(ONHOLD) Prologue to Love

By Filipina

162K 6.7K 1.3K

Anastacia (Asia) Diaz is a wattpad addict since highschool. Her dream is to be partnered up with the hottest... More

Synopsis
Update One
Update Two
Update Three
Update Four
Update Five
Update Six
Update Seven
Update Nine
Update Ten
Update Eleven
Update Twelve
Update Thirteen
Update Fourteen
Update Fifteen
Update Sixteen
Update Seventeen
Update Eighteen

Update Eight

5.9K 329 63
By Filipina

Asia's POV

"Dalhin mo rin 'to, at eto," naririnig kong sabi ni mama kahit nasa labas pa lang ako. "Ano ba daw oras ang call time?"

"Sabi po eh mga 4," rinig kong sagot ni ate Ami kaya napahawak ako ng mahigpit sa invitation (kung nasaan ang programa) ng aming graduation.

Lumapit ako sa may pinto ng aming bahay (dahil bukas ang gate) at dahil may malapit na bintana doon ay sumilip ako at nakita kong umuwi pala si ate Ami.

"O h'wag mong kalilimutang inumin 'tong gamot mo," sabi pa ni mama na todo lagay at ayos sa mga gamit ni ate Ami.

Si ate naman, tango lang ng tango, busy sa pag cecellphone. Siguro nag wi-Wi-Fi.

Pinihit ko yung pinto at nakita kong napatingin sa'kin si ate Ami.

"Waaah Asia!!!" bati niya sa'kin na may pagtayo pa at niyakap ako. "May klase pa kayo sa Monday?"

Well, graduation lang naman namin 'yun so...

"Kelan ba graduation niyo?" tanong pa niya.

Tumingin ako kay mama. Nakita kong napatingin rin siya sa'kin.

"Sa Monday, ate," sagot ko.

Halata kong napahinto si ate Ami, "Eh? Ay siya, mama, h'wag na kayong sumama sa'kin. Graduation pala ni Asia!"

"Naku, graduation lang 'yun," panimula ni mama. "Wala naman akong gagawin doon kundi tumunganga."

Tumingin sa'kin si mama, "Isama mo na lang ang ate Filipina mo. Siguradong uuwe 'yun para sa'yo."

"Ma naman!" rinig kong sabi ni ate. "Nanay kayo no. Iba pa rin kung magulang di ba!"

"Ala, nakapag bagahe na ko. Ako ga'y sasabikin mo lamang sa pagpunta doon? Bibisitahin ko rin yung kapatid ko. May malubha yung karamdaman."

Nakita kong kumunot ang noo ni ate na parang tinatanong kay mama kung paano niya 'yun nasasabi sa akin.

Tumingin muna sa kisame yung mga mata ko bago ako ngumiti kay ate, "Na-text ko na naman si ate Filipina... Kaya, isama mo na si mama sa London."

"Eh----"

"Geh ate, magbibihis pa ko," sabi ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto ko.

"Eh? Teka! Nakakain ka na, Asia?" pahabol na tanong ni ate habang umaakyat ako.

"Mm!!!" sagot ko na may pagtango pa.

Sasabihin ko sanang "Nakakain na ako" pero alam kong hindi ko na magagawa kase pustahan malalaman nilang naiiyak ako.

Paniguradong mag cra-crack lang yung boses ko.

Nakatalikod naman ako kaya sigurado akong hindi nila napansin.

Hay...

Ewan ko ba.

Hindi ko alam kung mababaw ba 'to, pero... Naiiyak ako.

Sa sobra-sobrang effort na ginawa ko, kulang pa rin pala.

Kulang pa rin para ako ang iuna niya sa mga bagay-bagay.

Kailangan ko pa yatang magkaroon ng malubhang sakit eh.

Sabagay, hindi rin siguro. Baka nga mas itakwil ako ni mama pag magkaroon ako ng sakit eh. Iisipin na naman niyang gastos na naman ako at isang kamalasan sa buhay niya.

Pero hindi...

Hindi ako iiyak.

Bakit ba ako iiyak eh sanay na naman ako sa ganun?

Lumapit ako sa study table ko kung saan nakapatong ang speech ko para sa graduation.

Natawa na lang ako sa isip ko habang pinupunas yung luha sa mga mata ko.

Ano ba Asia! Ang drama mo, tigilan mo na ang pag-iyak! Dinaig ko pa ang brokenhearted eh!

Ginusot ko yung speech ko kase naka-sentro ito masyado kay mama.

Bakit ko ba siya ibibida sa speech ko gayong hindi naman siya dadalo nito?

* * *

< Monday >

"O picture! 1! 2! 3!" sigaw ng nanay ni Joshua.

Naramdaman ko ang pagdikit sa akin ni Joshua na tila sayang-saya.

"O kayo naman ng girlfriend mo!" sigaw pa ng nanay nito.

Ngi-ngiti ngiti na lang ako kahit sa isip-isip ko e ngawit na ngawit na yung bibig ko sa pag ngiti.

Nung una, parang hindi ko makasanayan na may 'boyfriend' ako. Kasi ano... I mean, in these past few days, first time kong magkaroon ng taong and'yan at lagi akong kinakamusta.

Maya-maya ay tumigil na sa pagpipicture. Nanawa na din sa wakas sa pagmumukha haha.

Gusto ko na ngang bumalik doon sa pila ko talaga kaya lang hindi ako maka-tyempo sa pagpapaalam sa kanila. Nakaka-OP kasi sila.

Ang 'kanila' at 'sila' na tinutukoy ko eh yung pamilya ni Joshua na kulang na lang eh pati mga ninuno eh narito. Ang dami niya kasi talagang kasamang kamag-anak.

Natatawa na nga lang ako kapag binibiro si Joshua na may medalya daw makukuha (kahit wala) kaya lahat daw sila ay naririto.

Nakakatuwa nga sila eh. Nakakainggit.

"Bakit hindi pa nadating ang mga magulang mo?" rinig kong tanong ni Joshua habang nagsasaya yung mga kamag-anak niya.

"Ah, hindi yun darating," sabi ko habang nakatingin sa buhok at kinukulot (gamit yung daliri) ko yung buhok ko.

"Ha?! Bakit?" tanong niya.

"May trabaho," pasimple kong sagot habang nakatingin pa rin sa buhok ko.

Hindi ko naman kasi na-text si ate Filipina. Nahihiya rin naman akong sabihin sa kanya kasi alam kong susugod yon at mumurahin si mama. Eh, ayoko namang pilitin ang a-ayaw sumama sa akin, di ba? Mas mabuti nang ganito.

"Ganun? Valedictorian ka ah? Hindi sila pwedeng lumiban? Graduation mo naman eh!"

Tumingin ako sa kanya, "Hindi eh. Ayos lang naman sa'kin."

Sanay na naman ako eh.

May sasabihin pa sana si Joshua kaya lang tinawag siya ng mama niya. Dumaan kasi yung principal kaya dali-dali silang nagpapicture sa kanya.

Habang busy sila eh pasimple kong tinawag si Joshua at sinabing babalik na ko sa pila.

Rinig kong nag "Wait!" pa siya kaya lang umalis na ako agad.

Pagbalik ko sa pila, dahil hindi ko naman mga kaklase yung mga nasa paligid ko (naka-arrange kasi alphabetically ang surnames), tinutok ko na lang ang mga mata ko sa cellphone ko.

Naghanap ako ng mababasa sa wattpad kaya lang hindi ako makahanap ng maganda-ganda.

Tiningnan ko tuloy yung mga nabasa ko na at binasa ko na lang yung puno ng comedy na story ni Yuokim.

Yizz naman! At least ga-gaan ng konti yung loob ko!

"O, cellphone pa rin lagi mong hawak, Miss Anastacia!" puna ni Ma'am na nasa likod ko pala. Nakatawa naman siya kaya ngumiti ako.

"Ala Ma'am, pagbigyan niyo na!" biro ko kasi kilala si Ma'am na taga-kumpiska ng gadgets among 4th years.

Mas mabuti nang makitang cellphone ng cellphone kesa naman makitang nakatingin lang sa kawalan.

"Uy si Asia!" rinig kong sabi ni Precious. "ASIAAA!" tawag pa niya na may pagkumpas pa ng kamay na sinasabing pumunta doon.

Ngumiti muna ako kay Ma'am (na tumango at ngumiti rin pabalik) bago ako pumunta doon kina Prey na busy sa pagpipicture.

Tawa pa nga ako ng tawa kasi nagmumura ang neon pink na monopod ni Prey!

Wacky naman kung wacky ang pose namin ng mga kaklase ko.

Maya-maya ay narinig kong nagkakagulo kase and'yan na raw si Jolo.

Hindi na ako nakisiksik para makita siya. Nasa likod kasi ang pila ng mga lalaki. Masyadong malayo kaya pinagpatuloy lang naming mga kaklase ang pagpipicture.

Maya-maya rin ay pinaayos na sa amin ang pila dahil papasok na daw sa gymnasium.

Nagsibalikan tuloy yung mga kaklase ko sa pila.

Todo punas naman yung ina sa anak niya doon sa nasa unahan ko.

Sa likod ko naman, rinig na rinig ko ang biruan nila kung paano daw ngingiti doon sa official photographer.

Pagtingin ko naman sa tabi ko, wala akong nakita.

Hahaha!

Ano ba Asia, hindi 'yan big deal! H'wag ka na naman magdrama d'yan kasi kahapon nailabas mo na lahat ng tubig sa katawan mo! Baka ma-dehydrate ka niyan! Sige ka!

"Bakit hindi pa nadating yung magulang nung nasa unahan natin?" rinig kong mahinang sabi nung nanay sa may likod ko.

"Sssh! Malay ko! H'wag na lang kayong maingay!"

Agad akong tumingala, kunware tumitingin sa kisame ng gym.

Ughh...

Pumikit-pikit ako para mawala yung tubig na namumuo na naman sa mga mata ko.

Asia, ayos lang 'yan! Sanay ka na kaya umayos ka!

Nakita kong umuusad na pala yung pila. Naglakad ako at hindi ko mapigilan ang sarili kong ma-conscious kasi ang dami ko nang nakikitang nakatingin sa aking magulang at tinuturo kung bakit wala akong kasama.

"Kawawa naman yung bata," rinig ko pang komento habang naroroon na ako sa may hagdan ng stage kasi isa-isang umaakyat sa stage (kasama ang magulang) upang magmartsa at magpapicture.

Mabilis rin naman ay umakyat na rin akong mag-isa. Mabuti na lang at lumapit sa akin yung adviser namin at sinamahan ako.

Gusto ko sanang mag thank you kay Ma'am kaya lang hindi ko masabi. Baka maiyak kasi ako eh.

Pagbaba ko, nakatungo kong tinungo yung upuan ko sa may unahan. Maya-maya rin naman ay natapos ang unang martsa at tinawag kaming mga honors (na magsasalita) sa may stage at doon pinaupo.

Aaminin kong ang tagal ng programang 'yon. Pero sa huli, sabay-sabay kaming tumingala at pinatalsik ang graduation cap.

Oo, graduate na kami!

Hindi naman ako nagmamadali sa paglabas sa gym. Katunayan, nakipagpicture-an pa ko sa mga admin ng school at guest speakers na andun. Oo, kahit mag-isa ako. Eh ano naman? At least naka-iPhone 6 ako na bigay ni ate Ami hahaha! Gift niya daw sa'kin! Masisira ko na naman 'to for sure hahaha lahat kasi talaga nasisira sa akin. Seryoso.

Matapos kong makipagpicture eh lumabas na ako ng gym at hinanap kung nasaan ang mga kaklase ko at para ibalik yung cap and gown sa aming adviser.

Sa malayo ako nakatingin nang bigla namang napatigil sa pagtibok yung puso ko nang malaman kong nasa harap ko na pala si Jolo!!!

Sa sobra kong pagkatameme, wala talagang pumasok sa isip ko na pwedeng sabihin.

Nang pisilin lang niya yung pisngi ko at sabihin niyang, "Congrats," dun lang ako natauhan.

"Ha--- Ah?! S-sayo din!" sabi ko agad.

Bago pa siya tuluyang mahila ng mga estudyanteng gustong magpapicture sa kanya, nag slow-motion at nagblur talaga yung paligid at tanging tibok lang ng puso ko yung nararamdaman ko nang lumapit siya sa tenga ko at sinabing, "Mamimiss kita."

Hindi ko yata alam kung ilang segundo o minuto ako nakatayo lang dun sa kinatatayuan ko. Basta ang alam ko lang, nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat galing kay Precious at sinasabi niyang hinahanap na daw ako ni Ma'am dahil hindi ko pa daw binabalik yung cap & gown ko.

Nahirapan pa nga akong ilakad yung mga paa ko nung una eh. Hindi naman naglaon eh nakita ko na si Ma'am na nagtatawag ng surnames.

Hinubad ko yung gown at lumapit kay Ma'am.

Plano ko talagang magpasalamat kay Ma'am dahil siya talaga yung tumayong nanay ko simula June hanggang graduation.

Kaya lang hindi ko talaga masabi kasi nahihiya ako. Natatakot rin ako na baka sumabog ako at umiyak dahil ang dami dami ko nang kinikimkim sa akin kaya hanggang , "Ma'am, eto po yung cap and gown ko" lang ako.

Pero, Ma'am, hindi ko man masabi, thank you po. Thank you po ng marami.

...

Napansin ako ni Ma'am at talagang umalis siya sa pwesto niya at lumapitsa akin at niyakap ako, "Waah congrats iha!"

Pigil-pigil ko lang talaga yung sarili ko pero ramdam kong malapit na talaga bumigay kaya pumikit ako ng pumikit.

Inalis ni Ma'am ang pagkakayakap sa akin, "I'm so proud of you!"

Buti pa si Ma'am, proud sa akin.

Tumingin ako sa taas at tumawa, "Nako si Ma'am pinapaiyak ako!"

"Keep the good work ha? Malayo mararating mo," sabi pa ni Ma'am

Buti pa si Ma'am, may tiwala sa aking kakayahan...

Kahit pinigilan ko, meron talagang tumulo eh. Buti na lang at kaunti lang.

Pinahid ko yun at agad na nagpaalam kay Ma'am.

Pumunta muna ako sa lugar na alam kong medyo tago. Umupo ako at doon ko nailabas lahat ng kanina ko pang pinipigilan.

Ni-restrict ko naman ang sarili ko sa paggawa ng ingay habang umiiyak ako na parang t*ng* dito.

Matapos yon ay tumayo na ako at dumiretso sa C.R. kase naiihi ako.

Yun lang, sobrang haba ng pila kaya pinigil-pigil ko muna at nilakad na lang yung pinakamalapit na mall mula sa school.

Hindi rin naman nagtagal ay nailabas ko na ang ihing aking kinikim-kim. Hayy sarap! Masyado ko yatang na-stress out yung internal urethral sphincter ko. Hays sorry! Hahaha!

Habang nag-aayos ako ng bangs sa salamin doon (sa C.R.) at pinagmamasdan ang mata ko kung halata bang umiyak, naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bag kaya kinuha ko.

Nakita kong tumatawag pala si Joshua kaya sinagot ko.

"Hello?" panimula ko habang tinatago ko yung suklay sa may bag ko.

"(@#%& ka?)" rinig kong sabi niya sa kabilang linya.

"Ha?" tanong ko kasi hindi ko naintindihan.

"(@#%&? @#%& ka pa?)"

"Ha? Teka, choppy ka," sabi ko at lumabas na doon sa C.R. "Pakiulit nga nung sinabi mo?"

Hinihintay ko yung sasabihin ni Joshua kaya lang, dahil sa naglalakad ako, may nabangga pala akong balikat at sobrang lakas niya kaya ako yung nasaktan at tumalsik pa yung phone ko.

Speaking of.

Kitang-kita ko yung reaksyon nung isang sosyal na babae na nakakita nung pagtalsik nung phone ko. Parang siya pa yung hinayang na hinayang, "Yung cellphone nung ate!!!"

Ang bilis nung pangyayare kaya ang sunod ko na lamang nalaman at nakita ay ang phone kong, fortunately eh hindi naman nagkahiwa-hiwalay, pero yung screen, black-out.

Napatingin ako doon sa lalaking nabangga ko at ang unang una ko talagang napansin eh yung facial expression niya na parang sinasabing, "Buti nga sa'yo". Sunod ko pang napansin na parang nakita ko na siya somewhere before.

Kinuha ko yung phone ko at tinry kong i-On pero... Sumalangit nawa na yata agad ito.

Gustong gusto ko talagang sumabog at gumawa ng eksena pero pinigilan ko kase baka ma-viral pa ko. Ayoko namang sumunod sa yapak ni Amalayer...

Tiningnan ko na lang ulit yung lugar kung san nakapwesto yung lalaking nabangga ko, at pagkita ko, nakatalikod na ito at kasama sa paglalakad ang isang may edad na lalaki at babae.

Napamura na lang ako sa isip ko kase... yung picturesssss!!! Hindi ko man lang naupload, yung totoo!!!

Tumingin ulit ako dun sa lalaki at ngayon ko lang napansing naka-uniform ito ng school doon sa all-boys na malapit sa school namin.

Teka!!!

HAYOP NA YUN AH!!! SIYA YUNG TAE AH?!

HAYUUP NA YUN! MAKIKITA NIYA! PAG NAKITA KO ULIT YUN, TALAGANG HINDI KO KALILIMUTANG GUMAWA NG PAGHIHIGANTI!!! DAMI NA NIYANG KASALANAN SA'KIN HA!

NAKU NAKU!!!

HE BETTER WATCH OUT! TALAGANG NASA WANTED LIST KO NA SIYA!!!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 82K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
265K 18.2K 86
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...