His Millionaire

By Alisahjin

188K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 24 : Her

3K 70 10
By Alisahjin

•Hector's POV•

Simula ng ipikit ko ang mga mata kagabi ay hindi ako pinatulog sa kakaisip. Alam niyo yung, nakapikit ang mga mata mo pero bukas ang isipan mo? Ang utak mo na walang tigil sa kakaisip at takot na takot. Sa huli, ididilat mo ulit ang mga mata mo at walang humpay, walang tigil sa pag-iisip.

Wala akong tulog simula kagabi hanggang ngayong umaga. Paulit ulit na nakatitig sa larawan ni Georgina na nasa portrait. Malaking palaisipan pa rin sa akin ang aking panaginip. Ewan, lagi kong napapanaginipan ang tagpong iyon. Isang batang babae at isang batang lalake. Hindi ko matandaan ang mukha nila pero ang tawa nila ay naririnig ko pa rin hanggang ngayon. Parang nangyare sa totoong buhay at hindi lang iyon basta panaginip.

Sino ang batang babae at batang lalake sa panaginip ko?

Nagpaalam ako kay Dad na hindi na muna ako papasok dahil kailangan kung puntahan si Georgina. Nag-aalala pa rin ako lalo na sa nangyare kagabi. Tahimik akong nagmaneho pero yung utak ko punong puno ng mga iniisip like kung okay na ba siya? Sana okay na siya.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako ng mansyon. Kakaiba ang aking nadarama ngayon. Sobrang bigat ng atmosphere. Ang lungkot ng mansyon, sobrang payapa ng paligid. Ang lungkot. Sobrang lungkot!

Huminga ako ng malalim at tuluyan na nga akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa main door ng mansyon doon ay nakasalubong ko si Tita. Tinanong ko sa kanya kung ano ng kalagayan ni Georgina. Isang malungkot na sagot ang iginawad niya sa akin.

“Kanina ka pa niya inaantay.” ang sabi sa akin ni Tita. Tumango lang ako at tinapik ko siya sa kanyang balikat. Alam ko kung gaano kalungkot ang dinadala nila Tita at ang governor.

Marahan ang aking mga hakbang na para bang hindi ako makakabasag ng kung ano. Nasa living room pa lang ako ay dinig na dinig ko ang mga tawa niya kahit pa may kalayuan ang kanyang kwarto mula rito sa living area.

‘May kausap siya?’ ang tanong ko sa aking isipan at muli ko na namang narinig ang kanyang mga mata kaya dinalian ko pa lalo ang aking paglalakad.

“I told you.” she laughed.

Sabay silang napalingon sa akin ng buksan ko ang pinto ng kwarto ni Georgina.

Kara?

Mister? Ikaw na ba 'yan?” ang tanong ni Georgina habang inaaninag ako. Mahina na ang eyesight ni Georgina kaya nahihirapan siyang makita ako.

Hindi ako kumibo instead nakatingin lang ako kay Kara. Nagtataka at naguguluhan kung anong ginagawa niya dito. Maging siya ay nakatingin sa akin at agad na naglakad palapit sa akin.

“What are you doing here?” ang mahinang tanong ko.

“Don't worry hindi ako manggugulo. Nandito ako para tumulong.” ang seryusong sabi niya sa akin. Deretso ang kanyang tingin sa akin at ganon din ako sa kanya.

“Really?”

“Ganon na ba ako kasama Hector?! I'm just helping. Other than that, wala na.” she said in a low voice.

Hindi na ako nakasagot pa dahil muli akong tinawag ni Georgina kaya lumapit ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at kita ko ang mga ngiti niya sa kanyang labi. Masaya niyang kweninto sa akin si Kara. Natatawa siya sa akin habang kwenikwento niya sa akin ang napagkwentuhan nila. Sinakyan ko na lamang iyon. Wala siyang ibang masabi kundi mabait si Kara, maganda, matalino at higit sa lahat mabuting tao.

Sumang-ayon lang ako sa kanyang mga sinasabi.

Nakaupo ako sa isang tabi habang pinapanuod ko silang tumitingin sa album picture na hawak ni Kara. Masaya ako dahil kahit paano ay nakakaaninag pa rin siya at masaya niyang kinukwento kay Kara ang kanyang masasayang nakaraan. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti lalo na at ang saya saya ng kanyang expression.

Maganda si Georgina halata iyon kahit na ang payat niya na at wala ng kulay ang kanyang mukha. She's too tired! Alam ko pagod na pagod na siya at gusto na lamang tapusin ang kanyang buhay pero hindi! She's so strong! Kinakaya niya ang sakit at hirap na pinagdadaanan niya.

“Oh wait! I need to go in a bathroom.” ang saad ni Georgina kay Kara. Weak Georgina!

Tinawag ako ni Kara para alalayan ko si Georgina. Lumapit naman ako at agad na binuhat si Georgina patungo sa CR.

“Girls duties!” ang saway sa akin ni Kara ng makapasok na ako sa loob ng CR. Tinulak niya ako palabas ng CR habang sabay silang nagtatawanan. Wala akong nagawa ng pagsarhan nila ako ng pinto. Napailing na lamang ako sa kawalan habang dinig na dinig ko pa rin ang tawanan nila.

Paupo na sana ako sofa ng maagaw ang aking atensyon sa album picture na nasa ibabaw ng kama ni Georgina. Tinitigan ko iyon at para bang may binubulong ang aking isipan na kailangan kong buksan iyon. Curious din ako kung anong mga larawan ang naroon.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kama habang deretsong nakatingin sa cover ng album. It's weird parang may something sa album dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Out of nowhere ay kinuha ko na nga ang album at nung akma kong bubuksan sana ay bigla namang bumukas ang pinto dahilan para hindi ko natuloy ang pagbukas ko ng album.

“Hector where's Georgina?” ang tanong sa akin ni Tita. Pasimple kong nilapag ang album sa bed.

“Nasa CR Tita.” ang sagot ko habang nakatingin ako sa kasama niya.

“By the way, this is Dr. Dylan. Georgina's Doctor!” saad ni Tita.

“I know him Tita. His my friend.” ang saad ko na siyang kinagulat naman ni Tita. Lumapit ako kay Dylan at nag man-to-man gesture.

Pinaliwanag ko kay Tita na kababata ko si Dylan at matagal ko ng kaibigan. Halos magulat naman ang ginang sa sinabi ko. Napangiti na lamang ako at ganon din si Dylan.

“Hector!” ang tawag sa akin ni Kara.

Bumukas na pala ang pinto ng CR at iniluwa nun sila. Akay akay ni Kara si Georgina kaya agad akong kumaripas palapit sa kanila.

“Dylan!!” ang tili ni Kara ng makita ang kaibigan.

“Even you? Kilala mo si Doc Dylan?” ang tanong ni Tita at ngumiti na lamang si Kara ng malapad even Georgina. Nakangiti siyang nakatingin sa kanila.

Inilapag ko si Georgina sa kama at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. I saw something in her eyes. A sad one. Lonely. Fragile. Tired.

“Are you okay?” ang alalang tanong ko. Tumingin siya sa akin ng matagal saka siya ngumiti ng pilit. Pilit na hindi na kayang ikubli ang sakit at lungkot na kanyang nararamdaman.

Nagbulagbulagan ako na hindi ko nakikita at nababasa ang emotions niya instead ay nginitian ko na lamang siya. I know Georgina, ayaw niyang kinakaawaan siya.

“Georgina Iha.” ang saad ni Tita at agad na naupo sa tabi nito. Niyakap at hinaplos haplos ang kamay niya. “Are you okay?”

Lahat kami ay nakatitig kay Georgina habang nakatingin naman siya kay Tita. Malalim ang kanyang tingin na parang binabasa niya kung ano ang nasa isip ni Tita. Kakaiba ang kanyang mga titig. Malalim na nakakatakot.

“How are you Georgina? Okay lang ba na tingnan natin ang kondisyon mo?” ang tanong ni Dylan sa kanya ngunit tila naging bingi si Georgina sa sinabi ni Dylan.

“Mom, w-what's this for?” ang emosyonal na tanong ni Georgina sa kanyang ina. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tita sa amin na labis na nagtataka. “Umaasa pa rin ba kayo na gagaling ako?”

Kita ng dalawa kong mata ang unti unting pagbagsak ng mga luha sa mga mata ni Georgina. She's crying and it breaks my heart. Para akong nadurog sa aking kinatatayuan. Naging tahimik kaming lahat habang nakatingin sa kanya.

“How many times do I need to tell you Mom! I'm dying! I'm too weak! Everyday that I breath sana matapos na.” ramdam ko sa boses niya ang kanyang emosyon. Even Tita ay hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili at tuluyan na nga siyang umiyak. “Bakit ba takot na takot kayong mawala ako!? This is my faith! Bakit kailangan niyo pang ipatingin ako kay Doc. Dylan!? Just to know na okay pa ba ako!? For what!?”

“Georgina.” ang umiiyak na sabi ni Tita.

“Hindi ba kayo naaawa sa akin? Bakit hinihiling niyo pang mabuhay ako? Hindi ko na kaya ang sakit!? All I have right now is to spend more time. 'Yun lang! Masama ba iyon!?” mas lalo pang bumuhos ang kanyang luha at maging ako ay hindi ko na napigilan. Nakatingin ako sa kanya habang namumuo ang aking luha at binabalot ng aking emosyon ngayon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang kanyang suot na pang itaas. Kahit na nanghihina ay nagawa niya pa ring tanggalin ito. In to my shock, nakita ko ang malalaking pasa sa kanyang katawan. Mula sa harap at maging sa likod. Mas lalong napaiyak si Tita sa kanyang nakita.

This situation is totally break my emotions. I started to cry.

“Now tell me! Sabihin niyo sa akin kung deserve ko pa bang mabuhay!? Bakit hindi niyo na lang hilingin na kunin na ako ni Lord!” tumingin siya sa akin habang naglalandas ang kanyang mga luha sa kanyang mukha and even me. I silently, crying.

“Pleased?” bulong niya.

Humagulhol si Tita ng iyak at agad na niyakap ng mahigpit si Georgina at maging ako ay niyakap ko sila. Alam ko kung gaano kabigat ang dinadala ni Georgina.

Sumusuko na siya.

I'm sorry.I said.




Vote and Comments po :)



Maraming thank you sa inyo :) Malapit na pong matapos :)

Kuya Chad :)


Continue Reading

You'll Also Like

39.6K 605 18
Lahat Naman Nakakaranas Na Makasal diba?Pero Bakit Parang Hindi Para sakin ang kasal o sabihin na nating Magkapamilya? Until I meet this Handsome Man...
32.8K 732 36
Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugu...
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
2.5K 81 4
An Epistolary 💭☀️ | Summer Romance In We're Falling Back (the third book in Calgary's Lovestruck Series), Amber and Luke were one of Solana and Bren...