His Millionaire

By Alisahjin

189K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 4 : The Millionaire
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 23 : The Dinner

3K 66 3
By Alisahjin

•Hector's POV•

"Mister, kinakabahan ako." ang saad niya sa akin ng makarating kami sa bahay. Actually, nasa sasakyan pa lang kami ay sobra ng kinakabahan siya. Halata sa kanyang mga mata ang pagiging hindi komportable.

"Sabi ko naman sayo diba? Huwag kang kabahan." hinawakan ko ang kanyang kamay at deretsong tumingin sa mga mata niya. "As long as, nandito ako sa tabi mo, wala ka dapat ipangamba. I'm sure matutuwa sila na makilala ka." ang pahayag ko saka nginitian ko siya.

"B-baka kasi--Hindi nila ako magustuhan. Natatakot ako. Ganito na ang itsura ko. Nakakahiya."

"Bat ka naman mahihiya? Si Mom pa nga ang nagsabi na gusto ka nilang makilala." kinabig ko siya pasandal sa aking dibdib. "Never kitang ikakahiya."

Umiling-iling na lang siya bilang sang-ayon sa akin.

"So let's go?" ang tanong ko. Nakipagsabayan ako sa mga titig niya hanggang sa tumango siya. Pasimple akong napangiti dahil sa reaksyon niya.

"Wait!" saad niya dahilan para mapatitig ako sa kanya. Dahan dahan niyang tinanggal ang wig sa kanyang ulo dahilan para makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Tanging guhit lang sa kanyang kilay ang nagbibigay buhay sa kanyang magandang mukha.

"Sigurado ka?" ang nag-aalalang tanong ko.

Lumapad ang kanyang ngiti na parang may sinabi akong nakakatuwa pero in fairness maganda pa rin siya kahit wala ng buhok ang kanyang ulo.

"Diba sabi mo hindi dapat ako mahiya!? And beside maganda pa rin naman siguro ako kahit na wala na akong buhok." ang pabiro niyang sabi.

"Of course. You are beautiful inside and out George!" ang saad ko at saka ko siya hinalikan sa kanyang mga labi kasunod nun ang malulutong naming tawanan. It's just like normal, parang wala siyang sakit.

"Let's go." ang sabi ko ulit.

Nauna na kong bumaba at agad na pinagbuksan ko siya ng pinto para makababa siya ng sasakyan. Kinuha ko naman ang jacket sa loob ng sasakyan at isinuot iyon sa kanya. Madali pa naman siyang lamigin. Nakaalalay ako sa kanya ng maglakad kami papasok ng bahay.

Hawak ko ang kanyang kamay habang inaalalayan ko siya baka kasi matumba siya bigla. Alam niyo naman mahina na ang mga buto ni Georgina.

Sa pagpasok namin sa living area ay nakita namin si Ate. Nagulat pa nga siya ng makita kami. Pinagmasdan niya ng maigi si Georgina at ng matauhan ay agad na lumapit sa amin at nakipagbeso.

"Hi? Georgina right?" ang masayang sabi ni Ate at niyakap niya ng mahigpit si Georgina. "You look familiar!?"

"Ate!"

"Ewan. Parang nakita na kita." ang dagdag pa ni Ate.

"Hindi ko alam eh. Madami na akong nakakalimutan. Madami ng mga alaala ang naglaho sa isipan ko." ang saad ni Georgina saka siya tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. Nakakalimutan niya na lahat?

"Sorry. Sandali tawagin ko si Mommy!" paalam niya sa amin.

Pinaupo ko muna si Georgina sa sofa. Hindi ko rin maiwasang titigan siya ng maigi.

Naalala ko nung una ko siyang nakita. Sobrang pamilyar niya din sa akin pero hindi ko lang talaga matandaan kong saan!

"Mister!" bigla akong napakurap sa gulat tapos ngumiti siya ng pasimple. Sobrang sarap sa pakiramdam. "Kanina mo pa ako tinitingnan."

"Iho!" sabay kaming napalingon kay Mommy kasama niya si Dad at si Ate. Agad na lumapit si Mom sa akin at hinalikan ako saka niya ibinaling ang tingin kay Georgina. "Iha. How are you?" ang saad ni Mommy at niyakap niya rin ito.

"Okay lang po ako." ang magalang na sabi ni Georgina.

"'Wag kang mawalan ng pag-asa. Hanggat nabubuhay ka pa tuloy lang ang laban!" ang pagpapalakas-loob ni Mommy.

Naging emosyonal ako sa part na nakita kong pinapalakas ni Mommy si Georgina. Supportive mother. Thanks Mom.

Nginitian ko si Georgina ng dumako ang tingin niya sa akin. Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo siya. Ako na rin ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. Asikasong asikaso ko siya. Gusto kong maramdaman niya kung gaano siya kaimportante sa akin.

Naging light ang usapan sa hapag-kainan. Napakagaan ng dating. Walang halong kalokohan. Light lang. Si Mommy naman ay tuluyan na nga akong nilaglag kay Georgina. Ngayon lang daw niya nakitang maaliwalas ang mukha ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti lalo na kapag sinasakyan ni Ate ang panunukso ni Mommy.

Super defensive naman ako dahilan para matawa si Georgina at maging si Daddy.

"Iho, para kang bumalik sa pagiging teenager." ang saad ni Daddy sa akin.

"Dad!? Akala ko ba your in my side?" ang pabirong saway ko kay Dad at kasunod nun ang malulutong nilang tawanan.

Even Georgina, ang lakas ng kanyang tawa at ang sarap niyang titigan. Ang sarap niyang pagmasdan habang naririnig ko ang malulutong niyang tawa. Nagpatuloy ang aming masayang hapunan. Sobrang ganda ng gabi na ito para sa akin. Seeing my parents, my ate na nakikitawa in front of me and Georgina. Sobrang nakakamiss yung ganito.

As minutes past by ay mas lalo pang lumalim ang usapan. Naging seryuso minsan pero napapalitan iyon ng tawanan.


CRAAAASSHH!!!




Sabay sabay kaming napalingon nila Mommy, Daddy at Ate kay Georgina ng malaglag nito ang pinggan niya sa floor dahilan para mabasag ito.

"She's bleeding!" ang reaksyon ni Ate.

Agad kong inalalayan si Georgina at maging sila Mommy at Daddy ay agad na lumapit sa amin.

"Are you okay?" ang alalang tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naninigas ang kanyang katawan habang umaagos naman ang dugo sa kanyang ilong. Takot na takot ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Mommy!!" ang sigaw ko at kasunod nun ang pagpanic ko.

Binuhat ko si Georgina as my Mom said. Sobrang lakas ng aking kaba dahil sa takot. Inilapag ko si Georgina sa sofa at lumapit naman si Mommy. Kita ko ang panghihina sa buong katawan niya.

Iniabot ni Ate kay Mommy ang tissue at pinunasan niya ang ilong nito.

Nakatingin lang ako kay Georgina habang inaasikaso naman siya ni Mommy. Sobrang takot na takot ako. Takot na takot. Hindi pa ako handa na mawala siya. Ayuko pa. Gusto pa kitang makasama!

Ilang sandali pa ay nakita ko ng nakakahinga na ng maayos si Georgina. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"'Wag mo muna akong iwan ha?" ang saad ko. Ramdam ko ang pamumuo ng aking luha pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

"She's tired!" ang saad ni Mommy.

Nginitian ako ni Georgina. Kakaiba ang mga ngiti niya. Isang maaliwalas na mga ngiti.

"Mom?" tumingin ako kila Mommy na pabalik na sana sa dining area. "Thank you." ang sabi ko. Isang ngiti lang ang isinagot ni Mommy sa akin.

Ngayon lang ulit ako nakapagsabi ng thank you! Sobrang big deal nito para sa akin.

Naiwan kaming dalawa ni Georgina sa sofa. Nakatitig ako sa mga mata niya at ganon din siya sa akin.

"Mister, thank you." ang saad niya.

"Thank you for what?" ang tanong ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Basta." saka niya ako nginitian.

Iniwan ko muna siya saglit upang ipaalam kila Tita, Tito ang nangyare sa kanya. Bakas sa boses ng mag-asawa kung gaano sila ka sobrang nag-alala. Maging ako ay ganon din ang naramdaman ko ng makita ko si Georgina. Nakakatakot! Matapos noon, ay binalikan ko si Georgina na nagpapahinga pa din. Pinagmasdan ko siya ng maigi habang nakatingin naman siya sa kisame. Deretso ang kanyang tingin na parang di niya ako nasisilayan.

Kung may magagawa lang sana ako kaso wala! Wala akong magawa kundi tingnan siya at pagmasdan habang unti unti siyang nilalamon ng kanyang karamdaman.

Ilang sandali pa ay dumating na sila Tita kasama ang governor. Magiliw naman silang sinalubong nila Mommy at Daddy. Pinaliwanag din nila kung ano ang nangyare kay Georgina. Ang lakas ng aking kaba habang nakatingin ako sa main door anytime ay papasok na sila sa loob.

"Georgina wakeup!" ang mahinang sabi ko.

Napatigil ako bigla ng makita ko sila Tita. Agad silang lumapit sa kanilang anak. Bakas sa mga mukha nila ang sobrang takot at sobrang pag-aalala. Humingi ako ng tawad sa kanila dahil sa nangyare bagkos sinabihan nila akong wag kung sisihin ang aking sarili sa nangyare.

Binuhat ko si Georgina papasok ng sasakyan. Maayos akong nagpaalam sa kanya at nangakong dadalawin ko siya kinabukasan.

Kalungkotan ang gumuhit sa aking mga mata. I can't imagine na paano kapag nawala na nga siya? Makakaya ko ba? Kaya ko ba? Isipin ko pa lang sobra na akong nahihirapan.

Wala akong ibang hiniling kundi ang humaba pa ang buhay niya at makasama ko pa ng matagal. Ayukong mawalan ng pag-asa. Aasa at aasa ako. Ayukong mawala siya sa akin.

Pabalik na ako ng bahay ng makita ko si Dad na nakaupo sa veranda kaya pinuntahan ko siya. Tahimik akong naupo, nakayuko at hindi alam kung anong gagawin.

"Son, no matter what happen nandito lang kami. By this time, hindi ka namin pababayaang nag-iisa." ang pagbasag ng katahimikan ni Dad. Dumako ang aking tingin sa kanya at para bang bumuhos ang aking emosyon. Hindi ko napigilan ang aking sarili at tuluyan na nga akong napahikbi.

"Dad I'm sorry. I'm s-orry kung na disappoint ko kayo. I'm sorry kung naglaho ang pangarap mo ng dahil sa akin." umiiyak kong sabi.

"Hector, don't say sorry. Minsan kailangan nating magkamali para matuto tayo. Kailangan nating maging matatag lalo na sa ganitong pagkakataon." ang saad niya sa akin.

Patuloy pa rin na naglalandas ang luha sa aking mga mata. Napapahikbi ako dahil sa mga bagay na naaalala ko. Pagkakamaling nagawa ko kila Mommy at Daddy tapos ngayon nasa tabi ko sila para patatagin ako sa laban ko.

"Kailangan mong tatagan ang loob mo Hector. Baka sa susunod. na mga araw ay baka hindi mo na siya makita. Kailangan mong ihanda ang sarili mo." ang seryusong sabi niya sa akin kaya mas lalo pa akong napahagulhol.

Nilapitan ako ni Dad at doon ay niyakap ko siya ng mahigpit kasunod nun ang tuloy tuloy na pagdaloy ng aking luha.

Alam kung sobra akong malulungkot kapag nawala na si Georgina. Nasanay na ko na lagi siyang nandiyan para sa akin. Hindi ko kaya!

Continue Reading

You'll Also Like

99.9K 1.9K 59
Isang pinakamagaling na doktor at isang kilalang Ceo ng isang makaling kompanya ay magsasama dahil sa isang kasunduan, magiging madali kaya ang laha...
111K 2.5K 22
Leilany Gonzales, yan ang pangalan alam niya mula ng magising siya sa isang mahabang pagkakakacomatose. Pero pano na lang kung isang araw ay malaman...
38.5K 724 42
LET THE STORY BEGIN.. IN ONE! TWO! THREE ! (-^〇^-)*CLICK* ------------------- This book is work of fiction names , characters,places and incidents...
557K 10.1K 56
Romance | Comedy | Family Kaya mo ba harapin ang responsibilities at problems ng pagiging isang mother? Kaya mo bang magluto? Ang maglaba, manahi, m...