Phoenix Series #5: My Fight F...

By RosasVhiie

2.8M 80.7K 10.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rive... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 35

75.9K 1.8K 258
By RosasVhiie

CHAPTER 35

NAABUTAN KO si Jastin sa salas na ginugulo ng mga kasamahan namin. Napangiti ako at napailing nang makitang ginugulo ni Clyde, Edsel at Rein ang buhok ni Jastin at ang binata ay inis na sinasaway ang mga ito.

Kahit naiinis si Jastin ay alam kong masaya ito dahil naririto ang mga kaibigan namin.

Napalingon ako kay Prince nang makitang pinaalis nito si Ethan at Ryder na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. Sumunod naman ang dalawa at sabay na nagkatinginan nang humiga si Prince sa sofa.

Napailing si Ethan.

"Sa lahat ba naman kasi ng puwedeng maging hobby, ang pagtulog pa ang napili." Anito at namulsa. "Pinupuyat ka ba ng kapat-" Naputol ang sasabihin ni Ethan nang bigla itong binato ng throw pillow ni Prince at muling pumikit para matulog.

Napailing ako. Katulad ni Ethan ay napapansin kong mahilig talagang matulog ni Prince. Natutulog ito kapag may pagkakataon. Minsan ay wala itong pakialam kahit maingay sa paligid nito. Nabibilib pa nga ako minsan dahil sa isang pikit lang nito ay tulog na agad.

I look at Ryder who just shrugged his shoulders. Naglakad ito patungo sa pang isahang sofa at salubong ang mga kilay nito habang panay ang tingin sa cellphone na tila ba may hinihintay itong tawag mula doon.

Buong araw ay nagmistulang palengke ang kabuuan ng bahay dahil sa kaingayan ng mga Phoenix. Parang may rambulan na naganap dahil nagkalat ang mga throwing pillows dahil sa kakulitan ng mga ito. Panay din ang pambubuwesit nila kay Jastin na ikinailing ko na lang. Minsan lang kaming magsama-sama at hindi pa kumpleto kaya sinulit ng lahat ang buong araw.

Nagkanya-kanya kami nina Sharmaine, Princess at Amber. Hinayaan namin ang mga kalalakihan na nagbibiruan sa salas.

"Sinabi mo na ba?" Pabulong na tanong ni Sharmaine.

Tinignan ko ito.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Na nilibing mo ng buhay si Minerva." Anito.

Umiling ako at ngumiti.

"Kahit naman sabihin ko, walang pakialam si Jastin." Sambit ko.

Bumaba ang tingin nito sa tiyan ko.

"Alam na niyang buntis ka?" Tumango ako.

"So, anong plano niya?"

"Sharm, gusto ko munang gumaling siya bago namin pag-usapan ang lahat." Sambit ko at napatingin ako kay Jastin na seryosong nakikipag-usap kay Rein.

Tumingin ito sa akin at nagsalubong ang mga mata namin.

He smiled and he mouthed "I love you." I smiled and mouthed back "I love you, too."

"Mukhang okay na kayo pero nakakadiri kayong dalawa." Sharmaine rolled her eyes.

Tinalikuran ako nito at tumabi kay Princess at Amber. Napailing na lang ako at ngumiti. Napaka-bitter talaga ng babaeng 'yon.

Ilang sandali lang ay nagpaalam na ang lahat para umuwi pabalik ng Maynila. Gusto lang talaga nilang bisitahin at kumustahin si Jastin kaya personal na pumunta ang mga ito para sa kaibigan. Umuwi ang lahat maliban kay Rein na magpapaiwan dahil aasikasuhin nito si Jastin para sa mas mabilis na paggaling nito.

Tumahimik ang bahay nang makaalis ang lahat. At si Rein ay hinayaan kong asikasuhin ang mga dapat gawin ni Jastin para tuluyan na itong makalakad ulit.

Rein stayed here in Tagaytay for a couple of weeks. Araw-araw ay nakikita ko ang improvement sa kalagayan ni Jastin. Paunti-unti ay nakakalakad na ito. Hindi na ito masyadong nakaupo sa wheelchair nito. Konti na lang ay maibabalik na nito sa normal ang lahat.

"Thank you for staying here for Jastin, Rein." Inabot ko kay Rein ang isang tasang kape habang nagmumuni-muni ito sa balkonahe ng bahay.

Nagpasalamat ito at ngumiti.

"Para sa kaibigan ko." Anito at sumimsim ng kape. "At utos na rin ni James na tutukan ko si Jastin." Patuloy nito.

"I haven't talk to him yet. Especially about Jas-"

"He'll forgive Jastin soon, Krystal. Knowing James, hindi niya tayo matitiis. He have reasons why he don't talk to Jastin." Agaw nito sa sasabihin ko.

I sighed.

"It's already proven that Jastin didn't kill my baby." I murmured.

Tumingin si Rein sa akin at tumango.

"Alam ni Phyton ang bagay na iyon. He just can't accept the fact that Jastin hurt you, both emotionally and physically. You know James, one of his rules is not to hurt any woman in a physical way. Though he's aware that he hurt a woman before because of his wife. Because of Princess." Anito at muling sumimsim ng kape.

Naiintindihan ko si James. Nalulungkot lang ako para kay Jastin dahil kahit alam kong hindi nito pinapahalata ay apektado ito dahil hindi ito kinakausap ni James. Pero tama si Rein, hindi matitiis ni James ang isa sa amin. He maybe a strict leader pero si James ang may pinakamalambot na puso sa aming lahat.

"Uuwi ka na bukas, hindi ba? Baka sasabay na rin kami ni Jastin sa'yo at-"

Natigil ako nang tumunog ang cellphone nito. Kunot noong sinagot ni Rein ang tawag at bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito nang marinig kung anuman ang sinabi ng caller.

"I have to go back to Manila." Anito at nagmadaling lumabas ng bahay.

Hinabol ko ito.

"T-Teka, may nangyari ba?" Nagtatakang tanong ko.

Lumingon ito sa akin.

"Sharmaine is in the hospital now." Tiim ang bagang na tugon nito. "Ang tigas ng ulo. Alam niyang bawal siya sa seafoods pero kinain pa rin." May galit sa boses nito pero mas lamang ang pag-alala sa boses na tila ayaw lang ipahalata sa akin.

Tumango ako.

"Take care of your way home, Rein. Huwag masyadong mabilis. You know Sharm, she's brave. Sharmaine will survive so don't worry."

"I'm not worried. She's my responsibility because I am her brother but I'm not worried." Kaagad na depensa nito.

Napangiwi ako. What's wrong with these two people? Parehong tinatanggi ang mga totoong nararamdaman.

"If you say so." Nginitian ko lang ito.

Tinignan ko lang ito na halos paliparin ang sasakyan papalayo sa akin.

"Not worried, huh?" Napailing ako.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusina. Nakaramdam ako ng gutom kaya naghanap ako ng makakain doon.

Bahagya pa akong napapitlag nang may yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako at napapikit. That smell. Gustong-gusto ko talaga ang amoy nito.

Nagmulat ako ng mga mata at pumihit paharap sa binata. At sa pagharap ko ay bigla nitong sinakop ng halik ang mga labi ko.

Napaungol ako nang kagatin nito ang ibabang labi ko na tila ba sabik na sabik at gigil na gigil ito sa akin.

Hinapit ako nito sa beywang at nag-umpisang maglakad dahilan para paatras akong naglalakad habang magkadikit ang katawan naming dalawa at hindi naghihiwalay ang mga labi.

Naramdaman ko ang pagtama ng puwet ko sa island counter. Mas idiniin nito ang sarili sa katawan ko dahilan para maramdaman ko ang matigas at namumukol na pagkalalaki nito sa puson ko.

Nangunyapit ako sa batok nito at mas mapusok ako nitong hinalikan.

Sandali nitong iniwan ang labi ko at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Mahal na mahal kita." Anas nito.

Nanayo ang mga balahibo ko at tila maraming paru-paro ang nagsisiliparan sa loob ng tiyan ko. Kakaiba ang epekto ng mga katagang iyon mula kay Jastin.

Malamlam ang mga matang sinapo nito ang pisngi ko.

"Narinig mo ba ako? Mahal na mahal kita, Krystal." Anito at ngumiti.

Napalunok ako at tumango. Nakipagtitigan ako dito at kapagkuwan ay nginitian ito. He never failed to say I love you everyday. Pinanindigan nito ang pangako nitong araw-araw nitong sasabihin ang mga katagang iyon.

"Mahal na mahal din kita, Jastin." Mahinang usal ko.

Tumitig ito sa mga labi ko.

"I want to make love to you. I want to punish you when you pleasured me using your mouth. Fuck. You never know how much I want to touch you that time." Paos ang boses na sambit nito.

Napangiti ako at binasa ang ibabang labi. Titig na titig pa rin doon ang binata.

"Do you want me to give you a..." Sinadya kong ibitin ang sasabihin at nang-aakit na kinagat ko ang ibabang labi.

"You're making me horny, baby." He muttered.

Mahina akong natawa.

"Pero hindi pa puwede. Kailangan mong magpalakas pa kahit nakakalakad ka na. Ingatan mo ang sarili at baka magalit si baby." Sambit ko at hinaplos ang buhok nito.

Awtomatiko nitong hinawakan ang tiyan ko.

"How's our baby?" Bigla ay walang kasing lambing ang boses nito.

"Nagugutom na daw siya, Daddy." Tugon ko.

"Anong gustong kainin ni baby?" Anito at hinalik-halikan ang gilid ng labi ko.

"Pancake daw, Daddy. 'Yong maraming syrup." Muling tugon ko.

Jastin chuckled and help me sit on the chair.

"I'll make your pancake, then." He said and kiss me on the lips. "I love you." He murmured.

Napangiti na lang ako at pinanood lang ito habang abala na sa paggawa ng pancake. Nang matapos ito ay talagang sinubuan pa ako nito. Bawat subo nito ng pancake sa akin, kasunod niyon ay ang pagdampi nito ng halik sa mga labi ko.

"Ang tamis." Usal ko.

"Matamis ang pancake o matamis ang labi ko?" Nakangiting tanong nito.

I chuckled.

"Ang tamis ng labi." Tugon ko.

Mahina itong natawa at tila nanggigigil na sinakop na naman ng halik ang mga labi ko. Kanina pa nito pinanggigigilan ang labi ko.

"Sobrang tamis naman dito!" Biglang naghiwalay ang mga labi namin nang marinig ang boses ni grandma.

Nilingon namin ito at nakita kong matamis itong nakangiti sa amin.

"Continue, love birds." Anito at pangiti-ngiting tinalikuran kami.

Nagkatinginan kami ni Jastin at sabay na napailing. Hinawakan ako nito sa kamay at tinulungang makatayo.

Hinila ako nito papasok sa kuwarto nito at doon ay marubdob ako nitong hinalikan. Hindi ito nagsasawa sa labi ko. Panay ang paghaplos nito sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Napatingala ako nang bumaba ang labi nito sa leeg ko. Hinalikan nito iyon at dinilaan. Bahagya nito iyong sinisipsip.

"J-Jas, stop it. Baka hindi tayo makapagpigil. You have to be fully recovered first, okay?" Pigil ko sa binata.

Kahit gustong-gusto ko ng magpa-angkin dito ay kailangan naming magpigil. Kailangan muna nitong magpagaling ng tuluyan.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at kapagkuwan ay hinalikan ako nito sa noo.

"Okay, boss." Anito at niyakap ako ng mahigpit. "Aangkinin kita buong magdamag kapag maayos na ako." Usal nito na ikinailing ko.

"Napaka-horniac mo talaga." Natawa ito sa sinabi ko.

Dinala ako nito sa kama at pareho kaming nahiga. Pinaunan ako nito sa bisig nito habang panay ang halik sa noo at labi ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nagpaalam kay grandma para umuwi ng Maynila. I decided to live with Jastin. Sa bagong condo na binili nito, doon ako nanirahan kasama ito.

"Jas, punta lang akong grocery, ha? May bibilhin lang ako." Paalam ko kay Jastin nang sagutin nito ang tawag ko.

Wala ito sa condo dahil pinatawag ito sa SPIC.

"I'll go with you, baby. Hintayin mo na lang ako diyan sa con-"

"Kaya ko na. Saglit lang naman ako." Sambit ko.

"Okay. Just take care, okay? I love you." Tugon nito mula sa kabilang linya.

"And I love you, too." Nakangiting usal ko bago pinatay ang tawag.

Naghihintay na ang driver sa kotse nang makarating ako sa parking lot. Ayaw ni Jastin na magmaneho ako kaya kumuha ito ng private driver.

Nasa biyahe na kami nang makarinig ako ng putok ng baril. Huminto ang kotse at nanlaki ang mga mata ko nang makitang sumusuka ng dugo ang driver. May tama ito ng baril sa dibdib.

Kaagad akong naalarma at akmang bubuksan ang pinto ng kotse nang may naunang nagbukas niyon.

Isang lalaki ang bumungad sa akin at tinutukan ako ng baril.

"Get out." Utos nito.

Naikuyom ko ang mga kamao. Kung lalaban ako ay hindi lang ako ang mapapahamak kundi pati ang nasa sinapupunan ko.

"Labas!" Sigaw nito.

Nang hindi ako kumilos ay tinakpan nito ng panyo ang ilong ko. Paunti-unti ay dumilim ang paningin ko. At bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin.

Minerva.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

122K 4.9K 62
WARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her...
3.2M 90.1K 41
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#6: Rein Sandoval "I can hear my own hearbeat and it shouts your name." - Rein Sandoval
2M 40.5K 22
Always the princess but never his queen. Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
30.5K 174 6
BOOK 4 - The Alexandros Series [R-18] For violence, sex, graphic information etc. Reader discretion is advised. Status: COMPLETED Synopsis: Sa araw...