Concealed Truth

By fryjbll

32.6K 637 59

What if after 7 years of traveling around the world Ivan decided to come home and suddenly don't know his be... More

Prologue
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
Epilogue
FIN

04

1.1K 23 1
By fryjbll

" Yun pala yung sinasabi niya." ani Dennise nang makaalis na sila Maddie sa table namin. It was the worst dinner I've ever had. Not that I'm complaining about the food but because of that know-it-all dumbass na mukhang namang kawayan na Zolo na ungas na yun.

" So alam mong may boyfriend siya?" Tanong ni Alex.

" No. She was just telling me about a guy she met at the gym. Malay ko bang jojowain niya yun." sagot naman ni Dennise.

" Does the guy know that she has a son?" tanong naman ni Rex.

" At kinausap man lang ba ni Maddie si Liam about this?"

" Obviously, the guy knows pero I don't think Liam approves of him." sabi naman ni Therese. We all looked at Liam and he looked scared at that asshole standing in front of him. While Maddie was acting like a teenager. Kilig na kilig sa Zolo na yun.

" Well tignan na lang natin kung paano mapapaamo ni Zolo si Liam." sabi ni Tri.

" Di niya mapapaamo yan." sabi ko. They all looked at me at halatang mga nagtataka sa sinabi ko,

" Bakit naman?"

" Look at the two of them. Liam is obviously scared of him and Zolo looked tensed na parang natatae na ewan." sabi ko

" Kawawa naman yung inaanak ko. It's his birthday pero nasira mismo ng nanay niya."

" Hindi naman siguro." ani Rex

" He's just shocked."

Umiling ako saka na lang tumayo para kumuha ng maiinom. Since walang nakaready na drinks ay hinintay ko na lang na matapos magtimpla ng juice yung waiter. While waiting, naisipan kong obserbahan sina Maddie at Zolo. Naweweirduhan ako kay Maddie. Kanina lang akala mo asawang iniwan ko nung nagkita kami. Akala ko may chance na ko yun pala may boyfriend. And the weirdest part is that she doesn't want to be in any kind of relationship tas ngayon biglang may ipapakilalang lalaki na boyfriend?

" Ivan, are you okay?" napapitlag ako when someone tapped me on the shoulder. Paglingon ko ay si Tita Donna pala.

" Tita! Hello po." bati ko

" Okay ka lang?" tanong niya.

" Yeah. I'm good po. Kamusta na po tita? Long time no see ah."

" Okay naman din. Eto, tumatanda na. Malapit na nga dumami yung white hairs ko eh. Hahahha!" she laughed. Natawa rin ako sa sinabi niya.

" Saan ka ba nanggaling bata ka ha? You've been gone for quite a long time ihjo."

" Well, I went to Vietnam po kasi tita. I was trying to explore more about my profession."

" Ah. Artist ka nga pala. So what happened?"

" Ayun po. Went to Vietnam. Lived there for a month habang pinapagaralan ko po yung iba't ibang styles nila in arts then after po nun, went to Germany and stayed there for two months, I think. Yeah 2 months nga po. Ganun din po. Tried to learn a lot about their techniques, nag-explore ng mga pwedeng kakaibang gawin, kumilala ng iba't-ibang artists na kagaya ko po. Then I went to Amsterdam din po. Actually po di ko na nga alam kung nakailang bansa ako tita." kwento ko. She smiled at me as she nods.

" Well, maganda naman pala nangyari sayo nung umalis ka. Eh bakit umuwi ka pa? Parang enjoy na enjoy ka sa pagtatravel mo eh. And I know you ihjo. Once you start on something, di mo na lulubayan yan."

" Hahahaha. Hay nako tita. I realized po that no matter where I go. I'll always miss the Philippines. Masaya po magtravel sobra. Dami ko pong namemeet na mga tao, daming napupuntahan. Pero iba pa rin pag may pamilya ka, or mga kaibigan na kasama. Also, I grew tired of going from one country to another po." sabi ko.

" Hay nako ikaw talagang bata ka." aniya

" By the way, have you met Liam?"

" Opo. Napakacute na bata po niya. Kaya lang nahihiya pa po sakin eh." sagot ko

" Masasanay din sayo yan. Syempre bago ka pa lang nakilala. Try to visit him sa bahay. Para makasundo mo. Alam mo mga hilig niya? Comics, superheroes, drawing. Parang ikaw. Naalala kita nung bata ka pa. Kapag iniiwan ka ni Det sakin kapag pupunta siya sa trabaho, yung backpack na dala-dala mo puno yun ng papel, krayola at lapis." kwento ni Tita Donna.

" Nakakatuwa ngang isipin na dati, bata pa lang kayo ni Maddie. Naghahabulan, nagrewrestling, you even saw each other's poops tapos ngayon eto na. May anak na siya. Ikaw naman maganda na rin ang career."

" How times flies po no, Tita?" sabi ko. Tumango siya and we both watched Liam as he sits in front and observes the crowd before him.

" Tita..."

" Hm?"

" Matagal na po bang boyfriend ni Maddie yung kasama niya?" tanong ko.

" Sino? Si Zolo? Hindi bago lang yan. I think nagkakilala lang sila a few months ago. Well, hindi naman kasi ako nangingielam sa buhay ng anak ko. Kaya di ko rin alam how long are they already."

" Ah. Parang di po pasado sa apo niyo ah." pabirong sabi ko. Natawa rin si Tita and nodded her head.

" You're right. Liam doesn't like other guys for his mom. Gusto niya kasi siya lang ang lalaki sa buhay ng mommy niya."

" Well, ang akin lang naman po tita ha? Liam is more than enough for Maddie. She should just focus her attention to him lalo na't lumalaki na po yung bata."

" Hay nako Ivan. You know I can't control Maddie's life and decision making. Ako naman eh gumagabay lang sa kanya at sa apo ko."

" Sabagay. Maddie is a stubborn lady. Nakakapagtaka lang po na kung kailan siya nagkaanak saka niya naman po naisipang maghanap ng mapapangasawa. Dapat po pala nagpakasal muna siya before she decided to have a baby."

" Ewan ko ba sa kaibigan mong yan. Masiadong magulo ang utak!" she said making me laugh.

" Hala sige na. I'm taking too much of your time na. Bumalik ka na dun kila Dennise."

" Hahahaha. Namiss po kita Tita. Dadalaw po ako sa inyo next time ha? Pagluto niyo po ako."

" Oo naman. Kahit wala si Maddie dun, dalawin mo lang ako like what you're doing before." tumango ako and went back to our table.

" Namiss ka ni Tita Dons no?" ani Dennise. Tumango ako saka natawa.

" Ansabe niya sayo?"

" Magulo daw utak ng anak niya. Hahahaha!"

" Kailan bang hindi?" sang-ayon nilang lahat maliban kay Therese.

" Hoy, grabe kayo kay Mads ha."

" Chillax, Threy. Totoo naman kasi aminin mo." ani Tri

" Eh wala na tayong magagawa dun. But as her friends, we should just be happy for her." kibit-balikat niya.

" Hay nako. Ang forever kakampi." singhap ni Dennise

" Oo tas ikaw yung forever na kontrabida." ani Therese.

" Naman Threy. Di pwedeng walang demonyo at anghel sa barkada eh." sagot ni Dennise at nag-apir pa sila.

We stayed until all the guest went home. Pinagtulungan na rin naming iuwi sa bahay nila Maddie ang lahat ng gifts ni Liam.

" Grandma, can I open my gifts now?" narinig kong tanong ni Liam kay Tita Donna. Pinanood ko siya at saka hinanap si Maddie.

" San si Maddie?" Tanong ko.

" Bakit miss mo na?" sagot naman ni Tri

" Tanga hindi. Asan ba?"

" Andun sa labas kausap si Groot."

" Groot?"

" Oo yung syota niya." aniya sabay tawa.

" Baho ng pangalan pucha. Hahahaha."

" Ginawa mong avenger gago." sabi ko at tumawa na rin. Nagulat ako when I felt someone tapping my knee. Lumingon ako and saw Liam standing with my gift in his hands.

" Ninong, can I open them already?" he asked

" Of course! Halika, tulungan ka na ni Ninong." sabi ko saka siya kinalong and we ripped the gift wrapper together.

" Wooooooow!!!" he said in amusement as he pulls out the box of Xbox from the wrapper.

" This is mine?" he asked.

" Of course. Ninong bought it for you." tango ko.

" Woooow!" ulit naman niya at tinitigan pang muli ang regalo ko sa kanya.

" Thank you, ninong!" sabi niya pa sabay yakap sakin.

" You're welcome. Kapg dinalaw kita dito, we'll play it together. Okay?" sabi ko

" Yes!" bulalas niya sabay takbo sa kitchen.

" Grandma looked at what Ninong Ivan gave me! Look! Look!" I heard him said

" Wow naman. You have your own Xbox na, apo!" tuwang sabi naman ni Tita Donna.

" But remember what your mommy said?"

" I can only play during weekends, noted grandma." aniya

" Very good. And I'm sure Ninong Ivan will play that with you sometime."

" Yes." tango niya sabay takbo pabalik sa akin. He sat beside me and he gave me the cutest smile I've ever seen.

" Ninong, can you play this with me tomorrow? Please?"

" Nako, bro. Wala ka ng kawala sa batang to." sabi ni Tri saka pa niyakap si Liam. Tumawa naman ang paslit at saka ulit tumingin sa akin.

" Come on, bro. Pagbigyan mo na yung inaanak natin. Minsan lang maglambing yan oh." ani Rex. I looked at Liam and he stared back at me with those big round eyes.

" Okay. I'll come back here tomorrow." sabi ko.

" Yeheeey!!!" masiglang sabi niya sabay yakap ulit sa akin.

" Tignan mo tong magninong na to. Kanina lang nagkakilala yan ha pero mukhang di na maghihiwalay." narinig kong sabi ni Dennise.

" Sinabi mo pa. To think na Liam is a really shy kid pero tignan mo naman. Sobrang kapit na kapit agad kay Ivan." dagdag pa ni Therese.

" Uy, kayo ngang magninong dyan. Harap kayo dito. Let me take a photo of you guys."

" Oh. Liam, Ninang Therese wants to take a photo of us. Look at her muna." sabi ko. Liam looked at where Therese is standing and we both smiled for the camera.

" Nice shot!" aniya. Kinuyog naman nilang lahat si Therese para makita ang picture at nagulat ako nang sabay-sabay silang tumingin sa amin ng bata at pagkatapos ay pabalik sa phone ni Therese.

" Oh bakit?" pagtataka ko.

" Ayos to dude ah. Hawig kayo ni Liam." ani Alex

" Talaga?" gulat na tanong ko. Tumango silang lahat and gave me the phone. Pinagmasdan ko ito at pagkatapos ay natawa.

" Mga sira. Parang hindi naman."

Pinagmasdan kami ni Rex tapos ay tumingin ulit sa phone ni Therese at nagbalik ng tingin sa amin.

" Ah hindi nga gaano. Sa unang tingin lang." sabi niya

" See?" sabi ko naman at ngumiti pa

" Oh ano? Uwi na tayo." anyaya ni Dennise kay Alex.

" Oks. Ano guys? Una na kami."

" Hon sabay na tayo. Naalala ko may trabaho pa pala kong naiwan sa bahay." sabi naman ni Therese kay Rex.

" Oh sige. Maaga din flight ko bukas eh." sabi naman ni Rex

" Kayong dalawa ba?"

" Uh..." sabi ko saka tumingin kay Liam na tahimik lang na nagmamasid sa amin.

" Babalik ka naman bukas dito Bei. Uwi na din tayo." anyaya ni Tri

" Sige sige. Una ka na susunod ako." sabi ko. Tumango na siya and walked outside the house.

" Are you going home already ninong?" tanong ni Liam

" Yes. I have to kase it's getting late na din. But I'll be back naman tomorrow. Okay?" sabi ko. Ngumiti siya saka tumango sa akin.

" Happy Birthday, Liam. I'll see you tomorrow ha?"

" See you tomorrow, ninong!" aniya at yumakap pa ulit sa akin.

Nagpaalam na rin ako kay Tita Donna and was about to say goodbye to Maddie nang mapansin kong wala siya sa bahay. Kanina lang andito yun ah.

" Tita si Maddie po?" tanong ko

" Wag mo na hanapin, Ivan. Kapag kasama nun si Zolo kung saan-saan na yun nakakarating."

" Ah ganun po ba. Oh sige po pakisabi na lang po na nauna na kami. I'll be back tomorrow." sabi ko. Tumango siya and kissed my cheek saka na ako lumabas at sumakay sa kotse ni Tri.

" Hanep sa tagal ah. Nag-iyakan pa ba kayong mag-ninong ha?" asar ni Tri nang makaandar na kami.

" Gago. Syempre nagpaalam ako ng maayos sa bata. Pati na rin kay tita." sagot ko.

" Alam mo, masama talaga kutob ko sa Groot na yun eh."

" Bukod sa mukha siyang rapist, ano pang ikinasama ng kutob mo bro?"

" Parang aagawin niya si Maddie kay Liam eh. Tss."

Continue Reading

You'll Also Like

903K 20.7K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
929 69 11
Zhyra Potter, a talented young witch and the sister of the infamous James Potter, finds herself caught in a web of secrets and mysteries during her t...
541K 8.4K 85
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
12K 648 53
what if binalikan ka ng taong iniwan ka noon. Magagawa mo pa rin bang bigyan sya ng pagkakataon para sa ikasasaya ng puso mo dahil alam mo sa sarilin...