Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

39. Chaos

1.9K 67 6
By angDiyosaNgBuwan

Alexa was wearing simple t-shirt and navy-blue jeans. Magulo pa rin ang buhok, as usual. Si Aya naman ay puting long-sleeves na button-down at faded-blue jeans. Nakalugay ang mahaba at medyo alon-along buhok.

Nakatayo sila sa railings na siyang nagsisilbing harang bago ang salaming pader. Kita nila mula roon ang swimming pool sa ibaba.

“Galit ka pa rin ba?” tanong ni Alexa.

“What do you expect? Gulong-gulo na nga ang isipan ko, tapos nakikigulo pa kayong dalawa.” Nakairap na tugon ni Aya.

“Sorry. Hindi ko intensyong pahirapan ka.”

Napalingon si Aya sa katabi. Hanga pa rin siya dito. Alexa had gone this far to help Yuna. Hindi naman siguro masamang paminsan-minsan ay isipin din nito ang pansariling interes.

“No. I must thank you. Napakabuti mo, Alexa. Salamat,” aniya at binaling muli ang tingin sa ibaba. Kumikislap-kislap ang tubig dahil sa sinag ng mga lightposts. “Ang damdamin ko lang talaga ang hindi ko maintindihan.”

“Gusto mong tulungan kitang maging malinaw ang lahat?” pagkuwa’y wika ni Alexa. May naglalarong munting ngiti sa labi. Tila nakaisip na naman ng kalukuhan.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Aya. “Pa’no naman?” tanong niyang bahagyang naniningkit ang mga mata. Parang masama ang kutob niya sa anumang iniisip ng makulit na babae.

Inalis ni Alexa ang mga kamay sa railings at hinarap si Aya. Humakbang palapit sa designer hanggang ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa’t isa. Pagkatapos ay ipinatong ang kaliwang kamay sa baywang nito.

“What do you think you’re doing?” halos pabulong na tanong ni Aya. Kinakabahan.

“Helping you,” sagot ni Alexa at itinaas din ang kanang kamay sabay hapit ng batok ni Aya palapit sa kanya. Pagkatapos ay sinakop ang mga labi nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aya. Bahagyang itinulak si Alexa ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Iginalaw pa ng palalong babae ang mga labi, kinagat-kagat ang pang-ibabang labi ni Aya. Nanunukso. Napaungol si Aya at napapikit. Wala nang nagawa kundi ang magpadarang sa halik na iyon.








Napatda sa kinatatayuan si Yuna. Parang kinukurot ang dibdib niya habang nasasaksihan ang paghahalikan ng dalawa. Napakuyom ang dalawa niyang kamay. Bakit naghahalikan ang dalawa? Hindi ba’t hiwalay na ang mga ito? Iyon ang mga tanong na tumatakbo sa isipan niya.

‘This is so unfair!’ ang sigaw niya sa isipan. Napakurap siya at kasabay noon ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Gusto niyang magalit. Gusto niyang sugurin ang dalawa. Pero may pumigil sa kanya. These two helped her a lot. Especially Alexa.

Pinahid ni Yuna ang pisngi. Ibibigay na niya ang sandaling ito kay Alexa. After all, marami din itong isinakripisyo.Nakita niya nang maghiwalay ang dalawa. Kaagad na nagtago si Yuna sa likod ng isang puno.

‘Fine. Magiging mapagbigay ako ngayon. Pero ngayon lang, Alexa. Babawi din ako,’ sa isip niya.

Sinilip niyang muli ang dalawa. Magkadikit ang noo ng mga ito.






“I missed your lips. I missed you, Aya,” paanas na wika ni Alexa. Nakahawak pa rin ang kamay sa pisngi ng designer.

“You idiot. You shouldn’t have broken up with me,” tugon ni Aya.

“Pero kailangan, Aya,” ani Alexa na inilayo na ang mukha at ibinaba na rin ang kamay. Tingnan mo ngayon… ‘di ba nahihirapan kang pumili sa aming dalawa? Kung sakaling tayo pa rin sa ngayon, siguradong magdadalawang-isip ka din. Hindi ba?”

Hirap din ang kalooban ni Alexa. Kung makasarili lang siyang tao, ibabakuran na niya si Aya at hindi palalapitin ang kahit na sino dito. Pero hindi siya ganoon. At marami na siyang nakitang mga relasyon na nag-fail dahil sa pagiging possessive sa mga taong minamahal nila.

Samantalang si Aya ay hindi naman makasagot.

“And even that kiss we just shared… it doesn’t make things any clearer, right? Kasi sa puso mo, nandiyan pa rin si Yuna. Hindi pa siya tuluyang nawawala,” pagpupunto ni Alexa. Mahina lamang ang boses at pigil ang emosyon kahit gusto na niyang sumbatan si Aya.

“I want you, Aya. I want you all for myself. But I want you to want me just as much. At alam kong hindi ko sa’yo mapipilit ‘yon. Ayokong pilitin ka. I don’t want to cage you. That’s not the type of love I dreamed of. So, I set you free. But it doesn’t mean that I won’t chase after you. I will, Aya. And I am. I am chasing after you. But I might get tired too, you know…” malungkot na saad pa ni Alexa.

May takot na bumalot sa mga mata ni Aya. “What do you mean by that?”

“I’m just saying that I might also get tired chasing after you. I have my own limitations, Aya. And if all I do is confuse you, then… maybe I should stop. I want you to fly freely and not hold you back,” makahulugang wika ni Alexa.

Biglang natahimik si Aya. Hindi niya alam kung isasagot doon. Tumututol ang kalooban niya. Ayaw niyang mawala sa kanya si Alexa. Pero paano nga kung matagalan pa siya sa pagdedesisyon at mapagod na ito?

Napahawak sa batok si Alexa. “Sorry… ngayon mas naguluhan ka pa yata.”

Hindi makaimik si Aya. Humarap muli sa railings at napahawak doon. Napatungo. “No. you’re right. Dapat talaga ay magdesisyon na ‘ko. It was so unfair to you. Ikaw na lang ang laging nag-aadjust. I should be the one apologizing.”

Nagpakawala ng hirap na buntung-hininga si Alexa at napatingin sa itaas. Nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. “You’re free to choose. Choose whatever will make you completely happy. I’ll also be happy for you, no matter what or who is it.”

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“Anong ginagawa niyong dalawa diyan?”

Napalingon sina Aya at Alexa sa biglaang pagsasalita ni Yuna mula sa likuran nila.

“May ginagawa ba kayong kababalaghan habang wala ako?” tanong pa nito na pumuwesto sa kabilang gilid ni Aya.

Nagkatinginan ang dalawa.

“Kung may gagawa ng kababalaghan dito, hindi ba dapat ay ikaw ‘yon? Ikaw kaya ang witch dito,” idinaan ni Alexa sa biro ang sagot.

“You mongrel – “ Yuna bared her teeth. Nanggigil sa makulit na babae. At lihim na nangingitngit. Nasaksihan naman kasi ng dalawa niyang mata ang kababalaghang ginawa ng mga ito.

Tumawa lamang ng bahagya si Alexa. Ganoon siya, mahusay magtago ng nararamdaman. Pagkuwa’y napatingin sa likuran. “Parang ang tagal naman ng pagkain,” komento nito. May sarili silang chef sa penthouse na siyang pinahanda nila ng dinner. Mahigit isang oras na ang lumipas ngunit wala pang naghahatid ng pagkain.

“Titingnan ko lang kung tapos nang magluto si Chef Jules. Maiwan ko muna kayo,” paalam ni Alexa sa dalawa at tumalikod na.

Naiwan ang dalawa.

“Okay ka na ba?” basag ni Yuna sa katahimikan.

“What?” lingon ni Aya dito.

Kanina kasi mainit ang ulo mo,” ani Yuna.

“I’m fine. I should be the one asking you that question. Okay ka na ba?” balik-tanong ni Aya.

Napatingin sa malayo si Yuna. “I don’t know when I will be okay,” matapat na pahayag niya. Idagdag pa siguro ang nasaksihan niya kanina. “I’m sorry to wrap you up into this. You’re probably too discouraged at how weak I was. I just hate my life.”

“Ang sabi ni Jessica nakikipag-ayos na daw ang mga magulang mo. Bakit hindi mo sila bigyan ng chance?” tanong ni Aya.

Napaismid si Yuna. “I don’t believe them. All my life, they haven’t even shown any affection towards me. They’re heartless, treating us like some puppets. At ngayon, gusto nila akong paniwalain na nagbago na sila? There’s no way I would believe that.”

“Everyone deserves a second chance, Yuna.”

“Then, would you give me that chance?” tanong naman ni Yuna.

“I already gave you a chance to prove yourself. All you have to do is show that you are worth it.”

“Kung gayon ay pinapayagan mo na ‘ko na manligaw, para mapatunayan ko ang sarili ko sa’yo?”

Ibinuka ni Aya ang bibig para sumagot, ngunit sandali siyang hindi makapagsalita.

Ikiniling ni Yuna ang ulo rito. “How can I prove myself, if you are not letting me curt you?”

Itinikom ni Aya ng tuwid ang bibig. May point naman ito. Pero hindi pa rin siya makapagdesisyon. Kanina lang ay si Alexa ang pinuproblema niya at ngayon ay ito naman.

“Ano na?” naiinip na tanong ni Yuna.

“Let me think about it,” tugon ni Aya “But we can still be friends, you know.”

Napailing si Yuna. Naalala ang eksenang naabutan niya kanina. Nagsimulang makaramdam ng paninibugho. “I think that’s not fair.”

Napakuyom ang kamay ni Yuna na nakahawak sa railings. Kumislap ang mga mata sa nararamdamang selos. Maya-maya pa’y hinarap si Aya at biglang hinawakan ang magkabilang-balikat nito.

Ikinagulat ni Aya ang biglaang pagkilos na iyon ni Yuna. At bago pa siya masunggaban ng halik ng babae ay naitulak na niya ito.

“What do you think you’re doing?!” galit na tanong niya rito.

Mas matindi pa sa sampal para kay Yuna ang reaksyong iyon ni Aya.

“Bakit si Alexa puwede kang halikan, samantalang ako hindi?” biglang tanong ni Yuna na puno ng hinanakit ang boses.

Ikinagulat ni Aya ang tanong nitong iyon. Hindi niya alam na nasaksihan pala iyon ni Yuna.

“Yes, I saw you!”

Hindi nakaimik si Aya.

“That was just so unfair,” ang himutok pa ni Yuna.

“I’m sorry… pero wala ka sa posisyon para sumbatan ako ng ganyan. Matagal na tayong wala, Yuna,” naaawa man ay pagpupunto ni Aya.

Biglang ikinatigil ni Yuna ang sinabing iyon ni Aya. Tama nga naman. Ano bang karapatan niya? Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng napakalaking bato. Rejection hit her hard and she felt more sunken.

Bigla namang na-guilty si Aya sa nakikitang reaksyon ng kaharap. She should have regarded Yuna’s situation. “Yuna…” sinubukan niya itong lapitan at hawakan subalit humakbang itong palayo.

“You’re right… ang kapal nga naman ng mukha ko na sumbatan ka gayong wala naman akong karapatan. Napilitan ka lang namang pakisamahan ako ulit dahil sa mga kalukuhang pinaggagawa ko…” mapait na pahayag nito.

“Yuna, that’s not what I meant… “

Iyon naman ang totoo, hindi ba?” masama ang loob na tanong ni Yuna.

“Yuna…” sinubukan muli itong lapitan ni Aya pero mariin itong umiling.

“Hindi ko kailangan ng awa mo, Aya,” pahayag ni Yuna, bakas ng nadaramang sakit ang mukha.

Nanghihinang bumagsak ang balikat ni Aya habang nakatingin sa dating kasintahan. She didn’t know what else to say.

“Hey, guys! Nandito na ang pagkain!”

Biglang napalingon ang dalawa sa bagong-dating na si Alexa.

Matalim itong tiningnan ni Yuna. Buti pa ito at tila masayang-masaya at parang walang problema sa buhay.

Napakunot naman ang noo ni Alexa sa mukha ng dalawa, lalo na ni Yuna. Magtatanong na sana siya nang bigla siyang sugurin ni Yuna at itulak sa kaliwang-dibdib. “Hey!”

“Yuna!” ang sigaw naman ni Aya.

“At ikaw, bakit mo ba talaga ako tinutulungan ha? You said you want to be fair with me. Pero ‘yong totoo… gusto mo lang talaga makitang mas nahihirapan ako, hindi ba? Gusto mong ipamukha sa’kin na wala na talaga akong chance kay Aya!” akusa ni Yuna dito.

Litong napatitig sa kanya si Alexa. “Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang nangyayari dito?” aniyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

“I saw you kissing Aya!” duro sa kanya ni Yuna.

Biglang natahimik si Alexa. Naunawaan na kung bakit ganoon ang inaasal ni Yuna.

“You cheating bitch. Akala ko totoong tao ka pero mali ako. Siguro’y palabas mo lang din ito para linlangin ako!”

“Yuna, tama na ‘yan. Ano ba!” awat dito ni Aya.

Hindi makapaniwalang napailing si Alexa sa narinig kay Yuna.

“Hey now, woman.  hindi mo alam ang mga isinakripisyo ko para lang matulungan ka. I’m even willing to sacrifice Aya for you, kung talagang ikaw ang mahal niya! Tinulungan kita nang walang hinihinging kapalit tapos susumbatan mo pa ‘ko ng ganyan? Aren’t you’re the one who’s being a bitch now?” nainis na din ang makulit na babae. Akala siguro ni Yuna ay ito lang ang nahihirapan.

Napahiya naman sa sarili si Yuna, pero hindi pa rin humupa ang galit sa dibdib. Kinakain ng panibugho ang puso niya. Hindi niya matanggap na ito ay pinayagang makahalik ni Aya ngunit siya ay hindi. Pero higit pa doon ay mas hindi matanggap ni Yuna na ito ay lubusang pinagkakatiwalaan ni Aya samantalang siya ay hirap na makuha ang loob ng dating kasintahan.

“But you still cheated! Ang sabi mo ay magiging patas ka pero hindi mo tinupad ‘yon! Sabihin mo nga… totoo bang naghiwalay na kayo ni Aya o nagkukunwari lang kayo? Ha?”

Si Aya ay lumapit na kay Yuna at hinarap ito. “Tama na, Yuna. Ano ba! Alexa had given so much for you. She helped you a lot. Na kung tutuusin ay hindi naman niya tungkulin! You are acting like a complete bitch. Just like your parents.”

“Don’t compare me to my parents, coz’ I’m nothing like them!”

“Little Yuna…”

Mahina lamang ang tinig na iyon ngunit kaagad na nagpalingon kay Yuna. Nanlaki ang kanyang mga mata. At tila gusto niyang maupos na parang kandila sa pagkapahiya.

Sa likod ni Alexa ay nandoon si Nana Razon. Ang mayordoma sa mansyon ng mga Smith at pinakamalapit sa bunsong Smith na si Yuna. Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito sa nasaksihang inasal ng paboritong alaga. Kasama din nito si Jessica at isa pang lalaki na siguro ay iyong Chef Jules dahil sa uniporme nito. Pare-parehong may dala-dalang pagkain ang mga ito.

“Nana…” gulat na sambit ni Yuna.

Oo nga pala… balak sana namin na sorpresahin ka,” si Alexa sa matabang na tono Hiniling namin sa mga magulang mo na ipadala dito si Nana Razon. Tumulong siya sa pagluluto at kaya natagalan ay dahil niluto nila ang lahat ng paborito mo. We wanted to at least cheer you up – “

Inilapag ni Alexa sa malapit na mesa ang isang putahe ng ulam na noon lang napansin ni Yuna na hawak pala nito. Kamuntik pa iyong mahulog nang itulak niya si Alexa.

“– but I guess you don’t really need us. Tingin mo pala ay nagkukunwari lang kami sa pagmamalasakit sa’yo,” malungkot na saad pa ni Alexa “wala naman palang kuwenta sa’yo ang tulong namin. I’ll go ahead then,” anito sabay talikod. Dire-diretsong bumaba sa hagdan pababa ng roof deck.

Nakasunod lang dito ng tingin ang lahat. All were sad. At si Yuna… ay hiyang-hiya sa sarili. Si Jessica ay napapailing. Si Aya naman ay gustong-gusto nang sundan si Alexa.

Inilapag na din ni Nana Razon ang dala at lumapit kay Yuna. Hinawakan ang pisngi ng alaga. “You foolish child… bakit ba lagi mo na lang itinataboy ang mga taong nagmamahal sa’yo? Follow her and apologize,” utos nito kay Yuna.

But Yuna was rooted on her spot. Pride and shame got the best of her. “I won’t apologize,” pagmamatigas niya.

“Little Yuna – “ dismayadong sambit ni Nana Razon.

“Talaga bang pangangatawanan mo ’yan?” si Aya na hindi makapaniwala.

Tumingin lang sa kanya si Yuna. Namumula ang mga mata at matigas ang ekspresyon.

Napailing-iling si Aya. “You’re unbelievable,” sabi niya at nilampasan na ang mga ito at nagmamadaling bumaba upang habulin si Alexa.

Napabuntung-hininga na lang si Nana Razon habang nakatingin sa alaga. Smiths were naturally stubborn. At sa lahat ng magkakapatid, si Yuna ang nakahihigit pagdating doon. Si Yuna lang din ang tanging naglakas ng loob na magrebelde sa mga magulang. Hindi niya ito masisisi ngunit sa ginagawa nito ngayon ay baka mawala na pati ang mga itinuturing nitong mga kaibigan.

Samantalang sa ibaba ay hindi na naabutan ni Aya si Alexa. Nakaalis na daw pala ito, sabi ng guwardiya. Kasunod noon ay may natanggap siyang text message mula kay Alexa.

‘Use my room. Here’s the pin 236-765-964. I’m going back to Manila.’

Napabuntung-hininga ng malalim si Aya nang mabasa ang mensahe. Sobra siyang nalulungkot sa nangyari. Sinisisi din niya ang sarili. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi
siguro magkakagulo.

Umakyat na siya upang ipaalam sa iba ang pag-alis ni Alexa. Nadatnan niyang nakaupo na ang mga ito. Magkatabi sina Yuna at Nana Razon at sa tapat nila ay si Jessica. Ang lalaking chef ay wala na roon. Siguro’y nagbalik na ng kusina.

Napalingon kay Aya ang tatlo.

“She left,” malungkot na imporma niya sa mga ito.

Hindi na rin lumapit pa si Aya sa mesa ng mga ito.

Mauuna na rin po ako. Sa kuwarto ako ni Alexa magpapahinga,” paalam niya. Tumingin kay Yuna. “Mag-usap na lang tayo kung handa ka nang ibaba ‘yang pride mo.” Pagkatapos ay tumalikod na siya.

Sina Nana Razon at Jessica ay hindi na lang umimik kahit gustong-gusto na nilang sermunan si Yuna. Baka maging sanhi pa iyon upang mag-breakdown ang huli.

Wala rin halos gustong gumalaw ng pagkain kaya’t nagpasya na ring bumaba ang tatlo. Pinaligpit na lang ni Jessica ang pagkain sa mga tauhang nasa ibaba.





----





Alas-sais ng umaga ay bihis na si Jessica para pumasok ng opisina. Sa edad na bente-sais ay siya na ang namamahala sa higanteng kumpanya ng kanyang ama. Mahilig sa entertainment si Conrad Tuazon kaya nagtayo ito ng kumpanya na nag-i-specialize doon – from casino, sports arenas, theatres at marami pang iba. In-charge din ang mga Tuazon sa entertainment amenities ng Vermont. Hindi biro ang responsibilidad ngunit walang ibang sasalo noon kundi si Jessica. Mayroon siyang kapatid na lalaki ngunit dose-anyos pa lamang ito. Nanatili pa rin naman ang kanyang ama’t ina bilang mga board members pero napunta kay Jessica ang mas mabigat na tungkulin.

Jessica was stood at the kitchen counter, sipping coffee while reading newspaper. Napaangat ang mga mata niya mula sa binabasa nang marinig ang doorbell. Ibinaba muna niya ang diyaryo at sinilip kung sino ang bisita. Sa isang haligi bago ang pintuan ay may maliit na monitor kung saan nakikita niya ang tao sa labas.

“Connor? What is he doing here?” nagtatakang tanong niya sa sarili.

Sina Nana Razon at Yuna ay himbing pang natutulog sa loob ng kuwarto.

Bantulot na lumapit si Jessica sa pinto. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa pagpunta ng lalaki.

“To what do I owe this pleasure?” ang bati niya nang pagbuksan ang lalaki. It was polite but not exactly friendly. Hindi kasi sila magkasundo ng lalaki.

Pinasadahan ito ng tingin ni Jessica. Pormal na pormal ang itsura nito mula ulo hanggang paa. Nakasuot ng business suit at nangingintab na leather shoes. Kulang na lang dito ay briefcase. Taglay na yata nito ang lahat ng katangiang hinahanap ng mga babae – guwapo, matipuno at matangkad. Wala nga lang kangiti-ngiti ang mukha at laging nakataas-noo na animo’y ang taas-taas ng tingin sa sarili.

“Hello, cousin,” ganting-bati ng lalaki. May gumuhit na tila nanunuyang ngiti sa labi.

“Connor Smith,” Jessica muttered the man’s name a little indifferently “What brings you here?”

“I’ve heard that my little sister’s here. I want to talk to her,” the man answered just as equally cold.

“But I think she doesn’t want to talk to you,” sagot naman ni Jessica. Magkakrus ang dalawang braso at nakasandal sa hamba ng pinto na tila ba sinasabi sa lalaki ns

Matagal nang magkaalitan si Yuna at ang panganay na kapatid nitong si Connor. At sigurado si Jessica na hindi rin maganda ang mga sasabihin ng lalaki sa bunso nitong kapatid.

“But I do, cousin,” mariing wika ni Connor “and you will let me in,” wika pa nitong parang isang banal na utos na hindi puwedeng suwayin.

Tumaas ang isang kilay ni Jessica. ‘Conceited bastard.’

“Let me remind you… you’re in my territory. So, don’t act like you’re any superior to me,” hindi nagpadaig si Jessica. “And anyway, just how did you manage to get inside here?” tanong niya.

Kahit kasi sabihing maimpluwensya itong tao at kamag-anak nila ay kailangan pa rin nito ng imbitasyon mula sa isang miyembro upang makapasok. Lalo na sa penthouse. Siguradong mapapagalitan niya ang guwardiyang nagpapasok dito at hindi man lang ipinaalam sa kanya.

“You’re underestimating me, cousin. It’s not like I’m incapable of getting in here if I wanted to. I can come here with or without your family’s invitation,” may kayabangang pahayag ni Connor.

Umangat ng bahagya ang dulo ng labi ni Jessica sa sinabi ng pinsan. Kahit kailan talaga ay napaka-hambog nito.

“Oh, yeah… I forgot. You’re Connor Smith, the ‘I always have my ways’ man,” napaikot ang matang wika ni Jessica “but I’m sorry, it’s still a ‘no’,” mariing paninindigan niya.

Sica... “ biglang tawag ni Yuna mula sa likuran “sinong nariyan?” tanong nito nang makalapit.

Nagulat ito nang makita ang panganay na kapatid. Gumuhit ang pagkadisgusto sa mukha. “Oh, I see. I thought it was someone important,” patuyang wika nito at bumaling na kay Jessica. Hindi na rin nag-abalang batiin ang kapatid. “Let’s get in.”

“Are you two that displeased to see me?” animo’y disappointed na turan ni Connor. Napailing-iling. “How sad.”

Napaismid naman ang dalawang babae.

Itsura mo lang naman ang magandang tingnan sa’yo pero hindi ang pag-uugali. Kaya huwag kang mag-expect na matutuwa kaming makita ka,” ani Jessica.

Tila wala naman iyong epekto kay Connor. Binigyan lang sila ng nangmamaliit na tingin na tila ba sinasabi nitong mas mataas ito sa kanila.

“Ano bang ipinunta mo dito?” malamig na tanong ni Yuna sa kapatid.

“Won’t you let me in first? I am really insulted here,” tugon ni Connor.

Pinaningkitan ito ng mata ni Yuna. She really disliked her eldest brother. Para kasi itong pinag-combine na Helena at Ibrahim sa pag-uugali. At higit sa lahat, ito na yata ang pinaka-homophobic na taong nakilala niya.

Nakipaglaban ng titigan si Connor. Tila hinahamon ang kapatid.

“Fine. Get in,” tinanggap ni Yuna ang paghamon nito. Hindi niya uurungan ang kapatid. Simula’t sapol pa naman ay palagi na silang nagkakabanggan nito. Ang pangalawa nilang kapatid na si Jethro ang laging pumapagitna sa kanila.

“Pinsan… sigurado ka ba?” puna ni Jessica.

“Yes. He doesn’t intimidate me.”





----





One hour later…

Sinabi ko naman kasi sa’yo… dapat ay hindi mo na pinatuloy ang lalaking ‘yon. Alam mo namang wala siyang magandang sasabihin,” sermon ni Jessica kay Yuna.

Palakad-lakad ang huli. Umuusok ang ilong at madilim ang mukha. Si Nana Razon na nakaupo sa sofa ay sapo ang mukha. Nagising siya sa pag-aaway ng magkapatid at kung hindi siya ang umawat ay hindi pa titigil ang mga ito.

“That bastard. He is really like our parents. How despicable!” tumaas-baba ang dibdib ni Yuna sa nararamdamang galit.

Kung anu-ano kasing masasakit na salita ang natanggap niya mula kay Connor. Na siya daw ang sumisira sa perpektong pamilya nila at isa siyang abominasyon. Na dapat ay huwag na siyang bumalik pa para matahimik na ang mga ito.

Napabuntung-hininga si Jessica. “Ang tigas din naman kasi ng ulo mo. Lagi mo na lang siyang pinapatulan. Alam mo namang walang kapares ang kahambugan at kasamaan ng ugali no’n.”

Napatingin sa relo si Jessica. Hindi na siya nakapasok nang dahil sa panggugulo ni Connor.

“Damn it! Siguradong masasabon ako ni Dad nito,” aniyang dali-daling kinuha ang handbag at laptop niya na nakapatong sa sofa “I’m going. Kumalma ka muna riyan at huwag kang gagawa ng anumang kalukuhan. I’ll make sure na wala nang papapasuking unwanted guests dito,” baling niya kay Yuna at nilingon naman si Nana Razon “Nana, kayo na po ang bahala dito. Tawagin niyo na lamang ang mga staffs kung may kailangan kayo. Nabilinan ko na sila.”

Pagkatapos ay lumabas na ng suite si Jessica.

Nilapitan naman ni Nana Razon si Yuna upang kalmahin ito. Sinamahan din sila ni Aya ng araw na ‘yon, sa kahilingan na din ni Jessica. Bagamat hindi pa rin nito gaanong kinikibo si Yuna, ganoon din ang huli. Si Alexa naman ay hindi pa muling nagparamdam sa kanila. 





----




Natigil si Alexa sa pagbubukas ng pinto ng kanyang kotse dahil sa pag-ring ng kanyang cellphone. Lalabas sana siya upang mag-gym. Nanatili muna siya sa kanyang apartment. Na-stress siya dahil sa pagtrato sa kanya ni Yuna nang nakaraan kaya kinailangan niyang mag-hibernate.

Sinagot niya ang tawag, “Jess? Napatawag ka?”

“Alexa, I’m sorry… pero kailangan ko ng tulong mo…” ani Jessica mula sa kabilang linya. Dinig sa boses nito ang labis na pag-aalala.

“Tulong? Saan?”

“Nawawala si Yuna.”

“Ha? Pa’nong nawawala? Ano bang nangyari?”

“Eh.. kasi… kaninang madaling-araw nagkasagutan kami, kaya ayon lumayas ng penthouse. Sa inis ko, pinabayaan ko na lang.”

“Ba’t mo naman ginawa ‘yon? Alam mo namang may pinagdadaanan iyong tao,” sermon dito ni Alexa.

“Napuno na ‘ko sa kanya. She tried to kill herself again, last night,” imporma ni Jessica.

“What??”

“Please… pumunta ka na lang muna dito. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat pagdating mo,” pakiusap ni Jessica.

“Sige, sige… papahatid na ‘ko sa chopper ng Goldings para mabilis akong makarating diyan,” ani Alexa bago putulin ang linya. Pagkatapos ay sumakay na ng kanyang kotse at umalis.

Ang Goldings Group of Companies ang korporasyong nagtatag ng Vermont. Binubuo ito ng mga magulang nila ni Jessica at iba pang mga kasosyo ng mga ito na pawang mga magulang din ng iba pang member ng CUBS.

“Yuna. That troublemaker. Kailan ba siya magtitino?” napapailing na wika ni Alexa sa sarili. Kahit masama pa rin ang loob niya dito ay hindi niya maiwasang mag-alala.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
21K 1.2K 20
| QBMNG BOOK 3 | "What if you and I are meant to part ways, only so that we could find each other again?"
8.2K 200 28
Sabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso ni...