko!

[“What is this!? Is Alistair going to forfeit!??”] nagtatakang anunsyo ng emcee.

Nang huli niya kasing tingnan ang mga mata ni Eugi ay may isang bagay siyang naramdaman dito na mas nagpakaba sa kaniya at nagpa balot sa isang takot. Ang pakiramdam na kapag pinag-patuloy niya pa ang ginagawa ay makikita niya ang bagay na pagsisisihan niya. Oo, wala siyang aura na maramdaman sa katawan ni Eugi pero nakukuha niya ang mensahe sa pamamagitan ng static na tingin nito.

At alam niyang hindi lang basta sorcerer ang kaharap niya..

Nagbunga ng samu’t-saring reaksiyon mula sa manonood ang biglaang pag-atras ni Alistair sa laban. Hindi makapaniwala ang karamihan pero napahiyaw lang sa tuwa ang grupo nila Sheiko. Panay ang hiyaw ng mga ito sa pangalan ni Neo habang winawagayway ang hawak na banner.

“Waaaaaaaaaah! Si Neo ang lalaban kay Vislaaaaa!”

“Waaaaaaw!”

“Anong nangyari!?? Bakit umatras si Alistair!?? Bakit!?? I need explanation!?”

“Natakot ba siya kay Neo!? Bakit siya nag forfeit!?”

“What!?? Seriously!?”

“Huh!? What's happening!? Bakit bigla niyang naisipan na sumuko, can't he see mananalo na siya kay Neo!?”

“Kanina ko pa napapansing wala namang ginagawa ‘yung Neo kahit man lang mag-cast ng spell o magsummon ng magic. Teka, sorcerer ba talaga ‘yan!?”

“hashtag I need explanation! Why give up baby Alistair!?”

“Wala namang ginagawa si Neo sa kaniya ah! This is getting strange! Tingin ko may dayaang nagaganap!”

“What. The. Heck. Is. Happening!? For real??”

“Am I seeing things!? Bakit siya umatras?? Did Neonila warn her?”

“I want Neo to win but I don't get it..” usisa ng babaeng katabi ni Sheiko. Tumingin naman siya dito para sagutin ang tanong nito. “Bakit siya sumuko e mukhang may upper hand naman siya laban kay Neo?”

“Sometimes may mga bagay na hindi mo maipapaliwanag hanggat ‘di mo alam ang katotohanan,” nakangiting sagot ni Sheiko dito saka muling tumingin sa gawi ni Eugi. Yes, tama ‘yan Eugi.. Show them what you're capable of..

[“And we officially announce the victor of semi-final, without a doubt! Ang ating baguhan na contender, Neoooooo will fight for the final round!!”] buong enerhiyang sigaw nito na sinabayan ng malalakas na ingay mula sa estudyante. [“Nobody see it coming! Isang mystery ang desisyon ni Alistair na umatras, but we won't question anything against his will! For now, we will held a fifteen minutes break before we proceed to the most awaited round! The final round!”]

“Yes, final na!”

“Ahhh! Nakaabot siya ng final round!”

“Ohmyagash ‘di ko expected na siya ‘yung mananalo this round!”

“Waaaaaaaaaah! Go Neooooooo!”]

“Wow! Walang nag-eexpect na malayo ang mararating mo! Go gurl! Show them the power of Sorcerer unit!”

“Yes! Wizard for the win!”

“Kyaaaaaaah! I love her na!”

“Di ako nagkamali ng ipinusta! Hahahahaha go get ‘em!”

Masayang sinalubong ng mga estudyante ang resulta ng laban habang ang iba ay ‘di naka-move on sa nangyari. Dahan-dahang bumaba ang glass barrier. Ang mga mage or higher wizards na nag-aral ng withcraft ang bahala sa mga nasirang lupa sa battlefield. Sila ang nag-aayos nito kaya walang dapat na ikabahala ang mga contenders.

Nakatanaw ang paningin ni Eugi sa malaking screen kung saan ipinapakita ang anggulo ng mga manood. Maya-maya pa ay naramdaman niyang papalapit si Alistair sa gawi niya kaya napatingin siya dito. Hindi siya nagkakamali, dahil papunta nga ito sa direksiyon niya.

“Alam kong tama ang desisyon ko,” sabi ni Alistair nang makalapit sa kaniya. “Napansin ko lang na hindi mo ginagamit ang wand mo simula pa kanina. Hindi ka ba tunay na sorcerer?”

Nakaramdam ng kaba ang dibdib ni Eugi sa hinala nito. Hindi nito pwede malaman ang tinatago niyang sikreto. Pero bago pa man niya itanggi ang hinala ay nagsalita muli si Alistair. “Biro lang..” saka nito hinawakan ang isa niyang balikat at sinabing Talunin mo si Visla..” bago siya nito lagpasan.

Ilang segundo pang natulala si Eugi bago tingnan ang kaniyang natitirang oras.

20 minutes! Sheet!

***

Thank you sa mga nagco-coment at bumoboto, you guys are the inspiration of this story! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

124K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
15.2K 131 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...