L A T C H E D (NGS #4 Ineryss...

By Ineryss

6.3M 185K 72.6K

The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla... More

Latched
P R O L O G U E
1st Latched
2nd Latched
3rd Latched
4th Latched
5th Latched
7th Latched
8th Latched
9th Latched
10th Latched
11th Latched
12th Latched
13th Latched
14th Latched
15th Latched
16th Latched
17th Latched
18th Latched
19th Latched
20th Latched
21st Latched
22nd Latched
23rd Latched
24th Latched
25th Latched
26th Latched
27th Latched
28th Latched
29th Latched
30th Latched
31st Latched
32nd Latched
33rd Latched
34th Latched
35th Latched
36th Latched.
37th Latched
38th Latched
39th Latched
40th Latched
41st Latched
42nd Latched
43rd Latched
44th Latched
45th Latched
46th Latched
47th Latched
48th Latched
49th Latched
50th Latched
51st Latched
52nd Latched
53rd Latched
54th Latched
55th Latched
Untold Part
Untold Part
E P I L O G U E

6th Latched

86.2K 2.6K 2.3K
By Ineryss

Latched

Loyal

Pagkagising ko, panibagong viral photo na naman ang kumalat sa internet. Hindi ko na muna chineck ang text ni Cholo at tiningnan kung ba't trending na naman ang #SpoiledKeyla. I am known for a bratty model, doon nila ako binansagan pero nakakagulat at may pa spoiled na naman. May pinagkaiba ba sa kanila ang dalawa?

Kalat na kalat sa twitter ang picture kong umiinom ng softdrink at sa gilid ko naman ay ang napaka guwapong si Kaizen, nakanguso habang tinitingnan akong umiinom.

So, anong meron? Who captured this?

Nagbasa ako ng random comments.

Aww... Leave Keyla's diet alone! Ayaw ni Kaizen na magutom ang baby niya.

Kaizen is so sweet! Ayaw niyang ginugutom ang girlfriend!

Kaizen for the win! Ganyan nga. H'wag mong gutumin ang girlfriend mo. No to diets!

Fuck off! Tantanan niyo si Keyla. Ayaw ni Kaizen na magutom ang babygirl niya.

Noon naiinis rin ako kay Keyla for being so bratty pero ang cute ni Kaizen! Isa narin siya sa lumalabag ng rules just to feed his girlfriend.

Spoiled si Keyla sa boyfriend niya. Ayaw ni Kaizen na magutom si Keyla.

I love you Kaizen! Ang sweet mong boyfriend!

Keyzen for the win!

Napangisi ako sa mga nabasa ko. Anong meron at nagkakagulo sila sa pag-inom ko ng softdrink? At trending rin iyong model ng Sweet Collection kaya nangalkal pa ako hanggang sa may nakita akong pinost na picture na umani ng maraming hate comments.

"While we're having our strict diet as a model, there's a bratty who's drinking her soda and disrespecting our rules when it comes to strict diet. #FakeModel"

Iyon ang caption ng picture na nakainom ako ng softdrink habang pinapanood ako ni Kaizen na nakapameywang at nakanguso.

Humagalpak ako habang nagbabasa ng mga comments na puro bash.

Inggit ka lang dahil wala kang Kaizen na bibilhan ka ng softdrink!

Immature mo! So what kung hindi magdiet si Keyla ikaw ba tataba? Inggetera!

Inggit ka lang eh kasi may Kaizen si Keyla.

#InggitKaLang! Spoiled girlfriend si Keyla at ayaw ni Kaizen na magutom ang girlfriend niya.

Inggetera to kulang sa aruga papansin.

Pero pag siya binilhan ni Kaizen ng softdrink baka nga makalimutan mo rin yang diet mo kaya wag kami girl. Inggit ka lang kasi wala kang Kaizen.

Bahala nang manaba basta si Kaizen ang nagpapakain sakin.

Sumakit ang tiyan ko kakatawa sa kanilang mga comments. Imbes na ako ang mabash ay nabaliktad pa at siya itong nabash. Now, I guess no one can ruin me because of Kaizen. I am a spoiled girlfriend huh...

Binasa ko ang text ni Cholo. Tungkol rin pala iyon sa issue.

Cholo:

Baka pag nalaman nilang strict rin ako sa diet mo ay ibash narin ako. Kaizen's fans are crazy but I love it.

Pumasok akong muli sa kompanya ng Sweet Collection para sa panibagong photo shoot. Nabalitaan ko pang pinapagalitan iyong mga model na nagpaparinig sa akin sa social media kaya nabash. Mukhang may matatanggalan ng trabaho ah? Good bye career.

Napansin ko pa ang talim ng kanilang tingin noong lumabas sila sa office kung saan sila pinagalitan. Inosente akong ngumiti at nagpanggap na walang alam sa lahat-lahat, ignoring their presence.

Naging madali sa akin ang lahat sa mga sumunod na araw kahit na sobrang busy na sa photo shoots at kung ano-ano pa lalo na't maglalabas pala sila ng new clothes so rarampa na naman sa runway. Kaizen is always with me dahil tinitext ko rin siyang papuntahin sa bawat shoots ko at halos hindi humupa-hupa ang trending na si Kaizen mismo ang nakakagawa. Ilang araw na kaming trending lagi at na-feature na rin kaming dalawa sa isang balita.

"Ang isang modelo na anak ng nagretirong si Lucille Rocales at ang kapatid ng isa sa mga sikat na aktres ngayon na si Kaedy ay pinapasabog ang social media dahil sa kanyang boyfriend na nagngangalang Kaizen. Nagviral ang video ni Keyla nang inanunsyo niya pagkatapos niyang malink sa ka loveteam ni Kaedy na si Raiden Chavez na may boyfriend ito at hinalikan ito sa harap ng mga reporters! Heto at panoorin natin..."

Nagplay agad iyong viral video ko kung saan ko inanunsyo ko na boyfriend ko nga si Kaizen at hinalikan ko pa talaga ito.

"Pagkatapos ng viral video ng modelong si Keyla ay nagkagulo na ang mga netizens sa social media dahil sa kanilang chemistry. Sunod-sunod na ang pag trending ng dalawa sa twitter at isa ngayon sa hottest loveteam." Ngumiti pa iyong showbiz reporter.

Pinakita sa screen ang mga upload photos ko sa IG na palaging trending lalo na ang mga solo pictures ni Kaizen na pinupuri talaga ang kaguwapuhan pati na iyong mga #KeyZen.

"Ngayon ay ang malaking tanong ng mga netizens ay kung papasukin ba ni Kaizen ang mundo ng showbiz o mananatili lang bilang supportive boyfriend sa girlfriend niyang modelo. Pero ang sigaw ngayon ng mga nababaliw sa loveteam nila ay 'Sana lahat may Kaizen' at 'How to be you, Keyla?'"

Napapalakpak si Cholo sa aking tabi na kasama kong pinanood iyong balita sa youtube. Million views agad iyon at trending pa na nasa ikatatlong spot.

"See? Ito ang sinasabi ko sa'yo Keyla... If you keep Kaizen on your side, fame will follow you!" si Cholo na malawak na ang ngisi.

Nagkibit ako ng ngumisi. I am enjoying the fame... The popularity and our loveteam. Baka pag nagshowbiz ako ay matakpan namin ni Kaizen ang loveteam ni Kaedy at Raiden. But acting is really not my taste. Kontento na ako sa pagmomodel.

Kaizen isn't active on his social media kaya mas dumarami ang followers ko dahil ako lamang ang nag-uupdate tungkol kay Kaizen. I already reach 200k followers on IG dahil sa kanya. Ang puro bukambibig ng mga fans ay more pictures pa at videos naming dalawa ni Kaizen. Sa isang araw isang beses lang rin naman ako magpost kaya mas lalo silang nabibitin at naghahangad pa ng marami.

Naging busy si Kaizen sa school lalo na't malapit na ang kanilang graduation kaya hindi ko na rin muna pinapapunta sa mga photo shoots ko. Tuwing gabi ay nagtetext naman kami at may mga araw rin namang nagkikita kami dahil kailangan ko ring mag-upload ng pictures naming dalawa to feed our supporters.

Busy ako sa panonood ng mga fashion show sa youtube nang magbeep ang aking cellphone. Nakasandal lamang ako sa beadboard ng aking kama habang nasa lap naman ang laptop at sa gilid ay isang bowl ng cookies. Cholo will kill me for this pero may boxing naman ako bukas for my workout so whatever.

Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang screen noon.

Kaizen:

May gagawin ka bukas? Photo shoot mo?

Nagtipa ako.

Ako:

Wala but we're going to meet someone. May panibagong offer ata sabi ni Cholo at may workout ako early in the morning and I have a guesting tomorrow. Iyong morning cooking show ni Angelica Garcia.

Ito ang first time kong magkaka guesting sa TV. And I think I'm going to have another new endorsement, too. Ang rami-rami nang products ang nag-ooffer sa akin ngayon na iendorse ko at magiging sponsor ko sila sa bawat projects ko. I'm sure rarami pa ang guesting ko sa susunod na mga araw. Ewan ko kung ano nang pinaggagawa ni Cholo sa bawat sched ko lalo na't kinukuha niya rin talaga lahat ng magagandang offer sa akin.

Nagreply si Kaizen.

Kaizen:

Pwede akong manood?

Ako:

Yeah, of course... I need you there para mapalabas nating supportive boyfriend ka
;)

Kaizen:

Sige, Keyla.

Hindi na ako nagreply pa at nagpatuloy ulit sa panonood nang magbeep ulit ang cellphone ko at galing kay Kaizen. Binasa ko iyon.

Kaizen:

May sasabihin sana ako.

Dinampot ko iyon at nagtipa.

Ako:

Call me. Tinatamad na akong magtext.

Ilang sandali lamang ay nagring na agad a
Lng aking cellphone. Sinagot ko iyon.

"Yes?" I said softly.

Ilang sigundo siyang tahimik sa kabilang linya pero may naririnig akong tumatawa.

"Anong gagawin natin bukas?" he said on a low baritone voice.

"I am so happy for you!" May kung sinong sumigaw noon at humagalpak agad, sumisingit sa aming usapan.

Tumawa rin si Kaizen. "Shut-up."

Who's that? Akala ko ba babae ang kapatid niya? Tunog lalake 'yon.

"Sabihin mo na! H'wag kanang mahiyang magtanong!" Sumisigaw iyong lalake, tila hinahabol siya lalo na't naririnig ko ang hininga ni Kaizen na parang tumatakbo.

"H'wag kang magulo!" si Kaizen na tila natatawa rin.

Kunot-noo ko silang pinakinggan. Humagalpak na iyong kausap niya.

"Takot ka lang ipakilala sa amin eh! Selo- Ouch!" Humagalpak ito lalo.

Ngumuso ako at nagbrowse muna sa youtube ng panibagong mapapanood. Naghahabulan ba sila?

Bumuntong siya ng hininga sa kabilang linya kaya tumigil ako sa pagba-browse.

"Keyla," seryoso niyang tawag.

Kumurap ako, medyo nakakaramdam ng kaba sa kanyang pagtawag sa pangalan ko.

"Hmm?"

Suminghap siya. Nakikita ko siya sa aking isipan, kagat-kagat ang pang-ibabang labi o di kaya ay pinaglalaruan ang lip piercing ng kanyang dila.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Pwede ba kitang..." Huminga siyang muli.

"Pwedeng ano?"

Tahimik na ang background at mukhang natakasan niya na iyong maingay kanina. Ngayon naman ay rinig na rinig ang kanyang paghinga, tila kinakabahan.

"Pwede ba kitang dalhin dito sa bahay?" he whispered.

Napakurap ako roon. Napaawang ang aking bibig at hindi alam ang isasagot. Don't tell me he's going to...

"Pero kung ayaw mo pwede rin. Gusto lang sana kitang ipakilala sa pamilya ko."

Oh...

He's going to introduce me to his family? Seriously, Kaizen? Ganoon ka ka gentleman kahit na hindi naman talaga totoong tayo?

"Kaizen we're not real couples-"

"Alam ko... Gusto ko lang na makilala ka nila, Keyla," putol niya sa seryosong boses.

Ngumuso ako. I'm not sure if his parents are going to like me since sa rami-rami kong issue noon imposibleng walang nakarating sa kanilang pangit na balita 'di ba?

"I'm not sure..." Lumunok ako, biglang kinakabahan sa balak niya.

He sighed. "Okay lang rin kung ayaw mo."

Kinagat ko ang aking labi at bigla nang nakonsensya sa kanyang boses.

"Ano pumayag? I told you to follow my advice! Iprank mo na nalason ka para magmadaling pumunta rito sa bahay-"

"Nasa kabilang linya pa siya!" putol ni Kaizen.

"Ah... Edi change plan. Let's prank her you collapse!"

Nalaglag ang aking panga. Humagalpak naman ng tawa iyong kausap niya at hindi ko alam kung ba't rin ako natatawa na ewan. What did I just heard? Hindi niya ba alam na useless rin iyon since I'm listening?

"Keyla," tawag muli ni Kaizen. "Pasensya na. Ang kulit ng kapatid ko," aniya at tahimik na ulit ang background.

"It's okay. Uh... Dinner ba?"

Rinig na rinig ko ang kanyang singhap. Nakikita ko tuloy ang hitsura niyang gulat na gulat sa pagpayag ko.

"Talaga? Pumapayag ka?"

Tumango ako. "Yup... And I want to meet your Mom since isa siyang model 'di ba?"

"Oo noon."

"Okay! Just tell me when..."

"Sige..."

Okay narin naman iyon dahil mas makukumbinsi ang mga fans na close rin ako sa side ni Kaizen. And Mom's birthday is next week! I know she's planning to throw a grand party in our mansion at maraming imbitadong mga artista. Our relationship is public so iimbitahan ko rin talaga si Kaizen lalo na't naroon rin si Raiden for sure. I'm going to introduce her to my Mom, too.

Namatay rin naman ang tawag. Nagpop out ang text ni Kaizen.

Kaizen:

Goodnight Keyla :)

Nagtipa muna ako ng text para kay Raiden bago siya replayan.

Ako:

I have another contract tomorrow. Goodnight!

Nagulat ako noong bigla nalang nagpop-out ang kanyang reply. Halos mapaupo pa ako ng maayos at binasa agad iyon.

Raiden:

I'll call, Keyla.

Nalaglag ang aking panga roon, kumabog agad ang aking puso sa excitement hanggang sa nagring na nga.

"Hey! I miss you..." bungad ko agad.

"Miss you too..." he chukled. "Babe... I have a question."

"Mm ano 'yon?"

"I watched the news about you and your fake boyfriend. Balak niyang mag-artista?" He sounds so curious.

"He's focus on his studies, Raiden. At kung mag-aartista siya, wala siyang makakaloveteam dahil wala rin akong balak mag-artista," paliwanag ko na ikinabuntong niya ng hininga.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang. I'm just curious. And it's better if he stay on his line. I really have a bad feeling about him. Nayayabangan talaga ako," inis niyang sabi.

"You're just jealous!" Tumawa ako sa kanyang sinabi.

Natahimik siya sa kabilang linya kaya unti-unti ring napawi ang aking ngisi. Sa sobrang busy ni Raiden sa mga nagdaang araw, hindi ko narin namamalayang nasasanay na pala akong hindi kami nag-uusap. Nasasanay na ako sa set-up namin and it's scary. What if magising nalang ako na...

"Hey... I missed you," bulong ni Raiden sa paos na boses.

Napangiti ako roon. "I miss you too. Alam mo namang suportado ko kayo ni Kaedy since I love you both and I really understand if you don't have time for me, Raiden," sabi ko.

"We can meet right now, you know..."

"Huh?" Tumawa ako. "We'll stir up some rumor again babe-"

"Namimiss na kita, Keyla. Come on... Pagbigyan mo ako kahit ngayon lang," he muttered on a raspy voice.

Sa tono ng pananalita ni Raiden, alam ko agad kung ano ang gusto niya dahil hindi lang ito ang unang beses na napag-usapan namin ang ganitong bagay.

"I'll use some protection, Keyla and I'm expert so you don't have to worry about it..." Mas naging paos na ang kanyang boses.

Kinagat ko ang aking labi.

"I am not yet ready for this... Alam mo naman 'yon 'di ba-"

"Tss... Ano? Nahuhulog kana roon sa fake boyfriend mo? Totoo na ang relasyon niyo?"

Nalaglag agad ang aking panga sa paratang niya sa akin.

"Alam mong ikaw lang ang mahal ko, Raiden. I don't love him at walang namamagitang espesyal sa aming dalawa. I am just using him to kill our issue. Iyon lang," giit ko.

"Tsss... Eh ba't ayaw mo? Kung ako lang naman pala, ba't ayaw mo?"

Bigla na akong nafrustrate sa sobrang tabang ng kanyang boses. Pumapaibabaw ang iritasyon sa kanyang boses, na galit na ito sa mga sagot ko sa kanya.

"Napag-usapan na natin ito, Raiden-"

"May pangangailangan akong kailangan mong tugunan bilang girlfriend ko, Keyla. Kung hindi mo naman pala iyon matutugunan, ano pang silbi mo bilang girlfriend ko?" galit niyang bigkas.

Nanlumo agad ako roon. Bigla akong nadisappoint sa term na ginagamit niya. Parang lumalabas na iyon ang pinakaimportante sa relasyon. Tumahimik ako habang sumasambit siya ng mura.

"Just forget it." Pinatay niya ang tawag na ikinaloosen ng aking balikat.

Tiningnan ko ang screen at wala na nga ang tawag. Nakaramdam na ako ng lungkot habang nagtitipa ako ng mensahe para sa kanya.

Ako:

Let's do it when the right time comes, Raiden. :(

Hindi na siya nagreply sa akin. Ang bigat-bigat ng aking pakiramdam dahil sa kanyang galit. Noong unang beses ko siyang tinanggihan ay hindi naman siya nagalit. He even kissed my forehead to told me he can wait. O baka naman aburido lang ang kanyang utak dahil narin subsob na sa trabaho?

But I can't just give into him so easily. Kung hindi siya makakapaghintay, pwes hindi ko iyon pwedeng ibigay agad. Mahal ko siya pero hindi pa talaga ako handa at ayaw ko pa sa bagay na iyon.

Early in the morning, napansin ko ang pamumugto ng mga mata ni Kaedy. Kung may alam lang talaga ako sa lovelife niya iisipin kong nag-away sila ng boyfriend niya but I know she doesn't have a boyfriend since focus din siya sa career niya.

"What happened to your eyes?" tanong ko at tinabihan siya sa breakfast.

Nagulat siya, hindi inaasahang maaga akong gumising.

"May workout ako ngayon eh that's why maaga akong gumising," sabi ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig.

"Ah... Ganoon ba. Um, napasobra lang ang iyak ko kahapon sa taping..." paliwanag niya.

"You're really a great actress... How I wish kaya ko ring pekein ang luha ko," sabi ko habang kumukuha ng bacon at inilagay iyon sa aking plato.

Kaedy just smiled at nagsimulang sumubo. Sumimangot naman ako nang maalala ang away namin kagab ni Raiden.

"Nag-away kami ni Raiden kagabi," sabi ko na ikinaubo niya.

Mabilis siyang uminom ng tubig. Hinaplos ko agad ang kanyang likod.

"You okay?"

Tumango siya, tila nakakabawi na sa pagkakasamid.

"Nagkita kayo?" tanong niya.

Umiling ako at ibinalik ang tingin sa aking plato. Kumuha ako ng fried egg at inilagay rin iyon doon.

"He called me at nag-away..."

"Tinawagan ka niya?"

Tumango akong muli. "Oo. Nagyayaya siyang makipagkita kaso hindi ako pumayag since mainit ang mga mata sa akin ngayon ng media. Nag-iingat lang ako na hindi maulit ulit ang issue." Sumubo ako ng pagkain.

"B-Bakit raw siya makikipagkita?"

Ngumuso ako. I'm not sure if Kaedy is open-minded or what. Masyado rin kasi siyang reserve tingnan and I'm not sure if she will like those kinds of topic since hindi pa siyang experience sa lalake unlike me na marami nang naexplore dahil kay Raiden.

"Couple thing... And he got mad maybe dahil pagod rin," sabi ko nalang, kaysa masira ang tingin niya kay Raiden.

"Buti naman at hindi ka lumabas, Keyla... Proud ako sa'yo dahil marunong kanang mag-isip ng tama," aniya.

I smiled and glance at her. Nakalugay na ang kanyang buhok at nakasuot parin ng pantulog.

"Ayoko lang na madamay na naman kayo. Mom will get mad at me again..." sabi ko.

Nilingon niya narin ako. Sumubo rin ako ng pagkain.

"Si... Si Kaizen ba nagbabalak mag-artista? Napanood ko iyong news eh. Baka gusto niya, Keyla. I'm sure Mom will help him..."

Uminom ako ng tubig saka siya binalingan. Nag-iwas naman siya ng tingin at sumubo.

"Walang balak si Kaizen na pumasok ng showbiz eh. And I am not an actress, Kaedy. Wala siyang magiging kalove team na artista..." sabi ko.

"He can work with different actresses, Keyla. Ayaw mo noon, sisikat siya lalo."

Nagkibit ako. "Kaizen is focus on his studies. Iyon ang priority niya ngayon."

"Malay mo after he graduates..."

Umiling pa rin ako. "I won't allow it. Hindi ako papayag."

Kumurap siya, tumitig na sa akin.

"Keyla, you can't just stop him if that's what he wants. Stop being a brat. Dapat hindi mo pinapakialaman ang desisyon ng ibang tao," sabi niya sa mahinahong boses.

Tumawa ako at umiling.

"Pumayag man ako, sigurado akong wala rin siyang balak, Kaedy."

"Malay mo... magbago ang isip niya."

"Believe me... He's loyal on his priorities. Hindi siya madaling matukso," sabi ko sa siguradong boses.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. It made her shut-up for a minute. Sumubo akong muli. Sa mga araw na kasama ko si Kaizen, hindi basta basta nababali ang kanyang desisyon. Palagi niyang tinatanggihan ang offer sa kanya at ang palaging sinasagot ay wala siyang oras sa ganoong bagay o focus siya sa pag-aaral niya. Hindi siya agad natutukso kahit na hainan man siya ng magandang offer. He's just so loyal with his priorities.

"Dumadami na 'yong followers mo sa IG dahil sa kanya at pansin ko nababawasan na ang bashers mo," ani Kaedy nang matahimik ako.

"Oo nga... All thanks to my chemistry with Kaizen. They love us."

Ngumiti siya sa akin.

"Maswerte ang magiging girlfriend niya..."

I agree with her. Kaizen is really a boyfriend material. The way niya rin ako itrato.

"You mean maswerte ako?" Pabiro akong tumawa.

Tumawa rin siya. "Di ka naman totoo niyang girlfriend..."

"Yeah... Pero kung hindi ko boyfriend si Raiden siguro ay totohanin ko nalang ang sa amin ni Kaizen." Nagkibit ako at sumubong muli.

Hindi naman nakasagot agad si Kaedy at tahimik naring sumubo.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.1M 113K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...
5.5M 134K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
4M 117K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...